You are on page 1of 13

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A CALABARZON
SANGAY NG LUNGSOD NG ANTIPOLO

LEARNERS ACTIVITY SHEET IN FILIPINO – Baitang 10


Ikaapat na Markahan – Unang Linggo

Pangalan: ______________________________________ Petsa: ____________________


Guro: __________________________________________ Seksyon: _________________

KASANAYANG PAGKATUTO AT KODA:


 Pagtukoy sa mga kondisyon sa panahong isinulat ang akda F10PB-Iva-b-86
 Pagpapatunay ng pag-iral ng mga kondisyon ito sa kabuuan o ilang bahagi ng akda
 Pagtukoy sa layunin ng may-akda sa pagsulat ng akda F10PB-IVa-b-86
 Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kaligirang pangkasaysayan nito F10PT-Iva-b-82

Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo

Bago pa man bumalik sa sariling bayan si Jose Rizal noong oktubre 1887, marami ng kasawiang
dinanas ang kanyang mga kamag-anakan at kaibigan dahil sa pagkakasulat niya ng Noli Me Tangere.
Nang mga panahong yao’y nagdanas din ng suliranin sa lupa ang mga magsasaka ng Calamba. Ito ay
kanilang inilapit kay Rizal na humingi naman ng tulong ang pagdinig ng kaso ni Rizal ukol sa
pagkakalathala ng tinaguriang “makamandag” na babasahing Noli Me Tangere. Maraming mga tuligsa at
pagbabanta ang tinanggap ni Rizal. Ang kanyang pamilya ay giniyagis din ng maraming mga panggigipit.

Sinimulan ni Rizal ang nobelang El Filibusterismo sa harap ng karanasang ito. Magkakabisa sa kanya
kaipala ang mga sakit sa loob na dinanas niya at ng kanyang pamilya. Bagaman may mga pagpapalagay
na may plano si Rizal para sa ikalawang nobela naiba ito ng mga pangyayaring kinasangkutan niya sa
pagbabalik sa sariling bayan. Tuwiran at di-tuwiran, naapektuhan ito ng wala pang anim na buwang
pagkamalas niya ng mga kasamaang ginagawa ng mga pari, katulad ng “pagpapayaman sa kanilang
mga asyenda, pang-aakit sa mga babae, panggugulo, pagliligpit sa mga kaaway atbp.

Nilisan ni Rizal ang Pilipinas noong Pebrero 3,1888 dahil sa pangamba niyang manganib ang buhay ng
mga mahal sa buhay. Katakut-takot na liham ng mga pagbabanta na karamihan ay walang lagda ang
dumarating kay ipinayo ng gobernador na bumalik siya sa ibang bansa. Ani Rizal sa isang sulat na
ipinadala niya kay Blumentrit habang naglalakbay.

Hindi nagwakas sa paglisan ni Rizal ang suliranin. Ang kanyang pamilya ay inusig. Umakyat ang kaso
sa lupa ng mga Mercado-Rizal hanggang sa kataas-taasang hukuman ng Espanya. Maraming kamag-
anakan niya ang namatay at pinag-usig. May isa pang tinanggihang maipalibing sa libingang Katoliko. Sa
gitna ng mga pag-aalalang ito, ginigiyagis si Rizal ng mga personal at pulitikal na suliranin; nangungulila
siya kay Leonor Rivera at waring walang kasiglahan ang inspirasyong dulot ng paniningalang-pugad kay
Nellie Boustead; sinasagot niya ang kabi-kabilang tuligsang tinatamo ng Noli Me Tangere; namatayan
siya ng dalawang kaibigan at mababa ang pagkilalang iginagawad sa kanya ng mga kasama sa Kilusang
Propaganda. Bukod dito’y dumanas si Rizal ng suliranin sa pananalapi. Naisiwalat ni Rizal ang kanyang
paghihirap sa isang liham na naipadala kay Jose Maria Basa.

Sa kabutihang palad, nang lahat ng pag-asa ni Rizal, dumating ang hindi inaasahang tulong mula kay
Valentin Ventura mula sa Paris. Ipinadala niya ang kabuuang gugol sa pagpapalimbag ng aklat matapos
mabalitaan ang pangangailangan ni Rizal ng salapi.

Natapos limbagin ang aklat noong Seyembre 18, 1891 sa Ghent, Belgium. Inihandog ni Rizal ang
nobela sa alaala ng tatlong paring martir na sina Gomez, Burgos at Zamora.

Ang pagkahandog na ito ng nobela sa GomBurZa ang pangunahing dahilan kung bakit ito ay itinuturing
na nobelang pulitikal. Naglalahad ito ng mga malatalaarawang pagsasalaysay ng mga suliranin ng
sistema ng pamahalaan at mga kaakibat na problema; sa lupa, pamamahala, pamamalakad ng relihiyon
at edukasyon, katiwalian atbp. Tuwiran at di-tuwirang masasalamindin ang mapapait na karanasang
gumiyagis kay Rizal sa ilang mga eksena at yugto ng nobela.

Masagisag at malarawan ang ebolusyon ni Simoun mula kay Crisostomo Ibarra, bagaman hindi
maiiwasang makilala ang mga kapaitan at kabiguan sa paraang hindi maipagkakamali –kasama na pati
ang pangungulila at pag-aasam sa pag-ibig.

1
Sa nobelang ito ipinakilala ni Rizal ang isang pagbabanyuhay niya bilang nobelista.

Karagdagang impormasyon:

Ang nobelang El Filibusterismo ay ang pangalawang nobelang isinulat ni Rizal. Ito ay karugtong na
sequel sa Noli Me Tangere at tulad nito nagdanas siya ng hirap habang isinusulat at nakasulat ito sa
wikang Kastila. Sinimulan niya ang akda noong Oktubre ng 1887 habang nagpapraktis ng medisina sa
Calamba.

Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa plot at pinagbuti niya ang ilang mga
kabanata. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito habang naninirahan sa Paris,
Madrid at Brussel, at nakumpleto niya ito noong Marso 29, 1891 sa Biarritz. Inilathala ito sa taon ring iyon
sa Gent. Nailathala ito noong Setyembre 22, 1891.

Gawain A.
Panuto: Kilalanin ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit sa mga parirala sa
pamamagitan ng pagpili ng sagot sa kahon.

a.hinahabol ng batas f.nakuha


b.kinausap upang mapapayag g. natuwa, nasiyahan
c.dinagsa h.sagabal, hadlang
d.mawala, maalis, matanggal i.panliligaw
e.naging delikado j.umalis

1. Nanganib sa mga prayle E


2. Hinimok na umalis B
3. Lumisan ng Pilipinas J
4. Naaliw sa ganda ng Paris G
5. Balakid sa pagsusulat H
6. Pamilya’y pinag-usig A
7. Paniningalang-pugad I
8. Nasamsam na mga kopya F
9. Giniyagis ng maraming panggigipit C
10.Maiwaksi sa isip D

Gawain B.
Panuto: Lagyan ng tsek ( / ) ang bilang kung ang pangyayari ay tumutukoy sa sa mga kondisyon sa
panahong isinulat ang El Filibusterismo.

1. Nagkaroon ng suliranin sa mga prayle si Kabesang Tales nang kinamkam nila ang lupang
kanyang pinagyaman.

2. Nalagay sa panganib ang pamilya at iba pang mahal sa buhay ni Rizal habang isinusulat niya
ang nobela. /

3. Higit na madali para kay Rizal ang pagsulat ng El Filibusterismo kaysa Noli Me Tangere.

4. Nagpakasal ang kasintahan ni Isagani na si Paulita Gomez kay Juanito Pelaez. /

5. Mas maraming pahina ang tinanggal, nilagyan ng ekis, binura o hindi na isinama ni Rizal sa Noli
kaysa sa mga pahinang hindi niya isinama sa El Fili. /

Napapahalagahan ang napanood na pagpapaliwanag na kaligirang pangkasaysayan ng pagkakasulat ng


El Filibusterismo sa pamamagitan ng pagbubuod nito gamit ang timeline

Matapos mong mabasa ang Kaligirang kasaysayan, panoorin mo naman ang pagpapaliwanag
ukol sa pagkakasulat ng nobelang El Filibusterismo https://youtube.com/watch?
v=pq50R0Rzc0q8c&feature=share (para sa may kakayahan sa internet)

Gabay na tanong: Ano kaya ang mangyayari sa Pilipinas kung hindi nailathala ang nobelang El
Filibusterismo?

2
Gawain C.
Panuto: Ibuod ang kaligirang kasaysayang inyong nabasa o napanood gamit ang timeline sa
ibaba. Isulat sa isang buong papel

Mga naranasan sa
1885-nang binalangkas ni GOMBURZA – buhay ni Dr.Rizal
Rizal ang El
Pebrero 18, 1872 habang isinusulat ang
Filibusterismo
nobela

Setyembre 18, 1891


Marso 29, 1891
F.Meyer Van Loo Printing
Valentin Ventura
Press

Taon ng 1885, Dr. Jose Rizal ay nagsimulang ibalangkas ang ikalawang nobela niya na
mayroong pamagat na “El Filibusterismo” o “Ang Paghahari ng Kasakiman”. Ang nobela na ito
ay kanyang iniaalay ang tatlong pari na sina Gomez, Burgos, at Zamora na mas kilala bilang
GomBurZa na pinaslang noong Pebrero 18, 1872.

Ang mga naranasan ng mga kababayan, pamilya, mag-anak at mismo ni Rizal ay hindi
mabilang sa dami kaya’t may mga binago siya sa lathalang ginawa. Minarapat niya ring lumisan
ng Pilipinas at muling magpunta sa ibang bansa. Habang siya ay nasa ibang bansa, pinapatuloy
niya ang pagsulat hanggang ito ay kanyang matapos noong ika-29 na araw ng Marso, taon ng
1891. Kahit pa ito’y natapos na niya, hindi agad nailathala ito dahil nagkaroon ng aberyang
pinansyal. Nakilala niya si Valentin Ventura at tinulungan sa kanyang suliranin. Ika-18 ng
Setyembre sa parehong taon ay tuluyang nailathala na ang libro ni Rizal sa F. Meyer-Van Loo
Printing Press.

3
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A CALABARZON
SANGAY NG LUNGSOD NG ANTIPOLO
LEARNERS ACTIVITY SHEET IN FILIPINO – Baitang 10
Ikaapat na Markahan – Ikalawang Linggo

Pangalan: ______________________________________ Petsa: ____________________


Guro: __________________________________________ Seksyon: _________________

KASANAYANG PAGKATUTO AT KODA:


 Natutukoy ang papel na ginampanan ng mga tauhan sa akda sa pamamagitan ng: pagtunton sa
mga pangyayari, pagtukoy sa mga tunggaliang naganap, pagtiyak sa tagpuan, pagtukoy sa
wakas
F10PB-Ivb-c-87
 Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang pahayag na ginamit sa binasang kabanata ng
nobela sa pamamagitan ng halimbawa
F10PT-Ivd-e-84

Alam mo ba na...?
Lutang na lutang sa katauhan ni Basilio ang pagkatao ng isang nilalang na biktima ng pagkakataon.
Binuhay ni Dr. Rizal kay Basilio ang isang katangian ng tao na nasisiyahan na sumunod na lamang sa
agos ng buhay upang higit na mapabuti. Magkagayun man, lumutan din sa katauhang Basilio bilang
isang transpormasyong pagkatao dala ng mga kabiguang hindi niya inaasahan.
Kilalanin natin ang pagkatao ni Basilio sa pamamagitan ng pagbasa ng mga bahagi ng kabanata na
naglalarawan sa kanya.

Pagsusuri sa Tauhan ng El Filibusterismo- Si Basilio


(Kabanata 6, 7, 23, 26, 31, 33 at 34)

Nang tumunog ang batingaw para sa Noche Buena ay palihim na nagtungo si Basilio sa gubat.
Inaninag niya ang daan patungo sa libingan ng kanyang ina. Hindi niya nalilimutang pumunta dito taun-
taon. Nagpatuloy siya sa paglakad sa loob ng kagubatan hanggang makarating siya sa isang sirang
moog. Huminto siya sa isang bunton ng bato, nagtanggal ng sumbrero at umusal ng isang panalangin.
Nanumbalik sa kanya ang mga panahong hindi niya malilimutan. Labintatlong taon na ang nakalipas mula
ng mamatay ang kanyang ina. Sa gubat na ito binawian ng buhay ang kanyang ina. May isang lalaking
sugatan ang lumapit sa kanya na nag-utos na manguha ng kahoy na pansiga. Pagbalik niya nakita
niyang bangkay na ang lalaki na nakatabi sa bangkay ng kanyang ina. Isang lalaki pa ang dumating at
tinulungan siyang sunugin ang bangkay ng lalaki at kanyang ina. Matapos iyon ay inabutan siya ng lalaki
ng pera at iniutos na umalis sa lugar na iyon. Naisip ni Basilio na umalis sa lugar na iyon at
makipagsapalaran sa Maynila. Natagpuan niya si Kapitan Tiago at Tiya Isabel na katatapos lamang ihatid
si Maria Clara sa beateryo. Kinuha siya ni Kapt. Tiago bilang utusan na walang bayad. Pinag-aral siya si
Kapt. Tiago sa San Juan de Letran. Pumasok siyang walang maayos na damit, madalas siyang
pagtawanan ng kanyang mga kamag-aral. Ang lahat ng paghihirap ni Basilio ay napawing lahat ng siya
ay makatapos ng pag-aaral. Kumuha siya ng medisina. Lalong nagsumikap si Basilio sa napili niyang
kurso. Pagkatapos ng ikatlong taon ay kumikita na siya. Hinangad niyang bumalik sa bayan at pakasalan
si Huli. Siya ang nahirang na magsalita sa araw ng kanilang pagtatapos. Lahat ay nagnanais na siya ay
mapakinggan at ito na ang simula ng pagbabago ng kanyan kinabukasan. (Kabanata 6 Si Basilio).

Nakahinga si Basilio na wari’y naibsan ng mga pataw na katawan at saka tumugon pagkatapos
ng maikling pananahimik “ Ginoo, ang karangalang ipinagkaloob nyo sa akin sa pagtitiwala ng inyong
mga balak ay lubhang napakalaki upang huwag akong magtapat at sabihin na ang inyong hinihiling sa
akin ay lubhang makakaya ko. “Ako’y hindi pulitiko at nalagdaan an kahilingan sa pagtuturo ng wikang
Kastila ay dahil lamang sa nakikita kong ito ay makatutulong sa aming pag-aaral at wala nang iba pa. Ang
aking landasin ay iba. Ang tanging hangad ko ay mapagaling lamang ang mga maysakit”.
“Hindi po ako humahalukipkip at ako’y gumagawang katulad ng iba upang matindig ang isang lahi
sa pagkadugahi, sa paraang papagkaisahin ang kanyang mamamayan at itanim sa lahat at bawat isa ang
ikabubuti ng lahat. Datapwat maging ano man ang magagawang sigla ng kilusan naming ito ay
naniniwala rin kami na kailangan ang paghahati-hati ng gawain kung kaya’t pinili ko ang aking sariling
gawain at tinungo ko ang karunungan” ( bahagi ng Kabanata 7 Si Simoun)

Naging palaisipan kay Basilio ang dahan-dahang pagkalat ng lason sa buong katawan ni Kapt.
Tiago. Tahimik na nag-aaral si Basilio nang biglang dumating ang mag-aalahas na si Simoun. Kinamusta
niya ang maysakit at pagkatapos ay sinabi niya agad ang kanyang pakay sa binata. Sa kabila ng mabilis

4
na pagtanggi ng binata ay muli niya itong pinakiusapan. Humingi siya ng pabor kung pwede niyang
pamunuan ang isang pulutong upang maghasik ng kaguluhan sa kalakhang Maynila. Ito ang naisip na
paraan ni Simoun upang maitakas mula sa kumbento si Maria Clara. Nagulat si Basilio sa sinabi ni
Smoun kaya’t sinabi niya rito na si Maria Clara ay pumanaw na. Nagulat at nayanig ang mundo ni Simoun
mula sa narinig. Ayaw niyang paniwalaan si Basilio kaya’t ipinakita nito ang sulat ni Padre Salvi. Hindi
maiwasan ni Basilio ang malungkot para kay Simoun. (mula sa Kabanata 23 Isang Bangkay)

Maagang gumising si Basilio para pasyalan sa pagamutan ang kanyang mga pasyente. Bukod
dito ay pupuntahan din niya ang kaibigang si Macaraig upang kunin ang hiniram na pera para makuha
niya na kanyang mga grado. Habang patungo sa pamantasan ang binata ay napansin niya ang grupo ng
mga mag-aaral na pinapalabasn sa loob ng pamantasan. Maingay nilang pinag-uusapan ang mga mag-
aaral na sangkot sa paglulunsad ng himagsikan. Gumapang ang takot sa buong katawan ni Basilio dahil
sa kanyang narinig. Kumalma lamang ang kanyang kalooban nang malaman na walang kinalaman sina
Simoun at Kabesang Tales sa usapin ng himagsikan. Sa paghahanap niya kay Macarai ay nakasalubong
niya ang mga guardia civil. Pinigilan siya sa pagpasok at pinaghintay sa labas ng banay ng kanyang
kaibigan. Paglipas ng ilang sandali ay dumating ang kabo at pati siya ay iimbestigahan. Laking gulat ni
Basilio dahil pati siya ay isinakay sa karwahe at hinatid papunta sa tanggapan ng Gobyerno Sibil. (mula
s Kabanata 26 Ang Paskin)

Nakalaya sa piitan sina Isagani at Makaraig. Si Basilio na lamang an nasa loob ng bilangguan.
May dumating na mataas na kawani at nais nitong palabasin si Basilio sa kulungan. Sinabi niyang mabuti
si Basilio at sa katunayan ay malapit nang matapos sa kursong medisina. Gayunman, lalo lamang
napahamak si Basiliosa sinabi ng kawani. Panay ang tuligsa ng Heneral sa mga sinasabi nito. Sinabihan
ng kawani ang heneral na dapat itong matakot at mahiya sa bayan. Sabi naman ng heneral , sa Espanya
siya may utang na loob dahil sila ang nagbigay kapanyarihan at hindi ang mga Pilipino. Bago lumisan ang
kawani kinabukasan ay nagbitiw umano sa puwesto at babalik na lamang sa Espanya (mula sa
Kabanata 31 Ang Mataas na Kawani)

Nagbao ang mukha ng edukasyon sa San diego dahil sa nangyaring pagpapaskil. Wala na halos
mga magulang ang nagpapaaral ng mga anak. Habang bihira naman ang nakapasa sa mga pagsusulit.
Kabilang sa mga hindi nakapasa sina Macaraig, Juanito Pelaez, Pecson at Tadeo. Natuwa pa si Tadeo
na di nakapasa at sinunog pa ang mga libro nito. Nagmamadali namang nagpunta sa Europa si Macarig
habang si Juanito naman ay kasama ng ama nito sa negosyo. Pinalad namang makapasa sina Isagani at
Sandoval habang wala pang pagsusulit si Basilio dahil nasa piitan pa ito. Nabalitaan ni Basilio ang
nangyari kay Huli at ang nawawalang si Tandang Selo dahil sa kutesrong si Sinong na tanging
dumadalaw kay Basilio. Napabalita ring ikakasal sina Juanito Pelaez at Paulita Gomez. Dahil doon ay
magkakaroon umano ng isang piging na inaabangan ng mga tao roon. Ito ang unang malaking pagtitipon
matapos lumaganap ang takot sa kanilang bayan. (mula sa Kabanata 33 Ang Ibinunga ng Paskin)

Nasa lansangan si Basilio at tumungo sa kaibigang si Isagani upang makituloy. Ngunit wala ang
kaibigan sa bahay nito at maghapon daw na di umuwi. Iniisip ni Basilio ang magaganap na pagsabog.
Ikawalo na ng gabi at kakaunting sandali na lamang ay sasabog na ang lampara. Nakita niyang bumaba
sina Paulita at Juanito sa sasakyan bilang bagong kasal. Nahabag siya para sa kaibigang si Isagani.
Iniisip niyang ayain ito sa himagsikan ngunit naisip niyang di ito papayag dahil wala pa namang pasakit
na nararanasan sa buhay. Naisip din ni Basilio ang ina at kapatid. Kaya hindi na rin siya makapaghintay
sa mangyayaring pagsabog. Dumating na rin si Simoun sa bahay ni Kapt. Tiago kung saan gaganapin
ang piging. Dala nito ang lamparang mayroong pampasabog. Nanumbalik sa alaala ni Basilio ang mga
panahong nasa tahanan siya ni Tiago. Nakita niya kung gaano karangya ang bahay at kagamitan sa
tahanan ni Kapt. Tiago. (mula sa Kabanata 34 Ang Kasal)

Gawain A.
Panuto: Hanapin sa kahon ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa pangungusap. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

1. Laging sumasagi sa isipan ni Basilio ang mga pangyayaring naganap labintatlong taon na ang
nakalipas. BUMABALIK
2. Nagtago siya sa kakahuyan upang iwasan ang mga tulisang naglipana sa loob ng kagubatan
NAGKAKALAT
3. Tumigil si Basilio sa bunton ng mga bato tumahimik at nag ukol ng dasal. TAMBAK
4. Siya ay nahirang na magtalumpati sa araw ng kanyang pagtatapos. NAPILI
5. Tinuligsa ni Simoun ang kahilingan ng mga mag-aaral na magkaroon ng pagtuturo ng wikang Kastila.
KINALABAN

nagkalat napili kinalaban bumabalik tambak

5
Gawain B
Panuto: Bilugan ang mga salitang magkasingkahulugan sa loob ng pangungusap.
1. Ang pag-alipusta sa mga Pilipino sa ibang bansa ay hindi makatarungan kaya’t hindi dapat na
laitin ang kanilang kalagayan.
2. Sa kanyang pagbabalik-aral, nirerepaso niyang mabuti ang mahahalagang detalye upang maging
tiyak sa kanyang sagot sa pagsusulit.
3. Dahil sa kahabag-habag na pamumuhay ng mga tao, nagmistulang kaawa-awa ang kanilang
pinuno sa paghingi ng tulong.
4. Nanggilalas ang mga tao sa kanilang nasaksihan sa palabas kaya nabigla ang mga artista sa
kanilang naging reaksyon.
5. Dahil sa kanyang pagiging bugnutin hindi mo masisisi ang kanyang mga kaibigan na mayamot sa
kanya.
Gawain C.
Panuto: Tukuyin ang papel na ginampanan ng piling tauhan sa buhay ni Basilio sa pamamagitan ng
pagkumpleto sa talahanayan.
Tauhan Pinakamahalagang Pangunahing Tiyak na tagpuan at
pangyayari sa tunggalian na panahon sa kanyang
kanyang buhay kanyang kinaharap buhay
Simoun Ang kaniyang Ang pagkamatay ni San Diego
paghihimagsik Maria Clara na
kanyang iniibig
Kapitan Tiago Ang pagkakaroon Pagkalat ng lason Sa sariling tahanan
niya ng sakit sa kaniyang niya
katawan
Isagani Ang pagpasa sa Ang pagpapakasal Sa paaralan na
kaniyang pagsusulit ng kanyang iniibig kaniyang
sa iba pinapasukan

6
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV- A CALABARZON
Sangay ng Lungsod ng Antipolo

LEARNER’S ACTIVITY SHEET IN FILIPINO


Baitang 10- Ikaapat na Markahan- Ikatlong Linggo

Pangalan ng Mag-aaral: ____________________________________________________


Baitang at Pangkat: __________________________ Petsa: ____________________

KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA:


 Naipapahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga kaugnay ng mga kaisipang namayani
sa akda. F10PN-IVd-e-85
 Nasusuri ang mga kaisipang lutang sa akda ( Diyos, bayan, kapwa, tao, magulang)
F10PB-Ivd-e-88
 Naiuugnay ang kaisipang namayani sa pinanood na bahagi ng binasang akda sa mga kaisipang
namayani sa binasang akda F10PD-IVd-e-83
 Naisusulat ang pagpapaliwanag ng sariling mga paniniwala at pagpapahalaga kaugnay ng mga
kaisipang namayani sa akda. F10PU-IVd-e-87

Alam mo ba na...?
Si Telesforo Juan de Dios o mas kilala bilang Kabesang Tales ay anak ni Tandang Selo at ama ni
Juli.
Ang napakasipag na magsasaka na dating kasama ng mayamang may lupain. Umunlad siya dahil
mahusay niyang ginamit ang kinitang pera. Napili siyang maging Kabesa de Barangay dahil sa
kanyang kasipagan at isang mabuting tao.
Ipinakilala ni Rizal si Kabesang Tales na isang tauhan na may sariling paninindigan at hindi takot
lumaban sapagkat alam niya na tama ang kanyang ginagawa. Si Kabesang Tales ay pinagkaitan sa
lupang kanyang sinasaka dahil sa wala siyang maipakitang titulo ng pagmamay-ari. Naging malupit
ang pamahalaan sa kanya, kinuha ang lupang sinasaka at ibinigay sa iba, ang kanyang anak na
dalaga ay nagpaalila sa isang mayaman upang matubos siya sa pagkakadakip ng mga tulisan. Ang
kanyang anak na lalaki ay pumasok bilang guardia civil at ang kanyang asawa at isang anak ay
namatay dahil sa pagtulong sa kanya sa paghahawan sa bukid. Dahil sa kasawiang sinapit inilagay
niya sa kanyang kamay ang batas at kalaunan ay umanib sa mga tulisan.

Ang kaisipan ay mayroong iba’t-ibang kahulugan depende sa konteksto ng pangungusap at


sa pagkagamit nito. Heto ang mga kasingkahulugan ng salita:
 Ideya
 Pananaw
 Konsepto
 Ideolohiya

Ito ay naglalarawan sa mga nais ibahagi ng isang indibidwal o grupo tungkol sa isang paksa,
gayundin tumutukoy ito sa mga bagay-bagay na masasabi tungkol sa paksang pinag-uusapan.

Samantala, pagdating naman sa mga aklat o kwento, ang “kaisipan” ay maaaring ipaliwanag
bilang ang ideya na gustong ipahiwatig ng awtor. Sa bawat kwentong binabasa, dapat nating intindihin
ang mga nakasaad dahil maaari na magkaroon ng iba’t-ibang kaisipan ang tao sa isang paksa.

Pagsusuri sa Tauhan ng El Filibusterismo- Kabesang Tales


( Kabanata 4, 8, 10)

Ang matandang nangalaga dati kay Basilio ay matanda na, siya ay si Tata Selo. Bumuti na ang
kanilang kalagayan, kaya naman ay gumagawa na lamang siya ng walis bilang libangan. Ang kanyang
na si Telesforo o Tales na dating kasama ng mayamang may lupain matapos magkaroon ng dalawang
kalabaw at makaipo ng sapat na salapi ay nagdesisyong magsarili sa tulong ng kanyang ama, asawa
at mga anak. Nilinis nila ang isang malawak na lupain na sa palagay nila’y walang nagmamay-ari.
Habang hinahawan nila ang lupain ay isa-isang nagkalagnat ang mag-anak. Nauna ang kanyang
asawa, ang kanyang pinakamatandang anak na babae, si Lucia silang dalawa ay kapwa pumanaw.
Matapos makapag-ani sa kanilang unang tanim, isang orden ng mga prayle ang nagsabing sa kanila
ang naturang lupain. Sinabi ng katiwala ng mga orden na dahil sa kabaitan nito ay hahayaan nila si
Tales na hawanin ang lupain sa kundisyong magbabayad siya ng maliit na halagang dalawampu o
tatlumpung piso taun-taon. Palibhasa’y ayaw ng magulong buhay at iniisip na wala siyang alam sa
Kastila at walang pambayad sa abogado ay napilitan siyang sumang-ayon. Naisip din niya na “walang

7
laban ang kanyang palayok sa kawaling bakal. Pinayuhan siya ng kanyang ama na si Tandang Selo na
“magtimpi”, isipin na lamang daw niya na natalo ang tatlumpung piso sa sugal o kaya ay nahulog sa
ilog at kinain ng mga buwaya. Naging masagana ang ani at naibenta niya sa magandang halaga, kaya
naisip niya na magpagawa ng bahay na tabla sa baryo sa bayan ng Tiani na kalapit ng San Diego.
Mabilis na lumipas ang isang taon at muli ay naging masagana ang kanilang ani, subalit dahil sa iba’t
ibang dahilan ay tinaasan ng mga prayle ang buwis at ginawang limampu. Binayaran niya ito at inisip
na lamang na maibebenta niya ang tubo sa mataas na halaga. “Magtimpi” muling payo ni Tandang
Selo, “isipin mo na lang na lumaki na ang buwaya. Natupad ang pangarap ni Tales na makapagtayo ng
bahay. Nangarap siya na pag-aralin ang mga anak sa susunod na taon, lalo na si Juli na kaibigan ni
Basilio na kakikitaan ng katalinuhan. Subalit ang pangarap na iyon ay hindi nagkaroon ng katuparan.
Nang makita ng mga kababayan na bumubuti ang kabuhayan ng pamilya si Tales ay nahirang na
maging tagapaningil ng buwis sa bayan. Nang tumagal upang makaiwas sa di pagkakaunawaan sa
mga prayle at pamahalaang lokal nag-aabono siya mula sa kanyang sariling pera sa mga pangalang
nakatala na lumipat na ng ibang baryo o dili kaya naman ay patay na. Nang umabot na sa dalawang
daan ang buwis sa lupa tumutol na si Kabesang Tales. Sinabihan siya ng tagapangasiwa na kung hindi
makakapagbayad ay ibang tao na lamang ang paglilinangin ng kanyang lupain. Sa galit ni Kabesang
Tales sa mga prayle tumanggi siyang magbayad kahit isang pera at matigas na sinabi na
“ipagkakaloob niya lamang ang kanyang lupain sa sinomang lalaking didilig ng dugo dito.
Pinaalalahanan ni Tandang Selo ang anak na sa mga usapin ay nahuhubaran din ng saplot ang
nananalo na sinagot naman ni Kabesang Tales ng “sa alabok tayo babalik at wala tayong saplot nang
tayo’y isilang”. Ang usapin sa lupa ni Kabesang Tales ay nabalita sa buong Kapuluan na kung saan
ang isang Indio, mangmang at walang alam ay lumalaban sa isang makapangyarihang korporasyon na
niyuyukuan ng ulo ng Katarungan kung saan ay pinabayaan ng Hukom na hindi magpantay ang
timbangan at isinuko ang espada. Ang Gobernador ng lalawigan ay nakipagkita sa kanya para
pagbaguhin ang kanyang isip ngunit sinagot niya ito ng ganito “Gawin na ninyo ang ibig ninyo
Gobernador, ako ay walang pinag-aralan at walang mapagkukunan ngunit pinaghirapan ko ang aking
bukirin. Ang asawa at anak ko ay namatay sa pagtulong sa kin, ibibigay ko lamang ito sa makagagawa
nang higit sa aking ginawa. Bayaan munang diligin niya ito ng dugo at malibing dito ang kanyang
asawa at anak”. Dahil sa tigasng ulo niya, natalo sa usapin si Kabesang Tales pinanigan ng Hukom
ang mga prayle. Binantayan ni Kabesang Tales ang kanyang lupain, nagkarga siya ng baril subalit
kinuha iyon ng alagad ng batas, nagdala siya ng itak at muling gumawa ng panukala na bawal
magdala nito kaya ang pinasan na lamang niya ay ang kanyang palakol. Takot ang nabubuhay sa
dibdib ni Tandang Selo at Juli sa tuwing lalabas ng bahay si Kabesang Tales. Nangyari ang
kinatatakutan nila si Kabesang Tales ay nahulog sa kamay ng mga tulisan at humihingi ng
limangdaang piso bilang tubos sa kanya at nagbanta na papatayin kapag hindi sila makapagbibigay.

Maagang gumising si Juli nang umagang iyon, araw ng Pasko araw na kailangan niyang tuparin
ang kasunduan na siya ay maninilbihan kay Hermana Penchang. Nang nakaraang gabi ay taimtim
siyang nanalangin sa Birhen na magkaroon ng himala at umasa ng milagro na makaalis sa suliraning
kinakaharap, subalit paggising kinabulasan ang tangi lamang niyang nakita sa ilalim ng birhen ay ang
sulat-kamay ng kanyang ama na humihingi ng limadaang piso upang maipambayad sa mga tulisan na
kumuha dito.
Samantala, hindi maipaliwanag an kalungkutang nadarama ng kanyang lolo sa si Tandang Selo dahil
sa magpapaalipin ang kanyang apo. Pilit na pinagaan ni Juli ang loob ng kanyang lolo. Nagbilin siya sa
lolo na sabihin sa kanyang ama na pumasok siya sa eskwela. Inisip na lamang ni Juli ang pangako ni
Basilio sa kanya at sa kanilang magiging buhay. Lumisan si Juli na hindi man lamang nabati ang
kanyang lolo ng “Maligayang Pasko”. Sa pag-alis ng dalaga ay pilit na pinasigla ni Tata Selo ang loob
sa panonood sa bintana ng mga dumaraang mga tao na bihis na bihis para magsimba. Higit pang
nagdamdam si Tata Selo sapagkat wala man lamang siyang maiabot sa mga kamag-anak nang
dalawin siya at batiin ng “Maligayang Pasko”. Nang tangkain ni Tata Selo na batiin ang mga kamag-
anak ay natakot ang mga ito sapagkat naglaho ang kanyang tinig na ikinasindak rin ang kanyang mga
kamag-anak na nasa kanilang tahanan.

Nakituloy ang mag-aalahas na si Simoun sa tahanan ni Kabesang Tales na ipinagtaka ng marami.


Dito siya magbebenta ng mga alahas dahil ito ay nasa pagitan ng San Diego at Tiani.
Maraming nagtungo sa bahay ni Kabesang Tales kabilang na dito sina Kapt. Basilio, asawa nito at
anak na si Sinang, pati na rin si Hermana Penchang na bibili rin ng alahas para sa Birhen ng Antipolo.
Inayos ni Simoun ang dalawang baul ng kanyang mga ibebentang alahas. Iba’t ibang uri ng bato,
esmeralda, rubi, dyamante ang dala niya. Tunay na humanga ang mga tao sa ganda ng mga tinda ng
dayuhan. Sa harap ng ganito karaming kayamanan na pagmamay-ari lamang ng isang tao, ang lahat
ay nagitla dahil sa magkahalong takot at paghanga. Lahat ay humanga sa mga batong ipinakita, ngunit
walang nagtangka na humipo man lamang. Nakatanaw si Kabesang Tales sa kanyang bukirin. Sa isa
sa mga brilyanteng iyon, kahit pinakamaliit ay maililigtas niya ang kanyang tahanan at mababawi niya
si Juli. Wari’y nabasa ni Simoun ang isip ni Kabesang Tales kaya ito ay nagwika sa mga naroon.
“Tingnan ninyo, sa isa lamang sa mga asul na batong ito na nairegalo sa tamang tao sa tamang
pagkakataon, an isang tao’y nakatitiyak na ng pagkabilanggo ng kanyang kaaway, ang ama ng isang
pamilya na nanggugulo sa kapayapaan ng lahat. At sa isa pang maliit na batong tulad nito mapula,
simpula ng dugo ng puso at pagkauhaw sa paghihiganti, singkinang ng luha ng ulila, muling natamo
ang kalayaan, naibalik ang ama sa tahanan, ang ama sa mga anak at sa kanyang asawa at ang buong
pamilya’y nailigtas sa miserableng hinaharap”.
. Maraming bumili ng alahas kay Simoun. Ang iba ay nagbenta ng kanilang mga antigong alahas na
hindi nila ginagamit. Nang makita ni Simoun si Kabesang Tales ay kanya itong tinanong kung mayroon
ba siyang gustong ipagbili. Naungkat ang tungkol sa laket ni Maria Clara na nasa pangangalaga ni Juli
na ibinigay dati ng ketongin kay Basilio nang siya ay mapagaling nito. Pinag-isipang mabuti ni
Kabesang Tales ang pagbebenta ng laket dahil matutubos nito si Juli nang sabihin ni Simoun kung

8
magkano niya bibilihin ito. Subalit dahil sa respeto sa anak kaya nais muna niyang makipag-usap dito
at hingin ang pahintulot nito. Nang pupunta na siya sa anak ay nakita niya sa kanyang lupain ang
prayle at ang bagong magsasaka ng kanyang bukirin. Parang nakikini-kinita niyang siya ay
pinagtatawanan at nililibak ng dalawa. Nagbalik sa kanyang alaala ang kanyang sinumpaang hinding-
hindi niya ibibigay ang lupain maliban sa sinumang magdidilig dito ng kanyang sariling dugo. Pumikit
siya, at sa muling pagmulat ng kanyang mata, bumilis ang pintig ng kanyang mga pulso at parang
nakikita niya ang kanyang namatay na asawa at anak.
Nakalimot siya sa kanyang sarili at nagmamadaling bumalik. Tinahak niya ang daan patungo sa dati
niyang bukirin. Naghintay si Simoun subalit bigo siya. Kinaumagahan, nagising siyang wala ang
rebolber sa kinalalagyan nito ngunit nakita niya ang isang liham at nasa loob nito ang relikaryo.
Ipinagpalit ni Kabesang Tales ang relikaryo sa rebolber ni Simoun. Inutusan ni Simoun ang kanyang
mga tauhan na dalhin ang baul ng kayamanan sa San Diego. Dumating ang mga guardia civil upang
dakpin si Kabesang Tales nang hindi makita ay si Tandang Selo ang kanilang dinakip. Tatlong
pagpatay ang naganap nang sinundang gabi. Ang administrador ng mga prayle at bagong magsasaka
ng lupain ni Tales, basag ang bungo at puno ng lupa ang mga bibig. Ang babaeng asawa ng bagong
magsasaka ng lupain ay natagpuang patay din noong madaling araw, ang bibig nito ay puno ng lupa at
tagpas ng leeg sa kanyang tabi ay may natagpuang papel na may sulat-dugo na Tales.
Gawain A.

Panuto: Tukuyin kung ano ang kaisipang lutang sa bawat pahayag. Isulat ang D- kung tungkol sa
pagmamahal sa Diyos, B - kung tungkol sa bayan, KT - kung kapwa-tao at M - kung sa magulang o
pamilya.

M 1. Mabigat ang loob na sinunod ni Kabesang Tales si Tandang Selo na sumunod sa utos ng prayle
hinggil sa pagtaas ng buwis.

D 2. Nanalangin ni Juli sa Mahal na Birhen na magkaroon ng milagro upang matubos ang kanyang
ama sa kamay ng mga tulisan at hindi na maari pang magpaalipin kay Hermana Penchang.

B 3. Hindi pumanig ang husgado kay Kabesang Tales laban sa pagtatanggol nito sa kanyang lupain.

KT 4. Malugod na tinanggap ni Kabesang Tales si Simoun sa kanyang tahanan.

B 5. Ang mga hindi makabayad ng buwis ay inaabonohan ni Kabesang Tales upang walang masabi
ang pamahalaan.

Gawain B.

Panuto: Ibigay ang sariling paniniwala at pagpapahalagang kaugnay nito sa pamamagitan ng pagbibigay
ng sariling paliwanag sa mga pahayag.

1. “Ibibigay ko lamang ito sa makagagawa ng higit sa aking ginawa”.


-Ibibigay ko lamang ito sa taong deserving
2. “Sa alikabok tayo babalik at wala tayong saplot nang tayo’y isilang”
-Tayo ay babalik kung saan tayo nagsimula
3. “ Ang palayok na lumalaban sa kawali ay nadudurog at nagkakapira-piraso”
-Ang mga mahihina ay masisira kapag kinakalaban ang malakas
4. “ Nasa akin ang buhay at kamatayan, lason at panlunas. Sa aking kapangyarihan ay maaari
akong magdulot ng kalagiman sa mga tao sa Pilipinas”
-Nasa kaniya ang kapangyarihan
5. “ Sa wakas ay mayroon na akong tauhan. May katigasan ngunit lalong magaling. Hindi siya
magtataksil sa kanyang sinabi”
-Nagkaroon na siya ng tauhan na mapagkakatiwalaan kahit na may katigasan

Panoorin ang balita mula https://www.youtube.com/watch?v=OPk-s0XhaSU na may kaugnayan sa


araling bibigyang pansin.

9
Gawain C.
PANUTO: Pag-ugnayin ang mga tauhan, pangyayari o sitwasyon mula sa binasang buod ng kabanata
4 at pinanood na balita.

HANAY A HANAY B

1. Kabesang Tales A. nabaril at namatay si Quirico Delos


Santos

2. tumira sa isang lupain na alam niyang B. Quirico Delos Santos


walang nagmamay-ari

3. hinuli at pinatubos ng mga tulisan C. Ang Crown Asia na pagmamay-ari


si Kabesang Tales ni Manny Villar na bumili ng lupa

4. pilit na kinuha ang kanyang lupain D. hinayaan tumira ang mga


ng mga prayle residente sa Paradise Park

5. ang kanyang anak ay nanilbihan na lamang E. Ipinasadiyos na lang ng asawa ni


bilang utusan Mang Quirico ang nangyari

Gawain D.
PANUTO: Iugnay ang mga kaisipan mula sa pinanood na balita, at kaisipang nais iparating ng
kabanatang binasa sa pamagitang ng fish-bone diagram.

SI KABESANG TALES

Nakakaranas
Ang makapangyarihan ay ng Sinubukan gumawa ng
mas maraming pangaabuso ang mga
solusyon sa problema
nagagawa Pilipino
KAISIPAN

PINANOOD NA BALITA

10
11
12
13

You might also like