You are on page 1of 11

KASAYSAYAN AT BuoD

NG NOLI ME TANGERE

Ellaine Joyce D.
Agbayani
II-BHM
KASAYAYAN NG NOBELA NG NOLI ME TANGERE
 Isa ang Noli sa mga obra maestra ng ating pambansang bayani si Dr. Jose Rizal. Ang
nasabing nobela ang siyang nagmulat sa kaisipan at nagpa-alab ng damdamin ng mga
Pilipino noong mga panahon ng Kastila.

 Sa pananaw ng mga Kastila, ang Noli Me Tangere ay isang subersibong babasahin. Ito ay
patagong sinulat at inilimbag ni Dr. Jose Rizal. Ito ay sumikat hindi lamang sa ating bansa,
kundi pati na rin sa mga banyagang bansa kung saan nakatira ang mga kaibigan at taga
suporta ng ating dakilang pambansang bayani.

 Nagkaroon ng inspirasyon ang 24 anyos na si Rizal na isinulat ang kaniyang unang nobela
nang Mabasa niya ang mga aklat na The Wandering Jew, Uncle Tom’s Cabin, at Bibliya .
 Isinulat ang mga unang bahagi ng aklat noong 1884 sa Madrid at natapos ang ibang
bahagi sa Paris noong 1885.Naisakatuparan naman ni Rizal ang nobela at tuluyan natapos
noong 1887 sa Alemanya.Tatlong taon ang kanyang iginugol para tapusin ang 65 na mga
kabanata ng Noli.

 Nang matapos ang nobela, ang pondo naman sa paglilimbag ang nagging suliranin ni
Rizal, Pinahiram siya ng salapi ng kaniyang kaibigan na si Maximo Viola.

 Nang lumaganap sa bansa ang 2,000 kopya ng nobela, nakarating din ito sa mga Espanyol
na labis na ikinagalit sa mga isinulat ni Rizal.

 Inialay ni Dr. Jose Rizal ang kanyang unang Nobela sa Inang Bayan.
BUOD NG NOBELA NG NOLI ME TANGERE
Si Crisostomo Ibarra, isang binatang Pilipino na matagal na nag-pakadalubhasa sa Europa
ay nagpasyang umuwi sa kanyang bayang sinilangan.

Nang siya ay nakauwi sa Pilipinas, nalaman niya na ang kanyang ama ay namatay sa
kulungan dahil sa kagagawan ng isang Pransiskanong prayle na nag-ngangalang Padre
Damaso.

Ayon kay Tinyente Gueverra, pinaratangan diumano ni Padre Damaso si Don Rafael na
isang Erehe at Pilibustero. Dahil dito siya ay itiniwalag ng simbahan at ibinilanggo.

Nagkasakit ang matanda at namatay. Dahil hindi pa nakuntento sa pagmamalabis si Padre


Damaso, inutusan niyang hukayin ang mga labi ni Don Rafael upang ipalipat sa libingan ng
mga Intsik.
Sa kasamaang palad dahil sa bigat ng bangkay at sa malakas na ulan, hindi na nila ito
tuluyan pang nadala sa sementeryo. Bagkus, napagpasyahan nilang itapon na lamang ito sa
lawa.

Bagamat kasuklam-suklam ang mga nalaman ni Crisostomo mula kay Tinyente, mas pinili
nitong manahimik at ipagpatuloy ang kanyang adhikain na makapagpatayo ng isang
paaralan.

Nagbago ang lahat nang nagkita silang muli ni Padre Damaso sa isang salu-salo.
Nagpasaring ang Pransiskanong pari sa binata ng makailang ulit.
Bagamat sinubukan niyang magkibit-balikat na lamang sa nangyari sa kanyang ama, hindi
rin niya naitago ang kanyang tunay na damdamin. Hindi siya nakapagpigil, kaya tinangka
niyang saksakin ang pari. Mabuti na lamang at sinuway siya ni Maria Clara.

Dahil sa pangyayari, itiniwalag ng simbahan si Ibarra. Sinamantala naman ito ng


kontrabidang si Padre Damaso upang udyukan si Kapitan Tiago na ipawalang bisa ang
nakatakda sanang pag-iisang dibdib ni Maria Clara at ni Ibarra.
Ginawa ito ni Padre Damaso dahil nais niyang makasal si Maria Clara kay Linares, isang
kastilang binatilyo na kararating lamang noon sa bansa.

Kahit na tinanggap ni Maria Clara ang hatol ng pari at ng kanyang ama, hindi siya naging
masaya sa kinahinatnan ng kanyang tadhana. Dahil rito, siya ay nagkasakit.

Pasikreto siyang ipinadalhan ng gamot ni Ibarra upang siya ay gumaling agad.

Mapapawalang bisa na sana ang pagkakatiwalag kay Ibarra ngunit sinalakay ang kwartel
ng mga Gwardya Sibil. Napagbintangan si Ibarra na kasama sa pag-atake kaya siya ay
dinakip at muling inilagak sa kulungan.

Sinubukang patunayan ni Ibarra na wala siyang kinalaman sa pag atake sa kwartel ngunit
siya ay napahamak dahil sa liham na ibinigay ni Maria Clara sa kanya. Dahil dito ay
tuluyan na siyang ibinilango.
Ang Pagtakas ni Elias at Ibarra

Isang gabi, nakatakas si Ibarra sa kulungan, habang sila Kapitan Tiago naman ay may
selebrasyon sa kanilang tahanan. Noong gabing iyon ang ipinahayag ang kasunduan ng pag-
iisang dibdib ni Linares at Maria Clara.

Bago tuluyang lumisan si Ibarra ay nagawa nitong makipagkita ng palihim kay Maria
Clara. Sinabi sa kanya ni Ibarra pinapalaya na niya siya. Ipinaliwanag ni Maria Clara na si
Padre Damaso ay ang kanyang tunay na ama ayon sa mga nabasa niyang liham na nasa
mga kamay ni Padre Salvi.
Sinabi niya na kailangan niyang protektahan ang karangalan ng kanyang yumaong ina
kaya ito ay magpapakasal sa Kastilang si Linares.

Isinumpa rin ni Maria Clara na magpakailanman ay hindi magbabago ang kanyang pag-
ibig sa binata, kahit ano pa man ang mangyari sa kanila.
Sa tulong ni Elias, tuluyang tumakas si Ibarra. Sumakay sila ng bangka at tinunton nila ng
palihim ang ilog Pasig hanggang sa makalabas sa may Lawa ng Bay.
Ang Malagim at Malungkot na Pagtatapos

Sa kasamaang palad, nakita sila ng mga awtoridad na humahabol sa kanila. Upang


mailigtas si Ibarra, iniligaw ni Elias ang mga tumutugis sa kanila. Lumundag siya sa tubig
at lumangoy papalayo.
Pinaputukan siya ng mga gwardya sibil hanggang sa napuno ng dugo ang tubig.
Narinig ni Maria Clara ang balita na si Ibarra ay pinaslang ng mga Sibil. Dahil rito, hiniling
niya kay Padre Damaso na ipasok siya sa kumbento. Walang nagawa ang pari kundi umoo
dahil pinagbantaan ni Maria Clara ang sarili niyang buhay.

Nagwakas ang kwento sa eksena kung saan nakarating si Elias sa kagubatang ng mga
Ibarra. Siya ay lubhang sugatan noon nang kanyang matagpuan si Basilio, na siya nama’y
kasama ang kanyang inang pumanaw na.

Bago tuluyang namatay si Elias, sinabi niyang hindi man lang niya napagmasdan ang
pamimitak ng araw sa kanyang mahal na bayan. Hiniling niya na sana ay hindi malimutan
ang mga taong namatay upang maipagtanggol ang bayang sinilangan.
MGA KARAGDAGANG
KAALAMAN
 Matapos magkaroon ng kasarinlan ang Pilipinas, tinangkang HARANGIN ng simbahang
KATOLIKO ang pagbabasa at pagtuturo sa mga paaralan ng Noli Me Tangere at El
Filibustirismo noong 1856 at naghain sila sa Kongreso sa pagpapatigil nito dahil salungat daw
ang mga laman nito sa tinuturo ng SIMBAHANG KATOLIKO.Ngunit hindi ito nagtagumpay
at natatag ang RA1425 o kilala sa tawag BATAS RIZAL kung saan isang mandato sa lahat ng
matatas na paaralan ng Pilipinas ang pag aaral sa mga nobela at buhay ng ating pambansang
bayani na si Dr. Jose P. Rizal.

 Isinulat ang Noli Me Tangere upang mabuksan ang mga mata ng mga Pilipino sa Kanser ng
lipunan na nangyari sa bansa.Ito ay ang pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas.
MARAMING SALAMAT PO!!!!
MGA MAHAHALAGANG TALA NG NOBELANG
NOLI ME TANGERE

 COLONIAL MENTALITY -ang pagpapalagay ng mga Pilipino noon sa kanilang sarili na sila ay nabibilang sa mga
dayuhan Kastila, at ang dugong nananalatay sa kanila ay hindi dugong Pilipino.At pagtangkilik sa mga produktong
gawa sa ibang bansa katulad ng ginawa ni Kap. Tiago at ibang mga mayayaman noong Pista sa San Diego.
 SOCIAL CLIMBER - ang pagnanais ng mga Pilipino noon na mapabilang sa tinatawag na “ALTAS SOCIEDAD”
katulad nina Kapitan Tiago, Donya Victoria at Donya Consolacion.
 RACIAL DESCRIMINATION -ang pagtanggi o pagbawal sa mga kababaihan na makisalamuha sa mga kalalakihan,
maging sa paaralan ay hindi pinapayagan ang mga kababaihan na pumasok at matuto,paghihiwalay sa kababaihan at
kalalakihan.
 FATALISM -ang pangit na simbahan noon at pagtuturo na ipaubaya ang kapalaran at kinabukasan ng isang tao o
Diyos.
 RELIGIOUS INTOLERANCE -ang paggamit ng relihiyon ng mga Kastila noon upang takutin at lasunin ang pag iisip
ng mga Pilipino.
 SERILITY -ang labis na pagpapalugod o paglilingkod sa mga mayayaman o maimpluwensya at ang pagiging tau
tauhan ng mga Pilipino noon sa mga Kastila.

You might also like