You are on page 1of 147

NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Jose Rizal

Sa paksang ito, alamin nating ang buod ng isa sa mg nobelang isinulat ni Jose Rizal: ang Noli Me
Tangere.

Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na
isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y
Alonzo Realonda).

Buod

Ang binatang si Juan Crisostomo Ibarra ay bumalik sa Pilipinas pagkatapos ng pitong taong pag-aaral
niya sa Europa. Naghandog ng piging si Kapitan Tiyago sa dahilang ito na kung saan inanyayahan niya
ang ilang sikat na tao sa kanilang lugar. Nahamak si Ibarra ni Padre Damaso sa piging ngunit nagpaalam
ng magalang niya ang pari dahil may mahalaga siyang lakarin. May magandang kasintahan si Ibarra na
si Maria Clara na anak-anakan ni Kapitan Tiyago at ang dahilan kung bakit dalawin niya pagkatapos ng piging. Muling binasa ni Maria ang mga
lumang liham ni Ibarra bago siya mag-aral sa Europa habang inalala nila ang kanilang pagmamahalan. Bago umuwi si Ibarra ay nakita niya si
Tinyente Guevarra na nagpahayag na namatay na noong isang taon ang ama ni Ibarra na si Don Rafael Ibarra. Sabi ng Tinyente na inakusahan
ang don ni Padre Damaso na erehe (taong hindi sumunod sa utos ng Simbahan) at pilibustero (taong sumasalungat sa utos ng pamahalaan) dahil
hindi umano nagsisimba at nangunumpisal. Ngunit ayon sa Tinyente, nagsimula ito nang ipagtangol ng don ang isang bata sa kamay ng isang
maniningil na hindi sinadyang nabagok ang ulo kaya namatay. Nakakulong umanoy si Don Rafael habang may imbestigasyon ukol sa insidente
ngunit ang mga kaaway niya ay gumawa nga mga kung anuano para ipahiya ang Don. Nagkasakit ang Don at namatay dahil sa naapektuhan siya
sa mga pangyayari. Ang padre ay hindi nakuntento at ipinahukay ang labi ng don upang ipalipat sa libingan ng mga Intsik ngutin nang dahil sa
ulan ay itinapon ang kanyang labi sa lawa. Imbes na nagtangkang ipaghiganti ang yumaong ama, ipagpatuloy ni Ibarra ang nasimulan ng Don
kaya nagpatayo siya ng paaralan sa tulong ni Nol Juan. Muntik nang mapatay si Ibarra kung hindi iniligtas ni Elias noong babasbasam na ang
itinayong paaralan. Namatay ang taong binayaran ng lihim na kaaway. Si Padre Damaso ay muling nag-aasar kay Ibarra. Nang saglit nang
inihamak ng padre ang ama niya ay nagalit at nagtangkang isaksak ang pari pero pinigilan siya ni Maria. Dahill doon ay natiwalag si Ibarra ng
Arsobispo sa simbahan. Nasamantala ni Padre Damaso nito upang iutos sa Kapitan na hindi na ipagpatuloy ang kasal kay Maria Clara at ipakasal
sa binatang Kastila na si Linares. Pero dahil sa tulong ng Kapitan Heneral ay nabalik si Ibarra sa simbangan. Pero hindi inasaang hinuli si Ibarra
nang dahil umano ay nanguna siya sa pagsalakay sa kuwartel.

Tumakas si Ibarra sa kulungan sa tulong ni Elias. Pumunta si Ibarra sa kay Maria bago siya tumakas. Itinanggi ng dalaga ang liham na ginamit
laban sa kanya nang dahil sa inagaw ang liham kapalit sa liham ng ina niya na nagsasabi na si Damaso ang tunay niyang ama. Pagkatapos nito ay
tumakas na si Ibarra sa tulong ni Elias. Sumakay sila sa bangka patungo Ilog Pasig hanggang sa Lawa ng Bay at tinabunan si Ibarra ng mga
damo. Naabutan sila ng mga tumutugis sa kanila. Para makaligtas si Ibarra, naging pampalito si Elias at tumalon sa tubig. Akala ng mga
tumutugis na ang tumalon ay si Ibarra kaya nila binaril si Elias hanggang nagkulay ng dugo. Naabutan ang balita kay Maria na namatay si Ibarra.
Natunton ni Elias ang gubat ng mga Ibarra at doon niya natuklasan si Basillo at ang namatay niyang inang si Sisa. Bago namatay si Elias ay
sinugo niya ang bata na kung hindi man daw niya makita ang bukang-liwayway sa sariling bayan, sa mga mapalad, huwag lamang daw limutin
nang ganap ang mga nasawi sa dilim ng gabi.

Kabanata 1: Pagtitipon

Isang marangyang salu-salo ang ipinag-anyaya ni Don Santiago de los Santos na higit na popular sa taguring Kapitan Tiago.  Ang handaan ay
gagawin sa kanyang bahay na nasa daang Anluwage na karatig ng Ilog-Binundok. Ang paayaya ay
madaling kumalat sa lahat ng sulok ng Maynila.  Bawat isa ay gustong dumalo sapagkat ang mayamang
Kapitan ay kilala bilang isang mabuting tao, mapagbigay at laging bukas ang palad sa mga
nangangailangan.  Dahil dito, ang iba ay nababalino kung ano ang isusuot at sasabihin sa mismong araw ng handaan. Nang gabing iyon dagsa
ang mga panauhin na gaya ng dapat asahan.  Puno ang bulwagan.  Ang nag-iistima sa mgta bisita ay si Tiya Isabel, isang matandang babae na
pinsan ng may-bahay.  Kabilang sa mga bisita sina Tinyente ng guardia civil, Pari Sibyla, ang Kura paroko ng Binundok, si Padre Damaso na
madaldal at mahahayap ang mga salita at dalawang Paisano.  Ang isa ay kararating lamang sa Pilipinas. Ang kararating na dayuhan ay
nagtatanong tungkol sa mga asal ng mga katutubong Pilipino.  Ipinaliwanag niya na ang pagpunta niya sa bansa ay sarili niyang gastos.  Ang
pakay ng kanyang paglalakbay ay upang magkaroon ng kabatiran tungkol sa lupain ng mga Indiyo. Nagkaroon ng mainitang balitaktakan ng
mabanggit ng dayuhan ang tungkol sa monopolyo ng tabako.  Nailabas ni Pari Damaso ang kanyang mapanlait na ugali.  Nilibak niya ang mga
Indiyo.  Ang tingin niya sa mga ito ay hamak at mababa.  Lumitaw din sa usapan ang panlalait ng mga Espanyol tungkol sa mga Pilipino noong
mga nakalipas na araw.  Mapanlibak si Pari Damaso.  Kung kaya’t iniba ni Pari Sibyla ang usapan.

Napadako ang usapan tungkol sa pagkakalipat sa ibang bayan ni Padre Damaso pagkatapos ng makapagsilbi sa loob ng 20 taon bilang kura
paroko ng San Diego.  Sinabi niya kahit na ang hari ay hindi dapat manghimasok sa pagpaparusa ng simbahan sa mga erehe. Pero, ito ay
tinutulan ng Tinyente ng Guardia Civil sa pagsasabing may karapatan ang Kapitan Heneral sapagkat ito ang kinatawan ng hari ng bansa.
Ipinaliwanag pa ng Yinyente ang dahilan ng pagkakalipat ni Pari Damaso.  Ito, umano ang nag-utos na hukayin at ilipat ang bangkay ng isang
marangal na lalaki na napagbintangang isang erehe ng pari dahil lamang sa hindi pangungumpisal. Ang ginawa ay itinuturing na isang
kabuktutan ng Kapitan Heneral.  Kung kaya inutos nito ang paglilipat sa ibang parokya ang paring Pransiskano bilang parusa.  Nagpupuyos sa
galit ang pari kapag naaalala niya ang mga kasulatang nawaglit. Iniwanan na ni Tinyente ang umpukan, pagkatapos nitong makapagpaliwanag.
Sinikap ni Pari Sibyla na pakalmahin ang loob ni Pari Damaso.  Lumawig muli ang talakayan.  Dumating ang ilan pang mga bagong panauhin.
Ilan sa mga ito ay ang mag-asawang sina Dr. de Espadaña at Donya Victorina.

Kabanata 2: Si Crisostomo Ibarra


Dumating si Kapitan Tiyago at si Ibarra na luksang-luksa ang kasuotan.  Binating lahat ni Kapitan ang
mga panauhin at humalik sa kamay ng mga pari na nakalimot na siya ay bendisyunan dahil sa
pagkabigla.  Si Pari Damaso ay namutla ng makilala si Ibarra. Ipinakilala ni Kapitan Tiyago si Ibarra sa
pagsasabing ito ay anak ng kanyang kaibigang namatay at kararating lamang niya buhat sa pitong taong
pag-aaral sa Europa.  Malusog ang pangangatawan ni Ibarra, sa kanyang masayang mukha mababakas
ang kagandahan ng ugali.  Bagamat siya ay kayumanggi, mahahalata rin sa pisikal na kaanyuan nito
ang pagiging dugong Espanyol.

Tinangkang kamayan ni Ibarra si Pari Damaso sapagkat alam niyang ito ay kaibigang


matalik ng kanyang yumaong ama.  Ngunit, ito ay hindi inamin ng Pari.  Totoo, siya ang Kura sa
bayan.  Pero, ikinaila niyang kaibigan niya ang ama ni Ibarra. Napahiya si Ibarra at iniatras ang kamay.  Dagling tinalikuran niya ang Pari at
napaharap sa Tinyenteng kanina pa namamasid sa kanila.  Masayang nag-usap sina Tinyente at Ibarra.  Nagpapasalamat ang Tinyente sapagkat
dumating ang binata ng walang anumang masamang nangyari.  Basag ang tinig ng Tinyente ng sabihin niya sa binata na nasa nito ay higit na
maging mapalad sa kanyang ama.  Ayon sa Tinyente, ang ama ni Ibarra ay isang taong mabait.  Ang ganitong papuri ay pumawi sa masamang
hinala ni Ibarra tungkol sa kahabag-habag na sinapit ng kanyang ama.

Ang pasulyap ni Padre Damaso sa tinyente ay sapat na upang layuan niya ang binata.  Naiwang mag-isa si Ibarra
sa bulwagan ng walang kakilala.Tulad ng kaugaliang Aleman na natutuhan ni Ibarra buhat sa kanyang pag-aaral
sa Europa, ipinakilala niya ang kanyang sarili sa mga nanduruong kamukha niyang panauhin.  Ang mga babae
ay hindi umimik sa kanya.  Ang mga lalaki lamang ang nagpapakilala rin sa kanya.  Nakilala niya ang isang
binata rin na tumigil sa pagsusulat. Malapit ng tawagin ang mga panauhin para maghapunan, nang lumapit si Kapitan Tinong kay Ibarra para
kumbidahin sa isang pananghalian kinabukasan.  Tumanggi sa anyaya ang binata sapagkat nakatakda siyang magtungo sa San Diego sa araw na
naturan.

Kabanata 3: Ang Hapunan

Isa-isang nagtungo ang mga panauhin sa harap ng hapagkainan.  Sa anyo ng kanilang mga mukha,
mahahalata ang kanilang pakiramdam.  Siyang-siya si Pari Sybyla samantalang banas na banas naman
si Padre Damaso.  Sinisikaran niya ang lahat ng madaanan hanggang sa masiko niya ang isang kadete.
Hindi naman umiimik ang Tinyente.  Ang ibang bisita naman ay magiliw na nag-uusap at pinupuri ang
masarap na handa ni Kapitan Tiyago.  Nainis naman si Donya Victorina sa Tinyente sapagkat
natapakan ang kola ng kanyang saya habang tinitignan nito ang pagkakulot ng kanyang buhok.Sa may
kabisera umupo si Ibarra.  Ang magkabilang dulo naman ay pinagtatalunan ng dalawang pari kung
sino sa kanila ang dapat na lumikmo roon.

Sa tingin ni Pari Sibyla, si Pari Damaso ang dapat umupo roon dahil siya ang padre kumpesor ng pamilya ni Kapitan Tiyago.  Pero, si Pari
Sibyla naman ang iginigiit ng Paring Pransiskano.  Si Sibyla ang kura sa lugar na iyon, kung kaya’t siya ang karapat-dapat na umupo.

Anyong uupo na si Sibyla, napansin niya ang tinyente at nagkunwang iaalok ang upuan.  Pero, tumanggi ang
Tinyente sapagkat umiiwas siyang mapagitnaan nang dalawang pari. Sa mga panauhin, tanging si Ibarra lamang
ang nakaisip na anyayahan si Kapitan Tiyago.  Pero, kagaya ng may karaniwang may pahanda, magalang na
tumanggi ang Kapitan sabay sabing huwag mo akong alalahanin.Sinimulan ng idulot ang pagkain.  Naragdagan
ang pagpupuyos ng damdamin ni Pari Damaso nang ihain ang Tinola.
Paano puro upo, leeg at pakpak ng manok ang napunta sa kanya.  Ang kay Ibarra ay puro masasarap na bahagi ng tinola.  Hindi alam ng pari,
sadyang ipinaluto ng Kapitan ang manok para kay Ibarra.

Habang kumakain, nakipag-usap si Ibarra sa mga ibang panauhin na malapit sa kinaroroonan niya.  Batay sa sagot ng binata sa tanong ni Laruja,
siya ay mayroon ding pitong taong nawala sa Pilipinas.  Bagamat, wala siya sa bansa, hindi niya nakakalimutan ang kanyang bayan.  At sa halip,
siya ang nakalimutan ng bayan sapagkat ni wala man lang isang taong nakapagbalita tungkol sa masaklap na sinapit ng kanyang ama.  Dahil sa
pahayag na ito ni Ibarra, nagtumibay ang paniniwala ng tinyente na talagang walang alam ang binata sa tunay na dahilan ng pagkamatay ng
kanyang amang si Don Rafael.

Tinanong ni Donya Victorina si Ibarra na bakit hindi man lang ito nagpadala ng hatid-kawad, na kagaya ng


ginawa ni Don Tiburcio nang sila ay magtaling-puso. Nasa ibang bayan ako nitong mga huling dalawang taon,
tugon naman ni Ibarra. Nalaman ng mga kausap ni Ibarra na marami ng bansa ang napuntahan nito at marami ng
wika ang kanyang alam. Ang katutubong wikang natutuhan niya sa mga bansang pinupuntahan niya ang
ginagamit niya sa pakikipagtalastasan.  Bukod sa wika, pinag-aaralan din niya ang kasaysayan ng bansang
kanyang pinupuntahan partikular na ang tungkol sa Exodo o hinay-hinay na pagbabago sa kaunlaran

Kabanata 4: Erehe at Pilibustero

Naglakad na si Ibarra na hindi batid ang destinasyon.  Nakarating siya hanggang sa may


Liwasan ng Binundok.  Sa maraming taong pagkakawala niya sa bayan,wala pa ring pagbabago sa kanyang
dinatnan.  Sa paggala-gala ng kanyang paningin, naramdaman niyang may dumantay na kamay sa kanyang
balikat.  Si Tinyente Guevarra, na sumunod sa kanya upang paalalahanan na mag-ingat din sapagkat
nangangamba siyang baka matulad siya (Ibarra) sa sinapit ng kanyang ama.  Nakiusap si Ibarra na
isalaysay ng Tinyente ang tungkol sa buhay ng kanyang ama sapagkat tunay na wala siyang nalalaman dito.
Sinabi ni Ibarra na sumulat and kanyang ama sa kanya may isang taon na ang nakakalipas.  Nagbilin si Don Rafael (ama ni Ibarra) na huwag
nitong ikagugulat kung sakali mang hindi siya makasulat sapagkat lubha siyang abala sa kanyang mga gawain.

Ganito ang salaysay ng Tinyente: Si Don Rafael ay siyang pinakamayaman sa buong lalawigan.  Bagamat
siya ay iginagalang, may ilan din namang naiinggit.  Ang mga nuno nila ay mga Kastila.  Ang mga Kastila
dahil sa kasawian ay hindi gumagawa ng mga nararapat.  Ang masasama sa Espanya ay nakakarating sa
Pilipinas.  Si Don Rafael ay maraming mga kagalit na mga Kastila at pari.  Ilang
buwan pa lamang nakakaalis sa Pilipinas si Ibarra, si Don Rafael at Pari Damaso ay
nagkasira.  Diumano, di nangungumpisal si Don Rafael. Nabilanggo si Don Rafael
dahil sa pagkakaroon ng mga lihim na kaaway.  Pinagbintangan pa siya ang pumatay
sa isang mangmang at malupit na artilyerong naniningil ng buwis ng mga sasakyan.
Pero hindi naman totoo.

Isang araw may isang grupo  ng mga bata na sinigawan ang Artilyero ng ba be bi bo bu na labis na ikinagalit nito. Pinukol ng kanyang
tungkod ng Artilyero ang mga bata.  Isa ang sinampalad na tinamaan at nabuwal.  Pinagsisipa niya ito.  Napatiyempo namang nagdaraan si Don
Rafael.  Kinagalitan niya ang Artilyero.  Pero, ito ay lalong nagpuyos sa galit at si Don Rafel ang kanyang hinarap.  Walang nagawa si Don
Rafael kung hindi ipagtanggol ang sarili.Sa hindi malamang dahilan, bigla na lamang sumuray-suray ang artilyero at dahan-dahang nabuwal.
Terible ang kanyang pagkakabuwal sapagkat ang kanyang ulo ay tumama sa isang tipak na bato.  Nagduduwal ito at hindi nagkamalay hanggang
sa tuluyang mapugto ang hininga. Dahil dito, nabilanggo di Don Rafael.  Pinagbintangan siyang erehe at pilibustero.  Masakit sa kanya ang
ganito sapagkat iyon ang itinuturing na pinakamabigat na parusa.

Pero, lalong nadagdagan ang bigat sa kanyang dibdib.  Pinaratangan din siyang nagbabasa ng mga ipinagbabawal na aklat (El Correo de
Ultramar) at diyaryo, nagtatago ng larawan ng paring binitay, isinakdal sa salang pangangamkam ng lupain at nagbibigay ng tulong sa mga
tulisan. Gumawa siya (ang Tinyente) ng paraan para tulungan si Don Rafael at sumumpang ito ay marangal na tao.  Katunayan, siya ay
kumuha ng isang abugadong Pilipino na si G.A. at G.M.  Ito ay pagkaraang lumitaw sa pagsusuri na ang ikinamatay ng artilyero ay nag
pamumuo ng dugo sa ulo nito. Nang lumaon, ang katwiran ay nagtagumpay din. Nang si Don Rafael ay malapit ng lumaya dahil sa tapos ng
lahat ang mga kasong ibinintang sa kanya.  Ang sapin-saping kahirapan ng kalooban na kanyang dinanas ay hindi nakayanan ng kanyang pisikal
na katawan. Hindi na niya natamasa ang malayang buhay.  Sa mismong loob ng bilangguan, nalagutan ng hininga si Don Rafael.Huminto sa
pagsasalaysay ang Tinyente.  Inabot nito ang kanyang kamay kay Ibarra at sinabing si Kapitan Tiyago na lamang ang bahalang magsalaysay
ng iba pang pangyayari.  Nasa tapat sila ng kuwartel ng maghiwalay.  Sumakay sa kalesa si Ibarra.

Kabanata 5: Pangarap sa Gabing Madilim

Sakay ng kalesa, dumating si Ibarra sa Fonda de Lala (ito ay isang uri ng panuluyan, na tinutuluyan niya kapag siya
ay nasa Maynila).  Kaagad na nagtuloy si Ibarra sa kanyang silid at naupo sa isang silyon.  Sa sinapit ng ama,
gulong-gulo ang isip nito. Maya-maya ginala ang paningin sa kalawakan ng himpapawid.

Mula sa bintana, natanaw niya ang isang maliwanag na bahay sa kabila ng ilog.  Naririnig niya ang
kalansing ng mga kubyertos at pinggan.  Dinig din niya ang tugtugin ng orkestra. Kung nagmasid
lamang ng husto sa bahay na iyon si Ibarra, makikita niya kung sinu-sino ang naroroon.  May isang
magandang binibini na nababalot ng manipis na habi, may suot na diyamante at ginto.  Sa likuran naman may mga anghel, pastol at
dalagang nag-aalay ng bulaklak.  Ang mga umpukan naman ng mga Kastila, Pilipino, pari, Intsik, militar ay nakatuon lahat sa
kagandahan ni Maria Clara.  Giliw na giliw silang nakatingin sa dalaga, maliban sa isang batang Pransiskano na payat at putlain.
Iba ang kanyang nadarama.  Si Pari Sibyla ay siyang-siya sa pakikipag-usap sa mga dilag samantalang si Donya Victoria ay
matiyagang inaayos ang buhok ng dalagang hinahangaan ng lahat.Dahil sa pagal ang isip at katawan ni Ibarra sa paglalim ng gabi, madali
siyang nakatulog at nagising kinabukasan na.  Ang tanging hindi inabot ng antok ay ang batang Pransiskano. Maria Clara
Kabanata 6: Si Kapitan Tiyago

Ang katangian ni Kapitan Tiyago ay itinuturing hulog ng langit.  Siya ay pandak, di kaputian at may
bilugang mukha.  Siya ay tinatayang nasa pagitan ng 35 taong gulang.  Maitim ang buhok, at kung hindi
lamang nanabako at ngumanganga, maituturing na sya ay magandang lalaki.Siya ang pinakamayaman sa
Binundok dahil sa marami siyang negosyo at iba pang klase ng ari-arian. Tanyag din sya sa Pampanga
at Laguna bilang asendero, hindi kataka-taka na parang lobong hinihipan sa pagpintog ng kanyang
yaman. Dahil sa siya ay mayaman, siya ay isang impluwensyadong tao.
Siya ay malakas sa mga taong nasa gobyerno at halos kaibigan niya lahat
ng mga prayle.  Ang turing niya sa sarili ay isang tunay na Kastila at hindi
Pilipino.  Kasundo nya ang Diyos dahil nagagawa niyang bilhin ang
kabalanan.  Katunayan, siya ay nagpapamisa at nag papadasal tungkol sa kanyang sarili.  Ipinalalagay ng balana
na siya ay nakapagtatamo ng kalangitan.  Iisipin na lamang na nasa kanyang silid ang lahat ng mga santo at
santong sinasamba katulad nina Sta.Lucia, San Pascual Bailon, San Antonio de Padua, San Francisco de
Asis, San Antonio Abad, San Miguel, Sto. Domingo, Hesukristo at ang banal na mag-anak. Para kay Kapitan Tiyago kahit na ano ang itakda an
mga Kastila, yaon ay karapat-dapat at kapuri-puri.  Dahil sa kanyang pagpupula sa mga Pilipino, siya ay naglilingkod bilang gobernadorcillo.
Basta opisyal, sinusunod niya.  Anumang reglamento o patakaran ay kanyang sinusonod.  Sipsip din siya sa mga taong nasa poder.  Basta may
okasyon na katulad ng kapanganakan at kapistahan, lagi sya mayroong handog na regalo.Si Kapitan Tiyago ay tanging isang kuripot na
mangangalakal ng asukal sa Malabon.  Dahil sa kakuriputan ng ama, siya ay hindi pinag aral.  Naging katulong at tinuruan siya ng isang paring
Dominiko.  Nang mamatay ang pari at ama nito, siya’y mag-isang nangalakal.  Nakilala nya si Pia Alba na isang magandang dalagang taga Sta.
Cruz.  Nagtulong sila sa pag hahanap-buhay hangang sa yumaman ng husto at nakilala sa alta sosyedad.
Ang pagbili nila ng lupain sa  San Diego ang naging daan upang maging kaututang-dila roon ang kura na si Padre Damaso.  Naging kaibigan din
nila ang pinakamayaman sa buong San Diego - si Don Rafael Ibarra, ang ama ni Crisostomo Ibarra.  Dahil sa anim na taon ng pagsasama sina
Tiyago at Pia at hindi nagkaroon ng anak kahit na kung saan-saan sila namanata.Dahil dito ipinayo ni Padre Damaso na sa Obando sila pumunta
kina San Pascal Baylon at Sta. Clara at sa Nuestra Sra. de Salambaw.

Parang dininig ang dasal ni Pia, siya ay naglihi.  Gayunpaman nagiging masakitin si Pia, nang siya ay magdalangtao.  Pagkapanganak niya, siya
ay namatay.  Si Padre Damaso ang nag anak sa binyag at ang anak ni Pia ay pinangalanang Maria Clara bilang pagbibigay karangalan sa
dalawang pintakasi sa Obando, kay Tiya Isabel, pinsan ni Kapitan Tiyago, ang natokang mag-aruga kay Maria.  Lumaki siya sa pagmamahal na
inukol ni Tiya Isabel, kanyang ama at mga prayle.

Katorse anyos si Maria, nang siya ipinasok sa beaterio ng Sta Catalina.  Luhaan syang nagpaalam
kay Pari Damaso at sa kanyang kaibigan at kababatang si Crisostomo Ibarra, pagkapasok ni Maria sa
kumbento, si Ibarra naman ay nagpunta na ng Europa upang mag aral.Gayunman, nagkasundo sina Don
Rafael at Kapitan Tiyago na maski nagkalayo ang kanilang mga anak.  Pagdating ng tamang panahon silang
dalawa (Maria at Crisostomo) ay pag iisahing dibdib.  Ito ay sa kanilang paniniwala na ang dalawa ay tunay na nag-iibigan.

Kabanata 7: Suyuan sa Isang Asotea

Kinabukasan, maagang–maaga pa ay nagsimba na sina Maria at Tiya Isabel. Pagkatapos ng misa, Nagyayang
umuwi na si Maria.Pagkaagahan ay nanahi si Maria upang hindi mainip sa paghihintay. Si Isabel ay nagwalis ng
mga kalat ng sinundang gabi. Si Kapitan Tiago ay binuklat naman ang mga itinatagong kasulatan. Sumasasal sa
kaba ang dibdib ni Maria tuwing may nagdaraang mga sasakyan. Sapagkat medyo namumuutla siya, ipinayo ni
Kapitan Tiago na magbakasyon siya sa Malabon o sa San Diego.Iminungkahi ni Isabel na sa San Diego na
gagawin ang bakasyon sapagkat bukod sa malaki ang bahay roon ay malápit na ring ganapin ang
pista.Tinagubilin ni Kapitan Tiago si Maria na sa pagkukuha ng kaniyang mga damit ay magpaalam na siya sa mga kaibigan sapagkat hindi na
siya babalik sa beaterio.

Nanlamig at biglang nabitawan ni Maria ang tinatahi ng may biglang tumigil na sasakyan sa kanilang tapat. Nang maulinigan niya ang boses ni
Ibarra, karakang pumasok sa silid si Maria. Tinulungan siya ni tiya Isabel na mag-ayos ng sarili bago harapin si Ibarra. Pumasok na sa bulwagan
ang dalawa. Nagtama ang kanilang paningin. Ang pagkakatama ng kanilang paningin ay nagdulot ng kaligayahan sa kanilang puso. Pamaya-
maya, lumapit sila sa asotea upang iwasan ang alikabok na nililikha ni Isabel. Tinanong Maria si Ibarra, kung hindi siya nalimutan nito sa
pangingibang bansa dahil sa maraming magagandang dalaga roon. Sinabi ni Ibarra na siya ay hindi nakakalimot. Katunayan anya, si Maria ay
laging nasa kaniyang alaala.

Binigyan diin pa ni Ibarra ang isinumpa niya sa harap ng bangkay ng ina na wala siyang iibigin at paliligayahin kundi si Maria lamang. Si Maria
man, anya, ay hindi nakakalimot kahit na pinayuhan siya ng kaniyang padre kompesor na limutin na niya si Ibarra. Binikas pa ni Maria ang
kanilang kamusmusan, ang kanilang paglalaro, pagtatampuhan at muling pagbabati, at pagkapatawa ni Maria ng tawaging mangmang ng
kaniyang ina si Ibarra. Dahil dito si Ibarra ay nagtampo kay Maria. Nawala lamang ang kaniyang tampo nang lagyan ni maria ng sambong sa
loob na kaniyang sumbrerong upang hinda maitiman.

Ang bagay na iyon ay ikinagalak ni Ibarra, kinuha niya sa kaniyang kalupi ang isang papel at ipinakita ang ilang tuyong dahon ng sambong na
nangingitim na. Pero, mabango pa rin. Inilabas naman ni Maria ni Maria ang isang liham na ibinigay naman sa kaniya ni Ibarra bago tumulak ito
patungo sa ibang bansa. Binasa ito ni Maria ng pantay mata upang di makita ang kaniyang mukha.Nakasaad sa sulat kung bakit nais ni Don
Rafael na papag-aralin si Ibarra sa ibang bansa. Siya anya ay isang lalaki at kailangan niyang matutuhan ang tungkol sa mga buhay-buhay upang
mapaglingkuran niya ang kaniyang sinilangan. Na bagamat, matanda na si Don Rafael at kailangan ni Ibarra, siya ay handang magtiis na
ipaubaya ang pansariling interes alang-alang sa kapakanang pambayan.
Sa bahaging iyon ng sulat ay napatayo si Ibarra. Namutla siya. Napatigil sa pagbabasa si Maria. Tinanong ni Maria ang binata. Sumagot siya
"Dahil sayo ay nalimutan ko ang aking tungkulin. Kailangan na pala akong umuwi dahil bukas ay undas na." Kumuha ng ilang bulaklak si Maria
at iniabot iyon kay Ibarra. Pinagbilinan ni Kapitan Tiyago si Ibarra na pakisabi kay Anding na ayusin nito ang bahay nila sa San Diego sapagkat
magbabakasyon duon ang mag-ale. Tumango si Ibarra at umalis na ito.Pumasok sa silid si Maria at umiyak. Sinundan siya ni Kapitan Tiago at
inutusan na magtulos ng dalawang kandila sa mga manlalakbay na sina Mahal na Poong San Roque at Mahal na Poong San Rafael.

Kabanata 8: Mga Alaala

Ang kalesang sinasakyan ni Ibarra ay masayang bumabagtas sa isang masayang pook sa Maynila.Ang
kagandahan ng sinag ng araw ay nakakapagpapawi sa kaniyang kahapisang nadarama.Sa pagmamasid niya sa
kapaligiran, biglang bumangon sa kaniyang nahihimlay na diwa ang isang alaala.Kabilang dito ang mga
kalesa at karumatang hindi tumitigil sa pagbibiyahe, mga taong may ibat-ibang uri ng kasuotan na katulad ng
mga Europeo, Intsik, Pilipino, mga babaing naglalako ng mga bungang-kahoy, mga lalaking hubad na
nagpapasan, mga ponda at restauran at pati ang mga karitong hila ng mga makupad na kalabaw. Pati ang
bilanggong patay sa ilalim ng kariton at malapit sa dalawang bilanggo rin ay kaniyang naalala.

Sa patuloy na pagsusuyod ng kaniyang tingin, napansin niya na walang ipinagbago ang punong Talisay sa San
Gabriel. Ang Escolta naman sa tingin din niya ay lalong pumangit. Nakita din niya ang mga magagandang karwahe
na ang mga sakay ay mga kawaning inanatok pa sa kanilang mga pagpasok sa mga tanggapan at pagawaan, mga
tsino at paring walang kibo. Sa mga paring nakasakay sa mga karwahe, namataan niya si Padre Damaso na
Escolta
nakakunot-noo. Si Kapitan Tinong noon na kasama ang asawa at dalawang anak na
babae at nakasakay sa ibang karwahe ay binati si Ibarra.Napadaan din siya sa
Fabrica de Tabacos de Arroceros (ngayon ay C.M. Recto) sa bahaging kinalalagyan ng pagawaan ng tabako. Naalala niya na minsan na siyang
nahilo dahil sa masamang amoy ng tabako.Nang madaan siya sa Jardin Botanico saglit na napawi ang kaniyang mga magagandang gunita.
Pumasok sa kaniyang isip na ang hardin sa Europa ay nakakaakit at nakapag-aanyaya sa mga ito upang iyon ay malasin. Itinoon niya ang tingin
sa malayo at makita niya ang matandang Maynila na naliligid ng makakapal at nilumot ng mga pader. Ang pagkakapatingin niya sa Bagumbayan
ay nagpabangon sa bilin ng kaniyang naging gurong pari bago siya tumulak sa ibang bansa. Ang bilin ng pari ay (1) Ang karunungan ay para sa
tao, ngunit ito ay natatamo lamang ng mga may puso lamang. (2) Kailangang pagyamanin ang karunungan upang maisalin ito sa mga susunod na
salin-lahi at (3) ang mga dayuhan ay nagpunta sa Pilipinas upang humanap ng ginto. Kung kaya’t nararapat lamang na puntahan ang lugar ng
mga dayuhan upang kunin naman ni Ibarra ang ginto nila (dayuhan).

Kabanata 9: Mga Bagay-bagay sa Paligid

May isang karwaheng nakatigil sa tapat ng bahay ni Kapitan Tiago. Ang nakasakay sa loob nito ay si
Tiya Isabel at hinihintay na lamang na sumakay si Maria. Tiyempong dumating si Padre Damaso at
tinanong ang mag-ale. Sinabi nilang kukunin ni Maria ang mga kagamitan nito sa Beaterio. Ang ganito
ay hindi minabuti ng pari, bubulong-bulong na nagtuloy siya sa bahay ni Tiago. Ang pagbulung-bulong
ng pari ay inaakala ni Isabel na mayroon itong minimemoryang sermon.Nahalata kaagad ni Kapitan
Tiago ang pagbabagong anyo ng pari nang hindi nito iabot ang kamay nang magtangka siyang
magmano rito. Sinabi ng pari na kailangang mag-usap silang sarilinan ni Kapitan Tiago.
Pumasok sila sa isang silid at isinarang mabuti ang pinto.Sa kabilang dako, pagkaraang
makapagmisa si Padre Sibyla, kaagad na nagtuloy siya sa kumbento ng mga Dominiko sa Puerta de Isabel II. Dumiretso siya sa isang
silid at tumambad sa kaniyang paningin ang anyo ng isang matandang paring may sakit. Sinigilahan siya ng matinding pagkaawa rito.
Ikinuwento ni Padre Sibyla sa paring may-sakit ang tungkol sa naganap na pagkakaalitan nina Padre Damaso at ni Ibarra. Ipinaliwanag
ni Padre Sibyla na si Ibarra ay taong mabait at mabuting tao. Ang dalawang pari ay nagpalitan ng mga kuru-kuro tungkol sa mayamang
binata, kay Maria Clara at kay Kapitan Tiago. Sa kanilang pagsusuri, ang mga ito ay lubhang napakalaki ng maitutulong sa ikasusulong ng
kanilang korporasyon at kapatiran ng panahong iyon.

Sa paniniwala ng may sakit na pari, dahan-dahan ng nawawala ang kanilang mga kayamanan lalo na sa Europa dahil sa pagtaas ng buwis na
nagiging dahilan ng pagkawala ng kanilang mga ari-arian. Hindi na nararapat, anya, ang pagtataas ng buwis sa kanilang mga lupain sapagkat ang
Pilipino ay natututo ng mamili ng lupa sa iba’t ibang lugar at lumilitaw na kasimbuti rin ng sa kanila o higit pa.

Bago umalis si Padre Sibyla, naibalita rin niya na ang tenyente ay hindi rin nagsumbong sa Kapitan-Heneral at
diumano, ito ay nakikiisa pa kay Padre Damaso. Pero, nalaman din ng kapitan ang buong pangyayari. Ito ay
naibalita ni Laruja sa isang pahayagan. Si Padre Damaso ay napalipat pa sa higit na mabuting bayan.Sa kabilang
banda naman, natapos na rin ang masinsinang pag-uusap nina Kapitan Tiyago at Padre Damaso. Sinisi ni Padre
Damaso si Kapitan Tiago dahil sa hindi nito pagtatapat. Binalaan pa niya ang kapitan na kailanman ay huwag
itong magsinungaling sa kaniya sapagkat siya ang inaama ni Maria Clara. Pag-alis ng pari, kaagad na pinatay niya
ang mga ipinatulos na dalawang kandila kay Maria na patungkol para sa maluwalhating paglalakbay ni Ibarra patungong San Diego.

Kabanata 10: Bayan ng San Diego

Ang San Diego ay isang karaniwang bayan sa Pilipinas na nasa isang baybayin ng isang lawa at may
malalapad na bukirin at palayan. Karamihan sa nakatira rito ay mga magsasaka. Dahil sa kanilang
kamangmangan, ang mga inaaning produkto agrikultura ay naipagbibili nila ng murang-mura sa
tsino.Mula sa pinakamataas na bahagi ng simboryo ng simbahan, halos natatanaw ang kabuuan ng bayan.
Sa may itaas na bahagi, may kubo na sadyang itinayo. Gayunman, mapapansin sa pagtanaw sa kabuuan
nito ang isang tila pulong gubat na nasa gitna mismo ng kabukiran. Kagaya pa ng ibang bayan sa Pilipinas,
ang San Diego ay mayroong itinatagong alamat. May isa umanong matandang kastila na dumating sa
bayan. Ito ay matatas magsalita ng Tagalog at nanlalalim ang mga mata. Binili niya ang buong gubat. Ang mga pinambayad niya ay mga damit,
alahas at salapi. Hindi nagtagal ang matanda ay nawala.

Isang araw ang mga nagpapastol ng kalabaw ay nakaamoy ng masangsang na amoy.Hinanap nila ang pinanggalingan ng amoy at nakita nila ang
nabubulok na bangkay ng matanda na nakabitin sa isang puno ng baliti.Dahil sa pagkamatay ng matanda, lalo siyang kinatakutan sapagkat nung
nabubuhay pa siya, takot na takot sa kaniya ang mga babae sa pagkat bahaw ang tinig nito, paimpit kung tumawa at malalalim ang mga mata.
Sinunog ng ilan ang damit na galing sa matanda at ang mga hiyas naman ay tinapon sa ilog.

Hindi nagtagal, isang batang mistisong kastila ang dumating at sinabing siya ang anak ng namatay. Ito ay may pangalang Saturnino. Siya ay
masipag at mapusok. Sininop niya ang gubat. Sa kalaunan, nakapag-asawa siya ng isang babaeng taga-Maynila at nagkaroon ng anak na tinawag
niyang Rafael o Don Rafael, na siyang ama ni Crisostomo.Si Don Rafael ay hindi malupit bagkus siya ay mabait. Ito ang dahilan kung bakit
kinagiliwan siya ng mga magsasaka. Napaunlad niya ang lugar, mula sa pagiging nayon. Ito ay naging bayan.Nagkaroon ng isang kura Indio.
Pero, nang namatay si Padre Damaso na ang pumalit at naging kura pareho ng bayan.

Kabanata 11:  Mga Hari-Harian

Bagamat Don Rafael, ang tawag sa ama ni Ibarra, hindi siya ang kinikilalang makapangyarihan kahit na
siya ang pinakamayaman. Pero, siya ay iginagalang at halos lahat ng mga tao ay mayroong pagkakautang
sa kaniya. Sa kabila ng kabusilakan ng kaniyang damdamin, siya ay kinalaban ng magkaroon ng usapin at
ni wala pa ngang kakampi.Si Kapitan Tiago man, kahit na masalapi at sinasalubong ng banda ng musiko at
hinahainan ng masasarap na pagkain kapag nagpupunta sa bayan,siya ay nakatalikod, siya ay tinatawag na
Sakristan Tiago.
Ang kapitan sa bayan ay hindi rin kabilang sa mga tinatawag na casique o makapangyarihan. Ang kaniyang puwesto
ay nabili niya sa halagang P5, 000. Madalas siyang sabunin at kagalitan ng alkalde mayor.Ang San Diego ay
maihahalintulad sa Roma at Italya sa mahigpit na pag-aagawan sa kapangyarihan pamunuan ng bayan. Ang mga ito
ay sina Pare Bemardo Salvi, isang payat at batang pransiskano at siyang pumalit kay Padre Damaso. Payat siya
sapagkat mahilig siyang mag-ayuno. Kung ihahambing siya kay Padre Damaso, siya ay mabait at maingat sa
tungkulin. Si Padre Salvi ay ang Alperes at ang kaniyang asawa na si Donya Consolacion, isang Pilipina na mahilig
maglagay ng mga kolorete sa mukha. Ang alpares ang puno ng mga guwardiya sibil. Ang pagkakapangasawa niya ay binubunton niya sa
pamamagitan ng paglalasing, pag-uutos sa mga sundalo na magsanay sa init ng araw o dili kaya ay sinasaktan ang kaniyang eposa.Bagama’t
may hidwaan ang alpares at Padre Salvi kapag sila ay nagkikita ay pareho silang nagpaplastikan. Sila ay nagbabatian sa harap ng maraming tao
at para walang anumang namamagitan di pagkakaunawaan. Pero, kapag hindi na magkaharap gumagawa sila ng kani-kanilang mga paraan para
makapaghiganti sa isa’t-isa.Ang alpares at Padre Salvi ang tunay na makapangyarihan sa San Diego. Ang tawag sa kanila ay mga casique.

Kabanata 12: Todos Los Santos (Araw ng mga Patay)

Ang sementeryo ng San Diego ay nasa kalagitnaan ng isang malawak na palayan at may bakod na
lumang pader at kawayan. Lubhang napakakipot ng daang patungo rito. Ito ay maalikabok kung tag-araw
at nagpuputik naman kung tag-ulan.Mayroong isang malaking krus na nasa
gitna ng libingan. Ito ay mayroong nakatungtong na bato at nakatitik ang
INRI sa isang kuping lata na niluma na ng panahon. Masukal ang kabuuan
ng libingan.Sa ibang bahagi ng libingan, may dalawang tao ang
humuhukay ng paglilibingan na malapit sa pader na parang babagsak na. Padre Garrote
Ang isa ay dating sepulturero at ang isa naman ay parang bago sapagkat hindi siya mapakali, dura ng dura sa lupa at panay ang hitit ng
sigarilyo.Sinabi ng naninigarilyong lalaki sa sepulturero na lumipat na sila ng ibang lugar sapagkat sariwa at dumudugo pa ang bangkay na
kaniyang hinuhukay. Hindi niya matagalan ang gayong tanawin.

Sumagot ang kausap na siya raw ay napakaselan at marahil kung siya ang nasa kaniyang kalagayan na ipinahukay ang isang bangkay na may 20
araw pa lang nalilibing sa gitna ng kadiliman ng gabi, kasalukuyang bumubuhos ang malakas na ulan at namatay ang kaniyang ilaw ay lalo
siyang mandidiri at kikilabutan ang buong katawan. Ang bangkay aniya ay kailangang pasanin at ilibing sa libingan ng mga intsik gayunman,
dahil nga sa malakas ang buhos ng ulan at kabigatan ng bangkay, minarapat na lamang na itapon niya ito sa lawa. Ito ay dahil sa utos ng
malaking kura na si Padre Garrote.

Kabanata 13: Mga Banta ng Unos

Dumating si Ibarra sa libingan at hinanap ang puntod ng ama- si Don Rafael. Kasama niya ang isang
matandang utusan niya. Sinabi ng matanda kay Ibarra, na si Kapitan Tiyago ang nagpagawa ng nitso ni
Don Rafael. Ito aniya ay tinaniman niya ng mga bulaklak ng adelpa at sampaga at nilagyan ng krus.
Nakita nina Ibarra at matanda ang sepulturero. Sinabi nila ang palatandaan ng libingan ni Don Rafael.
Tumango ang tagapaglibing. Pero, nasindak si Ibarra ng ipagtapat ng sepulturero na kaniyang sinunog
ang krus at itinapon naman ang bangkay sa lawa dahil sa utos ni Padre Garrote. Higit umanong mabuti na
mapatapon ang bangkay sa lawa kaysa makasama pa ito sa libingan ng
mga intsik.Parang pinagtakluban ng langit at lupa si Ibarra.Nasindak siya
ng husto. Ang matanda naman ay napaiyak sa kaniyang narinig. Parang
baliw na nilisan ni Ibarra ang kausap hanggang sa makasalubong niya si
Padre Salvi na nakabaston na may puluhang garing. Kaagad na dinaluhong ni Ibarra si Padre Salvi. Bakas sa
mukha ni Ibarra ang naglalatang na poot at galit sa dibdib. Nararamdaman iyon ni Padre Salvi. Tinanong ni Ibarra si Padre Salvi kung bakit
nagawa nila ang malaking kalapastangan sa kaniyang ama. Sumagot si Padre Salvi na hindi siya ang may kagagawan niyon kundi si Padre
Damaso na tinawag na Padre Garrote.

Kabanata 14: Tasiong Baliw o Pilosopo

Si Pilosopo Tasio ay dating Don Anastacio. Siya ay laging laman ng lansangan, walang tiyak na
direksiyon ang kaniyang paglalakad. Nang araw na iyon ay dumalaw din siya sa libingan upang hanapin
ang puntod ng nasirang asawa. Ang pagkakilala kay Tasyo ng mga mangmang ay isang taong may toyo sa
ulo o baliw.Anak siya ng mayaman. Pero, dahil sa katalinuhan niya ay pinahinto sa pag-aaral mula sa
dalubhasaan ng San Jose. Natatakot kasi ang kaniyang ina, na dahil sa pagtatamo niya ng higit na mataas
na kaalaman, baka makalimutan niya ang Diyos. Isa pa, gusto ng kaniyang ina
na siya ay magpare. Pero, hindi niya ito sinunod at sa halip ay nag-asawa na
lamang siya. Gayunman, pagkaraan ng isang taon, namatay ang kaniyang
asawa. Inukol na lamang ni Tasyo ang sarili sa pagbabasa ng mga aklat
hanggang sa mapabayaan niya ang kaniyang mga minanang kayamanan.Bagamat nang hapong iyon mayroong babala
na darating ang unos sapagkat matatalim na kidlat ang gumuguhit sa nagdidilim na langit, masaya pa rin ang hitsura
ni Pilosopo Tasyo. Ito ang ipinagtaka ng mga taong nakakausap niya. Tinanong siya kung bakit, Diretso ang sagot niya:”Ang pagdating ng
bagyo ang tangi kong pag-asa sapagkat’t ito ang magdadala ng mga lintik na siyang papatay sa mga tao at susunog sa mga kabahayan. Sana
magkaroon din ng delubyo sapagkat may sampung taon na ngayon, isinuwestiyon ko sa bawat kapitan ang pagbili nila ng tagahuli ng kidlat o
pararayos ngunit ako’y pinagtawanan lamang ng lahat.”Ayon pa sa kaniya, hindi binili ng mga kapitan ang kaniyang pinabibili at sa halip ay
mga paputok at kuwitis ang kanilang binili at binayaran ang bawat dupikal ng kampana, gayong sa agham ay mapanganib ang tugtog ng mga
batingaw kapag kumukulog. Iniwanan ni Tasyo ang kausap at nagtuloy ito sa simbahan. Inabutan niya ang dalawang bata sa pagsasabing
ipinaghanda sila ng kanilang ina ng hapunang pangkura. Tumanggi ang mga bata.

Lumabas ng simbahan si Tasyo at nagtuloy sa may kabayanan. Nagtuloy siya sa bahay ng mag-asawang Don Filipo
at Aling Doray. Masayang sinalubong ng mag-asawa at itinanong kung nakita niya si Ibarra na nagtungo sa
libingan. Sumagot siya ng oo sa pagsasabing nakita niya itong bumaba sa karwahe. Naramdaman niya, anya, ang
naramdaman ni Ibarra nang hindi makita ang libingan ng ama. Ayon kay Tasyo isa siya sa anim na kataong
nakipaglibing kay Don Rafael.Sa pag-uusap pa rin nila, nabanggit ni Aling Doray ang tungkol sa purgatoryo
sapagkat noon ay undas nga. Sinabi ni Tasyo na hindi siya naninwala sa purgatoryo. Pero, sinabi niyang iyon ay
mabuti, banal at maraming kabutihan ang nagagawa nito sa tao upang mabuhay ng malinis at dalisay na pamumuhay. Binigyang diin pa niya na
ang purgatoryo ay siyang tagapag-ugnay ng namatay sa nabubuhay.Pagkuwa’y nagpaalam na siya. Palakas nang palakas ang buhos ng ulan. Ito
ay sinasalitan ng matatalim na kidlat at kulog. Siyang-siya si Pilosopo Tasyo sa gayong pangyayari sapagkat nakataas pa ang kaniyang dalawang
kamay at nagsisigaw habang naglalakad papalayo sa mag-asawa.

Kabanata 15: Mga Sakristan

Parang plegarya ang tunog ng kampanang binabatak ng magkapatid na sakristan na sina Crispin at
Basilio. Sila ang kausap kanina ni Pilosopo Tasyo at sinabihan ng sila ay hinihintay ng kanilang inang si
Sisa para sa isang hapunang pangkura. Sa anyo ng hitsura ng magkapatid mapagsisino na sila ya hilahod
sa hirap.Sinabi ni Crispin kay Basilio ng kung kasama sila ni Sisa. Disinsana, siya ay hindi
mapagbibintangang isang magnanakaw.Kung malalaman ni Sisa na siya ay pinapalo, tiyak hindi papayag
ang kanilang ina. Ang anyo ng pangamba sa mukha ni Crispin ay nababakas. Idinadalangin na sana
magkasakit silang lahat. Ang suweldo lang kasi ni ay dalawang piso sa isang buwan. Minultahan pa siya
ng tatlong beses. Pero, hindi pumayag si Basilio sapagkat walang kakainin ang kanilang ina. Isa pa ang katumbas ng dalawang onsa ay P32.00.
Lubhang mabigat ito para kay Basilio.

Ipinakiusap ni Crispin na bayaran na lamang ni Basilio ang ibinibintang sa kaniya. Pero, kulang pa ang sasahurin ni Basilio kahit magbayad sila.
Dahil dito, nasabi ni Crispin na mabuti pa ngang magnanakaw na siya sapagkat maililitaw niya ito. At kung papatayin man siya sa palo ng kura
at siya’y mamamatay magkakaroon naman ng mga damit si Sisa at ang kapatid na si Basilio. Nasindak ang huili sa binanggit ng kapatid.Nag-
aalala pa si Basilio na kapag nalaman ng kanilang ina napagbintangang nagnakaw si Crispin, tiyak na magagalit ito. Pero, sinabi ni Crispin na
hindi maniniwala ang kanilang ina sapagkat ipikikita niya ang maraming latay na likha ng pagpalo ng kura at ang bulsa niyang butas-butas na
walang laman kundi isang kuwalta na aginaldo pa niya noong paslo, na kinuha pa sa kaniya ng hidhid na kura.

Gulo ang isip ni Crispin dahil mahirap na gusot na napasukan nilang magkapatid. Gusto niyang makauwi silang
magkapatid upang makakain ng masarap na hapunan. Magmula ng mapagbintangan siyang nagnakaw, hindi pa siya
pinapakain hangga’t hindi niya naisauli ang dalawang onsa. Maliwanag sa mga pahayag ni Crispin na kaya siya
napagbintangang magnanakaw sapagkat ang kanilang ama ay mabisyo, lasenggero at sabungero.Habang nag-uusap ang
magkapatid, ang sakristan mayor ay walang kilatis na nakapanhik sa palapag na kinaroonan nila. Antimano, puyos ito
sa galit. Sinabi niya kay Basilio na ito ay kaniyang minumultahan dahil sa hindi tamang pagtugtog ng kampana.
Kapagdaka, si Crispin naman ang hinarap at sinabing hindi ito makakauwi hanggang hindi niya inilalabas ang dalawang onsa na binibintang sa
kaniya. Tinangkang mangatwiran ni Basilio, pero sinansala siya ng sakristan mayor sa pagsasabing kahit na, siya ay hindi makakauwi hanggang
hindi sumasapit ang eksaktong ika-10 ng gabi. Gimbal si Basilio sapagkat ika-9 pa lamang ng gabi ay wala ng puwedeng maglakad sa lansangan
kung gabi. Makikiusap pa sana si Basilio, pero biglang sinambilat ng sakristan mayor si Crispin sa bisig at kinaladkad na papanaog sa hagdanan
hanggang sa sila ay lamunin sa dilim. Dinig ni Basilio ang pagpapalahaw ng kapatid. Pero, wala siyang magawa, naiwan itong parang tulala.
Ang bawat pagsampal ng sakristan kay Crispin ay sinusundan ng masakit na pagdaing. Nanlaki ang mata at nakuyom ni Basilio ang kaniyang
palad sa sinapit ng kapatid. Pumasok sa isip na kung kailan siya maaaring mag-araro sa bukid habang naririning niya ang paghingi ng saklolo ni
Crispin. Mabilis na pumanhik siya sa ikalawang palapag ng kampanaryo. Mabilis na kinalag niya ang lubid na nakatali sa kampana at
nagpatihulog na padausdos sa bintana ng kampanaryo. Noon ang langit ay unti-unti ng nagliliwanag sapagkat humihinto na ang ulan

Kabanata 16: Sisa

Ang kadiliman ay nakalatag na sa buong santinakpan. Mahimbing na natutulog ang mga taga-San Diego
pagkatapos na makapag-ukol ng dalangin sa kanilang mga yumaong mga kamag-anak. Pero, si Sisa ay
gising. Siya ay nakatira sa isang maliit na dampa na sa labas ng bayan. May isang oras din bago narating
ang kaniyang tirahan mula sa kabayanan.

Kapuspalad si Sisa sapagkat nakapag-asawa siya ng lalaking iresponsable, walang pakialam sa buhay,
sugarol at palaboy sa lansangan. Hindi niya asikaso ang mga anak, tanging si Sisa lamang ang
kumakalinga kay Basilio at Crispin. Dahil sa kapabayaan ng kaniyang asawa, naipagbili ni Sisa ang ilan
sa mga natipong hiyas o alahas nito noong siya ay dalaga pa. Sobra ang kaniyang pagkamartir at hina ng
loob. Sa madalang na paguwi ng kaniyang asawa, nakakatikim pa siya ng sakit ng katawan. Nananakit
ang lalaki. Gayunpaman, para kay Sisa ang lalaki ay ang kaniyang bathala at ang kaniyang mga anak ay anghel.

Nang gabing iyon, abala siya sa pagdating nina Basilio at Crispin. Mayroong tuyong tawili at namitas ng kamatis sa kanilang bakuran na siyang
ihahain niya kay Crispin. Tapang baboy-damo at isang hita ng patong bundok o dumara na hiningi niya kay Pilosopo Tasyo ang inihain niya kay
Basilio. Higit sa lahat, nagsaing siya ng puting bigas na sadyang inani niya sa bukid. Ang ganitong hapunan ay tunay na pangkura, na gaya ng
sinabi ni Pilosopo Tasyo kina Basilio at Crispin ng puntahan niya ang mga ito sa simbahan.Sa kasamaang palad, hindi
natikman ng magkapatid ang inihanda ng ina sapagkat dumating ang kanilang ama. Nilantakang lahat ang mga
pagkaing nakasadya sa kanila. Itinanong pa niya kung nasaan ang dalawa niyang anak. Nang mabundat ang asawa ni
Sisa ito ay muling umalis dala ang sasabunging manok at nagbilin pa siya na tirahan siya ng perang sasahudin ng
anak. Windang ang puso ni Sisa. Hindi nito mapigilan na hindi umiyak. Paano na ang kaniyang dalawang anghel. Ngayon lamang siya nagluto,
tapos uubusin lamang ng kaniyang walang pusong asawa.Luhaang nagsaing siyang muli at inihaw ang nalalabing daing na tuyo sapagkat naalala
niyang darating na gutom ang kaniyang mga anak. Hindi na siya napakali sa paghihintay. Upang maaliw sa sarili, di lang iisang beses siya
umawit nang mahina. Saglit na tinigil niya ang pag-aawit ng kundiman at pinukulan niya ng tingin ang kadilimang bumabalot sa kapaligiran.
Nagkaroon siya ng malungkot na pangitain. Kasalukuyan siyang dumadalangin sa Mahal Na Birhen, ng gulantangin siya ng malakas na tawag ni
Basilio mula sa labas ng bahay.

Kabanata 17: Basilio

Napatigagal si Sisa nang dumating si Basilio na sugatan ang ulo. Dumadaloy ang masaganang dugo.
Ipinagtapat ni Basilio ang dahilan ng kaniyang pagkakasugat. Siya ay hinabol ng mga guwardiya sibil at
pinahihinto sa paglakad. Pero siya ay kumaripas ng takbo sapagkat nangangamba siyang kapag nahuli
siya ay parurusahan at paglilinisin sa kuwartel. Dahil sa hindi niya paghinto siya ay binaril. Dinaplisan
siya ng punglo sa ulo. Sinabi din niya sa ina na naiwan niya sa kumbento si Crispin. Nakahinga ng
maluwag si Sisa. Ipinakiusap ni Basilio sa ina, na huwag sabihin kanino man ang dahilan ng kaniyang
pagkakasugat sa ulo. At sa halip ay sabihin na lamang na nahulog siya sa puno.

Tinanong ni Sisa kung bakit naiwan si Crispin. Sinabi ni Basilio na napagbintangan na nagnakaw ng
dalawang onsa si Crispin. Hindi niya sinabi ang parusang natikman ng kapatid sa kamay ng sakristan
mayor. Napaluha si Sisa dahil sa awa sa anak. Sinabing ang mga dukhang katulad lamang nila ang nagpapasan ng maraming hirap sa buhay.
Hindi nakatikim ng pagkain si Basilio. Kaagad na sinayasat ng ang ina nang malaman na dumating ang ama. Alam niyang pag dumarating ang
ama tumitikim ng bugbog ang ina nito. Nabanggit ni Basilio na higit na magiging mabuti ang kanilang kalagayan, kung silang tatlo na lamang.
Hitsa puwera ang ama. Ito ay pinagdamdam ni Sisa.

Sa pagtulog ni basilio siya ay binangungot. Sa panaginip niya, nakita niya ang kapatid na si Crispin ay
pinalo ng yantok ng kura at sakristan major hanggang sa ito ay panawan ng malay tao. Dahil sa kaniyang
malakas na pag-ungol, siya ay ginising ni Sisa. Tinanong ni Sisa kung ano ang napanaginipan nito. Hindi
sinabi ni Basilio ang dahilan at sa halip, kaniyang sinabi kung ano ang balak nito sa kanilang pamumuhay.
Ang kaniyang balak ay (1) ihihinto na silang magkakapatid sa pagsasakristan at ipapakaon niya si Crispin
kinabukasan din, (2) hihilingin niya kay Ibarra na kunin siyang pastol ng kaniyang baka at kalabaw at (3)
kung malaki-laki na siya, hihilingin niya kay Ibarra na bigyan siya ng kapirasong lupa na masasaka.

Sa pagsusuri ni Basilio sila ay uunlad sa kanilang pamumuhay dahil siya ay magsisipag sa pagpapayaman at paglilinang sa bukid na kaniyang
sasakahin kung saka-sakali.Si Crispin ay mag-aaral kay Pilosopo Tasyo at si Sisa ay titigil na sa paglalamay ng mga tinatahing mga damit. Sa
lahat ng sinasabi ni Basilio, si Sisa ay nasisiyahan. Ngunit lihim na napaluha ito sapagkat hindi isinama ng anak sa kaniyang mga balak ang
kanilang ama.

Kabanata 18: Mga Kaluluwang Naghihirap

Napuna ng mga manang na matamlay at tila may-sakit si Padre Salvi ng magmisa kinabukasan. Naruon sa
kumbento ang mga manang at manong upang isangguni sa kura kung sino ang pipiliin niyang magsermon
sa kapistahan ng bayan. Si Padre Damaso ba? Padre Martin o ang coordinator? Sa kanilang paghihintay,
naging paksa sa kanilang usapan ang tungkol sa pagkakaroon ng ‘indulhensiya plenarya,’ na siyang tanging
kailangan ng mga kaluluwang nagdurusa sa purgatoryo upang mahango roon.
Ang isang karaniwang indulhensiya sa kanilang pagkaalam ay katumbas na ng
mahigit na 1,000 taong pagdurusa sa purgatoryo. Ang mga manang na nag-uusap ay pinangungunahan ng isang batang-batang balo, Manang
Rufa at Manang Juana. Dahil sa kanilang kaabalahan sa pag-uusap, hindi nila napansin ang pagdating ni Sisa.Siya ay mayroong sunong na bakol
na puno ng sariwang gulay na pinitas niya sa kaniyang halamanan. Mayroon din siyang halamang dagat na katulad ng pako, na paboritong
gawing salad ng kura. Suot niya ang kaniyang pinakamagandang damit. Tulog pa si Basilio ng umalis siya sa kanilang dampa.Dumiretso si Sisa
sa kusina ng kumbento. Inaasahan niya na marinig ang tinig ni Crispin. Ngunit hindi niya ito marinig. Binati niya ang nga sakristan at kawasi sa
kumbento. Hindi siya napansin ng mga ito. Kung kaya’t siya na mismo ang nag-ayos sa mga dala niyang gulay sa isang hapag.Nakiusap si Sisa
sa tagapagluto kung maari niyang makausap ang pari. Pero, sinabi sa kaniyang hindi sapagkat may sakit ito. Tinanong niya ang tagapagluto,
kung nasaan si Crispin.Ang sagot sa kaniyang tanong ay parang bombang sumabog sa kaniyang pandinig: Si Crispin ay nagtanan din pagkatapos
na makapagnakaw ng dalawang onsa at pagkawala ng makapatid. Naipagbigay alam na ng alila sa utos ng kura ang pangyayari sa kwartel. Ang
mga guwardiya sibil ay maaring nasa dampa na nina Sisa upang hulihin ang magkapatid, pagdiin pa ng alila. Nangatal si Sisa. Naumid ang labi.
Mabilis na tinakpan ang kaniyang dalawang tainga nang paratangan siya ng alila na isang inang walang turong mabuti sa mga anak dahil
nagmana ito sa ama.Tuliro siyang nagtatakbong nilisan ang kumbento. Gulong-gulo ang isip.

Kabanata 19: Mga Kapalaran ng Isang Guro

Kahit na dumaan ang malakas na bagyo, ang lawa ay hindi gaanong nabagabag. Palibhasa ito ay
napapaligiran ng mga bundok. Sa tabi ng lawa, nag-uusap sina Ibarra at ang binatang guro. Itinuro ng
guro kay Ibarra kung saang panig ng lawa itinapon ang labi ni Don Rafael. Sang-ayon sa kaniya,
kasama si Tenyente Gueverra noong itinapon ang bangkay. Wala siyang tanging magawa noon kundi
makipaglibing. Malaki ang utang na loob kay Don Rafael. Noong bagong salta ito sa San Diego, ang
Don ang tumustos sa kaniyang mga pangangailangan sa pagtuturo. Sinabi ng guro kay Ibarra na ang
malaking suliranin niya at ng mga mag-aaral ay ang kakulangan ng magagastos.
Malaki ring problema aniya, ang kawalan ng pagtutulungan ng mga magulang at mga taong nasa pamahalaan. Lumilitaw na hindi ang lahat ng
mga pangangailangan ng mga batang nag-aaral na katulad ng mga libro na karaniwang nasusulat sa wikang Kastila at ang pagmememorya ng
mga bata sa mga nilalaman nito. Dahil din sa kakulangan ng mga bahay-paaralan, ang klase ay ginaganap sa silong ng kumbento sa tabi ng
karwahe ng kura. Nasanay ang mga bata na bumasa nang malakas. Ito ay nakakabulabog sa kura, kaya nakakatikim ng sigaw, at mura ang mga
bata at guro. Nabanggit din ng guro kay Ibarra na dahil sa pagbabagong kaniyang ginawa, madaling natutuhan ng mga mag-aaral ang wikang
kastila. Pero siya ay nilait ni Padre Damaso sa pagsasabing ang wikang kastila ay hindi nababagay sa katulad niyang mangmang. Ang kailangan
lamang niyang matutuhan ay Tagalog.

Ipinaris pa siya ni Padre Damaso kay Maestro Circuela, isang guro na di


marunong bumasa ngunit nagtayo ng eskwela at nagturo ng pagbasa sa kaniyang
mga estudyante. Labag man sa kaniyang kalooban, wala siyang magawa kundi
sumunod kay Padre Damaso. Pero, nag-aral din ang guro ng wikang kastila para
sa kaniyang pansariling interes.Sobra ang pakialam ni Padre Damaso sa guro.
Nang huminto ang guro sa paggamit ng pamalo sa pagtuturo. Siya ay ipinatawag ng kura upang ipabalik sa
kaniya ang pagagmit ng pamalo saspagkat mabisa ito sa pagtuturo. Tumututol man sa kaniyang kalooban,
sumunod din siya saspagkat mismong mga magulang ay napahinuhod ni Padre Damaso na ibalik ang
pamalo sa pagtuturo. Dahil sa naging sukal sa kalooban ang pagtuturo, nagkasakit ang guro. Nang ito ay gumaling at bumalik sa serbisyo,
kakarampot na lamang ang kaniyang tinuturuan. Sa kaniyang pagbabalik, nagkaroon ng bagong kura. Hindi na si Padre Damaso. Nabuhayan
siya ng pag-asa. Sinikap niyang isalin sa wikang Tagalog ang mga aklat na nasusulat sa wikang kastila.Bukod dito, dinagdagan niya ang mga
aralin sa katesismo,pagsasaka,kagandahang asal na hango sa Urbanidad ni Hustensio at Felisa at sa Kasasysayan mg Pilipinas. Pero, sa lahat ng
mga araling ito dapat unahin ang pagtuturo ng relihiyon, ayon sa mga bagong kura nang ipatawag niya ang guro. Ayon kay Ibarra na tutulungan
niya ang guro sa pamamagitan ng pulong sa tribunal na kaniyang dadaluhan sa paanyaya ng Tenyente Mayor.
Kabanata 20: Ang Pulong sa Tribunal

Ang tribunal ay isang malaking bulwagan na siyang pinagtitipunan at lugar na pulungan mga may
kapangyarihang mga tao sa bayan. Nang duting sina Ibarra at ang guro, nagsisimula na ang
pagpupulong. May dalawang pangkat na nakapaligid sa mesa. Ito ay binuo ng dalawang lapian sa bayan.
Ang conserbador ay pangkat ng mga matatanda.

Ang isa naman ay pangkat ng mga liberal na binubuo ng mga kabataan. Ito ay pinamumunuan ni Don
Felipo. Pinagtatalunan nila ang tungkol sa pagdaraos ng pista ng San Diego. May labing isang araw na
lamang ang nalalabi at pista na. Tinuligsa ni Don Felipo ang Tenyente Mayor at Kapitan dahil malabo
pa ang mga paghahanda sa piyesta.Kung saan-saan napunta ang kanilang pulong.

Nagsalita pa si Kapitan Basilyo, isang mayaman na nakalaban ni Don Rafael. Walang bisa at walang kawawaan ang talumpati niya. Dahil dito,
isinahapag ni Don Felipo ang isang mungkahi at talaan ng mga gastos. Ang mungkahi niya ay magtayo ng isang
malaking tanghalan sa liwasang bayan at magtanghal ng komedya sa loob ng isang linggong singkad. Ang dulaan
ay nagkakahalaga ng P160.00 samantalang ang komedya ay P1, 400 na tig-P200. Bawat gabi. Kailangan din ang
mga paputok na paglalaanan ng P1, 000. Binatikos si Don Felipo sa kaniyang mga mungkahi, kung kaya’t iniatras
niya ang mga ito.Sumunod na nagpananukala naman ay ang Kabisa na siyang puno ng mga matatanda. Ang
kaniyang mungkahi (1) tipirin ang pagdiriwang (2) walang paputok (3) ang magpapalabas ng komedya ay taga San Diego at ang paksa ay
sariling ugali upang maalis ang mga masamang ugali at kapintasan.

Nawalang saysay din ang panukala ng Kabisa sapagkat ipinahayag ng kapitan na tapos na ang pasya na kura na tungkol sa pista.Ang pasya ng
kura ay ang pagdaraos ng anim na prusisyon, tatlong sermon, tatlong misa mayor at komedya sa Tundo. Ito ang gusto ng Kura, kaya sumang-
ayon na lamang ang dalawang pangkat.Nagpaalam si Ibarra sa guro at ipinaalam na siya’y pupunta sa ulumbayan ng lalawigan upang lakarin ang
isang mahalagang bagay.

Kabanata 21: Kuwento ng Isang Ina

Lito ang isip na tumatakbong pauwi si Sisa. Matinding bumabagabag sa kaniyang isip ang katotohanang
sinabi sa kaniya ng kawaksi ng kura. Para siyang tatakasan ng sariling bait sa pag-iisip kung paano
maiililigtas sina Basilio at Crispin sa kamay ng mga sibil. Tumindi ang sikdo ng kaniyang dibdib nang
papalapit na siya sa kaniyang bahay ay natanaw na niya nag dalawang sibil na papaalis na. Saglit na
nawala ang kaba sa kaniyang dibdib. Hindi kasama ng mga sibil ang isa man sa kaniyang anak.
Gayunman, sa sumunod na sandali, muling sinakmal ng matinding pangamba si Sisa. Nang
makasalubong niya ang dalawang sibil. Pilit na tinatanong siya kung saan niya diumano itinago ang
dalawang onsang ninakaw ng kaniyang anak. Pilit na pinaamin din siya tungkol sa paratang ng kura.
Kahit na magmamakaawa si Sisa, hindi rin pinakinggan ang
kaniyang pangangatwiran. Hindi siya pinaniwalaan ng mga sibil. At sa halip pakaladkad na sinama siya
sa kuwarter.

Muling nagsumamo si Sisa, pero mistulang bingi ang kaniyang


mga kausap. Ipinakiusap ni Sisa na payagan siyang mauna ng
ilang hakbang sa nga sibil habang sila ay naglalakad patungong
kuwartel kapag sila ay nasa kabayabnan na. Pagdating nila sa
bayan, tiyempong katatapos pa lamang ng misa. Halos
malusaw sa kahihiyan si Sisa. Kaagad na ipinasok siya sa
kwartel. Nagsumiksik siyang parang daga sa isang sulok. Nanlilimahid at iisa ang kaniyang damit. Ang buhok naman niya daig pa ang
sinabungkay ng dayami. Gusot-gusot ito. Ang kaniyang isip ay parang ibig ng takasan ng katinuan. Sa bawat paglipas ng sandali, nadagdagan
ang kasiphayuan ni Sisa. Magtatanghali, nabagabag ang damdamin ng Alperes. Iniutos na palayain na si Sisa. Ngunit hinang- hina na siya. May
dalawang oras din siyang nakabalandra sa isang sulok.Painot-inot na naglakad si Sisa hanggang sa muli siyang makarating sa kaniyang bahay.
Dagling umakyat siya sa kabahayan. Tinawag ang pangalan ng mga anak. Paulit-ulit, parang sirang plaka. Ngunit hindi niya ito makita, kahit na
panhik panaog ang ginawa niya. Tinungo niya ang gulod, at sa may gilid ng bangin. Wala ang kaniyang hinahanap. Patakbo siyang bumalik sa
bahay. Natapunan niya ng pansin, ang isang pilas ng damit ni Basilio na may bahid ng dugo. Hawak ang damit, pumanaog siya ng bahay at
tiningnan sa sikat ng araw ang pilas ng damit na nababahiran ng dugo. Nilulukob ng matinding nerbiyos ang buong katawan. Ano na nag
nangyari sa kaniyang mga anak. Hindi madulumat ang nararamdaman niyang kasiphayuan.Naglakad-lakad siya kasabay ng pasaglit-saglit na
pasigaw nang malakas. Ang banta ng pagkabaliw ay unti-unting lumalamon sa kaniyang buong pagkatao. Kinabukasan, nagpalaboy-laboy sa
lansangan si Sisa. Ang malakas na pag-iyak, hagulgol at pagsigaw ay nagsasalit at kung minsan ay magkasabay na ipinakita ang kaniyang
kaanyuan. Lahat ng mga taong nakakasalubong niya ay nahihintakutan sa kaniya.

Kabanata 22: Mga Liwanag at mga Anino

Magkasamang dumating si Maria at ang kaniyang Tiya Isabel sa San Diego para sa pistang darating.
Naging bukambibig ang pagdating ni Maria sapagkat matagal na siyang hindi nakakauwi sa bayang
sinilangan. Isa pa, minamahal siya ng mga kababayan dahil sa kagandahang ugali, kayumian at
kagandahan. Labis na kinagigiliwan siya. Sa mga taga San Diego, ang isa sa kinapapansinan ng
malaking pagbabago sa kaniyang ikinikilos ay si Padre Salvi. Lalong pinag-usapan si Maria, nang
dumating si Ibarra at madalas na dalawin ito. Sinabi ni Ibarra kay Maria na handa na ang lahat para sa
gagawin nilang piknik kinabukasan. Ikinatuwa ito ni Maria sapagkat makakasama na naman niya sa pamamasyal ang kaniyang dating kababata
sa bayan.

Ipinakiusap ni Maria sa kasintahan na huwag ng isama ang kura sa lakad nila sapagkat magmula ng dumating siya sa bayan nilulukob siya ng
pagkatakot sa tuwing makakaharap niya ang kura. Malagkit kung tumingin ang kura kay Maria at mayroong ibig ipahiwatig ang mga titig nito.
Kung kaya, tuwirang hihingi ni Maria kay Ibarra na huwag ng isama sa pangingisda si Padre Salvi.

Pero, sinabi ni Ibarra na hindi niya mapagbibigyan ang kahilingan ni Maria sapagkat yaon ay lihis sa kagandahang-asal at kaugalian ng mga
taga-San Diego.

Naputol ang kanilang pag-uusap ng biglang dumating si Padre Salvi. Humingi ng paumanhin si Maria sa dalawa at iniwanan ang mga ito sa
pagsasabing masakit ang kaniyang ulo.Inanyayahan ni Ibarra si Padre Salvi na sumama sa kanilang piknik. Inaasahan iyon ng kura, kaya na
kaagad na tinanggap niya ang paanyaya. Laganap na ang dilim nang magpaalam si Ibarra na uuwi na. Sa daan, nakasalubong niya ang isang
lalaki na dalawang araw nang naghahanap sa kaniya. Hiningi ng lalaking nakasalubong ni Ibarra ang tulong nito tungkol sa kaniyang problema
sa asawa at mga anak. At sabay na nawala sa pusikit na dilim sina Ibarra at ang lalaki.

Kabanata 23: Pangingisda

Madilim–dilim pa nagsigayak na ang mga na ang mga kabataan, kadalagahan at ilang


matatandang babae na patungo sa dalawang bangkang nakahinto sa pasigan. Ang mga kawaksing
babae ay mayroong sunung-sunong na mga bakol na kinalalagyan ng mga pagkain at pinggan.
Ang mga bangka ay nagagayakan ng mga bulaklak, mga iba't-ibang kulay na kagaya ng gitara,
alpa, akurdiyon at tambuli.
Si Maria Clara ay kaagapay ang mga matatalik nitong kaibigan na sina Iday, Victorina, Sinang at Neneng. Habang naglalakad masaya silang
nagkukuwentuhan at nagbibiruan. Paminsan-minsan ay binabawalan sila ng mga matatandang babae sa pangunguna ni Tiya Isabel. Pero, sige pa
rin ang kanilang kuwentuhan.

Nag-tig-isang bangka ang mga dalaga sapagkat lulubog daw ang kanilang sinasakyan. Dahil dito, mabilis na
lumipat ang ilang kabinataan sa bangkang sinasakyan ng mga dalagang kanilang pinipintuho. Si Ibarra ay
napatabi kay Maria. Si Albino ay kay Victorina. Natameme sa pagkakagulo ang mga dalaga. Ang piloto o
ang sumasagwan sa dalawang bangkang para umusad sa tubig ay isang binatang may matikas na anyo,
matipuno ang pangangatawan, maitim, mahaba ang buhok at siksik sa laman. Ito ay si Elias. Habang
hinihintay na maluto ang agahan, si Maria ay umawit ng Kundiman. Balana ay hindi nakaimik. Sinabi ni
Andeng na nakahanda na ang sabaw para sa isinisigang na isda.

Ang mga nagpipiknik ay nasa may baklad na ni Kapitan Tiyago. Ang magbibinatang anak ng isang mangingisda ay namandaw sa baklad.
Ngunit,kaliskis man ng isda ay walang nasalok.Si Leon na katipan ni Iday ang kumuha ng panalok. Isinalok ito. Ngunit, wala ring nahuling isda.
Sinabi na ang kawalan ng isda sa lawa ay dahil may buwaya sa loob ng baklad. Pero, pinayapa sila ng ilang
mga kalalakihan sa pagsasabing sanay si Elias na humuli ng buwaya.Ilang saglit lang, nahuli na ni Elias ang
buwaya. Pero higit na malakas ang buwaya, nagagapi si Elias. Dahil dito, kumuha ng isang punyal si Ibarra
at lumundag din sa lawa. Hindi hinimatay si Maria Clara sapagkat ang mga ‘dalaga noon ay hindi marunong
mahimatay.’Biglang umalimbukay ang pulang tubig. Lumundag pa ang isang anak ng mangingisda na may
tangang gulok. Pamayamaya’y lumitaw sina Ibarra at ang piloto na si Elias na dahil iniligtas siya ni Ibarra
sa tiyak na kapahamakan, utang niya ang kaniyang buhay dito.Natauhan mula sa pagkapatda si Maria nang lumapit sa kaniya si Ibarra.
Nagpatuloy ang mga magkakaibigan sa pangingisda at nakahuli naman ng marami. Nagpatuloy sila sa gubat na pag-aari ni Ibarra. Nananghalian
sila sa lilim ng mayayabong na punong-kahoy na tumutunghay sa batisan.
Kabanata 24: Sa Gubat

Pagkatapos na makapagmisa ng maaga ni Padre Salvi, nagtuloy ito sa kumbento upang kumain ng almusal.
May inabot na sulat ang kaniyang kawaksi. Binasa niya ito. Kapagdaka’y nilamutak ang liham at hindi na
nag-almusal. Ipinahanda niya ang kaniyang karwahe at nagpahatid sa piknikan.Sa may di-kalayuan,
pinahinto niya ang karwahe. Pinabalik niya sa kumbento. Namaybay siya sa mga latian hanggang sa
maulinigan niya si Maria na naghahanap ng pugad ng gansa. Naniniwala ang mga dalaga na sinuman ang
makakita ng pugad upang masundan niya at makita parati si Ibarra nang hindi siya makikita nito.

Tuwang-tuwa si Padre Salvi sa panonood sa papalayong mga dalaga. Nais niyang sundan ang mga ito.
Pero, ipinasya niyang hanapin na lamang ang mga kasama nito. Nang punahin ng mga kasama nito tungkol
sa sa kaniyang galos, sinabi niyang siya ay naligaw.Pagkaraang makapananghali, napag-usapan nina Padre Salvi ang taong tumatampalasan kay
Padre Damaso na naging dahilan ng pagkakasakit nito. Kamalay-malay, dumating si Sisa. Nakita siya ni Ibarra, kaya kaagad na iniutos na
pakainin ito. Ngunit, mabilis na tumalilis si Sisa.

Napunta ang usapan sa pagkawala nina Crispin at Basilio, mga sakristan ni Padre Salvi. Naging maigting ang pagtatalo nina Padre Salvi at Don
Felipo sapagkat sinabi ng Don na higit pang mahalaga sa kura ang paghahanap sa nawawalang onsa kaysa sa kaniyang dalawang
sakristan.Namagitan na si Ibarra sapagkat magpapang-abot na ang dalawa. Sinabi niya sa mga kaharap na siya na ang kukupkop kay Sisa.
Kadagdaka’y nakiumpok na si Ibarra sa mga nagsisipaglarong binata at dalaga na naglalaro ng Gulong Ng Kapalaran. Nagtanong si Ibarra kung
magtatagumpay siya sa kaniyang balak. Inihagis niya ang dais at binasa niya ang sagot na tumama sa: "Ang pangarap ay nanatiling pangarap
lamang." Ipinihayag niyang nagsisinungaling ang aklat ng Gulong ng Kapalaran.
Mula sa kaniyang bulsa, inilabas niya ang isang kapirasong sulat na nagsasaad na pinatibay na ang kaniyang balak na magtayo ng bahay-
paaralan. Hinati ni Ibarra ang sulat, ang kalahati ay ibinigay kay Maria at ang natitirang kalahati ay kay Sinang na nagtamo ng pinakamasamang
sagot sa kanilang paglalaro. At iniwanan na ni Ibarra sa paglalaro ang mga kaibigan.

Dumating si Padre Salvi. Walang sabi-sabing hinablot ang aklat at pinagpunit-punit ito. Malaking kasalanan, Anya,
ang maniwala sa aklat sapagkat ang mga nilalaman nito’y pawang kasinungalingan. Nabanas si Albino at sinabihan
ang kura na higit na malaking kasalanan ang pangahasan ang hindi kaniya at walang pahintulot sa pagmamay-ari nito.
Hindi na tumugon ang kura at sa halip ay biglang tinalikuran ang magkakaibigan at nagbalik na ito sa kumbento.

Dumating naman ang apat na sibil at ang sarhento. Hinahanap nila si Elias na siya umanong tumampalasan kay Padre Damaso. Inusig nila si
Ibarra dahil sa pag-aanyaya at pagkupkop sa masamang tao. Pero, tinugon sila ni Ibarra sa pagsasabing walang sinuman ang maaring makialam
sa mga taong kaniyang inaanyayahan sa piging kahit na sinuman ang mga taong ito. Ginalugad ng mga sibil at sarhento ang gubat upang hanapin
si Elias na umano’y nagtapon din sa labak sa alperes. Ni bakas ni Elias ay wala silang nakita.Nagpasyang umalis na sa gubat ang mga dalaga at
binata nang unti-unting lumalaganap ang dilim sa paligid. Magtatakipsilim na.

Kabanata 25: Elias at Salome

Kung hindi nag-iba ng landasin ang mga guwardiya sibil, maaaring natagpuan nila ang taong kanilang
hinahanap, sa isang dampang nakalagak sa mataas na pook sa may baybayin ng isang lawa. Naroon sa
batalan ng kubo si Salome, ang dalagang nanahi. Dumating si Elias,
ang piloto ng bangkang hanap ng mga Kastilang guwardiya sibil. Sa
buong akala ni Salome, lilitaw si Elias mula sa lawa, subalit hindi ito
ang nangyari dahil sa nakakilala kay Elias. Napag-usapan ng
dalawang nagsusuyuan sina Crisostomo Ibarra at si Maria Clara na
anak ni Kapitan Tiago. Nagkaroon ng pamamaalam. Lilisanin ni Elias ang pook, at ibig ding umalis ni Salome upang manirahang kapiling ng
mga kamag-anak sa Mindoro. Kung hindi lamang sa kanilang mga kapalaran, maaaring matagal nang nagpakasal ang dalawang magkaibigan sa
puso. Ibig sanang makapiling ni Salome si Elias, na samahan siya nito sa paglipat sa Mindoro, subalit walang kalayaan si Elias na gawin ito
dahil sa mga kaganapan noong araw na iyon bago sila muling magkita. Hiniling ni Elias na pahalagahan ni Salome ang ari pa nitong kabataan at
kagandahan upang makakita ng kapalit ni Elias para maging kaisang-dibdib. Hinikayat naman ni Salome, na sa kaniyang paglayo, na gamitin ni
Elias ang tahanan ni Salome bilang kaniyang tirahan at tulugan, bilang pag-aalala nila sa isa’t isa habang magkalayo. Isang gawaing maituturing
ni Salome sapat na upang maituring na magkasama pa silang dalawa sa kabila ng kanilang magiging pagkakalayo sa isa’t isa. Sa halip, kumalas
si Elias sa pagkakayakap niya kay Salome. Mabilis siyang lumuwas at naglaho sa mga anino ng mga puno. Sinundan lamang ni Salome ng
tanaw ang papalayong si Elias, nakikinig sa mga humihina nang mga yabag ng lalaking kaibigan.

Sa Bahay ng Pilosopo

Pagkaraang libutin ni Ibarra, nagsadya ito sa bahay ni Mang Tasio. Inabutan niya ito ng nagsusulat ng
heroglipiko sa wikang Pilipino. Abala ito, kaya ninais niyang huwag ng gambalain ang matanda. Pero
napuna nito ng siya ay papanaog na. Pinigilan si Ibarra, Sinbi ni Mang Tasyo na ang sinusulat niya ay
hindi mauunawaan ngayon. Ngunit, ang mga susunod na salin- lahi ay maiintidahan ito sapagkat ang
mga ito ay higit na matalino at malamang hindi nahihimbing sa panahon
ng kanilang mga ninuno.Ipinalagay ni Ibarra na siya ay dayuhan sa
sariling bayan at higit namang kilala si Mang Tasyo ng mga tao. Kung
kaya’t isinangguni niya ang kaniyang balak tungkol sa pagpapatayo ng
paaralan. Pero, sinabi ng matanda na huwag siyang sangguniin sapagkat
itinuturing siyang baliw ni Ibarra, at sa halip ay kaniyang itunuro sa binata ang Kura, ang kapitan ng bayan at ang lahat ng mayayaman sa bayan.
Ayon pa rin sa kaniya, ang mga taong kaniyang tinutukoy ay magbibigay ng masasamang payo subalit ang pagsangguni ay hindi
nangangahulugan ng pagsunod. Sundin lamang kunwari ang payo at ipakita ni Ibarrang ang kaniyang ginagawa ay ayon sa mga
pinagsangunian.Tinugon ni Ibarra si Mang Tasio na maganda ang kaniyang payo peero mahirap gawin sapagkat kinakailangan pa bang bihisan
ng kasinungalingan ang isang katotohanan. Maagap na tumugon din ang matanda na higit pa sa pamahalaan ang kapangyarihan ng isang uldog,
nagtagumpay lamang ang binata kung ito ay tutulungan at kung hindi naman. Ang lahat ng kaniyang mga pangarap ay madudurog lamang sa
matitgas na pader ng simbahan. Matindi ang paniniwala ni Ibarra na siya ay tutulungan kapwa ng bayan at pamahalaan.

Nagpatuloy na magkaroon ng tunggalian ng paniniwala sina Mang Tasyo at Ibarra. Ayon pa rin kay Mang Tasyo ang gobyerno ay kasangkapan
lamang ng simbahan. Na ito ay matatag sapagkat nakasandig sa pader ng kumbento at ito ay kusang babagsak sa sandaling iwan ng simbahan.

Sinabi ng binata na kasiyahan na niyang masasabi ang dipagdaing ng bayan. Ito ay hindi naghihrap tulad ng sa
isang bansa sapagkat dati-rati tinatangkilik tayo ng relihiyon at ng pamahalaan. Pero, sinabi naman ni Mang
Tasyo na pipi ang bayan kaya hindi dumaraing. Katunayan, aniya darating ang panahong magliliwanag ang
kadiliman at ang mga tinimping buntunghininga’y magsisiklab. Ang Bayan ay maniningil ng pautang at sa
gayo’y isusulat sa dugo ang kaniyang kasaysayan.

Ipinaliwanag ng binata na ang Pilipinas ay umiibig sa Espanya at alam ng bayan na siya ay tintangkilik. Kaya ang Diyos, ang Gobyerno at ang
relihiyon ay di- papayag na sapitin ang araw na sinabi ni Mang Tasyo. Ikinatwiran naman ng matanda na tunay na mainam ang mga balak sa
itaas ngunit hindi natutupad sa ibaba dahil sa kasakiman sa yaman at sa kamangmangan ng bayan. Sa palagay niya, ang dahilan ay sapat ang utos
ng Hari ay nawawalang silbi sapagakat walang nagpapatupad. Dahil dito, ang aatupagin ng pamahalaan rito kundi ang magpayaman sa loob
lamang ng tatlong taong panunukungkulan. Sa puntong ito, napuna ni Mang Tasyo na lumalayo na sila ni ibarra sa usapan. Inungkat muli ni
Ibarra ang paghingi niya ng payo. Ang payo ng matanda ay kailangang magyuko muna si Ibarra ng ulo sa mga naghari-harian.

Hindi naatim ni Ibarra ang payo ng matanda at sa halip ay sunod-sunod na tanong ang kaniyang pinakawalan. (1)Kailangan bang magyuko at
mapanganyaya. (2)Kailangan bang maapi upang maging mabutiing kriistiyano at parumihin ang budhi upang matupad ang isang layunin.
(3)Bakit ako mangangayupapa kung ako ay nakapagtataas ng ulo? Direkto sa punto naman ang sagot ni Mang Tasyo na “Sapagakat ang lupang
pagatatamanan ninyo ay hawak ng inyong mga kaaway. Kayo ay mahina upang lumaban. Kailangang humalik muna kayo ng kamay!” Mariing
sinalungat naman ni Ibarra ang pahayag na ito ng matanda sa pagsasabing:”humalik pagkatapos nilang patayin ang aking ama at hukayin sa
libingan. Ako’y hindi naghihiganti sapagakat mahal ko ang aking relihiyon. Ngunit ang ank ay hindi nakaklimot!” Sa sinabing ito ni Ibarra,
Inimungkahi ng matanda na habang buhay sa ala-ala ng binata ang sinapit ng kaniyang ama ay limutin muna niya ang tungkol sa kaniyang balak
na papapatayo ng paaralan. Kinakailangang gumawa na lamang siya ng ibang paraan na ikagagaling ng kaniyang mga kababayan. Naunawaan ni
Ibarra ang payo ng matanda, pero kailangang gawin niya ang naipangakong handog sa kasintahang si Maria. Humingi pa si Ibarra ng payo kay
Mang Tasyo. Isinama ng matanda ang binata sa may tabi ng bintana. Ang ibinigay nitong payo ay mga halimbawa. Itinuro ni Mang Tasyo kay
Ibarra ang isang rosas na sa dami ng bulaklak ay yumuyuko sa lakas ng hangin. Kung ito ay magpapakatigas ng tayo, ang tangkay niya ay tiyak
na mababali. Ang sinunod niyang itinuro ay matayog na puno ng makopa. Dati-rati, anya, ay isang maliit na puno ang itinanim. Ito ay tinukuran
niya ng mga patpat hanggang sa kumapit ang mga ugat nito sa lupa. Kung ang puno ay itinanim niya ito ng malaki ay hindi mabubuhay sapagkat
ibubuwal ng hangin. Ito ay ipinaparis niya kay Ibarra na parang isang punong inilipat sa isang lupaing mabato mula sa Europa. Kaya, kailangan
nito ang sandalan. Isa pa, hindi kaduwagan ang pagyuko sa dumarating na punlo. Ang masama ay sumalubosdfng sa punlong iyon, upang hindi
na muling makabangon.

Tinanong ng binata kung malilimot ng kura ang ginawa niya. Nag-aalala na baka pakitang-tao lamang ang pagtulong sa kaniya dahil sa ang
pagtutujro ay magiging kaagaw ng kumbwento sa kayamanan ng bayan. Binigyan diin ni Mang Tasyo na hindi man magtatagumpay si Ibarra, ito
ay maroon ding mapapala sapagkat tiyak na may lalabas na bagong pananim mula sa mga itinanim nito. At ang binata ay magsisilbing isang
mabuting halimbawa sa iba na natatakot lang magsimula. Kinamayan ni Ibarra si Mang Tasyo at sinabing kakausapin niya ang kura na marahil
ay hindi naman kastulad ng umusig sa jkaniyang ama. Ipakikiusap din niya sa kura na tangkilikin ang kaawa-awang balo at ang mga anak. Ilang
saglit pa, tuluyang umalis na si Ibarra.
Kabanata 26: Bisperas ng Pista

Ika-10 ng Nobyembre ang bisperas ng pista sa bayan ng San Diego.Naging masigla sa paghahanda ang
kilusan sa lahat ng dako.Ang mga bintana ng bahay ay napapalamutian ng iba’t-ibang dekorasyon.May
nagpapaputok ng kuwitis at may nagtutugtugan ng mga banda ng musiko.Sa bahay ng mga nakakariwasa,
nakaayos ang minatamis na bungang kahoy, may nakahandang pagkain, alak na binili pa sa Maynila na
katulad ng hamon at ng relyenong pabo, serbesa, tsanpan at iba pang klase ng alak na inangkat pa mula sa
Europa.Ang mga pagkain ganito ay inuukol sa mga banyaga, kaibigan o kaaway,at sa mga Pilipino,
mahirap man o mayaman upang masiyahan sila sa pista.Ang mga ilawang globong kristal na minana pa sa
kanilang mga kanununuan ay inilalabas din kabilang na ang kanyong binurdahan ng mga dalaga,belong
ginansilyo ,alpombra,bulaklak na gawang kamay, banehang pilak na lalagyan
ng tabako, sigarilyo,hitso at nganga.Dahil sa sobrang kintab ng sahig ay
pwewdeng ng makapanalamin.Puno ng kurtinang sutla ang mga pinto at at pati
ang mga santo at imahen ay nagagayakan din Ang mga masasayang lugar ng San Diego ay tinayuan ng arkong
kawayan. Naglagay naman ng malaking tolda at mayroong tukod sa may paligid ng patyo ng simbahan. Ang tolda ay
mayroong tukod na kawayan upang makadan ang prusisyon. Sa liwasang bayan naman ay itinayo ang magandang
tanghalan siyang pagdarausan ng komedya ng mga taga-Tundo. Madalas na tinutogtog ang kampana kasunod ang mga
putok ng mga kuwitis at bomba. Lahat-lahat ay mayroong limang banda ng musiko at tatlong orkestra ang inihanda sa
para sa pagdiriwang ng pista. Sina Kapitan Tiyago at Kapitan Juaquin na may dalawang 18,000, ang intsik na si Carlos na siyang naglalagay sa
sugal na liam-po at mga mamamayan buhat pa sa Lipa, Tanauan, Batangas at Sta.Cruz ang inaasahang na darating. Batay sa mga balita Si Padre
Damaso ang magsesermon sa umaga at magiging bangkero naman pagdating ng gabi. Ang mag magbubukid at taga bundok ay naghahanda ng
manok, baboy bungangkahoy at mga gulay na dadalhin sa mayayamang may-ari na kanilang sinasaka. Sa isang lugar naman na malapit sa bahay
ni Ibarra, tinatapos ng mga trabahador ang katangang semento na siyang pagtatayuan ng bahay paaralan. Si Nyor Juan, ang nangangasiwa sa
mga manggagawa. Habang abala ang mga manggagawa, ipinaliliwanag ni Juan ang kanilang itatayo ay isang malaking paaralan. Ang isang
panig ay para sa mga lalaki at ang ikalawa naman ay para sa mga babae. Ang paaralan ay magiging kauri ng mga modernong paaralan sa
Alemanya. Batay sa planong ginawa ni Ginoong A, na siyang arkitekto, ang tagiliran ng eskwela ay tatamnan ng maraming puno at gulay,
magkakaroon ng bodega at piitan para sa mga batang tamad na mag-aral. Sa proyekto ni Ibarra ay naghandog ng tulong ang mga mayayaman
samantalang ang kura ay humiling na siya ang gawing padrino at magbabasbas sa paglalagay ng unang bato sa huling araw ng pista. Sa mga pag-
alok ng pagtulong ay tumanggi si Ibarra sapagkat hindi naman simbahan ang kaniyang ipinagagawa. Sasagutin niya ang klahat ng gastos. Dahil
dito, siya ay hinangaan ng mga binata at nag-aaral sa Maynila. Ginawa siyang huwaran, ngunit karaniwan, ang atin lamang natutularan sa kanila
ay maliliit na bagay na kanilang ginagawa at ang mga kasiraan ay napupuna tulad ng ayos ng kurbata, tabas ng kuwelyong damit, bilang ng
butones ng tsaleko o amerikana. Nawala sa isipan ni Ibarra ang mga natatakot na hinala ni Mang Tasyo, at ito ay kaniyang nasasabi ngunit
tinugon siya ng matanda sa isang aral ni Balagtas na “Kung ang isalubong sa iyong pagdating may masayang mukha’t pakitang gilliw, lalong
pag-ingata’t kaaway na lihim…siyang isaisip na kakabakahin.

Kabanata 27: Sa Takipsilim

Sa lahat ng may handaan sa pista ng San Diego, isa kay Kapitan Tiago ang pinakamalaki. Sinadya niyang
higtan sa dami ng handa ang mga taga lalawigan dahil kay Maria at Ibarra na kaniyang mamanugangin.
Dahil si Ibarra ay pinuri pa ng isang tanyag na diyaryo sa Maynila sa pagsasabing siya ay bihasa at
mayamang kapitalista, Kastilang-Pilipino at iba pa. Bago pa mang dumating ang talagang pista, ilang araw
nang dumarating ang sari-saring inumin at pagkaing galing sa Europa sa tahanan ni Kapitan Tiago. Sa
pagdating ng Kapitan sa bisperas may pasalubong ito kay Maria na isang agnos na may brilyante at
esmeralda at kapirasong kahoy na mula sa bangka ni San Pedro. Kalugod-lugod ang pagkikita nina
Kapitan Tiago at Ibarra. May mga ilang kaibigang dalaga si Maria na kinumbidang mamasyal si Ibarra.
Humingi ng pahintulot si Maria sa ama nito at siya ay pinahintulutan naman. Gayunman, nagbilin ang ama na kailangang umuwi bago
maghapunan si Maria sapagkat darating si Padre Damaso. Mahigpit na inanyayahan naman ni Kapitan Tiago si Ibarra na sa kanilang tahanan na
siya maghapunan. Pero, nagdahilan si Ibarra na mayroon siyang hinihintay na bisita. Pumanaog na ng bahay si Ibarra kasunod ang mga dalaga.
Si Maria ay napagitna kina Iday at Victoria at naglalakad siyang kasunod si Tiya Isabel. Siyang-siya si Maria sapagkat nakadama siya ng
kalayaan sa labas ng kumbento. Ang mga naglalakad ay napatapat sa bahay ni Simang. Nanaog kaagad ito at sila ay inimbitang pumanhik muna.
May bumati kay Ibarra kay at pinuri naman si Maria. Nakita ni Ibarra si Kapitan Basilio, na naging kaibigan at tagapagtanggol niya na sumama
ito sa kaniya kinagabihan. Sinabi niyang maglalagay ng isang munting bangka sa monte si Padre Damaso. Napangiti lamang si Ibarra. Hindi
masigurado kung ano ang ipinahihiwatig ng ngiting yaon, kung oo, o hindi. Nakarating sila sa liwasang bayan. Nakita nila ang isang ketongin na
nakasalakot at umaawit sa saliw ng kaniyang gitara. Pinandidirihan at nilalayuan siya ng mga tao sapagkat natatakot silang mahawa ng sakit
nito. Ang ketongin ay pinarusahan ng maraming palo dahil lamang sa pagliligtas niya sa isang nahulog sa mababaw na kanal. Pagkakita ni Maria
sa ketongin, sinagilahan siya ng pagkahabag. Kinuha ni Maria ang suot na agnos at nilagay sa bakol ng ketongin, sa pagtataka ng kaniyang mga
kasama. Kinuha ng ketongin ang agnos sa bakol at ito ay kaniyang hinagkan. Sumunod ay lumuhod ito sa sa may harap ni Maria at isinubsob
ang ulo at hinagkan ang mga bakas ng yapak ni Maria. Nagtakip ng mukha si Maria at pinahid ng panyo ang lubhang namamalisbis sa mukha.
Kamukat- mukat ay biglang lumapit ang baliw na si Sisa at hinawakan sa bisig ang ketongin. Ipinatanaw ni Sisa sa ketongin ang ilaw sa
kampanaryo at sinabing naruroon ang anak niyang si Basilio na bumababa sa lubid. Itinuro rin niya ang ilaw sa kumbento at sinabing nandoroon
naman ang anak niyang si Crispin. Binitiwan ni Sisa ang ketongin at umalis na kumakanta. Umalis na rin ang ketongin na dala ang bakol. Sa
gayong pangyayari, naibulong na lamang ni Maria na mayroon palang mga taong kulang-palad.
Kabanata 28: Mga Liham

Inilathala sa isang malaganap na pahayagan sa Maynila ang tungkol sa pista. Ginawa ito upang malaman ng
banyaga na interesadong mabatid ang mga pamamaraan ng pagdaraos ng pista ng mga Pilipino. Nakasaad
sa dyaryo na walng makakatulad sa karangyaan ng pista ng pinangangasiwaaan ng mga paring pransiskano,
pagdalo ni Padre Hermando Sibyla, mga kakilala at mamamayang Kastila at Ginoo ng gabinete, Batangas at
Maynila.Kabilang din sa balita ang pagkakaroon ng dalawang banda ng musiko noong bisperas ng pista.
Ang pagsundo ng maraming tao at mga makapangyarihan sa kura sa kumbento,
ang paghahanda ng hapunan ng Hermano Mayor at ang pagtungo sa tahanan ng
madasaling si Don Santiago De los Santos upang kaunin si Padre Salvi at Padre
Damaso Verdolagas. Nasabi din sa dyaryo ang pag-ganap sa dula ng mga
batikang artistang sina Ratia, Carvajal at Fernandez na kapwa hinahangaan ng lahat pero dahil sa kastila ang kanilang
usapan, ang mga marurunong lamang na espanyol ang mga nakakaintindi sa palabas. Higit na nasiyahan ang mga
Pilipino sa komedyang Tagalog. Ang hindi naman pagdalo ni Ibarra ay ipinagtaka ng lahat. Alas once ng umaga,
kinabukasan, idinaos ang prusisyon ng Birhen de la Paz. Dumaan ito sa paligid ng simbahan na kasama ang karong
pilak nina Santo Domingo at San Diego. Isinunod naman kaagad ang Misa Cantada sa saliw ng orkestra at awit ng mga artista . Siyang-siya ang
lahat sa sermon ni Padre Manuel Martin. Nagkaroon din ng sayawan at ang pinakamaringal ay ang pagsayaw ni Kapitan Tiago. Ang mga
nakakita kay Maria na nakasuot mestisa at nagniningning sa brilyante ay humanga sa kaniyang ganda. Isang liham naman ni Kapitan Aristorenas
kay Luis Chiquito ang nag-anyaya na ito’y dumalo sa pista upang makipasyal at makipag-laro ng monte sa mga batikang tahur na sina Kapitan
Tiago, Padre Damaso, Kapitan Juaquin, Kabesang Manuel at ang konsul.Samantala, Tumanggap din ng liham si Ibarra na dinala ni Andeng.
Anang liham:
Crisostomo,
Ilang araw ng hindi tayo nagkita. Ikaw raw ay may sakit kaya’t ipinagdasal kita at ipinagtulos ng kandila kahit sinabi ni itay na hindi naman
malubha. Kagabi, pinilit nila akong tumugtog at sumayaw kaya nayamot ako. May ganyan palang mga tao. Kung hindi lang talaga ako
kinuwentuhan ni Padre Damaso ay talagang iiwan ko sila.
Ipaabot mo saakin ang kaniyang kalagayan at ipapadalaw kita kay Itay.. Ipaubaya mo na kay Andeng ang paglalagay ng iyong tsa, mahusay siya
kaysa sa iyong katulong.
Maria Clara
Pahabol:
Ako’y dalawin mo bukas, upang dumalo ako sa paglalagay ng unang bato sa paaralan.
Paalam
Kabanata 29: Kinaumagahan

Maagang pumasiyo sa lasangan ang mga banda ng musiko. Nagising ang mga nututulog. Muling
narining ang tunog kampana at mga paputok.Ang mga tao ay nagbihis na ng mga magara at ginamit ang
mga hiyas na itinatago nila. Tanging si Pilosopong Tasio
lamang ang hindi nagpalit ng bihisan. Binati siya ng tenyente
mayor. Sumagot ang Pilosopo na “Ang magsaya ay di
nangangahulugan ng paggawa ng mga kabaliwan.” Ang
pagsasaya, anya pagtatapon ng pera at tumatakip sa karaingan
ng lahat. Si Don Filipo ay sumang-ayon sa pananaw na ito ni
Tasyo subalit wala siyang magawa sa kagustuhan ng kapitan at ng kura. Punong-puno ng tao ang patyo.
Ang mga musiko ay walang tigil sa kalilibot. Binabatak naman ng mga hermana mayor ang mga tao
upang tumikim ng kanilang inihandang pagkain. Dahil mga tanyang na tao, mga kastila at alkalde ang
magsisimba ng araw na iyon, si Padre Damaso, kaya nagpahiwatig siya na hindi makapagbibigay ng sermon kinabukasan. Pero, hindi siya
nakatanggi sapagkat sinabi ng mga kasama niyang pari na walang ibang nakakaalam at nakapag-aral sa buhay ni San Diego kundi tanging siya
lamang. Dahil dito, siya ay ginagamot ng babaing nangangasiwa sa kumbento. Siya ay pinahiram ng langis sa leeg at dibdib, binalot ito ng
pranela at hinilot. Pagkaraan ay nag-almusal si Padre Damaso ng ilang itlog na binati sa alak. Eksaktong alas otso ng umaga, nang simulan ang
prisisyon. Ito ay dinaan sa ilalim ng tolda at inilawan ng matatandang dalaga na kausap sa kapatiran ni San Francisco. Naiiba ang prusisyon
kaysa sa nagdaang araw sapagkat ang mga nagsisiilaw ay nakaabito ng ginggon. Sa suot na abito ay kaagad na makikilala ang mayayaman at
mahihirap.

Natatangi ang karo ni San Diego na sinusundan ng kay Francisco at ang Birheng de la Paz. Maayos ang prusisyon, ang tanging nagbago lamang
ay si Padre Salvi ang nasa ilalim ng palyo sa halip na si Padre Sibyla. Ang prusisyon ay sinasabayan ng mga paputok ng kuwitis, awitin at
tugtuging pangsimbahan. Huminto ang karong sinusudan ng palyo sa tapat ng bahay nina Kapitan Tiago. Nakadungaw sa bintana ang alkalde, si
Kapitan Tiago, si Maria, si Ibarra at ilan pang kastila. Si Padre Salvi ay hindi bumati sa mga kakilala. Ito ay nagtaas lamang ng ulo mula sa
kaniyang matuwid na pagkakatayo.

kabanata 30: Sa Loob ng Simbahan

Punong-puno ng tao ang simbahan. Bawat isa ay gustong makasawsaw sa agua bendita. Halos hindi
na humihinga ang mga tao sa loob ng simbahan. Ang sermon ay binayaran ng P250, ikatlong bahagi
ng ibinayad sa komedya na magtatanghal sa loob ng tatlong gabi.
Naniniwala ang mga tao na kahit na mahal ang bayad sa komedya, ang
manonood dito ay mahuhulog sa impyerno ang kaluluwa. Ang mga
nakikinig naman sa sermon ay tuloy-tuloy sa langit.Habang hinihintay
ang alkalde, walang tigil na nagpapaypay ng abaniko, sumbrero at panyo ang mga tao. Nagsisigawan at nag-iiyakan naman ang mga bata. Ang
iba ay inaantok sa may tabi ng kumpisalan. Ilang saglit lang dumating ang alkalde kasama ang kaniyang mga tauhan. Ang suot niya ay
napapalamutian ng banda ni Carlos III at ng limang medalya sa dibdib. Inakala ng ilang tao na ang alakalde ay isang sibil na nagsuot-
komedyante. Sinimulan ang pagmimisa ni Padre Damaso. Humandang makinig ang lahat. Ang pari ay pinangungunahan ng dalawang sakristan
sinusundan ng prayleng may hawak na kuwaderno. Pumanhik sa pulpito si Padre Damaso at at Padre Sibyla. Pero, tanging palibak ang inukol
niya kay Padre Martin, na ang ibig sabihin ay higit na magaling ang isesermon niya kaysa kahapon. Binalingan ni Padre Damaso ang kasamang
prayle at pinabuksan ang kuwderno upang kumuha ng tala.

Kabanata 31: Ang Sermon

Pinatunayan ni Padre Damaso na kaya niyang magsermon sa wikang Kastila at Tagalog. Ang
pambungad na sermon ay hinalaw sa Aklat II, Kabanata IX, Salaysay 20 mga salitang winika ng Diyos
sa pamamagitan ni Estres ng nagsasaad ng: Ibinigay mo sa kanila ang iyong mabuting espiritu upang
silay’y turuan, hindi mo inaalis sa kanilang bibig ang iyong tinig at binigyan mo sila ng tubig mapawi
ang kanilang pagkauhaw” Humanga si Padre Sibyla sa pagkabigkas ni Padre Damaso at si Padre
Martin ay napalunok ng laway dahil sa alam niyang higit na magaling ang pambungad na iyon sa
kaniyang sariling sermon.Nagpugay ang pari sa mga nagsimba.Lumingon siya sa likod at itinuro ang
pintong malaki. Inakala ng sakristan yaon ay isang pagturo sa kaniya upang isara ang lahat ng mga
pintuan. Nag-alinlangan ang alperes, iniisip niyang tatayo at aalis na. Ngunit, hindi niya magawa sapagkat nagsisimula ng magsalita ang
predikador.Sinabi ni Padre Damaso na kaniyang binitiwan ang mga pananalita ng Diyos upang maging kapakikapakinabang na tulad ng isang
binhing umuusbong at lumalaki sa lupain ng banal na si Francisco. Hinikayat niya ang mga makasalanan na tularan ang mapagwaging si Gideon,
ang matapang na si David, ang mapagtagumpay na si Roldan ng kakristiyanuhan, ang guwardiya sibil ng langit.

Nakita ni Pari Damaso na napakunot-noo ang alperes sa kaniyang tinuran. Kung kaya’t sa malakas na tinig, sinabi ni Damaso na “opo, Ginoong
Alperes, higit na matapang at makapangyarihan bagamat walang armas kundi isang krus na kahoy lamang. Natatalo nila
ang mga tulisan ng kadiliman at lahat ng kampon ni Lucifer. Ang mga himalang likhang ito ay tulad ng paglikha kay
Diego de Alcala.”Ang mga bahaging ito ng sermon ay ipinahayag ni Padre Damaso sa wikang Kastila, kaya hindi
maiintindihan ng mga Indiyo. Ang tanging naunawaan ng karamihan ay ang salitang guwardiya sibil, tulisan, San Diego
at San Francisco. Umasim din ang mukha ng alperes, kaya inakala ng marami na pinagalitan siya ni Padre Damaso
dahil sa hindi pagkakahuli nito sa mga tulisan.Nang mabanggit naman niya ang tungkol sa patente upang tukuyin ang
pagwawalang-bahala ng mga tao sa kasalanan, isang lalaki ang namumutlang tumindig at nagtago sa kumpisalan. Nagbebenta kasi siya ng alak
at madalas na usigin siya ng mga karabinero dahil sa hinihingan siya ng patente.Inaantok ang mga nakikinig. Si Kapitan Tiago ay napahikab.
Samantala, si Maria ay hindi nakikinig sa sermon sapagkat abala siya sa pagtingin sa kinaroroonan ni Ibarra na malapit lamang sa kaniya. Nang
simulan na sa Tagalog ang misa, ito ay tumagal ng tumagal. Lumilisya na si Padri Damaso sa sermon niya sapagkat puro panunumbat, sumpa, at
pagtutungayaw ang isinasumbulat niya. Dahil dito, pati si Ibarra ay nabalisa lalo nang turulin ng pari ang tungkol sa makasalanang hindi
nangungumpisal na namamatay sa bilangguan na walang sakramento sa simbahan. Hindi rin nakaligtas sa pag-aglahi ng pari ang mga
mistisilyong hambog at mapagmataas, mga binatang salbahe at pilosopo…ang mga parinig na ito ay nadadama ni Ibarra. Pero, nagsawalang kibo
na lamang siya.Naging kabagot-bagot na ang sermon, kung kaya nagpakuliling na si Padre Salvi upang huminto na si Damaso. Pero, sumabak pa
rin sa pagsasalita ng may kalahating oras. Habang isinasagawa ang misa, isang lalaki (ito ay si Elias) ang lumapit kay Ibarra at nagbabala
tungkol sa gagawing pagdiriwang sa paaralan. Kailangang maging maingat, anya si Ibarra sa pagbaba sa hukay at huwag lalapit sa bato sapagkat
maari siyang mamamatay. Nakilala ni Ibarra si Elias na kaagad namang umalis.
Kabanata 32: Ang Kabriya

Ipinakita ng taong madilaw kay Nyor Juan kung paano niya mapapagalaw ang pampakilos ng
kalong ng kaniyang itinayo. Ito ay mayroong walong metro ang taas, nakabaon sa lupa ang apat na
haligi. Sa haligi nakasabit ang malalaking lubid kaya tila napakatibay ng pagkayari at napakalaki.
Ang bandang itaas naman ay mayroong banderang iba-iba ang kulay.Tinignang mabuti ni Nyor
Juan kung paano ittinaas at ibinababa ang batong malaki na siyang ilalapat sa ilalim sa
pamamagitan ng pag-aayos ng kahit isang tao lamang. Hanggang-hanga si Juan sa taong madilaw.
Nagbubulungan sa pagpuri ang mga taong nasa paligid nila.Sinabi ng taong madilaw kay Nyor
Juan na natutuhan niya ang paggawa ng makinarya kay Don
Saturnino na nuno ni Don Crisistomo. Ito pa anya ay maraming
nalalaman. Hindi marunong mamalo at magbilad sa araw ang kaniyang mga tauhan; marunong ding gumising ng
mga natutulog at magpatulog ng gising.Sa kabilang dako, malakihan ang paghahanda ni Ibarra sa pagbabaon ng
panulukang-bato ng bahay-paaralan. Sa ilalim ng maraming habong na itinayo ay pawang puno ng pagkain at
inumin at aalmusalin ng mga panauhing isa-isang sinundo ng mga banda at musiko. Ang mga naghanda sa
almusal ay mga guro at mag-aaral.Nagsimulang magbasbas si Padre Salvi sa pamamagitan ng pagbibihis ng
damit na pang-okasyon. Ang mga mahahalagang kasulatan naman pati na ang mga medalya, salaping pilak at relikya ay inilulan na sa isang
kahong bakal. Ang kahong bakal ay ipinasok naman sa bumbong na yari sa tingga.Hindi kumukurap si Elias sa pagkakatitig sa taong madilaw na
siyang may hawak ng lubid. Ang lubid ay nakatali naman sa isang kalo na magtataas at magbaba ng bato na ilalapat sa nakatayong bato sa ibaba.
May uka sa gitna ang bato, Sa ukang ito ilalagay ang bumbong na tingga.Bago simulan ang pagpapalitada, nagtalumpati muna sa wikang Kastila
ang alkalde. Pagdaka’y isa-isa ng bumaba ang Kura, mga prayle, mga kawani, ilang mayayamang bisita at Kapitan Tiyago para sa pasinaya.
Dahil sa biro ni Kapitan Tiago at amuki ng alkalde, napilitan ding bumaba si Ibarra. Hustong nasa ibaba ito, nang bigla na lamang humalagpos
ang lubid sa kalo. Nagiba ang buong balangkas at umalumbukay ang makapal na alikabok. Nang mapawi ang usok, si Ibarra ay nakitang
nakatayo sa pagitan ng bumagsak na kalo at ng batongbuhay.Ang taong madilaw ay tinanghal na isang bangkay. Ito’y natabunan ng mga biga na
nasa paanan ni Ibarra. Gusto ng alkalde na ipahuli ang nangasiwa sa pagpapagawa, na walang iba kundi si Nyor Juan. Pero, nakiusap si Ibarra na
siya na ang bahala sa lahat. Makaraang ipagtanong niya si Maria, kaagad na umuwi si Ibarra upang magpalit ng damit. Isa si Pilosopong Tasio sa
nakasaksi sa maganap na pangyayari. Yaon daw ay isang masamang simula.

Kabanata 33: Malayang Pag-iisip

Panauhin ni Ibarra si Elias. Hiningi ni Elias sa binata na ipaglihim nito ang pagbibigay niya ng
babala sa kaniya. Isa pa, si Elias ay nagbabayad lamang ng utang na loob sa kaniya. Ipinaliwanag
din niya na dapat pa ring mag-ingat si Ibarra sapagkat sa lahat ng dako ito ay mayroong kaaway.”
Batas ng buhay ang di pagkakasundo. Lahat tayo’y may kalaban, mula sa pinakamaliit na kulisap
hanggang sa tao; mula sa pinakadukha hanggang sa lalong mayaman at makapangyarihan,”
pagdidiin pa ni Elias.Ang mga kaaway ni Ibarra ay naglilipana sa halos lahat ng lugar, dahil sa
kaniyang mga ninuno at ama na nagkaroon din ng mga kagalit, dahil na rin sa kaniyang balak na
pagpapatayo ng paaralan. Isa sa mga kaaway ni Ibarra ay ang taong madilaw. Umano’y narinig ni
Elias ang taong madilaw ng sinundang gabi nakikipag-usap sa di kilalang tao at sinabing “hindi
kakain ng isda ang isang ito (Ibarra) tulad ng kaniyang ama, makikita ninyo.”Ang ganitong natuklasan ni Elias ay kaniyang ikinabahala sapagkat
kahit na ipinagmamalaki ng taong madilaw ang kaalaman sa trabaho. Hindi ito humingi ng mataas na sahod ng magprisinta kay Nor Juan.
Binanggit ni Ibarra na nanghihinayang sa pagkamatay ng taong dilaw sapagkat marami pa sanang mababatid ‘buhat sa kaniya. Pero, ikinatwiran
ni Elias na maski na mabuhay ang taong madilaw inakala niyang matatakasan ang pag-uusig ng bulag na hukuman ng tao. Subalit sa kamatayan
ng Diyos ang humatol at naging hukom.Sinikap ni Ibarra na tuklasin ang tunay na pagkatao ni Elias, kung ito ay nakapag-aral o hindi. Ang sagot
ni Elias ay: Napilitan akong maniwalang lubos sa Diyos sapagkat nawalan na ako ng tiwala sa Diyos. Alam ni Elias na marami pa ang mga taong
gustong kumausap kay Ibarra kaya nagpaalam na ito. Pero, nangako siyang anumang oras na kailangan siya ay babalik siya sapagkat mayroon pa
siyang tinatanaw na utang na loob kay Ibarra.

Kabanata 34: Ang Tanghalian

Ang mga kilalang tao sa San Diego ay magkaharap na nanananghalian sa isang malaking hapag.
Nakaluklok sa magkabilang dulo ng mesa sina Ibarra at ang alkalde. Nasa bandang kanan ni Ibarra si Maria at
nasa kaliwa naman ang eskribano. Sa magkabilang panig naman nakaluklok sina Kapitan Tiyago, kapitan ng
bayan, mga prayle, kawani at kaibigang dalaga ni Maria. Ganadong kumain ang lahat ng makatanggap ng
telegrama sina Kapitan Tiyago, siya’y kaagad na umalis. Darating ang Kapitan Heneral at magiging panauhin
ni Kapitan Tiyago sa kaniyang bahay.Hindi nasasabi sa kable, kung ilang araw na mananatili ang Kapitan
Heneral sapagkat ito umano ay mahilig sa bagay-bagay na kataka-taka. Kung saan napasuot ang usapan ng
mga kumakain. Ang hindi pag-imik ni Padre Salvi, ang hindi pagdating ni Padre
Damaso, kawalan ng kaalaman ng mga magbubukid ng kobyertos at kung anong
kurso ang ipapakuha nila sa kanilang mga anak.Patapos na ang tanghalian nang
dumating si Padre Damaso. Lahat bumati sa kaniya, maliban kay Ibarra. Umiinit na
ang usapan noon sapagkat nagsisimula ng ilagay ang mga tsampan sa kopa. Padre Salvi

Nahalata ng alkalde na panay ang pasaring ni Padre Damaso kay Ibarra. Sinikap na ibahin nito ang usapan, pero
patuloy ang pari sa pagsasaring. Walang kibo na lamang si Ibarra. Pero, nang ungkatin ni Padre Damaso ang tungklol sa pagkamatay ng ama ni
Ibarrang may kasamang pag-aglahi.Sumulak ang dugo ni Ibarra. Biglang dinaluhong niya si Padre Damaso at sasaksakin nito sa dibdib. Pero,
pinigilan siya ni Maria. Gulo ang isip ni Ibarra na umalis at iniwan ang mga kasalo sa pananghalian.

Kabanata 35: Usap-Usapan

Ang mga pangyayaring namagitan kina Ibarra at Padre Damaso ay madaling kumalat sa buong San
Diego. Sa mga usapan, hindi matukoy kung sino ang may katwiran sa dalawa. Nagkakaisa ang lahat na
kung naging matimpi si Ibarra, hindi sana nangyari ang gayon. Pero, ikinatwiran ni Kapitan Martin na
walang makapigil kay Ibarra sapagkat wala itong kinatatakutang awtoridad. Handa ang binata na
dungisan ang kamay nito sa sinumang lumapastanganan sa kaniyang ama. Dahil sa maagap na
pagsansala ng kaniyang itinanggi at minamahal na si Maria. Kaya, hindi niya itinuloy ang balak na kitlan
hininga si Padre Damaso.Ipinapalagay naman ni Don Filipo na
hinihintay daw ni Ibarra na tulungan siya sa taumbayan bilang
pagtanaw ng utang na loob sa kabutihang nagawa niya at ng
kaniyang ama. Nanindigan naman ang kapitan ng bayan na wala silang magagawa sapagkat laging nasa
katwiran ang mga prayle. Ang ganito, anang Don Filipo ay nangyayari sapagkat hindi nagkakaisa at
watak-watak ang mga taumbayan samantalang ang mga prayle at mayayaman ay nagkakabuklod-
buklod.Sa kabilang dako, karamihan naman sa mga babae ay takot na mawalay sa grasya ng simbahan.
Tanging si Kapitana Maria lamang at pumili kay Ibarra at sinabing karangalan niya ang magkaroon ng anak na magtatanggol at mangangalaga sa
sagradong alaala ng yumaong ama. Sakmal naman ng matinding pagkatakot ang mga magsasaka na hindi matuloy ang pagpapatayo ng paaralan
sapagkat bawa’t isa sa kanila ay naghahangad ng anak na makatapos ng pag-aaral. May nagsabing hindi na matutuloy ang pagpapatayo ng
paaralan sapagkat tinawag na pilibustero ng prayle si Ibarra. Hindi naman maintindihan ng mga magsasaka ang kahulugan ng Pilibustero.
Kabanata 36: Unang Ulap

Isang malaking gulo ang nangyayari sa bahay ni Tiyago dahil sa hindi inaasahang pagdating ng
Kapitan-Heneral. Si Maria ay panay ang pagtangis at hindi pinakikinggan ang payo ng kaniyang ale
at ni Andeng. Paano nga, pinagbawalan si Maria ng kaniyang ama na makipag-usap kay Ibarra
habang hindi pa inaalis ang eskomonyon sa binata. Saglit na umalis si Kapitan Tiyago sapagkat
pinapupunta ito sa kumbento. Pinagpatuloy na inaalo naman ni Tiya Isabel si Maria sa pagsasabing
susulat sila sa Papa at magbibigay ng malaking limos. Madali namang mapapatawad si Ibarra
sapagkat nawalan lamang ng ulirat si Padre Damaso. Si Andeng ay nagboluntaryong gagawa ng
paraan para magkausap ang magkasintahan.Nasa gayon silang pag-uusap nang bumalik si Kapitan
Tiago. Sinabi nito na inutusan siya ng pari na sirain ang kasunduan ng pag-iisang dibdib ng magkasintahan. Si Padre Sibyla ay nagsabi naman na
huwag tanggapin si Ibarra sa kaniyang tahanan at ang utang ni Kapitan Tiyago na P50, 000 sa binata ay huwag ng pabayaran kundi mawawala
ang kaniyang buhay at kaluluwa.Inalo ni Kapitan Tiyago si Maria sa pagsasabing ang ina raw nito ay nakita lamang niyang umiyak nang ito’y
naglilihi. Isa pa, anito, may kamag-anak si Padre Damaso na nakatakdang dumating mula sa Europa at siyang inilalaan ng maging panibagong
katipan ni Maria. Sindak ang mga kausap ni Kapitan lalo na si Maria na napailing lamang, umiiyak at tinakpan ang mga taynga. Pati si Isabel ay
nagalit at sinabihan ang Kapitan na ang pagpapalit ng katipan ay hindi parang nagpapalit lamang ng baro.Dahil kaibigan ni Kapitan Tiyago ang
Arsobispo. Iminungkahi ni Tiya Isabel na sulatan ito. Pero, sinabi ng Kapitan na mawawalang kabuluhan lamang sapagkat ang arsobispo ay
isang prayle rin at walang ibang paunlakan kundi ang mga kapwa prayle. Pagkaraang pagsabihan ng Kapitan si Maria na tumigil na ito sa
kangangalngal at baka mamugto ang mga mata. Hinarap na niya ang paghahanda sa bahay.Pamaya-maya dumating na nga ang Kapitan-Heneral.
Ang buong kabahayan ni Kapitan Tiyago ay nagsimula nang mapuno ng mga tao. Si Maria naman ay tumakbo sa silid at nagdasal sa Mahal na
Birhen.Nasa ganito siyang kalagayan nang pumasok ang kaniyang Tiya Isabel at sinabing gusto siyang makausap ng Kapitan-Heneral. Mabigat
man sa loob ay unti-unti na siyang nag-ayos ng katawan.

Kabanata 37: Ang kaniyang Kataas-taasan

Pagkadating ng Kapitan-Heneral, ipinahanap niya kaagad si Ibarra. Samantala, kinausap muna niya
ang binatang Taga-Maynila na nagkamaling lumabas habang nagsesermon sa misa si Padre Damaso.
Ang paglabas ng binata sa simbahan ay ikinagalit ni Damaso. Namumutla at nginig ang buong
katawan ng binata ng pumasok siya at kausapin ng Heneral. Ngunit, ng lumabas na ito, nakangiti na
siya. Ito ay tanda ng mabuting ugali ng Kapitan-Heneral. Mayroon siyang panahon basta sa
katarungan. Pagkalabas ng binata, ipinapasok na ng kagawad ang mga reverencia na sina Padre
Sibyla, Padre Martin, Padre Salvi at iba pang mga prayle. Yumuko ang mga ito at nagbigay galang sa
Heneral…Dahil hindi kasama si Padre Damaso, hinanap siya ng heneral. Sinabi nina Padre Sibyla at
Padre Salvi na may sakit ang hinahanap. Ang sumunod na nagbigay galang sa Heneral ay sina Kapitan
Tiyago at Maria.Pinapurihan ng Heneral si Maria dahil sa ginawa nito sa pananghalian. Kung hindi dahil sa
kaniya, maaring nautas na ni Ibarra si Padre Damaso. Sinabi ng Heneral na kailangang tumanggap ng
gantimpala si Maria na kagyat namang tumutol.Samantala, ipinahayag ng kagawad na dumating na si Ibarra
at nakahanda na siyang humarap sa Heneral. Napansin ng Heneral na medyo nabalisa si Maria, Kaya sinabi
niyang nais itong makaharap bago umaalis patungong Espanya. Sinabi naman niya sa alkalde na samahan
siya nito sa paglilibot.Hindi matiis ni Padre Salvi na ipaalala sa Heneral na si Ibarra ay eskomulgado. Pero,
hindi siya pinapansin nito at sa halip sinabi ng Heneral na ipaabot kay Padre Damaso ang pangangamusta na
gumaling ito kaagad. Napamaang ang mga reverencia at sabay-sabay na nagpaalam. Nakasalubong nila ang
pagpanaog ni Ibarra. Ngunit hindi sila nagkikibuan. Mata lamang ang nag-usap.Pagkakita ng Heneral kay Ibarra mabilis niya itong kinamayan at
sinabing tama lang ang kaniyang ginawa lalo na ang ginawang pagtatanggol sa ala-ala ng ama. Tiniyak niya na kakausapin ang arsobispo
tungkol sa pagkaka-eskomulgado ni Ibarra.Sa pagkukuwento, lumitaw na nagkapalad si Ibarra na makatagpo ang pamilya ng kapitan Heneral
noong siya nagpunta sa Madrid. Tinanong ng Heneral kung wala man lang liham na tagubiling dala si Ibarra para sa kaniya. Hindi na kailangan
ito, ani Ibarra sapagkat lahat daw ng mga Pilipino ay tinagubilin sa Heneral. Sa pagpapahayag ni Ibarra ng kaniyang sariling pananaw sa buhay,
nagpamuni ng Heneral na matalino ang binata. Inamuki niya itong ipagbili ang lahat lahat na ari-arian at sumama na sa kaniya sa Espanya
sapagkat hindi nababagay ang kaniyang kaisipan sa Pilipinas. Pero, sinasabi ni Ibarra na higit na matamis ang mamuhay sa bayang sinilangan at
pinamuhayan din ng mga magulang nito.Pinahalagahan ng Heneral ang paninindigan ni Ibarra sapagkat inaakala niyang higit nga niyang kilala
ang Pilipinas kaysa sa kaniya. Nang maalala niya si Maria, sinabi ng Heneral kay Ibarra na puntahan na niya ang kaniyang kasintahan at
itagubilin ang paparoonin sa kaniya si kapitan tiyago.Ipinagugunita niya kay Ibarra na samahan siya sa pamamasyal. Tumango si Ibarra at umalis
na. Kapagdaka, tinawag ng Heneral ang mga kagawad at sumunod ang alkalde. Sinabihan ng Heneral ang alkalde na hindi na kailangang maulit
pa ang naganap na pananghalian at ibigay ang lahat ng kaluwagan kay Ibarra sa pagsasakatuparan ng kaniyang mga mabubuting layunin. Huwag
ding pakialaman si Ibarra, mariing pautos pa ng Heneral.

Tumango ang Alkalde sa tinuran ng Heneral. Nangako siyang pangangalagaan din ang kaligtasan ni Ibarra. Nang dumating si Tiyago kaagad na
binati siya ng Heneral dahil sa pagkakaroon ng kapuri-puring anak at marangal na manunugangin. Nagprisinta pa ang Heneral na maging ninong
sa kasal.Samantala, kaagad na hinanap ni Ibarra sa Maria. Kumatok siya sa silid ni Maria sapagkat naririnig niya ang boses nito. Pero, hindi
binuksan ang pinto at sa halip ay si Sinang ang sumilip. Sinabi ni Sinang na isulat na lamang ni Ibarra ang sasabihin sapagkat papunta sila sa
dulaan. Nagtaka si Ibarra.
Kabanata 38: Prusisyon

Ang nakakatulig na paputok at sunod-sunod na pagdupikal ng mga batingaw ay nagbabadyang


inilabas na ang prusisyon. Ang mga binata na halos lahat ay mayroong dalang sinding parol.
Kasamang naglalakad ni Kapitan Heneral ang mga kagawad, si Kapitan Tiyago, ang alkalde,
ang alperes at si Ibarra at patungo sa bahay ng kapitan. Nagpatayo ang kapitan ng isang kubol
sa harap ng kaniyang bahay upang pagdausan ng pagbigkas ng tulang papuri o loa sa pintakasi
ng bayan. Kung hindi lamang sa imbitasyon ng Kapitan Heneral, mas gusto ni Ibarra na
manatili na lamang sa tahanan ni Kapitan Tiyago upang makasama niya si Maria.

Nangunguna sa prusisyon ang tatlong sakristan na may hawak na mga seryales na pilak.
Kasunod nila ang mga guro, mag-aaral at mga batang may dala-dalang parol na papel. Ang
mga agwasil at tinitini naman ay may dalang mga pamalo upang gamitin sa sinumang maniksik
o humiwalay sa hanay. Mayroon din silang kasama na namimigay ng libreng kandila para gamiting pang-ilaw sa prusisyon.Ang mga santong
pinuprusisyon ay pinangungunahan ni San Juan Bautista. Sumunod si San Francisco, Santa Maria Magdalena, San Diego De Alcala at ang
pinakahuli ay ang Mahal na Birhen. Ang karo ni San Diego ay hinihila ng anim na Hermano Tercero.Inihinto ang mga karo at andas ng mga
santo sa tapat ng kubol sa pagdadarausan ng loa. Mula sa tabing may isang batang lalaking may pakpak, nakabotang pangabayo, nakabanda at
may bigkis ang lumabas. Pagkatapos na bumigkas ng papuri ang bata sa wikang Latin, Kastila at Tagalog ay pinagpatuloy ang prusisyon
hanggang sa mapatapat sa bahay ni Kapitan Tiyago. Ang lahat ay natigilan sa magandang pag-awit ni Maria Claria ng Ave Maria ni Gounod sa
saliw ng kaniyang sariling piyano. Kung napatigil si Padre Salvi sa ganda ng tinig ni Maria Clara. Higit na nakadama ng kalungkutan si Ibarra.
Nadarama niya ang mensahe ng tinig ng kasiphayuan ng kasintahan. Saglit na naputol ang pagmuni-muni ni Ibarra nang palalahanan siya ng
Kapitan-heneral tungkol sa imbitasyon nitong makasalo sa pagkain upang pag-usapan ang pagkawala nina Basilio at Crispin

Kabanata 39: Donya Consolacion

Kahit na napatapat ang prusisyon sa bahay ni Donya Consolacion ay pinid na pinid. Nang umagang
iyon, ang asawa na alperes at paraluman ng mga guwardiya sibil ay hindi nakapagsimba. Paano hindi
siya pinayagang lumabas ng kaniyang asawa. Ikinahihiya ng alperes ang katawa-tawang pagdadamit
nito. Ang kaniya namang amoy katulad ng kalaguyo ng mga guwardiya sibil. Pero, para sa sarili ni
Donya Consolacion siya ay higit pa ngang maganda kaysa kay Maria Clara.’Ang ipinagpuputok pa ng
damdamin ng Donya bukod sa siya ay hindi pinayagang lumabas ng bahay ay ang pangyayaring sobra
kung alipustain at murahin siya ng alperes. Suklam na suklam ang Donya at iniisip kung paano
makapaghiganti. Ang pagdili-dili niya ay nakapagbigay sa kaniyang ng ibayong ngitngit.

Nang araw ngang iyon, bago dumaan ang prusisyon, ipinasara niya sa bantay ang lahat ng mga bintana at
nagpasindi pa ng ilaw.Inutusan din nitong huwag magpapasok maski sinuman. Pinakandado niyang
mabuti pati pintuan. Habang nag-iisip ang Donya narinig niyang umaawit si Sisa na dalawang araw ng
nakukulong sa kwartel. Pinapaakyat ng Donya si Sisa upang pakantahin. Palibhasa, sa wikang kastila
ang utos ng Donya, hindi ito maunawaan ni Sisa. Isa pa hindi matino ang isip, isa na siyang
baliw.Kinuha ng Donya ang latigo ng alperes at muling inutos na kumanta si Sisa. Pero, hindi sumunod si Sisa. Dahil dito, inutusan ng Donya
ang sundalo na sabihin kay Sisa ang gusto nitong mangyari. Kumanta si Sisa ng Kundiman ng Gabi. Ang awit ay tumalab sa damdamin ng
Donya at nakapagsalita ng Tagalog. Napamaang ang sundalo, hindi niya sukat akalain na marunong ng Tagalog ang Donya. Napansin ng Donya
ang pagkamaang ng kawal, kaya galit na pinaalis ito. Binalingan ng Donya si Sisa at sa pilipit na pangangastila ay inutusan itong magbaile o
sumayaw.Nang hindi sumunod si Sisa, pinalo niya ito sa binti at paa. Nabuwal si Sisa at nagisi ang manipis nitong damit kasabay ng paglabas ng
dugo mula sa nabakbak na sugat. Nasisiyahan ang Donya sa gayong tanawin. Ang kaniyang galit ay naibunton niya kay Sisa.

Hindi napansin ng Donya ang pagdating ng alperes na pasikad na binuksan ang nakasarang pintuan. Pagkakita ng alperes kay Sisa, sinagilahan
ito ng pangangatal ng katawan sa galit at namutla. Bumalasik ang kaniyang mukha. Ngunit, parang walang anuman ito sa Donya. Tinanong pa
niya ang alperes kung bakit hindi man lang daw bumati ito sa kaniya. Hindi sumagot ang alperes. Inutusan niya ang bantay na bigyan ng damit at
pagkain si Sisa. Kailangang gamutin din ang mga sugat nito, bigyan ng magandang higaan at huwag lalapastanganin. Ang dahilan si Sisa ay
nakatakdang ihatid sa tahanan ni Ibarra kinabukasan din.Sa kabilang dako, kung magkaroon man ng kagaspangan ng ugali si Donya Consolacion
yaon ay bunga ng kaniyang kawalan ng sapat na edukasyon. Siya ay dating labandera lamang ng mga sundalo na mapangasawa niya ang alperes
na noon ay isa lamang kabo. Ito ang dahilan kung may plastik na pag-uugali. Pilit siyang nag-aastang may pinag-aralan, marunong ng kastila at
may ugaling Europeo.

Kabanata 40: Karapatan at Kapangyarihan

Mag-iikasampu na ng gabi ng paisa-isang sindihan ang mga kuwitis. Ang huling pailaw ay parang bulkan
habang ang daan ay naliliwanagan ng ‘luces de Bengala’ na siyang nagsisilbing ilaw sa mga taong
naglalakad patungo sa liwasang bayan.Malaki ang entabladong pagdarausan ng dula. Ang nangasiwa sa
palabas ay ang Tenyente Mayor na si Don Filipo sapagkat ang Kapitan ay nasa sugalan. Kausap ng Tenyente
si Pilosopo Tasio at nakasentro ang kanilang pag-uusap na nagbibitaw na ang Don sa kaniyang tungkulin.
Danga’t nalamang hindi tinanggap ng alkalde ang pagbibitiw nito.
Saglit naputol ang pag-uusap ng dalawa ng dumating si Maria Clara
kasama ang mga kaibigan. Kasunod nilang dumating ang kura at

Crispino e La Comare
ilang kastila. Isa-isa silang inihatid sa upuan ng tenyente.Nagsimula na ang palabas sa pamamagitan ng tambalang tinig nina Chananay at
Marianito ng Crispino e la Comare. Ang pansin ng lahat ay nasa entablado maliban kay Padre Salvi na walang kurap na nakatitig kay Maria
Clara.Tapos na ang unang bahagi ng dula nang pumasok si Ibarra. Umugong ang bulungan, pero hindi ito pinansin ni Ibarra. Malugod na binati
niya ang kasintahan at ang mga kasama nito. Tumindig si Padre Salvi o ang Kura at hiniling kay Don Filipo na paalisin si Ibarra. Ngunit, hindi
sumunod ang Don at sinabing hindi niya magagawa ang gayon sapagkat nag-abuloy ng malaki si Ibarra. Isa pa, anang Don hindi siya natatakot
sa gagawin ng kura sapagkat maghapong kau-kausap ng Kapitan Heneral at ng Alkalde ng lalawigan si Ibarra. Kaya, wala itong dapat
ipangamba. Napilitan umalis ang Kura at ang mga kasama nito. May ilang tao na lumapit kay Ibarra at sinabing huwag pansinin ang paglisan ng
kura, sapagkat ang mga ito ang nagsasabing si Ibarra ay eskumulgaldo. Dahil dito, naitanong ni Ibarra na sila ay nasa panahon pa ng edad
Media.Nilapitan ni Ibarra ang mga dalaga at nagpaalam na ilang sandali siyang mawawala sapagkat mayroong nalimutang tipanan. Pinigilan siya
ni Sinang subalit nangako si Ibarra na babalik na lamang siya. Papalabas na si Yeyeng upang sumayaw, nang lumapit ang dalawang sibil kay
Don Filipo at ipinatitigil ang palabas dahil hindi raw makatulog sa ingay ang alperes at si Donya Consolacion. Pero, hindi pinagbigyan ang
kahilingan ng mga sibil at natapos na ang dula. Pero, bigla na lang nagkagulo.May dalawang sibil na hinagad ang mga musikero upang pigilin
ang palabas pero ang mga ito ay nahuli ng mga kuwadrilyero na katulong ni Don Filipo. Tiyempo namang nakabalik na si Ibarra. Kaagad na
hinanap niya si Maria. Kumapit na sa bisig ni Ibarra ang mga nasindak na dalaga. Walang tigil naman sa kauusal ng letania sa latin si Tiya
Isabel. Ang mga sibil na inihatid ng mga kuwadrilyero sa tribunal ay pinagbabato ng mga tao. May mga pulutong ng mga kalalakihan na
nagbabalak ng masama sa mga sibil. Pero, pinakiusapan sila ni Don Filipo na huwag ng palalain pa ang pangyayari. Ngunit, hindi siya pinansin.
Kaya kay Ibarra siya nakiusap. Sinabi ng binata na wala siyang magagawa. Pinakiusap ni Ibarra si Elias na puntahan ang mga kalalakihang
nagbabalak ng masama. Napahinuhod naman ng piloto ang mga lalaki na huwag ng ituloy ang kanilang mga binabalak. Isa-isa ng nagsialisan
ang mga tao.Mula naman sa kinaroroonan ni Padre Salvi, nakita niya ang buong pangyayari sa liwasan. Dumating din ang kaniyang utusan na
nagbalita rin tungkol sa nangyaring kaguluhan.Bigla na lamang nakita ni Padre Salvi sa kaniyang pangitain na si Mari Clara ay walang malay-
tao, pangko ni Ibarra at nawala sila sa kadiliman. Halos nagkandahulog siyang bumaba sa kumbento at nagtuloy sa liwasan. Ngunit, wala ng tao.
Binubulyawan siya ng mga kastila, pero hindi niya alumana. Mabilis na tinungo niya ang bahay ni Kapitan Tiyago. Sa nakapinid na durungawan
nabanaagan niya ang mga anino nina Maria Clara at Tiya Isabel. Ang pagkabahala sa dibdib ng pari ay unti-unting nawala. Ligtas sa
kapahamakan si Maria. Bumalik na sa kumbento si Padre Salvi.

Kabanata 41: Dalawang Panauhin

Dahil sa nangyari hindi dalawin ng antok si Ibarra, kaya naisipan nitong gumawa sa kaniyang laboratoryo.
Pamaya-maya pumasok ang kaniyang utusan at sinabing mayroon siyang panauhing taga-bukid.
Pinapatuloy niya ito ng hindi man lamang lumilingon. Ang kaniyang panauhin ay si Elias.Tatlo ang pakay
ni Elias sa pagpunta niya kay Ibarra. Una, ay upang ipaalam na nilalagnat o may sakit si Maria Clara.
Ikalawa, magpapaalam na siya kay Ibarra sapagkat nakatakda siyang magtungo sa Batangas at ikatlo,
itatanong niya sa binata kung wala itong ipagbibilin sa kaniya. Hinangad ni Ibarra ang maluwalhating
paglalakbay ni Elias.Hindi nakatiis si Ibarra kung paano napatigil ni Elias ang kaguluhan nangyari sa
liwasan. Sinabi ni Elias na kilala niya ang magkapatid na namumuno sa panggugulo. Ang mga ito ay mga
sibil. Ang ama ng magkakapatid na patayin sa palo ang mga sibil na nanggulo sa liwasan. Pero dahil sa
may utang na loob ang magkapatid kay Elias, sila ay madaling napakiusapan nito. Hindi na kumibo si Ibarra, kaya nagpaalam na si
Elias.Nagbihis at nanaog na si Ibarra habang sinisisi ang sarili sa pagkakasakit ng kasintahan. Tutungo siya sa bahay ni Kapitan Tiyago. Sa daan
nakasalubong niya ang isang maliit na lalaking nakaitim at may pilat sa kaliwang pisngi. Ito ay si Lucas at kapatid ng taong madilaw na namatay
sa paghuhugos ng unang bato sa paaralan. Nabanas ng husto si Ibarra sa pangungulit ni Lucas na kung magkano raw ang ibabayad sa pamilya ng
kaniyang kapatid. Sinabi ni Ibarra na magbalik na lamang si Lucas dahil dadalaw ito sa isang maysakit. Saka na nila pinag-usapan ang tungkol
sa pagbabayad. Mauubos na ang pagtitimpi ni Ibarra, kaya tinalikuran niya kaagad si Lucas.Sinundan ng masamang tingin ni Lucas si Ibarra
sabay bulong sa sariling si Ibarra ay apo nga talaga ng nagbilad sa init sa kaniyang ama at iisa ang dugong nananalaytay sa kanilang mga ugat…
subalit kapag ito (Ibarra) ay mahusay magbayad ng mataas, sila ay magiging mabuting kaibigan.
Kabanata 42: Mag-asawang De Espadaña

Malungkot sa bahay ni Kapitan Tiyago sapagkat may sakit si Maria. Pinag-uusapan ng magpinsang
Tiya Isabel at Kapitan Tiyago kung alin ang mabuting bigyan ng limos, ang krus sa Tunasan na
lumaki, o ang krus sa Matahong na nagpapawis. Nais malaman ni Tiyago kung alin sa dalawang ito
ang higit na mapaghimala. Napagdesisyonan na parehong bigyan ng limos ang dalawang ito upang
gumaling kaagad ang karamdaman ni Maria. Natigil ang pag-uusap ng magpinsan nang mayroong
tumigil sa harap ng bahay. Ang dumating ay sina Dr. Tiburcio de Espadaña, na inaanak ng kamag-
anak ni Padre Damaso at tanging kalihim ng lahat ng ministro sa Espanya.Inaasahan ni Tiyago ang
mga dumating na panauhin. Pagkatapos na maipakilala ni Victorina si Linares, sinamahan sila ni
Tiyago sa kani-kanilang silid.Sa biglang tingin, aakalain na si Donya Victorina ay isang Orofea.
Siya ay isang ginang na may edad na 45, pero ipinamamalitang siya ay 32 taong gulang lamang.
Noong bata at dalaga pa siya at kapani-paniwalang maganda ito. Kaya, hindi siya nagpasilo sa mga
lalaking Pilipino at ang pinangarap niyang mapangasawa ay isang dayuhan. Isa siyang social climber at ibig na mapabilang sa mataas na antas
ng lipunan. Ngunit, ang bitag na inihanda niya ay walang nasilo. Nalagay siya sa pangangailangan na kailangang makapangasawa siya ng
dayuhan. Napilitan siyang masiyahan sa isang maralitang Kastila na taga-Espanya itinaboy ng bayang Extremadura at ipinadpad ng kapalaran sa
Pilipinas. Ang kastilang ito ay Tiburcio de Espanada na may 35 taong gulang, ngunit mukha pang matanda kay Donya Victorina.Nakarating siya
sa Pilipinas sakay ng barkong Salvadora. Sa barko dumanas siya ng katakot-takot na pagkahilo at nabalian pa ng paa. Nahihiya na siyang
magbalik sa Espanya, dahil ipinasya na niyang manatili sa Pilipinas. Eksaktong 15 araw siya sa bansa nang matanggap siya sa trabaho dahil sa
tulong ng mga kababayang Kastila. Sapagkat hindi naman siya nag-aral pinayuhan siya ng mga kababayan na humanap nang magandang
kapalaran sa mga lalawigan at magpanggap na isang mediko na ang tanging puhunan ay ang pagiging Kastila. Ayaw sana niyang sumunod dahil
nahihiya siya, pero dahil sa gipit na gipit na siya, wala siyang mapagpipilian kundi sumunod sa payo.Siya ay dating nagtatrabaho sa pagamutan
ng San Carlos bilang tagapagbaga ng mga painitan at tagapaspas ng alikabok sa mga mesa at upuan pero wala talagang kaalam-alam sa
panggagamot. Sa una mababa ang singil. Lumalaon pataas nang pataas, sinamantala niya ng husto ang pagtitiwala ng mga Indio. Dahil dito,
umaasa siya na tuloy-tuloy na ang kaniyang pagyaman. Ngunit, nagsumbong ang mga tunay na mediko sa Protomediko de Manila na siya ay
pekeng doktor. Nawalan na siya ng pasyente. Babalik na sana siya sa pamamalimos sa mga kakilala’t kababayan subalit napangasawa nga niya
si Donya Victorina.

Pagkakasal, lumipat sila sa Santa Ana at dito idinaos ang kanilang pulut-gata. Ilang araw ang nagtagal bumili ng
aranya at karomata si Donya Victorina at matutuling kabayo mula sa Albay at Batangas para sa gamit nilang mag-
asawa. Binihisan din niya ng husto ang asawa para magmukhang kagalang-galang. Ang Donya ay nagsimulang
maging ilusyunada bilang isang Orofea. Nagpusod-Espanyola at naglagay ng mga palamuti sa katawan. Ilang
buwan ang lumipas, Ipinamalita niyang siya ay naglilihi at sa Espanya manganganak sapagkat ayaw ipanganak ang
anak na tatawaging rebolusyunaryo. Ang kaniyang pangalan ay dinagdag din ng de, kayat nakalimbag sa mga
Donya Victorina
tarheta nito ang Donya Victorina de los Reyes de de Espadaña.Dumaan ang tatlong buwan, ang inaasahang
pagbubuntis ng Donya ay naunsiyami kayat wala siyang magawa kundi ang manatili sa “lupaing ito ng mga
salvaje.” Ang ginawa niya ay nagpatingin sa mga hilot at manggagamot, ngunit wala ring nangyari. Hindi siya nagkaanak.Dahil siguro
nadisperada ang Donya sa hindi pagkakaroon ng anak, naibunton niya ang kaniyang ngitngit sa asawa nito. Parang maamong kordero ang Don,
kahit na ano ang gawin ng Donya hindi ito nakakarinigan ng reklamo, kapag nagagalit ang Donya, nilalabnot niya ang pustiso ng asawa at kung
minsan nama’y hindi niya ipinapahintulutan lumabas ng bahay.Isang araw, naisip ng Donya na ang asawa ay dapat na maglagay ng titulong
medicina at cirugia. Tumutol ang Don sapagkat pamemeke na naman ang gagawin niyang panggagamot. Ngunit, wala siyang magawa at
sumunod na lamang sa Donya. Tunay na amini’t hindi, siya ay Ander de Saya.Nagpaukit sa marmol ang Donya ng karatulang may nakasulat
na:Dr. DE ESPADAÑA, ESPESYALISTA SA LAHAT NG URI NG SAKIT at ito ay ikinabit sa kaniyang bahay.Naisip din ng Donya na
kumuha ng tagapangasiwang kastila sa kaniyang mga ari-arian sapagkat hindi niya pinagkakatiwalaan ang mga Pilipino. Ipinakaon naman ng
Don ang pamangkin si Linares na nag-aaral ng pagkamananggol, sa gastos ng Donya.Samantala sila ay nagmimiryenda ay dumating si Padre
Salvi. Dati ng kakilala ng mag-asawa ang pari, kaya si Linares na lamang ang kanilang ipinakilala. Kaagad sinabakan na ni Donya Victorina ang
pamimintas sa mga taga-lalawigan at pinangalandakan na kaututang dila nila ang alkalde at ng iba pang nasa mataas na poder sa estado.Pero,
namangha ang Donya nang sabihin ni Tiyago na kadadalaw lamang ng Kapitan-Heneral sa kanilang tahanan. Halos hindi makapaniwala ang
Donya. Gayunpaman, dahil sa wala na siyang magawa sinabi na lamang na nanghinayang siya at hindi kaagad nagkasakit si Maria disinsanay’y
nakadaupang palad nila ang Heneral.Nang matapos ang kanilang pag-uusap, pinuntahan nila si Maria na noon ay nakahiga sa isang kamagong na
nakukurtinahan ng husi at pinya. Ang ulo ni Maria ay may taling panyo na basa ng agua colonia at nakakumot ng puti. Nasa tabi ang dalawang
kaibigang babae at si Andeng na may hawak ng pumpon ng Azucena.Naitanong naman ni Linares kay Padre Salvi kung saan si Padre Damaso,
sapagakat may dala itong sulat-tagubilin para rito. Sinabi ni Salvi na dadalaw ito kay Maria kaya napanatag ang loob ni Linares.Pinulsuhan ng
Don si Maria, tiningnan ang dila at sinabing may sakit ito, ngunit mapapagaling. Ang iniresetang gamot niya ay: Sa umaga ay liquen con
leche, jarabe de altea at dalawang pildoras ng cinoglosa. Sinamantala ito ng Donya at ipinakilala si Linarez na nabigla sapagkat nakatoun ang
kaniyang mga mata at isip kay Maria na lubhang nagagandahan.Saglit naputol ang walang kurap na pagkakatitig ni Linares sa magandang
mukha ni Maria nang sabihin ni Padre Salvi na dumating na si Padre Damaso. Ang pari ay kagagaling lamang niya sa sakit, siya ay putlain
mabuway kung lumakad, payat at hindi masalita. Ang una niyang ginawa ay dumalaw nga kay Maria Clara.

Kabanata 43: Mga Balak

Tuloy-tuloy si Padre Damaso sa kamang kinahihigaan ni Maria at luhaang sinabi sa “Anak ko, hindi ka
mamamatay”.Nagtaka si Maria sa nakitang anyo ng pari. Ang mga nakakakilala sa prayle ay halos hindi rin
makapaniwala na ang paring may magaspang na ugali at matipunong anyo ay mayroon palang gayong kalambot na
damdamin ng pari. Tumindig si Padre Damaso at nagpunta sa silong ng balag sa ilalim ng balkonahe at umiyak na
parang batang ibinulalas ang lahat ng sama ng loob. Dahil dito, nasabi ng lahat na talagang mahal na mahal ng pari
ang inaanak na si Maria.Nang kumalma na ang damdamin ng pari, ipinakilala ni Donya Victorina si Linares. Sinabi ni Linares na siya ay
inaanak ng bayaw ni Damaso na si Carlicos. Ibinigay ni Linares ang sulat sa pari na binasa naman niya. Lumitaw na si Linares ay
nangangailangan ng trabaho at mapapangasawa. Ayon kay Damaso madali niyang maihanap ng trabaho ang binata sapagkat ito ay tinanggap na
abogado sa Universidad Central. Tungkol naman sa pag-aasawa, sinabi ni Damaso na kakausapin nila si Tiyago.Naiwan si Padre Salvi na
malungkot at nagmumuni-muni. Nagitla na lamang siya nang batiin ni Lucas, na hinihingi umano ng payo tungkol sa pagkamatay ng kaniyang
kapatid. Nagdrama ng husto si Lucas, pilit na nagpapatulo siya ng luha na isinalaysay ang pakikipagkita niya kay Ibarra at binigyan lamang ng
P500.00 para sa pagkamatay ng kaniyang kapatid. Nagalit ang pari sa kadramahan ni Lucas, kaya pinagtabuyan niya ito at pasalamat siya’t hindi
siya ipinabilanggo ni Ibarra. Umalis na bumubulong-bulong si Lucas.

Kabanata 44: Pagsusuri ng Budhi

Nabinat si Maria pagkatapos na makapagkumpisal. Sa kaniyang pagkahibang walang sinasabing pangalan kundi
ang pangalan ng kaniyang inang hindi man lamang nakikilala.Siya ay binabantayang mabuti ng kaniyang mga
kaibigang dalaga. Si Tiyago naman ay nagpamisa at nangako na magbibigay ng tungkod na ginto sa Birhen ng
Antipolo. Unti-unti namang bumaba ang lagnat ni Maria.Takang-taka naman si Don Tiburcio sa naging epekto ng
gamot na inireseta niya sa dalaga. Sa kasiyahan ni Donya Victorina hindi niya nilabnot ang pustiso ng
asawa.Isang hapon napag-usapan ang nakatakdang pag lipat ng parokya ni Padre Damaso sa Tayabas. Sinabi ni
Kapitan Tiyago na ang ganitong pagkakalayo ng pari ay labis na daramdamin ni Maria sapagkat para na rin niya
itong ama. Ipinaliwanag din niya na ang pagkakasakit ng dalaga ay bunga ng mga pangyayari noong pista. Sinabi
naman ng Kura na mabuti nga ang di pag papahintulot ng kapitan na magkausap ang anak at si Ibarra.Pero,tinutulan ng
Donya ang ganitong pananaw ng dalaga sapagkat matibay ang kaniyang paniniwala, na si Don Tiburcio ang
nakapagpagaling kay Maria.Hindi pinansin ni Padre Salvi ang Donya at sa halip sinabi niya na malaki raw ang nagawa
ng pangungumpisal sapagkat daig ng isang malinis na budhi ang lahat na mga gamot na gaya ng pinatutunayan na ng
maraming pagkakaton.Dahil dito,nabanas ang Donya at iminungkahi niya kay Padre Salvi na gamutin ng kaniyang kumpisal Si Donya
Consulation na asawa ng alperes.Hindi umimik ang pari at sa halip ay tinagubilinan niya si Kapitan Tiyago na ipahanda kay Tiya Isabel si Maria
sa isang pangungumpisal muli sa gabing iyon at bibigyan niya ng viatico kinabukasan upang tuloy-tuloy na ang kaniyang paggaling.Samantala,
pinainom ni Sinang si Maria ng isang pildoras na mula sa bumbong na kristal at bilin ng doktor ay itigil ito kapag nakakaramdam siya ng
pamimingi.Itinanong ni Maria kay Sinang kung hindi sumulat si Ibrra. Sumagot si Sinang na abala si Ibarra sa pag-aasikaso na mapatawad ng
arsobispo ang kaniyang ekskumunyon. Saglit na natigil ang kanilang pag-uusap sapagkat siyang pagpasok ni Tiya Isabel upang ihanda muli si
Maria na sulatan niya si Ibarra at sabihing limutin na niya ito. Di nakapagtanong si Sinang dahil nagsisimula na si Tiya Isabel, si Maria naman
ay nag-iisip ng mga kasalanan. Binasa ni Tiya Isabel ang Sampung Utos. Pagkaraan ay nagtulos ng isang malaking kandila sa harap ng altar ng
Mahal na Birhen. Nagtagal ang kumpisalan sa gabing iyon. Napansin ni Tiya Isabel na sa halip na makinig ang pari sa sinasabi ni Maria, tila ba
binabasa ang nasa isip ng dalaga. Nung lumabas ng silid si Padre Salvi, ito ay namumutla at nakapangagat labi, kunot ang noo at pawisan.Sa
malas, siya ang kinumpisalan na di nagtamo nag patawad.

Kabanata 45: Mga Inuusig

Nagpunta sa Kagubatan si Elias at hinanap si Kapitan Pablo. Siya ay sinamahan ng isang lalaki sa yungib
na tila nasa ilalim ng lupa. Nang makita ni Elias ang Matandang Pablo natatalian ang ulo ng isang bigkis na
kayong may bahid ng dugo. Kagyat na nagkilala silang dalawa. May anim na buwan na nang huli silang
magkita. Noon, ayon kay matandang Pablo siya ang naaawa Kay Elias. Subalit, ngayon nagkapalit sila ng
puwesto. Si Elias ay malakas samantalang ang matanda ay sugatan at lugami sa hirap ng katawan at
kalooban. Mayo 15, araw na naibalita kay Elias ang sinapit ni Kapitan Pablo. Katunayan, pinaghanap siya
nito sa kabundukan ng dalawang lalawigan. At ngayon nga ay kaniyang natagpuan.Ipinaliwanag ni Elias sa
Kapitan na nais niya itong isama sa lupain ng mga di-binyagan upang doon na manirahan nang payapa
kahit na malayo sa sibilisasyon, yaman din lamang daw walang nangyari sa kaniyang paghahanap sa
angkang nagpahamak sa kaniyang pamilya. Binigyang diin ni Elias na magturingan na lamang silang dalawa bilang mag-ama yayamang pareho
na silang nag-iisa sa buhay. Umiiling lamang ang matanda sa kahilingan ni Elias at sinabing wala siyang dahilan para magpanibagong buhay sa
ibang lupain. Kailangan niyang maipaghiganti ang kalupitang sinapit o pagkamatay ng kaniyang dalawang anak na lalaki at isang babae sa
kamay ng mga buhong. Noon aniya, siya ay isang duwag ngunit, dugo at kamatayan ang isinisigaw ng kaniyang budhi dahil sa kaapihang
kaniyang natamo. Karumal-dumal ang sinapit ng kaniyang mga anak kaya ganito na lamang ang kaniyang pagpupuyos.Ang kaniyang anak na
dalaga ay pinagsamantalahan at inilugso ang kapurihan ng isang alagad ng simbahan. Dahil dito, nagsiyasat ang dalawa niyang anak na lalaki.
Pero, nagkaroon ng nakawan sa kumbento at ang isa niyang anak ay sinuplong. Ang anak niyang ito ay ibinitin ang kaniyang buhok at narinig
niya ang sigaw, daing at pagtawag sa kaniya, pero siya ay nasanay sa buhay na tahimik ay naging duwag at hindi nagkaroon ng lakas ng loob na
pumatay o magpakamatay. Ang paratang na pagnanakaw sa kaniyang anak ay di napatunayan, isa lamang malaking kasinungalingan. Ang
kurang nagparatang ay inilipat sa ibang lugar. Pero ang kaniyang anak ay namatay sa sobrang pahirap na dinanas.Ang isa naman niyang anak ay
hindi duwag at pingambahan na siya ay maghihiganti dahil sa sinapit ng dalawamg kapatid. Ito ay hinuli ng mga awtoridad dahil nakalimutan
lamang niyang magdala ng sedula. Ito ay pinahirapan din hanggang sa magpatiwakal na lamang. Ngayon, wala ng nalalabi sa kaniya kundi
bababa ng bayan upang maghimagsik at makapaghiganti. Hindi naman siya nag-iisa, marami siyang kaanib na kapwa rin pinag-uusig ng
awtoridad.Ang mga ito ang bumubuo sa kaniyang pangkat na pinamumunuan.At sila ay naghihintay lamang na tamang tiyempo at araw upang
lumusob.Naunawaan ni Elias ang paninindigan ni Kapitan Pablo,siya man daw ay tulad nito na sa pangambang makasugat nang walang
kinalaman, kinalimutan niya ang paghihiganti.Pero, para sa kapitan, ang paglimot ay lubhang napakahirap.Kaya ang ganang kay Elias ay
napakadali sapagkat siya ay bata pa, hindi namatayan ng mga anak at hindi nawawalan ng pag-asa.Nangako ang matanda na hindi rin siya
susugat sa sinumang walang kasalanan tulad ng ginawa nitong pagkakasakit na naging sanhi ng kaniyang pagkakasugat at huwag lamang ang
isang kuwadrilyong tumutupad lang naman ng kaniyang tungkulin.Ipinahayag ni Elias kay Matandang Pablo na siya ay nagkapalad na makilala
at makatulong sa isang binatang mayaman, matapat, may pinag-aralan at nag-iisang anak ng isang taong marangal na hinamak din ng isang pari,
maraming kaibigan sa Madrid kabilang na ang Kapitan-Heneral. Bilang pagbibigay diin, tiniyak ni Elias sa matanda na makakatulong daw ang
binatang ito sa kanilang pagnasang maipaabot sa heneral ang mga hinaing ng bayan. Tumango ang matanda. Dahil dito, ipinangako ni Elias na
malalaman ni Kapitan Pablo ang magiging resulta ng kaniyang lakad o pakikipag-usap sa binata (si Ibarra) sa loob ng apat na araw. Sa mga
tauhan ng kapitan ang kakatagpuin niya sa may baybayin ng San Diego at sasabihin niya ang sagot. Kapag pumayag ang binata, may maasahan
at makakapagtamo sila ng katarungan at kung hindi naman, si Elias ang unang kasama niyang maghahadog ng buhay.

Kabanata 46: Sabungan

Katulad din ng iba pang bayan ng Pilipinas, may sabungan din sa San Diego. Ito ay nahahati sa
tatlong bahagi. May pasukan ito sa pinto na binabantayan ng isang babaeng naniningil ng bayad sa
pagpasok. Nakahanay naman sa magkabilang daraanan na mga tao ang mga tindera na nagtitinda
ng kung anu-ano na katulad ng pagkain, gamit na maliliit sa bahay, sigarilyo at iba pa. Kalapit ito
ng isang may kalakihan ding lugar na kinaroroonan ng mga tahur, magtatari at mga sobra ang hilig
sa sabong. Dito nagpapalipat-lipat nang mabilis ang kuwarta sa kamay ng mga tao at
pakikipagsunduan. Ang tawag sa lugar na ito ay ulutan. Ang ikatlong bahagi naman ng sabungan
ay tinatawag na ruweda. Dito dinaraos ang mga sultada. Makikita sa lugar na ito ang mga taong
may matataas na tungkulin, mayayaman, ang mga tahur at sentensiyador.Nasa loob ng sabungan
sina Kapitan Pablo, Kapitan Basilio at Lucas. Nagtanong si Kapitan Basilio tungkol sa manok na
isasabong ni Kapitan Tiyago samantalang papasok ito sa sabungan na kasunod ang dalawang
alalay o utusan na may dalang isang lasak na manok at isang malaking putting tinali. Bulik naman
ang manok ni Kapitan Basilio. Nagkaroon muna ng batian tungkol sa pagkakasakit ni Maria Clara,
pagkaraan nagkasundo ang dalawa na paglabanin ang bulik at ang lasak sa pustang P 3,000. Parang apoy na kumalat ang paglalaban. Nagkaroon
ng pustahan ang mga sabungero. Lumilitaw na dehado ang pula at llamado naman ang puti.Habang hindi magkamayaw sa pagpusta ang ilang
sabungero sa gagawing pagsusultada, ang dalawang binatang magkapatid na sina Tarsilo at Bruno ay naiinggit sa mga pumupusta. Sila ay
matamang pinagmamasdan ni Lucas.Pamayamaya ay lumapit ang pinakabata sa dalawa kay Lucas at nakiusap na pautangin ito ng pera para may
maipusta. Sina Bruno at Tarsilo ay may masaklap na karanasan sa mga sibil, ang kanilang ama ay pinatay sa palo ng mga ito.

Tinanong ni Lucas ang magkapitid kung payag na sila sa kondisyong kaniyang ibinigay. Ayaw ng nakatatanda. Dahil dito, sinabi ni Lucas na
kahit kilala man niya ang magkapatid na ayaw ipaghiganti ang pagkamatay ng kanilang ama, hindi niya mapapautang ang mga ito ng perang
hindi niya pag-aari. Ang pera, aniya ay kay Don Cisostomo Ibarra. Gayunman, kung papayag sila sa kanilang amuki, madali niyang mabibigyan
ng pera ang mga ito. Ikinatwiran ng dalawa, na kundi lamang sa kanilang kapatid na babae ay matagal na
siguro silang nabitay. Pero, sinagot sila ni Lucas na mga nabibitay ay mga duwag lamang, walang salapi at
mahihina at kung sakali ay malapit lamang ang bundok.Samantala, pinagsalpuk na ang dalawang manok, na
ilang sandali lang ay kapwa sugatan. Pero matindi ang sa puti. May tarak ito sa dibdib samantalang ang sa
pula naman ay sa pakpak lamang. Gayunman, unang bumulagta ang puit na nagkikisay at sumunod naman
ang pula na ipinipikit ang mga mata. Ang nanalo sa labanan ay ang pula. Hiyawang umaatikabo ang
sumunod.Nanghinayang sina Tarsilo at Bruno at hindi sila nakapusta disinsana’y nanalo ng tig-P100 bawat isa. Sa di kalayuan, nakita nila si
Pedro, ang asawa ni Sisa na binibilangan ng pera ni Lucas. Naisip nilang pumusta sa sususnod na laban.Tiyempo namang ang isusunod na
paglalabanin ay ang bulik ni Kapitan Basilio at ang lasak ni Kapitan Tiyago. Nakalimutan ng magkapatid ang tungkol sa kanilang kapatid na
babae. Naisip nilang walang mangyayari sa kanila kung kukunin nila ang inaalok na pera ni Lucas sapagkat si Crisostomo ay kaibigang matalik
ng heneral at kasama pa nito sa pamamasyal.Nang lumapit ang magkapatid kay Lucas, hindi sila nabigo. Sila ay binigyan ng tig- P30.00 sa
kasunduang sasama sila sa pagsalakay sa kuwartel. Kapag sila ay nakapagsama pa, tig-sasampu uli sa bawat maisama nila. Kapag nagtagumpay
sila sa gagawing pagsalakay, may tig-P100 at ang mga kasama nila at sila naman ay tig-P200 ang tatanggapin. Tumango sila pareho sa lahat ng
kondisyon. Kaagad na tinanggap ang perang hinihingi nila. Tinagubilinan ni Lucas ang magkapatid na kinabukasan ay darating ang mga
sandatang padala ni Ibarra. Sa ikawalo naman ng gabi sa makalawa ay kailangan magtungo sila sa libingan upang tumanggap ng utos. Ito lamang
at naghiwalay na silang tatlo. Tuloy ang sabong.
Kabanata 47: Dalawang Senyora

Habang nakikipaglaban ang lasak ni Kapitan Tiyago, magkaakbay naman na namamasyal sina
Donya Victorina at Don Tiburcio upang malasin ang bahay ng mga indio. Ayon sa Donya pangit
ang mga bahay ng mga Indio. Sa kanilang paglakad, nababanas siya ng husto kapag hindi
nagpupugay sa kanila ang mga nakakasalubong. Dahil dito, inutos niya sa Don na mamalo ng
sumbrero. Pero, tumanggi ang Don bunga raw ng kaniyang kapansanan.Nang mapadaan ang
Donya sa tapat ng bahay ng alperes nagkatama ang kanilang mga paningin. Parehong matalim.
Tiningnan ng alperes ang Donya mula ulo hanngang paa, ngumuso at dumura sa kabila. Sinugod
ng Donya ang alperes at nagkaroon ng mainitang pagtatalo…

Binanggit ng Donya ang pagiging labandera ng alperesa samantalang pinagdidikdikan naman ng


huli ang pagiging pilay at mapagpanggap na asawa ng Donya. Puyos sa galit, Habang hawak na
mahigpit ang latigo ng alperes na nanaog si Donya Consolacion, upang daluhugin si Donya Victorina. Pero, Bago mag-pang-abot ang dalawa,
dumating ang alperes. Umawat si Don Tiburcio. Ang pangyayari ay sinaksihan ng maraming tao na nakatawag pansin ng kanilang
pagtatalakan.Dumating ang kura at pinatitigil ang dalawa, ngunit pasinghal na binulyawan siya ng alperes kasabay sa pagtawag ditong
‘mapagbanal-banalang Carliston’. Nagalit naman ng husto si Victorina at sinabi kay Tiburcio na kailangan hamunin niya ang alperes sa
pamamagitan ns sabelo o rebolber. Tumanggi ang Tiburcio, kaya nahablot na naman ng di oras ang kaniyang pustiso ng nagtatalak na
asawa.Pagdating sa bahay ng mag-asawa, inabutan nilang kausap ni Linares si Maria at ang mga kaibigan nito.
Kay Linares nabaling ang atensiyon ng Donya, inutusan nito na siya ang humamon sa Alperes sa pamamagitan ng baril o sable at kung hindi
ibubulatlat nito sa madla at kay Kapitan Tiyago ang tunay nitong pagkatao. Namutla si Linares at humingi ito ng paumanhin sa Donya.Siya
namang pagdating ni Kapitan Tiyago na lugo-lugo sapagkat natalo ang kangyang lasak.Hindi pa nakapagpapahinga si Tiyago, Tinaltalan kaagad
siya ng Donya. Sinabi niya sa Kapitan na hahamunin ni Linares ang alperes at kapag hindi niya ito nagawa, di dapat itong magpakasal kay
Maria. Sapagkat ang duwag ay hindi nababagay sa inyong anak, pagdidiin pa ng Donya. Dahil sa narinig nagpahatid si Maria sa kaniyang
silid.Kinagabihan, bago umalis sina Donya Victorina at Don Tiburcio iniwan nila ang kuwenta sa paggagamot kay Maria at ito’y umaabot sa
kung ilang libong piso. Naiwan naman si Linares na nasa gipit na kalagayan.

Kabanata 48: Hiwaga

Dumating kinabukasan si Ibarra na gaya ng pagkakabalita ni Lucas sa magkapatid na Tarsilo at Bruno. Ang unang
sinadya ng binata ay ang tahanan ni Kapitan Tiyago upang ibalita na siya ay hindi escomulgado at dalawin si
Maria. May dala siyang sulat mula sa arsobispo na ibinigay nito sa kura at nagsasaad na inaalis na ang
excomunion.Tuwang- tuwa si Tiya Isabel, sapagkat boto siya kay Ibarra at ayaw din niyang mapangasawa ng
kaniyang pamangkin si Maria ang kastilang si Linares. Tinawag ni Isabel si Maria at pinatuloy si Ibarra.Ngunit
biglang naumid ang dila ng binata sapagkat nakita niyang kalapit ng kasintahan si Linares na nasa balkon.
Nakasandig sa silyon si Maria at may hawak na abaniko. Sa may paanan nito ay nandoroon si Linares na
nagkukumpol ng rosas at sampaga. Namulat si Linares ng makita si Ibarra samantalang si Maria ay namula at
hinayaang malaglag na lamang ang tangang pamaypay. Sinikap nitong tumayo, pero hinang-hina siya dahil nga sa pagkakasakit. Si Linares ay
waring napapatda at hindi makapagsalita.Sinabi ni Ibarra sa kasintahan ang dahilan ng kaniyang diipinasabing pagdalaw. Nakatingin lamang sa
kaniya si Maria na parang inuunawa ang bawat katagang namutawi sa kaniyang labi. Malungkot si Maria, kaya nakuro ni Ibarra na bukas
nalamang siya dadalaw. Tumango ang dalaga. Umalis si Ibarra na ang puso ay ginugutay ng matinding pag-aalinlangan, gulo ang kaniyang isip.
Sa paglakad niya, humantong siya sa ipinapagawang paaralan. Binati siya ni Nyor Juan at mangagawang dinatnan niyang abalang gumagawa.
Binigyang diin ni Ibarra sa mga dinatnan na wala ng dapat ipangamba sa kaniya ng sinuman sapagkat siya ay hindi na eskomulgado. Pero,
tinugon siya ni Nyor Juan na hindi nila pinapansin ang excommunion sapagkat silang lahat ay pawang eskomulgado.Nakita ni Ibarra si Elias na
kasama ang mga manggagawa. Yumukod si Elias at ipinahiwatig sa pamamagitan ng tingin na mayroon siyang gustong sabihin sa kaniya. Dahil
dito, inutusan ni Ibarra si Nyor Juan na kunin at ipakita sa kaniya ang talaan nito ng mga obrero upang kaniyang tignan. Nilapitan ni Ibarra si
Elias na nag-iisang nagkakarga ng bato sa isang kariton. Sinabi ni Elias na nais niyang makausap ang binata nang ilang oras. Ipinakiusap nitong
mamangka sila sa baybay ng lawa sa bandang hapon upang pag-usapan ang isang napakahalagang bagay. Tumango lamang si Ibarra nang
makitang papalapit na sa kanila si Nyor Juan. Si Elias naman ay lumayo na. Nang tignan ng binata ang talaan ng mga obrero, wala ang pangalan
ng pilotong si Elias.

Kabanata 49: Tinig ng mga Inuusig

Nang lumulan si Ibarra sa bangka ni Elias, waring ito ay hindi nasisiyahan. Kaya, kaagad na
humingi ng paumanhin si Elias sa pagkagambala niya sa binata. Sinabi ni Ibarra ang dahilan,
nakasalubong niya ang alperes at gusto nitong muli na magkausap. Dahil nag-aalala siyang
makita si Elias, nagdahilan na lamang siya.Nanghinayang naman ang binata ng sabihin ni Elias
na di siya matatandaan ng alperes.Saglit na napabuntonghininga si Ibarra sapagkat biglang
pumasok sa kaniyang isip ang kaniyang pangako kay Maria.Hindi na nag-aksaya ng panahon si
Elias sinabi niya kaagad kay Ibarra na siya ang sugo ng mga sawimpalad.Ipinaliwanag niya ang
napagkasunduan ng puno ng mga tulisan (si Kapitan Pablo) na hindi na binanggit pa ang mga
pag-aalinlangan at pagbabala.Ang kahilingan ng mga
sawimpalad, ani Elias ay (1) humingi sila ng makaamang
pagtangkilik sa gobyerno na katulad ng mga ganap na
pagbabago sa mga kawal na sandatahan, sa mga prayle, sa
paglalapat ng katarungan at sa iba pang pangangasiwa ng gobyerno (2) pagkakaloob ng kaunting karangalan sa pagkatao ng mga tao, ang
kanilang kapanatagan at bawasan ang lakas at kapangyarihang taglay ng mga sibil na madalas na nagiging puno’t dulo ng paglapastangan sa
karapatang pantao.Tumugon si Ibarra na anumang pagbabago na sa halip na makakabuti ay lalo pang makakasama. Sinabi nitong maaari niyang
pakilusin ang kaniyang mga kaibigan sa Madrid sa pamamagitan ng salapi at pati na ang Kapitan-Heneral ay kaniyang mapapakiusapan, ngunit
lahat sila ay walang magagawa. Siya man ay hindi gagawa ng anumang pagkilos ukol sa mga bagay na iyon sapagkat kung may kasiraan man
ang korporasyon, ay matatawag naman nilang masasamang kailangan.Nagtaka si Elias, hindi niya sukat akalaing ang isang tulad ni Ibarra ay
naniniwala sa tinatawag na masama kailangan na para bang nais palabasin nito na kailangang gumawa muna ng masama upang makapagdulot ng
mabuti.Naniniwala siya na kapag ang sakit ay malala, kailangang gamutin ng isang mahapding panlunas.Ang sakit ng bayan ay malubha kaya’t
kailangan ang kaparaanang marahas kung ito ay makakabuti.Ang isang mabuting manggagamot,aniya ay sinususri ang pinagmulan ng sakit at
hindi ang mga at hindi ang mga palatandaan nito na sinisikap na bigyan ng lunas.Katulad ng mga sibil na sa pagnanais daw na masugpo ang
kasamaan, ito’y iniinis sa pananakot, paggawa ng marahas at walang habas na paggamit ng lakas, kapag pinahina ang guwardiya sibil ay
malalagay naman sa panganib ang katahimikan ng bayan.Paano raw magkakagayon gayong 15 taon nang may mga sibil, ngunit ang mga tulisan
ay patuloy pa rin sa pandarambong.Ang mga sibil ay walang naidudulot na kabutihan sa bayan sapagkat kanilang pinipigil at pinahihirapan ang
isang tao kahit na marangal dahil lamang sa nakalimutan ang cedula personal,at kapag kailangang malinis ang kanilang mga kuwartel, ay
manghuhuli sila ng mga kaawa-awang mamamayan na walang lakas na tumutol.Napag-usapan pa nila na bago itatag ang guardia civil
nanunulisan ang mga tao dahil sa matinding pagkagutom.Binigyang diin naman ni Elias na ang mga sawimpalad na hinihingi ng bayan ang
pagbabago sa mga palakad ng mga prayle at ng isang pagtangkilik laban sa korporasyon.Pero,sinabi naman ni Ibarra na may utang na loob na
dapat tanawin ng bayan sa mga paring pinagkakautangan ng pananalig at patangkilik noon laban sa mga pandarahas ng mga may-
kapangyarihan.Lumitaw sa pagpapalitan ng kuro-kuro ng dalawa na kapwa nila mahal ang bayan.Pero,hindi napahinuhod ni Elias si Ibarra
tungkol sa pakiusap ng mga sawimpalad. Kaya, ipinahayag niya kay Ibarra na sasabihin na lamang daw niya sa mga ito na ilipat na sa Diyos o sa
kanilang mga bisig ang pagtitiwala na sa kapwa tao na di magtatamong-pala.
Kabanata 50: Ugat ni Elias

Isinalaysay ni Elias ang kaniyang kasaysayan kay Ibarra upang malaman nito na siya ay kabilang din sa mga
swimpalad. Mayo 60 taon na ang nakakalipas, ang kaniyang nuno ay isang tenedor de libros sa isang bahay-
kalakal ng kastila.Kasama ng kaniyang asawa at isang anak na lalaki, ito ay nanirahan sa Maynila. Isang
gabi nasunog ang isang tanggapang pinaglilingkuran niya. Isinakdal ang kaniyang nuno sa salang
panununog. Palibhasay maralita at walang kayang ibayad sa abogado, siya ay nahatulan. Ito ay ipinaseo sa
lansangan na nakagapos sa kabayo at pinapalo sa bawat panulukan ng daan. Buntis noon ang asawa,
nagtangka pa ring humanap ng pagkakakitaan kahit na sa masamang paraan para sa anak at asawang may
sakit. Nang gumaling ang sugat ng kaniyang nuno, silang mag-anak ay namundok na lamang. Nanganak ang
babae, ngunit hindi nagtagal namatay ito. Hindi nakayanan ng kaniyang nuno ang sapin-saping pagdurusang kanilang natanggap. Nagbigti ito.
Hindi ito naipalibing ng babae. Nangamoy ang bangkay at nalaman ng mga awtoridad ang pagkamatay ng asawa.Nahatulan din siyang paluin.
Pero, ito ay hindi itinuloy at ipinagpaliban sapagkat dalawang buwan siyang buntis noon. Gayunman, pagkasilang niya, ginawa ang
hatol.Nagawang tumakas ng babae mula sa malupit na kamay ng batas, lumipat sila sa kalapit na lalawigan. Sa paglaki ng anak na panganay, ito
ay naging tulisan. Gumawa siya ng panununog at pagpatay upang maipaghiganti nila ang kaapihang natamo. Nakilala siya sa tawag na Balat.
Ang lahat ay natakot sa kaniyang pangalan. Ang ina ay nakilala naman sa tawag na haliparot, delingkuwente at napalo at ang bunso dahil sa
mabait at tinawag na lamang anak ng ina.
Isang umaga, nakagisnan na lamang ng anak ang ina na patay na. Ito ay nakabulagta sa ilalim ng isang puno at ang isang ulo ay nakatingala sa
isang bakol na nakasabit sa puno. Ang kaniyang katawan ay ibinaon samantalang ang mga paa, kamay ay ikinalat. Ang ulo naman ay siyang
dinala sa kaniyang ina. Walang nalalabing paraan sa nakakabata dahil sa kalunos-lunos na pangyayaring ito kundi ang tumakas. Siya ay
ipinadpad ng kapalaran sa Tayabas at namasukang obrero sa isang mayamang angkan. Madali naman siyang nakagiliwan sapagkat nagtataglay
nga ito ng magandang ugali.

Siya ay masikap at ng nagkaroon ng puhunan, napaunlad niya ang kaniyang kabuhayan hanggang sa makakilala siya ng isang dalagang taga-
bayan na kaniyang inibig ng tapat. Gayunman sinasagilahan siya ng matinding pangamba na mamanhikan. Nangangamba siyang matuklasan ang
tunay niyang pagkatao. Mahal palibhasa ang babae, minsan ay nailugso nito ang puri at desidido siyang panindigan ang nagawa. Ngunit, dahil sa
mayaman ang ama ng babae at wala siyang kayang ipagtanggol ang sarili. Siya ay nakulong sa halip na makasal siya sa babae.Bagamat hindi
nagsama ang magkasuyo, ang kanilang pagtatampisaw sa dulot ng pag-ibig ay nagkaroon ng bunga. Ang babae ay nanganak ng kambal, isang
babae at isang lalaki. Ang lalaki ay si Elias. Bata pa sila ay iminulat sa kanilang patay na ang kanilang ama. Naniniwala naman sila sapagkat
musmos pa lamang ay namatay ang kanilang ina. Nang magkaroon ng sapat na isip, palibhasa’y may kaya ang nuno si Elias ay nag-aral sa mga
Heswitas samantalang ang kapatid na babae ay sa Concordia. Nagmamahalan silang magkapatid at ang pag-igkas ng panahon ay hindi nila
namamalayan. Namatay ang kanilang nuno kaya’t umuwi silang magkapatid upang asikasuhin ang kanilang kabuhayan. Maganda ang kanilang
hinaharap, ang kaniyang kapatid na babae ay nakatakdang ikasal sa binatang nagmamahal sa kaniya, ngunit ang kanilang kahapon ang nagwasak
sa kanilang kinabukasan. Dahil sa kaniyang salapi at ugaling mapag-mataas, isang malayong kamag-anak ang nagpamukha sa kanilang
kahapong nagdaan. At ito ay pinatunayan ng isang matandang utusan nila. Iyon pala ang kanilang ama. Namatay na naghihinagpis ang kanilang
ama dahil sa pag-aakalang siya ang naging dahilan ng kasawian nilang magkapatid. Pero, bago ito namatay naipagtapat niyang lahat ang
kahapon ng magkakapatid.Lalong binayo ng matinding kalungkutan ang kapatid ni Elias nang mabalitaan niyang ikinasal sa iba ang kaniyang
kasintahan. Isang araw nawala na lamang ito’t sukat. Lumipas ang anim na buwan nabalitaan na lamang ni Elias na mayroong isang bangkay ng
babaing natagpuan sa baybayuin ng Calamba na may tarak sa dibdib. Ito ang kaniyang kapatid. Dahil dito siya ay nagpagala-gala sa iba’t-ibang
lalawigan bunga ng iba’t-ibang pagbibintang tungkol sa kaniya na hindi naman niya ginagawa. Dito natapos ang salaysay ni Elias.Nagpalitan pa
ng iba’t-ibang pananaw ang dalawa hanggang sa sabihin ni Ibarra kay Elias na sabihin niya sa mga sumugo sa kaniya na siya (Ibarra) ay taus-
pusong nakikiisa sa kanilang mga damdaming. Lamang, wala siyang magagawa kundi ang maghintay pa sapagkat ang sama ay di-nagagamot ng
kapwa sama rin. Dagdag pa rito, sa kasawian ng tao siya man ay matroong kasalanan din. Nang makarating na sila sa baybayin, nagpaalam na si
Ibarra at sinabi kay Elias na siya ay limutin na at huwag babatiin sa anumang kalagayang siya ay makita nito. Nagtuloy si Elias sa kuta ni
Kapitan Pablo at sinabi sa kapitan na siya kung di rin lamang mamamatay ay tutupad sa kaniyang pangako na aanib sa kanila sa sandaling
ipasiya ng pinuno na dumating na ang oras ng pakikibaka sa mga Kastila.

Kabanata 51: Mga Palitan at Pagbabago

Sakmal ng pagkabalisa at di pag-igmik si Linares sapagkat nakatanggap siya ng liham mula kay Donya
Victorina na nagsasaad ng ganito:

"Itinatanging pinsan,

Sa loob ng tatlong araw inaasahan kong malaman sa’yo kung ikaw pinatay ng
alferez o ikaw sa kaniya ayoko lumampas pa ang isang araw na wala ang hayop
na yan sa kaniyang parusa kung lumampas ang taning at di pa hinahamon mo siya
sasabihin ko ke Don Santiago na ikaw kelanman di naging sekretaryo ni Canobas ni makipaginuman sa Heneral
Arseño Martines sasabihin ko ke Clarita na lahat ang bola at di ikaw bibigyan ko ni isang kusing pa kung
hahamunin siya pangako sa yo lahat ng ibbigay kaya tingnan natin kung hahamunin mo pinagpapagnako sa yo na
alang nang paluggit at dahilan.

Iyong pinsang mahal kang buompuso


Victorina de los Reyes de De Espadaña
Sampaloc lunes I ka 7 ng Gabi."

Alam ni Linares na hindi nagbibiro ang Donya. Kailangang hamunin niya ang alperes subalit sino naman kaya ang papayag na maging padrino
niya, ang kura kaya o si Kapitan Tiyago. Pinagsisisihan niya ang kaniyang paghahambog at pagsisinungaling sa paghahangad lamang na
makapagsamantala. Labis siyang nagpatianod sa kapritso ng Donya.

Dumating si Padre Salvi at nagmano sa Kapitan Tiyago. Masayang ibinalita niya ang tungkol sa sulat na padala ng arsobispo tungkol sa pag-alis
ng excommunion kay Ibarra kasabay ng kaniyang pagpupuring ang binata ay kalugod-lugod ngunit may kapusukan ng kaunti. Tanging ang
sagabal na lamang sa pagpapatawad ay si Padre Damaso. Pero aniya ay hindi makatanggi kung si Maria ang kakausap sapagkat inaama niya ang
pari. Narinig ni Maria ang usapan at nagtungo ito sa silid kasama si Victoria.Sa bahaging iyon ng usapan ng pari at Kapitan Tiyago pumasok si
Ibarra na kasama si Tiya Isabel. Binati niya ang kapitan at yumukod naman kay Linares. Si Padre Salvi ay buong lugod na kumamay kay Ibarra
at sinabi nitong katatatapos pa lamang niyang papurihan ito. Nagpapasalamat ang binata at lumapit kay Sinang upang itanong kung lumapit kay
Sinang upang itanong kung galit sa kaniya si Maria. Ipinasasabi raw ni Maria ani Sinang na limutin na siya ng binata ngunit sinabi ni Ibarra ng
gusto niyang makausap ng sarilinan ang kasintahan. Di nagluwat, umalis na si Ibarra.

Kabanata 52: Baraha ng mga Patay at ang mga Anino

Madilim ang gabi at malamig ang ihip ng hangin pumapaspas sa mga dahong tuyo at alikabok ng makipot
ng daang patungo sa libingan. May tatlong anino na paanas na nag-uusap sa ilalim ng pinto ng libingan.
Itinanong ng isa kung nakausap na niya ng kaharap si Elias. Hindi raw pero siguradong kasama ito
sapagkat nailigtas na minsan ni Ibarra ang buhay nito. Tumugon ang unang anino na ito nga ay pumayag
na sumama sapagkat ipapadala ni Ibarra sa Maynila ang kaniyang asawa upang ipagamot. Siya ang
sasalakay sa kumbento upang makaganti siya sa kura. Binigyang diin naman ng ikatlong anino na kasama
ng lima lulusob sila sa kwartel upang ipakilala sa mga sibil na kanilang ama ay may mga anak na lalaki. Isa pa, sinabi ng alila ni Ibarra na sila ay
magigng 20 na katao na. Saglit na huminto sa pag-aanasan ang mga anino nang mabanaagan nilang may dumarating na isang anino na
namamaybay sa bakod.Pagdating sa lugar ng tatlo, nagkakilala sila. Ipinaliwanag ng bagong dumating na anino na sinusubaybayan siya kaya’t
naghiwa-hiwalay na sila at tinagubilinan ang mga dinatnan ng kinabukasan ng gabi nila tatanggapin ang mga sandata kasabay ng sigaw na
“Mabuhay Don Crisostomo”! Ang tatlong anino ay nawala sa likod ng pader. Ang bagong dating naman ay naghintay sa sulok ng pintuan.

Nang dumating ang ikalawang anino, namasid ito sa kaniyang paligid. Umaambon palibhasa, sumilong
ito sa pintuan kaya’t nagkita sila ng unang sumilong. Naisipan nilang magsugal at kung sinuman ang
manalo sa kanila ay maiiwan upang makipagsugal sa mga patay. Pumasok sila sa loob ng libingan at
umupong magkaharap upang magsugal. Ang mataas sa dalawa ay si Elias at ang may pilat sa mukha ay si
Lucas. Nagsimula na silang magsugal sapagkat sa isang tao lamang ang nakikipagsugal ang mga patay.
Natalo si Elias kaya umalis itong hindi kumikibo. Nilamon siya ng kadiliman.Nang gabing iyon
dalawang sibil ang naglalakad sa tabi ng simbahan. Pinag-uusapan nila ang tungkol sa paghuli kay Elias
sapagkat sinumang makahuli rito ay hindi mapapalo sa loob ng tatlong buwan. Nakasalubong nila si Lucas at itinanong kung saan ito pupunta.
Sa simbahan ani Lucas upang magpamisa. Pinabayaan nila sapagkat ayon sa alperes walang pilat si Elias. Ilang saglit lamang, si Elias mismo
ang nakasalubong ng mga sibil. Dinala siya sa liwanag upang kilalanin. Sinabi ni Elias na hinahabol niya ang lalaking may pilat sapagkat siyang
bumugbog sa kaniyang kapatid. Ang mga sibil ay patakbong nagtungo sa simbahang pinasukan ni Lucas.

Kabanata 53: Makikilala sa Umaga ang Isang Magandang Araw

Kinabukasan ng umaga, kumalat ang balita tungkol sa mga ilaw na nakita sa libingan ng nakaraang
gabi. Sa paniniwala ng mga puno ng mga kapatiran ni San Francisco, may 20 ang nakita niyang
kandila na sinindihan. Panaghoy at pahikbi naman ang narinig ni Ermana Sipa kahit na malayo ang
kaniyang bahay sa libingan. Sa pulpito, binigyang diin naman ng kura sa kaniyang sermon ang tungkol sa kaluluwa sa purgartoryo.Ang usapan
ay hindi nakaligtas sa matalas na paningin nina Don Filipo at Pilosopong Tasio na ilang araw ng nanghihina. Nasabi ni Don na tinanggap ng
alkade ang kaniyang pagbibitiw sa tungkulin. Hindi naman mapakali si Tandang Asyo sapagkat naniniwala siyang ang pagbibitiw ay hindi
nararapat at napapanahon. Sa panahon ng digmaan, anya, ang puno ay dapat na manatili sa kaniyang tao. Sa pag-iisip ni Pilosopong Tasio. Ayon
sa kaniya, nag iba ang bayan na di na katulad noon na may 20 na taon na ang nakalipas. Ang nakaraan ay nagbigay ng aralin. Namamalas na
naging bunga ng pagdayo sa Pilipinas ng mga Europeo at ang pagdayo naman ng mga kabataan sa Europa ay nadadama na rin.Ang mga
kabataang nakapag-aral sa Europa ay nagkaroon ng malawak na kaalaman tungkol sa kasaysayan, Matematika, Agham, Wika at iba pang uri ng
kaalaman na ituturing na enerhiya noong una. Kaya ng tao na pangasiwaan ang malawak na daigdig na kaniyang ginagalawan at tinatahanan. Sa
panitikan, nagsimula na ring lumitaw ang mga makatang nagpapahayag ng malaya at mga makaagham na pagsubok. Hindi na rin kayang
sawatain ng kumbento ang paglaganap ng mga modernong kabihasnan.

Nagkaroon pa ng palitan ng katwiran ang dalawa tungkol sa bayan, sa relihiyon, sa kahihinatnan ng bayan, ugali ng mga binata at dalaga mga
naglilingkod sa Simbahan hanggang sa tanungin ni Don Filipo si Tandang Tasio kung hindi nangangailangan ng mga gamot sapagkat napansin
nitong hinang-hina na siya. Pero tinugon sya ni Tandang Tasio na ang mga mamamatay ay hindi na nangangailangan ng gamot at sa halip ang
mga maiiwan ang mangangailangan. Ipinakiusap din niya sa Don na sabihin kay Ibarra na makipagkita sa kaniya sa loob ng ilang araw sapagkat
malapit na siyang yumao. Sa kabila ng karamdaman ni Tandang Tasio ang kapakanan ng bayan ang kaniyang inaaalala. Matibay ang kaniyang
paniniwala ng ang Pilipinas ay tumatahak pa rin sa karimlan. Hindi nagluwat, nagpaalam na si Don Filipo.

Kabanata 54: Pagbubunyag

Orasyon. Pahangos na patungo ang kura sa bahay ng alperes. Ang mga taong gustong humalik sa kaniyang kamay
ay hindi niya pinapansin. Tuloy-tuloy na pumanhik ito ng bahay at malakas na tinwag ang alperes. Lumabas agad
ang alperes kasunod ang asawang si Donya Consolacion. Bago makapag salita ang kura, inireklamo agad ng
alperes ang mga kambing ng kura na naninira sa kaniyang bakod. Sinabi naman ng pari na nanganganib ang buhay ng lahat. Katunayan, aniya ay
mayroong napipintong pag-aalsa na gagawin nang gabing iyon. Nalaman ito ng pari, aniya sa pamamagitan ng isang babae na nangumpisal sa
kaniya na nagsabi na sasalakayin ang kuwartel at kumbento. Dahil dito nagkasundo ang kura at alperes na paghandaan nila ang gagawing
paglusob ng mga insurektos. Humingi ang kura ng apat na sibil na nakapaisana ang itatalaga sa kumbento. Sa kuwartel naman ay palihim ang
pagkilos ng mga kawal upang mahuli nang buhay ang mga lulusob. Layunin nito na kanilang mapakanta ang sinumang mahuhuling buhay. Ika-
walo ng gabi ang nakatakdang paglusob, nakini-kinita ng alperes at kura ang pag-ulan ng kurus at bituin sapagkat ganap silang nakahanda.Sa
kabilang dako, isa naman lalaki ang mabilis na tumatakbo sa daan patungo sa tirahan ni Ibarra. Mabilis na umakyat ng bahay at hinanap sa
nakitang utusan ang amo nito na kaagad naman itinuro na ito ay nasa laboratoryo. Pagkakita ni Elias kay Ibarra ipinagtapat niya kaagad ang
nakatakdang paglusob at batay sa kaniyang natuklasan. Si Ibarra ang kapural at nagbayad sa mga kalahok sa paglusob. Ipinasunog ni Elias kay
Ibarra ang lahat ng mga aklat at kasulatan nito sapagkat di na maiiwasan na siya ay mapasangkot at tiyak na siya ang isisigaw ng sinumang
mahuhuli ng mga sibil.Tinulungan ni Elias si Ibarra sa pagpili ng mga kasulatan. Sa mga kasulatan, nabasa niya ang tungkol kay Don Pedro
Eibarramendia at tinanong niya kay Ibarra kung ano ang relasyon nito sa kaniya. Halos nayanig ang buong pagkatao ni Elias nang sabihin ni
Ibarra na iyon ang kaniyang nuno na ipinaikli lamang ang apilyido. Isa pa, ito ay isang Baskongado. Natagpuan na ng piloto ang lahing lumikha
ng matinding kasawian sa kanilang buhay. Biglang bumunot ng balaraw si Elias at naisip niyang gamitin iyon kay Ibarra. Ngunit, saglit lang ang
pagkadimlan ng kaisipan ng biglang siyang matauhan. Binitiwan niya ang hawak na balaraw at tulirong tumingin ng tuwid kay Ibarra at saka
mabilis na pumanaog ng bahay. Nagtaka si Ibarra. Itinuloy ang pagsunog sa mga mahahalagang papeles at dokumento.

Kabanata 55: Malaking Sakuna

Oras ng hapunan pero nagdahilan si Maria na wala siyang ganang kumain. Kaya niyaya niya ang kaibigan si
Sinang sa piyano. Nagbulungan silang dalawa habang palakad-lakad si Padre Salvi sa loob ng bulwagan. Hindi
mapakali si Maria sa paghihintay nilang magkaibigan ang pagdating ni Ibarra. Kasalukuyan kumakain noon ang
Argos si Linares at isinadasal nilang umalis na ang “multong” si Padre Salvi. Nakatakdang dumating sa ikawalo
ng gabi si Ibarra. Ika-walo rin ng gabi ang nakatakdang paglusob sa kumbento at sa kwartel. Nang sumapit ang ikawalo, napaupo sa isang sulok
ang pari samantalang ang magkaibigan ay hindi malaman ang gagawin. Nang tumugtog ang kampana, silang lahat ay tumindig upang magdasal.
Sya namang pagpasok ni Ibarra na luksang luksa ang suot. Tinangkang lapitan ni Maria ang kasintahan ngunit biglang umalingawngaw na
lamang ang sunod sunod na putok. Napapatda si Ibara, hindi makapagsalita. Ang Kura naman ay nagtago sa likod ng haligi. Ang mga tao sa
bahay ni Kapitan Tiyago ay nakakarinig ng puro putokan, sigawan at pinagbuhan sa may kumbento. At mga nagsisikain na kumedor ay biglang
pumasok at panay na ‘tulisan…tulisan…Si Tiya Isabal ay panay ang dasal samantalang ang magkaibigan ang nagyakapan. Si Ibarra ay walang
tinag sa kinatatayuan. Nagpatuloy ang putukan atsilbatuhan kasabay ng pagsasara ng mga pintuan at bintana ng biglaan.

Tinawag ni Tiya Isabel, si Padre Salvi dahil sabi ng alperes ay gusto nitong magumpisal. Umalis si Padre Salvi Mula sa kaniyang pinagtataguan
sa may haligi. Takot na takot din si Tiya Isabel para kay Crisostomo dahil Gustong lumabas nito, ngunit ayaw nito ito mahintulutan dahil hindi
pa ito nangungumpisal sa kura. Pagdating ni Ibarra sa bahay, kaagad na inutusan ni Ibarra ang kaniyang
katulong na ihanda ang kaniyang kabayo. Tumuloy siya sa gabinete at isinilid nya ang kaniyang maleta ang
mga hiyas, salapi, ilang mga kasukatan at larawan ni Maria. Nagsukbit siya ng isang balaraw at dalawang
rebolber. Ngunit aalis na lamang siya nakarinig sya ng malaks na pagputok sa pintuan. Tinig ng isang kawal
na kastila. Lalaban sana siya ngunit nagbago ang kaniyang isip. Binitawan niya ang kaniyang baril at
binuksan ang pinto. Dinakit siya ng Sarhento ng mga dumating na kawal. Isinama.

Sa kabilang dako, gulong gulo ang isip ni Elias ng pumasok siya sa bahay ni Ibarra. Para siyang sinusurot sa
sariling budhi. Naalalala niya ang sinapit ng kaniyang angkan, ang kaniyang nuno, si Balat, kapatid na
babae at ang kaniyang ama. Waring ang lahat ay tinatawag siyang duwag… isang duwag. Labis na
pangingipospos ang kaniyang damdmin. Hanggang sa maisip niyang balikan ang bahay ni Ibarra. Dinatnan
niya ang mga katulong ni Ibarra na hilong naghihintay sa kanilang amo. Nang malaman niya ang nangyari
kay Ibarra, nagkunwari itong umalis. Pero lumigid lamang saka umakyat sa bintana na patungo sa gabinete. Nakita niya ang mga kasulatan, mga
aklat, alahas at baril. Dinampot niya ang baril at ang iba naman ay isinilid niya sa sako at inihulog sa bintana. Nakita niyang dumating ang mga
sibil. Kinuha ni Elias ang larawan ni Maria at isinilid ito sa isang supot. Nagipon siya ng mga damit at papel, Binuhusan niya ito nga mga gas at
saka sinilaban.

Ang mga kawal ay nagpupumilit namang pumasok. Sinabihan sila ng matandang katulong ng walang pahintolot sa may-ari, kaya hindi maa-ari
silang pumasok. Naalaska ng husto ang directocillo, sa isang hudyat niya tinabig ng kawal ang matanda at mabilis silang pumanik. Pero
sinalubong sila ng makapal na usok at ang apoy na nakarating na sa gabinete. Biglang nagkaroon ng bmalalakas na pagsabog. Mabilis pa sa
lintik na umatras at nanaog ng bahay ang mga kawal kasama ang mga katulong ni Ibarra.

Kabanata 56: Sabi-sabi at Kuro-kuro

Hanggang sa kinabukasan sakmal pa rin ng takot ang buong bayan ng San Diego. Ni isa mang tao
ay walang makitang naglalakad sa gitna ng daan. Tahimik na tahimik ang buong paligid. Pamaya-
maya, isang bata ang naglakas loob na magbukas ng bintana at inilibot ang paningin. Dahil sa
ginawa ng bata, nagsisunod ang mga iba na magbukas ng bintana. Ang mga magkakapit-bahay ay
nagbalitaan. Lubhang kalagim-lagim daw ang nagdaang gabi tulad noong mandambong si Balat.
Sa kanilang pag-uusap, lumilitaw na si Kapitan Pablo raw ang sumalakay. Ipinapalagay naman ng
iba na ang mga kuwadrilyero raw kaya dinakip si Ibarra. Ang mga lalaki ay nagpunta naman sa
kuwartel at sa may tribunal. Lumitaw pa sa usapan ng mga tao na tinangka raw ni Ibarra na itanan
ang kasintahang si Maria upang hindi matuloy ang pakikipag-isang dibdib niya kay Linares. Kaya
lang sinansala ni Kapitan Tiyago ang kanilang pagtatanan sa tulong ng mga sibil.

Samantala, nakausap ni Hermana Pute ang isang lalaking kagagaling lamang sa tribunal. Sinabi nitong nagtapat na si Bruno. Pinatunayan nito
ang balita tungkol sa magkasintahang sina Ibarra at Maria. Sa ngitngit daw ni Ibarra, pati simbaha’y nais niyang paghigantihan, mabuti na
lamang at nasa bahay ni Kapitan Tiago si Padre Salvi. Ang mga sibil daw ang sumunog sa bahay ng binata. May isang utusang babae naman ang
nagpahayag na nakita niyang nakabitin sa ilalim ng puno ng santol si Lucas.

Kabanata 57: Vae Victis (Magdusa ang mga Nalupig!)

Balisa ang mga sibil na nasa kwartel. Panay ang kanilang pagbabanta sa mga batang
sumisilip sa puwang ng mga rehas upang tingnan ang mga nadakip. Naroroon ang alperes,
direktorsillo, Donya Consolation at nag kapitan na halatang malungkot. Bago mag-ikasiyam
dumating ang kura at wala sa loob na naitanong niya sa alperes sina Ibarra at Don Filipo.
Kasunod niya ang isang parag batang umiiyak at duguan ang salawal. Hinarap sa kura ang
dalawang tanging buhay na nabihag ng mga sibil.

Tarsilo Alasigan ang tunay na pangalan ni Tarsilo. Pilit siyang tinatanong kung kaalam si
Ibarra sa nasabing paglusob. Ngunit, iginigiit din niyang walang kamalay-malay si Ibarra
sapagkat ang ginawa ay upang ipaghiganti ang kanilang amang pinatay sa palo ng mga sibil.
Dahil dito, iniutos ng alperes na dalhin si Tarsilo sa limang bangkay, ito ay umiling. Nakita
niya ang kaniyang kapatid na si Bruno sa tadtad ng saksak, si Pedro na asawa ni Sisa at ang
kay Lucas na may tali pang lubid sa leeg. Dahil sa patuloy itong walang immik kahit sa
sunod-sunod ang pagtatanong sa kaniya. Nagpuyos sa galit ang alperes. Iniutos na paluin ng
yantok si Tarsilo hanggang sa magdugo ang buong katawan nito. Hindi makakanta si Tarsilo,
kaya ito ay ibinalik sa bulwagan. Nadatnan niya ang isang bilanggo ring nagpapalahaw sa
iyak at tumatawag sa mga santo. Ipinasino kay Tarsilo ang dinatnan. Sinabi niyang noong lamang niya nakita. Dahil dito, muli siyang pinalo
hanggang sa mabalot ng dugo ang buong katawan. Hindi nakayanan ng kura ang gayong tanawin kaya lumabas siya sa bulwagan na namumutla.
Nakita ng kura ang isang dalagang parang nagbibilang ng mga naririnnig sa loob ng tribunal, humahalinghing at nanananghoy ng malakas. Ang
babaing ito ay ang kapatid na dalaga nina Bruno at Tarsilo. Samantala, nang di mapansin si Tarsilo, lalong nagngitngit ang alperes. Binulungan
pa siya ni Donya Consolacion na lalong pahirapan ang binata. Pero, hiningi na lamang ni Tarsilo na madaliin ang kaniyang kamatayan. Walang
makuhang anumang impormasyon at di mapaamin si Tarsilo kaya ito ay itinimba sa isang balong nakakabaligtad ng sikmura ang tubig at amoy.
Kung ilang bese ibinulusok ang katawan ni Tarsilo sa balon. Hindi niya natagalan ang pagpapahirap hanggang sa takasan siya ng hininga sa
gayong uri ng kalupitan. Nang matiyak na patay na si Tarsilo ang binalingan naman ay ang isa pang bilanggo.

Ang pangalan di-umano ng bilanggong ito ay Andong luko-luko at kaya napapunta sa patyo ay upang magbawass sapagkat pinapakain ng bulok
ng biyenan nito. Inaantok ang alperes sa naging sagot ng bilanggo, kaya iniutos itong ipasok na muli sa karsel.

Kabanata 58: Isinumpa

Tuliro at balisa ang mga pamilya ng mga bilanggo. Sila ay pabalik-balik sa kumbento, kuwartel
at tribunal. Ngunit, hindi sila makapagtamo ng luna sa kanilang mga inilalakad. Palubhasa wala
silang kilalang malakas at makakapitan na makakatulong upang palayain ang kanilang kaanak
na bilanggo. May sakit ang kura at ayaw na lumabas ng kaniyang silid at ayaw daw itong
makipag-usap kahit kanino. Ang alperes naman ay nagdagdag ng mga bantay upang kulahatin
ang mga babaingh nagsusumamo sa kanaya. Ang kapitan naman ay lalong nawalan ng silbi.

Nakakapaso ang sikat ng araw, ngunit ang mga babae ay ayaw umalis. Palakad-lakad umiiyak
ang mag-ina ni Don Filipo. Inusal-usal naman ni Kapitana Tinay ang pangalan ng kaniyang
anak na si Antonio. Si Kapitana Maria naman ay pasilip-silip sa rehas upang tignan ang kambal
niyang anak. Ang biyenan ni Andong ay nanduroon din at walang gatol na ipinagsasabio na kaya raw hinuli si Andong ng mga sibil ay dahil sa
bago nitong salawal. Amy isang babae naman ang halos mangiyak-ngiyak na nagsabing si Ibarra ang may pakana at kasalanan ng lahat. Ang
suro ng paaralan ay kasama-sama rin ng mga tao. Samantalang si Nyor Juan ay nakaluksa na sapagkat ipinalagay niyang wala ng kaligtasan si
Ibarra.

Mag-iikalawa ng hapon ng dumating ang isang kariton na hila ang isang baka. Tinangka ng mga kaanak ng mga bilanggo na sirain at kalagan
ang mga hayop na humihila sa kariton. Pero, ipinagbawalan sila ni Kapitana Maria at sinabing kapag ginawan nila iyon, mahihirapan sa
paglakad ng kanilang ka-anak ng bilanggo.

Pamaya-maya, lumabas ang may 20 kawal at pinaligiran ng kariton. Ang sinunod na ilaban ay
mga bilanggo sa pangunguna ni Don Filipo na nakuha pang batiin ng naka ngiti ang kaniyang
asawang si Doray ng yakapin ang asawa, pero hinadlangan siya ng dalawang sibil. Nang makita
naman si Antonio ng inang si Kapitana Tinay binirahan ito ng katakot takot na hagulgol. Si
Andong ay napaiyak din ng makita ang biyenan na may pasari ng kaniyang pagkakakulong.
Katulad ng kambal na anak ni Kapitana Maria, ang seminaristang si Albano ay nakagapos na
mabuti. Ang huling lumabas ay si Ibarra na walang gapos ngunit nasa pagitan ng dalawang kawal.
Ang namumutlang si Ibarra ay pasuyod na tinignan ng mga maraming tao at naghahanap ng isang
mukhang kaibigan.

Pagkakita kay Ibarra ng mga tao, biglang umugong ang salitaan na kung sino pa ang may sala ay siya pa itong walang tali. Dahil dito ay inutusan
ni Ibarra na gapusin siya ng mga kawal ng abot-siko. Kahit na walang utos ang kanilang mga pinuno ang mga sibil sumunod sin sila sa utos ng
binata. Ang alperes ay lumabas na naka-kabayo at batbat ng sandata ang katawan. Kasunod ay may 15 ng kawal na umaalalay sa kaniya.
Sa kalipunan ng mga bilanggo, tanging kay Ibarra lamang na walang tumatawag sa kaniyang pangalan sa halip siya ang binubuntunan ng sis at
tinwag na siyang duwag. Pati ang kaniyang mga nuno at magulang ay isinumpa ng mga tao hanggang siya ay tinawag ng erehe ng dapat
mabitay. Kasunod nito ay pinagbabato si Ibarra. Naalala niya ang kuwento ni Elias tungkol sa babaeng nakakita ng ulong nasa bakol at nakabitin
sa punongkahoy. Ang kasay sayan ng piloto ay parang biglang naglaro sa kaniyang pangitain.

Waring walang ibig dumamay kay Ibarra. Pati si Sinang ay pinagbawalan umiyak ni Kapitan Basilio. Kahit na nasa gipit at abang kalagayan ang
binata. Walang naawa sa kaniya. Doon nya nadama ng husto ang mawalan ng inang bayan, pag-ibig, tahanan kaibigan at magandang
kinabukasan.

Mula sa isang mataas na lugar, maamang nagmamasid si Pilosopong Tasyo na pagod na pagod at naka balabal ng makapal na kumot. Sundan
nya ng tingin ang papalaong kariton na sinakyan ng bilanggo. Ilang sandali pa ipinasiya na niyang umuwi. Kinabukasan, nagisnan ng isang
pastol patay na si Tasyo sa may ointuan ng kaniyang bahay.

Kabanata 59: Pambayan at mga Pansariling Kapakanan

Ang ginawang pagluson ng mga naapi o sawimpalad ay nakarating at napalathala sa mga diyaryo
sa Maynila. Iba rin ang balitang nagmula sa kumbento. Iba-iba ang estilo ng mga balitang
lumaganap. At ang pang-unawa sa mga ito ay batay sa talas ng isip, kuro-kuro, damdamin at
paniniwala. Ang mga tauhan ng kumbento ay higit na naliligalig. Ang mga provincial ay palihim
na nagdadalawan at gumagawa ng mga pagpapanayam hinggil sa nangyari. Ang ilan naman ay
nagpunta sa palasyo at naghahandog ng tulong sa pamahalaang nasa panganib. Nabanggit pa nga
na na maging ang munting heneral o generalillo daw MAG-AGUERO ay napagkuro ang
kahalagahan ng korporasyon. Samantala, ipinagbubunyi naman si Padre Salvi at sinabing ito ay
karapat-dapat na bigyan ng isang mitra. Sa ibang kumbento naman ay iba ang pinag-uusapan. Ang
mga nag-aaral daw sa mga heswita sa Ateneo ay lumalabas na nagiging pilibustero. Sa isang bahay naman sa Tundo, hindi mapakali si Kapitan
Tinong dahil minsan ito ay nagpakita ito ng kagandahang loob kay Ibarra. Kaya panay ang sisi sa kaniya ng asawang si kapitana Tinchang. Ang
kanilang dalawang anak na dalaga ay sa isang tabi lamang at di umiimik. Nasabi pa ni Tinchang na kung siya ay naging lalaki lamang, disin sana
ay haharap siya sa Kapitan-Heneral at ihahandog nito ang kaniyang paglilingkod laban sa mga manghihimagsik.

Malapit ng mabanas ng husto si Tinong sa kakulitan ng asawa nang dumating ang kanilang pinsan
si Don Primitivo. Ito ay isang lalaking may edad at mahilig magsasalita ng Latin. Siya ay
ipinasundo ni Tinchang upang hingan ng payo sapagkat marunong itong mangatwiran. Kaagad na
nag-umpisa ng pagsasalita si Tinchang pagkakita sa pinsa. Ayon sa kaniya, pinakain ni Tinong si
Ibarra sa kanilang bahay at niyukuran pa niya ito nang makita sa may tulay ng Espanya sa gitna ng
maraming tao at sinabing sila magkaibigan.

Sinabi ni Don Primitivo na dapat napakilala si Tinong kay Ibarra pagkat ang mga mabubuti raw ay
napaparusahan dahil sa mga masasama. Kaya’t walang ibang nalalabing paraan kundi ang gumawa
ng huling habilin si Tinong. Nawalan ng malay ng di oras si Tinong dahil sa payo. Nang bumalik ang kaniyang ulirat, dalawang payo ang
ibinigay ni Don Primitivo: (1) magbigay sila ng regalo sa heneral ng kahit anong alahas at idahilan na ito ay pamasko at (2) sunuging lahat ng
mga kasilulatan na maaaring makapagpahamak kay Tinong, na katulad ng ginawang pagsunong ni Ibarra sa kaniyang mga kasulatan.

Boto silang lahat sa payo.

Sa kabilang dako sa isang pagtitipon sa Intramuros na dinaluhan ng mga dalaga, mga asawa at mga anak ng kawani ang tema ng kanilang pag-
uusap ay ang tungkol din sa naganap na pag-aalsa. Ayon sa isang lalaking komang galit na galit daw ang heneral kay Ibarra sapagkat naging
napakabuti pa nito sa binata. Sinabi naman ng isang ginang na talagang walang utang na loob ang mga indiyo kaya’t di dapat silang ituring na
mga tunay na tao. Kahit na araw ang itatayong paaralan ay isang pakana lamang sapagkat ang tunay na layunin ni Ibarra ay gawin lamang itong
kuta na gagamitin niya sa kaniyang pansariling pangangailangan. Sumabad naman ang isa pang babae at ipinaliwanag na is Tinchang daw ay
nagregalo ng isang singsing na puno ng brilyante sa heneral. Napalingon ang lalaking komang at tiniyak kung totoo ang balita. Nagdahilan ang
pingkok at nanaog na ng bahay.

Ilang oras pa ang nakalipas, ang ilang mag-anak sa Tundo ay tumanggap ng mga paanyaya ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga kawal. Ang
imbitasyon ay tungkol sa pagtulog ng ilang mayayaman at tanyag na tao sa Fuerza de Santiago na may bantay pa. Si Kapitan Tinong ay kasama
sa mga inimbita.

Kabanata 60: Ikakasal si Maria Clara

Tuwang-tuwa si Kapitan Tiyago sapagkat hindi siya nahuli o natanong man lamang. Hindi rin siya
nakuryente o nabilanggo sa ilalim ng lupa. Dahil dito, siya ay nagpamisa sa Mahal na Birhen sa
Antipolo, Birhen del Rosario at sa Birhen del Carmen. Kung hindi naimbita si Kapitan Tiyago ng
pamahalaan, masamang kapalaran naman ang dumapo kay Kapitan Tinong. Tulad ng karamihan siya ay
inimbitahan ng pamahalaan. Di nakabuti ito sa kaniya ang ‘paglalakbay’ sa ibat-ibang tanggapan nito
sapagkat ng siya ay lumabas. Siya ay may sakit, putlain, namamanas at di palaimik. Hindi na rin siya
bumaba ng bahay, dahil nangangamba itong baka batiin siya ng isang pilibustero. Alam ni Tiyago ang
ganitong sinapit ni Tinong.

Dumating sa bahay ni Tiyago si Linares at ang mag-asawang de Espadaña na kapwa itinuring na pangkat
Maria Clara at Kapitan Tyago ng makapamahalaan. Sinarili ni Donya Virtorina ang usapan. Sinabi na kung babarilin si Ibarra, iyon ang
nararapat sapagkat siya ay isang pilibustero. Bagama’t namumutla at mahina si Maria, kaniyang hinarap
ang mga bisita. Humantong ang usapan tungkol sa pagpapakasal nina Maria at Linares. Nagkayarian din na magpapapista si Tiyago. Sinabihan
niya si Tiya Isabel na kung ano ang nasa loob ni Maria tungkol sa napipinto nitong pakikipag-isang dibdib. Sa wari, desidido na si Tiyago na
ipakasal si Maria sapagkat nakini-kinita niyang siya’y maglalabas-masok sa palasyo sa sandaling maging manugang niya si Linares. Si Linares
ang tagapayo ng Kapitan Heneral, kaya’t inaakala ni Tiyago na siya ay kaiinggitan ng mga tao.

Kinabukasan, ang bulwagan ni Tiago ay puno ng mga bisitang kastila at intsik. Nangunguna sa mga ito si Padre Salvi, Padre Sibyla, ilang
pransiskano at dominikano, ang alperes na ngayon ay tenyente at may grado ng komandante, ang mag-asawang de Espadaña, si Linares na
nagpatihuli ng dating at si tenyente Guevarra ng mga sibil.

Mangyari pa, ang paksa ng mga babae ay si Maria na kahit malungkot siya ay magalang na tinanggap ang mga bisita. Sinabi ng isang babae na
maganda nga raw si Maria, pero ito raw ay tanga naman. Kayamanan lang daw habol ni Linares. Sinabi rin na marunong daw siya sa buhay
sapagkat kaya siya ikakasal dahil bibitayin ang unang katipan ni Ibarra. Sa narinig ni Maria lalo siyang nasaktan at naghirap ang kalooban.
Iniwan niya ang mga babaing nag-uusap. Sa pulutong ng mga lalaking nag-uusap naman, lumitaw na ang kura ay lilipat na ng Maynila
samantalang di tiyak ng alperes kung saan ito madedestino. Ipinaliwanag ni Guevarra na hindi mabibitay si Ibarra na katulad ng mga nangyari
kina GOMBURZA at sa halip ito ay ipatatapon lamang. Binanggit din niya ang tungkol sa kaso ng binata at pagkaraan ay binati niya si Maria.
Ito raw ay nakakatiyak ng magandang kinabukasan. At nagpaalam na ang tenyente.

Nagtungo sa asotea si Maria. Nakita niya ang bangkang pasadsad sa may sadsaran ng bahay ni kapitan
Tiyago. Puno ng damo ang ibabaw ng bangka at may lulan itong dalawang lalaki. Bumaba ang isa sa lulan ng
bangka at pinanhik siya, si Ibarra. Nakatakas siya sa tulong ni Elias. Dumaan lamang ang binata upang
ipaalam ang damd amin nito at tuloy bigyan ng laya ang kasintahan tungkol sa kanilang kasunduan. Inilahad
ni Maria ang tunay na kasaysayan at pagkatao nito. Napilitan umano itong talikuran ang kanilang pag-iibigan
alang-alang sa kaniyang inang namayapa at sa dalawang amang nabubuhay pa. Pero wala siyang tanging pag-
ibig kundi si Ibarra lamang. Mahigpit na niyapos at pinupog ng halik ni Ibarra si Maria. Matagal. Pagkaraan,
lumundag muli ito sa pader at sumakay sa bangka. Nag-alis ng sumbrero si Elias at yumukod kay Maria. Sumagwang papalayo sa lumuluhang si
Maria.

Kabanata 61: Pagtakas Hanggang Lawa

Habang mabilis na sumasagwan si Elias, sinabi niya kay Ibarra na itatago siya sa bahay ng isang
kaibigan sa Mandaluyong. Ang salapi ni Ibarra na itinago niya sa may puno ng balite sa libingan ng
ninuno nito ay kaniyang ibabalik upang may magamit si Ibarra sa pagpunta nito sa ibang bansa.
Nasa ibang lupain daw ang katiwasayan ni Ibarra at hindi nababagay na manirahan sa Pilipinas,
dahil ang buhay niya ay hindi inilaan sa kahirapan. Inalok ni Ibarra na magsama na lang sila ni
Elias, tutal pareho na sila ng kapalaran at magturingan na parang magkapatid. Pero, tumanggi si
Elias.

Nang mapadaan sila sa tapat ng palasyo, napansin nilang nagkakagulo ang mga bantay. Pinadapang
mabuti ni Elias si Ibarra at tinakpan ng maraming damo. Nang mapadaan sila sa tapat na polvorista,
sila’y pinatigil at tinanong ng bantay si Elias kung saan ito nanggaling. Ipinaliwanag ni Elias na siya’y galing ng Maynila at rarasyunan niya ng
damo ang hukom at ang kura. Kumbinsido ang bantay sa paliwanag ni Elias kaya ipinatuloy niya ito sa pagsasagwan at pinagbilinan na huwag
magpapasakay sa bangka sapagkat katatakas pa lamang ng isang bilanggo. Kung mahuhuli raw ito ni Elias, siya ay bibigyan ng gantimpala.
Inilarawan ng bantay ang bilanggong tinutukoy ay nakalebita at mahusay magsalita ng Kastila. Nagpatuloy sa pagsasagwan si Elias. Lumihis
sila ng landas. Pumasok sila sa may ilog-Beatang inawit ni Balagtas upang akalaing siya ay taga-Peñafrancia.

Itinapon ni Elias ang mga damo sa pampang, kinuha ang isang mahabang kawayan at ilang bayong at sumige sa pagsagwan. Nagkuwentuhan
muli sina Elias at Ibarra. Nakalabas na sila sa ilog-Pasig

At nakarating sa may Sta. Ana. Napadaan sila sa tapat ng bahay-bakasyunan ng mga heswitas kaya hindi maiwasang manariwa sa isip ni Elias
ang masasayang araw na tinamasa niya, may magulang, kapatid at maganddang kinabukasan. Namuhay nang masagana at mapayapa. Sumapit
sila sa malapad na bato at nang makitang inaantok na bantay na wala siyang kasama at mahihingi, pinaraan niya si Elias.

Umaga na ang sapitin nila ang lawa. Pero sa di-kalayuan nabanaagan nila ang isang palwa ng mga sibil na papalapit sa kanila. Pinahiga ni Elias
si Ibarra at tinakpan niya ito ng bayong. Nahalata ni Elias na hinahadlangan sila sa baybayin. Kaya sumagwan itong patungo sa may
Binangonan, ngunit nagbago rin ng direksiyon ang palwa. Tinawag sila. Inisip ni Elias na magbalik sa bunganga ng Ilog-Pasig. Nakuro ni Elias
na napagtatalikupan sila at walang kalaban-laban. Isa pa wala silang dala ni isa mang sandata. Mabilis na naghubad ng damit si Elias. Sinabi niya
kay Ibarra na magkita na lamang sila sa noche buena sa libingan ng nuno ni Ibarra. Tumayo si Elias at tumalon sabay sikad sa bangka.

Ang atensiyon ng mga sibil sa palwa at nakasakay sa bangka ay natuon kay Elias. Pinaulanan nila ng punglo ang lugar na pinagtalunan nito.
Kapag lumilitaw si Elias pinapuputukan ito. Nang may 50 dipa na lamang ang layo ni Elias sa may pampang, nahapo na ang humahabol sa
kaniya sa kasasagwan . Makalipas ang tatlong oras ay umalis na ang mga sibil sapagkat napansin nilang may bahid ng dugo sa tubig ng baybayin
ng pampang.

Kabanata 62: Nagpaliwanag si Padre Damaso

Umaga, hindi pansin ni Maria ang maraming regalo na nakabunton sa itaas ng hapag. Ang mga mata niya ay
nakapako sa diyaryong nagbabalita tungkol sa pagkamatay o pagkalunod ni Ibarra. Pero, hindi naman binabasa
ni Maria ang Diyaryo. Pamaya-maya dumating si Padre Damaso na hinilingan kaagad ni Maria na sirain ang kasunduan ng kaniyang kasal kay
Linares at pangalagaan ang kapakanan ng ama. Sinabi ni Maria na ngayong patay na si Ibarra walang sinumang lalaking kaniyang pakakasalan.
Dalawang bagay na lamang ang mahalaga sa kaniya, ang kamatayan o ang kumbento.

Napagmuni ni Padre Damaso na pinaninindigan ni Maria ang kaniyang sinabi, kaya humingi ito ng tawad sa kaniya. Napahagulgol pa ito ng
malakas ha bang binibigyan diin niya ang walang kapantay na pagtingin kay Maria. Wala siyang nagawa kundi pahintulutan na pumasok sa
kumbento si Maria kaysa piliin nito ang kamatayan. Umalis si Padre Damaso na sakbibi ng lumbay. Tumingala ito sa lagit at pabulong na
sinabing totoo ngang may Diyos na nagpaparusa. Hiniling niya sa Diyos na siya ang parusahan at huwag ang walang malay niyang anak na
nangangailangan ng kaniyang pagkalinga. Damdam na damdam ng pari ang kasiphayuang dinaranas ni Maria

Kabanata 63: Nochebuena

May isang kubo na yari sa balu-baluktot na sanga ng kahoy ang nakatayo sa libis ng isang bundok. Sa
dampa ay mayroong nakatirang mag-anak na tagalog na nabubuhay dahil sa pangangaso at pangangahoy.
Sa lilim ng isang puno mayroong isang matanda na gumagawa ng walis. Sa isang tabi naman mayroong
isang dalaga na naglalagay ng mga itlog ng manok, gulay at dayap sa isang bilao. Sa di-kalayuan, may
isang batang lalaki at batang babae ang naglalaro sa tabi ng isang payat at putlain. Ang batang nakaupo sa
nakabuwal na kahoy ay si Basilio, may sugat ito sa paa. Inaaliw siya ng dalawang batang naglalaro. Nang
utusan ng matanda ang apong dalaga na ipagbili ang mga nagawang walis, sinabi niya kay Basilio na may
dalawang buwan na ang nakakaraan nang ito ay kanilang matagpuang sugatan at kalingain pagkatapos. Isinalaysay naman ang tungkol sa buhay
nilang mag-anak. Kaya, nang ito ay magpaalam na uuwi na sa kanila, siya ay pinayagan ng matanda at ipinagbaon pa niya ng pindang na usa
para sa kaniyang inang si Sisa.
Samantala, noche buena na, ngunit ang mga taga-San Diego ay nangangatog sa ginaw bunga ng hanging amihan na nagmumula sa hilaga. Hindi
katulad ng nakaraan na masayang-masaya ang mgat tao. Ngunit ngayon lungkot na lungkot ang buong bayan. Wla man lamang nakasabit na mga
parol sa bintana ng bahay. Kahit na sa tahanan ni Kapitan Basilio ay wala ring kasigla-sigla. Kausap ng
kapitan si Don Filipo na napawalang sala sa mga bintang na laban dito nang mamataan nila si Sisa na isa
ng palaboy. Pero, hindi naman nananakit ng kapwa.Ang pinsan nitong si Victoria at si Iday. Si sinang ay
tumanggap ng liham buhat kay Maria subalit hindi niya ito binubuksan sa takot na malaman ang
nilalaman. Habag na habag ang magkakaibigan sa magkasintahang Maria at Ibarra. May kumalat namang
balita na ang pagkakaligtas ni Kapitan Tiyago mula sa bibitayin ay utang niya kay Linares.

Nakarating na si Basilio sa kanilang tahanan. Pero, wala ang kaniyang ina. Paika-ika niyang tinalunton
ang landas patungo sa tapat ng bahay ng alperes. Nanduon ang ina, umaawit ng walang katuturan.
Inutusan ng babaing nasa durungawan ang sibil na papanhikin si Sisa. Subalit nang makita ni Sisa ang
tanod, kumaripas ito ng takbo. Takot. Hinabol ni Basilio ang ina, pero binato siya ng alilang babaing nasa
daan. Nasapol sa ulo si Basilio pero hindi ito tumigil sa pagsunod sa inang tumatakbo. Nakarating sila sa
may guabat. Pumasok sa pinto ng libingan ng matandang kastila si Sisa. Ito ay nasa tabi ng punong baliti.
Pilipt na binubuksan ito ni Basilio. Nakita niya ang isang sanga ng baliting nakakapit sa kinaroroonan ng ina. Kaagad niya itong niyakap at
pinaghahagkan hanggang sa mawalan ng ulirat.

Nang makita naman ni Sisa ang duguang ulo si Basilio, unti-unting nagbalik ang katinuan ng kaniyang isip. Nakilala rin niya ang anak. Napatili
ito ng malakas at biglang napahandusay sa ibabaw ng ank. Nawalan ng malay. Nang magbalik naman ng ulirat si Basilio at nakita ang ina,
kumuha ito ng tubig at winisikan sa mukha. Dinaiti niya ang kaniyang taynga sa dibdib ni Sisa. Sinakmal ng matinding pagkasindak si Basilio.
Patay na ang kaniyang ina. Buong higpit na niyakap niya ang malamig na bangkay ng ina at napahagulgol ng malaks, pasubsob sa ina. Nang
mag-angat siya ng ulo, nakita niya ang isang taong nagmamasid sa kaniya. Tumango si Basilio nang tanungin siya ng tao kung anak siya ng
namatay.

Hinang-hina ang lalaking sugatan, hindi niya matutulungan si Basilio na mailibing si Sisa. Sa halip
pinagbilinan niya si Basilio na mag-ipon ng maraming tuyong kahoy at ibunton sa bangkay ng
kaniyang ina at pagkaraan sila ay silaban hanggang sa maging abo ang kanilang katawan. Itinagubilin
rin ng lalaki kay Basilio ang malaking kayamanan na nakabaon sa may punò ng balite. Kay Basilio na
raw ito kung walang ibang dumating na tao upang gamitin niya sa pag-aaral. Ang lalaking sugatan na
kausap ni Basilio na dalawang araw ng hindi kumakain at sa wari ay malapit ng mamamatay ay si
Elias. At lumakad na si Basilio upang manguha ng panggatong. Si Elias ay tumanaw naman sa dakong
silangan at nagwikang higit pa sa isang dalangin. Siya ay babawian ng buhay nang 'di nakikita ang
pagbubukang-liwayway ng bayang kaniyang minamahal. Sa mga mapalad, huwag lámang daw limutin
nang ganap ang mga nasawi sa dilim ng gabí. Sa pagkakatingala niya sa langit, kumibot hanggang sa
unti-unting nabuwal sa lupa.

Nang magmamadaling-araw, namalas ng buong bayan ng San Diego ang isang malaking siga na
nagmumula sa may lugar na kinamatayan ni Sisa at Elias. Sinisi pa ni Manang rufa ang gumawa ng
siga na hindi raw marunong mangilin sa araw ng pagsilang ni Hesus
Kabanata 64: Katapusan

Magmula nang pumasok sa kumbento si Maria, nanirahan na si Padre Damaso sa Maynila. 'Di
nagtagal, siya ay inilipat ng padre provincial sa isang malayong probinsiya. Kinabukasan, siya ay
nakitang bangkay sa kaniyang higaan. Sa pagsusuri ng doktor, samâ ng loob o bangungot ang sanhi
ng kaniyang ikinamatay.

Sa kabiláng dako, si Padre Salvi habang hinihintay niya ang pagiging obispo ay nanungkulan
pansamantala sa kumbento ng Sta. Clarang pinasukan ni Maria Clara. Kasunod nito ay umalis na rin
sa San Diego at nanirahan na sa Maynila.

Ilang linggo naman bago naging ganap na mongha si Maria, si Kapitán Tiago ay dumanas ng sapin-
saping paghihirap ng damdamin, nangayayat nang husto, naging mapag-isip at nawalan ng tiwala sa
mga kainuman. Pagkagaling niya sa kumbento, sinabihan niya si Tiya Isabel na umuwi na ito sa
Malabon o sa San Diego sapagkat gusto na lámang mabuhay mag-isa. Ang lahat ng mga santo at
santang kaniyang pinipintakasi at nalimot na niya. Ang kaniyang inaatupag ay ang paglalaro ng
liyempo, sabong at paghitit ng marijuana. Madalas tuwing takipsilim ay makikita siya sa tindahan
ng intsik sa Sto. Cristo. Di nagtagal, napabayaan niya ang kaniyang katawan at kabuhayan. Ang
kaniyang dáting marangyang tahanan ay mayroong nakasulat sa pintuan na: Fumadero Publico de Anfion. Ganap na siyang nalimot ng mga tao.
Wala ni isa mang nakakaalala sa kaniya, siya na isang tanyag at dáting iginagalang.
Nagdagdag ng mga kulot sa ulo si Donya Victorina upang mapagbuti ang pagbabalatkayo niyang siya’y taga-Andalucia. Siya ngayon ang
nangungutsero. Si Don Tiburcio ay hindi na niya pinakikilos. Nagsasalamin na ito. Hindi na rin siya natatawag bílang “doktor” para manggamot.
Wala na rin siyang ngipin

Ang El Filibusterismo o Ang Paghahari ng Kasakiman sa wikang Filipino ay karugtong o sikwel ng Noli Me Tangere. Ang nobelang ito ay
isinulat ni Dr. Jose Rizal noong Oktubre 1887 habang siya nagpapraktis ng medisina sa Calamba, Laguna. Ito ay orihinal na nakasulat sa wikang
Kastila at inialay niya sa tatlong paring martir na kilala sa bansag na Gomburza (Padre Gomez, Burgos, at Zamora).

Natapos ni Rizal ang El Filibusterismo noong Marso 29, 1891 na inilathala rin ng taon ding iyon. Isang kaibigan na nagngangalang
Valentin Ventura ang nagpahiram diumano ng pera kay Rizal upang maipalimbag at mailathala ng maayos ang aklat noong
Setyembre 22, 1891. Sinasabing ang El Filibusterismo ay isang nobelang pampulitika na naglalayong magmulat sa kaisipan at mang-
gising sa damdamin ng mga mambabasa upang ang hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ng bayan ay makamit.
Ilan sa mga panganuhaing tauhan dito ay sina Simoun (Juan Crisostomo Ibarra), Basilio, Padre Salvi, at marami pang iba.
Kabanata 1 – Sa Ibabaw ng Kubyerta

Naglalayag sa ilog Pasig ang Bapor Tabo isang umaga ng Disyembre. Patungo ito sa Laguna at
lulan sa ibabaw ng kubyerta sina Don Custodio, Ben Zayb, Donya Victorina, Kapitan Heneral,
Padre Irene, Padre Salvi, at Simoun.
Mataas ang tingin ng mga tao kay Simoun dahil na rin alam nila, lalo na ng mga tao sa Maynila, na
naiimpluwensiyahan nito ang Kapitan Heneral. Dahil sa kabagalan ng bapor habang sila’y naglalakbay
ay napag-usapan sa ibabaw ng kubyerta ang pagpapalalim ng ilog Pasig. Sa kanilang usapan ay
iminungkahi ni Simoun na gumawa ng tuwid na kanal na mag-uugnay sa lawa ng Laguna at sa look ng
Maynila. Nagkasagutan sila ni Don Custodio na isang opisyal na konsehal at nagbigay ng solusyon na
kumbinsihin na lang diumano ang mga tao na mag-alaga ng itik. Kinakain daw kasi ng mga itik ang mga
suso sa ilog. Sa ganitong paraan, huhukayin daw ng mga tao ang ilog upang may makuhang suso na
kanilang ipapakain sa mga alagang itik.
Ngunit hindi nagustuhan ni Donya Victorina ang naturang suhestyon dahil nadidiri siya sa balot.

Kabanata 2 – Sa Ilalim ng Kubyerta

Pumunta si Simoun sa ilalim ng kubyerta. Palibhasa’t lahat ng gamit at mga kargamento ay doon din matatagpuan kaya naman masikip sa lugar
na iyon para sa mga pasahero. Naroon sa ilalim ng kubyerta ang dalawang estudyate na sina Basilio na nag- aaral ng medisina at mahusay nang
manggamot, at si Isagani na isang makata at katatapos pa lamang sa Ateneo. Kausap ng dalawa si Kapitan Basilio kung saan nadaanan ng
kanilang pag- uusap si Kapitan Tiyago. Pinauwi raw siya, ani Padre Irene na naging tagapayo ng kapitan nitong nga huling araw. Napunta
naman ang usapan sa paaralang balak ng mga estudyante tungkol sa pagtuturo ng mga Kastila. Ayon kay Kapitan Basilio ay hindi raw ito
magtatagumpay. Tutol naman dito ang dalawang binata. Maya-maya pa’y lumayo na si Kapitan Basilio. Noo’y napag-usapan nila si Paulita
Gomez, ang kasintahan ni Isagani na maganda, mayaman at may pinag-aralan na pamangkin ni Donya Victorina. Ipinahahanap ng Donya kay
Isagani ang kanyang asawa na si Don Tiburcio de Espadaña. Ito ay nasa bahay pa ni Padre Florentino na amain ng binata, nagtatago. Ilang
sandali pa’y dumating si Simoun at kinausap ng magkabigan. Agad na ipinakilala ni Basilio kay Simoun si Isagani. Ani Simoun, hindi niya
nadadalaw ang lalawigan nina Basilio dahil ang kanilang lalawigan ay mahirap at di makabibili ng alahas. Tinutulan naman ito ni Isagani at
sinabing hindi sila namimili ng alahas dahil hindi naman nila kailangan. Napangiti si Simoun sa sinabi ng binata. Paliwanag niya, dukha daw ang
lalawigang nabanggit niya dahil ang mga pari sa simbahan ay Pilipino. Inanyayahan ni Simoun ang magkaibigan sa pag-inom ng serbesa ngunit
ito’y tinanggihan ng dalawa. Ayon kay Simoun, sinabi umano ni Padre Camorra na kaya tamad ang mga Pilipino ay dahil pala-inom ng tubig at
hindi ng serbesa. Tinugon siya ni Basilio at sinabing, “sabihin ninyo kay Padre Camorra na kung siya ay iinom ng tubig sa halip ng serbesa,
marahil ay mawawala ang sanhi ng mga usap-usapan.” Dagdag pa ni Isagani, “lumuluhod sa alak at sa serbesa na pumapatay ng apoy; na kapag
pinainit ay sumusulak; nagiging malawak na dagatan at gumugunaw ng santinakpan.” Tinananong naman ni Simoun kung ano ang itutugon niya
sakaling itanong ni Padre Camorra kung kailan magiging sulak at malawak na karagatan ang tubig. Sinagot siya ni Isagani ng “kapag pinainit ng
apoy; sa sandaling ang mumunting ilog na watak-watak ay magkakasamasama sa kailalimang hinuhukay ng tao.” Binigkas din ni Basilio ang
isang tula ni Isagani tungkol sa pagtutulong ng apoy at tubig sa pagpapatakbo sa makina (steam engine). Ngunit ayon kay Simoun ay pangarap
daw iyon dahil ang makina ay hahanapin pa. Nang umalis na si Simoun ay saka lamang nakilala nang lubusan ni Isagani ang mag-aalahas na
tinatawag ding Kardinal Moreno. Pamaya-maya pa’y may dumating na utusan upang ipatawag ang pamangkin ni Padre Florentino. Ngunit
nakita ng kapitan ang pari kaya ito ay inanyayahang pumanhik sa ibabaw ng kubyerta

Kabanata 3 – Ang mga Alamat

Naabutan ni Padre Florentino na nagtatawanan ang mga tao sa itaas ng kubyerta. Pinag-uusapan ng mga
pari ang pagkamulat ng mga Pilipino at pag- uusig sa mga bayarin sa simbahan.

Pagkaraan ay dumating si Simoun. Aniya, sayang raw at hindi niya nakita ang mga dinaanan ng bapor.
Wala daw kwenta sa kanya ang alinmang pook na kanyang makikita kung wala rin namang alamat ang
mga ito.

Kaya naman sinimulang isalaysay ng Kapitan ang alamat ng Malapad-na-


Bato.Anang Kapitan, ito daw ay banal sa mga katutubo noong una bilang tahanan
ng mga espiritu. Nang tirahan daw ito ng mga tulisan ay nawala ang takot sa espiritu, sa halip ay nasalin sa mga tulisan ang
takot. Nabanggit ng Kapitan ang alamat tungkol kay Donya Geronima at inanyayahan na si Padre Florentino ang
magsalaysay ng alamat. May magkasintahan umano sa Espanya at ang lalaki ay naging arsobispo sa Maynila.
Nagbalatkayo daw ang babae, sinundan ang kasintahan sa Maynila at hinihiling na sundin nito ang pangako na magpakasal
sila. Ngunit may ibang naisip ang arsobispo. Sa halip na pakasal ay itinira niya ang babae sa isang yungib na malapit sa
Ilog Pasig. Nagandahan si Ben Zayb sa alamat. Nainggit naman si Donya Victorina at ibig ding manirahan sa kweba.
Tinanong ni Simoun si Padre Salvi ng, “Sa inyong palagay, hindi ba higit na mainam ay ilagay sa isang beateryo tulad ni Sta. Clara?” Sinagot ng
pari ang tanong ni Simoun at sinabing hindi daw siya makakahatol sa mga ginawa ng isang arsobispo.

Upang mabago naman ang kanilang usapin ay isinalaysay ang alamat ni San Nicolas na nagligtas sa isang Intsik sa pagkamatay sa mga buwaya.
Naging bato diumano ang mga buwaya ng dasalan ng Intsik ang santo. Nang datnan ng bapor ang lawa ay nagtanong si Ben Zayb sa Kapitan
kung saan banda doon napatay ang isang Guevarra, Navarra o Ibarra. Itinuro naman ng Kapitan kung saan. Sa tubig ay naghanap pa ng bakas si
Donya Victorina ng pagkamatay kahit labingtatlong taon na ang nakalilipas mula ng mangyari iyon. Ayon kay Padre Salvi, nakasama daw ng
ama ang bangkay ng kanyang anak. Dagdag naman ni Ben Zayb, ‘yon daw ang pinakamurang libing. Kaya naman nagtawanan ang iba.

Kabanata 4 – Kabesang Tales

Si Tandang Selo na umampon noon sa gubat kay Basilio ay matanda na. Ang anak nitong si Kabesang
Tales ay isa nang Kabesa de Baranggay. May tatlo itong anak, sina Lucia, Tano, at Juli. Namatay si Lucia
at ang kanyang asawa dahil sa malaria. Sina Tano at Juli na lamang ang buhay.
Yumaman na sila dahil sa tiyaga. Nakisama si Kabesang Tales sa namumuhunan sa bukid at nang
makaipon ng kaunti ay nagbungkal ng lupa sa gubat. Nang maipagtanong na walang may-ari sa naturang
lupa ay ginawa niya itong tubuhan.

Inisip din niyang pag-aralin na sa kolehiyo si Juli


upang mapantay kay Basilio na kasintahan nito. Nang
umunlad ang bukid ay inangkin ito ng mga prayle at pinagbayad ng buwis si Kabesang
Tales. Tinaasan ng tinaasan ng mga pari ang buwis at nang ‘di na kinaya ng Kabesa ay
nakipag-asunto ito sa mga prayle. Dinala ni Kabesang Tales sa korte upang maayos ang
problema. Ngunit natalo ang Kabesa dahil nasa ilalim ng impluwensya ng mga prayle ang
gobyerno. Nang tuluyan nang hindi makabayad ng buwis si Kabesang Tales ay ipinaglaban
pa rin niya ang lupa sa pamamagitan ngpagbabantay dito. Sa kanyang pagbabantay ay
nagdala siya ng baril na kinumpiska ng prayle. Sumunod ay itak naman ang kanyang dinala
ngunit ipinagbawal itong muli ng mga pari. Sa huli ay palakol na lamang ang dinala ng
Kabesa sa pagbabantay. Kalaunan ay dinakip ng mga tulisan si Kabesang Tales dahil may perang nakita sa kanya at nakakapagbayad ng abogado
para sa kaso niya. Ipinatubos naman siya sa halagang 500. Upang may maipantubos sa ama ay ibinenta ni Juli ang kanyang mga alahas liban sa
bigay ng kanyang nobyo na isang laket na pagmamay-ari ni Maria Clara. Nang ‘di sumapat ang perang pantubos ay namasukan siyang katulong
sa tahanan ni Hermana Penchang. Bisperas noon ng Pasko kaya kinabukasan ay maninilbihan na siya bilang isang alila. Dahil sa pangyayaring
ito ay hindi na nakapag-aral si Juli.
Masalimuot naman ang naging panaginip ng dalaga ng gabing iyon.

Kabanata 5 – Ang Noche Buena ng Isang Kutsero

Gabi na noon at kasabay ng pag-uwi ni Basilio sa bayan ng San Diego ay ang nagaganap na
prusisyong pang-noche Buena. Nalimutan ng kutserong si Sinong ang kanyang sedula kaya’t
ito’y kinakailangang bugbugin muna ng mga guwardiya sibil. Pagkatapos ay napag-usapan
nila ang imahen ni Metusalem, ang pinaka- matandang taong nabuhay sa mundo. Kasunod
nito’y idinaan ang mga imahen ng tatlong Haring Mago. Dahil dito’y naalala ni Sinong si
Haring Melchor na kayumanggi ang balat.

Itinanong ng kutsero kay Basilio kung nakawala na ang kanang paa ni Bernardo Carpio na
naipit sa kabundukan ng San Mateo. Pinaniniwalaan kasi na hari ng mga Pilipino si Bernardo
Carpio na makakapagpalaya diumano sa bayan. Pagkaraan ay nadaan rin nila ang ilang mga imahen, ang huli sa mga ito ay ang imahen ng
birheng Maria na tila malungkot. Nahuli muli si Sinong dahil hindi niya namalayang namatay na ang ilaw ng kanyang kalesa. Sa pagkakataong
ito ay dinala na sa presinto ang kutsero kaya bumaba na lamang si Basilio at naglakad.

Sa paglalakad ni Basilio ay napansin niya na wala masyadong parol ang mga bahay at tahimik ang karamihan maliban sa bahay ni Kapitan
Basilio na puno ng kaligayahan. Nakita niya dito ang alperes, ang kura, at si Simoun. Nakarating din si Basilio sa bahay ni Kapitan Tiyago kung
saan siya’y binati ng mga katiwala. Ikinuwento ng mga ito kay Basilio ang tungkol sa mga pangyayari sa bukid kung saan maraming namatay na
hayop at katiwala at sa balitang nadakip si Kabesang Tales, ang ama ng kanyang nobyang si Juli.

Kabanata 6 – Si Basilio
Nang sumapit ang madaling-araw ay umalis ng tahimik si Basilio sa bahay ni Kapitan Tiyago
saka nagtungo sa gubat ng mga Ibarra. Anibersaryo kasi ng pagpanaw ng kanyang ina sa
mismong gubat na iyon. Ipinagdasal niya ang kaluluwa ng kanyang ina at inalala ang mga
pangyayari labing-tatlong taon na ang nakararaan. Naalala niya na may isang lalaki na sugatan.
Inutusan siyang maghakot ng kahoy na ipansusunog sa kanyang ina at sa lalaki. May isa ring
lalaki na tumulong sa kanya sa paglilibing sa lalaking sugatan pati na rin sa kanyang ina.
Pagkaraan ng mga pangyayaring iyon ay umalis na si Basilio sa gubat at lumuwas sa Maynila.

Sa sobrang hiraap at gutom ay ninais na niyang magpasagasa sa mga karwaheng dumadaan. Sakto namang
dumaan ang karwahe ni Kapitan Tiyago na lulan din si Tiya Isabel. Kapapasok pa lamang ni Maria Clara noon
sa kumbento at pauwi na sana nang madaanan nila si Basilio. Isinama si Basilio ni Kapitan Tiyago at naging
katulong siya sa bahay nito. Wala siyang sweldo ngunit ang kapalit ng kanyang paninilbihan ay pinag-aral
naman ng Kapitan si Basilio sa Letran. Sa unang taon ng kanyang pag-aaral ay wala siyang nabibigkas kundi
ang pangalan niya at ang salitang “adsum” o narito po. Minamaliit din siya doon dahil sa kanyang luma at
gulanit na kasuotan. Gayunpaman ay lagi siyang nagsasaulo ng leksiyon.

Nagkaroon ng isang gurong Dominiko si Basilio. Minsan ay tinawag niya ang binata upang lituhin ito sa pagtatanong ng leksyon. Subalit sinagot
siya ni Basilio nang tuloy-tuloy at walang kagatul-gatol. Dahil dito’y tinawag siyang loro ng propesor sa gitna ng katuwaan ng klase.
Nang minsang bigyan muli ng guro si Basilio ng katanungan ay nasagot niya muli ang mga ito.
Sa pagkakataong ito ay wala ang inaasahang katatawanan. Dahil dito’y napahiya ang Dominiko
at sumama ang loob kay Basilio. Nagkaroon pa sila ng alitan at hamunan sa labanang gagamitan
ng sable at baston. Natutuwa namang iniharap siya ng mga mag-aaral sa kanilang propesor. Mula
noon ay nakilala na at nakatuwaan si Basilio. Siya ay nagkaroon ng markang sobresaliente.

Dahil masikap sa pag-aaral si Basilio ay hinikayat siya ni Kapitan Tiyago na lumpat sa Ateneo
Municipal. Namumuhi kasi si Kapitan Tiyago sa mga prayle mula nang magmongha si Maria
Clara. Doon ay pinili ni Basilio ang pag-aaral ng medisina dahil ito rin naman ang kanyang hilig.
Sa kanyang ikatlong taon ay marunong nang manggamot ang binata kaya ng makaipon ay nakapagbihis na siya nang maganda at nakapag-ipon
din nang kaunti. Nasa huling taon na ng pag-aaral ng medisina si Basilio at kapag nakatapos ng pag-aaral ay pakakasal na sila ni Juli.

Kabanata 7 – Si Simoun

Uuwi na sana si Basilio nang may nakita siyang liwanag na paparating at makarinig ng yabag. Nagtago siya sa puno ng
baliti at sa kabilang dako ng punong kanyang pinagtaguan ay tumigil ang taong dumating. Nagsimula itong maghukay
gamit ang asarol.
Nakilala siya ni Basilio. Ang taong dumating ay ang mag-aalahas na si Simoun. Siya rin ang taong tumulong sa
paglilibing sa kanyang ina at sa lalaking sugatan labing-tatlong taon na ang lumipas.

Lumabas sa pinagtataguan si Basilio at lumapit kay Simoun upang tumulong sa paghuhukay. Ngunit tinutukan siya ng
baril ni Simoun at itinanong kung siya daw ba ay nakikilala nito.Tumugon si Basilio at sinabi na nakikilala siya nito.
Siya diumano ang taong tumulong sa kanya labing-tatlong taon na ang nakalilipas. Inakaala ng lahat na siyang patay na
ngunit kinilala siya ni Basilio na ang lalaking kausap ay walang iba kundi si Ibarra.

Ani Simoun, malaking sikreto ang nalalaman ni Basilio kaya di niya pagsisihan na
patayin ito dahil ayaw niyang maburilyaso ang kanyang planong paghihiganti.

Ngunit dahil sa halos pareho sila ng sinapit ni Basilio at uhaw din sa katarungan ay
dapat daw silang magtulungang dalawa. Inamin ni Simoun na siya nga si Ibarra at
ikinuwento na nilibot niya ang buong daigdig upang magpayaman upang sa kanyang
pagbabalik ay mapabagsak ang pamahalaang sumira sa kanyang buhay. Siya raw ay
bumalik upang gisingin ang damdamin ng bayan sa paghihimagsik laban sa
pagmamalabis ng taong pamahalaan at simbahan.
Di rin sang-ayon si Ibarra sa plano nina Basilio na pagtatayo ng paraalan ng Wikang
Kastila at sa paghingi nilang gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas at bigyan ng pantay na karapatan ang mga Kastila at Pilipino. Ayon
kay Simoun, magbibigay lamang daw ito ng daan sa Pilipinas sa pagiging bayang walang sariling pagkukuro, walang kalayaan at pati kapintasan
ay hiram dahil sa pagpipilit manghiram ng wika.
Katwiran naman ni Basilio, ang kastila umano ay isang wikang magbubuklod- buklod sa mga pulo ng Pilipinas. Bagay na pinabulaanan ni
Simoun. Kailan man ay di raw magiging wikang pangkalahatan sa bayang ito ang wikang Kastila. Iilan lamang daw ang nakapagsasalita ng
Kastila at ang iilang ito ay mawawalan ng sariling kakayahan, magpapailalim sa ibang utak, at paaalipin. Tinuligsa ni Simoun ang mga pangkat
na naghahangad luminang sa wikang Kastila at di sa kaalamang magsalita o
sumulat sa sarili nilang wika pati ang mga nagpapanggap na di sila maalam
magsalita at umunawa ng sariling wika. Dagdag pa ni Simoun, mabuti raw kung
ayaw silang turuan ng mga Kastila ng kanilang wika. Mas maigi umano na
paunlarin ang isang katutubong wikain nang mawala ang pagtatangi-tangi at
magkaroon ng mga layuning pambansa.

Dapat din ay huwag hayaang magpalagay ang Kastila na sila ang panginoon dito
at sila’y bahagi ng bayang ito kundi sila’y mga manlulupig at dayuhan. Sa gayon
daw ay mas matatamo nina Basilio ang tunay na paglaya. Inamin ni Simoun na
ito ang dahilan kung bakit hinayaan niyang mabuhay si Basilio, Isagani at
Makaraig na binalak niyang patayin dahil baka maging hadlang ang mga ito sa
pinaplano niyang paghihiganti. Paliwanag naman ni Basilio, ‘di daw siya isang pulitiko. Napalagda lamang siya sa kahilingang tungkol sa
paaralan dahil inaakala niyang iyon ang mabuti.
Ngunit sa panggagamot daw talaga ang hilig niya. Sa kasalukuyang kalagayan daw ng lipunan ay hindi makapanggagamot nang mahusay si
Basilio ayon kay Simoun dahil mas dapat umanong unahing gamutin ang sakit ng bayan. Ngunit para kay Basilio, kaya nga daw niya pinili ang
siyensiya ay upang makapaglingkod sa bayan. Kalaunan ay nauwi sa kadakilaan ng karunungan ang pag-uusap nina Basilio at Simoun. Napansin
ni Simoun na tila hindi naantig ang kalooban ni Basilio kaya tinuya niya ito. Ani Simoun, wala namang ginagawa si Basilio kundi tangisan ang
bangkay ng kanyang ina na parang isang babae. Tutulungan daw niya si Basilio sa paghihiganti.

Ngunit ano naman daw ang mapapala niya sa paghihiganti kung hindi naman daw mabubuhay ang kanyang ina at kapatid kahit gawin niya ito,
sagot ni Basilio. Ngunit tinugon siya ni Simoun na ang pagpapaumanhin ay ‘di laging kabaitan, ito’y kasalanan kung nagbibigaay-daan sa pang-
aapi. Walang mang-aalipin kung walang paaalipin. Saka ipinaalala ni Simoun na sa pag-aaral ni Basilio ay maaaring danasin nito ang dinanas ni
Ibarra. Nagtaka si Basilio. Siya na raw ang inapi ay siya pa ang kamumuhian. Ani Simoun, likas sa tao ang mamuhi sa kanyang inaapi. Ngunit
‘di naman daw sila pinakikialaman ni Basilio kaya pabayaan daw nila siyang makagawa at mabuhay. Tinugon naman ni Simoun si Basilio at
sinabing magkakaanak din ito ng mababait na alipin at ang mga damdaming mabuti o masama ay mamamana ng kanyang magiging anak.
Dagdag pa ni Simoun, walang hangad si Basilio kundi isang munting tahanan, kaunting kaginhawahan, isang asawa; isang dakot na bigas;
mithiin rin ng marami sa Pilipinas, at kung iyan ay ibigay sa kanila, ituturing nilang sila’y mapalad na. Matapos sabihing ‘di niya
pinagbabawalan si Basilio sa pagbubunyag ng kanyang lihim ay sinabing kung may kailangan si Basilio ay magsadya lamang ito sa kanyang
tanggapan sa Escolta.

Nagpasalamat naman si Basilio at iniiwan si Simoun na nag-iisip. Di raw kaya niya napaniwala si Basilio sa paghihiganti o may balak din itong
maghiganti ngunit naglilihim lamang at nais sarilinin o sadyang wala nang hangad na maghiganti? Ngunit lalong nagtumining sa loob ni Simoun
ang matinding nasa na makapaghiganti.

Kabanata 8 – Maligayang Pasko

Kinaumagahan ay agad na tinungo ni Juli ng kinalalagyan ng Mahal na Birhen upang alamin kung may dalawandaan
at limampung piso na sa ilalim nito.

Sa kasamaang palad ay hindi naghimala ang Mahal na Birhen kaya inaliw na lamang niya ang sarili at inayos ang
damit na dadalhin pagtungo sa tahanan ni Hermana Penchang.

Dahil Pasko noon kaya ang mga bata ay binibihisan nang magara ang kanilang mga anak
upang magsimba at pagkatapos ay dadalhin sa kanilang mga ninong at ninang upang
mamasko.

Nagpunta sa bahay ni Tandang Selo ang kanilang mga kamag-anak upang mamasko ngunit nang babatiin na niya
ang mga ito ay laking gulat niya na walang salitang lumabas sa kaniyang bibig.

Pinisil niya ang kanyang lalamunan, pinihit ang leeg at sinubukang tumawa ngunit kumibut-kibot lamang ang kanyang mga labi. Ang ingkong ni
Juli ay napipi

Kabanata 9 – Ang mga Pilato

Naging usap-usapan sa bayan ang mga nangyari kay Tandang Selo. Karamihan sa mga tao ay
walang pakialam samantalang ang iba ay walang habas kung pagtsismisan ang matanda.

Anang ilan, kung di lamang daw umalis si Kabaesang Tales ay baka hindi hindi daw
nangyayari iyon kay Tandang Selo. Nag-usap-usap din ang mga ito kung sino ba ang may
kasalanan kaya nangyari ang kamalasan kay Tandang Selo. Ibinunton naman ni Hermana
Penchang ang sisi sa lolo ni Juli. Aniya, parusa raw ito dahil sa kakulangan ng pagdadasal at
hindi pagturo ni Tandang Selo kay Juli nang maayos.

Nang mabalitaang ng Hermana na tutubusin ni Basilio ang kasintahan ay sinabi niyang ang binata ay isang demonyong nag-aanyong estudyante
na ibig magpahamak sa kaluluwa ng dalaga.
Samantala, nakauwi na si Kabesang Tales dahil sa tulong ng salaping napagbilhan ng mga alahas ni Juli at nautang ng dalaga kay Hermana
Penchang. Nalaman din niyang nagpaupang utusan si Juli, ang kanyang lupa ay pagmamay-ari na ng iba, at napipi ang amang si Tandang Selo.

Pinapaalis na din siya sa kanyang bahay sa utos na rin ng hukuman at binigyan lamang ng tatlong araw para maialis ang lahat ng kanilang gamit.
Ito nama’y ikinatuwa ng mga pari at ng bagong may-ari ng kanyang lupa.

Dahil sa mga kaganapang ito ay naupo lamang sa isang tabi ang Kabesa at nanatiling walang kibo.

Kabanata 10 – Kayamanan at Karalitaan


Nakipanuluyan si Simoun sa bahay ni Kabesang Tales na nasa pagitan ng bayan ng San Diego at ng
Tiyani. Naghihirap na noon si Kabesang Tales samantalang dala nang lahat ni Simoun ang pagkain at
ibang kailangan at dalawang kaban ng mga alahas. Ipinagmalaki rin niya sa Kabesa ang dala niyang
rebolber. Maya-maya pa’y nagdatingan na ang mga mamimili ng alahas.

Doon ay dumating sina Kapitan Basilio, ang anak nitong si Sinang at asawa nito, at si Hermana Penchang
na mamimili ng isang singsing na brilyante para sa birhen ng Antipolo. Binuksan ni Simoun ang dalawang
maleta ng alahas na may iba’t ibang uri, ayos, at kasaysayan.

Inilabas ni Simoun ang mga bago niyang hiyas at doon namili si Sinang. Sinabi rin ni Simoun na namimili
rin siya ng alahas. Tinanong niya si Kabesang Tales kung may ipagbibigli itong alahas. Iminungkahi ni
Sinang ang kwintas na agad tinawaran ni Simoun ng limandaang piso nang makilala niyang kay Maria
Clara nga iyon na kanyang kasintahan na nagmongha.

Ngunit ayon kay Hermana Penchang ay hindi daw dapat iyon ipagbili ni Kabesang Tales dahil minabitu pa ni Huli ang paalila kaysa ipagbili
iyon. Isangguni raw muna ni Kabesang Tales sa anak ang bagay na iyon na sinang- ayunan naman ni Simoun. Nang lumabas ng bahay si
Kabesang Tales ay natanawan niya ang prayle at ang bagong may-ari ng kanyang lupa. Kinabukasan, wala na si Kabesang Tales sa kanyang
tirahan. Nawawala rin ang rebolber ni Simoun at ang naroroon lamang ay isang sulat at kuwintas ni Maria Clara. Humingi ng paumanhin si
Kabesang Tales sa pagkuha niya ng baril ng mag- aalahas dahil kinailangan niyang sumapi sa mga tulisan. Pinagbilinan din niya si Simoun na
mag-ingat sa mga tulisan dahil mapahamak ang mga ito. Si Tandang Selo ay hinuli ng mga gwardiya sibil. Natuwa naman si Simoun dahil sa
wakas ay natagpuan na niya ang taong kanyang kailangan, isang pangahas ngunit marunong tumupad sa mga pangako. Samantala, tatlo ang
pinatay ni Kabesang Tales ng gabing iyon: ang prayle, ang lalaking gumagawa sa lupa, at ang asawa nito na putol ang leeg at puno ng lupa ang
bibig. Sa tabi ng bangkay ng babae ay may papel na may nakasulat na “Tales” na isinulat ng daliring isinawsaw sa dugo

Kabanata 11 – Los Baños

Nangaso ang Kapitan Heneral sa Boso-Boso ngunit wala siyang nahuli dahil natatakot
ang mga hayop sa dala niyang musiko. Ikinatuwa naman ito ng Heneral dahil ayaw
niyang malaman ng mga kasama na wala siyang alam sa pangangaso. Kaya naman sila ay umuwi na lamang sa bahay ng Kapitan Heneral.

Sa isang bahay-aliwan sa Los Baños ay naglaro ng baraha sina Padre Irene, Padre Sybila at ang Kapitan. Naiinis naman si Padre Camora dahil
lagi siyang talo. Hindi nagtagal ay pinalitan siya ni Simoun sa paglalaro.

Pumayag si Simoun na itaya ang kanyang mga alahas sa kondisyong ipupusta ng mga prayle ang pangakong magpapakasama sa loob ng limang
araw. Sa Kapitan Heneral naman ay ang pagbibigay ng kapangyarihan kay Simoun na magpakulong at magpatapon ng kahit na sinong kanyang
nanaisin. Dahil sa mga kakaibang kundisyong ito ng pagsusugal ay napalapit sina Don Custodio, Padre Fernandez at ang Mataas na Kawani.
Ang Mataas na Kawani ay nagtanong kung ano ang mapapala ni Simoun sa kanyang mga hiling. Tinugon ito ni Simoun na para daw luminis
ang bayan at maalis na lahat ang masasamang damo. Iniisip ng mga nakarinig na kaya ganun na lamang ang kaisipan ni Simoun ay dahil sa
pagkakaharang sa kanya ng mga tulisan.

Ayon naman kay Simoun, walang kinuha sa kanya kundi ang dalawa niyang rebolber at mga bala. Kinamusta pa nga daw ng mga ito ang
Kapitan Heneral at sinabing marami raw baril ang mga tulisan. Tumugon naman ang Heneral at sinabing ipagbabawal niya ang mga sandata.
Katwiran naman ni Simoun ay marangal daw ang mga tulisan. Sila lamang raw ang tanging marangal na kumikita ng ikabubuhay nila.

Dagdag pa ni Simoun, “Halimbawa, pawawalan ba ninyo ako nang ‘di man lang kukunin ang aking mga alahas? Ang kasamaan ay wala sa mga
tulisan sa bundok, nasa mga tulisan sa bayan at siyudad.”

“Gaya ninyo”, ani Padre Sibylang nakatawa.

“Gaya natin”, ganti ni Simoun, “Tayo nga lamang ay mga di-hayagang tulisan.”

Kalahating oras na lamang at magtatanghalian na kaya tinigil na ng Kapitan Heneral ang laro. Maraming suliranin pa silang pinag-usapan.

Isa na dito ang pagbabawal ng Heneral sa armas de salon. Tutol man ang Mataas na Kawani dito ngunit wala naman siyang nagawa. Nagbigay
pa ng payo si Simoun na huwag ipagbawal ang armas de salon sa halip ay magkaroon na lamang ng iisang sukat na kasalukuyang nabibili
noon. At ito ang nasunod.

Sumunod na pinag-usapan ay ang paaralan sa Tiyani. Iminungkahi ni Don Custodio na gawing paaralan ang sabungan kahit sa loob ng isang
araw sa isang linggo na tinutulan kaagad ng Kapitan Heneral.

Ang ilang mga sa pari ay tutol sa pagpapatayo ng Akademya dahil sa ito’y makakaepekto sa karapatan, isang paghihimagsikan at dapat raw ay
hindi nag- aaral ang mga Indiyo.

Sumang-ayon dito si Simoun at sinabi na ito’y kahina-hinala. Kaya naman pinutol na ng Heneral ang usapin at sinabing pag-iisipan niya ang
mga bagay na iyon.

Pamaya-maya pa’y dumating ang kura ng Los Baños na nagsabing handa na ang pagkain.

Ang kawani naman ay bumulong sa Kapitan Heneral na si Juli ay tatlong araw na pabalik-balik at nagmamakaawa na palayain ang kanyang
nuno. Sinang-ayunan naman ito ni Padre Camorra kaya pumayag rin ang Henera
Kabanata 12 – Placido Penitente

Patungo sa Unibersidad ng Santo Tomas si Placido Penitente. Malungkot ang kanyang mukha dahil ibig na
niyang tumigil ng pag-aaral tulad ng nasabi sa dalawang sulat niya sa ina. Nasa ika-apat na taon na siya ng
pag-aaral ngunit pinakiusapan na kahit batsilyer sa artes ay matapos niya. Palaisipan sa mga kababayan ni
Placido sa Tanawan, Batangas kung bakit nais na niyang tumigil sap ag-aaral. Siya pa naman ang
pinakamatalino sa bantog na paaralan ni Padre Valerio roon. Hindi naman siya sugarol, walang kasintahang
magyayayang pakasal, at laban sa mga aral ng Tandang Basyong Makunat.

Nasa liwasan ng Magallanes na si Placido nang tapikin siya sa balikat ni Juanito Pelaez. May kayabangan si Juanito, mayaman, may pagkakuba,
at paborito ng mga guro. Anak siya ng isang mestisong Kastila. Napag-usapan ng dalawa ang tungkol sa bakasyon ni Juanito sa Tiyani.
Nangharana raw sila ni Padre Camorra ng magagandang babae at ipinagyabang na wala raw bahay na hindi nila napanhik.

Dagdag pa ni Juanito, tanga raw si Basilio sa pagkakaroon ng katipang tulad ni Juli dahil susuko rin daw si Juli kay Padre Camorra.

Nagtanong ng leksyon si Pelaez kay Penitente dahil noon lamang siya papasok. Ani Placido, tungkol daw sa salamin ang leksyon. Ngunit niyaya
ni Juanito si Placido na maglakwatsa, bagay na tinutulan naman ng huli. Natigil lamang ang kanilang pag-uusap ng manghingi ng abuloy si
Juanito para sa monumento ng isang paring Dominikano. Nagbigay naman ito ng abuloy dahil alam niyang makatutulong ito para sa pagpasa ng
estudyante.

Sa unibersidad ay naroon si Isagani na nakikipagtalo tungkol sa aralin. Ang ibang estudyante naman ay tinitingnan ang mga magagandang
dalagang nagsisimba. Pinagtinginan ng mga estudyante ang isang karwaheng parating kung saan lulan ang katipan ni Juanito na si Paulita
Gomez. Nginitian siya ng tiyahin ni Paulita na si Donya Victorina. Ang estudyanteng si Tadeo na kaya lamang pumasok sa paaralan ay upang
alamin kung may pasok at kung mayroon ay aalis na at magdadahilang maysakit ngunit nakapapasa, sa anong himala ay napasunod kay Paulita
sa simbahan.

Nagpasukan na sa paaralan ang mga mag-aaral ngunit may tumawag kay Placido. Pinalalagda siya sa kasulatang tutol sa balak na paaralan ni
Makaraig. Walang panahon si Placido na basahin ang kasulatan kaya ayaw niya sanang lumagda. Ngunit dahil mapilit ang kausap ay napalagda
si Placido. Dahilan kaya siya ay nahuli sa klase.
Bagama’t huli ay pumasok pa rin sa klase si Placido. Pinatunog pa niya ang takong ng kanyang sapatos sa pagbabakasakaling ang pagkakahuli
niya ay pagkakataon na upang siya’y mapuna at makilala ng kanyang guro.

Sila’y mahigit isang daan at limampu sa klase. Hindi naman siya nagkamali at napansin nga siya ng kanyang guro. Ngunit nabastusan ito kay
Placido at nasabing magbabayad daw ito sa kanya.

Kabanata 13 – Ang Klase sa Pisika

Isang mahaba at rektangular na bulwagan ang silid ng klase sa Pisika, maluluwang ang bintana nito at narerehasan ng bakal. Sa magkabilang tabi
ng silid ay may tatlong baitang na batong natatapakan ng kahoy. Doon nakaupo ang mga estudyanteng nakaayos ayon sa pagkakasunud-sunod
ng letra ng kanilang mga apelyido.
Walang palamuti ang dingding ng silid. May mga kasangkapan nga sa pisika ngunit ito ay nakasusi sa isang aparador na may salamin at kung
gamitin man ay ipinakikita lamang sa klase mula sa malayo tulad ng Santisimo ng Pari. Samantala, ang batang Dominikong pari na si Padre
Millon ang guro sa klase ng Pisika. Siya’y napabantog sa pilosopiya sa Kolehiyo ng San Juan de Letran. Katapat ng pintuan, sa ilalim ng
larawan ni Santo Tomas de Aquino ay doon nakaupo ang propesor.

Tinawag ng propesor ang antuking estudyante na may buhok na parang iskoba. Parang ponograpo itong tumugon ng isang isinaulong leksiyon
na ukol sa salamin, bahagi nito, kauriang bubog o kalaing. Pinatigil ng guro ang estudyante at sunod na tinawag si Pelaez. Sumenyas ito kay
Placido na tila ba sinasabing, “Makinig ka’t diktahan mo ako.” Sa katatapak sa paa ni Placido ay napasigaw ito sa sakit. Sa kanya tuloy nabaling
ang galit ng propesor. Siya ang tinatanong ng propesor matapos na siya’y murahin at sabihang “espiritu sastre”. Nasabihan din siyang
“pakialamero” at dahil dito ay pinaupo na si Juanito at siya na ang tinanong.

Nagkandautal si Placido sa pagsagot sa mga tanong ng propesor. Tinawag pa siya nitong Placidong Tagadikta. Wala siyang nabigkas sa mga
leksyon kaya naglagay ang propesor ng guhit kay Placido. Tumutol dito si Placido at nagpaliwanag.Inihagis ni Placido ang hawak niyang aklat,
tumindig, hinarap ang propesor at walang-galang na umalis sa klase. Natigilan ang klase. ‘Di nila lahat akalain na magagawa iyon ni Placido.
Nagsermon at nagmura si Padre Millon hanggang sa tumugtog ang kampanilya, hudyat na tapos na ang klase.
Kabanata 14 – Sa Bahay ng mga Mag-aaral

Ang tinitirahang bahay ni Makaraig ay malaki. Maluwag ito at puro binata ang mga nakatira na pawang
nangangasera.

Mayaman si Makaraig at kumukuha ng kursong abogasya. Siya ang pinuno ng kilusan para sa Akademya ng
wikang Kastila. Inimbitahan ni Makaraig ang mga pangunahing mag-aaral na sina Isagani, Sandoval, Pecson at
Pelaez upang pag- usapan ang kanilang pakay.

Si Isagani at Sandoval ay naniniwala na maaaprubahan ang pagbukas ng paaralang samantalang si Pecson ay


nag-aalinlangan. Nagkaroon sila ng debate sa maaring maging aksiyon sa kanilang paaralan. Si Sandoval ay
larawan ng mga kastilang may malasakit at pagpapahalaga sa mga Pilipino.

Isang magandang balita ang ibinahagi ni Makaraig. Si Padre Irene umano ang nagtatanggol sa kanila laban sa mga sumalungat sa kanilang
adhikain. Dagdag pa niya, kailangan ng kanilang grupo ang pagpanig ni Don Custodio, isa sa mga kataas-taasang lipon ng paaralan sa kanilang
panig. Dalawang tao ang maari umano nilang lapitan upang kumbinsihin si Don Custodio na pumanig sa kanila. Ito raw ay si Ginoong Pasta na
isang manananggol at ang mananayaw na si Pepay.

Napagkasunduan nila na kay Ginoong Pasta lumapit upang maging marangal ang kapamaraanan.

Kabanata 15 – Si Senyor Pasta

Sinadya ni Isagani ang opisina ng manananggol na si Senyor Pasta, isa sa mga may pinakamatalas na pag-iisip sa
Maynila na sinasangguni ng mga pari kung ang mga ito’y nasa gipit na kalagayan.

Pinakiusapan niya ang Senyor na kung maari ay mamagitan upang kanilang mapasang-ayon kung sakaling
sumangguni na sila kay Don Custodio.

Ikinuwento ni Isagani kay Senyor Pasta ang tungkol sa balaking kilusan. Nakinig ng mabuti ang Senyor na tila
walang alam at kunwari’y wala siyang pakialam sa gawain ng mga kabataan. Pinakikiramdaman naman ni Isagani ang naging bisa ng kanyang
mga salita sa abogado.

Nais sana ni Isagani na maaprubahan ng manananggol ang nais nilang akademya ng Wikang Kastila ngunit nabigo siya dahil nagpasiya ng
abogado na huwag makialam dahil maselan ang usapan at mas mabuting hayaan daw na ang gobyerno ang kumilos.
Kabanata 16 – Ang Kasawian ng Isang Intsik

Ang negosyanteng Intsik na si Quiroga ay naghahangad magkaroon ng konsulado ang kanyang bansa kaya siya ay
naghandog ng isang hapunan. Dumalo ang mga tanyag na panauhin kabilang na ang mga kilalang mangangalakal,
mga pari, mga militar, mga kawani ng pamahalaan pati na din ang kanilang mga suki.

Nang dumating si Simoun ay sinigil niya si Quiroga sa kanyang utang na nagkakahalaga ng siyam na libong piso.
Nalulugi daw ang Intsik kaya hindi makakabayad sa mag-aalahas. Inalok siya ni Simoun na babawasan ng dalawang
libong piso ang utang kung papayag umano si Quiroga na itago sa kanilang bodega ang mga armas na dumating.

Wala daw dapat ipangamba ang Intsik dahil ang mga baril ay unti-unting ililipat sa ibang bahay na pagkatapos ay gagawan ng pagsisiyasat at
marami ang mabibilango. Siya ay lalakad sa mga mapipiit upang kumita. Napilitan namang sumang-ayon si Quiroga. Samantala, ang pangkat ni
Don Custodio ay nag-uusap tungkol sa komisyong ipapadala sa India para pag-aralan ang paggawa ng sapatos para sa mga sundalo. Ang grupo
naman ng mga prayle ay pinag-uusapan ang tungkol sa ulong nagsasalita sa may perya sa Quiapo na pinamamahalaan ni Mr. Leeds.

Kabanata 17 – Ang Perya sa Quiapo

Pumunta sa peryahan sa Quiapo ang labindalawang galing sa bahay ni Quiroga. Patungo sila sa kubol ni Mr.
Leeds.

Ikinatuwa ng makamundong pari na si Padre Camorra ang mga nasasalubong nilang magagandang dalaga
lalo pa ng makita niya si Paulita Gomez na kasama ng kanyang tiya na si Donya Victorina at ni Isagani na
nobyo ng dalaga. Naiinis naman si Isagani sa bawat tumititig kay Paulita.
Dumating sila sa isang tindahan kung saan maraming makikita na estatwang kahoy. Ang isang estatwang mukhang mulato ay kinilala nilang si
Simoun dahil sa parang pinaghalong puti at itim ito.

Wala roon ang mag-aalahas kaya’t napag-usapan nila ito. Ani Padre Camorra, baka daw natatakot si Simoun na pagbayarin nila sa pagpasok sa
peryahan.

Wika naman ni Ben Zayb, baka natakot si Simoun na matuklasan nila ang lihim ng kanyang kaibigan na si Mr. Leeds.

Kabanata 18 – Ang mga Kadayaan

Sa peryahan ay sinalubong ni Mr. Leeds ang mga panauhin. Isa siyang Amerikano na magaling magsalita ng Kastila dahil sa
matagal na namalagi sa Timog-Amerika.

Bago naman magsimula ang palabas ay nagsiyasat muna si Ben Zayb at hinanap ang salamin na maaring ginagamit ni Mr. Leeds sa pandaraya.
Ito naman ay may pahintulot ng Amerikano ngunit walang natagpuang salamin si Ben Zayb. Pagkaraan ay pumasok si Mr. Leeds sa isang pinto
at paglabas ay may dala na siyang kahong kahoy. Aniya, natagpuan daw niya iyon sa libingang nasa piramid ni Khufu, isang Paraon ng Ehipto.

Ang kahon ay may lamang abo at kapirasong papiro na kinasusulatan ng dalawang salita. Kapag binigkas ang unang salita ay nabubuhay ang
abo at nakakausap ang isang ulo. Kapag ang pangalawang salita naman ang binanggit ay bumabalik ito sa dating kinalalagyan. Maya-maya,
bumigkas ng isang salita ang Amerikano. Lumabas ang isang ulo at sinabi nitong siya si Imuthis. Siya daw ay umuwi sa kanyang bayan
pagkatapos ng pag-aaral at mahabang paglalakbay.

Nang dumaan daw siya sa Babilonia ay nalaman niya ang isang lihim na hindi ang tunay na Sumerdis ang namamahala doon kundi si Gautama,
isang magnanakaw ng kapangyarihan at namamahala sa tulong ng pandaraya. Dahil sa takot na isumbong siya kay Cambises ay binalak niyang
patayin si Imuthis sa tulong ng mga saserdoteng taga-Ehipto. Samantala, si Imuthis ay umibig sa isang anak ng pari at naging kaagaw niya rito
ang pari sa Abidos. Nagpanukala ang pari ng kaguluhan at siya ang sinangkalan. Isinakdal si Imuthis, napiit, tumakas, at saka napatay. Ayon sa
ulo, siya ay nabuhay muli upang ihayag ang gayong kataksilan. Titig na titig ang ulo kay Padre Salvi habang nagsasalita ito kaya dahil sa takot
ay hinimatay ang pari.

Kinabukasan ay naglabas ng utos ang Gobernador na nagbabawal sa palabas ni Mr. Leeds ngunit huli na dahil wala na ang Amerikano at
nagpunta na sa Hongkong dala ang kanyang lihim.

Kabanata 19 – Ang Mitsa

Galit na galit na lumabas sa klase si Placido Penitente. Halos hindi na siya makapagtimpi at nais na gumawa ng
isang libo’t isang paghihiganti. Nakita niyang nagdaan lulan ng isang sasakyan si Padre Sibyla at Don
Custodio. Nais niyang habulin ang kura at ihagis sa ilog.

Nang mapadaan naman sa Escolta ay may nadaanan siyang dalawang Agustino sa pinto ng basar ni Quiroga.
Ibig niya sanang pag-uundayan ng suntok ang mga ito ngunit nagpigil si Placido. Nadaanan din niya ang
dalawang kadete na nakikipag-usap sa isang kawani saka sinagasa mga ito.

Sa kanyang tinutuluyan ay dumating si Kabesang Andang na kanyang inang taga-Batangas. Naghinagpis ang
ina nang magpaalam si Placido na hindi na mag-aaral. Ilang sandali pa ay umalis na si Placido at nilibot ang
Sibakong, Tundo, San Nicolas, at Sto. Kristo. Mainit ang ulo ni Placido. Maya-maya’y nakaramdam siya ng
gutom at naisipang umuwi. Inisip niya na wala na sa kanyang tinutuluyan ang ina at nagtungo na sa kapitbahay
upang makipangginggi. Ngunit mali siya ng akala dahil naroon pa ang ina at naghihintay sa kanya.
Pinakiusapan daw ni Kabesang Andang sa prokurador ng Agustino na iayos ang suliranin ni Placido sa
nakagalit na Dominiko. Ngunit matigas si Placido. Tatalon daw muna siya sa ilog Pasig o magtutulisan bago mag-aral na muli. Muling
nagsermon ang ina tungkol sa pagtitiis. Hindi na lang kumain si Placido at saka muling umalis. Pumunta siya sa daungan ng bapor. Doon ay
naisip niya na magpunta ng Hongkong upang magpayaman at kalabin ang mga pari sa kanyang pagbabalik.

Gabi na at dahil sa walang natagpuang kaibigan ay nagtungo siya sa perya. Doon niya nakita si Simoun. Ikinuwento niya dito ang nangyari sa
kanya at ang planong magpunta sa Hongkong. Isinama ni Simoun Placido sa kanyang karwahe. Nakita nila sina Isagani at Paulita na
magkasama. Nainggit naman si Placido kina Isagani at Simoun. Pagkaraan ay muling nagpatuloy sa paglalakbay ang dalawa. Nakarating sila sa
isang bahay na pagawaan ng mga pulbura na pinangangasiwaan ng dating guro sa San Diego.
Inatasan si Simoun na pakipagkitaan ng guro ang tenyente at ang kabo ng mga militar, gayundin si Kabesang Tales. Anang guro ay di pa sila
handa. Ngunit ayon kay Simoun ay sapat na sina Kabesang Tales, ang mga naging kabinero at isang rehinameyento ng mga kawal dahil kung
ipagpapaliban pa raw nila ang plano ay baka patay na si Maria Clara. Dalawang oras din na nag-usap sa bahay ni Simoun at ang binata bago
umuwi sa kaserahan si Placido.

Kinabukasan ay nakikinig na sa pangaral ng kanyang ina si Placido. Hindi na rin siya tumutol sa mga payo nito. Pagkaraan ay pinauwi na niya
ang ina sa Batangas dahil baka malaman pa daw ng prokurador na naroon siya at hihingian pa ito ng regalo at pamisa.

Kabanata 20 – Si Don Custodio

Nasa mga kamay ni Don Custodio ang usapin sa akademya ng wikang Kastila. Siya ang pinagkatiwalaan
lumutas sa suliraning ito.

Si Don Custodio de Salazar y Sanchez de Monteredondo o kilala sa tawag na “Buena Tinta” ay tanyag sa
bahagi ng lipunan sa Maynila. Nakapag-asawa siya ng mayaman at sa pamamagitan nito ay nakapag-negosyo.
Siya ay pinupuri kahit kulang sa kaalaman sa mga tungkuling kanyang hinahawakan dahil si Don Custodio ay
masipag. Nang magtungo sa Espanya ay walang pumansin sa kanya dahil sa kakulangan niya sa pinag-aralan.
Wala pang isang taon ay bumalik na rin siya sa Pilipinas at nagyabang sa mga Pilipino sa kanyang kunwaring
magandang karanasan sa Madrid.

Ipinalagay niyang siya’y isang amo at manananggol. Naniniwala siyang may ipinanganak upang mag-utos at
ang iba’y upang sumunod. Para sa kanya, ang mga Pilipino ay ipinanganak upang maging utusan.

Pagkaraan ng labinlimang araw ay nakabuo na ng pasya si Don Custodio at handa na niya itong ipaalam sa lahat.

Kabanata 21 Mga Anyo ng Taga-Maynila

Ang Les Choches de Corneville ng bantog na mga Pranses ay may pagtatanghal sa Teatro de Variendades ng gabing iyon. Mabilis na naubos ang
mga tiket para sa dula.

Hindi abalang pumasok sa tanghalan ang Kastila na tila pulubi na si Camarroncocido. Nilapitan siya ni Tiyo Kiko, isang matandang lalaki na
nakasuot ng amerikanang hanggang tuhod at ipinakita ang anim na pisong galing sa mga Pranses na kinita niya sa pagdidikit ng mga paskil.

Ngunit sinumbatan ni Camarroncocido si Tiyo Kiko at sinabing ang kikitain sa buong palabas ay mapupunta sa mga pari.

Ang pagtatanghal ay humati sa Maynila. Masagwa daw at laban sa moralidad ang palabas sabi ng mga tutol na sina Don Custodio, mga pari, pati
na mga babaeng may asawa at may kasintahan.

May mga taong nagtatanggol naman sa palabas kagaya ng mga pinuno ng hukbo, mga marino, mga matataas na tao, mga kawani at mga babaeng
walang kasintahan.

Naging malaking bulung-bulungan ang palabas at kasamang nababanggit ang Kapitan Heneral, si Simoun, si Quiroga at ang mga artista.

Pinuna ni Camarroncocido ang mga nais manood na kaya daw naroon ay para malaman kung bakit bawal at dapat ipagbawal ang palabas.

Nang umalis na si Tiyo Kiko ay may napansin si Camarroncocido na mga taong tila hindi sanay mag-amerikana at sa wari niya ay umiiwas na
mapuna. May isang kagawad ng hukbo ang kumausap sa mga di-kilalang tao na apat o lima sa bawat pulutong.

Pagkaraan ay masiglang lumapit ang kagawad sa isang karwahe na lulan si Simoun. May narinig si Camarroncocido na wikang Kastila na ang
ibig sabihin ay “Ang hudyat ay isang putok”, saka niya nasabi sa sarili na tila may binabalak ang mga ito.

Nagpatuloy sa paglalakad ang pulubi. May dalawang tao siyang naririnig na nag-uusap at sinabing ang mga kura ay malakas kaysa Heneral.
Umaalis daw ang Heneral samantalang ang mga pari ay naiiwan at ang hudyat na isang putok ang kanilang ikayayaman.
Naaawa man sa bayan ngunit wala namang pakiaalam si Camarroncocido sa mga narinig.

Samantala, sa labas ng dulaan ay makikita si Tadeo na niloloko ang isang kababayang tanga sa pagsasabi ng mga kahanga-hangang
kasinungalingan.
Sinabi ni Tadeo sa kausap na kilala niya ang mga malalaking tao na nadaan at kaibigan niya ang mga ito kahit hindi naman totoo.

Dumating ang mga mag-tiyahin na sina Donya Victorina at Paulita Gomez. Kahit na nagbabalatkayo ay nakilala pa rin ni Tadeo si Padre Irene na
‘di naitago ng tunay na katauhan dahil sa mahaba niyang ilong. Dumating din si Don Custodio.

Nang dumating sina Makaraig, Pecson, Sandoval at Isagani ay lumapit si Tadeo sa kanila saka bumati. May sobra silang isang tiket dahil hindi
sumama si Basilio.

Dahil dito’y inanyayahan nila sa Tadeo sa loob, agad siyang sumama sa apat, at iniwan ang kababayang kanina lamang ay kausap ngunit
ngayon ay nag-iisa na.

Kabanata 22 – Ang Palabas

Punong-puno ng tao sa dulaan ngunit lampas na sa oras ay ‘di pa rin nagsisimula ang palabas dahil
hinihintay pa ang Kapitan Heneral. Marami nang naiinip, nagsisipadyak at sumisigaw na buksan na
ang tabing.

Ang lugar na tinatawag na palko na may pulang kurtina ay uupuan ng Kapitan Heneral. Isang ginoo
ang umupo sa butaka at ayaw tumindig. Si Don Primitivo kasi ang may-ari ng upuan kinauupuan
nito.

Dahil dito’y tinawag ni Don Primitivo ang tagapaghatid sa upuan nang makita niya na ayaw tumindig ng ginoo. Ang pagmamatigas ni Don
Primitivo ay nagdulot ng kaguluhan at kasiyahan sa mga taong naiinip.
Samantala, habang nagaganap ang kaguluhan ay biglang tumugtog ang marchareal dahil dumating na ang Kapitan Heneral. Sinasabing
manonood ang Kapitan Heneral ng palabas dahil sa dalawang dahilan. Ang una ay hinahamon diumano ito ng simbahan at ang pangalawa ay
dahil ito ay may pagnanasa lamang na makita ang pagtatanghal.

Nasa loob din ng dulaan si Pepay at katapat ng mga estudyante ang kinauupuang palko nito. Kinuntsaba siya ng mga estudyante at siyang
gagamitin kay Don Custodio upang palambutin ang puso nito. Noong hapong iyon ay sumulat si Pepay sa kagalang-galang na tagapayo at
naghihintay ng kasagutan.

Naroroon din si Don Manuel na panay ang pasaring kay Don Custodio. Si Makaraig ay makahulugang tumitingin kay Pepay na parang ibig
ipahiwatig na mayroon siyang sasabihin.

Masaya ang mga estudyante, si Pepay pati na si Pecson. Si Isagani lang ang hindi dahil nakita niya sa dulaan si Paulita na kasama ni Pelaez na
kanyang karibal.

Maya-maya’y umawit si Gertude, isang Pransesa. Sige sa pagsalin si Tadeo sa wikang Kastila ng mga salitang Pranses na naririnig. Gayon din
ang ginawa ni Juanito Pelaez kina Paulita Gomez at Donya Victorina. Lamang ay madalas mali ang pagsalin ni Juanito. Dito rin nagsimula ang
paghanga ng Donya sa kanya at hinangad na pakasalan ang binatang kuba pag namatay ang mister na si Don Tiburcio.
Umawit din si Serpolette. Mayroong pumalakpak na nakilala ni Tadeo na si Padre Irene. Pinapag-espiya pala ito ni Padre Salvi kung sadyang
masama nga ang palabas ng mga Pranses. Namukhaan ng mananayaw si Padre Irene at kakilala pala siya ni Serpolette doon pa sa Europa.
Pagkaraan ay may isang bababeng dumating na may kasamang asawa. Ipinagmamalaki pa niya ang pagkahuli ng dating. Nang makitang wala
pang laman sa may palko ay inaway ng ginang ang asawa. Sinutsutan siya ng mga tao at sa inis ay tinawag niya ang mga ito na mga “ungas” at
akala mo daw ay marurunong mag-pranses.
Si Ben Zayb naman ay panay ang panunuligsa sa pinapanood at sinabing ang mga nagsiganap ay hindi mga artista at ‘di marunong umawit.

Sa palabas ay kakikitaan ng kahalayan at pagnanais sa kababaihan ang mga


kalalakihang tulad nina Don Custodio, Tadeo, Macaraig at Pecson ngunit sila ay nalungkot sapagkat hindi itinanghal ang hinihintay nilang
cancan.
Napag-usapan din ang ”di pagsipot ni Simoun sa dulaan. Pinagtalunan naman ng mga estudyante ang kagandahan at kapangitan ng wikang
Pranses.

Galing si Makaraig kay Pepay, malungkot ang hitsura kaya naman pagbalik niya ay nag-usisa ang mga kapwa mag-aaral. Dala niya ang balita na
may pasya na daw tungkol sa paaralan ayon kay Padre Irene.

Sinang-ayunan daw ang paaralan ngunit ito’y ipaiilalim sa Unibersidad ng Sto. Tomas sa pamamahala ng mga Dominikano.
Kabanata 23 – Isang Bangkay

Hindi pumunta sa dulaan si Simoun.


Noong ika-pito ng gabi ay makalawang beses umalis at dumating si Simoun sa bahay na may iba’t
ibang taong kasama. Nang mag-iikawalo na ay nakita siya ni Makaraig sa may daang Ospital malapit
sa kumbento ng Sta. Clara. Nakita naman siya ni Camarroncocido sa may dulaan nang mag-iikasiyam
na may kausap na tila estudyante. Hindi rin pumunta sa teatro si Basilio dahil siya ay papunta sa San
Diego. Pupunta siya sa bahay ni Kapitan Tiyago upang gamutin ito. Habang inaalagaan ni Basilio ang
may sakit ay bigla na lang itong sinusumpong dahil sa sobrang paghithit ng opyo. Nagbilin naman sina
Simoun at si Padre Irene kay Basilio na pagalingin ang may sakit at pagtiisan ito sa pag-aalaga. Sa
pagrerepaso ni Basilio ay dumating si Simoun. Noon lamang sila muling nagkaharap mula nang huli
silang magkita sa San Diego. Kinamusta ni Simoun si Kapitan Tiyago. Ibinalita naman ni Basilio na
malubha na ang lagay ng Kapitan dahil kalat na ang lason sa katawan nito. Muling hinimok ni Simoun si Basilio na makiisa sa himagsikan laban
sa pamahalaang Kastila. Ang hindi raw kasi kakampi sa kanila ay ituturing nilang kaaway na dapat patayin.

Si Basilio daw ang magtatakas kay Maria Clara sa kumbento ni Sta. Clara habang nagkakagulo ang buong lungsod. Ngunit huli na daw ang
lahat, ani Basilio. Nalaman niyang nagpakamatay na raw si Maria Clara dahil naroon daw siya sa kumbento upang makibalita kaya niya nalaman
ang nangyari. Nang bumalik siya ay nakita niya ang liham na padala ni Padre Salvi kay Padre Irene na siyang nagpabasa kay Kapitan Tiyago na
nag-iiyak nang mabatid na patay na ang anak. Nagulat si Simoun sa narinig niyang balita ngunit ayaw niyang maniwala na totoo ito at pinipilit
na buhay pa si Maria Clara. Nang huminahon na ay umalis agad siya ng silid. Naririnig ni Basilio ang mga sigaw ng hinagpis ni Simoun habang
paalis ito. Nawala na sa isip ni Basilio ang pag-aaral at sa halip inisip ang kasalukuyang kalagayan ni Simoun.

Kabanata 24 – Mga Pangarap

Ang magkasintahang sina Isagani at Paulita ay mag-uusap sa Luneta.

Galit si Isagani dahil nakita niyang magkasama sina Paulita at Juanito sa dulaan. Ngunit napag-alaman
niya na si Donya Victorina raw ang may ibig kay Pelaez kaya nagkatawanan sila ng kausap.

Nagkapalitan din sila ng mga pangarap sa hinaharap. Nais raw ni Isagani na sa nayon manirahan. Para sa kanya, ang bayang iyon ang tangi
niyang kaligayahan bago pa nakilala at nakita si Paulita. Ngunit nabatid niyang parang naging may kulang sa kanya ang bayang iyon at natitiyak
niyang ang kulang ay ang kanyang nobya. Ngunit ayaw pumunta doon ni Paulita. Ayaw daw niyang magdaan sa mga bundok na malimatik.
Ang nais niyang paglalakbay ay sa pamamagitan ng tren. Pinaghambing ni Isagani sa isip ang pansin ng mga taong pamahalaan sa nagkaramdam
na si Simoun at ang mga sugatang kawal na galing sa digma. Sa mga sugatang kawal ay ni walang pumapansin subalit kay Simoun ay nabahala
ang marami. Iba na raw ang mayaman ayon sa binata. Ang bayang nasa isip niya ay ‘di lamang Pilipinas kundi pati ang Espanya.

Nang dumating sina Paulita ay nginitian niya ang nobyo. Ngumiti rin si Isagani at tila ba napawi lahat ng kanyang pagkainis. Masaya na sana si
Isagani ngunit biglang itinanong ni Donya Victorina kung nasa kanilang nayon ba nagtatago ang asawa niyang si Don Tiburcio.
Ipinagkaila ng binata ang kanyang nalalaman. Ngunit may pahabol na tanong ang Donya na ano daw kaya kung pakasal siya kay Juanito.
Kinaiinisan man ang kanyang kamag-aral ngunit pinuri pa niya si Juanito sa harap ng Donya.

Pinagbigyan ni Donya Victorina na magkausap ang pamangkin at ang nobyo nito. Kung magkakatuluyan nga naman si Paulita at Isagani ay
masasarili niya si Juanito.

Kabanata 25 – Tawanan at Iyakan

Ang piging ay idinaos ng mga mag-aaral sa Panciteris Macanista de Buen Gusto. Labing-apat silang lahat kabilang na si Sandoval. Matatalim
magsalita ang mga estudyante. Kahit pa nagtatawanan sila ay ramdam pa din ang kanilang hinanakit.

Dumating na din si Isagani. Si Pelaez na lang ang wala. Sana daw ay si Basilio na lang ang inimbitahan kaysa kay Juanito, ani Tadeo. Malalasing
pa daw sana nila si Basilio at baka sakaling mapaamin ang lihim tungkol sa nawawalang bata at sa isang mongha.

Habang kumakain ay inihandog nila kay Don Custodio ang pansit lang-lang, ang sopas ay tinaguriang sopas ng panukala, ang lumpiang intsik ay
inalay kay Padre Irene at ang torta’y inukol sa prayle (torta de Frailes). Tumutol si Isagani. Di daw dapat isama sa panunumpa ang isang pari.
Sinegundahan ito ni Tadeo. Kahabag-habag daw na inihambing ang alimasag sa mga prayle. Ang pansit gisado naman ay inukol sa pamahalaan
at sa bayan. Ani Makaraig, ang pansit ay katutubong lutuing Pilipino. May gusto daw mag-alay ng pansit kay Quiroga na isa raw sa apat na
kapangyarihan sa Pilipinas. Samantalang may nagsabi na sa Eminencia Negra (Simoun) raw dapat ialay ang pansit. Hindi handa si Tadeo ng
mahilingan siyang magtalumpati. Nagtalumpati din si Pecson na inatake ang mga pari. Aniya, mula raw sa kamusmusan hanggang sa libingan ay
mga pari ang kasama natin.

May nakakita sa isang utusan ni Padre Sibyla (biserektor sa Unibersidad) na sumakay sa karwahe ni Simoun. Nagtitiktik pala ito sa mga mag-
aaral. Nasambit tuloy ni Makaraig ang mga katagang, “Ang busabos ng bise-rektor na pinglilingkuran ng panginoon ng Heneral!”

Kabanata 26 – Mga Paskil

Maagang nagising si Basilio. Dadalawin niya ang pasyente sa ospital ng San Juan de Dios saka
pupunta sa Pamantasan para sa kanyang lisensiyatura. Kakatagpuin rin niya si Makaraig para
mangutang ng salapi na kanyang gugugulin. Ang mga naimpok niya kasi ay nagamit na niya sa
pagtubos kay Juli. Sa kanyang paglalakad ay nakasalubong niya ang propesor na malapit sa
kanyang loob. Tinanong siya ng propesor kung nasa piging siya kagabi. Mabuti raw at wala ito
doon. Nang malamang kasapi si Basilio sa kapisanan ay pinayuhan nito ang binata na umuwi na
at sirain ang lahat ng kasulatang magdadawit sa kanya. Nabanggit ni Basilio si Simoun. Wala
raw kinalaman dahil nahihiga ang mag- aalahas dahil sa sinugatan ng kung sino. Anang kausap
ay may ibang mga kamay na nakapangingilabot dito. Tinanong ni Basilio kung may kasangkot
na tulisan. Ngunit ang sagot ng propesor ay wala raw dahil puro estudyante daw ang sangkot. Sa unibersidad daw ay nakakita ng mga paskin o
paskil na mapanghimagsik. May nasalubong silang isa pang propesor na kakilala ni Basilio. Ang sabi’y nangangamoy na raw si Kapitan Tiyago
at nilalapitan na siya ng mga uwak at buwitre.

Nagpatuloy sa paglalakad si Basilio. Napag-alaman niya na marami raw mga estudyanteng papupugutan ng ulo, ipabibilanggo, at ibabagsak sa
pag-aaral. Naalala ni Basilio ang sinabi ni Simoun na oras na sila’y itiwalag nila ay ‘di sila makatatapos sa kanilang karera. Dito’y pinaghinalaan
ni Basilio si Simoun na may kinalaman sa mga paskil. Tinawag ni Simoun si Sandoval ngunit para itong walang narinig. Tuwang-tuwa naman si
Tadeo dahil wala na raw klase. Ibibilanggo raw lahat ng mga estudyanteng kasama sa kapisanan. Si Juanito naman ay parang baliw na paulit-ulit
na sinasabing wala siyang kinalaman. Saka umalis nang makitang may papalapit sa kanilang tanod.
Natanaw ni Basilio si Isagani na namumutla ngunit pinagpupuyusan ng kalooban. Ani Isagani ay hindi na daw mahalaga kung sino ang sumulat
sa mga paskil dahil tungkulin ng mga pari ang alamin iyon. Kung nasaan daw ang panganib ay doon sila dumako dahil naroon ang karangalan.
Dagdag pa niya, kung ang nasasabi raw sa paskil ay kaayon sa kanilang kalooban, sino man ang sumulat noon ay dapat daw nilang pasalamatan.
Kung hindi naman ay sapat nang tutulan nila at tanggihan.‘Di naman sang-ayon dito si Basilio kaya tumalikod ito sa kaibigan saka umalis dahil
pupunta na siya kay Makaraig para makahiram ng pera. ‘Di niya pinansin ang mga senyas ng mg mga kapitbahay ni Makaraig. Nang makaharap
ang dalawang tanod na beterana ay sinabi niyang naroon siya para makipagkita sa kaibigang si Makaraig.

Nagkatinginan lamang ang dalawang tanod. Saka dumating si Makaraig, ang kabo, at dalawang kawal. Nagtaka si Makaraig sa pagparoon ni
Basilio. Inusig ng kabo si Basilio saka isinama sa pagdakip. Sa sasakyan ay ipinagtapat ni Basilio ang kanyang sadya kay Makaraig. Sinabi ni
Makaraig na maaasahan siya ni Basilio at kapag nakapagtapos daw siya ng pagdodoktor ay aanyayahan pa nila ang mga kawal na dumakip sa
kanila.

Kabanata 27 – Ang Prayle at ang Estudyante

Ipinatawag ng isang katedratikong si Padre Fernandez si Isagani. Ito’y labis na iginagalang


ng binata. Narinig daw umano ng pari ang pagtatalumpati ni Isagani. Itinanong din nito kung
kasama ba siya sa hapunan. Pinuri ng pari ang pagkakaroon ni Isagani ng paninindigan.

Nagpatuloy sa pagsasalita ang pari at sinabing may mga dalawang libong estudyante na raw
ang naturuan niya o sinikap niyang turuang mabuti at karamihan doon ay pumupula at
lumalalos sa mga prayle ngunit walang makapagsalita nang tapatan o harapan.

Ayon naman kay Isagani ay ‘di kasalanan ng kabataan na magsalita laban sa may
kapangyarihan na agad naman nilang pararatangan ng pilibustero dahil alam ng pari ang
ibinubunga ng gayong paratang.

Sinabi ng pari na ‘di niya inuusig si Isagani at malaya itong nakapagsasalita ng anuman sa kanyang klase. Sa halip ay paborito pa nga daw niya
si Isagani.
Pangiti namang nagpasalamat ang binata at sinabing itinatangi rin niya ang katedratiko. ‘Di raw gaya ni Padre Fernandez ang ibang prayleng
Dominikong katedratiko. Saka nisa-isa ang mga sakit sa pagtuturo ng mga prayle.

Napakagat-labi lamang si Padre Fernandez at sinabi nitong lampas na sa guhit ng pag-uusap ang mga paratang ni Isagani.

Giit naman ni Isagani na ang mga prayle sa lahat ng orden ay naging mga kontratista ng karunungan at sila umano ang nagsasabi mismo sa mga
mag- aaral na hindi raw sila nararapat matuto dahil balang araw ay magpapahayag ang mga ito ng paglaya.

Dagdag pa ni Isagani, ang kalayaan ay katambal ng tao at gayundin ng talino at katarungan. Ang pagtanggi ng mga prayle na matuto sila at
lumaya ang dahilan ng kawalan ng kanilang kasiyahan.

Anang pari, ang karunungan daw ay hindi ipinagkakaloob kundi sa karapat- dapat lamang. Ipagkaloob daw iyon sa mga walang tibay ng loob at
kapos sa wastong asal ay taliwas sa layunin.

Ngunit tinutulan ito ni Isagani. Aniya, kung ano daw sila ngayon ay ang mga pari ang may gawa. Ang bayan daw na inaalipin ay natutong
magkunwari; ang paghaharian ay lumikha ng mga alipin.

Ipagpalagay daw nila, kahit di totoo, na ang mga estudyante ay mga walang dakilang asal at katibayan ng loob. Sino daw ang may kasalanan?
Sila daw ba o ang mga nagturo sa kanila sa loob ng may tatlong siglo? Kung pagkatapos ng panahong iyon ay walang nayari ang manggagawa
ng palayok kundi mga sira, siya’y napakatanga na raw marahil. O baka daw marumi ang putik na ginamit?

Dagdag muli ni Isagani, “Kung gayo’y higit pang napakahangal gayong alam na palang masama at marumi ang putik ay bakit nagpapatuloy pa
sa pagsasayang ng panahon, at ‘di lamang hangal, kundi manlilinlang at magnanakaw pa dahil alam nang walang ibubunga ang ginagawa niya’y
patuloy pa sa pagtangap kabayaran at ‘di lamang hangal, mandaraya at magnanakaw kundi isa pang talipandas dahil ayaw nilang subukin ang
kakayahan ng iba sa paggawa ng magiging kapaki-pakinabang.”

Nakilala ng pari ang kanyang kagipitan at noon lamang siya nakaranas ng pagkatalo sa isang estudyanteng Pilipino lamang. Nabanggit ng pari na
ang utos na sinusunod nila ay galing lamang sa pamahalaan.
Ngunit pinulaan ni Isagani ang pagtatago ni Padre Fernandez sa likod ng pamahalaan.

Muling nangatwiran ang pari at sinabing ang ibig daw niyang sabihin ay may mga batas na mabuti ang layon nguni’t masama ang ibinubunga.

Ang masamang ugali ng mga mag-aaral ay ‘di daw dapat isisi sa kanila o kahit sa Pamahalaan kundi sa masamang pagkakatatag umano ng
kanilang kapisanan.

Ani Isagani, “Opo, may pumipilit na sila’y mag-aral. Katungkulan ng bawat tao na hanapin ang kanilang kaganapan ng pagkatao.
ang kanyang talino at lalong matindi ang nais na ito dahil ito’y hinahadlangan. Ang bumubuhay sa pamahalaan ay humihingi sa pamahalaan ng
liwanag upang lalong makatulong sa bansa.

Pamahalaan na rin at ang mga prayle na rin ang pumipilit na kaming mga indiyo ay maghanap ng karunungan dahil sa inyong pag-aglahi sa amin
sa kawalang pinag-aralan at kamangmangan.

Kami’y inyong hinuhubaran at pagkarapos ay pinagtatawanan ninyo ang aming kahihiyan.”Katutubo sa tao na linanginn.

Kabanata 28 – Pagkatakot

Sa El Grito ay pinangalandakan ni Ben Zayb na tama siya sa madalas niyang sabihin na nakasasama sa Pilipinas ang pagtuturo sa kabataan.
Pinatutunayan umano ito ng mga paskil.

Binalot ng takot ang lahat mula sa Heneral hanggang sa mga Intsik. Hindi na din nakapunta sa basar ni Quiroga ang mga prayle. Inayos din ng
mga Intsik ang kanilang mga tindahan upang madali itong maisara kung sakali. Naisip ni Quiroga na sumangguni kay Simoun upang itanong
kung panahon na upang gamitin ang mga baril, pulbura at bala na ipinatago nito sa kanya. Ayon sa napag-usapan nila ni Simoun ay palihim na
ilalagay ang mga baril sa mga bahay-bahay at saka magpapahalughog ang pamahalaan. Maraming madarakip lalo sa mga mayayaman at ito ay
magpapatulong sa kanila na mangangahulugan ng malaking salapi. Ngunit hindi nakausap ni Quiroga si Simoun. Ipinasabi lamang na huwag
galawin ang anuman sa kinalalagyan. Pumuta si Quiroga kay Don Custodio upang isangguni kung dapat niyang sandatahan ang sariling tahanan.
Subalit ayaw rin tumanggap ng bisita si Don Custodio. Kaya naman kay Ben Zayb nagtungo si Quiroga. May dalawang rebolber na nakapatong
sa mga papeles ng manunulat kaya ng makita niya ang mga ito ay nagpaalam kaagad ang intsik at nagdahilang may sakit.
Kinahapunan ay may kumalat na balitang may panayam ang mga estudyante at mga tulisan sa San Mateo. Ang balak daw na paglusob ng mga
ito sa lungsod ay nabuo sa isang Pansiterya. May bapor pandigma pa daw ang mga Aleman. May mga estudyante daw na nagtungo sa
Malakanyang upang magpahayag ng pagkamaka-Kastila ngunit nahulihan sila ng armas kaya ang mga ito ay pinagkukulong. Naligtas daw ang
Heneral dahil noo’y nakikipanayam sa mga puno ng orden o provincial sa Pilipinas. May nagmungkahi na magpabaril ng isang dosenang
pilibusterilyo upang matigil ang gulo. Sabi naman ng isa’y sapat nang palakarin sa mga lansangan ang mga kawal na kabayuhan at may hilang
kanyon upang ang lahat ay magsisipanhik ng bahay para manahimik. Anang isa, pagpapatayin ang mayayaman at linisin ang bayan. May
naghalughog sa bahay ni Kapitan Tiyago kung saan si Basilio ay nanunuluyan. Hinahanap nila ang mga kasulatan ng binata.

Maya-maya’y dumating si Padre Irene saka nagbalita ng mga nakakatakot sa matanda. Natakot si Kapitan
Tiyago sa mga kwento ng pari. Napadilat ang Kapitan habang nakakapit sa kura. Nagpumilit siyang
makabangon ngunit hindi niya kaya. Bumagsak ito na bumubula ang bibig saka namatay. Nakahawak ang
patay kay Padre Irene na nakaladkad niya hanggang sa gitna ng silid.
Sa isang binyagan kinagabihan ay may nagsabog ng kwalta. Nag-agawan ang mga bata kaya maingay sa
may pinto ng simbahan. May nagdaang opisyal at nabigla ito sa mga nakita. Inakala niyang gawa iyon ng
mga pilibusterilyo kaya hinabol ng sable ang mga batang nagsipasok sa simbahan.

Nagtakbuhan ang mga tao dahil nagsimula na raw ang himagsikan. May dalawang tao na nahuling
nagbabaon ng sandata sa silong ng isang bahay na tabla.

Hinabol ng mga tao ang dalawa upang ibigay sa pamahalaan ngunit hindi nila iyon nahuli. Ang mga baril ay lumang eskopeta na maari pang
makasugat sa gagamit. May beteranong napatay ng isang kawani sa pag-aakalang isa itong estudyante. Patay rin ang isang bingi na hindi
sumagot ng tanungin. Sa isang tindahan ay napag-usapan si Tadeo. Binaril na raw ito kaya napadaing ang babaeng kausap. Marami raw kasing
utang sa ginang si Tadeo. Sinabihan naman siya na baka raw madamay pa kay Tadeo ang may-ari ng tindahan kaya natahimik ang babaeng
kanina lang ay dumaraing. Si Isagani naman daw ay kusang nagpadakip. Isa daw siyang luku-luko ayon sa usapan. Malamang daw ay babarilin
din iyon. Wala namang paki ang babae dahil wala naman daw utang sa kanya ang binata. Baka daw pakasal na din sa iba si Paulita. Halos lahat
ng mga bahay ay may nagru-rosaryo.

Sa tinutuluyan nina Palcido Penitente, hindi naniniwala ang platero sa mga paskil. Si Padre Salvi lang daw ang may gawa noon. Ayon naman sa
isa ay si Quiroga ang may gawa dahil may ibig daw ipasok na kontrabando ang Instik na nasa look na sandaang libong pisong mehikano.
Nagkaroon daw ng kaguluhan. Pinadulasan ang mga kawani sa adwana at nakalusot ang salapi.
Pagkaraan ay may narinig silang mga yabag. Kay Quiroga naputol ang usapan ngunit kunwari’y binanggit ng isa si San Pascual Bailon. Ang
dumating pala ay si Placido kasama ang manggagawa ng kuwitis o pulbura ni Simoun. Hindi raw nakausap ni Placido ang mga bilanggo. Ayon
sa manggagawa ng
pulbura ay magpupugutan ng ulo sa gabing iyon. Hindi daw mangyayari iyon sabi ng isa dahil si Simoun na siyang madalas magpayo ng ganun
ay maysakit. Nagkatinginan na lang ang dalawang bagong dating. Pinalitan ang mga tanod sa pinto ng siyudad nang gabing iyon. Mga
artilyerong Kastila ang ipinalit.

Kinabukasan sa Luneta ay may nakitang bangkay ng isang dalagitang kayumanggi. Halos hubad ang bangkay. Nakita man iyon ni Ben Zayb ay
‘di na rin niya ibinalita.

Kabanata 29 – Ang Huling Pati-ukol kay Kapitan Tiyago

Marangya ang libing ni Kapitan Tiyago. Hinirang si Padre Irene na tagapamahala at tagapagpatupad
ng testamento ng kapitan.

Ang malaking kayamanan ng namatay ay napunta sa Sta. Clara, sa Papa, sa Arsobispo, at sa mga
orden. Ang dalawanpung piso ay itinira para pangmatrikula ng mga estudyanteng mahihirap.

Inalis ni Kapitan Tiyago ang dalawampu’t limang piso na pamana kay Basilio dahil sa kawalang-utang
na loob umano nito ngunit isinauli ni Padre Irene at siya na raw ang magpapaluwal sa sariling bulsa.
Pinagtatalunan nila kung anong damit ang susuotin ni Kapitan Tiyago. Ipinirisinta ni Kapitan Tinong
ang kanyang sirang damit-Pransiskano na nabili niya sa isang prayle sa halagang tatlumpu’t anim na
piso. Handa raw niya itong ibigay sa kaibigan na ni minsan ay hindi niya nadalaw noong nabubuhay pa.

Ang sastre ay tumutol at sinabing dapat prak ang ipasuot dahil ito ang suot ng kapitan nang magpakita sa mga mongha at ito ay laging naka-prak
kapag dumadalo noong araw sa mga pagtitipon. Nagprisinta pa ang sastre na hindi sisingilin nang mahal kapag sa kanya ipinagawa ang
ipababaong damit. Tatlumpu’t dalawang piso ang halaga ng niyari niyang damit. Ngunit sa bandng huli ay si Padre Irene pa rin ang nasunod
kaya isang lumang damit ng Kapitan ang ipinasuot nito.
Usap-usapan na nagpakita umano ang kaluluwa ni Kapitan Tiyago. Dala ng namatay ang kanyang sasabunging manok, ang pisngi niya ay
nananambok sa nganga at nasa kanyang bibig ang opyo. Ang mga kasama ni Kapitan Tiyago sa sabungan na naroon ay pinag-usapan kung
hahamunin kaya ni Kapitan Tiyago si San Pedro na pagsabungin ang kanilang manok sa langit. Ayon kay Don Primitivo, naniniwala siyang
parehong mananalo sina San Pedro at Kapitan Tiyago sa pagsasabong. Sinalungat naman ni Martin Aristorenas ang teorya ni Don Primitivo.
Para sa kanya, meron talagang mananalo at matatalo.

Tatlong pari ang nagmisa sa libing. Maraming kamanyang ang sinunog at agua bendita ang ipinandilig sa kabaong. Hindi rin mabilang ang
inawit na mga awiting Latin tungkol sa patay. Marami rin ang sumakit ang ulo sa katutugtog ng plegarya. Humanga ang lahat sa libing ni
Kapitan Tiyago.

Si Donya Patrocinio na kalaban naman ng kapitan noon sa pagkabanal ay inggit na inggit sa libing ni Kapitan Tiyago at tila nagnanais na
mamatay na rin kinabukasan upang magkaroon ng libing na higit pa sa naging libing yumaong katunggali.

Kabanata 30 – Si Juli

Balita sa buong San Diego ang pagkamatay ni Kapitan Tiyago at pagkakadakip kay Basilio.
Dinamdam ito ng buong bayan lalo na si Juli.

Hindi mawala sa kanyang isip ang sinapit ng katipan. Nais niyang makalaya ito kaya naisip
niyang lapitan si Padre Camorra dahil alam niyang isang salita lamang ng pari ay
makakalabas ng kulungan si Basilio.

Gabi-gabing hindi pinapatulog ng pangamba ang dalaga at madalas din siyang bangungutin.
Urong-sulong siya kung hihingi ng tulong sa pari o hindi.

Makaraan ang ilang araw ay nabalitaan niyang nag-iisa na lamang sa kulungan si Basilio dahil nakalaya na ang ibang mga nakapiit.

Wala tagapagtanggol si Basilio at wala rin naman kamag-anak lalo pa’t kamakailan lang ay namatay na si Kapitan Tiyago. Ipatatapon daw ito sa
Carolinas. Ayaw mang pumunta ni Juli sa kumbento upang humingi ng tulong kay Padre Camorra dahil natatakot siya sa binabalak at
hinihinging kapalit nito ay napilitan pa rin siyang humingi ng tulong dito.

Pinilit din siya ni Hermana Bali sa pag-aakalang ang pari na lamang ang pag-asa ni Basilio. Nang hapong iyon ay nagawa ni Padre Camorra ang
panghahalay kay Juli. Kinagabihan, usap-usapan si Juli at ang pagtalon niya sa bintana ng kumbento na kanyang ikinamatay. Patakbo siyang
nilapitan ni Hermana Bali at bumaba sa pinto ng kumbento. Ang lolo ni Juli na si Tandang Selo ay nagsisigaw at nagwala sa harap ng
kumbento. Hindi niya kinaya ang nangyari sa apo. Bigo rin siya sa paghahanap ng hustisiya kaya naisipan na lang ng matanda na sumama sa
mga tulisan.

Kabanata 31 – Ang Mataas na Kawani

Hindi nabalita sa mga pahayagan ang pagkamatay ni Juli. Ang tanging nabalita sa tulong ni Ben Zayb ay
ang kabutihan umano ng Heneral. Nakalaya na sina Makaraig at Isagani at tanging si Basilio na lamang
ang hindi.

Ipinagtanggol ng Mataas na Kawani si Basilio. Mabuting bata raw ito at malapit nang matapos sa
panggagamot. Lalo lamang napahamak si Basilio dahil bawat sabihin ng kawani ay panay ang tutol ng
Heneral.

Dapat daw ay magkaroon ng halimbawang ‘di dapat tularan ang mga mahilig sa pagbabago.
Pinagbintangan si Basilio ng Heneral na gumamit ng bawal na aklat sa medisina.
Ayon sa Kawani ay dapat matakot ang Heneral sa bayan.

Natawa lamang ang Heneral dahil wala umano siyang pakialam sa bayan sapagkat ang naglagay sa kanya
sa pwesto ay ang bayang Espanya at hindi ang bansang Pilipinas.

Kapag itinanggi umano sa isang bayan ang liwanag, tahanan, katarungan at kalayaan ay ituturing ng bayan na magnanakaw ang nagtanggi ng
mga ito.
Pagkaalis ng Kawani makaraan ang dalawang oras ay nagbitiw ito sa tungkulin at nagsabing siya’y uuwi na sa Espanya lulan ng kasunod na
bapor.

Kabanata 32 – Ang Bunga ng mga Paskil

Dahil sa mga nangyari sa mga mag-aaral ay hindi na nagpaaral ng mga anak ang mga magulang. Sa unibersidad naman ay maraming bumagsak
at bihira ang pumasa sa mga eksamen at sa kanilang kurso. Hindi man nakapasa ay ikinatuwa pa rin iyon ni Tadeo at sinunog pa ang kanyang
mga aklat. Hindi rin nakapasa sina Makaraig, Pecson, at Juanito Pelaez.

Si Pelaez ay napatali sa negosyo ng ama. Nagmadali namang pumunta sa Europa si Makaraig. Sina Isagani at Sandoval lamang ang nakapasa. Si
Basilio naman’y hindi pa nakakakuha ng pagsusulit dahil nasa bilangguan pa. Sa bilangguan na rin niya nalaman ang pagkawala ni Tandang
Selo at pagkamatay ni Juli. Sa tulong ng kutserong si Sinong na tanging dumadalaw sa kanya ay nalaman niyang lahat ang mga pangyayari.

Samantala, ayon kay Ben Zayb ay mabuti na ang lagay ni Simoun. Mamamahala umano ito ng isang piging sa bahay ni Kapitan Tiyago na
nakuha ni Don Timoteo Pelaez sa murang halaga. Mula noo’y madalas si Simoun sa tindahan ng mga Pelaez na usap-usapan ng iba na
pinakisamahan na niya. Ilang linggo lang ay nabalitang ikakasal na si Juanito kay Paulita. Bagay umano ang dalawa dahil pareho silang walang-
isip at makasarili. Buwan na ng Abril at limot na ang mga pangamba. Hinintay-hintay ng buong Maynila ang piging sa kasal nina Juanito at
Paulita.

Isang bagay lang ang pinagkakaabalahan at iniisip ng ilan, ang makipagkaibigan kay Simoun at Don Timoteo Pelaez para maimbita sa kasal.

Ninong daw ang Kapitan Heneral sa nalalapit na kasal at si Simoun ang mag- aayos at maghahanda nito.

Kabanata 33 – Ang Huling Matuwid

Maaga pa ay inayos na ni Simoun ang kanyang mga hiyas at armas. Araw na ng kanyang pag-alis at sasabay na siya sa Kapitan Heneral.
Naniniwala ang marami na hindi magpapaiwan si Simoun dahil baka marami ang mga taong galit at maghiganti sa kanya o kaya naman ay pag-
uusigin siya ng kahaliling Heneral.
Kinahapunan ay nagkulong si Simoun sa kanyang silid at nagbilin na wala siyang ibang tatanggapin kundi si Basilio lamang. Dumating si
Basilio at nagulat ni Simoun sa laki ng ipinagbago ng binata. Payat na payat na ito, humpak ang mga pisngi, gulo ang buhok, walang ayos ang
pananamit at wala na ang dating amo ng kanyang mga mata. Si Basilio ay tila isang patay na muling nabuhay. Nasambit ni Basilio kay Simoun
na naging masama siyang anak dahil hindi niya ipinaghiganti ang kasawian ng kanyang ina at kapatid. Sa kanyang pag-iwas kay Simoun at sa
mga plano nito ay wala umano siyang napala kundi ang pagkakulong. Handa na raw siyang sumanib dito. Nagsalita si Simoun at sinabing nasa
panig daw pala niyang talaga ang katwiran. Ang kanyang usapin ay siyang usapin ng mga sawimpalad na tulad ni Basilio.

Tumayo si Basilio at sinabing matutuloy na ang himagsikan dahil hindi na siya nag-aalinlangan. Si Simoun naman ay nagsabi na ang nagtulak sa
kanya upang ipagtuloy ang kanyang mga balak ay ang mga mabait na hindi makapagdesisyon ng maigi at ayaw ng gulo. Kung nagkatulungan na
daw sana noon pa ang mga nasa mataas na lipunan at ang mga nasa ibaba, ang gawain sana ay mapagkawanggawa at hindi madugo at buktot.

Nagpunta sila sa laboratoryo at ipinakita ni Simoun ang isang granada kay Basilio. Napag-usapan nila kung paano ito ginagamit at saan nila ito
gagamitin. Sa kapistahan daw umano nila gagamitin ang tila ilawan ngunit isang granada na pipinsala sa mga bisita sa pista. Ang plano ay
magtatagpo sina Kabesang Tales at Simoun sa siyudad upang agawin ang mga armas na itinago ni Simoun sa tindahan ni Quiroga. Si Basilio
naman ang namumuno sa mga arabal at pag-aagaw ng mga tulay. Magkukuta siya roon upang sumaklolo kina Simoun.

Papatayin niya ang lahat ng laban sa paghihimagsik at lahat ng lalaking tatangging sumama at humawak ng sandata.Sinabihan ni Simoun si
Basilio na sa ikasampu ng gabi ay magkikita sila sa tapat ng simbahan ng San Sebastian para sa mga huling tagubilin.

Kabanata 34 – Ang Kasal ni Paulita

Ika-walo na ng gabi. Nasa daan pa si Basilio ng maisip na makituloy sa kaibigang si Isagani. Ngunit hindi pala umuwi ang kaibigan sa buong
araw na iyon. Dalawang oras na lang at sasabog na ang ilawan ni Simoun. Marami tiyak ang mamamatay.

Sinalat ni Basilio ang kanyang rebolber at naalala ang babala ni Simoun na lumayo siya sa
daang Anloague. Ang bahay ni Kapitan Tiyago ay nasa daang iyon. May binanggit na
kasayahan si Simoun kung saan sa bahay na iyon idaraos ang piging sa kasal nina Paulita at
Juanito. Nakita niya ang pagdating ng sasakyan ng bagong kasal. Naisip niya ang kaibigang si
Isagani. Naawa siya rito at naisip na yakaging sumama sa himagsikan. Ngunit naisip din niya na malamang ay ‘di papayag si Isagani dahil hindi
pa naman nito naranasan ang mga naranasan ni Basilio Muli niyang naalala ang kanyang pagkabilanggo, ang kabiguan sa pag-aaral, at ang
nangyari kay Juli. Saka muling hinaplos ang puluhan ng rebolber at ninasang dumating na sana ang sandaling hinihintay.

Dumating ang sasakyan ni Simoun kasama ang kutserong si Sinong. Sumunod sila sa sasakyan ng bagong kasal. Nagtungo din si Basilio sa
Anloage sa bahay ni Kapitan Tiyago. Doon kasi gaganapin ang hapunan at nandoon din ang Kapitan Heneral na ninong sa kasal. Dala naman ni
Simoun ang ilawan na kanyang handog.

Sa bahay ni Kapitan Tiyago ay makikita sa mga dingding ang mga magagarang palamuting papel, aranya, at mga bulaklak. Ang kurtina sa bahay
ay may pulang pelus na nabuburdahan ng ginto at may unang titik ng pangalan ng mag-asawa. Napakagara ng bahay na iyon. Parang hapag ng
mga diyoses ang pagdarausan ng hapunan. Para sa mga dakilang panauhin ang mesa at ang mga diyus-diyusan ay sa asotea nakalagay. Pipito ang
doon ay nakaupo. Naroon ang pinakamasarap at mahal na alak. Ubos-kaya si Don Timoteo, ang ama ng lalaking ikinasal.

Kabanata 35 – Ang Piging

Ikapito ng gabi nang simulang dumating ang mga bisita sa bahay ni Kapitan Tiyago kung saan naroon
ang piging para sa ikinasal.

Unang dumating ang maliliit na tao hanggang sa may malaking katayuan sa tungkulin at sa
kabuhayan. Lahat ng mga bisita ay pinagpupugayan ni Don Timoteo.

Dumating na rin ang bagong kasal kasama si Donya Victorina. Si Padre Salvi ay naroon na ngunit
wala pa ang Heneral. Pupunta sana sa palikuran si Don Timoteo ngunit ‘di siya makaalis dahil wala pa
ang Heneral. Mayroong pumintas sa mga kromo sa pader. Nagalit ang Don at sinabing iyon daw ang
pinakamahal na mabibili sa Maynila. Kinabukasa’y sisingilin daw niya ang utang ng pumintas.

Dumating na rin ang Heneral. Nawala ang mga dinaramdam ni Don Timoteo. Si Basilio naman ay nasa harap ng bahay at pinapanood ang mga
nagdaratingan.
Naawa siya sa mga inakala niyang mga walang malay na mamamatay roon kaya naisip niyang bigyan sila ng babala. Ngunit ng makita niya sina
Padre Salvi at Padre Irene ay nagbago ang kanyang isip. Nakita rin ni Basilio si Simoun na dala ang ilawan. Kakila-kilabot ang anyo ni Simoun
na naliligid ng apoy at parang nag-aalinlangan din ito sa pagpanhik.

Ngunit nang magtuloy ay sandali niyang kinausap ang Heneral at iba pang mga bisita. Saka siya nawala sa paningin ni Basilio.Nalimot na naman
ni Basilio ang kapighatiang dinanas ng kanyang ina, kapatid, at ni Juli.
Namayani ang kanyang kabutihang loob at ninais na iligtas ang mga nasa bahay ngunit siya’y hinadlangan ng mga tanod dahil sa marusing
niyang anyo. Namutla si Simoun nang makita si Basilio na iniwan ng tanod-pinto upang magpugay sa kanya. Ang mukha niya’y tila nagsasabi
na tumuloy sa sasakyan at nag-utos na, “Sa Eskolta. Matulin!” Mabilis na lumayo si Basilio ngunit may nakita siyang lalaki na nakatanaw sa
bahay. Si Isagani pala iyon kaya niyaya niya itong lumayo. Ipinaliwanag niya ang tungkol sa ilawan saka hinila si Isagani. Ngunit mabilis na
nagpasya ang binata ng makitang nagpupuntahan na sa kainan ang mga bisita. Naisip niya na kasamang sasabog sa bahay si Paulita.

Sa loob ng bahay ay may nakita ang mga nagpipiging na isang kaputol na papel na ganito ang nakasulat.

MANE THACEL PHARES JUAN CRISOSTOMO IBARRA

Ani Don Custodio ay isang biro lamang iyon dahil matagal nang patay si Crisostomo Ibarra. Ngunit ng Makita ni Padre Salvi ang papel at ang
nakasulat doon ay namutla ito.

Lagda daw iyon ni Ibarra kaya napahilig siya sa sandigan ng silya saka nanlambot sa takot. Magpapatawag sana ng mga kawal ang Kapitan
Heneral ngunit ng walang makita kundi mga utusan na hindi niya naman kilala ay sinabi na lamang nito na magpatuloy sa pagkain at ‘wag
intindihin ang ganoong klaseng pagbibiro.
Ngunit ang Heneral ay nagkunwari lamang na hindi takot kahit pa ang lahat sa loob ng bahay ay takot na takot sa nasaksihan. Maya-maya’y
nagsalita si Don Custodio. Sa wari daw niya’y ang kahulugan ng sulat ay papatayin silang lahat noong gabing iyon. Hindi sila lahat nakakibo.
May nagsabi na baka lasunin sila kaya binitawan ang mga hawak na kubyertos. Siya namang paglabo ng ilawan. Anang Kapitan Heneral kay
Padre Irene ay itaas nito ang mitsa ng ilawan. Bigla namang may mabilis na pumasok, tinabig ang utusang humadlang dito, saka kinuha ang
ilawan, itinakbo sa asotea, at itinapon sa ilog. May nagsabing magnanakaw daw iyon at may nanghingi pa ng rebolber. Ang anino naman na
kumuha sa ilawan at tumalon rin sa ilog.

Kabanata 36 – Mga Kapighatian ni Ben Zayb

Matapos malaman ang pangyayari ay patakbong nagtungo si Ben Zayb sa kanyang bahay. Mula
sa bahay ni Kapitan Tiyago ay umuwi si Ben Zayb sa kanila. Hindi siya natulog ng gabing iyon.
Nagtiis siyang iwan ang hapunan at sayawan. Sa kanyang pagsusulat ay tila gumagawa si Ben
Zayb ng panibagong istorya. Ayon sa kanyang pagkakasalaysay, ang Heneral ay naging bayani,
ang pagsuot ni Padre Irene sa ilalalim ng mesa ay naging udyok ng katapangan dahil ginawa
niya ito sa patatangkang paghuli sa nagkasala.

Kay Don Custodio naman ay inalala ang katalinuhan at paglalakbay, samantalang ang
pagkahimatay ni Padre Salvi ay gawa umano ng malaking dalamhati ng mabait na Pransiskano.
Ngunit matapos niyang isulat ng lahat ng iyon ay ibinalik sa kanya ng patnugon ng pahayagan ang kanyang sinulat. Ipinagbawal pala ng Kapitan
Heneral ang pagbanggit sa nangyari nang gabing iyon. May balita naman mula sa Pasig na nilusob daw ng maraming tulisan ang bahay-
pahingahan ng mga prayle at nakatangay ng may dalawang libong piso. Malubha umano ang prayle at dalawang utusan nito. Muli na namang
umandar ang imahinasyon ni Ben Zayb. Gagawin daw niyang bayani ang isang kura na sa pagtatangol ay nagkasira-sira ang isang silyang
ginamit laban sa mga tulisan.

Agad siyang nagtungo sa Pasig at doon ay natagpuan niyang sugatan si Padre Camorra. May isang maliit na sugat sa kamay at may pasa sa ulo
ang pari. Tatlo diumano ang mga magnanakaw na may dalang gulok at limampung piso ang nanakaw. Ayon kay Ben Zayb ay hindi tama ang
salaysay ni Padre Camorra. Kailangan daw gawing marami ang mga tulisan.
Samantala, may nadakip sa mga tulisan. Pinaamin ito at sinabing sila raw ay inanyayahang sumama sa pangkat nina Matanglawin upang
sumalakay sa kumbento at mga bahay ng mayayaman. Isang Kastila na mataas, kayumanggi, puti ang buhok at ang pasabi ay kumikilos sa utos
ng Kapitan Heneral na kaibigan niyang matalik ang diumano’y mangunguna sa kanila. Katulong pa raw nila ang mga artilyero kaya wala raw
dapat ikatakot. Ang hudyat pa nga daw ay isang malakas na putok ngunit dahil walang putok na narinig ay inakala nilang nilinlang sila ng
kanilang tagapanguna. Ang ilan daw sa kanilang mga kasama ay nagsibalikan na sa bundok. Binalak nilang maghiganti sa umano’y Kastilang
makalawa beses na umanong lumoko sa kanila. Kaya naman ang tatlong tulisan ay nagpasyang manloob. Ayaw paniwalaan ang tulisan sa
kanyang paglalarawan na si Simoun ang kanilang pinuno. Si Simoun naman ay hindi matagpuan sa kanyang bahay. Marami silang nakitang bala
at pulbura doon.

Samantala, si Don Custodio ay naghanda ng habla laban sa mag-aalahas. Mabilis na kumalat ang balita tungkol kay Simoun. Maraming tao ang
‘di makapaniwala sa kanilang nabalita.

Kabanata 37 – Ang Hiwagaan

Sa kabila ng pagpipigil sa balita sa mga kaganapan noong gabi sa piging ay nalaman pa rin ito ng madla. Naging usap-usapan ito ng lahat ngunit
palihim nga lamang. Ang payat na platerong si Chikoy ay nagdala kasi ng hikaw kay Paulita. Tinatanggal na noon ang mga palamuti at sa mga
hapag sa bahay ni Kapitan Tiyago at nakita niya mismo ang maraming supot na pulbura sa ilalim ng mesa, sa silong, sa bubungan, at sa likod ng
mga upuan.

Ayon daw kay Ginoong Pasta ay iisa ang maaring gumawa ng gayon. Maaring isang kaaway ni Don Timoteo o kaagaw ni Juanito kay Paulita.
Binalaan agad ng may-ari ng bahay na si Kapitan Loleng kung saan nanunuluyan si Isagani na magtago ito. Ngunit ngumiti lamang ang binata.

Ipinagpatuloy ni Chikoy ang pagbabalita. Aniya, dumating daw ang mga sibil ngunit wala namang mapagbintangan. Si Don Timoteo lamang
daw at si Simoun ang nangasiwa sa pag-aayos ng bahay na pinagdausan ng piging.
Pinaalis daw ang lahat ng mga ‘di kailangan sa imbestigasyon.
Natakot ang mga babaeng nakikinig sa ibinalita ni Chikoy. Hinulaan
nila kung sino ang may kagagawan ng lahat.

May nagsabing ang mga prayle daw. Ang iba ay si Quiroga daw, o
kaya ay ang mga mag-aaral. Baka daw si Makaraig. At tumingin si
Kapitan Toringgoy kay Isagani. Ang sabi ni Chikoy, ayon daw sa
ilang kawani ay si Simoun ang may kagagawan noon. Kaya naman
nagtaka ang lahat.

Biglang naalala ni Momoy, isa sa mga dumalo sa piging, ang pag-alis ni Simoun bago magsimula ang hapunan. Ang sabi naman ni Chikoy ay
nawawala daw si Simoun at kasalukukang pinaghahahanap ng mga sibil. Lalong nabuo sa isip ng mga kababaihan ang pagiging demonyo ni
Simoun na nagkatawan umanong tao. Dagdag pa ni Chikoy, iniisip umano ng mga may kapangyarihan na ang ilawan ang siyang magpapasiklab
sa pulbura na nasa buong kabahayan.

Biglang natakot si Momoy ngunit nang makita ang kasintahan na si Siensa na nakatingin sa kanya ay nagtapang-tapangan ito. Makaraan ng ilang
sandali ay nagpaalam na si Isagani at umalis. Hindi na ito kaylan man bumalik pa sa kanyang amain.

Kabanata 38 – Kasawiang-palad

Kinuha ng Pamahalaan ang lahat ng pinaghinalaang tulisan para maitago ang kanilang kahinaan. Matapos ang pagsalakay ni Kabesang Tales ay
anim o pitong mga magsasaka ang dinakip ng mga sibil saka pinalakad sa init ng araw.

Sampu o labindalawang mga gwardia sibil naman na mga Pilipino ang nang- aabuso
sa mga bilanggo at pilit na pinapaamin na sila ang mga tulisan. Abot-siko at kabit-
kabit ang gapos ng mga ito na inilakad nang tanghaling tapat sa kainitan ng Mayo na
walang sombrero at panyapak.
Kapag may natumba at mabagal ang paglakad ng mga bilanggo ay binugbog sila at
pilit na pinapatayo. Nilalait pa ng ilang sibil ang mga bihag. Ayon kay Mautang, isa
sa mga Pilipinong sibil, may karapatan silang abusuhin ang mga bilanggo dahil magkapareho lang ang kanilang nasyonalidad. May ilang mga
tulisan na lumusob sa kanilang paglalakbay at sinimulan ang pagpalitan ng putok. Namatay si Mautang at ilang mga gwardiya sibil.

May isang tao na nakatayo sa itaas ng bundok na iwinawasiwas ang baril. Inutusan ng kabo si Carolino na barilin iyon. Mukhang kilala ni
Carolino kung sino ang taong nasa bundok ngunit hindi niya masyadong maaninagan dahil sa init ng araw. Nang tingnan niya ang mga
nakahandusay, nakita niya sa mga iyon ang kanyang lolo Selo. Nakatingin ito kay Carolino habang nakaturo ang daliri sa likod ng talampas.
Namutla si Carolino. Hindi niya inaasahang siya ang makakapatay sa kanyang ingkong.

Kabanata 39 – Katapusang Kabanata

Si Padre Florentino ay malungkot na tumugtog ng kanyang armonyum. Umalis si Don Tiburcio


de Espadaña sa pag-aakalang siya ang Kastilang tinutukoy sa telegrama na darakpin daw sa
gabing iyon. Akala niya’y natunton na siya ni Donya Victorina na kanyang asawa.

Isang telegrama ang pinabasa ng tenyente ng guwardiya sibil sa bayan kay Padre Florentino.
Anang telegram, “Espanyol escondido casa Padre Florentino cojera remitara vivo muerte”.

Si Simoun talaga ang tinutukoy sa telegrama. Sugatang dumating sa bayan nina Padre Florentino si Simoun may dalawang araw na ang
nakararaan. ‘Di na siya inusisa ng pari. Walang alam ang pari tungkol sa mga kaganapan noong gabi ng piging sa Maynila.

Ang akala ng pari ay kaya sugatan si Simoun sapagkat may naghiganti dito sa kadahilanang wala na ang Kapitan Heneral. Ngunit paliwanag ni
Simoun ay nagkasugat lamang siya dahil sa kawalan ng pag-iingat.

Nang matanggap ng pari ang telegrama ay naghinala ito na si Simoun ay tumakas sa mga kawal na tumutugis sa kanya sa Maynila.
Si Simoun naman ay ayaw magpagamot sa ospital ngunit pumayag na mag- paalaga kay Dr. De Espadaña. Malubha ang sugat na natamo ni
Simoun. Itinigil ni Padre Florentino ang pagtugtog at inisip ang kahulugan ng pakutyang ngiti ni Simoun nang mabatid nito ang tungkol sa
telegrama at sa ikawalo ng gabi ang dating mga darakip. Sa isip ng pari ay taong palalo daw si Simoun na dati’y makapangyarihan ngunit
ngayon ay kahabag-habag.
Inisip din niya kung bakit sa kanya na isang paring Pilipino ninais ni Simoun na mamalagi at magtago gayong dati’y napakababa ng tingin sa
kanya nito. ‘Di kasi pinansin noon ni Simoun ang pakisuyo ng pari na tulungang makalaya si Isagani sa kulungan dalawang buwan na ang
nakararaan.

Ikinalungkot din ni Isagani ang pagkakadali ng kasal ni Paulita at Juanito sa tulong ni Simoun. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito maging ang
pagtulong ni Padre Florentino kay Simoun ay tila ba walang pagnanasang mailigtas ni Simoun ang sarili. Pumasok ang pari sa silid ni Simoun at
tila wala na ang mapangutyang anyo sa mukha nito. Uminom pala ng lason si Simoun at wari’y tinitiis ang sakit na dulot nito.Tinangka pa ng
pari na ihanap ng lunas si Simoun ngunit tumanggi na ito. Nagdasal ang pari at pagkatapos ay buong kabanalang kanyang inilapit ang isang
silyon sa maysakit, at tumalagang makinig. Dito na ipinagtapat ni Simoun ang tunay niyang katauhan. Halos nasindak ang pari. Malungkot na
ngumiti ang maysakit. Tinakpan ng pari ng panyo ang mukha at tumungo upang makinig. Isinalaysay ni Simoun ang kanyang buhay.

Labintatlong taon siyang tumigil sa Europa upang mag-aral saka bumalik sa Pilipinas na puno ng pangarap at pag-asa. Napatawad na niya noon
ang mga nagkasala sa kanyang ama at piniling mabuhay ng tahimik at mapayapa. Ngunit isang kaguluhan ang dumating sa kanyang buhay at sa
isang iglap ay nawala sa kanya ang kanyang pangalan, yaman, pag-ibig, kinabukasan, at kalayaan. Naligtas lamang siya sa kamatayan sa tulong
ng isang kaibigan. Tinangka daw niyang maghiganti. Nagpunta siya sa ibang bansa dala ang bahagi ng kayamanan ng kanyang magulang at
siya’y nangangalakal. Sumali daw siya sa himagsikan sa Kuba. Nakilala niya roon ang Kapitan Heneral na noon ay Kumandante pa lamang.
Pinautang siya at naging matalik na kaibigan dahil sa kawalang hiyaan ng kapitan na siya lang ang nakaaalam. Sa tulong umano ng salapi ay
nakuha niyang maging kaibigan ang Kapitan Heneral at naging sunud-sunuran pa sa kanya. Marami pang pagtatapat na sinabi si Simoun na
inabot na ng gabi nang matapos. Saglit na nanahimik at inihingi ng tawad ng pari ang mga pagkukulang ni Simoun. Hiniling din ng pari na
igalang ng mag-aalahas ang kalooban ng Diyos.

Makaraan ay nagtanong si Simoun kung bakit hindi siya tinulungan ng Diyos sa kanyang layunin. Ang sabi ng pari ay dahil masama ang
kanyang pamamaraan saka nagpaliwanag. Tinanggap ni Simoun ang mga sinabi ng pari. Inaming siya’y nagkamali at naitanong na dahil ba sa
pagkakamaling iyon ay ipagkakait na ng Diyos ang kalayaan ng isang bayan at ililigtas ang napakaraming higit pang salarin kaysa sa kanya?

Tumugon ang pari at sinabing ang matatapat at mababait ay nararapat na magtiis nang ang mga adhika nila ay makilala at lumaganap. Ang
nararapat na
gawin ay magtiis at gumawa.
Napailing lamang si Simoun. Madali lamang daw sabihin ang magtiis at gumawa sa mga taong hindi pa nakararanas ng ganoon. Natanong pa ni
Simoun na anong klaseng Diyos daw ang humingi ng ganoon kalaking pagpapasakit. Sinabi naman ng pari na ito raw ang isang Diyos na
makatarungan at nagpaparusa sa kakulangan ng tao ng pananalig at sa mga gawang masama. Dagdag pa niya,

“Pinabayaan natin ang kasamaan kaya’t katulong tayo sa paglikha nito. Ang kalayaan ay ‘di natin dapat tuklasin sa tulong ng patalim. Tuklasin
natin ito sa tulong ng nagpapataas ng uri ng katwiran at karangalan ng tao. Gumawa tayo ng mabuti, tapat at marangal hanggang mamatay tayo
dahil sa kalayaan.”

Pinisil ni Simoun ang kamay ng pari. Naghari ang katahimikan. Dalawang pisil pa. Nagbuntong hininga si Simoun at higit na mahabang
katahimikan ang namayani.

Napabulong na lamang ang pari ng,

“Nasaan ang kabataang naglalaan ng magagandang sandali, ng kanilang mga pangarap at kasiglahan alang-alang sa ikabubuti ng kanilang
bayan? Saan naroon ang handang magpakamatay upang hugasan ng dugo ang napakaraming pagkakasala? Upang karapatdapat ang
pagpapakasakit ito’y kailangang malinis at busilak. Nasaan ang kabataang may lakas na tumanan na sa aming mga ugat, ng kalinisan ng diwa na
narumihan na sa amin, ng apoy ng sigla na patay na sa aming puso? O kabataan, kayo’y aming hinihintay!”

Naluha ang pari at binitawan ang kamay ni Simoun. May kumatok na utusang nagtanong kung magsisindi na ng ilawan. Hinipo niya si Simoun
at dahil sa liwanag ng lampara ay nabatid na ito ay patay na. Lumuhod at nanalangin si Padre Florentino.

Pagkaraan ay tinawag ng pari ang mga utusan, pinaluhod ang mga ito at pinagdasal. Umalis ang pari sa silid at kinuha ang takbang bakal ni
Simoun. Dinala niya ito sa talampas na laging inuupuan ni Isagani upang sisirin ng tingin ang kalaliman ng dagat.

Maya-maya’y inihagis ni Padre Florentino ang mga takba ng brilyante at alahas ni Simoun sa daga
Si Jose Rizal at ang Nasyonalismong Filipino—Bayani, Kabayanihan at Pambansang sagisag

Jose Rizal as Product Endorser

La Flor De Rizal Tobacco Label


MARKA RIZAL - Rizal Safety Matches Label by
Smoking Tobacco, Malolos Philippine Match Company, Ltd
BulacanLabel

RIZAL - Best Strawberry Drink,


RIZAL SOFT DRINKS Label - RIZAL
Iloilo RIZAL VINEGAR Label by Rizal
COLA, Malolos Bulacan
Vinegar Factory, Iloilo City
Facts about Jose Rizal

Three animals named after Rizal


Apogonia Rizali (Small Beetle), Draco Rizali (flying Dragon) and rachoporous rizali (Toad).

Jose Rizal-Father of Philippine Comics

“The Baptism of two brothers” was made by Rizal to entertain childrens.

Rizal’s original execution photo features a dog, the mascot of the firing squad.
It is said that the dog ran around the corpse whining after a soldier fired one last shot
in Rizal's head to make sure he was dead.

According to Faustino “Tinong” Alfon, Rizals former cook in Dapitan, or national hero’s favorite
fruits were lanzones and mangoes.
MGA MONUMENTO NI JOSE RIZAL

DAET, CAMARINES NORTE

Ito ang kauna-unahang monumento ni Rizal.


 Ang disenyo nito ay gawa ni Antonio Sanz, isang Lieutenant Coronel ng revolutionary government
sa Bicol.
 Mayroon itong taas na 20 talampakan na ginawa noong 1898-1899.
 1961 (63 taon matapos itong ipatayo) lamang nang pormal na ideklara ito
bilang kauna-unahang monumento na itinayo para kay Dr. Jose Rizal ng National
Historical Committee.
LUNETA/RIZAL PARK
 Ito ay matatagpuan sa Roxas Boulevard, Ermita, Manila na kilala bilang
Bagumbayan noong panahon ng mga Kastila.
 Ang disenyo nito ay gawa ni Richard Kissling, isang Swiss sculptor na
nanalo sa ikalawang pwesto at nakatanggap ng P2,000.
CALAMBA, LAGUNA

 Ito ang pinakamalaking bantayog ni Rizal sa buong mundo.


 Ang disenyo nito ay gawa ni Jonas F. Roces, isang iskultor mula Marikina.
 Ang bantayog ni Rizal ay nakatirik sa loob ng anim na ektaryang ari-arian
at may taas na 6.9 metro, bukod pa rito ang 2.4 metrong kinatatayuang pedestal

CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY – NUEVA ECIJA


 Ang monumentong alay ng Central Luzon State University (CLSU) sa Science City of Muñoz, Nueva
Ecija kay Jose Protacio Rizal ay isa sa apat na natatanging monumento ng dakilang bayani na
nakabarong Tagalog.

CATBALOGAN CITY
 Likha ito ni Miguel Alcaza, matatagpuan sa Catbalogan Samar.
 Isa ito sa mga pinakakakaibang monumento ni Rizal dahil sa 3 hubad na
lalaki ang nakikitang bumubuhat sa kanyang katawan.
DAVAO CITY
 Ang bantayog na ito ay makikita 15 metro malapit sa Sangguniang
Panglunsod ng Davao at San Pedro Cathedral. Sa kanluran nito ay ang Quezon Park
at Davao City Hall.
DAPITAN, ZAMBOANGA DEL NORTE

 Pinasinayaan noong taong 2009, ang Rizal's Landing Site (Lugar na


Pinaglunsaran ni Rizal) ay isa sa maraming dambana sa Lungsod ng Dapitan na
inialay sa atin minamahal na pambansang bayani.
 Noong gabi ng Hulyo 12,1892 si Dr. Jose Rizal ay lumunsad sa Sta. Cruz,
Dapitan kasama ang mga hukbo at si Kapitan Delgras.
DIVISORIA,CAGAYAN DE ORO CITY
• Ang monumentong ito ay kilalang pasyalan sa Cagayan de Oro at ito rin ang
pinakamatandang monumento sa Mindanao.
• Ito ay pinasinayaan nong Hunyo 19,1917 ,anim na taon matapos maitatag
ang Freemasonry Maguindanao Lodge 40.
RIZAL STREET, ILOILO CITY
 Ito ay matatagpuan sa gitna ng Plaza Libertad sa Iloilo City, kung saan itinaas ang watawat ng Pilipinas matapos sumuko ang
mga sundalong Espanyol na pinamumunuan ni Gen Martin Delgado noong Disyembre 25, 1898.

 Sa kaliwang kamay ni Rizal ay hawak niya ang isang dokyumento at ang kanang kamay naman niya ay nakaturo sa tukoy na
direksyon. Sa gilid nito’y may nakadikit na mga plaka.

MGA MONUMENTO NI RIZAL SA IBANG BANSA

SINGAPORE
 Ang monumento ni Rizal sa Singapore ay nilikha ni Peter de
Guzman, mula sa orihinal na gawa ni Guillermo Tolentino
PERU

 Nakaukit sa bantayog na ito ang mga


katagang “Dr. Jose P. Rizal, Heroe Nacional de
Filipinas, Nacionalista, Reformador Political,
Escritor, Linguistica y Poeta, 1861-1896.”

MADRID, SPAIN

 Sikat na atraksyon sa Madrid ang monumento ni Rizal


partikular na sa mga turista.
 Pinangangalagaan ito ng Philippine Embassy sa Madrid, at taunang ginugunita rito
ang pagkapanganak, pagkamatay at iba pang pangkasaysayang pangyayari sa
pamamagitan ng pag-aalay ng bulaklak

HIBIYA PARK, TOKYO, JAPAN
 Isa sa mga pinakamasayang karanasan ni Rizal ang kanyang
paglalakbay sa Japan - Land of the Cherry Blossom sa loob ng 45 araw mula
Pebrero 28 to April 13, 1888.

HEIDELBERG, GERMANY

 Ang monumento ni Rizal sa Germany ay matatagpuan sa


Wilhelmsfeld, 25 kilometro mula sa Heildelberg.

HONOLULU, HAWAII
 Ang monumento ni Jose Rizal sa Hawaii ay likha ng eskultor na si
Carlo Ruiz na inihandog para sa College Walk Mall malapit sa North
Beretania at College Walk noong Disyembre 30, 1983.

SYDNEY, AUSTRALIA
 Ito ay matatagpuan sa Central Station sa Sydney Ibero-American
Plaza sa Australia
HOUSTON, TEXAS
 Ang monumento ni Rizal na yari sa tanso ay parte na ng koleksyon ng simula pa ng taong 2006.
 Ito ay likha ni Lorena Toritch na isang banyag na eskultor mula sa Young Fine Arts Studio sa
Salt Lake City, UT.

CZECH REPUBLIC
 Sina Jose Rizal at kanyang mabuting kaibigan na si
Maximo Viola at nanatili sa Leitmeritz simula May 13-17 1887 sa Hotel
Krebs.

ROME, ITALY
 Isang bago at mas malaking monumento ang itinayo sa
Rome, Italy noong June 19,2011 bilang paggunita sa 150th anibersaryo
ng kapakanakan ng bayani.

FUJIAN PROVINCE, CHINA

 Ang bantayog na ito ay sumisimbolo ng pagkakaibigan ng bansang China at


Pilipinas.
 Ayon sa Knights of Rizal, ito ang pinakamalaking monument ni Rizal sa labas ng Pilipinas.

ORLANDO, FLORIDA

• Ang monumentong ito ay matatagpuan sa Lungsod ng Orlando ipinkita sa mga Filipino-


American sa tulong ng Konseho ng organisasyong Filipino-American ng Central Florida.

• Ito ay nailikha noong Enero 13, 2001 sa pangunguna ng Mayor na si Glenda E. Hood.

JUNEAU, ALASKA

 Sa paglatag ng panibagong resolusyon ng lungsod,


ang Manila Square na matatagpuan sa Juneau, Alaska ay
pinasinayaan noong 2002 at naipatayo rin ang monumento ni Dr.
Jose Rizal, Ang Pambansang Bayani bilang karangalan sa mga
kontribusyon ng mga Pilipino sa Juneau.
MGA HUWARANG BAYANI NG PILIPINAS

Si Lapu-lapu ang kauna-unahang pinunong Pilipinong lumaban sa mga mananakop na Kastila.


Pinamumunuan ni Magallanes ang unang pangkat ng mga Kastilang nagtangkang sumakop sa kapuluan.
Nang dumating siya kasama ng kanyang mga sundalo sa pulo ng Mactan, magiting na ipinagtanggol ni
Lapulapu at ng kanyang mga tauhan ang kalayaan nila. Napatay si Magallanes sa labanang iyon kaya't
itinanghal na unang bayaning Pilipino si Lapu-lapu ng bansa.

Si Rizal ang pambansang bayani ng Pilipinas. Dalawang kilalang nobela ang sinulat niya -
ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Inilarawan niya sa dalawang nobelang ito ang kawalang-katarungan at
pagmamalupit ng mga Kastila sa mga Pilipino. Binigyang-diin din niya ang pag-ibig sa bayan at ang kinakailangang
kalayaan ng ating bansa. Hindi naibigan ng mga Kastila ang isinulat niya kaya't ikinulong siya at binaril sa
Bagumbayan. Rizal Park o Luneta na ang tawag ngayon sa Bagumbayan.Bata pa lamang si Rizal ay kinakitaan na
siya ng katalinuhan. Tatlong taong gilang pa lamang siya nang matutong bumasa. Kartilya ang kanyang unang aklat
na may mga alpabeto at dasal. Kinagigiliwan niyang makinig sa kanyang ina habang
tinuturuan nito ang kanyang mga kapatid

.Isang napakatalinong tao at may napakatibay na paninidigan si Apolinario Mabini. Kahit paralitiko siya, sumulat
siya ng isang sanaysay hinggil sa mga tungkulin ng mga mamamayan sa Diyos, sa bayan, at sa kanyang kapwa-
tao. naging tagapayo siya ni Heneral Emilio Aguinaldo noong panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano. Tinawag siyang Utak ng
Himagsikan.

Si Heneral Emilio Aguinaldo ang unang pangulo ng Unang Rebolusyonaryong Republika ng Pilipinas. Sa
kanyang tahanan unang itinaas ang bandila ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898. Ito ang araw nang
ipinahayag niya ang kalayaan ng Pilipinas mula sa España.

Si Andres Bonifacio ang nagtatag ng Katipunan. Ang Katipunan ay ang samahan ng


mga Katipunero. Ang mga Katipunero ay ang mga Pilipinong lumaban sa mga Kastila sa pamamagitan ng
sandata o himagsikan. Gusto nilang maging malaya ang mga Pilipino mula sa España.

Si Melchora Aquino ay kilala rin sa pangalang Tandang Sora. Tinulungan niya ang mga Katipunero.
Binigyan niya sila ng pagkain at tirahan. Inalagaan pa niya ang mga may sakit at sugatang Katipunero. Isa iyang matapang na
Pilipino.
Libu-libo ang mga di-kilalang sundalong Pilipino. Inialay nila ang kanilang buhay sa pagsisilbi para
sa Inang Bayan at mga kababayan. Nagbuwis sila ng buhay dahil sa pagmamahal nila sa bansa. Ang
kanilang kagitingan ay idinambana sa mga puso ng lahat ng Pilipinong mapagmahal sa kalayaan

Sila ay ilan lamang sa mga bayaning Pilipino. Ipinagmamalaki ng mga Pilipino ang kanilang
kagitingan.
PAMBANSANG SAGISAG NG PILIPINAS

You might also like