You are on page 1of 10

Filipino Sa

Piling Larangan

Submitted By:

Rem Ezeckiel V. Magana

Submitted To:

Mrs. Aurora Alicando

Date:

April 9, 2021
GAWAIN 1:

Panuto: Gamit ang mga nakuhang kaalaman, isagawa ang mga hinihiling. Pumili
lamang ng isa sa inaakalang mong madali para sa iyo. Humanap ng kasama sa bahay
na maaaring magbasa nito para sa iyo.
-Pumili ng isang paboritong nobela.Isulat ang buod ng dalawang talata.
-Makinig ng sermon ng pari sa iba-ibang relihiyosong sector,
-Isulat ang buod ng bawat isa. Pagkatapos alamin ang pagkakatulad at pagkakaiba
ng kanilang mga pahayag.
-Magbasa ng isang Book of abstrak, Humanap ng tatlong magkakapareho ng paksa
ngunit magkakaiba ang resulta ng pag-aaraI.Isulat ito.

Noli Me Tangere

Ang binatang si Juan Crisostomo Ibarra ay isang Pilipino ngunit siya ay pinag-aral
ng ama na si Don Rafael sa ibang bansa. Mahigit pitong taon itong tumira sa Europa
bago ito muling bumalik ng Pilipinas.
Naghanda ng malaking salu-salo sa bahay ni Kapitan Tiago upang salubungin ang
binata. Inimbitahan din ang ilang panauhin katulad nina Padre Damaso, Padre
Sibyla, Tinyente Guevarra, Donya Victorina, at ilang may impluwensya sa lipunan.
Ipinahiya ni Padre Damaso, ang dating kura ng San Diego, si Ibarra ngunit wala
itong ginawa bagkus pinagpasensyahan lang niya ang pari. Magalang itong
nagpaalam at nagdahilang may ibang pupuntahan.
Si Maria Clara ang magandang kasintahan ni Crisostomo Ibarra. Siya ang anak-
anakan ni Kapitan Tiago, mayamang taga-Tondo.
Dumalaw si Ibarra kay Maria Clara kinabukasan pagkatapos dumalo sa pagtitipon.
Nagkaroon ng pagkakataon ang magkasintahan na muling balikan ang kanilang mga
ala-ala. Muling binasa ng dalaga ang liham na binigay ng binate bago pa ito tumungo
sa Europa.
Pinuntahan naman ni Ibarra si Tinyente Guevarra bago ito umalis upang ipagtapat
ang pagkamatay ng ama. Isinalaysay ng tinyente na naakusahan ang ama na erehe at
pilibustero dahil sa hindi nito pagsisimba at pangungumpisal.
Ipinakulong si Don Rafael dahil sa pagkamatay ng isang Kastila sa kasalanang di
naman siya ang may gawa. Malapit na sanang malutas ang paglilitis nang
magkasakit at kalauna’y namatay ang ama ni Ibarra.
Ipinag-utos ni Padre Damaso sa isang sepulturero na hukayin ang bangkay nito at
ilipat sa libingan ng mga Intsik. Dahil sa lakas ng ulan ay hindi kinaya na buhatin
ang bangkay kung kaya’t itinapon nalang ito sa lawa.
Sa kabila ng nangyari ay hindi hinangad ni Ibarra na makapaghiganti, sa halip
ipinagpatuloy niya ang adhikain ng ama na makapagtayo ng paaralan.
Naghanda ng isang pananghalian si Ibarra pagkatapos ng pagbabasbas. Muli na
namang tinira ni Padre Damaso ang binata.
Sa pagkakataong ito ay hindi na nakapagpigil si Ibarra. Kamuntikan na niyang
saksakin ang pari kung hindi lang siya napigilan ni Maria Clara. Dahil sa nagawa ni
Ibarra ay naging ekskumunikado siya.
Sinamantala ni Padre Damaso ang pagiging ekskomunikado ni Ibarra at inutusan si
Kapitan Tiago na itigil ang pagpapakasal ni Maria Clara kay Ibarra. Nagpasya si
Padre Damaso na ipakasal si Maria Clara kay Alfonso Linares.
Sa labis na pagdaramdam ng dalaga ay nagkasakit ito. Sa tulong ng Kapitan Heneral
ay napawalang bisa ang pagiging ekskomunikado ni Ibarra.
Subalit may mga taong sumalakay sa kwartel at si Ibarra ang pinagbintangan. Kahit
walang kasalanan ay dinakip at binilanggo ang binata. Nakatakas si Ibarra sa tulong
ni Elias.
Nabigyan naman ng pagkakataon ang magkasintahan na makapag-usap bago gawin
ang planong pagtakas. Doon nalaman ni Ibarra na si Padre Damaso ang totoong ama
ni Maria Clara kung kaya’t tutol ito sa pagmamahalan at planong pagpapakasal ng
dalawa.

Gamit ang bangka ay tinakas ni Elias si Ibarra. Nakalagpas man sila sa ilang
gwardiya sibil nasundan pa din ang kanilang bangkang sinasakyan. Inisip ni Elias
na iligaw ang mga humahabol sa pamamagitan ng paglusong nito sa tubig.
Sa pag-aakalang si Ibarra ang tumalon ay hinabol at pinaputukan ng mga sibil
hanggang sa magkulay dugo ang tubig. Nawalan ng pag-asawa si Maria Clara dahil
pag-aakalang patay na si Ibarra.
Napagdesisyunan nitong pumasok sa kumbento upang maging isang madre.
Napilitang pumayag si Padre Damaso sa dalaga dahil magpapakamatay daw ito pag
hindi ito pumayag.
Noche Buena na nang makarating si Elias sa gubat ng mga Ibarra na sugatan at
nanghihina. Doon ay natagpuan niya si Basilio at malamig na bangkay ni Sisa.
Bago tuluyang bawian ng buhay ay nanalangin si Elias. Mamamatay siyang hindi
nakikita ang maningning na pagbukang liwayway. Ngunit para sa mga makakakita,
bilin niya na batiin ito at huwag ding makakalimot sa mga nabulid sa dilim ng gabi.

El Filibusterismo

Sa liku-likong daan ng Ilog Pasig ay may isang Bapor Tabo na naglalakbay. Lulan
nito ang maraming taong papunta sa Laguna. Ilan sa mga sakay ng bapor ay sina
Simoun, Basilio, Isagani, at ilang mga pari.
Unang pinuntahan ni Basilio ang puntod ng kaniyang ina nang ito’y makarating sa
San Diego. Doon ay nakita niya ang mag-aalahas na si Simoun. Nang magtanggal
ito ng salamin ay nakilala niyang iyon si Juan Crisostomo Ibarra.
Tinangkang patayin ni Simoun si Basilio upang hindi lumabas ang lihim nito. Ngunit
naisip niyang parehas sila ng kinahinatnan nito kaya hinimok nalang niyang makiisa
si Basilio sa planong paghihiganti sa Pamahalaang Kastila.
Ngunit ito ay tinanggihan ni Basilio. Naghain ng kahilingan sa Kapitan Heneral ang
mga mag-aaral na Pilipino upang makapagtayo ng isang akademya ng wikang
Kastila. Ngunit hindi ito pinagtibay dahil mga pari ang namamahala dito.
Nang muling magkanaig ni Simoun si Basilio ay muli niyang kinumbinsi na umanib
ang binata sa gagawing paghihigmasik.
Plano ni Simoun na gumawa ng isang pulutong na sapilitang papasok sa kumbento
upang agawin si Maria Clara. Sa kasawiang palad ay hindi ito nangyari dahil
binawian din ng buhay ang dalaga kinahapunan.
Samantala, nagkaroon ng pagtitipon ang mga mag-aaral, sa Panciteria na
pagmamay-ari ng Intsik na si Quiroga, dahil sa masama ang kanilang loob dala ng
pagkabigo ng kanilang kahilingan patungkol sa pagpapatayo ng akademya ng
wikang Kastila.
Nalaman ng mga pari ang tahasang pagtuligsa sa kanila ng mga mag-aaral sa
pamamagitan ng talumpatian sa loob din ng Panciteria. Kinaumagahan ay makikita
ang mga paskin sa pinto ng Pamantasan na naglalaman ng mga paghihimagsik.
Pinagbintangan ang mga mag-aaral na kasali sa kapisanan at dinakip ang mga ito
kasama si Basilio. Labis ang pagdaramdam ng kasintahan ni Basilio na si Huli.
Hinimok ni Hermana Bali na lapitan ni Huli si Padre Camorra upang humingi ng
tulong sa pagpapalaya kay Basilio. Napalaya ng mga kamag-anak nila ang mga mag-
aaral maliban kay Basilio.
Hinalay ni Padre Camorra si Huli dahilan kung bakit tumalon sa bintana ang dalaga
at agad namatay.
Sa kabilang dako, patuloy parin si Simoun sa kanyang plano na paghihiganti. Upang
maisagawa iyon, sumanib siya sa negosyo ni Don Timoteo Pelaez na ama ni Juanito.
Ipinagkasundo niyang ipakasal si Paulita kay Juanito.
Inanyayahan niya sa piging ang mga taong may mataas na posisyon sa pamahalaan.
Lumipas ang dalawang buwan, nakalaya na si Basilio sa tulong ni Simoun dahilan
kung bakit tuluyan na siyang nakiisa sa paghihimagsik na balak ni Simoun.
Sinamantala ni Simoun ang mangyayaring piging upang maisagawa ang
paghihimagsik. Naghandog siya ng magarang lampara para sa ikakasal.
Di-lingid sa kanilang kaalaman, ang lamparang iyon ay may lamang nitrogliserina.
Sa oras na itaas ang mitsa ay sasabog ito ng malakas.
Habang nagsasaya ang lahat ay palakad-lakad naman si Basilio sa labas. Hindi siya
mapakali dahil alam niya ang mangyayaring pagsabog.
Nakita niyang lumabas na rin si Simoun sa bahay dahil sa nalalapit na pagsabog ng
lampara. Nakita din niya si Isagani at sinabihan umalis na sa bahay na iyon.
Unti-unti nang lumalamlam ang ilaw ng lampara. Iniutos ng Kapitan Heneral kay
Padre Irene na itaas ang mitsa nito ngunit mabilis itong inagaw ni Isagani at itinapon
sa ilog.
Hindi natuloy ang plano ni Simoun kaya tumakas ito at nagtungo sa bahay ni Padre
Florentino. Uminom si Simoun ng lason dahil ayaw niyang mahuli siya ng mga sibil
na buhay.
Nagtapat siya kay Padre Florentino ng kaniyang buhay at ang balak niyang
paghihiganti.
Noong oras din na iyon ay binawian ng buhay si Simoun.
Tumungo si Padre Florentino sa bato na laging inuupuan ni Isagani malapit sa
dagat at itinapon ang lahat ng kayamanan ni Simoun.

Pagkakahalintulad

➢ Ang pagkakatulad ng El Filibusterismo at Noli ay Parehong isinulat ni Dr.Jose


Rizal.
➢ Nang isinusulat ni Dr. Jose Rizal ang Fili at Noli Me Tangere ay parehas
siyang nakaranas ng mga sularanin at mga paghihirap.
➢ Ang Noli Me Tangere at el Filibusterismo ay parehas isinulat ni Rizal upang
magising ang mga Pilipino sa mapang aping pamamaraan ng pananakop ng
mga Espanyol.
➢ Ang Noli at El Filibusterismo ay parehong tumatalakay sa katiwalian ng
pamahalaan at paghahari harian ng mga prayle noong panahon ng mga kastila.
Sinasabing sa parehong Nobela ay katakot takot ang dinanas na hirap ni Rizal upang
ito ay mailathala salamat sa kanyang mga kaibigan na tumulong sa kanya noong
panahong iyon at matagumpay na nailathala ang naturang mga aklat, ang mga aklat
na ito ang nagpamulat sa maraming Pilipino sa pang aapi ng mga espanyol ito ang
nagtulak sa kanila upang ipaglaban ang kanilang mga karapatan, ang parehong aklat
na ito ang dahilan kung bakit nakamtan natin ang kalayaan.
Pagkakaiba

➢ Ang pagkakaiba ng Noli Me Tangere sa El Filibusterismo


Ang dalawamg nobela ni Dr. Jose Rizal ay magkaiba sa maraming aspeto, bagamat
ito ay isunulat ng iisang manunulat o awtor, at ipinapalagay din na tumutuoy sa
iisangkwento at mayroong magkakaparehong mga tauhan.ngunit di
maipagkakailang madami parin itong pagkakaiba.

➢ Ang Noli Me Tangere


Ang aklat ng Noli nangangahulgan sa pamagat nitong "Huwag Mo Akong Salingin"
Ang nobelang ito ni Rizal ay isang Romantikong Nobela, Ito ay “gawa mula sa puso”
“isang aklat na mayroong damdamin” mayroong kasariwaan, kulay,
katatawanan,kagaanan at kislap ng talino.

➢ Ang El Filibusterismo
Ang aklat ng el Filibusterismo na mayroong kahulugan sa pamagat nito na “Ang
Paghahari ng Kasakiman" ito ay isang nobelang politikal isang “gawa mula sa isip’
“isang aklat ng kaisipan” nagtataglay ng kapaitan,pagkakasuklam, sakit,karahasan
at kalungkutan.

➢ Ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo


Ang orihinal na intension ni Rizal ay gawing mas mahaba ang El Filibusterismo
kaysa sa Noli Me Tangere, Ngunit ng maimprenta, naging mas maiksi ito keysa sa
Noli.Mayroon lamang itong 38 na kabanata kumpara sa Noli na mayroong 64 na
kabanata, Kinailangan na igsian ni rizal ang el Filibusterismo dahil sa kakulangan sa
pondo.
Ang mga kabigan ni Rizal at mga Rizalista ngayon ay magkakaiba ng opinyon sa
alin ang mas mahusay na nobela ag Noli ba o ang Fili, Pero para sa nakararami ay
parehas itong mainam na nobela mula sa punto de-vista ng kasaysayan.pareho itong
mahusay na naglalarawan sa totoong kondisyon ng Pilipinas at mg Pilipino noong
panahon ng mga Kastila.
GAWAIN 2:
Panuto: Itala ang mga kaisipang tinalakay dito. Ipaliwanag ang mga ito sa anyong
pabuod.
- Mga mungkahing nobela. (Makabagong Manunulat)
- Alamat ng gubat ni Bob Ong
- Ligo n U,Lapit na Me ni Eros Atalia
- Walong Diwata ng Pagkahulog ni Edgar Calabia Samar
- Lila ang kulay ng Pamamaalam ni RM Topacio Aplaon
- Kulay rosas ang pintig ng Puso ni Gerardo Torres

Alamat Ng Gubat Ni Bob Ong

Ang Alamat ng Gubat ay umiikot kay Tong, anak ni Haring Talangka, at sa kanyang
pakikipagsapalaran sa paghahanap ng puso ng saging sa gubat. Ang puso ng saging
ang katangi-tanging gamot na makakapagpagaling sa kanyang may sakit na ama.
Sa simula ng kanyang paglalakbay, una niyang nakita si Buwaya. Mabilis
niyang tinanong ito kung nasaan ang puso ng saging ngunit sa bawat tanong ni Tong
ay ipinagbabayad siya ng tatlong perlas. Si Maya, ang kanang-kamay ni Buwaya ay
ganon din ang gusto. At nang wala ng mabigay si Tong, biglang umatake si Buwaya
at gusto siyang kainin kaya dali-dali siyang tumakbo.
Kasunod niyang nakita si Leon na inutusan siyang magbigay ng mga itlog na
inagaw ni Buwaya kina Manok at Pagong kapalit ng pagturo sa kanya kung nasaan
ang puso ng saging.
Habang naglalakbay, di na mapigilan ni Tong ang tawag ng kalikasan. May
nakita siyang pulang bato at nalaman ito pala ay si Ulang. Si Ulang ay nasa tabing
dagat abala sa paggawa ng wala. Hindi siya gumagalaw at walang balak gumalaw
anumang oras.
Papunta na si Tong kina Manok at Pagong nang may marinig siyang
nagpupulong. Ito ang mga insekto na nag-aaway dahil sa planong paghihimagsik ni
Tipaklong. Ang paninindigan ni Tipaklong ay dapat sila rin ay matanggap bilang
hayop. Sila ay minamaliit ng ibang hayop dahil sa kanilang laki. Si Langgam naman
ay di sang-ayon dito dahil marami raw maapektuhan sa paghihimagsik ni Tipaklong
Gugulo lang raw ang maayos niyang mga negosyo at pagmamay-ari. Idiniin niya na
kaya ni Tipaklong maghimagsik dahil walang mawawala sa kanya.
Nakarating na rin siya kina Manok at Pagong. Mabilis niyang binigay ang
mga itlog sa kanila at itinanong kung saan makikita ang puso ng saging. Si Aso daw
ang makakapagturo kay Tong kung nasaan ang puso ng saging. Sinamahan ni
Pagong si Tong papunta kay Aso.
Nang makarating kay Aso, na kinakaiin at isinusuka ang suka niya, itunuro
agad nito ang puno kung nasaan ang puso ng saging. Maibibigay lang daw ni Aso
ito kung magkakaroon sila ng kasunduan. Ibibigay ni Aso ang puso ng saging kay
Tong para mapagaling nito ang kanyang Amang Hari at ang kahilingan na
nakapaloob sa puso ng saging ay mapupunta kay Aso. Narinig ito lahat ni Kuneho
na tutol sa mga sinasabi ni Aso. Gusto ni Kuneho na sa kanya mapunta ang
kahilingan. Maya-maya ay nagkagulo na at naisipan kung sino ang magiging hari
siya ang makakapagdesisyon kung kanino mapupunta ang kahilingan.
Nagkabotohan kung sino ang gusto nilang maging hari ng kagubatan. Nauna
si Aso na marami ang bumoto. Sumunod naman si Langgam na binoto ng mga
insekto. Siya na dapat ang hari ngunit dumating si Tipaklong kasama ang kanyang
mga libo-libong alagad na mga langaw. Mabilis niyang naungusan si Langgam dahil
sa dami ng langaw na bumoto sa kanya. Hindi nagpatalo si Kuneho at binili ang boto
ng mga langaw at ni Aso sa pamamagitan ng pagbibigay ng dumi para sa langaw at
suka para kay Aso.
Sa pag-iisip na hindi matatapos ang botohang ito, naisipan ni Langgam na
magpaligsahan na lang sila para matapos ang gulo. Ang nanalo sa paligsahan ay si
Langgam na agad na tinanghal na hari ng gubat. Ngunit sa di inaasahang pangyayari,
may nakatapak kay Langgam at ito ay namatay. Hindi malaman kung ito ay
maruming pulitka o aksidente.
Hindi nagtagal pumunta na sina Aso, Pagong, Kuneho at Tong sa puno ng
puso ng saging. Doon nag-isip sila kung paano maaabot ang puso ng saging. Hindi
na nila inisip kung sino ang makakakuha ng kahilingan. At nagsimula na ang
kanilang pagkuha sa puso ng saging na laging nauudlot dahil lahat ay gusto sila ang
makakuha nito. Nakuha na nila ang puso ng saging ngunit hindi namalayan na
nandiyan na sina Buwaya at Leon kasama ang kapatid ni Tong. Ang kanyang kapatid
ay matagal ng may galit kay Tong dahil laging siya ang panapaboran ng kanyang
magulang. Pinagsamantalahan ng kanyang kapatid ang nobya ni Tong na lubos
niyang ikinalungkot. Dali-daling humiling si Kuneho na maayos at mailigtas ang
lahat ng hayop ngunit inagaw ito ni Aso at humiling ito ng suka. Sabay-sabay ang
mga gulong nangyayari bigla na lang nandilim ang paningin ni Tong.
Pagmulat niya ng kanyang mata, napadpad siya sa pampang ng isang tabing-
dagat. Doon meron siyang namumukhaan na pula na nilalang sa may tabing-dagat.
Lumapit siya at natukalasan na ito ay si Ulang. Ginising niya ito ngunit ayaw
sumagot ni Ulang. Doon lang niya nahinuha na si Ulang ay pumanaw dahil sa hindi
paggalaw at paggawa ng wala. Siya ay nabilad sa araw at di nakayanan ang init nito.
Sa pagdadalamhati niya, siya ay nagisip-isip sa kanyang mga nagawang
pagkakamali at nagdesisyon kailangan niyang magpatuloy sa paglalakbay niya. Sa
knayang paglalakad ay may nagtapon sa kanya ng saging. Ito ay si Matsing, tinanong
niya ito kung ano ang kailangan nito. Sinabi ni Tong na hinahanap niya ang puso ng
saging. Si Matsing ay dali-saling tumulong sa kanya. Ibinigay niya ang puso ng
saging kay Tong pero sinabi niya na wala naman karamdaman ang kanyang ama.
Ginagawa lang niya ito para mapagtakpan ang kanyang kamalian. Ang puso ng
saging ay nagsisilbing pampamanhid sa mga nararamdaman ng Amang Hari. Sinabi
rin ni Matsing na dapat di siya basta naniwala kahit kanino. Hindi dapat siya
magpagamit sa mga tao at matuto siyang manindigan.
Namulat si Tong sa mga pangaral ni Matsing at gusto niya ipaglaban ang
karapatan ng mga hayop sa gubat. Hindi siya natatakot sa kahit anuman ang
mangyari, basta ang mahalaga lang ay maipaglaban niya ang knaiyang
pinaniniwalaan.

You might also like