You are on page 1of 2

Buod ng El Filibusterismo

Labintatlong taon na matapos ang pagkamatay ni Sisa at Elias.

Isang bapor na nangangalang Bapor Tabo na naglalakbay sa pagitan ng Maynila at


Laguna. Nakasakay ang mag-aalahas na si Simoun, Basillo, at Isagani.

Si Basillo ay nakarating sa San Diego upang dalawin ang yumao niyang ina sa
libingan ng mga Ibarra. Di-inaasahang nagkita niya si Simoun na nakilalang si
Crisostomo Ibarra na ngayon nagkunwari.

Tinangka ni Ibarra na patayin si Basillo ngunit nagdesisyon siya na samahin si


Basillo sa layuning maghiganti sa mga Kastilla. Tinanggihan ng binata nang dahil
nais niyang makatapos sa pag-aaral.

Ang mga mag-aaral na Pilipino ay samantalang naghain sa isang kahilingan na


itatag ang isang Akademiya ng Wikang Kastila ngunit hindi ipinagtibay nang dahil
sa pamamahala ng mga pari.

Nagkita muli si Simoun at Basillo at muling inalok nga magkaisa sa paghimagsik sa


Sta. Clara para agawin si Maria Clara ngunit binawian ng buhay ang dalaga
maghapon.

Samantala, ang mga mag-aaral ay pumunta sa isang salu-salo sa Panciteria


Macanista de Buen Gusto upang magtalumpati laban sa mga pari na hindi
ipinagtibay ang pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastila.

Ang unibersidad, kinabukasan ay natagpuan na may mga paskin na naglalaman ng


paghihimagsik. Dahil dito ay ibinintang ito sa mga nagtalumpati na mag-aaral at
nadamay si Basillo.

Tuluyan ng nilapitan ng kanyang kasintahang si Juli upang ipalaya ang binata.


Pinilit din siya ni Hermana Bali sa kadahilanang ang pari ay nag-iisang maaring
lapitan.
Napawalang-sala ang mga mag-aaral nang kanilang nilakad ng mga kamag-anak
nila maliban kay Basillo na wala siyang kamag-anak.

Nagpakamatay si Juli dahil naisagawa ni Padre Camorra ang panghahalay sa


kanya.

Nagpatuloy si Simoun sa balak niyang paghiganti sa pamamagitan ng


pakikipagsanib niya sa negosyo ni Don Timoeo Pelaez, ang ama ni Juanito, na
ipinagkasundo na ipakasal kay Paulita Gomez, na ang ninong ay ang Kapitan
Heneral.

Nakalaya si Basillo makalipas ng dalawang buwan sa tulong ni Simoun. Tinanggap


ni Basillo ang alok ni Simoun nang dahil sa pangyayaring ito at ang pagkamatay ni
Juli.

Ipinakita ni Simoun ang lamparang granada na itanim niya bilang handog sa kasal
ni Juanito at Paulita na king itataas ang apoy matapos malabo ng dalawampung
minuto ay magpuputok ng malaki bilang senyas na magsisimula na ang
paghihimagsik

Sa araw ng kasal ay nasimula na nila ang plano. Nakita ni Basillo si Isagani na


dating kasintahan ni Paulita Gomez. Ipinagtapat ni Basillo ang plano kay Isagani at
binalaang umalis para hindi na madamay.

Nang iniutos ng Kapitan Heneral na pataasin ang mitsa ng lampara kay Padre
Irene, biglang inagaw ni Isagani at inihagis ang lampara sa ilog.

Nabigo ang balak ni Simoun kaya pumunta siya sa bahay ni Padre Florentino.

Uminom siya ng lason at ipinagtapat niya ang buong katauhan sa pari para hindi
na siya aabuting buhay. Namatay si Simoun pagkatapos nangungumpisal. Itinapon
ni Padre Florentino ang naiwang alahas ni Simoun.

You might also like