You are on page 1of 4

Noli Me

Tangere:
Kabanata
32
ANG BUNGA NG MGA
PA S K I L
Dahil sa mga nangyayari sa mga estudyante ang
maraming magulang ay din a nagpaaral ng mga
anak. Buti pa ang maglimayom o kaya’y masaka.
Marami ang di nakasulit sa eksaming ibinigay ng
serbisyo sibil. Natuwa pa si Tadeo, sinigan ang
kanyang mga aklat. Si Pelaez ay napatali sa
negosyo ng ama. Napasa-Europa si Makaraig. Si
Isagani’y sa aklat lamang ni Padre Fernandez
nakasulit. Si Salvador ay nakapasa dahil sa
kahusayang magtalumpati. Si Basilio lamng ang
di nakakuha ng pagsusulit. Nasa bilangguan pa
siya. Doon niya nabatid ang pagkawala ni
Tandang Selo sa tulong ni Senong na kutsero na
tanging dumadalaw sa bilanggong kanayon.
Si Simoun ay mabuti na’t ayon kay Ben Zayb ay di mag-uusig at sa halip ay
madaraos ng isang pistang walang katulad bago umalis sa bayan.
Naipayo ni Ben Zayb na bilin ni Simoun ang bahay ni Kapitan Tiago na nabili ng
ama ni Pelaez. Mula noo’y madalas si Simoun sa tindahan ng mga Pelaez na wika
ng iba’y pinakisamahan na niya. At tumagal ang ilang linggo ay nabalitang
ikakasal si Juanito kay Paulita.
Higit na magkabagay si Juanito at Paulita. Kapuwa walang isip at muning lampas
sa pansariling kaligayahan kapwa anak-Maynila.
Hinintay-hintay ng buong Maynila ang piging sa kasal ng dalawa. Si Simoun daw
ang mamamahala. Ito’y ganapin dalawang araw bago umalis ang Heneral. Ang
mga taga-Maynila ay nakipag-agawan sa pakikipagkilalakay Simoun upang sila’y
anyayahan sa piging.

You might also like