You are on page 1of 12

BAITANG

10

REGIONAL ACHIVEMENT TEST


FILIPINO

PANUTO: Basahing mabuti ang bawat aytem at sagutin ang tanong. Piliin
ang letra ng wastong sagot at isulat sa iyong sagutang papel

1. Ano ang kaisipang ipinapahayag sa akda?

Matapos ang ilang buwan ay biniyayaan sila ng anak at ang


kasiyahan nilang mag-asawa ay tila walang mapagsidlan at mapaglagyan.
Ang matagal na nilang kahilingan ay nagkaroon nang katuparan ang
magkaroon na sila ng anak.

A. Pananampalataya sa Maykapal
B. Pagpaparaya at pagpapasalamat
C. Kahalagahan ng paghihintay, pagtitiis at pagiging matatag
D. Kahagalagahan ng kasipagan at pagkakaunawaan ng mag - asawa

2. Bulaklak:hardin:: Aklat:_______
A. Bahay
B. Paaralan
C. Silid-aklatan
D. Silid-pahingahan

3. Sino ang persona o nagsasalita sa siniping taludtod ng tula?


Ang tinig ng ligaw na gansa
Nahuli sa pain, umiyak
Ako’y hawak ng iyong pag-ibig
Hindi ako makaalpas.
A. Pastol
B. Ligaw na gansa
C. Taong nagmamahal
D. Taong naligaw ng landas

4. Malamig-lamig ang simoy ng hangin. Ang salitang may salungguhit


ay nagpapahayag ng isang salitang
A. Inuulit
B. Maylapi
C. Payak
D. Tambalan

Regional Achievement Test -Filipino


5. Sa anong hanay maiuugnay ang salitang guro?
A. Hanay A. Barko
B. Hanay B. Paaralan
C. Hanay C. Palengke
D. Hanay D. Simbahan

6. Ano ang ibig ipakahulugan ng nasasalungguhitang talinghaga sa


saknong?

Kaya aking mahal sa iyong pagpanaw


Tayo’y nagtagumpay sa dupok ng buhay

A. kapalaran
B. pag – asa
C. pagsubok
D. pasanin

7. Ano ang mahihinuhang kultura ng mga taga England mula sa


kasunod na dayalogo ni Romeo?

Romeo: Para siyang nakabitin sa pisngi ng gabi,


Katulad ng mamahaling hikaw sa tenga ng babaing Ethiopia
Kagandahang di dapat gamitin pagkat lubhang mahalaga

A. Pagsunod sa minamahal
B. Marangyang pamumuhay
C. Pagsasagawa ng mga kasiyahan
D. Mataas na pagpapahalaga sa kababaihan

Sinabi ng katiwala sa kanyang sarili, Ano ang gagawin ko?


Aalisin na ako ng aking amo sa pangangasiwa . Hindi ko kayang
magbungkal ng lupa; nahihiya naman akong magpalimos.

8. Ang bahaging ito ng parabula ay naglalahad ng ______


A. kabutihan
B. kagandahang – asal
C. kamangmangan
D. katotohanan

Regional Achievement Test -Filipino


9. Tukuyin sa sumusunod na talinghaga ang tumutugon sa pagiging
mukhang pera ng tao.
A. Sa salapi silaw
B. Walang pag-asa
C. Mundong ibabaw
D. Kapus-kapalaran

10.Nasa anong uri ng tula ang sipi ng taludtod:

Isang paruparo na may katandaan,


Sa lakad ng mundo ay sanay na sanay;
Palibhasa’y di nasisilaw sa ilaw
Binigyan ang anak ng ganitong aral.

A. Tulang Liriko
B. Tulang Pastoral
C. Tulang Patnigan
D. Tulang Pasalaysay

11.Tukuyin ang salitang may kaugnayan sa lipon ng mga salita sa kahon.

anting – anting, manghuhula, agimat

A. alagad ng Diyos
B. kapangyarihan
C. paranormal
D. tagagamot

12.Sa pagsasalin, kailangang may sapat na kaalaman sa dalawang


wikang kasangkot. Ang pahayag na pangungusap ay _______________.
A. Maaari
B. Mali
C. Tama
D. Sapat lang

Nakaisip si Liongo ng isang pagpupuri. Habang ang parirala nito ay


inawit ng mga nasa labas ng bilangguan bigla siyang
nakahulagpos sa tanikala na hindi nakikita ng bantay.

13.Ano ang inilalarawan sa mito ng Africa mula sa pangyayaring ito?


A. nagpapakita ng kanilang kultura
B. paniniwala sa kakayahan ng musika
C. malakas na pananampalataya sa Diyos
D. pakikipaglaban sa pamamagitan ng awitin

Regional Achievement Test -Filipino


Sa itaas ng kubyerta ay naroon ang mga Europeo, mga
prayle at matataas na tao at sa ilalim ng kubyerta ay makikita ang
mga Pilipino, mga kalakal at ang mainit na makina.

14.Ano ang sinisimbolo ng dalawang pangkat ng mga manlalakbay?


A. diskriminasyon
B. kalupitan
C. kahirapan ng buhay
D. pakikipaglaban ng mga Pilipino sa Espanyol

“Ako’y mangmang at walang lakas. Binungkal ko ang lupang ito…


Namatay at nakalibing dito ang aking asawa at anak. Hindi ko isusuko ang
lupang ito kundi sa makagagawa ng ginawa ko; diligin niya ito ng dugo ng
kanyang asawa’t anak

15. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag sa itaas?


A. pagmamalupit
B. pagmamayabang
C. paglaban para sa bayan
D. paglaban para sa karapatan

“Ang pagpapaumanhin ay di laging kabaitan; ito ay isang kasalanan


kung nagpapaunlad ng paniniil.

16. Saan maiuugnay ang kaisipang lutang sa bahagi ng kabanata na nasa


Itaas?
A.bayan
B. Diyos
C. kapwa – tao
D. magulang.

Ayaw ni Tales ng maraming usapan kaya’t pumayag na lamang siyang


ibigay sa korporasyon ang hinihingi ng mga ito, ngunit napansin niya na habang
tumataas ang kaniyang ani ay tinataasan din ang taripa ng mga pari. Sa unang
pagkakataon ay pinayuhan siya ni Tandang Selo na ipagpalagay na lamang na
siya ay natalo sa sugal o nahulog sa dagat at kinain ng buwaya ang ani.

17. Anong kaisipan ang nais ilantad ni Rizal sa pangyayaring ito kay
Kabesang Tales?
A. pagpapaalipin
B. kalupitan at pagsasamantala
C. pamamalakad sa pamahalaan
D. pagpapahalaga sa edukasyo

Regional Achievement Test -Filipino


18. Siya ang nagmamay-ari ng karangalan bilang pinakamahusay na
makata sa kanilang lugar. Malakas at mataas din siya tulad sa isang
higante.
A. Haring Ahmad
B. Liongo
C. Mah
D. Mbwasho

19.Kung ang pagmasid ay kasingkahulugan ng pagmasdan, ano naman ang


kasingkahulugan ng nagliliyab?
A. Nag-aalab
B. Nag-aapoy
C. Naglalagablab
D. Nasusunog
20. Sila ay sopistikado kung manamit. Ano ang kahulugan ng salitang
sopistikado?
A. Matalino
B. Maganda
C. Elegante
D. Masalimuot

21.Ang sumusunod na salita ay maiuugnay sa salitang ekonomiya, maliban


sa isa.
A. Konstitusyon
B. Pangangalakal
C. Puhunan
D. Trabaho

22.May taglay siyang alindog na hindi nababagay sa kasalukuyan niyang


kalagayan kaya’t ipinaghinagpis niya ang karukhaan ng kanyang
lumsang tahanan. Ang salitang may salungguhit ay
nangangahulugang
A. Kakinisan
B. Kagandahan
C. Kayamanan
D. Pinag-aralan

23.Inihanda niya ang salapang. Ano ang ibig sabihin ng salitang


salapang?
A. Kutsilyo
B. Lambat
C. Isang uri ng sibat
D. Sagwan

Regional Achievement Test -Filipino


24.Ang mga taong nakikinig sa kanya ay nagugulumihanan. Ang salitang
may salungguhit ay may kaugnayan sa
A. Magulong-magulo
B. Maiingay
C. Natataranta
D. Nalilito

25. Ang ibig ipakahulugan ng pahayag na “butas ang bulsa” ay


A. Walang pera
B. Wala ng bulsa
C. Dapat na itong tahiin
D. Kailangan ng bumili ng bagong salawal

26.Isinasaad ng sumusunod kung kailan madalas makaramdam ng


panliliit sa sarili ang isang tao, maliban sa isa.
A. Kapag sobrang yabang niya
B. Kapag ang kahinaan niya ay hindi niya matanggap sa sarili
C. Kapag kinakain siya ng inggit sa mga katangian at nararating ng
iba
D. Kapag wala siyang ginagawang paraan upang pataasin ang
pagtingin niya sa sarili

27. Anong damdamin ang ipinakikita sa pahayag na ito, ”Isang araw,


nakita ko ang ina kong namamanglaw.”
A. Nag-aalala
B. Nagdadalamhati
C. Nalulungkot
D. Nangungulila

28. “Naisip ni Kibuka na kaawa-awa na siya at mabuting mamatay na


lamang”. Anong damdamin ang nangibabaw sa pangunahing tauhan sa
pahayag na ito?
A. Nalulungkot
B. Nagagalit
C. Nagsisisi
D. Nawawalan ng pag-asa

28. Ibigay ang kahulugan ng talinghagang pananalita na ito.


Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin

Regional Achievement Test -Filipino


A. Nagpapakita ng matinding pagmamahal kahit walang kasiguruhan
B. Ito ay tulad ng isang pag-ibig na hindi mapantayan kahit sa
kanyang kamatayan
C. Handa siyang lumipad alang-alang sa kanyang iniibig kahit hindi
siya sigurado kung may lugat siyang msaliliparan
D. Gumagawa siya ng paraan sa taong mahal niya subalit di n’ya alam
kung matatanggap ba siya ng kanyang minamahal

29. “Ang ideya ng kabutihan ay mananatili sa huli at matatagpuan lamang


sa pagpupunyagi.” Alin sa sumusunod ang paliwanag nito?
A. Sa pagtatagumpay masasabi na mabuti ang iyong mga ginawa.
B. Laging maaalala ang iyong kabutihan kapag ikaw ay nagtagumpay sa
buhay.
C. Masasabi na mabuti ang ginawa ng isang tao kapag siya ay
nagtagumpay sa kanyang mga mithiin sa buhay.
D. Hindi makakalimutan ang iyong ginawang kabutihan lalo na kung
ikaw ay nagtagumpay sa buhay dahil sa sariing pagsisikap.

30.“ Sa isang utos ng pamahalaan, maaaring mapabilanggo ang ama,


asawa o kapatid. “ Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito.
A. Mahilig manakot ang pamahalaan
B. Makapangyarihan ang pamahalaan
C. Nagbubulag-bulagan ang pamahalaan
D. Natatakot ang ama, asawa o kapatid ng pamahalaan

Ikaw at ako ay kapwa nauuhaw sa katarungan kaya’t sa halip na


tayo’y magbangayan ay kailangan tayong magtulungan.

31. Ang pahayag sa itaas ay maiuugnay sa _______:


A. pananalig sa Diyos
B. pakikipagkapwa – tao
C. pananalig sa sarili
D. pagmamahal sa bayan

32. Tukuyin ang angkop na salita sa kasunod na pangungusap.


“ Lalong (sigla) ang pakiramdam ni Noel nang makita niya ang kanyang
kasintahan.”
A. Masigla
B. Sumigla
C. Sisigla
D. Kasiglahan

Regional Achievement Test -Filipino


33. Malimit na sa pagmamasid ______ sa Babaerong Briton na gumanap ng
ilang pangangailangan niya sa buhay ay nakadarama si Mathilde ng
nghihinayang at napuputos ng lumbay ang kanyang puso.
A. Niya
B. Nito
C. Siya
D. Kanya
34. Mas marami ang bilang ng mga babae kaysa mga lalaking Pilipino,
______ , naglabas ng bagong sarbey ang opisina ng estadistika.
A. Isang katotohanan
B. Patunay lang
C. Sa katunayan
D. Bilang patunay

35. Ibigay ang tamang salin ng pahayag na “Totoy wants to be a President


with a difference.”
A. Si Totoy ay presidenteng may diperensiya
B. Nais ni Totoy na maging pangulong naiiba
C. Pangarap ni Totoy na maging sikat
D. Hilig talaga ni Totoy ang maging pangulo.

36. Ano ang tamang salin ng pahayag na ito, “I’m going to mail a letter.”
A. Ako ay magkokoreo ng isang sulat
B. Ako ay may ipapadalang sulat
C. Maghuhulog ako ng sulaty
D. Magpapadala ako ng sulat sa koreo

37. Ano ang tamang salin sa wikang Filipino ng pahayag na “There was a
great outcryin.”
A. Nagkaroon ng matinding hiyawan
B. Umiyak nang umiyak
C. Mayroon isang umiyak sa labas
D. May umiyak ng sobra sobra

Ginoo, pag ako’y nagkaroon ng mga ubang tulad ng sa inyo, at sa


paglingon ko sa kahapon ay makita kong pawang pansarili lamang ang aking
napag – ukulan at walang para sa bayang nagkaloob sa akin ng lahat, bawat
uban ay ituturing kong tinik sa akin at sagisag ng kahihiyan.

38.Suriin at piliin sa sumusunod ang angkop na pagpapahalaga sa


pahayag na nasa itaas.

Regional Achievement Test -Filipino


A. Natutuwa ako sa tinuran ni Pari Florentino.
B. Kahanga – hanga ang pagpapahalaga ni Pari Florentino.
C. Tunay na kahanga – hanga ang mga taong may dignidad at
delikadesa.
D. Para sa akin ang pagputi ng buhok ay senyales ng katandaan.

“Ako ma’y Kastila rin ngunit bago ang aking pagka - Kastila ay una
ang aking pagkatao; at una sa Espanya pinahahalagahan ko ang aking
karangalan, Hindi ko ibig na balang – araw ay matawag siyang ina –
inahan ng mga bansa, manlulupig ng maliliit na bansa”, patuloy na sabi
ng mataas na kawani.
39.Ano ang nais ipakahulugan ng awtor sa tinuran ng tauhan sa
nobela?
I. ang Kastila ay nagpapahalaga sa kanilang karangalan
II. ang mataas na kawani ay ayaw sumunod sa Kapitan Heneral
III. may mabubuting Kastila na ipinaglalaban ang karapatan ng mga Pilipino
IV. ang mataas na kawani ay walang bahid ng kasalanan sa nangyari kay Basilio
V.pagpapakita na may mga Kastila na may delikadesa at dignidad

A. I at II
B. II at III
C. III at V
D. IV at V

40.Nais nilang __________ ang sikreto ni Samson. Ano ang wastong


pandiwa at nasa anong pokus ng ito?
A. Malaman, tagaganap
B. Malaman, layon
C. Malaman, tagatanggap
D. Malaman, pinaglalaanan
41. Ayusin ang sumusunod ayon sa antas o tindi ng kahulugan:
(1) Kagunggungan, (2)kahangalan, (3)kabaliwan, (4)kalokohan.
A. 1, 2, 3, 4
B. 2, 4, 1, 3
C. 3, 4, 2, 1
D. 4, 3, 2, 1

42. Si Donya Victorina ay _____ na humahanga kay Juanito Pelaez kaysa kay
Isagani. Ano ang angkop na salitang naghahambing sa pahayag?
A. Mas
B. Higit
C. Labis
D. Lalo

Regional Achievement Test -Filipino


43. Sa paghahanap ng makakain, nasilayan ni Gringoire ang kagandahan ni
La Esmeralda. Ipinasiya ______ na sundan ang dalaga sa kaniyang pag-
uwi.
A. siya
B. niya
C. dito
D. nito
44. Bagaman tradisyonal, umiiral sa pamilyang Bartolome ang kalayaan sa
pagpapahayag ng damdamin _______ kaya’t lumaki ang kanilang mga
anak na mulat ang kamatayan sa nangyayari sa lipunan.
A. Sa madaling sabi
B. Saka
C. Dahil
D. Kung
45. Ang sumusunod ay mga salitang maisasama sa punong salita na bahay,
maliban sa isa.
A. ampunan
B. bata
C. paupahang
D. buhay
46. Maaaring mapalawak ang pangungusap sa pamamagitan ng sumusunod,
maliban sa isa.
A. Pagpapalawak sa pangungusap sa tulong ng paksa.
B. Pagpapalawak ng pangungusap sa tulong ng mga pang-uri
lamang.
C. Pagpapalawak sa panaguri sa tulong ng ingklitik, komplemento,
pang-abay at iba pa.
D. Pagpapalawak ng pangungusap tulong ng atribusyon o
modipikasyon, pariralang lokatibo o panlunan, at pariralang
naghahayag ng pagmamay-ari.
47. Namukod siya sa hanay ng mga kababaihang kaedad niya. Ano ang
salitang-ugat ng salitang namukod?
A. Bukod
B. Mukod
C. Nukod
D. Tukod

48. Iantas ang sumusunod na salita ayon sa antas ng damdaming


ipinahahayag ng bawat isa. “Hilakbot, pangamba, kaba, takot”
A. Kaba, takot, pangamba, hilakbot
B. Pangamba, takot, kaba, hilakbot

Regional Achievement Test -Filipino


C. Takot, kaba, pangamba, hilakbot
D. Takot, kaba, hilakbot, pangamba

49. Ano ang paksa ng akda sa sumusunod na pahayag?

Sa isang liblib , mapanglaw na nayon ay may isang baguntao ang


naghahanda sa pag-alis. Lunod siya sa pananabik at pag-asa.
“Ama, ina, ako po’y aalis na.”
“Kasiyahan ka ng Maykapal.”
At siya’y lalayo, masiglang lilipad sa kung saan siya
kinakawayan ng mga bituin. At sa kanyang patutunguhan, naghihintay
sa kanya ang mga kuko ng Liwanag.

A. Paghahandang maglakbay sa ibayong dagat.


B. Pakikipagsapalaran ng isang tao sa ibang lugar.
C. Paghahanap ng trabaho sa lungsod na maliwanag.
D. Pakikipagsapalaran sa mga pagsubok sa buhay.

50. Anong uri ng tugma ang ginamit sa sumusunod na saknong ng isang


tula?
Natutuwa pa nga’t habang naglalaro
Ay lapit nang lapit na di nahihinto
Sa isang pag-iwas ay biglang nasulo
Tuloy-tuloy siyang sa ningas nalikmo
A. Tugma sa patinig, may impit
B. Tugma sa patinig, walang impit
C. Tugma sa katinig, mahina
D. Tugma sa katinig, mahina

51. Nahatulan ng pagiging Pilibustero si Don Rafel Ibarra at ito ay hindi


matanggap ni Simoun, kaya’t siya ay nagbalik upang maningil. Ano ang
katangiang maaring mailarawan kay Simoun?
A. Mapaghiganti
B. Mapagkunwari
C. Mahilig magpautang
D. Marunong lumingon sa pinanggalingan

52. Natutuwa si Padre Fernandez sa mga kabataang may sariling isip at


marunong magpahayag ng sariling damdamin kahit kasalungat ng
kanyang palagay. Nangangahulugan lamang na siya ay may __________.
A. Malawak na karanasan
B. Malawak na pang-unawa
C. Mapaghamon sa kapwa
D. Mapaglaro sa tinuturuan

Regional Achievement Test -Filipino


53. Ang sumusunod ay pag-uugnay ng mga kaisipang nakapaloob sa sarili,
pamilya, at lipunan, at daigdig. Alin ang pinaka-angkop na pag-uugnay
sa sarili?
A. Hindi nabubuhay ang pag-ibig kung walang tiwala.
B. Upang hindi magsisi sa huli, bago gawin ang mga bagay-bagay, pag-
isipan muna ito nang maraming beses.
C. Ang pagmamahal, pagtitiwala, at pagsasakripisyo ay
makatotohanan kung wagas ang nararamdaman.
D. Dapat sa isang relasyon ay kailangan ang pagtitiwala at
pagpapasensiya upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.

54. Anong kawikaan ang maiuugnay sa bahaging ito ng tula?

“Panaho’y nagdaan at sa aking palad,


Pangarap na ito na aking hinangad;
Wari’y nalalapit dangkal na iyong agwat
Nang dadamputin na umusod napadpad.”

A. Mapagbiro ang tadhana


B. Kung hindi ukol ay hindi bubukol
C. Kung may nais marating, magsumikap
D. Ang sumusuko sa buhay ay laging talo
55. Ano ang paliwanag ng siniping taludtod na ito ng tula?
Yaring pag-ibig ko’y katugon kabagay
Ng kailangan mong kaliit-liitan
Laging nakahandang pag-utus-utusan,
Maging sa Liwanag, maging sa karimlam
A. Wala siyang ibang iibigin
B. Iibigin ka sa buong magdamag
C. Ang kanyang pag-ibig ay napakaliit
D. Ang kanyang pag-ibig ay walang katulad, handang magsakripisyo,
at makakaramay sa hirap at ginhawa

Regional Achievement Test -Filipino

You might also like