You are on page 1of 1

CONJURADO APRIL R.

11-TYCOON ABM

Noli Me Tangere Buod


Ang nobelang Noli Me Tangere or Huwag Mo Akong Salingin sa tagalog ay isinulat
ni Dr. Jose Rizal. Ito ay inilimbag noong 1887 sa Germany. . Tinalakay sa nobela
ang mga panglalapastangan ng mga Kastilang Prayle pati na rin ang mga pang-aapi
ng mga nanakop na mga dayuhan.
Umikot ang nobela sa buhay ni Crisostomo Ibarra, isang binatang nag-aral ng pitong
taon sa Europa. Siya ay mula sa isang prominenteng angkan sa San Diego. Nang
siya ay umuwi sa Pilipinas, naghandog ng isang piging ang tanyag na si Kapitan
Tiago. Kasamang inimbitahan sa salu-salo ang mga Pransiskanong prayle na sila
Padre Salvi at Padre Damaso.Matapos ang piging, dinalaw ng magiting na binata
ang kanyang kasintahang si Maria Clara, na anak-anakan naman ng kapita-pitagang
si Kapitan Tiago. Sinariwa nilang dalawa ang kanilang pagmamahalan sa
pamamagitan ng pagbabasa ng mga liham na ipinadala nila sa isa’t-isa noong
namamalagi pa si Ibarra sa Europa.auseHabang papauwi sa kanyang tahanan,
nakapagkwentuhan si Ibarra at ang matalik na kaibigan ng kanilang pamilya na si
Tinyente Gueverra. Ibinahagi ni tinyente ang malagim na sinapit ng kanyang ama sa
kamay ni Padre Damaso.Bagamat hindi maganda ang pagiging trato ng prayle kay
Don Rafael, pinili na lamang niya na abutin ang kanyang pangarap na
makapagpatayo ng paaralan sa San Diego.Sa kasamaang palad, naging madilim
ang kinabukasan ni Ibarra matapos siyang itakwil ng simbahan at mapagbintangan
na nag-organisa ng rebelyon.Tinugis siya ng gwardya sibil, ngunit nailigtas ni Elias,
isang rebelde na tumutuligsa sa mga pang-aapi ng mga dayuhan. Tinangka nilang
tumakas palabas ng lawa ng Bay, ngunit naabutan sila ng mga gwardya sibil.Upang
ilagaw ang mga tumutugis, tumaboy si Elias sa bangka. Pinagbabaril siya hanggang
sa mapuno ng kulay pula ang tubig sa lawa.Nagtapos ang kwento sa eksena kung
saan humimlay si Elias at sinabing hindi na niya masisilayan pa ang bukang
liwayway.

You might also like