You are on page 1of 17

Kabanata 1:

Isang Handaan
(Ang Buod ng “Noli Me Tangere”)
Isang marangyang salu-salo ang ipinag-anyaya ni Don Santiago de los Santos na higit na popular sa
taguring Kapitan Tiago. Ang handaan ay gagawin sa kanyang bahay na nasa daang Anluwage na
karatig ng Ilog-Binundok.
Ang paayaya ay madaling kumalat sa lahat ng sulok ng Maynila. Bawat isa ay gustong dumalo
sapagkat ang mayamang Kapitan ay kilala bilang isang mabuting tao, mapagbigay at laging bukas ang
palad sa mga nangangailangan. Dahil dito, ang iba ay nababalino kung ano ang isusuot at sasabihin
sa mismong araw ng handaan.

Nang gabing iyon dagsa ang mga panauhin na gaya ng dapat asahan. Puno ang bulwagan. Ang nag-
iistima sa mgta bisita ay si Tiya Isabel, isang matandang babae na pinsan ng may-bahay. Kabilang sa
mga bisita sina Tinyente ng guardia civil, Pari Sibyla, ang Kura paroko ng Binundok,
si Padre Damaso na madaldal at mahahayap ang mga salita at dalawang Paisano. Ang isa ay
kararating lamang sa Pilipinas.
Ang kararating na dayuhan ay nagtatanong tungkol sa mga asal ng mga
katutubong Pilipino. Ipinaliwanag niya na ang pagpunta niya sa bansa ay sarili niyang gastos. Ang
pakay ng kanyang paglalakbay ay upang magkaroon ng kabatiran tungkol sa lupain ng mga Indiyo.
Nagkaroon ng mainitang balitaktakan ng mabanggit ng dayuhan ang tungkol sa monopolyo ng
tabako. Nailabas ni Pari Damaso ang kanyang mapanlait na ugali. Nilibak niya ang mga
Indiyo. Ang tingin niya sa mga ito ay hamak at mababa. Lumitaw din sa usapan ang panlalait ng
mga Espanyol tungkol sa mga Pilipinonoong mga nakalipas na araw. Mapanlibak si Pari
Damaso. Kung kaya’t iniba ni Pari Sibyla ang usapan.

Napadako ang usapan tungkol sa pagkakalipat sa ibang bayan ni Padre Damaso pagkatapos ng
makapagsilbi sa loob ng 20 taon bilang kura paroko ng San Diego. Sinabi niya kahit na ang hari ay
hindi dapat manghimasok sa pagpaparusa ng simbahan sa mga erehe.

Pero, ito ay tinutulan ng Tinyente ng Guardia Civil sa pagsasabing may karapatan ang Kapitan
Heneral sapagkat ito ang kinatawan ng hari ng bansa.

Ipinaliwanag pa ng Yinyente ang dahilan ng pagkakalipat ni Pari Damaso. Ito, umano ang nag-utos
na hukayin at ilipat ang bangkay ng isang marangal na lalaki na napagbintangang isang erehe ng pari
dahil lamang sa hindi pangungumpisal.
Ang ginawa ay itinuturing na isang kabuktutan ng Kapitan Heneral. Kung kaya inutos nito ang
paglilipat sa ibang parokya ang paring Pransiskano bilang parusa. Nagpupuyos sa galit ang pari
kapag naaalala niya ang mga kasulatang nawaglit.

Iniwanan na ni Tinyente ang umpukan, pagkatapos nitong makapagpaliwanag. Sinikap ni Pari Sibyla
na pakalmahin ang loob ni Pari Damaso. Lumawig muli ang talakayan. Dumating ang ilan pang mga
bagong panauhin. Ilan sa mga ito ay ang mag-asawang sina Dr. de Espadaña at Donya Victorina.

Kabanata 2:
Si Crisostomo Ibarra
(Ang Buod ng “Noli Me Tangere”)
Dumating si Kapitan Tiyago at si Ibarra na luksang-luksa ang kasuotan. Binating lahat ni Kapitan
ang mga panauhin at humalik sa kamay ng mga pari na nakalimot na siya ay bendisyunan dahil sa
pagkabigla. Si Pari Damaso ay namutla ng makilala si Ibarra.
Ipinakilala ni Kapitan Tiyago si Ibarra sa pagsasabing ito ay anak ng kanyang kaibigang namatay at
kararating lamang niya buhat sa pitong taong pag-aaral sa Europa. Malusog ang pangangatawan
ni Ibarra, sa kanyang masayang mukha mababakas ang kagandahan ng ugali. Bagamat siya ay
kayumanggi, mahahalata rin sa pisikal na kaanyuan nito ang pagiging dugong Espanyol.
Tinangkang kamayan ni Ibarra si Pari Damaso sapagkat alam niyang ito ay kaibigang matalik ng
kanyang yumaong ama. Ngunit, ito ay hindi inamin ng Pari. Totoo, siya ang Kura sa bayan. Pero,
ikinaila niyang kaibigan niya ang ama ni Ibarra.

Napahiya si Ibarra at iniatras ang kamay. Dagling tinalikuran niya ang Pari at napaharap sa
Tinyenteng kanina pa namamasid sa kanila. Masayang nag-usap sina Tinyente
at Ibarra. Nagpapasalamat ang Tinyente sapagkat dumating ang binata ng walang anumang
masamang nangyari. Basag ang tinig ng Tinyente ng sabihin niya sa binata na nasa nito ay higit na
maging mapalad sa kanyang ama. Ayon sa Tinyente, ang ama ni Ibarra ay isang taong mabait. Ang
ganitong papuri ay pumawi sa masamang hinala ni Ibarra tungkol sa kahabag-habag na sinapit ng
kanyang ama.
Ang pasulyap ni Padre Damaso sa tinyente ay sapat na upang layuan niya ang binata. Naiwang mag-
isa si Ibarra sa bulwagan ng walang kakilala.
Tulad ng kaugaliang Aleman na natutuhan ni Ibarra buhat sa kanyang pag-aaral sa Europa, ipinakilala
niya ang kanyang sarili sa mga nanduruong kamukha niyang panauhin. Ang mga babae ay hindi
umimik sa kanya. Ang mga lalaki lamang ang nagpapakilala rin sa kanya. Nakilala niya ang isang
binata rin na tumigil sa pagsusulat.
Malapit ng tawagin ang mga panauhin para maghapunan, nang lumapit si Kapitan Tinong
kay Ibarra para kumbidahin sa isang pananghalian kinabukasan. Tumanggi sa anyaya ang binata
sapagkat nakatakda siyang magtungo sa San Diego sa araw na naturan.

Kabanata 3:
Ang Hapunan
(Ang Buod ng “Noli Me Tangere”)
Isa-isang nagtungo ang mga panauhin sa harap ng hapagkainan. Sa anyo ng kanilang mga mukha,
mahahalata ang kanilang pakiramdam. Siyang-siya si Pari Sybyla samantalang banas na banas naman
si Padre Damaso. Sinisikaran niya ang lahat ng madaanan hanggang sa masiko niya ang isang
kadete. Hindi naman umiimik ang Tinyente. Ang ibang bisita naman ay magiliw na nag-uusap at
pinupuri ang masarap na handa ni Kapitan Tiyago. Nainis naman si Donya Victorina sa Tinyente
sapagkat natapakan ang kola ng kanyang saya habang tinitignan nito ang pagkakulot ng kanyang
buhok.
Sa may kabisera umupo si Ibarra. Ang magkabilang dulo naman ay pinagtatalunan ng dalawang pari
kung sino sa kanila ang dapat na lumikmo roon.
Sa tingin ni Pari Sibyla, si Pari Damaso ang dapat umupo roon dahil siya ang padre kumpesor ng
pamilya ni Kapitan Tiyago. Pero, si Pari Sibyla naman ang iginigiit ng Paring Pransiskano. Si Sibyla
ang kura sa lugar na iyon, kung kaya’t siya ang karapat-dapat na umupo.

Anyong uupo na si Sibyla, napansin niya ang tinyente at nagkunwang iaalok ang upuan. Pero,
tumanggi ang Tinyente sapagkat umiiwas siyang mapagitnaan nang dalawang pari.

Sa mga panauhin, tanging si Ibarra lamang ang nakaisip na anyayahan si Kapitan Tiyago. Pero,
kagaya ng may karaniwang may pahanda, magalang na tumanggi ang Kapitan sabay sabing huwag
mo akong alalahanin.
Sinimulan ng idulot ang pagkain. Naragdagan ang pagpupuyos ng damdamin ni Pari Damaso nang
ihain ang Tinola. Paano puro upo, leeg at pakpak ng manok ang napunta sa kanya. Ang kay Ibarra ay
puro masasarap na bahagi ng tinola. Hindi alam ng pari, sadyang ipinaluto ng Kapitan ang manok
para kay Ibarra.
Habang kumakain, nakipag-usap si Ibarra sa mga ibang panauhin na malapit sa kinaroroonan
niya. Batay sa sagot ng binata sa tanong ni Laruja, siya ay mayroon ding pitong taong nawala sa
Pilipinas. Bagamat, wala siya sa bansa, hindi niya nakakalimutan ang kanyang bayan. At sa halip,
siya ang nakalimutan ng bayan sapagkat ni wala man lang isang taong nakapagbalita tungkol sa
masaklap na sinapit ng kanyang ama. Dahil sa pahayag na ito ni Ibarra, nagtumibay ang paniniwala
ng tinyente na talagang walang alam ang binata sa tunay na dahilan ng pagkamatay ng kanyang
amang si Don Rafael.
Tinanong ni Donya Victorina si Ibarra na bakit hindi man lang ito nagpadala ng hatid-kawad, na
kagaya ng ginawa ni Don Tiburcio nang sila ay magtaling-puso.

Nasa ibang bayan ako nitong mga huling dalawang taon, tugon naman ni Ibarra.
Nalaman ng mga kausap ni Ibarra na marami ng bansa ang napuntahan nito at marami ng wika ang
kanyang alam. Ang katutubong wikang natutuhan niya sa mga bansang pinupuntahan niya ang
ginagamit niya sa pakikipagtalastasan. Bukod sa wika, pinag-aaralan din niya ang kasaysayan ng
bansang kanyang pinupuntahan partikular na ang tungkol sa Exodo o hinay-hinay na pagbabago sa
kaunlaran.

Kabanata 4:
Erehe at Pilibustero
(Ang Buod ng “Noli Me Tangere”)
Naglakad na si Ibarra na hindi batid ang destinasyon. Nakarating siya hanggang sa may Liwasan ng
Binundok . Sa maraming taong pagkakawala niya sa bayan,wala pa ring pagbabago sa kanyang
dinatnan. Sa paggala-gala ng kanyang paningin, naramdaman niyang may dumantay na kamay sa
kanyang balikat. Si Tinyente Guevarra, na sumunod sa kanya upang paalalahanan na mag-ingat din
sapagkat nangangamba siyang baka matulad siya (Ibarra) sa sinapit ng kanyang ama. Nakiusap
si Ibarra na isalaysay ng Tinyente ang tungkol sa buhay ng kanyang ama sapagkat tunay na wala
siyang nalalaman dito.
Sinabi ni Ibarra na sumulat and kanyang ama sa kanya may isang taon na ang nakakalipas. Nagbilin
si Don Rafael (ama ni Ibarra) na huwag nitong ikagugulat kung sakali mang hindi siya makasulat
sapagkat lubha siyang abala sa kanyang mga gawain.
Ganito ang salaysay ng Tinyente: Si Don Rafael ay siyang pinakamayaman sa buong
lalawigan. Bagamat siya ay iginagalang, may ilan din namang naiinggit. Ang mga nuno nila ay mga
Kastila. Ang mga Kastila dahil sa kasawian ay hindi gumagawa ng mga nararapat. Ang masasama sa
Espanya ay nakakarating sa Pilipinas. Si Don Rafael ay maraming mga kagalit na mga Kastila at
pari. Ilang buwan pa lamang nakakaalis sa Pilpinas si Ibarra, si Don Rafael at Pari Damaso ay
nagkasira. Diumano, di nangungumpisal si Don Rafael.

Nabilanggo si Don Rafael dahil sa pagkakaroon ng mga lihim na kaaway. Pinagbintangan pa siya
ang pumatay sa isang mangmang at malupit na artilyerong naniningil ng buwis ng mga
sasakyan. Pero hindi naman totoo.

Isang araw may isang grupo ng mga bata na sinigawan ang Artilyero ng ba be bi bo bu na labis na
ikinagalit nito. Pinukol ng kanyang tungkod ng Artilyero ang mga bata. Isa ang sinampalad na
tinamaan at nabuwal. Pinagsisipa niya ito. Napatiyempo namang nagdaraan si
Don Rafael. Kinagalitan niya ang Artilyero. Pero, ito ay lalong nagpuyos sa galit at si Don Rafel ang
kanyang hinarap. Walang nagawa si Don Rafael kung hindi ipagtanggol ang sarili.
Sa hindi malamang dahilan, bigla na lamang sumuray-suray ang artilyero at dahan-dahang
nabuwal. Terible ang kanyang pagkakabuwal sapagkat ang kanyang ulo ay tumama sa isang tipak na
bato. Nagduduwal ito at hindi nagkamalay hanggang sa tuluyang mapugto ang hininga.

Dahil dito, nabilanggo di Don Rafael. Pinagbintangan siyang erehe at pilibustero. Masakit sa kanya
ang ganito sapagkat iyon ang itinuturing na pinakamabigat na parusa.

Pero, lalong nadagdagan ang bigat sa kanyang dibdib. Pinaratangan din siyang nagbabasa ng mga
ipinagbabawal na aklat (El Correo de Ultramar) at diyaryo, nagtatago ng larawan ng paring binitay,
isinakdal sa salang pangangamkam ng lupain at nagbibigay ng tulong sa mga tulisan.
Gumawa siya (ang Tinyente) ng paraan para tulungan si Don Rafael at sumumpang ito ay marangal
na tao. Katunayan, siya ay kumuha ng isang abugadong Pilipino na si G.A. at G.M. Ito ay
pagkaraang lumitaw sa pagsusuri na ang ikinamatay ng artilyero ay nag pamumuo ng dugo sa ulo
nito.

Kabanata 5:
Pangarap sa Gabing Madilim
(Ang Buod ng “Noli Me Tangere”)
Sakay ng kalesa, dumating si Ibarra sa Fonda de Lala (ito ay isang uri ng panuluyan, na tinutuluyan
niya kapag siya ay nasa Maynila). Kaagad na nagtuloy si Ibarra sa kanyang silid at naupo sa isang
silyon. Sa sinapit ng ama, gulong-gulo ang isip nito. Maya-maya ginala ang paningin sa kalawakan ng
himpapawid.
Mula sa bintana, natanaw niya ang isang maliwanag na bahay sa kabila ng ilog. Naririnig niya ang
kalansing ng mga kubyertos at pinggan. Dinig din niya ang tugtugin ng orkestra.
Kung nagmasid lamang ng husto sa bahay na iyon si Ibarra, makikita niya kung sinu-sino ang
naroroon. May isang magandang binibini na nababalot ng manipis na habi,may suot na diyamante at
ginto. Sa likuran naman may mga anghel, pastol at dalagang nag-aalay ng bulaklak. Ang mga
umpukan naman ng mga Kastila, Pilipino, pari, Intsik, militar ay nakatuon lahat sa kagandahan
ni Maria Clara. Giliw na giliw silang nakatingin sa dalaga, maliban sa isang batang Pransiskano na
payat at putlain. Iba ang kanyang nadarama. Si Pari Sibyla ay siyang-siya sa pakikipag-usap sa mga
dilag samantalang si Donya Victoria ay matiyagang inaayos ang buhok ng dalagang hinahangaan ng
lahat.
Dahil sa pagal ang isip at katawan ni Ibarra sa paglalim ng gabi, madali siyang nakatulog at nagising
kinabukasan na. Ang tanging hindi inabot ng antok ay ang batang Pransiskano.

Kabanata 7:
Suyuan sa Asotea
(Ang Buod ng “Noli Me Tangere”)
Kinabukasan, maagang maaga pa ay nagsimba na sina Maria at Tiya Isabel. Pagkatapos ng misa,
nagyayang umuwi na si Maria.
Pagkaagahan ay nanahi si Maria upang hindi mainip sa paghihintay. Si Isabel ay nagwalis ng mga
kalat ng sinundang gabi. Si Kapitan Tiyago ay binuklat naman ang mga itinatagong
kasulatan. Sumasasal sa kabaang dibdib ni Maria tuwing may nagdaraang mga sasakyan. Sapagkat
medyo namumuutla siya, ipinayo ni Kapitan Tiyago na magbakasyon siya sa Malabon o sa San Diego.
Iminungkahi ni Isabel na sa San Diego na gagawin ang bakasyon sapagkat bukod sa malaki ang bahay
roon ay malapit na ring ganapin ang pista.

Tinagubilin ni Kapitan Tiyago si Maria na sa pagkukuha ng kanyang mga damit ay magpaalam na siya
sa mga kaibigan sapagkat hindi na siya babalik sa Beateryo.

Nanlamig at biglang nabitawan ni Maria ang tinatahi ng may biglang tumigil na sasakyan sa kanilang
tapat. Nang maulinigan niya ang boses ni Ibarra, karakang pumasok sa silid si Maria. Tinulungan siya
ni Tiya Isabel na mag-ayos ng sarili bago harapin si Ibarra.

Pumasok na sa bulwagan ang dalawa. Nagtama ang kanilang paningin. Ang pagkakatama ng kanilang
paningin ay nagdulot ng kaligayahan sa kanilang puso.

Pamayamaya, lumapit sila sa asotea upang iwasan ang alikabok na nililikha ni Isabel. Tinanong Maria
si Ibarra, kung hindi siya nalimutan nito sa pangingibang bansa dahil sa maraming
magagandang dalaga roon. Sinabi ni Ibarra na siya ay hindi nakakalimot. Katunayan anya, si Maria ay
laging nasa kanyang alaala.
Binigyan diin pa ni Ibarra ang isinumpa niya sa harap ng bangkay ng ina na wala siyang iibigin at
paliligayahin kundi si Maria lamang. Si Maria man, anya, ay hindi nakakalimot kahit na pinayuhan
siya ng kanyang padre kompesor na limutin na niya si Ibarra.

Binigkas pa ni Maria ang kanilang kamusmusan, ang kanilang paglalaro, pagtatampuhan at muling
pagbabati, at pagkapatawa ni Maria ng tawaging mangmang ng kanyang ina si Ibarra. Dahil dito si
Ibarra ay nagtampo kay Maria. Nawala lamang ang kanyang tampo nang lagyan ni Maria ng sambong
sa loob na kanyang sumbrero upang hindi maitiman.

Ang bagay na iyon ay ikinagalak ni Ibarra, kinuha niya sa kanyang kalupi ang isang papel at ipinakita
ang ilang tuyong dahon ng sambong na nangingitim na. Pero, mabango pa rin. Inilabas naman ni
Maria ang isang liham na ibinigay naman sa kanya ni Ibarra bago tumulak ito patungo sa ibang
bansa. Binasa ito ni Maria ng pantay mata upang di makita ang kanyang mukha.

Nakasaad sa sulat kung bakit nais ni Don Rafael na papag-aralin si Ibarra sa ibang bansa. Siya anya ay
isang lalaki at kailangan niyang matutuhan ang tungkol sa mga buhay-buhay upang mapaglingkuran
niya ang kanyang sinilangan. Na bagamat, matanda na si Don Rafael at kailangan ni Ibarra, siya ay
handang magtiis na ipaubaya ang pansariling interes alang-alang sa kapakanang pambayan.

Sa bahaging iyon ng sulat ay napatayo si Ibarra. Namutla siya. Napatigil sa pagbabasa si


Maria. Tinanong ni Maria ang binata. Sumagot siya Dahil sayo ay nalimutan ko ang aking
tungkulin. Kailangan na pala akong umuwi dahil bukas ay Undas na.
Kumuha ng ilang bulaklak si Maria at iniabot iyon kay ibarra. Pinagbilinan ni Kapitan Tiyago si Ibarra
na pakisabi kay Anding na ayusin nito ang bahay nila sa San Diego sapagkat magbabakasyon duon ang
mag-ale. Tumango si Ibarra at umalis na ito.

Pumasok sa silid si Maria at umiyak. Sinundan siya ni Kapitan Tiyago at inutusan na magtulos ng
dalawang kandila sa mga manlalakbay na sina San Roque at San Rafael.

Kabanata 9:
Mga Suliranin Tungkol sa Bayan
(Ang Buod ng “Noli Me Tangere”)
May isang karwaheng nakatigil sa tapat ng bahay ni Kapitan Tiyago. Ang nakasakay sa loob nito ay
si Tiya Isabel at hinihintay na lamang na sumakay si Maria. Tiyempong dumating si Pari Damaso at
tinanong ang mag-ale. Sinabi nilang kukunin ni Maria ang mga kagamitan nito sa Beaterio. Ang
ganito ay hindi minabuti ng pari, bubulong-bulong na nagtuloy siya sa bahay ni Tiyago. Ang
pagbulung-bulong ng pari ay inaakala ni Isabel na mayroon itong minimemoryang sermon.
Nahalata kaagad ni Kapitan Tiyago ang pagbabagong anyo ng Pari nang hindi nito iabot ang kamay
nang magtangka siyang magmano rito. Sinabi ng pari na kailangang mag-usap silang sarilinan ni
Kapitan Tiyago. Pumasok sila sa isang silid at isinarang mabuti ang pinto.

Sa kabilang dako, pagkaraang makapagmisa si Pari Sibyla, kaagad na nagtuloy siya sa kumbento ng
mga Dominiko sa Puerta de Isabel II. Dumiretso siya sa isang silid at tumambad sa kanyang paningin
ang anyo ng isang matandang paring may sakit. Siniglahan siya ng matinding pagkaawa
rito. Ikinuwento ni Pari Sibyla sa paring may-sakit ang tungkol sa naganap na
pagkakaalitan nina Pari Damaso at ni Ibarra. Ipinaliwanag ni Pari Sibyla na si Ibarra ay taong mabait
at mabuting tao. Ang dalawang pari ay nagpalitan ng mga kuru-kuro tungkol sa mayamang binata,
kay Maria Clara at kay Kapitan Tiyago. Sa kanilang pagsusuri, ang mga ito ay lubhang napakalaki ng
maitutulong sa ikasusulong ng kanilang korporasyon at kapatiran ng panahong iyon.
Sa paniniwala ng may sakit na pari, dahan-dahan ng nawawala ang kanilang mga kayamanan lalo na
sa Europa dahil sa pagtaas ng buwis na nagiging dahilan ng pagkawala ng kanilang mga ari-
arian. Hindi na nararapat, anya, ang pagtataas ng buwis sa kanilang mga lupain sapagkat
ang Pilipino ay natututo ng mamili ng lupa sa iba’t ibang lugar at lumilitaw na kasimbuti rin ng sa
kanila o higit pa.
Bago umalis si Pari Sibyla, naibalita rin niya na ang Tinyente ay hindi rin nagsumbong sa Kapitan-
Heneral at diumano, ito ay nakikiisa pa kay Pari Damaso. Pero, nalaman din ng kapitan ang buong
pangyayari. Ito ay naibalita ni Laruja sa isang pahayagan. Si Pari Damaso ay napalipat pa sa higit na
mabuting bayan.

Sa kabilang banda naman, natapos na rin ang masinsinang pag-uusap nina Kapitan Tiyago at Pari
Damaso. Sinisi ni Pari Damaso si Kapitan Tiyago dahil sa hindi nito pagtatapat. Binalaan pa niya
ang kapitan na kailanman ay huwag itong magsinungaling sa kanya sapagkat siya ang inaama ni
Maria Clara. Pag-alis ng Pari, kaagad na pinatay niya ang mga ipinatulos na dalawang kandila kay
Maria na patungkol para sa maluwalhating paglalakbay ni Ibarra patungong San Diego.

Kabanata X
Ang San Diego
Buod

Ang San Diego ay isang karaniwang bayan sa Pilipinas na nasa isang baybayin ng isang lawa at my
malalapad na bukirin at palayan. Karamihan sa nakatira rito ay mga magsasaka. Dahil sa kanilang
kamangmangan, ang mga inaaning produkto agrikultura ay naipagbibili nila ng murang-mura sa tsino.

Mula sa pinakamataas na bahagi ng simboryo ng simbahan, halos natatanaw ang kabuuan ng bayan. Sa
may itaas na bahagi, may kubo na sadyang itinayo. Gayunman, mapapansin sa pagtanaw sa kabuuan nito
ang isang tila pulong gubat na nasa gitna mismo ng kabukiran.

Kagaya pa ng ibang bayan sa Pilipinas, ang San Diego ay mayroong itinatagong alamat. May isa
umanong matandang kastila na dumating sa bayan. Ito ay matatas magsalita ng tagalog at nanlalalim ang
mga mata. Binili niya ang buong gubat. Ang mga pinambayad niya ay mga damit, alahas at salapi. Hindi
nagtagal ang matanda ay nawala.

Isang araw ang mga nagpapastol ng kalabaw ay nakaamoy ng masangsang na amoy. Hinanap nila ang
pinanggalingan ng amoy at nakita nila ang nabubulok na bangkay ng matanda na nakabitin sa isang puno
ng baliti.

Dahil sa pagkamatay ng matanda, lalo siyang kinatakutan sapagkat nung nabubuhay pa siya, takot na
takot sa kanya ang mga babae sa pagkat bahaw ang tinig nito, paimpit kung tumawa at malalalim ang mga
mata. Sinunog ng ilan ang damit na galing sa matanda at ang mga hiyas naman ay tinapon sa ilog.

Hindi nagtagal, isang batang mistisong kastila ang dumating at sinabing siya ang anak ng namatay. Ito ay
may pangalang Saturnino. Siya ay masipag at mapusok. Sininop niya ang gubat. Sa kalaunan, nakapag-
asawa siya ng isang babaeng taga-Maynila at nagkaroon ng anak na tinawag niyang Rafael o Don Rafael,
na siyang ama ni Crisostomo.

Si Don Rafael ay hindi malupit bagkus siya ay mabait. Ito ang dahilan kung bakit kinagiliwan siya ng
mga magsasaka. Napaunlad niya ang lugar, mula sa pagiging nayon. Ito ay naging bayan.

Nagkaroon ng isang kura Indiyo. Pero, nang namatay si Padre Damaso na ang pumalit at naging kura
pareho ng bayan.

Kabanata 11:
Ang mga Makapangyarihan
(Ang Buod ng “Noli Me Tangere”)
Bagamat Don Rafael, ang tawag sa ama ni Ibarra. Hindi siya ang kinikilalang
makapangyarihan kahit na siya ang pinakamayaman. Pero,siya ay iginagalang at halos lahat ng mga
tao ay mayroong pagkakautang sa kanya. Sa kabila ng kabusilakan ng kanyang damdamin, siya ay
kinalaban ng magkaroon ng usapin at ni wala pa ngang kumampi.
Si Kapitan Tiyago man, kahit na masalapi at sinasalubong ng banda ng musiko at hinahainan ng
masasarap na pagkain kapag nagpupunta sa bayan. Kapag siya ay nakatalikod, siya ay tinatawag na
Sakristan Tiyago.
Ang Kapitan sa bayan ay hindi rin kabilang sa mga tinatawag na casique o makapangyarihan. Ang
kanyang puwesto ay nabili niya sa halagang P5,000. Madalas siyang sabunin at kagalitan ng Alkalde
Mayor.

Ang San Diego ay maihahalintulad sa Roma at Italya sa mahigpit na pag-aagawan sa kapangyarihan


pamunuan ng bayan. Ang mga ito ay sina Pare Bemardo Salvi, isang payat at batang Pransiskano at
siyang pumalit kay Padre Damaso. Payat siya sapagkat mahilig siyang mag-ayuno. Kung
ihahambing siya kay Pari Damaso, siya ay mabait at maingat sa tungkulin. Si Pari Salvi at ang
Alperes at ang kanyang asawa na si Donya Consolacion, isang Pilipina na mahilig maglagay ng mga
kolorete sa mukha. Ang Alperes ang puno ng mga guwardiya sibil. Ang pagkakapangasawa niya ay
binubunton niya sa pamamagitan ng paglalasing, pag-uutos sa mga sundalo na magsanay sa init ng
araw o dili kaya ay sinasaktan ang kanyang eposa.
Bagama’t may hidwaan ang Alperes at Pari Salvi kapag sila ay nagkikita ay pareho silang
nagpaplastikan. Sila ay nagbabatian sa harap ng maraming tao at parang walang anumang
namamagitan di pagkakaunawaan. Pero, kapag hindi na magkaharap gumagawa sila ng kani-kanilang
mga paraan para makapaghiganti sa isa’t-isa.

Ang Alperes at Pari Salvi ang tunay na makapangyarihan sa San Diego. Ang tawag sa kanila ay mga
casique.

Kabanata 12:
Araw ng mga Patay
(Ang Buod ng “Noli Me Tangere”)
Ang sementeryo ng San Diego ay nasa kalagitnaan ng isang malawak na palayan at may bakod na
lumang pader at kawayan. Lubhang napakakipot ng daang patungo rito. Ito ay maalikabok kung tag-
araw at nagpuputik naman kung tag-ulan.
Mayroong isang malaking krus na nasa gitna ng libingan. Ito ay mayroong nakatungtong na bato at
nakatitik ang INRI sa isang kuping lata na niluma na ng panahon. Masukal ang kabuuan ng libingan.

Sa ibang bahagi ng libingan, may dalawang tao ang humuhukay ng paglilibingan na malapit sa pader
na parang babagsak na. Ang isa ay dating sepulturero at ang isa naman ay parang bago
sapagkat hindi siya mapakali, dura ng dura sa lupa at panay ang hitit ng sigarilyo.
Sinabi ng naninigarilyong lalaki sa sepulturero na lumipat na sila ng ibang lugar sapagkat sariwa at
dumudugo pa ang bangkay na kanyang hinuhukay. Hindi niya matagalan ang gayong
tanawin. Sumagot ang kausap na siya raw ay napakaselan at marahil kung siya ang nasa kanyang
kalagayan na ipinahukay ang isang bangkay na may 20 araw pa lang nalilibing sa gitna ng kadiliman
ng gabi, kasalukuyang bumubuhos ang malakas na ulan at namatay ang kanyang ilaw ay lalo siyang
mandidiri at kikilabutan ang buong katawan. Ang bangkay anya ay kailangang pasanin at ilibing sa
libingan ng mga Intsik.
Gayunman, dahil nga sa malakas ang buhos ng ulan at kabigatan ng bangkay, minarapat na lamang na
itapon niya ito sa lawa. Ito ay dahil sa utos ng malaking kura na si Padre Garrote.

Kabanata XX
Ang Pulong sa Tribunal

Buod

Ang tribunal ay isang malaking bulwagan na siyang pinagtitipunan at lugar na pulungan mga may
kapangyarihang mga tao sa bayan. Nang duting sina Ibarra at ang guro, nagsissimula na ang pagpupulong.
May dalawang pangkat na nakapaqligid sa mesa. Ito ay binuo ng dalawang lapian sa bayan. Ang
conserbador ay pangkat ng mga matatanda. Ang isa naman ay pangkat ng mga liberal na binubuo ng mga
kabataan. Ito ay pinamumunuan ni Don Felipo. Pinagtatalunan nila ang tungkol sa pagdaraos ng pista ng
San Diego. May labing isang araw na lamang ang nalalabi at pista na. Tinuligsa ni Don Felipo ang
tinyente mayor at kapitan dahil malabo pa ang mga paghahanda sa piyesta.

Kung saan-saan napunta ang kanilang pulong. Nagsalita pa si Kapitan Basilyo,isang mayaman na
nakalaban ni Don Rafael. Walang binesa at walang kawawaan ang talumpati niya. Dahil dito,isinahapag
ni Don Felipo ang isang mungkahi at talaan ng mga gastos. Ang mungkahi niya ay magtayo ng isang
malaking tanghalan sa liwasang bayan at magtanghal ng komedya sa loob ng isang linggong singkad.
Ang dulaan ay nagkakahalaga ng P160.00 samantalang ang komedya ay P1,400 na tig-P200. Bawat gabi.
Kailangan din ang mga paputok na paglalaanan ng P1,000. Binatikos si Don Felipo sa kanyang mga
mungkahi, kung kaya’t iniatras niya ang mga ito.

Sumunod na nagpananukala naman ay ang kabisa na siyang puno ng mga matatanda. Ang kanyang
mungkahi (1) tipirin ang pagdiriwang (2) walang paputok (3) ang magpapalabas ng komedya ay taga San
Diego at ang paksa ay sariling ugali upang maalis ang mga masamang ugali at kapintasan.

Nawalang saysay din ang panukala ng kabisa sapagkat ipinahayag ng kapitan na tapos na ang pasya na
kura na tungkol sa pista.Ang pasya ng kura ay ang pagdaraos ng anim na prusisyon, tatlong sermon,
tatlong misa mayor at komedya sa Tundo. Ito ang gusto ng kura, kaya sumang-ayon na lamang ang
dalawang pangkat.

Nagpaalam si Ibarra sa guro at ipinaalam na siya’y pupunta sa ulumbayan ng lalawigan upang lakarin ang
isang mahalagang bagay.
Kabanata XXIII
Ang Piknik

Buod

Madilim–dilim pa nagsigayak na ang mga na ang mga kabataan,kadalagahan at ilang matatandang babae na
patungo sa dalawang bangkay nakahinto sa pasigan. Ang mga kawaksing babae ay mayroong sunung-
sunong na mga bakol na kinalalagyan ng mga pagkain at pinggan. Ang mga bangka ay nagagayakan ng
mga bulaklak, mga iba,t-ibang kulay na kagaya ng gitara, alpa,akurdiyon at tambuli.

Si Maria Clara ay kaagapay ang mga matatalik nitong kaibigan na sina Iday, Victorina, Sinang at Neneng.
Habang naglalakad masaya silang nagkukuwentuhan at nagbibiruan. Paminsan-minsa ay binabawalan sila
ng mga matatandang babae sa pangunguna ni Tiya Isabel. Pero, sige pa rin ang kanilang kuwentuhan.

Nag-tigisang bangka ang mga dalaga sapagkat lulubog daw ang kanilang sinasakyan. Dahil dito,mabilis na
lumipat ang ilang kabinataan sa bangkang sinasakyan ng mga dalagang kanilang pinipintuho. Si Ibarra ay
napatabi kay Marai. Si albino ay kay Victoria. Natameme sa pagkakagulo ang mga dalaga .

Ang piloto o ang sumasagwan sa dalawang bangkang para umusad sa tubig ay isang binatang may matikas
na anyo,matipuno ang pangangatawan,maitim,mahaba ang buhok at siksik sa laman. Ito ay si Elias.

Habang hinihintay na maluto ang agahan. Si Maria ay umawit ng Kundiman. Balana ay hindi nakaimik.
Sinabi ni Andeng na nakahanda na ang sabaw para sa isisigang na isda.

Ang mga nagpipiknik ay nasa may baklad na ni Kapitan Tiyago. Ang magbibinatang anak ng isang
mangingisda ay namandaw sa baklad. Ngunit,kaliskis man ng isda ay walang nasalok.

Si Leon na katipan ni iday ang kumuha ng panalokm.Isinalok ito. Ngunit,wala ring nahuling isda. Sinabi na
ang kawalan ng isda sa lawa.sSgawan ang mga babae na baka mapahamak ito. Pero, pinayapa sila ng ilang
mga kalalakihan sa pagsasabing sanay si Elias na humuli ng buwaya.

Ilang saglit lang, nahuli na ni Elias ang buwaya. Pero higit na malakas ang buwaya, nagagapi si Elias. Dahil
dito, kumuha ng isang punyal si Ibarra at lumundag din sa lawa. Hindi hinimatay si Maria Clara sapagkat
ang mga ‘dalaga noon ay hindi marunong mahimatay.’

Biglang umalimbukay ang pulang tubig. Lumundag pa ang isang anak ng mangingisda na may tangang
gulok. Pamayamaya’y lumitaw sin a Ibarra at ang piloto o si Elias na dahil iniligtas siya ni Ibarra sa tiyak na
kapahamakan, utang niya ang kanyang buhay dito.

Natauhan mula sa pagkapatda si Maria ng lumapit sa kanya si Ibarra. Nagpatuloy ang mga magkakaibigan
sa pangingisda at nakahuli naman ng marami. Nagpatuloy sila sa gubat na pag-aari ni Ibarra. Nananghalian
sila sa lilim ng mayatabong na punong- kahoy na tumutunghay sa batisan.

Kabanata XXIV
Sa Kagubatan
Buod

Pagkatapos na makapagmisa ng maaga si Pari Salvi, nagtuloy ito sa kumbento upang kumain ng almusal.
May inabot na sulat ang kanyang kawaksi. Binasa niya ito. Kapagdaka’y nilamutak ang liham at hindi na
nag-almusal. Ipihanda niya ang kanyang kaerwahe at nagpahatid sa piknikan.

Sa may di – kalayuan, pinahinto niya ang karwahe. Pinabalik niya sa kumbento . Namaybay siya sa mga
latian hanggang sa maulinigan niya si Maria na naghahanap ng pugad ng gansa. Naniniwala ang mga
dalaga na sinuman ang makakita ng pugad upang masundan niya at makita parati si Ibarra nang hindi siya
makikita nito.

Tuwang-tuwa si Pari Salvi sa panood sa papalayong mga dalaga. Nais niyang sundan ang mga ito. Pero,
ipinasya niyang hanapin na lamang ang mga kasama nito. Nang punahin ng mga kasama nito tungkol sa
sa kanyang galos, sinabi niyang siya ay naligaw.

Pagkaraang makapananghali, napag-usapan nina Padre Salvi ang taong tumatampalasan kat Padre
Damaso na naging dahilan ng pagkakasakit nito. Kamala-mala, dumating si Sisa. Nakita siya ni Ibarra,
kaya kaagad na iniutos na pakainin ito. Ngunit, mabilis na tumalilis si Sisa.

Napunta ang usapan sa pagkawala nina Crispin at Basilio, mga sakristan ni Pari Salvi. Naging maigting
ang pagtatalo nina Pari Salvi tt Don Felipo sapagkat sinabi ng Don na higit pang mahalaga sa kura ang
paghahanap sa nawawalang onsa kaysa sa kanyang dalawang sakristan.

Namagitan na si Ibarra sapagakt magpapangana na ang dalawa. Sinabi niya sa mga kaharap na siya na ang
kukupkup kay Sisa. Kadagdaka’y nakiumpok na si Ibarra sa mga nagsisipaglarong biinata at dalaga na
naglalaro ng Gulong Ng Kapalaran. Nagtanong si Ibarra kung magtatagumpay siya sa kanyang balak.
Inihagis niya ang dais at binasa siya ang sagot na tumama sa: " Ang pangarap ay nanatiling pangarap
lamang." Ipinihayag niyang nagsisinungaling ang aklat ng Gulong ng Kapalaran.

Mula sa kanyang bulsa, inilabaas niya ang isang kapirasong sulat na nagsasaad na pinatibay na ang
kanyang balak na magtayo ng bahay-paaralan. Hinati ni Ibarra ang sulat, ang kalahati ay ibinigay kat
Maria at ang natitirang kalahati ay kay Sinang na nagtamo ng pinakamasamang sagot sa kanilang
paglalaro. At iniwanan na ni Ibarra sa pagalalaro ang mga kaibigan.

Dumating si ari Salvi. Walang sabi- sabing hinablot ang aklat at pinagpunit-punit ito. Malaking
Kasalanan, anya ang maniwala sa aklat sapagkat ang mga nilalaman nito’y pawang kasinungalingan.
Nabanas si Albino at sinabihan ang Kura na higit na malaking kasalanan ang pangahasan ang hindi kanya
at walang pahintulot sa pagmamay-ari nito. Hindi na tumugon ang kura at sa halip ay biglang tinalikuran
ang magkakaibigan at nagbalik na ito sa kumbento.

Sa darating naman ang apat na sibil at ang sarhento. Hinahanap nila si Elias na siya umanong
tumampalasan kay Padre Damaso. Inusig nila si Ibarra dahil sa pag-aanyaya at pagkupkop sa masamang
tao. Pero, tinugon sila ni Ibarra sa pagsasabing walang sinuman ang maaring makialam sa mga taong
kanyang inaanyayahan sa piging kahit na sinuman ang mga taong ito. Ginagulad ng mga sibil at sarhento
ang gubat upang hanapin si Elias na umano’y nagtapon din sa labak sa alperes. Ni bakas ni Elias ay wala
silang nakita.

Nagpasyang umalis na sa gubat ang mga dalaga at binat ng unti-unting lumalaganap ang dilim sa paligid.
Magtatakipsilim na.
Kabanata XXVI
Ang Bisperas ng Pista

Buod

Ika-10 ng Nobyembre angn bisperas ng pista sa bayan ng San Diego.Naging masigla sa paghahanda ang
kilusan sa lahat ng dako.Ang mga bintana ng bahay ay napapalamutian ng iba’t-ibang dekorasyon. May
nagpapaputok ng kuwitis at may nagtutugtugan ng mga banda ng musiko.

Sa bahay ng mga nakakariwasa,nakaayos ang minatamis na bungang kahoy,may nakahandang pagkain


,alka na binili pa sa Maynila na katulad ng hamon at ng relyenong pabo,serbesa,tsanpan at iba pang klase
ng alak na inangkat pa mula sa Europa.Ang mga pagkain ganito ay inuukol sa mga
banyaga,kaibiganokaaway,at sa mga Pilipino, mahirap man o mayamanupang masiyahan sila sa pista.

Ang mga ilawang globong kristal na minana pa sa kanilang mga kanununuan ay inilalabas dinkabilang na
ang kanyong binurdahan ng mga dalaga,belong

Ginansilyo ,alpombra,bulaklak na gawang kamay, banehang pilak na lalagyan ng tabako, sigarilyo,hitso


at nganga.Dahil sa sobrang kintab ng sahig ay pwewdeng ng makapanalamin.Puno ng kurtinang sutla ang
mga pinto at at pati ang mga santo at imahen ay nagagayakan din

Ang mga masasayang lugar ng San Diego ay tinayuan ng arkong kawayan. Naglagay naman ng malaking
tolda at mayroong tukod sa may paligid ng patyo ng simbahan. Ang tolda ay mayroong tukod na kawayan
upang makadan ang prusisyon. Sa liwasang bayan naman ay itinayo ang magandang tanghalan siyang
pagdarausan ng komedya ng mga taga-Tundo. Madalas na tinutogtug ang kampana kasdunod ang mga
putok ng mgha kuwitis at bomba.

Lahat-lahat ay mayroong limang banda ng musiko at tatlong oirkestra ang inihanda sa para sa
pagdiriwang ng pista. Sina Kapitan Tiyago at Kapitan Juaquin na may dalawang 18,000, ang intsik na si
Carlos na siyang naglalagay sa sugal na liam-po at mga mamamayan buhat pa sa Lipa,Tanauan,Batangas
at Sta.Cruz ang inaasahang na darating. Batay sa mga balita Si Padre Damaso ang magsesermon sa umaga
at magiging bangkero naman pasgdating ng gabi. Ang mag magbubukid at taga bundok ay naghahanda ng
manok,baboy bungangkahoy at mga gulay na dadalhin sa mayayamang may-ari na kanilang sinasaka.

Sa isang lugar naman na malapit sa bahay ni Ibarra, tinatapos ng mga trabahador ang katangang semento
na siyang pagtatayuan ng bahay paaralan. Si Nol Juan, ang nangangasiwa sa mga manggagawa. Habang
abala ang mga manggagawa,ipinaliliwanag ni Juan ang kanilang itatayo ay isang malaking paaralan. Ang
isang panig ay para sa mga lalakiat ang ikalawa naman ay para sa mga babae. Ang paaralan ay magiging
kauri ng mga modernong paaralan sa Alemenya. Batay sa planong ginawa ni Ginoong A, na siyang
arkitekto ,ang tagiliran ng eskwela ay tatamnan ng maraming puno at gulay, magkakaroon ng bodega at
piitan para sa mga batang tamad na mag-aral.

Sa proyekto ni Ibarra ay naghandog ng tulong ang mga mayayaman samantalang ang kura ay humiling na
siya angn gawing padrino at magbabasbas sa paglalagay ng unang batosa huling araw ng pista. Sa mga
pag-alok ng pagtulong ay tumanggi si Ibarra sapagkat hindi naman simabahan ang kanyang ipinagagawa.
Sasagutin niya ang klahat ng gastos.

Dahil dito,siya ay hinangaan ng mga binata at nag-aaral sa Maynila. Ginawa siyang huwaran, ngunit
karaniwan, ang atin lamang natutularan sa kanila ay maliliit na bagay na kanilang ginagawa at ang mga
kasiraan ay napupuna tulad ng ayos ng kurbata, tabas ng kuwelyong damit, bilang ng butones ngtsaleko o
amerikana. Nawala sa isipan ni Ibarra ang mga natatakot na hinala ni Mang Tasyo, at ito ay kanyang
nasasbi ngunit tinugon siya nng matanda sa isang aral ni Balagtas na "Kung ang isalubong sa iyong
pagdating may masayang mukha’t pakitang gilliw, lalong pag-ingata’t kaaway na lihim…siyang isaisip
na kakabakahin.

Kabanata XXIX
Ang Umaga

Buod

Maagang pumasiyo sa lasangan ang mga banda ng musiko. Nagising ang mga nututulog. Muling narining
ang tuong kampana at mga paputok.

Ang mga tao ay nagbihis na ng mga magara at ginamit ang mga hiyas na itinatago nila. Tanging si
Pilosopong Tasyo lamang ang hindi nagpalit ng bihisan. Binati siya ng tinyente mayor. Sumagot ang
Pilosopo na “Ang magsaya ay dinangangahulugan ng paggawa ng mga kabaliwan.” Ang pagsasaya, anya
pagtatapon ng pera at tumatakip sa karaingan ng lahat. Si Don Felipo at sumang-ayon sa pananaw na itoni
Tasyo subalitwala siyang magawa sa kagustuhan ng kapitan at ng kura.

Punong-puno ng tao ang patyo. Ang mga musiko ay walang tigil sa kalilibot. Binabatak naman ng mga
hermana mayor ang mga tao upang tumikim ng kanilang inihandang pagkain.

Dahil sa mga tanyang na tao, mga kastila at alkalde ang magsisimba ng araw na iyon, si Padre Damaso,
kaya nagpahiwatig siya na hindi makapagbibigay ng sermon kinabukasan. Pero, hindi siya natatanggi
sapagkat sinabi ng mga kasama niyang pari na walang ibang nakakaalamat nakapag-aral sa buhay ni San
Diego kundi tanging siya lamang. Dahil dito, siya ay ginagamot ng babaing nangangasiwa sa kumbento.

Siya ay pinahiram ng langis sa leeg atdibdib, binalot ito ng pranela at hinilot. Pagkaraan ay nag-almusal si
Padre Damaso ng ilang itlog na binati sa alak.

Eksaktong alas otso ng umaga, nang simula ang prisisyon. Ito ay dinaan sa ilalim ng tolda at inilawan ng
matatandang dalaga na kausap sa kapatiran ni San Francisco.
Naiiba ang prusisyon kaysa sa nagdaang araw sapagkat ang mga nagsisilaw ay nakaabitong ginggon. Sa
suot na abito ay kaagad na makikilala ang mayayaman at mahihirap.

Natatangi ang karo ni San Diego na sinusundan ng kay Francisco at ang Birheng de la Paz. Maayos ang
prusisyon, ang tanging nagbago lamang ay si Pari Salve ang nasa ilalim ng palyo sa halip na si Pari Silyla.
Ang prusisyon ay sinasabayan ng mga paputok ng kuwitis, awitin at tugtuging pangsimbahan.

Huminto ang karong sinusudan ng palyo sa tapat ng bahay nina Kapitan Tiyago. Nakadungaw sa bintana
ang alkalde, si Kapintan Tiyago., si Maria, si Ibarra at ilan pang kastila. SiPadre Salve ay hindi bumati sa
mga kakilala. Ito ay nagtaas lamang ng ulo mula sa kanyang matuwid na pagkakatayo.

Kabanata XXX
Sa Simbahan
Buod

Punong-puno ng tao ang simbahan. Bawat isa ay gustong makasawsaw sa agua bendita. Halos hindi na
humihinga ang mga tao sa loob ng simbahan. Ang sermon ay binayaran ng P250, ikatlong bahagi ng
ibinayad sa komedya na magatatanghal sa loob ng tatlong gabi. Naniniwala ang mga tao na kahit na
mahal ang bayad sa komedya, ang manonood dito ay mahuhulog sa impierno ang kaluluwa. Ang mga
nakikinig naman sa sermon ay tuloy-tuloy sa langit.

Habang hinihintay ang alkalde, walang tigil na nagpapaypay ng abaniko, sumbrero at panyo ang mga tao.
Nagsisigawan at nag-iiyakan naman ang mga bata. Ang iba ay ina-antok sa may tabi ng kumpisalan.

Ilang saglit lang dumating ang alkalde kasama ang kanyang mga tauhan. Ang suot niya ay
napapalamutian ng banda ni Carlos III at ng limang medalya sa dibdib. Inakala ng ilang tao na ang
alakalde ay osang sibil na nagsuot-komedyante.

Sinimulan ang pagmimisa ni Padre Damaso. Humandang makinig ang lahat. Ang pari ay
pinangungunahan ng dalawang sakristan sinusundan ng prayleng may hawak na kuwaderno. Pumanhik sa
pulpito si Pari Damaso at at Pari Sibyla. Pero, tanging palibak ang inukol niya kay Pari Martin, na ang
ibig sabihin ay higit na magaling ang isesermon niya kaysa kahapon.

Binalingan ni Padre Damaso ang kasamang prayle at pinabuksan ang kuwderno upang kumuha ng tala.

Kabanata XXXI
Ang Sermon

Buod

Pinatunayan ni Padre Damaso na kaya niyang magsermon sa wikang kastila at Tagalog. Ang pambungad
na sermon ay hinalaw sa Aklat II, Kabanata IX, Salaysay 20 mga salitang winika ng Diyos sa
pamamagitan ni Estres ng nagsasaad ng:Ibinigay mo sa kanila ang iyong mabuting espiritu upang silay’y
turuan, hindi mo inaalis sa kanilang bibig ang iyong tinig at binigyan mo sila ng tubig mapawi ang
kanilang pagkauhaw"

Humanga si Pari Sibyla sa pagkabigkas ni Padre Damaso at si Padre Martin ay napalunok ng laway dahil
sa alam niyang higit na maagaling ang pambungad na iyon sa kanyang sariling sermon.

Nagpugay ang ari sa mga nagsimba. Lumingon siya sa likod at itinuro ang pintong malaki. Inakala ng
sakristan yaon ay isang pagturo sa kanya upang isara ang lahat ng mga pintuan. Nagalinlangan anp
alperes, iniisip niyang tatayo at aalis na. Ngunit, hindi niya magawa sapagkat nagsisimula ng magsalita
ang predikador.

Sinabi ni pari Damaso na kanyang binitiwan ang mga pananalita ng diyos upang maging
kapakikapakinabang na tulad ng isang binhing umuusbong at lumalaki sa lupain ng banal na si francisco.
Hinikayat niya ang mga makasalanan na tularan ang mapagwaging si gideon, ang matapang na si David,
ang mapagtagumpay na si Roldan ng kakkristiyanuhan, ang guwardiya sibil ng langit.

Nakita ni ari Damaso na napakunot – noo ang alperes sa kanyang tinuran. Kung kaya’t sa malakas na
tinig, sinabi ni Damaso na "opo, ginoong Alperes, higit na matapang at makapangyarihan bgamat walang
armas kundi isang krus na kahoy lamang. Natatalo nila ang mga tulisan ng kadiliman at lahat ng kampon
ni Lucifer. Ang mga himalang likhang ito ay tulad ng paglikha kay diego de Alcala."

Ang mga bahaging ito ng sermon ay ipinahayag ni Pari damaso sa wikang Kastila, kaya hindi maiintiihan
ng mga Indiyo. Ang tanging naunawaan ng karamihan ay ang salitang guwardiya sibil, tulisan, San Diego
at San Francisco. Umasim din ang muha ng alperes, kaya inakala ng marami na pinagalitan siya ni Pari
Damaso dahil sa hindi pagkakahuli nito sa mga tulisan.

Nang mabanggit naman niya ang tungkol sa patente upang tukuyin ang pagwawalang – bahala ng mga tao
sa kasalanan, isang lalaki ang namumutlang tumindig at nagtago sa kumpiskalan. Nagbebenta kasi siya ng
alak at madalas na usigin siya ng mga karabinero dahil sa hinihingan siya ng patente.

Inaantok ang mga nakikinig. Si Kapitan Tiyago ay napahikab. Samantala, si Maria ay hindi nakikinig sa
sermon sapagkat abala siya sa pagtingin sa kinaroroonan ni Ibarra na malapit lamanng sa kanya. Nang
simulan na sa tagalog ang misa, ito ay tumagal ng tumagal. Lumilisya na si Padri Damaso sa sermon niya
sapagkat puro panunumbat, sumpa, at pagtutungayaw ang isinasumbulat niya. Dahil dito,pati si Ibarra ay
nabalisa lalo nang turulin ng pari ang tungkol sa makasalanang hindi nangungumpisal na namamatay sa
bilangguan na walang sakramento sa simbahan. Hindi rin nakaligtas sa pag-aglahi ng pari ang mga
mistisilyong hambog at mapagmataas, mga binatang salbahe at pilosopo...ang mga parinig na ito ay
nadadama ni Ibarra. Pero, nagsawalang kibo na lamang siya.

Naging kabagot-bagot na ang sermon, kung kaya nagpakuliling na si pari Salvi upang huminto na si
Damaso. Pero, sumabak pa rin sa pagsasalita ng may kalahating oras. Habang isinasagawa ang misa,
isang lalaki (ito ay si Elias) ang lumapit kay Ibarra at nagbabala tungkol sa gagawing pagdiriwang sa
paaralan. Kailangang maging maingat, anya si Ibarra sa pagbaba sa hukay at huwag lalapit sa bato
sapagkat maari siyang mamamatay. Nakilala ni Ibarra si Elias na kaagad namang umalis.

You might also like