You are on page 1of 8

Kabanata 32

“Ang Bunga ng mga Paskil

- Marc Jenric B. Idio


Mga Tauhan
• Tadeo – Isa sa hindi nakapasa sa pagsusulit. Natuwa dahil sa walang katapusan na
bakasyon at sinunog ang mga aklat niya.
• Pecson – Isa sa hindi nakapasa sa pagsusulit. Nais na lamang pumasok bilang opisyal
ng hukuman.
• Juanito – Isa sa hindi nakapasa sa pagsusulit. Nadismaya dahil mananatili lamang siya
sa negosyo ng kanyang ama na si Don Timoteo Pelaez. May dugong Kastila at anak
ng mangangalakal.
• Macaraig – Agad pumunta ng Europa pagkatapos ng pagsusulit.
• Isagani – Pumasa sa pagsusulit.
• Sandoval – Isa pang pumasa sa pagsusulit.
• Basilio – Hindi nakakuha ng pagsusulit dahil nasa bilangguan siya.
• Sinong – Binalitaan si Basilio tungkol kay Tandang Selo at kay Huli.
• Ben Zayb – Binalita na magaling na si Simoun.
• Simoun – Nagasikaso sa kasal ni Juanito at Paulita.
• Don Timoteo Pelaez – Ama ni Juanito. Isang negosyante.
• Kapitan Heneral – Ninong sa kasal nina Juanito at Paulita.
• Paulita – Kasintahan dati ni Isagani. Ikakasal kay Juanito.
Buod
Dahil sa mga nangyari sa mga estudyante, ang maraming
magulang ay hindi na nagpaaral ng mga anak. Buti pa
ang maglimayon o kaya’y magsaka.
Marami ang hindi nakasulit sa eksaming ibinigay ng
serbisyo sibil. Natuwa pa si Tadeo, sinunog ang kanyang
mga aklat. Si Pelaez ay nagpatali sa negosyo ng ama.
Napasa-Europa si Macaraig. Si Isagani’y sa akalat
lamang ni Pdre Fernandez nakasulit. Si Sandoval ay
nakapasa dahil sa kahusayang magtalumpati. Si Basilio
lamang ang hindi nakakuha ng pagsusulit.
Nasa bilangguan pa siya. Doon niya nabatid ang
pagkawala ni Tandang Selo sa tulong ni Sinong na
kutsero na tanging dumadalaw sa bilanggong kanayon.
Si Simoun ay mabuti na’t ayon kay Ben Zayb ay ‘di
mag-uusig at sa halip ay madaraos ng isang pistang
walang katulad bago umalis sa bayan. Hiniling din niya
umano sa Mdrid na palawigin pa ang panunungkulan
ng Kapitan Heneral, subalit tinanggihan na ito ng huli.
Kung kaya’t napabalita ring isasagawa ang pista sa
lalong madaling panahon.
Naipayo ni Ben Zayb na bilhin ni Simoun ang bahay
ni Kapitan Tiyago na nabili ng ama ni Pelaez, mula
noo’y madalas si Simoun sa tindahan ng mga Pelaez
na wika ng iba’y pinakikisamahan na niya. At
tumagal ang ilang linggo ay nabalitang ikakasal si
Juanito kay Paulita.
Higit na magkabagay si Juanito at Paulita. Kapuwa
walang isip at munting lampas sa pansariling
kaligayahang kapuwa anak-maynila.
Hinintay-hintay ng buong Maynila ang piging sa kasal ng
dalawa. Si Simoun daw ang mamamahala.
Ito’y gaganapin dalawang araw bago umalis ang Heneral.
Ang mga taga-Maynila ay nakipag-agawan sa
pakikipagkilala kay Simoun upang sila’y anyayahan sa
piging.
ano nga ba ang aral na mapupulot natin sa
kabanatang ito ?
• Ang aral na mapupulot sa kabanatang ito na
bunga ng paskil ay huwag nawa’y maging
makasarili sapagkat ang pagkamit sa isang bagay
na hindi sa maayos na paraan ginawa ay hindi
tama at walang maitutulong na maganda sa
kapwa na mas mapapalala lamang nito ang mga
nangyari at ang mga ito ay pansariling
kagustuhan
Maikling Pagsusulit
1. Ano ang ibinunga ng mga paskin. Isalaysay ito?
2. Paano nabatid ni Basilio ang nangyari kay Huli?
3. Bakit nagbago ang damdamin ni Paulita Gomez
ukol kay Isagani?
4. Bakit ikinatuwa ng mga ina ang pagkahinto ng
kanilang mga anak sa pag-aaral?
5. Sa lahat ng mga mag-aaral, sino ang higit na
natuwa at bakit?

You might also like