You are on page 1of 6

Suring basa sa El Filibusterismo:

I. Pamagat ng Kabanata:

II. Pagkilala sa may akda:

III.Nilalaman:

A.Tauhan:

B.Tagpuan:

C.Suliranin:

D.Banghay:

1.Panimula

2.Saglit na Kasiglahan

3.Kasukdulan

4.Pababang-aksyon

5.Wakas

E.Mensahe:

I. Pamagat ng Kabanata:

Kabanata 34: (Ang kasal ni Paulita)


II. Pagkilala sa May-akda:

Ang nobelang "El Filibusterismo" ay isinulat ng ating magiting na bayaning si Dr. Jose Rizal

na buong pusong inalay sa tatlong paring martir, na lalong kilala sa bansag na GOMBURZA -

Gomez, Burgos, Zamora.

Tulad ng "Noli Me Tangere", ang may-akda ay dumanas ng hirap habang isinusulat ito.

Sinimulan niyang isulat ito sa London, Inglatera noong 1890 at ang malaking bahagi nito ay

naisulat niya sa Bruselas, Belgica. Natapos ang kanyang akda noong Marso 29, 1891. Isang

Nagngangalang Valentin Viola na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya

upang maipalimbag ang aklat noong Setyembre 22, 1891.

III. Nilalaman:

Ika-walo ng gabi at si Basilio ay nasa daan pa. Makikituloy sana siya kay Isagani nguni’t hindi

umuwi ang kaibigan ng buong araw na iyon. Dalawang oras na lamang at sasabog na ang ilawan ni

Simoun. Maraming dadanak na dugo. Marami ang mamamatay. Sinalat ni Basilio ang kanyang

rebolber at mga bala. Naalala niya ang babala ni Simoun na siya ay lumayo sa daang Anloague.

Naghinala si Basilio. Ang bahay ni Kapitan Tiago ay nasa daang iyon. May binanggit na kasiyahan si

Simoun. Sa bahay na iyon ay idaraos ang piging sa kasal nina Paulita at Juanito. Nakita niyang

dumating ang sasakyan ng bagong kasal. Nahabag si Basilio kay Isagani. Naisip niyang yakagin ito

upang sumama sa kanya si Isagani. Siya rin ang tumugon. Hindi papayag si Isagani sa gayong

madugong pagpatay sa marami. Hindi pa nararanasan nito ang nangyari sa kanya.


Nagunita niya ang pagkabilanggo, ang kabiguan sa pag-aaral at ang nangyari kay Juli. Muling

hinaplos ang puluhan ng rebolber at ninasang dumating na sana ang sandaling hinihintay. Nakita

niyang dumating si Simoun. Si Sinong ang kutsero ni Simoun. Sumunod ang sasakyan ni Simoun sa

mga bagong kasal.

Nagtungo si Basilio sa Anloague. Doon ang tungo halos ng lahat – sa tahanan ni Kapitan Tiago. Ang

Kapitan Heneral, ang ninong, ay dadalo sa hapunan, dala ang isang tanging ilawang handog naman

ni Simoun.

Ang mga dingding ng bahay ay dinikitan ng magagarang papel ar magagarang aranya at mga

bulaklak ang palamuti. Mga angkat ang alpombra. Kurtinang pulang pelus na nabuburdahan ng

ginto at may unang titik ng pangalan ng mag-asawa. May tinuhog na artipisyal na bulaklak ng suha.

Magarang- magara ang bahay na iyon. Parang hapag ng mga diyoses ang pagdarausan ng

hapunan. Ang mesa para sa mga dakilang panauhin at mga diyus-diyusan ay sa asotea nakalagay.

Ang pipitong naroroon ay luluklok. Naroon ang pinakamasarap at pinakamamahaling alak. Ubos-

kaya si Don Timoteo. Kung sinabi lamang ng Heneral na ibig nitong makain ng tao, gagawin iyon ni

Don Timoteo.

A.Tauhan:
 Basilio
 Simoun
 Sinong
 Juaneto Pelaez
 Paulita Gomes
 Don Timoteo Pelaez
 Mga Tao sa Piging
B.Tagpuan:

“Sa bahay ni kapitan tiyago”

C.Suliranin:

Sa kabanatang ito masasalamin kung gaano kalaki ang gampanin ng pera sa mga usaping

personal ng isang tao lalo na ng mga kababaihan noon. Tulad na lamang ng ginawang

pagpapakasal ni Paulita Gomez kay Juanito Pelaez gayong ang totoong kasintahan nito ay si

Isagani. Dahil sa yaman at impluwensya ng mga Pelaez, nakumbinsi ni Don Timoteo si Paulita

maging ang mga magulang nito na pakasalan ang kanyang anak na si Juanito na walang ibang

alam kundi ang sumandal at umasa sa yaman ng mga magulang. Maging ang pagpapakasal sa

taong hindi naman niya totoong minamahal ay desisyon ng kanyang mga magulang. Ito

kadalasan ang nagiging pag uugali ng mga kabataan na nabibilang sa mayayamang angkan o

pamilya. Hindi sila natututong tumayo sa sariling mga paa at nagiging tamad sapagkat ang lahat

ya ibinibigay ng kanilang mga magulang. Madalas ay kinukunsinti sila sa mga maling gawi at

nagkakaisip lamang kapag wala na ang kanilang mga magulang. Sa kabilang banda, ang mga

katulad ni Isagani na mahirap at may simpleng pamumuhay ay madalas na naaagawan ng mga

oportunidad at pag - aari sapagkat wala silang sapat na impluwensya at kapangyarihan upang

ipagtanggol ang kanilang mga pag - aari maging ang kanilang karapatan sa pag - ibig.
D.Banghay:

1.Panimula:

Ang kabanata na ito ay tumukoy sa gaganaping kasal ni Paulita Pelaez na dadaluhan ng mga

kilalang tao. Nong araw na iyon ay patungo si basilio sa bahay ng kanyang kaibigan na si Isagani

upang magtago, ng malala niya ang sinabi ni simoun na maygaganaping magarang ukasyon sa

bahay ni kapitan tiyago.

2. Saglit na Kasiglahan:

Sinalat ni Basilio ang kanyang rebolber at mga bala. Naalala niya ang babala ni Simoun na siya ay

lumayo sa daang Anloague.

3.Kasukdulan:

hinaplos ang puluhan ng rebolber at ninasang dumating na sana ang sandaling hinihintay. Nakita

niyang dumating si Simoun. Si Sinong ang kutsero ni Simoun. Sumunod ang sasakyan ni Simoun sa

mga bagong kasal

4.Pababang-Aksyon:
. Nagtungo si Basilio sa Anloague. Doon ang tungo halos ng lahat – sa tahanan ni Kapitan Tiago.

Ang Kapitan Heneral, ang ninong, ay dadalo sa hapunan, dala ang isang tanging ilawang handog

naman ni Simoun.
5.Wakas:
Ang mesa para sa mga dakilang panauhin at mga diyus-diyusan ay sa asotea nakalagay. Ang

pipitong naroroon ay luluklok. Naroon ang pinakamasarap at pinakamamahaling alak. Ubos-kaya si

Don Timoteo. Kung sinabi lamang ng Heneral na ibig nitong makain ng tao, gagawin iyon ni Don

Timoteo.

E.Mensahe:
Sa kabanatang ito matututunan kung gaano kalaki ang gampanin ng pera sa mga usaping personal

ng isang tao lalo na ng mga kababaihan noon. Tulad na lamang ng ginawang pagpapakasal ni

Paulita Gomez kay Juanito Pelaez gayong ang totoong kasintahan nito ay si Isagani. Dahil sa

yaman at impluwensya ng mga Pelaez, nakumbinsi ni Don Timoteo si Paulita maging ang mga

magulang nito na pakasalan ang kanyang anak na si Juanito na walang ibang alam kundi ang

sumandal at umasa sa yaman ng mga magulang. Maging ang pagpapakasal sa taong hindi naman

niya totoong minamahal ay desisyon ng kanyang mga magulang.

Summited To: Submitted by:


Mr. John Paul Roxas Noel Bautista jr.

You might also like