Akong Salingin ay tumutukoy sa buhay ni Crisostomo Ibarra. Ito ay inilimbag noong 1887 sa Germany na sinulat ni Dr. Jose Rizal. Tinatalakay dito ang mga pinaggagawang masama ng mga Kastilang Prayle at ang mga pang-aapi ng mga nanakop na dayuhan.
Si Crisostomo Ibarra ay isang prominenteng
angkan sa San Diego at 7 taon mula noong pumunta siya sa Europa para mag-aral. Sa kaniyang pagbalik, naghandog ng isang handaan si Kapitan Tiyago. Kasamang inimbitahan sa salo- salo sina Padre Damaso, Padre Sibyla, Tinyente Guevarra at ilang mga matataas na tao sa lipunan ng Kastila. Sa hapunang iyon ipinahiya ni Padre Damaso na siyang dating kura ng San Diego ang binate, ngunit ito’y hindi nalang niya pinansin at magalang na nagpaalam para umalis dahil may pupuntahan pa siya. Habang naglalakad si Ibarra, sinusundan pala siya ni Tinyente Guevarra at binigyan siya ng isang babala na mag-ingat na baka matulad siya sa nangyari sa kaniyang ama. Dahil sa kagustuhan na malaman kung anong nangyari sa kaniyang ama, tinanong niya si Tinyente Guevarra at agad naman itong nagkwento. Ayon dito, ang kanyang ama ay ang pinakamayaman sa kanilang lalawigan. Pinaratangan siyang isang erehe at pilibustero ni Padre Damaso dahil lamang sa hindi nito pagkompisal. Nadagdagan pa ng isang pangyayari ang paratang na ito. Minsan ay may isang maniningil ng buwis na nakaaway ng isang batang mag-aaral, nakita ito ni Don Rafael,pinag-usig siya, nagsulputan ang kaniyang mga lihim na kaaway at nagharap ng iba’t ibang sakdal. Siya ay nabilanggo at ng malapit ng malutas ang usapin ay nagkasakit ang matanda at namatay. Sakay ng kalesa, dumating siya sa Fonda de Lala. Gulong-gulo ang isip nito dahil sa sinapit ng kaniyang ama. Mula sa bintana, natatanaw niya ang isang maliwanag na bahay sa kabila ng ilog. May isang magandang binibini na nababalot ng manipis na habi, may suot na diyamante at ginto. Lahat ng tao duon ay nakatuon lamang kay Maria Clara. Dahil sa pagal ang isip at katawan ni Ibarra sa paglalim ng gabi, madali siyang nakatulog at nagising kinabukasan. Habang nasa simbahan si Maria Clara at Tiya Isabel ay nagmamadaling umuwi si Maria Clara para Makita si Ibarra. Hindi ito mapakali at aligaga itong naghihintay. Nang dumating si Ibarra ay agad silang nagbalik tanaw sa kanilang kabataan. Dali- daling nagpaalam si Ibarra kay Maria na aalis na siya at agad itong umuwi para makahabol sa malapit na undas. Habang binabagtas ni Ibarra ang isang pook sa Maynila, marami siyang naalala. Kabilang ditto ang mga kalesa at iba pa. Naala-ala din niya ang aral na binigay sa kaniya, na nagbigay ng inspirasyon upang isapuso ang pag-aaral at ipamahagi sa kabataan na siyang pag-asa ng bayan. May isang karwaheng nakatigil sa tapat ng bahay ni Kapitan Tiyago. Ang nakasakay ditto ay si Tiya Isabel habng hinihintay si Maria Clara. Biglang dumating si Padre Damaso at tinanong kung saan sila pupunta at dali-daling pumunta si Padre Damaso kay Kapitan Tiyago at sinabihan niya itong ayaw niya kay Ibarra para kay Maria Clara. May dalawang sepulturero na nasa kalagitnaan ng kanilang panghuhukay ng disoras ng gabi ay naisipan nilang magkwentuhan. Sinabi ng isang sepulturero na may mahaba na karansan na may bangkay na dalawampung araw palang naililibing na ipinapahukay sa kaniya at inutos sa kaniya na ilipat sa libingan ng mga Intsik. Ngunit hindi niya ito nagampanan dahil sa bugso ng ulan kaya napilitan na lamang siyang itapon sa lawa. Dumating si Ibarra sa libingan at hinanap ang puntod ng ama na si Don Rafael. Nakita ni Ibarra ang matandang sepulturero. Sinabi nila ang palatandaan ng libingan ni Don Rafael. Pero nasindak si Ibarra ng ipagtapat ng sepulturero na kaniyang tinapon sa lawa ang bangkay ni Don Rafael dahil s autos ni Padre Garrote. Sa kasamaan palad naging madilim ang kinabukasan ni Ibarra dahil sa pagtakwil sa kaniya ng simbahan at mapagbintangab na nag-organisa ng rebelyon. Tinugis siya ng guwardya sibil, ngunit nailigtas siya ni Elias, isang rebelled na tumataligsa sa mga pang-aapi ng mga dayuhan. Tinangka nilang tumakas palabras ng lawa, ngunit naabutan sila ng mga guwardya sibil.Upang iligaw ang mga ito. Tumaboy si Elias sa Bangka. Pinagbabaril siya hanggang sa mapuno ng kulay pula ang tubig ng lawa. Nakarating sa kaalaman ni Maria Clara na si Ibarra’y napatay ng mga sibil sa kaniyang pagtakas.. Ang dalaga’y nalungkot at nawalan ng pag-asa kaya’t hiniling niya kay Padre Damaso na siya’y ipasok sa kumbento ng Santa Clara upang magmadre. Napilitang pumayag ang padre sapagkat sinabi ng dalga na siya’y magpapakamatay. Noche Buena ng makarating si Elias sa maalamat na gubat ng mga Ibarra, sugatan at nanghihina na doon niya nakatagpo si Basilio at ina nitong wala ng buhay. Bago siya nalagutan ng hininga, ay sinabing namatay siyang hindi nakikita ang pagbubukang-liwayway ng kaniyang bayan at makakikita ay huwag sanang kalilimutan ang mga namatay dahil sa pagtanggol ng bayan. Buod ng Noli Me Tangere
Ipinasa ni; Junabel C. Bagsican
Ipinasa kay; Cinderella Casanes Ito ang mga litaw o pangunahing tauhan ng Noli Me Tangere;
Juan Crisostomo Eibarramendia y Ibarra
Binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng hospital upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego. Elias Matalik na kaibigan ni gelbert luna; matipunong piloto at magsasaka, Don Pedro Eibarramendia Ang pangalan ng lolo sa tuhod ni Don Crisostomo Ibarra. Kapitan Tiyago Mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara. Naging kaibigan ni Crisostomo Ibarra sa simula ng nobela. Padre Damaso Isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego; tunay na ama ni Maria Clara. Padre Salvi Kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangin kay Maria Clara. hindi ito totoo Maria Clara Mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kanyang ina na si Doña Pia Alba kay Padre Damaso. Pilosopo Tasyo Maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego. Isa sa mga makabayang Pilipino ng San Diego.