You are on page 1of 2

Kababata 4 – kabesang tales

Si tandang selo na umampon nuon sa gubat kay Basilio ay matanda na. Ang anak nitong si Kabesang
Tales ay isa ng Kabesa de Baranggay.May tatlo itong anak sina Lucia, Tano at Juli. Namatay si Lucia at
ang kanyang asawa dahil sa malaria. Sina Tano at Juli na lamang ang buhay.

Yumaman na sila dahil sa tiyaga. Nakisama si Kabesang Tales sa namumuhunan sa bukid at ng makaipon
ng kaunti ay nagbungkal ng lupa sa gubat. Nang maipagtanong na walang may ari sa naturang lupa ay
ginawa niya itong tubuhan.

Inisip din niyang pag aralin na sa kolehiyo si Juli upang mapantay kay Basilio na kasintahan nito.

Nang umunlad ang bukid ay inangkin ito ng mga prayle at pinagbayad ng buwis si Kabesang
Tales.Tinaasan ng tinaasan ng mga pari ang buwis at ng di na kinaya ng Kabesa ay nakipag asunto ito sa
mga prayle

Dinala ni Kabesang Tales sa korte upang maayos ang problema. Ngunit natalo ang Kabesa dahil nasa
ilalim ng impluwensiya ng mga prayle ang gobyerno.

Nang tuluyan ng hindi makabayad ng buwis si Kabesang Tales ay ipinaglaban parin niya ang lupa sa
pamamagitan ng pagbabantay dito.

Sa kanyang pagbabantay ay nagdala siya ng barilna kinumpiska ng prayle. Sumunod ay itak naman ang
kaniyang dinala ngunit ipinagbawal itong muli ng mga pari.Sa huli ay palakol na lamang ang dinala ng
Kabesa sa pagbabantay.

Kalaunan ay dinakip ng mga tulisan si Kabesang Tales dahil may perang nakita sa kanya at
nakakapagbayad ng abogado para sa kaso niya. Ipinatubos naman siya sa halagang 500.

Upang may maipantubos sa ama ay ibinenta ni Julia ang kanyang mga alahas liban sa bigay ng kanyang
nobyo na isang laket na pagmamay ari ni Maria Clara.

Nang di sumapat ang perang pantubos ay namasukan siyang katulong sa tahanan ni Hermana Penchang.

Bisperas noon ng pasko kaya kinabukasan ay maninilbihan na siya bilang isang alila. Dahil sa
pangyayaring ito ay hindi na nakapag aral si Juli.

Masalimuot naman ang naging panaginip ng dalaga ng gabing iyon.


KABANATA 10
KAYAMANAN AT KARALITAAN

You might also like