You are on page 1of 165

Noli Me Tangere Kabanata 1 – Ang Pagtitipon

Sa gabing iyon ay nakatakdang ganapin ang marangyang handaan sa bahay ni


Don Santiago Delos Santos o mas kilala bilang si Kapitan Tiyago upang
magsilbing salubong sa isang binatang kagagaling lamang sa Europa. Hindi
naman iba sa kapitan ang binata dahil ito ay anak ng kanyang matalik na
kaibigan.

Ang bahay ni Kapitan Tiyago na matagpuan sa kalye Anluwage ay napuno ng mga


bisita. Isang malaking karangalan ang maging panauhin ng Kapitan. Si Kapitan
Tiyago ay kilala sa pagiging matulungin sa mga mahihirap at nabibilang sa
mataas na lipunan.

Ang pinsan ng Kapitan na si Tiya Isabel ang taga-istima ng mga bisita at ang mga
panauhing babae at lalake ay sadyang magkakahiwalay. Nagpahuli namang
dumating ang ibang mga panauhin kabilang na ang magkabiyak na sina Dr. de
Espadaña at Donya Victorina. Hindi naman nagpahuli sa mga panauhin ng
Kapitan ang kinatawan ng simbahan sa pangunguna nina Padre Sibyla, ang kura
paroko ng Binundok; Si Padre Damaso na sadyang magaslaw kung kumilos at
magsalita; dalawang paisano; at si Tinyente Guevarra, ang tenyente ng gwardya
sibil.

Ang bawat grupo sa mga panauhin ay may kanya-kanyang paksa upang ilabas
ang kani-kanilang saloobin, makipag-tagisan ng kuro-kuro, at humanap ng
papuri. Ilan sa mga napag-usapan ay ang mga Indio o ang mga Pilipino; ang
pagkakaalis ni Padre Damaso sa Parokya ng San Diego kahit na matagal itong
nagsisilbi doon; ang monopolyo ng tabako, mga pulbura at armas at marami
pang iba.

Sa naturang pagtitipon ay hindi pinalagpas ni Padre Damaso na ihayag ang


kanyang pangungutya sa mga Indio. Ang mga ito raw ay hamak at mabababang
uri ng nilalang.

Samantala, gumawa naman ng paraan si Padre Sibyla upang maiba ang usapan at
dito ay pinasok niya pagkakatanggal ni Padre Damaso bilang kura paroko sa loob
ng dalawampung taon.
Ang paliwanag ni Padre Damaso ay hindi raw nararapat makialam ang hari ng
Espanya sa pagpaparusa sa mga erehe. Tinutulan naman ng Tinyente ang sinabi
ng pari at inilahad na ang parusa ay nararapat lamang raw sa pananaw ng
Kapitan Heneral.

Ipinaliwanag din ng Tinyente na kaya nilipat si Padre Damaso ay dahil sa


pinahukay nito ang bangkay ng isang marangal na lalaki na pinagbintangang
erehe dahil lamang sa hindi pangungumpisal.

Dahil dito ay nagalit si Padre Damaso lalo na nang maalala niya ang tungkol sa
mga nawalang mahahalagang kasulatan. Namagitang muli si Padre Sibyla upang
pakalmahin si Padre Damaso.

Kalauna’y lumawak muli ang talakayan sa pagtitipon.

Talasalitaan
 Bantog – kilala
 Bukas-palad – matulungin
 Garil – utal magsalita
 Hindi magkamayaw – hindi mapatahimik
 Kalansing -tunog
 Katiwasayan – katahimikan
 Makihalubilo – makitungo
 Maluho – magastos
 Mapangahas – malakas ang loob
 Napapanganyaya – napapasama
 Piging – pagtitipon
 Pulutong – karamihan o pangkat ng mga tao
 Walang habas – walang galang
 Walang pakundangan – padalus-dalos
 Walang turing – walang utang na loob

Noli Me Tangere Kabanata 2 – Si Crisostomo Ibarra


Sa pagdating ni Kapitan Tiyago kasabay ng isang binata na halatang nagluluksa
ayon sa kasuotan nito, agad niyang binati ang mga panauhin at humalik naman
sa kamay ng mga pari.
Nabigla ang mga pari lalo na si Padre Damaso ng makilala nito na ang binata.
Ipinakilala ng Kapitan ang binata bilang anak ng kanyang nasirang kaibigan na si
Don Rafael Ibarra. Pitong taon diumanong nag-aral ang kagalang-galang na
binata sa Europa na kadarating lamang.

Kusa namang nagpakilala si Ibarra bilang Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin


kasabay ng pakikipag-kamay nito, isang kaugaliang natutunan niya sa bansang
Alemanya.

Ngunit tumangging makipag-kamay si Padre Damaso at sa halip ay tinalikuran


nito si Ibarra. Samantala, lumapit naman ang Tinyente kay Ibarra at
nagpasalamat sa ligtas niyang pagdating. Pinuri rin niya ang kabaitan ng ama ni
Ibarra na siya namang nagpanatag sa kalooban ng binata.

Palihim na tiningnan ni Padre Damaso ang Tinyente na tila ba nagbabanta kaya


naman tinapos na ng Tinyente ang pakikipag-usap nito kay Ibarra.

Nang malapit ng maghapunan ay inanyayahan naman ni Kapitan Tinong si


Ibarra sa pananghalian kinabukasan ngunit magalang na tumanggi ang binata
dahil papunta daw ito sa San Diego sa araw na iyon. Si Kapitan Tinong ay malapit
na kaibigan ni Kapitan Tiyago at kaibigan din ng ama ni Ibarra.

Talasalitaan
 Mababakas – kahahalataan
 Magara – maluho
 Makisalo – makilahok
 Nabaling – napaling
 Nagmamasid – nagmamatyag
 Nagsipagbansag – nagpakilala
 Nagulumihanan – naguluhan
 Nakaluksa – nakaitim
 Napatigagal -natigilan
 Napawi – nawala
 Natigilan – natahimik
 Pumaparam – pumapawi

Noli Me Tangere Kabanata 3 – Ang Hapunan


Sa hapag-kainan, ang mga panauhin ay may kanya-kanyang kilos at nadarama na
kung panonorin ay parang isang komedya.

Si Padre Sibyla na nasisiyahan ay kabaligtaran naman ni Padre Damaso na


walang pakundangan kung makapagdabog at natamaan pa ang isang kadete.

Ito naman ay hindi pinansin ng Tinyente, sa halip ay masusi nitong pinagmasdan


ang kulot na buhok ni Donya Victorina. Hindi niya namalayan na natapakan na
niya ang kola ng saya ng Donya na ikinainis naman nito.

Samantala, ang ibang mga bisita naman ay may kanya- kanyang usapan at papuri
sa masarap na handa ng Kapitan.

Dahil sa ang hapunan ay para sa pagsalubong sa binatang si Ibarra, karapat-


dapat naman na siya ay maupo sa kabisera. Ang dalawang pari naman ay nagtalo
kung sino ang dapat maupo sa kabilang dulo ng kabisera.

Ani Padre Damaso, si Padre Sibyla ang dapat maupo sa dulo ng kabisera dahil
siya ang kura sa lugar na iyon. Bagay naman na sinalungat ni Padre Sybila dahil
ayon sa kanya, si Padre Damaso ang padre kumpesor ng pamilya ni Kapitan
Tiyago.

Sa kalaunan, inalok ni Padre Sybila ang upuan sa Tinyente na agad naman nitong
tinanggihan. Tumanggi rin si Kapitan Tiyago ng siya namang anyayahan ni
Ibarra.

Nang ihain ang pagkain ay di sinasadyang mapunta ang hindi masasarap na


bahagi ng manok kay Padre Damaso. Lalo itong nag-alburoto dahil mga leeg at
pakpak ang laman ng kanyang tinola. Lingid sa kaalaman ng pari, ang espesyal
na tinola ay para lamang kay Ibarra.

Sa kainan ay nagbahagi ng kanyang buhay ang binata tulad ng pag-aaral nito sa


Europa ng pitong taon, ang pagpunta niya sa iba’t ibang bansa at pag-aaral niya
ng kasaysayan, ang pagsasalita ng iba’t ibang wika, ang di nito paglimot sa
kanyang bayan sa kabila ng kaunlarang namasdan sa ibang bansa, maging ang
hindi pagkaka-alam sa tunay na dahilan na nangyari sa kanyang ama.
Dahil dito, nakumpirma ang hinala ng Tinyente na wala ngang alam ang binata
sa nangyari sa ama nito.

Naikwento rin ni Ibarra na sa kanyang mga bansang napuntahan, iisang antas


lamang ang kabuhayan, pulitika at relihiyong tinatamasa doon. Ito ay sa
kadahilanang pinahihintulutan ito ng sarili nilang kalayaan at kakayanang
pamahalaan ang kanilang sariling bansa.

Agad namang binatikos at ininsulto ni Padre Damaso ang binata na ayon sa


kanya ay kahit paslit ay kaya itong matutunan. Dagdag pa ng pari, ang pagpunta
diumano ni Ibarra sa Europa ay maliwanag na pag-aksaya ng salapi.

Magalang na tinanggap ni Ibarra ang sinabi ng pari. Binanggit na lamang ng


binata ang mga ala-ala niya tungkol kay Padre Damaso na ayon sa kanya ay
karaniwan nang kasalo sa kanilang hapag-kainan at malapit din na kaibigan ng
kanyang ama.

Hindi na nakakibo ang pari dahil sa mga naging kaganapan sa pagitan nila ng
ama ni Ibarra.

Samantala, matapos ang pagtitipon ay maagang nagpaalam si Ibarra kaya’t hindi


sila nagkita ni Maria Clara, anak na dalaga ni Kapitan Tiyago. Nagpatuloy pa rin
sa pag-alipusta si Padre Damaso kay Ibarra.

Ang obserbasyon ng binata noong gabing iyon ay kanya namang isinulat sa


pahayagan ng Estudios Coloniales.

Talasalitaan
 Kabisera – panguluhan
 Kabisote – magpasaulo ng nagbabasa
 Kapalaluan – kayabangan
 Maluwalhati – maligaya
 Naibulalas – nasambit
 Nasasalamin – nakikita
 Pabalat-bunga – nabanggit
 Pautal-utal – paputol-putol
 Tumungga – uminom
Noli Me Tangere Kabanata 4 – Erehe at Pilibustero
Sa plasa ng Binondo ay nagpalakad-lakad si Ibarra at napansin nito na wala man
lang pinagbago ang kanyang bayan sa kabila ng matagal na panahon niyang
pangingibang-bansa. Tila wala man lang ipinag-unlad ang bayang iyon.

Habang naglalakad ay palaisipan pa rin kay Ibarra ang sinapit ng ama. Sinundan
naman siya ni Tinyente upang kwentuhan ng tungkol sa kanyang ama.

Si Don Rafael na ama ng binata ay isa sa pinaka-mayaman sa bayan ng San


Diego. Siya ay matulungin at marami ang nagmamahal dito.

Sa kabila ng pagiging mabait ay marami din umano ang naiinggit dito. Kabilang
na diyan ang mga pari sa simbahan sa pangunguna ni Padre Damaso. Dahil dito,
minabuti diumano ni Don Rafael na hindi mangumpisal, bagay na lalong
ikinagalit ng mga pari.

May isang Kastila noon na walang kaalam-alam, palaboy, at pinag-kakatuwaan


ng lahat na hinirang ni Don Rafael bilang isang kolektor.

Isang araw ay di nakapagpigil ang kolektor sa mga batang nagtatawa sa kanya


kaya naman inakma niyang saktan ang mga ito.

Tumakbo ng mabilis ang mga bata ng nang hindi niya maabutan ay ibinalibag
niya ang baton at may tinamaang isa.

Natumba ang bata at walang awang pinagsisipa ng artilyero. Nakita ito ni Don
Rafael kaya inawat niya ito.

Ayon sa mga sabi-sabi, sinaktan diumano ng Don ang Kastila hanggang sa


tumama ang ulo nito sa malaking bato.

Natulungan ni Don Rafael ang binata samantalang ang Kastila ay sumuka ng


dugo hanggang sa natuluyang mamatay.

Dahil sa pangayayaring iyon ay nagkaroon ng imbestigasyon ang mga gwardya


sibil. Ikinulong nila si Don Rafael at dito na naglabasan ang mga lihim niyang
kaaway.
Pinaratangan siya ng pagiging erehe at pilibustero, pangangamkam ng lupain at
iba pang ilegal na paraan sa pagpapayaman, ang pagbabasa ng El Correo de
Ultramar at iba pang ipinagbabawal na babasahin, pagtatago diumano ng mga
sulat at larawan mula sa isang binitay na pari, pakikipagkaibigan at pagkupkop sa
mga tulisan, at ang pagsusuot ng Barong Tagalog.

Nangawala at tumalikod ang mga dating kaibigan ng Don. Sa kabila ng


paniniwala ng taong bayan na si Tinyente Guevarra ay nasisiraan ng bait, tanging
siya na lamang ang naging kakampi ni Don Rafael.

Ayon sa pakiusap ng Don, ang Tinyente rin ang humanap ng Kastilang abugado
para dito. Sa kabila ng kahusayan ng abogado ay tumagal at naging masalimuot
ang kaso dahil na rin sa pagsulputan ng mga kalaban ng Don.

Ang masaklap pa dito, hindi pa man tapos ang paglilitis ay nakakulong na at


nagdadanas ng hirap sa loob ng rehas si Don Rafael.

Dahil sa mga pangyayaring iyon ay labis na naapektuhan ang Don kung kaya’t ito
ay nagkasakit.

Tuluyang namatay sa bilangguan si Don Rafael. Wala man lamang nakiramay na


kapamilya o kaibigan ang nasirang Don.

Talasalitaan
 Dalamhati – hapis
 Huwad – kinopya
 Inilakip – isinama
 Kapanalig – kaanib
 Karalitaan – kahirapan
 Kinahinatnan – kinauwian
 Masalimuot – magulo
 Nagningning – nagkislap
 Pahapyaw – bahagya
 Pangangamkam – pangunguha
 Paratang – maling hinala
 Pinasasaringan – pinariringgan
 Ulirat – kamalayan
Noli Me Tangere Kabanata 5 – Isang Tala sa Gabing Madilim
Nang araw na iyon ay nagpunta sa Maynila si Ibarra at nanuluyan sa Fonda de
Lala. Sa loob ng kanyang silid ay nagmuni-muni ito tungkol sa sinapit ng ama.

Di nagtagal ay napatingin ito sa durunguwan. Sa kabila ng ilog ay tanaw na tanaw


ng binata ang nagliliwanag na bahay ni Kapitan Tiyago. Tila naririnig pa niya ang
kasayahan sa loob ng bahay, ang tugtog ng mga orkestra at kalansingan ng mga
pinggan at kubyertos.

May nagaganap muling isang kasiyahan sa bahay ng Kapitan noong gabing iyon.
Dumating ang nag-iisang anak na dalaga ni Kapitan Tiyago na si Maria Clara.

Sinalubong naman ang dalaga ng kanyang mga kaibigan, kababata, mga Kastila
at paring malalapit sa ama, mga Pilipino, Intsik, at militar.

Nakasuot ng isang marangyang kasuotan si Maria Clara na napapalamutian ng


alahas na diyamante at ginto. Ang lahat ay nakatuon ang paningin sa kagandahan
ng dalaga.

Matiyaga namang inaayos ni Donya Victorina ang buhok ni Maria Clara.

Mahilig sa magagandang dilag si Padre Salvi kung kaya’t siya ay masayang-


masaya at kadaupang palad niya ang mga dalaga roon. May lihim din itong
pagtingin kay Maria Clara.

Madali namang nakatulog si Ibarra ng gabing iyon. Kabaligtaran ni Padre Salvi


sapagkat hindi mawala sa kanyang isipan ang magandang dalaga na si Maria
Clara.

Talasalitaan
 Balisa – ligalig
 Guni-guni – imahinasyon
 Kahambal-hambal – kasuklam-suklam
 Kasisilayaan – kakikitaan
 Katuturan – kahulugan
 Malamlam – mapanglaw
 Nahihimlay -nakahiga
 Nakakahambal – nakakaawa
 Nakakalunos – nakapanghihinayang
 Nauulinigan – naririnig
 Nimpa – diyosa
 Pabiling-biling – palinga-linga
 Panatag – tiwasay

Noli Me Tangere Kabanata 6 – Si Kapitan Tiyago


Si Kapitan Tiyago ay nag-iisang anak ng isang negosyante ng asukal sa bayan ng
Malabon. Siya ay mahigit kumulang tatlumpu’t limang taong gulang. Datapwat
hindi nakapag-aral ay naturuan naman siya ng isang paring dominiko.

Nang mamatay ang ama ay itunuloy pa rin niya ang pangangalakal. Nakilala niya
si Pia Alba na taga-Sta. Cruz at sila ay nagpakasal. Napabilang ang mag-asawa sa
mataas na antas ng lipunan dahil sa pagiging mayaman at mahusay magpalakad
ng negosyo.

Mailalarawan si Kapitan Tiyago bilang isang magandang lalaki na may moreno,


pandak, at bilugan ang mukha. Sinira ng pananabako at pagnganganga ang
kanyang hitsura.

Siya ay naninilbihan bilang gobernadorcillo. Kasama sa kanyang paglilingkod ang


paghamak sa mga Pilipino at hayaan ang mga Kastila sa ganitong gawain.

Kastila na rin ang turing ng Kapitan sa kanyang sarili samantalang ang turing
naman niya sa mga Pilipino ay Indio. Pinaniniwalaan ng Kapitan na ang mga
Kastila ay mararangal at karapat-dapat pag-ukulan ng paggalang at
pagpapahalaga.

Ang Kapitan ay kaibigan ng lahat ng mga may kapangyarihan lalo’t higit ng mga
pari. Kaya naman hindi mawawala ang kanyang pangalan sa misa at padasal para
bilhin ang langit.

Ang mga maibigan niyang santo maging ang kabanalan ay nabibili nito. Punong-
puno ng mga dinadasalan ang silid ni Kapitan Tiyago katulad nina Sta, Lucia, San
Pascual Bailon, San Antonio De Padua, San Francisco De Asis, San Antonio Abad,
San Miguel, Sto. Domingo, Hesukristo, at ang larawan ng Banal na Mag-anak
(Hesus, Maria at Hosep).

Maraming ari-arian ang nabibili ng Kapitan dahil sa pagnenegosyo. Kabilang na


diyan ang pagbili niya ng lupain sa San Diego. Siya namang naging daan upang
makilala niya ang kura doon na si Padre Damaso at ang pinakamayaman sa
bayang iyon na si Don Rafael Ibarra.

Sa loob ng anim na taon na pagsasama ng mag-asawang Kapitan Tiyago at Pia


Alba, at sa kabila ng magandang buhay na tinatamasa nila ay hindi naman
magka-anak ang dalawa. Walang humpay sa pamamanata ang mag-asawa. Sa
payo naman ni Padre Damaso ay namanata ang dalawa sa Obando at sumayaw sa
kapistahan ng San Pascual Bailon at Sta. Clara sa Nuestra Senora De Salambao si
Pia Alba.

Nagdalantao nga si Pia Alba makalipas ang kaunting panahon (lingid sa


kaalaman ni Kapitan Tiyago ay hinalay pala ni Padre Damaso ang kanyang asawa
at ang katotohanan ay nailantad rin kalunan).

Ngunit si Pia Alba ay naging masasakitin na siya namang naging dahilan upang
tuluyang mamatay pagkatapos nitong manganak.

Maria Clara ang ipinangalan sa bata na inalagaan ni Tiya Isabel. Siya’y busog din
sa pagmamahal nina Kapitan Tiyago at ng mga pari.

Sina Maria Clara at Crisostomo Ibarra ay lumaking magkababata. Sa udyok ng


mga pari ay ipinasok ng kanyang ama si Maria Clara sa kumbento ng Sta.
Catalina ng ito ay maging katorse anyos samantalang si Ibarra naman ay
nagtungo sa Europa upang mag-aral ng medisina.

Sina Kapitan Tiyago naman at Don Rafael ay nagkasundong ipakasal sina Maria
Clara at Ibarra sa takdang panahon. Hindi naman ito tinutulan ng dalawa
sapagkat sila ay kapwa nag-iibigan.

Talasalitaan
 Bugtong – nag-iisa
 Ganid -sakim
 Kapus-palad – salat
 Kawaksi – katulong
 Magsing-irog – magkasintahan
 Nagkubli – nagtago
 Tinutuligsa – pinupuna
 Tiwasay – tahimik
 Umaalipusta – umaapi

Noli Me Tangere Kabanata 7 – Suyuan sa Asotea


Sina Maria Clara at Tiya Isabel ay maagang nakapagsimba ng araw na iyon.
Makatapos mag-almusal ay nagkanya-kanya na sila ng gawain.

Naglinis ng bahay si Tiya Isabel dahil sa mga kalat bunga ng hapunan ng


nakaraang gabi. Si Kapitan Tiyago ay nagbuklat ng mga kasulatan tungkol sa
kabuhayan samantalang si Maria Clara ay nanahi habang kausap ang ama upang
malibang ang sarili sapagkat ngayong araw ang nakatakdang pagkikita nila ni
Ibarra. Hindi mapakali ang dalaga dahil sa pananabik na masilayan ang kanyang
sinisinta.

Napagpasahan nilang magbakasyon sa San Diego dahil nalalapit na ang pista


doon. Maya-maya pa’y dumating na si Ibarra at hindi maikakailang nataranta
ang dalaga.

Pumasok pa sa silid si Maria Clara at tinulungan naman siya ng kanyang Tiya


Isabel na ayusin ang sarili. Lumabas rin ito at nagkita ang dalawa sa bulwagan.
Kapwa nagkaroon ng kaligayahan sa mga mata ng dalawa ng magtama ang
kanilang paningin sa isa’t isa.

Upang makapag-sarili at makaiwas na rin sa alikabok na likha ng pagwawalis ni


Tiya Isabel ay nagtungo ang dalawa sa Asotea.

Doon ay masinsinan silang nag-usap tungkol sa kanilang nararamdaman at sa


kanilang mga sinumpaan sa isa’t-isa. Binalikan nila ang ala-ala ng kanilang
kamusmusan, ang kanilang naging tampuhan at mabilis na pagbabati.
Pareho din nilang itinago ang mga ala-ala at bagay na ibinigay nila sa isa’t-isa.
Kabilang dito ang dahon ng sambong na inilagay ni Maria Clara sa sumbrero ni
Ibarra upang hindi ito mainitan, at ang sulat ni Ibarra kay Maria Clara bago ito
umalis papuntang Europa.

Binasa naman ng dalaga sa katipan ang laman ng sulat. Ayon sa sulat, layunin ni
Don Rafael na pag-aralin si Ibarra sa malayong lugar upang makapaglingkod ng
mataas na kalidad sa bayang sinilangan. Handa diumano itong magtiis na
mawalay sa anak upang sa bandang huli ay maibigay nito sa bayan ang kanyang
hangarin.

Natigilan naman si Ibarra dahil naalala nito na bukas ay undas at marami siyang
kailangang gawain. Nagpaalam na si Ibarra na binilinan ng Kapitan na sabihan
ang kanyang katiwala na sila ay magbabakasyon doon.

Si Maria Clara naman ay hindi napigilang maluha dahil sa pangungulila kay


Ibarra. Sinabihan siya ng kanyang ama na ipagtulos si Ibarra ng dalawang
kandila at ialay sa santo ng manlalakbay.

Talasalitaan
 Alumpihit – di mapalagay
 Hinanakit – pagdaramdam
 Mag-ulayaw – mag-usap
 Nagpapasikdo – nagpapatibok
 Nagtulos – nagtirik
 Nakatatalos – nakaalam
 Napatda – natigilan
 Sawimpalad – nabigo
 Sinasamba – paghanga
 Ulupong – makamandag

Noli Me Tangere Kabanata 8 – Mga Alaala


Maganda ang araw noong panahong iyon. Binabagtas ni Ibarra ang kahabaan ng
Maynila sakay sa kalesa at ang tanawin sa paligid ay nakapagpabalik ng kanyang
mga alaala.
Katulad pa rin ng dati ang kanyang namasdan. Mga kalesa at karumatang walang
humpay sa pagbyahe, salimbayan ng mga taong abala sa pangangalakal at kanya-
kanyang mga gawain: may mga Europeo, Intsik, Pilipino; may mga lalaking
kargador, ang iba ay mga kababaihang nagtitinda ng prutas. Ang mga tindahan at
mga hayop na kasama sa paghahanapbuhay ay nandoon din.

Walang pinagbago ang puno ng talisay sa San Gabriel samantalang imbes na


umunlad ay pumangit naman ang Escolta.

Nagmamadali namang ihatid ng mga karwahe ang mga kawani sa tanggapan at


mga pari, kabilang na si Padre Damaso. Siya’y nakita ni Kapitan Tinong kaya
binati siya nito.

Sa kalye ng Arroceros ay napadako si Ibarra at naalalang minsan ay nahilo siya sa


napakasamang amoy ng tabako doon. Naikumpara din niya ang mga hardin sa
Europa ng mapadaan siya sa Hardin ng Botaniko.

Ang buong Maynila para sa kanya ay walang pinag-unlad, bagkus ang mga gusali
ay nilulumot lamang ng panahon.

Dahil dito, sumagi sa isipan ni Ibarra ang sinabi ng kanyang gurong pari.

 Una: Ang karunungan ay matatamo kapag hinangad ng puso.


 Pangalawa: Ang karunungan ay dapat linangin at isalin sa susunod na
henerasyon.
 Pangatlo: Dapat lamang na magkaroon ng pakinabangan – kung ang mga
kastila ay nanatili dito upang kuhanin ang yaman ng bansa, marapat lamang na
ibigay naman ng bansang dayuhan ang karunungan at edukasyon.
Talasalitaan
 Arabal – purok, distrito
 Humayo – umalis
 Humihilam – nagpapahapdi ng mata
 Kamangmangan – walang nalalaman
 Katutubo – pansariling katangian
 Maparam – mapawi
 Mapasupling – mapatubo
 Maririkit – maniningning
 Muralya – pader
 Nabansot – naging pandak
 Nahalinhan – napalitan
 Nahihimlay – natutulog
 Nakaakit – nakahalina
 Nakagayak – nakabihis
 Nakalulan – nakasakay
 Nakatimbuwang – nakatihaya
 Nangisay – nanginig
 Tanglaw – ilaw

Noli Me Tangere Kabanata 9 – Mga Suliranin Tungkol sa Bayan


Nang araw na iyon ay nakatakdang kuhanin ni Maria Clara ang kanyang
kagamitan sa kumbento. Ang kanyang Tiya Isabel ay naghihintay na sa karawahe
upang tuluyan na silang makaalis. Siya namang pagdating ni Padre Damaso.

Hindi minabuti ng pari ang kanilang pag-alis kaya bubulong-bulong itong


umakyat papunta sa bahay ng Kapitan. Agad naman siyang sinalubong ng
Kapitan at akmang magmamano sa kamay nito ngunit tinanggihan ito ng pari. Sa
halip ay sinabi na agad nito ang kanyang pakay sa Kapitan.

Ani Padre Damaso, hindi raw dapat maglihim sa kanya si Kapitan Tiyago dahil
siya ang pangalawang ama ni Maria Clara. Sinabi din niyang dapat na raw itigil
ng dalaga ang pakikipag-mabutihan nito kay Ibarra. Dagdag pa ng pari, hindi
daw dapat maghangad ng kabutihan ang Kapitan para sa kanyang mga kaaway.

Ang Kapitan naman ay nakumbinsi sa mga sinabi ni Padre Damaso kung kaya
pag-alis nito ay agad na pinatay ng Kapitan ang mga kandilang itinulos ni Maria
Clara para sa paglalakbay ni Ibarra pauwi sa bayan ng San Diego.

Samantala, si Padre Sybila ay nagtungo sa kumbento ng Dominikano sa Puerta de


Isabel II. Dito ay dinalaw niya ang paring may matinding sakit.

Kanyang ibinalita ang mga nakaraang kaganapan kagaya ng pang-aaway na


ginawa ni Padre Damaso sa bahay ni Kapitan Tiyago, ang pagpanig diumano ng
Tinyente sa Kapitan Heneral, at pakikipag-alyansa kay Padre Damaso.
Ang matandang may sakit ay nakipagpalitan din ng saloobin at sinabing ang
pagtaas ng buwis ang dahilan ng pagkaubos nang kanilang mga kayamanan.
Aniya, natuto na ang mga Pilipino sa paghawak ng ari-arian.

Talasalitaaan
 Banal – santo
 Hidwaan – alitan
 Kabulaanan – kasinungalingan
 Magiliw – masintahin
 Malugod – masaya
 Maluwalhati – mapayapa
 Masinsin – magkakalapit
 Nagbabata – nagtitiis
 Napamulagat – napatitig
 Natambad – nalantad
 Pag-aalitan – pag-aaway
 Pagmamalabis – pang-aabuso
 Pasagsag – padabog
 Sakim – ganid
 Yayat – manipis

Noli Me Tangere Kabanata 10 – Ang San Diego


Ang San Diego ay matatagpuan sa baybayin ng lawa at may malalawak na
kabukiran. Isa itong maalamat na bayan sa Pilipinas.

Pagsasaka ang ikinabubuhay ng mga tao sa bayang ito na kulang sa edukasyon at


kaalaman sa pagnenegosyo. Dahil dito’y napaglalamangan sila ng mga dayuhang
Tsino.

Kapansin-pansin dito mula sa tuktok ng simbahan ang isang gubat na nasa


kalagitnaan ng kabukiran.

Wala itong pinagkaiba sa ibang mga bayan sa Pilipinas na pinamumunuan ng


simbahan kung saan ang pamahalaan ay sunud-sunuran lamang dito.

Bago mailipat si Padre Damaso sa ibang bayan dahil sa ginawa nito kay Don
Rafael Ibarra ay siya ang tumatayong kura paroko sa simbahan doon.
Kabilang ang mga Kastila at ilang mga mayayamang Pilipino sa mga kinikilala na
may mataas na tungkulin sa bayang iyon.

May isa umanong matandang Kastila ang dumating sa bayan ng San Diego ayon
sa alamat. Ito raw ay matatas magtagalog at malalalim ang mga mata.

Ito diumano ay bumili ng gubat sa pook na iyon kung saan ang kanyang
ipinambayad ay ang kanyang mga ari-arian tulad ng damit, alahas at salapi.

Kinalaunan ay natagpuan ang matanda na nakabitin sa puno ng isang balete. Ito


ay naging sanhi ng pagkatakot ng mga tao doon kaya’t sinunog ng ilan ang mga
damit ng matanda at itinapon naman ang kanyang mga alahas sa ilog.

Di nagtagal ay dumating ang anak ng matanda na nagngangalang Saturnino.


Sinikap niyang sinupin ang naiwang ari-arian ng ama. Siya ay nakapag-asawa ng
isang taga-Maynila at nanirahan sila sa San Diego.

Nagkaroon sila ng isang supling at ito ay si Don Rafael na siya namang ama ni
Ibarra.

Kinagiliwan ng mga magsasaka si Don Rafael at dahil sa pagsusumikap nito ay


naging bayan mula sa pagiging nayon ang San Diego.

Ang pamumunong ito ni Don Rafael ang sinasabing naging ugat ng inggit at galit
sa ilan niyang mga kaibigan kalaunan.

Talasalitaan
 Atipan – lagyan ng bubong
 Baybayin – tabi
 Bumulaga – gumulat
 Kahangalan – kamangmangan
 Luntian – berde
 Mapusok – masiklabong damdamin
 Masigasig – masipag
 Matatas – malinaw
 Matatas – matuwid magsalita
 Nakaulinig – nakarinig
 Nangangalisag – paninindig ng balahibo
 Napagsasamantalahan – naloloko
 Simboryo – kampanaryo
 Taluktok – tuktok
 Uugoy-ugoy – gagalaw-galaw

Noli Me Tangere Kabanata 11 – Ang mga Makapangyarihan


Ang mga tao na kinikilalang makapangyarihan o casique sa bayan ng San Diego
ay mabibilang lamang. Ito diumano ay katulad ng Roma at Italya sa mahigpit na
agawan sa kapangyarihan sa pamumuno sa bayan.

Hindi naman kabilang dito sina Don Rafael, Kapitan Tiyago, at ilang namumuno
sa pamahalaan.

Kahit na si Don Rafael ang pinakamayaman, iginagalang ng lahat, at


pinagkakautangan ng marami ay hindi pa rin siya ang nagmamay-ari ng
kapangyarihan sa bayang iyon.

Wala namang posisyon sa lipon ng mga makapangyarihan si Kapitan Tiyago na


may mga ari-arian din, kabilang sa mataas na antas ng lipunan, sinasalubong ng
banda ng musiko, at pinagsisilbihan ng masasarap na pagkain.

Ang posisyon diumano sa pamahalaan tulad ng gobernadorcillo o kapitan sa


bayan ay mabibili sa halagang P5,000 at madalas pa na kagalitan ng alkalde
mayor.

Kung tatanungin kung sino ba talaga ang makapangyarihan sa sa bayan ng San


Diego, ito ay walang iba kundi ang kura paroko sa simbahan at ang Alperes na
siyang puno ng mga gwardya sibil.

Si Padre Bernardo Salvi ang kura paroko at batang pransiskano na mukhang


masasakitin ang siyang pumalit kay Padre Damaso. Higit siyang may kabaitan
kumpara kay Padre Damaso.

Lasinggero, mapambugbog sa asawa at malupit sa kanyang mga tauhan ang


Alperes. Siya ay nakapag-asawa ng isang Pilipina at ito ay si Donya Consolacion
na mahilig magkolorete sa mukha.
Natural lamang na may palihim na hidwaang nagaganap dahil sa agawan ng
kapangyarihan ng dalawang Kastila. Ngunit kapag nasa pampublikong lugar ay
ipinapakita nila ang kanilang pakunwaring pagkakasunduan.

Talasalitaan

 Hidwaan – di pagkakaunawaan
 Ipangahas – maglakas-loob
 Kakarampot – kakaunti
 Kapariwaan – kasawian
 Masisitsit – madaldal
 Nagbabando – nagagalit
 Nakapahiyas – nakapalamyuti
 Pag-aayuno – di kumakain
 Paghahambalos -paghahampas
 Pinagsakitan – pinaghirapan

Noli Me Tangere Kabanata 12 – Araw ng mga Patay


Matatagpuan sa isang malawak na palayan na nababakuran ng lumang pader at
kawayan ang sementeryo ng San Diego. May malaking krus na nakatirik sa
kalagitnaan nito. Masukal ang libingan at makipot ang daan patungo sa
sementeryo. Maputik kung tag-ulan at maalikabok naman kung tag-araw.

Noong gabing iyon ay napakalakas ng buhos ng ulan. Dalawang tao ang abala sa
paghuhukay sa isang bahagi ng sementeryo. Ang isa ay matagal nang sepulturero
samantalang ang katulong nito ay bago pa at hindi mapakali sa kanilang
ginagawa.

Iniahon ng dalawa ang bangkay na kanilang hinukay na dalawampung araw pa


lamang naililibing mula ng mamatay.

Ang utos na paghukay sa bangkay at paglipat nito sa libingan ng mga Intsik ay


mula kay Padre Garrote na walang iba kundi si Padre Damaso, ang kura paroko
ng panahong iyon.

Talasalitaan
 Hinahandugan – inaalayan
 Kalakip – kasama
 Makipot – makitid
 Nagdudumali – nagmamadali
 Nagtimpi – potek
 Nakapalamuti – naka-adorno
 Nakaumbok – nakabukol
 Nananangis – nagdadalamhati
 Nangita – hinanap
 Pananglaw – pang-ilaw
 Satsatan – daldalan
 Sepulturero – tiga-araro
 Umaalingasaw – paglabas ng baho

Noli Me Tangere Kabanata 13 – Mga Babala ng Bagyo


Nagtungo si Ibarra sa sementaryo ng San Diego kasama ang kanilang matandang
katiwala upang hanapin ang puntod ng kanyang ama na si Don Rafael.

Ayon sa katiwala, kanyang tinaniman ng mga bulaklak ng adelpa at sampaga ang


libingan ng ama ng binata.

Sa daan ay nasalubong nila ang sepulturero at tinanong nila rito kung saan
naroroon ang libingan ng kanyang ama.

Ikinasindak ni Ibarra ang ipinagtapat ng sepulturero. Ayon dito, itinapon nila ang
bangkay ng kanyang ama sa lawa dahil sa kabigatan nito at hindi na nailibing sa
libingan ng mga Intsik. Dagdag pa ng sepulturero, ang utos na kanyang sinunod
ay galing sa kura paroko.

Napaiyak na lamang ang matandang katiwala sa mga narinig. Matinding galit at


poot naman ang naramdaman ni Ibarra kaya iniwan nito ang kausap.

Nang makasalubong niya si Padre Salvi ay humingi siya ng paliwanag dito kung
bakit nagawa nitong lapastanganin ang bangkay ng kanyang ama.

Nalaman naman ni Ibarra sa bandang huli na si Padre Damaso pala ang may
kagagawan ng lahat ng iyon.
Talasalitaan
 Alintana – pansin
 Baliw – wala sa sarili o wala sa tamang pag-iisip
 Binagtas– dinaanan
 Dinaluhong – sabay-sabay na hinahanap
 Halimuyak – kabanguhan
 Ipinaanod – ipinatangay
 Matindi – malubha
 Nangangatal – nanginginig
 Nanghahagupit – namamalo
 Nanlilisik – nagagalit
 Naparalitiko – nawalan ng pakiramdam
 Nasindak – natakot
 Nitso – libingan o puntod
 Padre Garote – paring nagpaparusa
 Rumaragasa – mabilis
 Sigwa – unos
 Sumulyap – tumingin
 Tinalunton – sinundan

Noli Me Tangere Kabanata 14 – Si Tasyo, ang Baliw o ang Pilosopo


Kasabay ng araw ng pagdalaw ni Ibarra sa puntod ng kanyang ama ay ang
pagdalaw din ni Pilosopo Tasyo sa libingan ng kanyang asawa.

Dahil sa kakaiba nitong personalidad ay kilala ng lahat ng tao sa San Diego si


Don Anastacio o mas kilala sa tawag na Pilosopo Tasyo.

Siya ay laman ng lansangan at lakad ng lakad. Marami siyang pananaw sa


pulitika at lipunan. Dahil sa hindi siya nauunawaan ng karamihan ay tinawag nila
itong baliw.

Galing sa isang mayamang pamilya si Pilosopo Tasyo. Siya ay matalino at


matalinghaga kung magsalita. Sa unibersidad ng San Jose ito nag-aral na
kalaunan ay pinahinto ng kanyang ina sa paniniwalang ang katalinuhan nito ang
magiging dahilan upang makalimutan niya ang Diyos.
Nais din ng kanyang ina na mag-pari na lamang ang binatang Tasyo. Ngunit
sinuway niya ito at nag-asawa na lamang. Pagkalipas ng isang taon ay maagang
nabyudo ang Pilosopo at imbes na mag-asawang muli ay inilaan niya ang
kanyang oras sa pagbabasa ng libro. Di nagtagal ay napabayaan nito ang
minanang kabuhayan mula sa kanyang ina.

Sa kabila ng paparating na unos at pagguhit ng matatalim na kidlat sa kalangitan


ay kapansin-pansin ang kakaibang kasiyahan sa mukha ni Pilosopo Tasyo.

Ang mga tao ay nagtataka sa matalinghaga niyang sagot sa kanyang reaksyon.


Ayon sa Pilosopo, ang bagyo ang siyang lilipol sa mga tao at hangad niya ang
pagkakaroon ng delubyo na siyang lilinis sa sanlibutan.

Iminungkahi din niya sa kapitan ang pagbili ng tagahuli ng kidlat sa halip na mga
paputok at kwitis. Tutol din siya sa pagpapatugtog ng mga batingaw sapagkat
mapanganib ito kapag kumukulog.

Pinatawanan naman siya ng mga taong nakarinig sa kanyang mga sinabi.

Nagpunta si Pilosopo Tasyo sa simbahan at nakita niya doon ang dalawang


magkapatid. Sinabihan niya ang mga ito na kung maari ay umuwi na dahil ang
kanilang ina ay naghanda ng isang espesyal na hapunan.

Natuwa ang mga bata sa narinig ngunit sa huli ay tumanggi ang mga ito dahil na
rin sa kanilang tungkulin sa simbahan.

Nagpatuloy sa paglalakad si Pilosopo Tasyo hanggang sa marating ang bahay ni


Don Filipo at Aling Doray. Kanilang napag-usapan ang pagdating ni Ibarra sa
bayan.

Nabanggit din ng Pilosopo na nadarama niya ang paghihinagpis ng binata lalo na


ng malaman nito ang sinapit ng kanyang ama. Dagdag pa niya, isa rin daw siya sa
anim na kataong nakipaglibing sa ama ni Ibarra.

Ang kanilang usapan naman ay napadako sa purgatoryo, bagay na hindi


pinaniniwalaan ni Pilosopo Tasyo ngunit pinaniniwalaan naman nakararami.
Bagamat hindi naniniwala ang Pilosopo sa purgatoryo ay nirerespeto naman daw
niya ang pananaw ng relihiyon dito. Aniya, ito raw ay gabay upang ang tao ay
mabuhay ng malinis.

Di nagtagal ay nagpaalam na rin ang Pilosopo at lumakad palayo ng masiglang-


masigla sa gitna ng matatalim na kidlat at dumadagundong na kulog.

Talasalitaan
 Angkop – nararapat
 Dagok – matinding kasawian
 Kalapastanganan – pagyurak sa dangal
 Lapastanganin – halayin
 Lintik – kidlat
 Magarbo – marangya
 Mapanganib – delikado
 Matimbang – mabigat
 Nakatutulig – nakabibingi
 Sinurot – kinurot

Noli Me Tangere Kabanata 15 – Ang mga Sakristan


Ang mga kausap ni Pilosopo Tasyo sa simbahan ay ang magkapatid na sakristan
na sina Crispin at Basilio, mga anak ni Sisa.

May hinaharap palang matinding suliranin ang dalawang bata. Nagbibigay ito ng
kawalang pag-asa sa kanila lalo na sa mas nakakabata na si Crispin.

Siya ay pinagbintangan ng pari sa pagnanakaw ng dalawang onsa o halagang


tatlumpu’t dalawang piso. Hindi niya mababayaran ang nawawalang salapi dahil
ang sahod lamang nila sa pagsasakristan ay dalawang piso kada buwan. Tatlong
beses pa naman ang pataw sa multa.

Hiningan niya ng tulong ang kanyang kuya na si Basilio. Hiniling niya na kung
maari ay tulungan siyang magbayad sa ibinibintang sa kanya ng pari. Ngunit
hindi pumayag si Basilio dahil kailangan din niyang ibigay sa kanilang ina ang
kanyang kita upang may makain.
Nahiling na lang tuloy ni Crispin na mabuti pa sanang silang lahat ay magkasakit.
Nangungulila na ito sa kanyang ina. Naisip niyang kung kapiling lang sana nila
ito ay tiyak na ipagtatanggol sila ng ina sa kalupitan ng mga pari.

Dagdag pa ni Crispin, sana nga ay ninakaw na lang niya ang pera ng sa gayon ay
may maibabalik pa ito at kung mamatay man siya sa palo ay may maiiwan naman
siya sa kanyang ina at kapatid.

Si Basilio nama’y nag-aalala sa galit ng kanyang ina kapag nalaman nito na


napagbintangang magnanakaw ang kanyang kapatid.

Ngunit buo ang tiwala ni Crispin na hindi maniniwala ang kanilang ina na siya ay
nagnakaw. Ipapakita umano niya ang maraming latay sa buong katawan dahil sa
palo ng pari, pati na rin ang butas niyang bulsa.

Sasabihin din daw niya na ang pera lang niya ay isang kuwalta lamang na
aginaldo pa sa kanya noong nakaraang pasko. Pati ito ay pinag-interesan pa ng
sakim na pari.

Sa patuloy na pag-uusap ng magkapatid ay di nila namalayan ang pagpanhik ng


sakristan mayor. Nagpupuyos ito sa galit dahil sa narinig niya ang pinag-uusap
ng dalawang batang sakristan.

Dahil dito ay pinagmulta niya si Basilio dahil daw sa salang maling


pagpapatugtog nito sa kampana. Dagdag pa ng sakristan mayor, hindi maaring
umuwi si Crispin hangga’t hindi nito ibinabalik ang ninakaw na salapi.

Mas lalo lamang napahamak si Basilio ng magtangka siyang mangatwiran.


Makakauwi lamang daw ito sa ika-sampu ng gabi.

Mapanganib para kay Basilio ang umuwi ng ganitong oras dahil mahigpit na
ipinapatupad ng guwardiya sibil na bawal ng maglakad ang sinuman bago
sumapit ang ika-siyam ng gabi.

Matapos itong sabihin ng sakristan mayor ay kinaladkad na niya si Crispin at


hindi na magawang makiusap ni Basilio dahil sa pangamba at awa sa kapatid.
Naririnig niya ang pagpapalahaw at daing ng kapatid dahil sa sakit na nadarama.
Binalot si Basilio ng matinding paghihinagpis. Natulala at nawalan siya ng pag-
asa para tulungan ang kapatid na mabago ang kanyang kalagayan.

Sa pagtila ng ulan ay nagpatihulog si Basilio mula sa bintana ng kampanaryo


gamit ang lubid ng kampana.

Talasalitaan
 Habol-hininga – buntong-hininga
 Hiyaw – sigaw
 Inalo – inaruga
 Kalumbayan – kalungkutan
 Nagpatibuwal – nagpadalus-dalos
 Nananalasa – sumisira
 Palahaw – pananangis
 Panaghoy – daing
 Tinutulan – hindi sinang-ayunan

Noli Me Tangere Kabanata 16 – Si Sisa


Abalang-abala si Sisa na ina nina Basilio at Crispin sa isang maliit na dampa sa
labas ng bayan. Siya’y salat sa kabuhayan. May likas mang ganda ngunit
pinatanda na siya ng panahon at pagdurusa.

Nakapag-asawa si Sisa ng isang lalaking walang idinulot sa kanya kundi sakit sa


kalooban. Tamad ito, mahilig sa sugal, iresponsable at nagpapagala-gala lang sa
lansangan. Wala siyang pakialam sa kanyang mag-iina. Madalas pa nga ay
binubugbog nito si Sisa kapag siya ay umuuwi sa kanila.

Patuloy lamang na tinitiis ni Sisa ang ginagawa sa kanila ng asawa. Minamahal


pa rin niya ito at sinasamba na akala mo’y diyos.

Nung araw na iyon ay naghanda ng masarap na hapunan si Sisa para sa kanyang


dalawang anak. Minsan lamang itong mangyari dahil na rin sa kasalatan nila sa
buhay.
Inihain niya ang paborito ni Crispin na tuyong tawilis at sariwang kamatis
samantalang tapang baboy-damo naman at isang hita ng patong bundok ang para
kay Basilio. Galing ang lahat ng iyon kay Pilosopo Tasyo.

Ngunit sa kasamaang palad ay naunang dumating ang asawang tamad at


iresponsable ni Sisa. Inubos niyang lahat ng inihain ng asawa para sa mga anak
at hindi man lamang nagtira para sa sa kanila.

Ni hindi niya itinanong kung kamusta na ba ng kanyang mag-iina, sa halip ay


nagbilin pa ito na bigyan siya ng kwarta mula sa kita ng dalawang bata.

Wala nang nagawa si Sisa kundi maghinagpis sa pag-aalalang wala nang masarap
na hapunan ang kanyang dalawang supling.

Nagluto siyang muli para naman may makain ang mga anak pagdating galing sa
simbahan.

Di nagtagal ay nainip si Sisa sa kahihintay sa mga anak. Nakarinig na lamang siya


ng malalakas na tawag mula kay Basilio.

Talasalitaan
 Bahid – bakas ng dumi, mantsa
 Humahangos – nagmamadali
 Inaatupag – iniintindi; ginagawa
 Kapritso – luho; layaw
 Nababakas – nababanaag; nakikita
 Nahumpak – namayat
 Namumurok – nanaba
 Paggunita – pag-alala
 Pobre – mahirap
 Tinangka – binalak
 Umusal – bumigkas
 Walang puso – walang damdamin

Noli Me Tangere Kabanata 17 – Si Basilio


Dumating sa kanilang bahay si Basilio na duguan sa kadahilanang hinabol siya ng
mga gwardiya sibil at nadaplisan ng bala sa ulo. Hindi na siya nakahinto sa
paglalakad dahil sa takot niyang ikulong at paglinisin sa kuwartel.

Ipinakausap ni Basilio sa ina na sabihing nahulog na lamang siya sa puno kaysa


ipagtapat ang tunay na nangyari.

Nalaman na rin ni Sisa na napag-bintangan si Crispin na nagnakaw ng dalawang


onsa. Nahabag ang puso ng ina dahil sa awa sa kanyang bunso.

Ngunit hindi ipinagtapat ni Basilio ang parusang tinatamasa ni Crispin sa kamay


ng sakristan mayor at pari. Nawalan na rin siya ng ganang kumain dahil sa
kalagayan ng ina lalo na ng malaman nitong dumating ang kanyang ama.

Di kasi linggid sa kaalaman ni Basilio ang pambubugbog na ginagawa ng ama sa


kanyang ina tuwing dumarating ito sa kanilang bahay.

Dahil sa galit ay nasabi nito na mabuti pang mawala na ang kanyang ama at
mabuhay silang tatlo na lamang. Baka sa ganitong kalagayan ay mabuhay pa sila
ng maayos. Ito nama’y pinagdamdam ng kanyang ina.

Para kay Sisa, sa kabila ng ugali ng kanyang asawa ay nais pa rin niyang
magkakasama silang lahat.

Nakatulugan naman ni Basilio ang kanyang mga alalahanin at pagod. Sa


kalagitnaan ng kanyang tulog ay binangungot ito. Sa kanyang panaginip ay nakita
niya ang pambubugbog ng kura at sakristan mayor kay Crispin. Ito’y pinalo nila
ng yantok sa ulo hanggang sa duguang humandusay sa sahig.

Nagising na lamang sa yugyog ng kanyang ina si Basilio at sa halip na ipagtapat


ang laman ng kanyang panaginip ay sinabi na lamang niya ang kanyang pangarap
para sa ina at kapatid.

Ani Basilio, nais niyang huminto na sila sa pagsasakristan ni Crispin.


Magpapastol na lamang siya ng baka at kalabaw na pag-aari ni Ibarra. Pagsapit sa
edad na kaya na niyang mag-araro sa bukid ay hihiling siya ng kapirasong lupa
para sakahin.
Pauunlarin niya raw ito at kapag umunlad na ang kanilang buhay ay pag-aaralin
niya ang kapatid kay Pilosopo Tasyo. Ang kanyang inang si Sisa ay patitigilin na
rin niya sa pananahi.

Bagaman nagpapakita ng pagkatuwa ang ina sa mga pangarap ng anak ay lihim


naman siyang nasasaktan dahil hindi isinama ni Basilio sa kanyang mga plano
ang kanyang ama.

Talasalitaan
 Ampahilom – gamit para sa paggaling ng sugat
 Bulo– anak ng kalabaw o baka
 Dumaplis – pasagi o pahaging ang pagtama
 Ikinabuwal – natumba at napahiga
 Punglo – bala
 Quien vive – salitang Español na nangangahulugang “Sino ang nariyan?”
 Sakristan Mayor – namumuno sa lahat ng sakristan
 Sinunggaban – biglang dinakma o inagaw ang isang bagay
 Tagapastol – tagapag-alaga ng hayop, gay ng tupa, kalabaw at kabayo
 Yantok – galing sa isang uri ng palma na may mahahaba at
magkakadugtong na sanga

Noli Me Tangere Kabanata 18 – Mga Kaluluwang Naghihirap


Matamlay na nagdaos ng misa si Padre Salvi ng araw na yaon. Ang mga
matatanda ay abala sa nalalapit na pista sa kanilang bayan habang naghihintay
naman na makausap ang pari. May nais silang malaman. Si Padre Damaso ba, si
Padre Martin o ang koordinator ang magmimisa?

Ang pagbili ng indulgencia para sa kaligtasan ng mga namatay na kaanak na


patuloy na nagdurusa sa purgatoryo ay napag-usapan ng mga matatanda.
Mahigit isang libong taon na kaligtasan mula sa pagdurusa sa purgatoryo ang
katumbas ng isang indulgencia.

Dahil sa kaabalahan ng mga matatanda sa kanilang pagpapalitan ng kuro-kuro ay


hindi nila namalayan ang pagdating ni Sisa.
May dala siyang handog para sa mga pari. Mga sariwang gulay mula sa kanyang
mga tanim at pako na paborito ng kura ang dala ni Sisa.

Nagtuloy siya sa kusina ng kumbento upang iayos ang kanyang mga dala-
dalahan. Ni hindi siya pinansin ng mga sakristan at mga tauhan sa kumbento
ngunit nakausap naman niya ang tagaluto doon.

Nalaman niyang maysakit ang pari at hindi niya ito makakausap. Nagulat din
siya ng malaman na ang anak niyang si Crispin ay tumakas kasama ni Basilio
pagkatapos nitong magnakaw ng dalawang onsa.

Alam na raw ito ng mga gwardiya sibil kaya papunta na ang mga ito sa kanilang
bahay upang hulihin ang kanyang mga anak.

Tinuya rin nito si Sisa dahil hindi daw niya tinuruan ng kabutihang asal ang
magkapatid at higit sa lahat ay nagmana raw ang kanyang mga anak sa kanyang
asawang walang silbi.

Talasalitaan
 Entonces – Espanyol na salita na ngangahulugang “then” o sa tagalog ay
“puwes”
 Indulgencia Plenaria – dasal upang tubusin ang mga sala ng mga
yumao
 Inihayhay – isinalansan
 Kinokolahan – lagyan ng pandikit o glue
 Kompraternidad – samahan ng mga nananampalataya
 Nanunuya – nang-aasar
 Sakristiya – kuwarto sa simbahan kung saan nakalagay ang gamit ng pari
 Sensilyo – barya

Noli Me Tangere Kabanata 19 – Mga Suliranin ng Isang Guro


Sa tabi ng lawa ay nagkita sina Ibarra at ang guro sa San Diego. Itinuro ng guro
kung saan naitapon ang bangkay ng ama ng binata. Isa diumano si Tinyente
Guevarra sa iilang nakipaglibing sa kanyang ama.

Sinabi ng guro ang ginawang pagtulong ni Don Rafael sa ikauunlad ng edukasyon


sa kanilang bayan at naitulong nito sa kanyang kapakanan.
Tumulong kasi ang ama ni Ibarra sa pangangailangan ng guro sa pagtuturo
noong siya ay nagsisimula pa lamang.

Inisa-isa din ng guro ang ang mga kinakaharap na suliranin ng San Diego tungkol
sa edukasyon.

Aniya, ang mga ito raw ay ang mga sumusunod:

 ang kawalang ng panggastos para sa mga kagamitan sa pag-aaral,


 ang kawalan ng silid aralan na akma upang makapag-aral ng walang
balakid ang mga bata,
 ang kakaibang pananaw ng mga pari sa paraan ng pagtuturo,
 ang mga patakaran ng simbahan tungkol sa nilalaman ng kanyang mga
aralin,
 at ang kawalan ng pagkakaisa ng mga magulang ng mag-aaral at ng mga
taong may katungkulan.
Kahit anong tiyaga ng guro na ituro sa kanyang mga estudyante ang nilalaman ng
mga libro na nakasulat sa wikang Kastila ay pilit itong pinanghihimasukan ni
Padre Damaso.

Pinapalo at minumura diumano ng pari ang mga bata sa tuwing makaririnig ito
ng ingay mula sa tapat ng kwadra kung saan nag-aaral ang mga bata dahil nga
wala silang silid-aralan.

Pinapanigan naman ng mga magulang ang mga pari tungkol sa pagpalo bilang
epektibong paraan ng pagdidisiplina at pagtuturo sa kanilang mga anak.

Dahil sa pakikialam ng pari at mga balakid sa pagtuturo ang siyang sinisising


dahilan ng guro sa kanyang pagkakasakit. Nang bumalik naman siya sa pagtuturo
ay napansin niyang nabawasan ang bilang ng kanyang mga mag-aaral.

Ang guro ay natuwa ng malaman na hindi na si Padre Damaso ang kura sa San
Diego kaya minabuti niyang iangkop ang nilalaman ng mga aralin sa kalagayan
ng kanyang mga mag-aaral.

Kahit pa nagkaroon ang kalayaan ang guro na iangkop ang kanyang mga aralin ay
higit pa ring pinahalagahan ng simbahan ang pagtuturo tungkol sa relihiyon.
Nangako naman si Ibarra na gagawin ang kanyang makakaya upang matulungan
ang guro at maiangat ang kalagayan ng edukasyon sa bayan. Kanya raw
babanggitin sa araw ng pulong sa paanyaya ni Tinyente Mayor ang mga napag-
usapan nila ng guro.

Talasalitaan
 Gula-gulanit – sira-sira
 Isang kahig, isang tuka – dukha
 Pag-alipusta – paghamak
 Pasukab – pakutya
 Unos – bagyo, kalamidad

Noli Me Tangere Kabanata 20 – Ang Pulong sa Tribunal


Noong araw na iyon ay panauhin sina Ibarra at ang guro sa pulong. Ang tanging
bulwagan na nagsisilbing lugar para sa pagpupulong at pag-uusap ng mga
makapangyarihan at mayayaman sa bayan ay ang tribunal.

Nahahati sa dalawang kinatawan o lapian ang mga nasa pulong. Ang una ay ang
mga konserbador o pangkat ng mga matatanda na pinamumunuan ng Kabesa
samantalang ang pangalawa ay ang liberal na binubuo naman ng mga kabataan
sa pamumuno ni Don Filipo.

Ang pagpupulong ay tungkol sa gaganaping kapistahan labing-isang araw mula


sa araw na iyon, mga programa at aktibidad na gagawin para sa pista, at ang
pagtatayo ng paaralan para sa bayan.

Sa pulong ay sinamantala ng mga mayayaman ang makapagtalumpati kahit na


walang katuturan ang kanilang ibang pinagsasabi.

Kagaya ni Kapitan Basilyo na nakalaban ni Don Rafael. Si Don Filipo naman ay


nagmungkahi na sa bawat gawain ay dapat may talaan ng mga gastos.
Iminungkahi din niyang magpagawa ng isang malaking tanghalan sa plasa at
magtanghal ng palatuntunan tulad ng komedya sa loob ng isang linggo.

Nabanggit din ni Don Filipo ang pagkakaroon ng paputok upang maging lalong
masaya ang pista, bagay na di naman sinang-ayunan ng lahat.
Ang Kabesa naman ay nagbigay ng panukala na dapat ay tipirin ang pagdiriwang.
Wala rin dapat na paputok at ang mga gaganap sa programa ay dapat mga taal na
taga-San Diego. Aniya, ang sentro ng pagtatanghal ay dapat mga sariling ugaling
Pilipino.

Ang mga panukalang inihandog ng magkabilang pangkat ay walang bisa dahil


nakapagdesisyon na ang kura tungkol sa gaganapin sa pista.

Ang mga gagawin ay anim na prusisyon, tatlong sermon, tatlong misa mayor at
isang komedya.

Talasalitaan
 Liyampo – Sugal Intsik
 Tribunal – Ayuntamiento, Gusali ng pamahalaan panlalawigan at
pambayan

Noli Me Tangere Kabanata 21 – Mga Pagdurusa ni Sisa


Kumaripas ng takbo si Sisa pauwi sa kanilang bahay matapos mapakinggan ang
mga sinabi ng kusinero.

Hindi mawaglit sa isipan ni Sisa ang maaring pagdampot ng mga gwardiya sibil
sa kanyang mga anak dahil sa bintang na pagnanakaw ng salapi.

Nakita ni Sisa na papalayo na ang mga gwardiya sibil sa kanilang bahay at hindi
nito kasama ang kanyang mga anak, bagay na nakapagpagaan sa loob ng ina.

Ngunit ng magpang-abot sila ng gwardiya sibil sa daan ay pilit siyang pinaamin


na ilabas ang dalawang onsang ninakaw ng mga anak.

Nagmakaawa si Sisa ngunit tila bingi ang mga ito sa pakiusap niya. Sa halip ay
kinalakkad siya ng mga gwardiya sibil papuntang kwartel.

Habang kinakaladkad ay hiyang-hiya si Sisa sa harap ng taong-bayan na sakto


namang katatapos lang ng misa at ang mga ito ay kasalukuyang lumalabas ng
simbahan.
Napatigil ang lahat sa eksenang nagaganap samantalang si Sisa ay walang
magawa kundi umiyak at panghinaan ng loob.

Inihagis siya ng mga ito pagdating sa kwartel at nagsumiksik na lamang ang


naghihinagpis na ina sa isang sulok.

Walang nais makinig sa pagmamakaawa ni Sisa. Tanghali na ng pakawalan siya


ng Alperes.

Umuwi na si Sisa sa kanilang bahay at hinanap ang dalawang anak. Wala kahit sa
bakuran ang anino o kahit tinig ng kanyang mga anak.

Pumasok muli sa bahay si Sisa ngunit ang punit at duguang damit lamang ni
Basilio ang kanyang natagpuan.

Nilamon ng pighati ang kanyang katinuan dahil hindi matanggap ng ina ang
kanyang nasilayan.

Nagpalaboy-laboy sa kalsada si Sisa habang sinasabi ang pangalan ng kanyang


mga anak na sina Basilio at Crispin.

Talasalitaan
 Kuwartel – gusali kung saan nakatira ang mga sundalo
 Kura – pari na namumuno sa isang simbahan
 Kusing – halagang kalahati lamang ng isang sentimo
 Nadakip – nahuli
 Nagsumamo – nagmakaawa
 Onsa – yunit ng timbang o bigat
 Pananambitan – Pagluluksa, pananaghoy, pananangis
 Pilas – punit
 Sikdo – kutob
 Sinakmal – kinagat nang bigla

Noli Me Tangere Kabanata 22 – Liwanag at Dilim


Ngayon na ang araw ng pagdating nina Maria Clara at Tiya Isabel sa San Diego
upang mamalagi doon para sa pista ng bayan.
Ang balitang pagdating ni Maria Clara ay agad na kumalat dahil kinagigiliwan
siya ng lahat ng mga tao doon. Kumalat din diumano ang madalas na pagkikita
nila ni Ibarra na ikinagalit naman ni Padre Salvi. Napapansin pala ng dalaga ang
pagbabago ng kilos at mga titig nito tuwing siya ay kaharap.

Samantala, plano nina Maria Clara at Ibarra na mag-piknik kasama ang kanilang
mga kaibigan sa ilog. Iminungkahi ng dalaga na huwag isama si Padre Salvi dahil
nababahala siya kapag ito ay nasa paligid.

Hindi naman ito sinang-ayunan ni Ibarra dahil hindi raw ito magandang tingnan.
Bigla naming dumating ang pari habang nag-uusap ang dalawa kaya nagpaalam
na ang dalaga upang mamahinga.

Pagdaka’y inimbitahan ni Ibarra si Padre Salvi sa piknik na kanilang pinagpa-


planuhan at kaagad naman itong sinang-ayunan ng pari. Umuwi na rin si Ibarra
makalipas ang ilang oras.

Sa daan habang naglalakad pauwi ay may nakasalubong si Ibarra na isang lalaki


na humihingi ng tulong. Agad naman itong tinulungan ng binata.

Talasalitaan
 Lumanghap – umaamoy
 Nagpaunlak sa paanyaya – tinanggap ang imbitasyon
 Pananamlay – panghihina
 Pusikit – maliit na liwanag
 Tulisan – bandido

Noli Me Tangere Kabanata 23 – Ang Piknik


Masiglang gumayak ang mga kababaihan at kabinataan madaling araw pa
lamang ng araw na iyon. Naglalakad ng magkakasama ang mga kababaihan
samantalang hiwalay naman sa kanila ang mga kalalakihan.

Ang mga kawaksi at matatandang babae ay kasama rin sa kanilang piknik.


Dalawang bangka ang sasakyan nila kung saan ang matatalik na magkakaibigan
na sina Maria Clara, Iday, Victorina, Neneng at Sinang ay magkakasama sa isang
Bangka.

Di mapigil ang tawanan at kwentuhan ng mga dalaga kung kaya si Tiya Isabel ay
sinaway sila.

Nagkaroon naman ng butas ang bangkang sinasakyan ng mga kalalakihan kaya


sila ay napalipat sa bangka ng mga dalaga. Tumahimik tuloy ang mga dalaga
sapagkat sila ay inatake ng hiya.

Patuloy lamang sa pagsagwan si Elias at upang hindi mainip ang mga kasama ay
umawit ng kundiman si Maria Clara.

Nang malapit ng maluto ang agahan ay gumayak na ang mga kalalakihan upang
mangisda. Ngunit walang nahuli ang mga ito kahit isa dahil sa biglang pagsulpot
ng buwaya sa ilog.

Ang mga kababaihan ay nabahala sa paglitaw ng buwaya lalo na ng ito’y nilundag


ni Elias. Higit na malakas ang buwaya kaysa kay Elias kaya tinulungan siya ni
Ibarra na taluhin ito.

Natalo ng dalawa ang buwaya kaya nagpatuloy na sila sa pangigisda hanggang sa


sila ay makahuli ng sariwang isda.

Sa isang puno malapit sa batisan ay masayang nananghalian ang magkakaibigan.

Talasalitaan
 Igaod – pagsagwan
 Katipan – kasintahan
 Langkay – kumpol, sama-sama
 Mabanaagan – mamasdan, makita, maaninag
 Napapandaw – pagtungo sa baklad upang tignan ang huli
 Napatda – hindi nakakilos agad
 Pinagtiyap – magtagpo

Noli Me Tangere Kabanata 24 – Sa Kagubatan


Nakapagmisa ng maaga si Padre Salvi at agad ay nag-almusal. Hindi na nito
tinapos ang pagkain, sa halip ay nagpunta na ito sa lugar ng piknik sakay ng
karwahe.

Malayo pa lamang ay pinahinto na ng pari ang karwahe upang malayang


mapagmasdan ang mga kadalagahan. Di naman siya nabigo sapagkat nakita niya
ang masasayang mga dalaga maging ang mga binti at sakong ng mga ito habang
nagkakatuwaan. Pinigil ni Padre Salvi ang kanyang sarili at hinanap ang mga
kalalakihan.

Makatapos ang pananghalian ay nabanggit ni Padre Salvi na may tumampalasan


kay Padre Damaso kaya ito ay nagkasakit.

Nagkataon namang dumating si Sisa na nais sanang pakainin ni Ibarra ngunit


dala ng pagiging wala sa katinuan ay agad itong umalis.

Nabanggit din sa usapan ang pagkawala ng mga anak ni Sisa kung saan
nagkaroon ng matinding pagtatalo sina Don Filipo at Padre Salvi.

Ikinatwiran ni Don Filipo na higit pang pinahalagahan ang dalawang onsa kaysa
sa pagkawala ng mga bata. Si Ibarra nama’y pumagitna na sa dalawa upang hindi
na umabot sa sakitan ang mga ito.

Maya-maya’y nakiumpok si Ibarra sa mga binata at dalagang naglalaro ng Gulong


ng Kapalaran. Itinanong ng binata sa Gulong kung may mga katuparan ang
kanyang binabalak. Ngunit natapat naman ang dais sa sagot na pangarap lamang,
bagay na hindi sinang-ayunan ni Ibarra.

Aniya, mayroon na siyang katibayan at pahintulot sa pagpapatayo ng bahay-


paaralan. Ang kasulatan ay hinati ni Ibarra at ibinigay kina Maria Clara at
Sinang.

Walang anu-ano’y dumating si Padre Salvi at pinunit nito ang aklat ng walang
hudyat. Ayon sa pari, malaking kasalanan ang maniwala sa nilalaman nito.

Si Albino nama’y nainis at sinagot ang kura na mas malaking kasalanan ang
kanyang pakikialam sa pag-aari ng iba.
Kaagad na lumayas ang kura at padabog na bumalik sa kumbento.

Ilang sandal pa’y dumating naman ang mga gwardya sibil at sarhento. Si Elias
ang pakay nila sapagkat ito diumano ang nanakit kay Padre Damaso.

Kinuwstyon din ng mga dumating ang pagkupkop ni Ibarra kay Elias. Ito nama’y
agad na sinalungat ng binata at sinabing walang karapatan ang mga ito na
kwestyunin ang kanyang desisyon kung sino ang nais niyang imbitahin sa
kanyang tahanan.

Ang buong kagubatan ay hinalughog ng gwardya sibil ngunit hindi nila nakita si
Elias.

Talasalitaan
 Kiming dalaga – mahiyaing dalaga
 Naganyak na sumama – napa-oo
 Nasawata ang pagtatalo – napigilan

Noli Me Tangere Kabanata 25 – Sa Tahanan ng Pilosopo


Pumunta si Ibarra sa bahay ni Pilosopo Tasyo upang humingi ng payo tungkol sa
paaralan na nais niya pasimulan. Sa kabila ng pagiging abala ng Pilosopo sa
kanyang ginagawa ay napansin pa rin naman niya ang binatang si Ibarra kaya
inanyayahan niya nito.

Nabanggit ng Pilosopo na walang makauunanawa sa ngayon ng kanyang


isinusulat dahil ang susunod na henerasyon ang makakaunawa ng kanyang
saloobin. Dagdag pa niya, wala na raw piring sa mata at mulat na sa nangyayari
sa lipunan ang mga susunod na salinlahi.

Nabanggit naman ni Ibarra na kahit siya ay dito ipinanganak at lumaki, ramdam


niya ang palagay ng mga tao na siya ay dayuhan lamang. Kaya naman
kinakailangan niyang humingi ng payo sa Pilosopo dahil sa ito’y higit na kilala ng
mga tao.

Sinalungat naman ito ng Pilosopo at iminungkahing sa mga kinikilalang tao sa


lipunan tulad ng kura dapat isangguni ni Ibarra ang kanyang mga binabalak.
Naniniwala si Ibarra na ang matuwid na layunin ay hindi na kailangang balutan
ng baluktot na gawain. Buo ang paniniwala ng binata na sasang-ayunan siya ng
pamahalaan at ng mga tao sa bayan sapagkat ang kanyang ninanais ay para sa
kapakanan ng nakararami.

Hindi makumbinsi ni Pilosopo Tasyo si Ibarra na ang kapangyarihan ng


simbahan ay higit pa sa kakayahan ng pamahalaan. Lalo pa ng sabihin niya sa
binata na kung nais niyang matupad ang kanyang mga balakin ay marapat na
yumuko muna siya sa mga may kapangyarihan kung ayaw niyang walang
mangyari sa kanyang mga balakin.

Hindi naman ito matanggap ni Ibarra dahil ang kanyang mga pananaw ay
ideolohiyang liberal na kanyang nakamulatan sa pag-aaral sa Europa.

Ayon sa Pilosopo, ang mga ganitong prinsipyo ay hindi pa katanggap-tanggap sa


simbahan na siyang nagmamay-ari ng lahat pati ang buhay ng mga tao sa
kanilang nasasakupan.

Ang kalagayan ni Ibarra ay inihalintulad niya sa mga halaman kagaya sa rosas na


yumuyuko rin sa hangin kapag hitik na ito sa mga bulaklak at kung hindi ito ay
mababali lamang, at sa puno ng makopa na kailangan pa niyang tukuran upang
kumapit ang mga ugat nito sa lupa dahil kung hindi niya ito gagawin ay ibubuwal
lamang ito ng hangin.

Ganito diumano si Ibarra sa kanyang mga pananaw. Isa siyang punong itatanim
sa mabatong lupain na nagmula pa sa bayan ng Europa – kailangan niya ng
makakapitan at masasandalan.

Ang sabi pa ni Pilosopo Tasyo, hindi kaduwagan ang pagyuko sa kapangyarihan.


Ang pagyuko at pag-iwas sa dumarating na punlo ay mas mainam kaysa
salubungin ang mga bala ng baril at tuluyan ng hindi makabangon.

Maraming tumatakbo sa isipan ni Ibarra. Paano na lamang raw kung hindi lubos
ang pagtulong ng simbahan sa kanyang mga balakin dahil sa ang karunungan ay
kaagaw ng simbahan sa pagpapayaman, at kung may maiiwan ba siyang legasiya
sa kanyang mga binabalak para sa bayan.
Bago pa man magpaalam si Ibarra ay binigyan siya ng inspirasyon ng Pilosopo na
kung sakaling hindi man siya magtagumpay ay may uusbong na pananim na
siyang magpapatuloy ng kanyang mga nasimulan.

Pagkatapos nito’y nagpaalam na ang binata kay Pilosopo Tasyo.

Talasalitaan
 Jerogloficong pagsulat – istilo ng pagsulat
 Kalupi ang tangan – pitaka o lalagyan
 Tampalasang sanlibutan – masama

Noli Me Tangere Kabanata 26 – Ang Bisperas ng Pista


Tuwing ika-sampu ng Nobyembre ay bisperas ng pista sa San Diego. Handa na
ang lahat sa bisperas pa lamang kaya nakagayak na ang kani-kanilang mga bahay
ng pinakagarbong palamuti, kurtina at iba’t-ibang dekorasyon pati na mga
minana at antigong kagamitan.

Punong-puno ng iba’t ibang masasarap na putahe ang hapag kainan ng mga


mayayaman. Nariyan ang mga kakanin, panghimagas at mga inangkat na
mamahaling mga alak mula pa sa Europa. Para sa lahat ang mga pagkain dito
upang kahit na mga taga ibang bayan ay maging masaya din sa kapistahan.

Panay rin ang pagpapaputok ng mga kwitis, batingaw ng kampana at tugtugan ng


mga banda ng musiko. Ang mga matataong lugar kabilang na ang plasa ng San
Diego ay pinalamutian ng arkong kawayan. Nilagyan din ng tolda ang harapan ng
simbahan para sa prusisyon.

May nakalaan ding tanghalan para sa komedya at iba pang palatuntunan.

Sina Kapitan Tiyago, Kapitan Joaquin, ang intsik na si Carlos, at iba pang
mayayaman sa bayan ng San Diego ay may partisipasyon din sa kasayahan.
Nakalaan namang magmisa si Padre Damaso sa umaga.

Iginayak na rin ng mga magsasaka at mahihirap ang kanilang mga pinaka-


mainam na ani upang ihandog sa mga may-ari ng kanilang bukirin.
Samantalang tinatapos na ang bahay-paaralan na pinapagawa ni Ibarra malapit
sa kanyang tahanan sa pamamatnubay ni Nol Juan.

Ang lahat ng gastos ay sagot ni Ibarra. Magalang namang tinanggihan ng binata


ang alok na tulong ng mga mayayaman at ng pari sa kanya.

Katumbas ng mga paaralan sa Europa ang bahay-paaralan na ipinapatayo ni


Ibarra kung saan hiwalay ang mga babae sa lalaki. Mayroong lugar para sa
pagtatanim ng puno at gulay pati na rin bodega. May silid pang-disiplina din para
sa mga batang mag-aaral.

Sa ginawang ito ni Ibarra ay maraming humanga sa kanya ngunit sa kabilang


banda nama’y marami din ang kanyang naging palihim na mga kaaway.

Talasalitaan
 Gayak – maghanda
 Padrino – sponsor
 Piitan – kulungan
 Tahur – mayaman na mananabong

Noli Me Tangere Kabanata 27 – Sa Pagtatakipsilim


Sinasadya talagang higitan ni Kapitan Tiyago ang paghahanda sa kapistahan
dahil ikinatutuwa niya mabangong pagtanggap ng mga tao kay Ibarra na kanyang
mamanugangin. Hindi lingid sa kaalaman ng Kapitan na tanyag na tanyag ang
binata sa Maynila kaya sinasamantala niya ang mga ganitong pagkakataon upang
kasama siyang mapuri sa mga pahayagan.

Sari-saring pagkain at inumin mula pa sa ibang bansa ang handa ni Kapitan


Tiyago. Si Maria Clara nama’y pinasalubungan niya ng mga kagamitang may
mamahaling bato. Bandang hapon na ng magkita sina Ibarra at Kapitan Tiyago.

Si Maria nama’y nagpaalam na mamasyal kasama ang mga kaibigan nitong


dalaga. Niyaya ng mga ito si Ibarra at pinaunlakan naman ng binata ang
paanyaya.
Ang Kapitan nama’y inanyayahan din si Ibarra na doon na sa kanila maghapunan
dahil darating daw si Padre Damaso ngunit magalang naman itong tinanggihan
ng binata.

Lumakad na kasama ng mga kadalagahan ang magkatipan at nang mapadaan sila


kina Simang ay kanila rin itong niyaya na kaagad namang sumama sa kanila.

Sa liwasang bayan ay sinalubong sila ng isang ketongin na pinandidirihan ng


lahat. Si Maria’y naawa dito kaya ibinigay niya ang iniregalo ng ama sa kabila ng
pagtataka ng mga kaibigan.

Lumapit naman si Sisa at kinausap ang ketongin. Kanyang itinuro ang


kampanaryo at sinabing nandoon daw ang mga anak nito. Umalis ng pakanta-
kanta si Sisa samantalang ang ketongin nama’y umalis na din dala ang bigay sa
kanya ni Maria Clara.

Napag-isip-isip ni Maria na marami palang mga mahihirap at kapus-palad at


iyon ay naging lingid sa kanyang kaalaman.

Talasalitaan
 Damit na gula-gulanit – punit-punit
 Ikinasisiya – apresyahin
 Inangkat – pinadala
 Kinumbida – inimbita
 Nahabag – naawa
 Paniniwalang agnos – pag-aalinlangan
 Pinaunlakan – pumayag
 Relikaryong ginto – antigo
 Salakot – sumbrero na parang isang maliit na payong.

Noli Me Tangere Kabanata 28 – Sulatan


Ang mga naganap sa kapistahan ng San Diego ay nalathala sa pahayagan sa
Maynila. Kasama sa naiulat ang marangyang kapistahan ng bayan, mga kilalang
tao sa San Diego, ang naganap na palatuntunan pati na rin ang musiko.
Nabalita rin ang mga pari at ang komedyang naganap sa bayan pati na ang mga
mahuhusay nitong mga artista. Ang mga Kastila lamang ang nasiyan sa komedya
dahil ito ay idinaos sa wikang Kastila. Nasiyahan naman ang mga Pilipino sa
komedyang tagalog. Samatala, si Ibarra’y walang dinaluhan sa mga palabas na
iyon.

Nagkaroon ng prusisyon para sa mga santo at santa kinabukasan kung saan ang
misa ay pinamunuan ni Padre Manuel Martin.

Nagkaroon din ng sayawan na pinangunahan ng mag-ama na sina Kapitan


Tiyago at Maria na ikinayamot naman ng dalaga.

Pagdaka’y sinulatan ni Maria Clara si Ibarra dahil ilang araw na niya itong hindi
nakikita. Hiniling niyang siya ay dalawin ng binata at imbitahan siya nito sa
pagpapasinaya ng bahay-paaralan na kanyang ipinatayo.

Talasalitaan
 Mamatnugot – mamamahala
 Masilayan – makita
 Nanonood ng komedya – dulang katatawanan

Noli Me Tangere Kabanata 29 – Ang Kapistahan


Handa na ang mga banda ng musiko umaga pa lang upang magbigay saya at
salubungin ang kapistahan. Sinabay pa ang tunog ng kampana at mga siklab at
pasabog ng paputok.

Samantalang ang mga tao sa bayan ay nagising na at nagsigayak para makiisa.


Suot nila ang kanilang pinakamainan na kasuotan at mga alahas. Hinatak nila
ang mga tao upang tikman ang masasarap na pagkaing kanilang hinanda.

Hindi naman sang-ayon dito si Pilosopo Tasyo. Aniya, paglulustay lamang ng


salapi at pagpapakitang tao lamang ang pagsasaya sa araw na ito. Mas marami
umano ang may kabuluhan na dapat pagkagastusan at isama pa diyan ang
maraming hinaing ng bayan na hindi natutugunan.
Sang ayon naman naman si Don Filipo sa pananaw ng Pilosopo ngunit wala
siyang lakas ng loob para salungatin ang mga pari.

Naghihintay na ang mga tao sa simbahan pati na rin ang at mga tanyag na tao sa
San Diego.

Sinadya naman ni Padre Damaso na magkasakit upang higit na makakuha ng


importansya mula sa lahat. Ang taga-pangasiwa ng simbahan ang nag-aala sa
pari habang siya ay may sakit.

Bandang alas-otso ng umaga sinimulan ang mahabang prusisyon ng iba’t-ibang


santo. Sa prusisyon ay makikita ang pagkakaiba ng antas o diskriminasyon sa
lipunan. Kahit na ang mga nagpuprusisyon ay mga ginggon.

Sa tapat ng bahay ni Kapitan Tiyago natapos ang prusisyon na inaabangan


naman ng ibang mga Kastila ppati na rin nina Maria Clara at Ibarra.

Talasalitaan
 Hindi magkamayaw – hindi mapakali
 Bisperas – ang araw bago dumating ang takdang araw ng pagdiriwang
 Deboto – panatiko
 Kabaliwan – kalokohan
 Magpaumanhinan – magpasensiyahan; Mag-unawaan
 Mapukaw sa galit – udyukan
 Monasteryo – sambahan
 Nagkakawag – nagkakaway; nagpupumiglas
 Nahihiyasan – napapalamutian
 Nakasaksi – nakakita
 Napakataimtim – tapat; sinsero
 Sisidhi ang galit – mag-iibayo
 Umalma – lumaban

Noli Me Tangere Kabanata 30 – Sa Simbahan


Ang simbahan ay dinumog ng mga taong nagsisiksikan sa kabila ng init at iyakan
ng mga bata. Ang misa ay bayad para sa kabanalan ng lahat sa halagang
dalawang daan at limampung piso. Pinaniniwalaan noon na mas mabuti ng
magbayad ng mahal sa misa kaysa sa komedya sapagkat ang misa ay
makapagdadala ng kaluluwa sa langit samantalang impyerno naman sa komedya.

Samantala, hindi sinimulan ang misa hangga’t hindi dumarating ang alkalde
mayor na sinadya namang magpahuli upang higit na mapansin ng lahat.
Nakasuot siya ng limang medalya na sagisag ng kanyang tungkulin.

Nang dumating ang alkade mayor ay nagsimula ang pagmimisa ni Padre Damaso.
Sinamantala ng walang pakundangang pari ang paglibak sa nagmisa kahapon na
si Padre Manuel Martin.

Siya daw ay higit na mahusay magmisa kaysa Padre Manuel Martin. Hangga’t di
siya natatapos magyabang ay hindi ito nagsimulang mag-sermon.

Talasalitaan
 Agua bendita – binasbasang tubig ng bunyag
 Abaniko – natitiklop na pamaypay
 Altar mayor – gitnang mayor
 Angil – pagalit na ungol na nagpapakilala ng pagtanggi o pagtutol
 Ansod – angit
 Banda – pandekorasyong sintas o laso
 Coadjutor – Blood Seekers
 Dumudukwang – pag-abot na inalapit ang katawan sa harap
 Komedyante – aktor ng komedya
 Kuwaderno – anyong aklat na talaan
 Pandegala – marangyang kasuotan sa mga tanging okasyon
 Pulpito – bahagi ng simbahan na pinagsesermunan ng pari

Noli Me Tangere Kabanata 31 – Ang Sermon


Si Padre Damaso ay nagsimulang magsermon sa wikang Tagalog at Kastila mula
sa isang sipi sa Bibliya.

Ang kabuuan ng kanyang sermon ay tumatalakay sa kanyang pagpupuri sa mga


banal na santo ng simbahan, ang pagtulad kay Haring David, ang mapagwaging
si Gideon, at si Roldan na isang tapat na mananampalataya.
Ngunit higit sa lahat, kasama sa kanyang sermon ang panlilibak ng pari sa mga
Pilipino na binigkas niya sa wikang Kastila kaya walang kamalay-malay ang
nakararami sa kahulugan ng kanyang mga sinasabi. Nagpatusada din si Padre
Damso sa mga taong hindi niya gusto para ipahiya ang mga ito sa karamihan.

Dahil marami sa mga naroon ay walang naiintindihan sa pinagsasasabi ng pari,


hindi na nila napigilang antukin at maghikab, kabilang sa mga ito si Kapitan
Tiyago.

Palihim namang nagsusulyapan sina Maria at Ibarra na kapwa ang mga mata’y
nangungusap. Sa wakas ay sinimulan na rin ni Padre Damaso ang kanyang
sermon sa wikang Tagalog.

Dito’y walang pakundangan nyang tinuligsa si Ibarra. Bagaman hindi niya


pinangalanan kung sino ang kanyang tinutukoy ay halata namang si Ibarra ang
kanyang pinatatamaan.

Hindi natuwa si Padre Salvi sa mga nagaganap kaya nagpakuliling na ito, hudyat
para tapusin na ng pari ang kanyang sermon.

Tila walang narinig si Padre Damaso kaya nagpatuloy lamang ito sa kanyang
walang kwentang sermon na umabot pa ng kalahating oras.

Samantala, sa loob ng simbahan ay palihim na nakalapit si Elias kay Ibarra at


binalaan ito na mag-ingat at huwag lalapit sa bato na ibabaon sa hukay sapagkat
maaari niya itong ikamatay.

Walang nakapansin ni isa sa pagdating at pag-alis ni Elias.

Talasalitaan
 Lagapay ang sarili – isabay
 Eskomulgado – itiniwalag sa simbahan
 Ihuhugos – ihuhulog
 Ipinalalaganap – ikinakalat
 Nagtimpi – nagpigil
 Naidlip – nakatulog
 Namumutawi – lumalabas sa bibig
 Tagapagtubos – tagapagligtas
Noli Me Tangere Kabanata 32 – Ang Panghugos
Ang taong dilaw ay nagkaroon ng demonstrasyon kay Nol Juan tungkol sa
paggamit ng panghugos bago ganapin ang pagpapasinaya sa paaralan.

Ang nasabing istruktura ay may walong metro ang taas at ang apat na haligi ay
nakabaon sa ilalim ng lupa. May apat na haligi ito na nasasabitan ng malalaking
lubid na kapag tiningnan ay para bang napakatibay ng pagkakayari.

Ang taong dilaw naman ay ipinagmamalaki na kanyang natutuhan ang ganitong


paraan sa ninuno pa ni Ibarra na si Don Saturnino. Iminustra niya kung papaano
itinataas at ibinababa ang batong malaki na siyang ibabaon sa hukay na
napapagitnaan ng apat na haligi. Pinuri ito ng mga tao sa paligid at maging si Nol
Juan ay hinangaan siya.

Dumating ang araw ng pagpapasinaya sa bahay-paaralan.

Naghanda ang mga guro at mag-aaral ng mga pagkain para sa mga panauhin.
May banda din ng musiko.

Nagsimula nang basbasan ni Padre Salvi ang bahay-paaralan.

Ang mga mahahalagang kasulatan maging ang relikya at iba pang mahahalagang
bagay ay inilulan sa isang kahang bakal na ipinasok naman sa bumbong na yari
sa tingga.

Ang nagko-kontrol sa bato ay ang lubid na may hukay sa gitna kung saan ilalagay
ang tingga. Ang taong dilaw naman ang may hawak ng nasabing lubid.

Nagsibabaan ang lahat ng importanteng tao upang sumaksi nang magsimula na


ang pari sa seremonya. Isa sa mga taong naroroon upang sumaksi sa okasyon ay
si Elias at di winaglit ang tingin sa taong dilaw.

Pagbaba ni Ibarra upang maki-isa sa pagsaksi ay humulagpos ang lubid mula sa


kalo at kasabay nito ay ang pagkagiba ng balangkas.
Ilang saglit lang ay nasaksihan ng lahat na si Ibarra ay nakatayo sa pagitan ng
nasirang kalo at ng malaking bato ngunit ang taong dilaw ay namatay.

Ipahuhuli sana ng alkalde si Nol Juan ngunit pinigilan siya ni Ibarra at sinabing
siya na ang bahala sa lahat.

Talasalitaan
 Balangkas – isang lagay ng lupa
 Eskribano – tagatala
 Kalo – “pulley”
 Nalansag – natanggal ng isa-isa ang mga piyesa
 Nuno – ingko o lolo
 Palitada – pantay at malinis na pagsisimento ng sahig o pader
 Panghugos – gamit pangbaba ng anuman mula sa mataas na
kinalalagyan sa pamamagitan ng lubid na unti-unting pinauusos
 Pasinaya – inagurasyon
 Umalimpuyo – uli-uli ng tubig, hangin o usok

Noli Me Tangere Kabanata 33 – Malayang Kaisipan


Si Elias ay palihim na dumating sa bahay ni Ibarra at sila’y nag-usap tungkol sa
mga kaaway ng katipan ni Maria.

Kahit na ang hangad ay kabutihan, pinayuhan ni Elias si Ibarra dahil nagkalat


ang kanyang kaaway. Nasabi rin nito ang kanyang pagkakatuklas sa balak na
pagpatay ng taong dilaw kay Ibarra sa araw ng pagpapasinaya ng paaralan.

Lihim pa lang sinubaybayan ni Elias ang taong dilaw at nalaman niyang


prinisinta nito ang sarili kay Nol Juan kahit maliit ang sahod kapalit ng kanyang
mga kaalaman.

Si Ibarra nama’y nanghinayang sa maagang pagkawala ng taong dilaw dahil


marami pa raw sana siyang matutuklasan kung ito ay nabubuhay lamang.

Salungat naman dito si Elias dahil tiyak niyang makaliligtas sa hukuman ang
taong dilaw dahil sa kabulagan ng hustisya sa bayan.
Tila nagkaroon naming ng interes si Ibarra kay Elias dahil sa kanyang mga
kaisipan na kakaiba kaysa ordinaryong mamamayan.

Napadpad naman ang knailang usapan sa paniniwala sa Diyos na di tinanggi ni


Elias na siya’y nawawalan na ng tiwala dito.

Maya-maya pa’y nagpaalam na rin si si Elias baon ang kanyang pangako ng


katapatan kay Ibarra.

Talasalitaan
 Binalaan – binantaan
 Hatol – husga
 Isusuplong – isusumbong
 Kinikilingan – kinakampihan
 Nahulaan – nalaman
 Namangha – nagandahan
 Namanhik – naligaw
 Pagdusahan – paghirapan
 Tinugaygayan – sinubaybayan o binabantayan
 Tunggalian – labanan

Noli Me Tangere Kabanata 34 – Ang Pananghalian


Noong araw na iyon ay darating ang Heneral at tutuloy sa bahay ni Kapitan
Tiyago. Magkakaharap na nananghalian ang mga taga San Diego.

Si Ibarra at ang alkalde mayor ay nasa magkabilang dulo ng hapag. Si Maria ay


nasa gawing kanan ni Ibarra samantalang sa kaliwa naman niya ang eskribano.
Nasa hapag din sina Kapitan Tiyago, iba pang mga kapitan sa bayan ng San
Diego, mga pari, mga kawani ng pamahalaan at mga kaibigan nina Maria Clara at
Ibarra.

Ang karamihan naman ay nagtaka dahil wala pa si Padre Damaso. Nag-uusap ang
mga nasa hapag habang kumakain. Napag-usapan anila ang hindi pagdating ni
Padre Damaso, ang kamangmangan ng mga magsasaka sa mga kubyertos, ang
mga kursong nais nilang ipakuha sa kanilang mga anak, at marami pang iba.
Maya-maya’y dumating na si Padre Damaso at ang lahat doon ay bumati sa kanya
liban kay Ibarra. Habang inihahanda ang serbesa ay nagsimula na ring
patutsadahan ng pari si Ibarra.

Sisingit sana ang alkalde sa usapan upang maiba ang paksa ngunit ayaw papigil
ng mayabang na pari. Tahimik lamang na nakikinig habang nagtitimpi ang
binatang si Ibarra.

Tila nananadya si Padre Damaso dahil inungkat nito ang pagkamatay ng ama ni
Ibarra. Sa pagkakataong ito’y hindi na pinalampas ng binata ang mga sinabi ng
pari kaya naman muntik na niya itong saksakin.

Mabuti na lamang at pinigilan siya ni Maria kung kaya’t bumalik ang


kahinahunan ni Ibarra at umalis na lamang.

Talasalitaan
 Ga-daling noo – angking talino
 Lipos – batbat
 Mapanlibak – mapang-uyam
 Mauklo – matumba
 Nanghihimagas – nagmamatamis
 Pasaring – parunggit
 Perito – arkitekto
 Reverencia – paggalang
 Uldog – kaimbihan

Noli Me Tangere Kabanata 35- Mga Usap-usapan


Naging mainit na usapan sa buong bayan ng San Diego ang mga kaganapan sa
nangyaring pananghalian. Karamihan ay pinanigan si Padre Damaso dahil kung
nagtimpi lamang daw si Ibarra ay hindi sana iyon nangyari.

Tanging si Kapitan Martin lamang ang nakaunawa sa ikinilos ni Ibarra dahil


walang sinuman ang hindi makapapagpipigil kung ang ama ang
lalalapastanganin.
Ipinapalagay naman ni Don Filipo na hinihintay daw ni Ibarra na tulungan siya
sa taumbayan bilang pagtanaw ng utang na loob sa kabutihang nagawa niya at ng
kanyang ama. Samantala, nanindigan ang kapitan ng bayan na wala silang
magagawa sapagkat laging nasa katwiran ang mga prayle.

Ani Don Filipo, nangyayari ito dahil hindi nagkakaisa at watak-watak ang mga
taumbayan samantalang ang mga prayle at mayayaman ay nagkakabuklod-
buklod.

Natakot naman ang mga matatandang babae sa bayan dahil kung di nila panigan
si Padre Damaso ay baka mapunta sila sa impyerno.

Nalugod naman si Kapitana Maria sa pagtatanggol ng binata sa kanyang ama.


Ang mga magsasaka’y biglang nawalan ng pag-asa dahil baka hindi matuloy ang
paaralan. Kapag nangyari iyon ay baka hindi makatapos sap ag-aaral ang
kanilang mga anak.

May kumakalat na baka hindi na matutuloy ang pagpapatayo ng simbahan


sapagkat tinawag na pilibustero ng prayle si Ibarra. Hindi naman maintindihan
ng mga magsasaka ang kahulugan ng Pilibustero.

Talasalitaan
 Lumaganap – kumalat
 Hampaslupa – dukha
 Inaalipusta – inaabuso o pinapahirapan
 Kaaliwaswasan – kalokohan
 Malakas na ibinulaslas -biglang pagsabi
 Mapusok – agresibo
 Nanlumo – nanghina
 Pagtimpi – pagtitiis o pagpigil sa sarili
 Sumabad – sumagot
 Tigmak ng dugo – punong-puno ng dugo

Noli Me Tangere Kabanata 36 – Ang Unang Suliranin


Dumating ng walang abiso ang Kapitan Heneral sa bayan nila Kapitan Tiyago
kung kaya naging abala ang lahat sa paghahanda upang maibigay ang nararapat
na pag-istima sa panauhin.

Sinamantala ng lahat ang nalalabing oras upang makapag-gayak maliban kay


Maria Clara na patuloy ang pagtangis dahil sa pagbabawal ng kanyang ama na
makipagkita kay Ibarra hanggat hindi ito ekskomunikado. Balewala ang pag-aalo
sa kanya nina Tiya Isabel at Andeng.

Iminungkahi ng kanyang tiya na maari silang sumulat sa Papa at magbigay ng


malaking halaga upang mapawalang bisa ang ipinataw sa binata. Nagprisinta
naman si Andeng na gagawa umano ng paraan upang magkausap ang
magkasintahan.

Nagpunta si Kapitan Tiyago sa kumbento at inihayag nito kay Maria Clara ang
desisyon ni Padre Damaso na sirain ang nakatakdang pakikipag-isang dibdib nito
kay Ibarra.

Ipinag-utos naman ni Padre Sibyla na huwag nang tanggapin sa kanilang tahanan


ang binata. Kahit daw ang utang ng kapitan na limampung libong piso ay hindi
rin dapat bayaran dahil ang kapalit nito ay kamatayan ng kaluluwa sa impyerno.

Lalong nagdalamhati si Maria sa mga narinig. Inalo ni Kapitan Tiyago ang anak
at sinabing si Padre Damaso ay may inilaan sa kanyang isang binata na kamag-
anak nito na manggagaling pa mula sa Europa.

Nasindak nang lalo ang dalaga at maging ang kanyang Tiya Isabel ay nagalit sa
Kapitan kaya pinagsabihan niya ito na hindi parang damit na isinusuot ang
magpalit ng katipan.

Hindi rin pumayag si Kapitan Tiyago ng imungkahi ni Tiya Isabel na sulatan nito
Arsobispo. Ayon kay Kapitan Tiyago ay hindi naman sila nito pakikinggan kundi
ang desisyon lamang ng mga pari. Pagkatapos nito’y bumalik na sa paghahanda
sa bahay ang Kapitan samantalang si Maria ay pumasok na sa kanyang silid.

Ilang sandali pa’y dumating na rin ang Kapitan Heneral at napuno na rin ang
bahay ni Kapitan Tyago ng mga panauhin. Taimtim na nananalangin si Maria ng
siya ay pasukin ni Tiya Isabel dahil ipinatatawag daw ito ng Kapitan Heneral.
Pagdaka’y sumunod naman ang dalaga.

Talasalitaan
 Ekskomunyon – pagtitiwalag sa simbahang Katoliko.
 Nawalan ng ulirat – hinimatay
 Pahiwatig – mga di tiyak o tagong pahayag o kaya’y mga kilos o galaw
ayon sa pagpapakahulugan ng mga tao
 Yagbols – pinalakas-loob

Noli Me Tangere Kabanata 37 – Ang Kapitan Heneral


Ipinahanap agad ng Kapitan Heneral si Ibarra pagkarating niya. Kinausap niya
ang binata na nakagalitan ni Padre Damaso ng ito ay lumabas sa kalagitnaan ng
sermon.

Akala ng binata ay sasamain siya sa Kapitan Heneral ngunit matapos niya itong
kausapin ay nakangiti itong lumabas ng silid. Tanda ito ng mabuting ugali ng
Kapitan-Heneral na mayroong panahon basta sa katarungan.

Sumunod na kinausap ng Kapitan Heneral ang mga prayle na sina Padre Sibyla,
Padre Martin, Padre Salvi at iba pa. Nagpakita ng paggalang ang mga ito sa
pamamagitan ng pagyuko maliban kay Padre Sibyla samantalang si Padre Salvi
naman ay halos mabali na ung baywang sa pagkakayuko. Kanilang binanggit ang
pagkakasakit ni Padre Damaso kaya wala siya doon.

Sumunod na nagbigay galang sina Kapitan Tiyago at Maria Clara na pinapurihan


ng Heneral dahil sa katapangan nito sa paggitna sa away ni Ibarra at Padre
Damaso, maging ang pagbabalik ng hinahon ng binata dahil na rin sa kanya.
Nabanggit ng Heneral na dapat siyang gantimpalaan dahil sa kanyang ginawa na
agad namang tinanggihan ng dalaga.

Ilang sandali pa’y dumating na si Ibarra upang makausap ng Heneral. Nagpaalala


naman si Padre Salvi na ang binata ay ekskomulgado ngunit di naman ito
pinansin ng Heneral. Sa halip ay ipinaabot niya sa pari ang pangangamusta nito
kay Padre Damaso. Umalis ang mga pari na hindi nagustuhan ang ipinakita ng
Heneral.
Binati ng Heneral si Ibarra at pinuri ang ginawang pagtatanggol nito sa ala-ala ng
kanyang ama. Ayon sa Heneral ay kakausapin niya ang Arsobispo tungkol sa
pagiging ekskomulgado ng binata.

Napansin naman ng Heneral ang pagiging balisa ni Maria kaya sinabi nitong nais
niyang makaharap ito bago umaalis patungong Espanya. Ipinaabot naman nito sa
alkalde na samahan siya sa paglilibot.

Base sa pag-uusap ng binata at ng Heneral ay mapapansin na kilala ni Ibarra pati


ang pamilya ng Kapitan Heneral sa Espanya. Namanghanga rin ang Heneral sa
katalinuhan ng binata na di umano bagay ang kaisipan sa Pilipinas. Anang
Heneral, ipagbili na lamang daw ni Ibarra ang lahat ng kanyang ari-arian at sa
Espanya na lamang manirahan dahil ang katalinuhan umano nito ay nararapat
lamang sa kaunlaran ng ibang bansa.

Bagay na di sinang-ayunan ni Ibarra dahil ayon sa kanya ay higit na matamis ang


mamuhay sa sariling bayan. Maya-maya’y binanggit ng Heneral kay Ibarra na
kausapin si Maria at inihabilin na papuntahin sa kanya si Kapitan Tiyago.

Umalis na si Ibarra upang puntahan si Maria. Samantala, sinabi ng Heneral sa


Alkalde Mayor na protektahan ang binata upang maisakatuparan nito ang
kanyang mga layunin at tumango naman ang Alkalde bilang pagsunod.

Ilang sandali pa’y dumating na si Kapitan Tiyago. Pinuri ng Heneral ang


pagkakaroon nito ng mabuting anak at mamanugangin. Nagprisinta rin ang
Heneral na maging ninong sa kasal ng dalawa.

Kaagad namang hinanap ni Ibarra si Maria at nagtungo sa silid ng dalaga.


Kumatok siya sa pintuan ng silid ngunit ang sumagot sa kanya ay si Sinang at
sinabing isulat na lamang niya ang gusto niyang sabihin Kay Maria Clara
sapagkat papunta na sila sa dulaan.

Talasalitaan
 Ekskomunikado – taong tiniwalag sa simbahan kaya’t hindi dapat
pakitunguhan ng sinumang katoliko
 Kimi – nahihiya
 Kinalulugdan – kinatutuwa
 Nagkasala – nagkamali
 Nanghihinawa – nagsasawa
 Pagbubunsod – nag-uudyok
 Paghihidwaan – pag-aaway
 Pinalagos – pinadaan
 Sigalot – gulo

Noli Me Tangere Kabanata 38 – Ang Prusisyon


Ang sunod-sunod na pagtunog ng kampana at mga paputok ay hudyat ng
pagsisimula ng prusisyon. May dala-dalang kandila at parol ang lahat ng nakiisa
dito.

Para sa mga santong sina San Juan Bautista, San Francisco, Santa Maria
Magdalena, San Diego De Alcala at Mahal na Birhen ang prusisyon. Hinihila ng
anim na Hermano Tercero ang karo ni San Diego.

Magkakasamang naglalakad ang Kapitan Heneral, mga kagawad, Kapitan Tiyago,


alkalde, alperes at Ibarra na napilitan lamang sumama dahil sa pag-imbita sa
kanya ng Heneral.

Inihinto ang mga karo at andas ng mga santo sa tapat ng bahay ni Kapitan Tiyago
kung saan may isang kubol sa pagdadarausan ng pagbigkas ng tulang papuri o loa
sa pintakasi ng bayan.

Ang pila ng prusisyon ay pinangungunahan ng tatlong sakristan na sinundan ng


guro, mag-aaral at mga batang may dala-dalang parol na papel.

Isang batang lalaki na may pakpak, nakabotang pangabayo, nakabanda at may


bigkis ang lumabas upang simulan ang pagpupuri sa wikang Latin, Kastila at
Tagalog.

Kasunod nito’y ang pag-awit ni Maria Clara ng Ave Maria kung saan ang lahat ay
nabighani sa ganda ng kanyang tinig. Dama naman ni Ibarra ang pighating
nararamdaman ng kanyang kasintahan sa boses nito.
Sandaling napukaw ang atensyon ng binata ng ito ay kausapin ng Kapitan-
Heneral tungkol sa imbitasyong makasalo siya sa pagkain kung saan kanilang
pag-usapan ang pagkawala ng dalawang sakristan na sina Crispin at Basilio.

Talasalitaan
 Andas – karo ng santo
 Inutil – mang-mang
 Nagmumuni-muni – nag-iisip
 Nakatutulig – nakabibingi
 Sagabal – problema

Noli Me Tangere Kabanata 39 – Si Donya Consolacion


Asawa ng alperes si Donya Consolacion na nagpipilit maging mukhang taga-
Europa sa pamamagitan ng paglalagay ng kolorete sa mukha at pagsasalita sa
wikang Kastila. Naniniwala siyang higit ang kanyang kagandahan kaninuman
kahit pa kay Maria Clara at mataas din ang tingin niya sa kanyang sarili.

Si Donya Consolacion ay dating labandera na nakapag-asawa ng isang kawal na


naging alperes ngayon. Mababakas din sa kanyang ugali ang pagiging salat sa
edukasyon.

Noong araw na iyon ay iniutos ng Donya na isara ang kanilang bahay sa kabila ng
alam nitong tatapat ang prusisyon sa kanila. Buong araw siyang nagngitngit sa
asawa dahil sa hindi nito pagpayag na sila ay magsimba. Di rin lingid sa kanyang
kaalaman na ikinahihiya siya ng asawa bukod pa ang lantarang pag-alipusta at
pagmura nito sa kanya.

Nagdidili-dili ang Donya ng marinig nito ang pag-awit ni Sisa mula sa kulungan.
Siya ay dalawang araw ng nakakulong doon. Sa wikang Kastila ay inutusan niya si
Sisa na umakyat ngunit dahil sa hindi niya ito naintindihan ay di niya sinunod
ang utos ng Donya.

Nagalit si Donya Consolacion at ibinuhos kay Sisa ang lahat ng galit nito sa
asawa. Nilatigo niya ito at inutusang kumanta ang kawawang baliw. Napasigaw
man sa sakit ay di pa rin sinunod ni Sisa ang utos ng Donya.
Sa yamot ng Donya ay inutusan niya ang gwardiya sibil na pakantahin si Sisa.
Sinunod naman ito ng babae at umawit ng Kundiman ng Gabi. Sa pagkaantig ng
damdamin ng Donya ay nawala sa isip nito na magsalita sa Tagalog na ikinagulat
ng gwardya sibil. Agad naman itong napansin ng Donya kaya pinaalis niya ang
gwardya.

Muli niyang hinarap si Sisa upang pasayawin. Di na naman ito sinunod ng babae
kaya siya’y nilatigo ng Donya at inutusan namang kumanta.

Dahil sa pangyayaring ito’y nabuwal si Sisa at nahubaran ng damit kasabay ng


pagdugo ng kanyang sugat. Ang pangyayaring ito’y nadatnan ng alperes at nagalit
ito sa nasaksihan.

Dahil dito’y inutusan niya ang isang kawal na bihisan at pakainin si Sisa, alagaan,
at gamutin din ang mga sugat. Nakatakdang ihatid si Sisa kay Ibarra kinabukasan
kaya naman siya’y inalagaan ng alperes.

Talasalitaan
 Kabuktutan – kalupitan
 Nakaririwasa – nakaluluwag
 Umismid – lumabi

Noli Me Tangere Kabanata 40 – Ang Karapatan at Lakas


Sinimulan nang sindihan ang mga kuwitis bandang ika-sampu ng gabi at ito’y
hudyat na ng pagsisimula ng dula. Si Don Filipo ang nangasiwa sa gabi ng pista.

Noong mga oras na iyon ay magkausap sina tinyente at Pilosopo Tasyo tungkol sa
pag-ayaw ng Don sa kanyang tungkulin. Hindi tinanggap ng Kapitan ang
pagbibitiw ng tinyente kaya masama ang loob niya dito.

Maya-maya pa’y nagsidatingan na ang mga malalaking tao sa bayan kung kaya’t
nagsimula na ang palabas na pinangunahan nina Chananay at Marianito ng
‘Crispino dela Comare’.
Habang ang lahat ay nakatuon ang pansin sa dula ay lantaran namang nakatitig
kay Maria Clara si Padre Salvi. Sinisimulan na ang ikalawang bahagi ng dula
nang dumating si Ibarra.

Ang kanyang pagdating ay nakatawag sa pansin ng mga pari kaya hiniling ng mga
ito kay Don Filipo na paalisin ang binata. Tinutulan naman ito ni Don Filipo dahil
higit siyang takot na suwayin ang utos ng Kapitan Heneral kaysa sa utos nila. Isa
pa’y malaki rin ang abuloy na ibinigay ni Ibarra.

Dahil sa inis ay ang mga pari ang umalis sa kalagitnaan ng dula. Ilang saglit pa at
si Ibarra naman ang nagpaalam sa mga kadalagahan lalo na kay Maria Clara
upang puntahan ang nalimutang tipanan. Nangako siyang babalik bago matapos
ang dula.

May lumapit na dalawang gwardya sibil kay Don Filipo sa kalagitnaan ng dula at
iniuutos na itigil ang palabas sapagkat nabubulahaw sa pagtulog sina Donya
Consolacion at ang alperes. Di naman ito mapagbigyan ng Don Filipo kaya
pagdaka’y nagkaroon ng gulo.

Dahil sa pagtatangkang pagpapatigil sa mga musikero ay hinuli ng mga


kuwadrilyero sa tribunal ang dalawang gwardya sibil. Sakto namang nakabalik na
si Ibarra sa mga sandaling iyon at hinanap kaagad ang katipan. Kumapit ang
dalaga sa bisig ng binata samantalang si Tiya Isabel na kaniyang kasama ay
naglitanya ng panalangin.

Sa galit ng mga kalalakihan ay pinagbabato nila ang dalawang gwardya sibil.


Huminahon lamang ang mga ito sa pakiusap ni Elias na inabisuhan ni Ibarra
dahil wala silang magagawa ni Don Filipo sa bagay na iyon.

Di nakaligtas ang mga pangyayari sa pagmamanman ni Padre Salvi na ibinalita


rin ng kanyang tauhan. Nawalan ng malay tao si Maria Clara sa kanyang
pangitain at si Ibarra naman ang bumuhat sa dalaga.

Base sa kanyang nakita ay nagmistula itong baliw at nagtatakbo papunta sa


bahay ni Kapitan Tiyago upang makasiguro na hindi totoo ang kanyang takot.
Nakahinga lamang siya ng maluwag nang makita niya ang anino nina Maria Clara
at Tiya Isabel mula sa labas ng bahay ng Kapitan. Nang masigurong hindi kasama
ng dalaga si Ibarra ay umuwi na rin ito.

Talasalitaan
 Alingasngas – kaguluhan
 Langkay – pangkat-pangkat
 Nabanaagan – nakitaan o naaninawan

Noli Me Tangere Kabanata 41 – Dalawang Panauhin


Nang gabing iyon ay hindi dinalaw ng antok si Ibarra. Siya’y balisa sa kaguluhang
naganap kaya nilibang na lamang nito ang sarili sa paggawa sa kanyang
laboratory.

Maya-maya’y biglang dumating si Elias upang ipaalam kay Ibarra na si Maria ay


may sakit at kung may ipagbibilin ito bago siya pumunta sa Batangas.
Ipinaliwanag din niya kay Ibarra kung paano niya napatigil ang kaguluhan noong
gabing iyon.

Aniya, kilala daw umano niya ang magkapatid na gwardia sibil kaya naman
napahinuhod ang dalawa dahil sa kanilang utang na loob dito. Ilang sandal pa’y
umalis na rin si Elias.

Si Ibarra nama’y nagmamadaling gumayak upang pumunta sa bahay ni Kapitan


Tiyago. Habang naglalakad ay nakasalubong ni Ibarra ang kapatid ng taong dilaw
na si Lucas.

Kinulit siya nito tungkol sa makukuhang salapi ng kanilang pamilya dahil sa


pagkamatay ng kanyang kapatid. Siya nama’y sinagot ng maayos ni Ibarra na
magbalik na lamang sa isang araw dahil papunta siya sa maysakit.

Ngunit talagang mapilit si Lucas kaya bago pa man mawala ang pagtitimpi ni
Ibarra ay tumalikod na lamang ito. Naiwang nagpupuyos ang kalooban ni Lucas
at inisip na iisa ang dugong nananalaytay sa ugat nina Ibarra at ng lolo nito na
nagparusa sa kanilang ama.
Ara sa kanya’y maari lamang silang maging magkaibigan kung magkakasundo
sila sa salaping ibabayad ni Ibarra.

Talasalitaan
 Binalot ng kalungkutan – napuno ng kalungkutan
 Katipan – kasintahan
 Laboratoryo – isang lugar kung saan gumagawa ng mga eksperimento
 Mababalasik – mababangis
 Maiwaglit – maialis
 Nahihirinan – nabubulunan
 Naibulalas – biglang nasabi
 Nasawata – napigilan
 Natubigan – natigilan
 Pumaslang – pumatay , pagpatay
 Viatico – komunyon na ibinibigay sa may mga karamdaman

Noli Me Tangere Kabanata 42 – Ang Mag-asawang De Espadaña


Sa bahay ni Kapitan Tiyago ay mababanaag ang lungkot dahil may sakit si Maria
Clara. Ang mag-pinsang sina Tiya Isabel at Kapitan Tiyago ay nag-usap kung alin
ang mabuting bigyan ng limos upang gumaling kaagad ang karamdaman ni
Maria; ang krus ba sa Tunasan na lumaki, o ang krus sa Matahong na
nagpapawis? Sa bandang huli’y napagdesisyunan ng mag-pinsan na pareho na
lamang bigyan ng limos ang dalawa.

Natigil lamang ang pag-uusap nila ng mayroong dumating sa tapat ng kanilang


bahay. Ito pala’y sina Doktor Tiburcio de Espadaña na inaanak ng kamag-anak ni
Padre Damaso at tanging kalihim ng lahat ng ministro sa Espanya. Kasama nito
ang kaniyang asawa na si Donya Victorina de Espadaña pati na rin si Linares.

Pagkatapos ipakilala ni Donya Victorina si Linares ay sinamahan sila ni Kapitan


Tiyago sa kani-kanilang silid.

Aakalain mong isang Orofea si Donya Victorina sa biglang tingin. Siya’y


apatnapu’t limang taong gulang ngunit ipinamamalita niyang siya’y tatlumpu’t
dalawa lamang. Masasabing maganda ang Donya noong kanyang kabataan.
Pangarap niya noon pa man na makapangasawa ng dayuhan.
Nais niyang mapabilang sa mataas na antas ng lipunan ngunit ang napangasawa
niya ay isang mahirap pa sa daga na Kastila at ito ay si Tiburcio, tatlumpu’t
limang taong gulang ngunit mas mukha pang matanda kaysa kay Donya
Victorina.

Sakay sa barkong Salvadora si Tiburcio ng narating niya ang Pilipinas. Dumanas


ng katakut-takot na pagkahilo sa barko si Tiburcio at nabalian pa ng paa. Dahil
dito’y nahihiya na siyang bumalik sa Espanya at ipinasyang manatili na lamang
sa Pilipinas.

Eksaktong ika-15 araw niya sa bansa ng matanggap siya sa trabaho dahil na rin sa
tulong ng mga kababayang Kastila. Wala siyang aral kaya pinayuhan siya ng mga
kababayan na humanap nang magandang kapalaran sa mga lalawigan at
magpanggap na isang mediko. Ang tanging puhunan lamang nya ay ang pagiging
kastila. Nahihiya man at ayaw sanang sundin ang payo sa kanya ngunit dala ng
kagipitan ay wala siyang mapagpipilian kundi sumunod na lamang.

Dati siyang nagtatrabaho sa pagamutan ng San Carlos bilang tagapagbaga ng


mga painitan at tagapaspas ng alikabok sa mga mesa at upuan. Wala talagang
kaalam-alam sa panggagamot si Tiburcio.

Sa mga unang panggagamot niya ay mababa lamang ang singil nito. Sinamantala
niya ang pagtitiwala sa kanya ng mga indio kaya di nagtagal ay pataas na ng
pataas ang singil niya sa kanyang mga pasyente.

Sa kalaunan ay isinumbong siya sa Protomediko de Manila ng mga tunay na


mediko. Tuloy-tuloy na sana ang kanyang pagyaman ngunit dahil sa pangyayari’y
nawalan siya ng mga pasyente. Babalik na sana siya sa pamamalimos sa mga
kakilala at mga kababayan ngunit napangasawa naman niya si Donya Victorina.

Lumipat sa Santa Ana ang mag-asawa at doon na din idinaos ang kanilang pulo’t
gata. Pagkalipas ng ilang araw ay bumili ng aranya at karomata si Donya
Victorina at matutuling kabayo mula sa Albay at Batangas upang magamit nilang
mag-asawa.
Si Tiburcio ay binihisan niya ng husto upang magmukhang kagalang-galang
samantalang ang Donya ay nagsimulang maging ilusyunada bilang isang Orofea.
Naglagay din siya ng mga palamuti sa katawan upang magmukhang Espanyola.

Makalipas ang ilang buwan ay ipinamalita niyang siyang naglilihi at sa Espanya


manganganak dahil ayaw niyang matawag na rebolusyunaryo ang magiging anak.
Dinagdagan din ng ‘de’ ang kanyang pangalan kaya naman nakalimbag sa mga
tarheta nito ang Victorina delos Reyes de Espadaña.

Naunsyami ang pagbubuntis na inaasahan ng Donya kaya kahit pa nagpahilot na


ito at nagpatingin sa manggagamot ay wala ring nangyari. Wala siyang nagawa
kundi ang manatili sa lupain na kung tawagin niya ay “lupain ng mga salbahe.”

Dahil sa mga pangyayaring ito’y sa asawa niya ibinunton ang sisi. Para namang
maamong kordero ang Don na kahit na anong gawin ng Donya ay hindi mo ito
makakarinigan ng reklamo. Kapag nagagalit ang Donya ay nilalabnot niya ang
pustiso ng asawa at kung minsan nama’y hindi niya ipinapahintulutan lumabas
ng bahay.

Isang araw ay naisip ng Donya na dapat maglagay ang asawa ng titulong


medicina at cirugia. Tutulan man ito ng “Ander de Saya” na si Don Tiburcio ay
wala pa rin siyang nagawa.

Sa marmol na karatula ay nagpaukit ang Donya ng mga katagang DOCTOR DE


ESPADAÑA, ESPECIALISTA EN TODA CLASE DE ENFERMEDADES, at ito ay
ikinabit sa kanilang bahay.

Dahil sa walang tiwala sa mga Pilipino ang Donya ay kumuha din siya ng
Kastilang katiwala sa kanyang mga ari-arian. Ipinasundo naman ng Don ang
kanyang pamangkin na nag-aaral ng pagkamanananggol sa gastos ng kanyang
asawang Donya.

Habang sila ay nagmimiryenda ay dumating si Padre Salvi. Matagal nang kakilala


ng mag-asawa ang pari kaya si Linares na lamang ang ipinakilala nila rito.
Agad namang dinalihan ng pamimintas ng Donya Victorina ang mga taga-
lalawigan at ipinangalandakan na kaut-utang dila niya ang alkalde at ng iba pang
nasa mataas na poder ng estado.

Namangha ang Donya ng sabihin ni Kapitan Tiyago na kadadalaw lamang ng


Kapitan-Heneral sa kanilang bahay. Bagay na halos di mapaniwalaan ng Donya
kaya nasabi nitong sayang at hindi kaagad nagkasakit noon si Maria upang
nakadaupang-palad sana niya ang Heneral.

Matapos ang kanilang pag-uusap ay nagtungo na sila sa silid ni Maria Clara na


binabantayan naman ng kanyang dalawang kaibigan. Agad na pinulsuhan ng Don
si Maria at tiningnan ang dila. Sinabi niyang mapapagaling niya ang dalaga.

Ang iniresta niyang gamot ay liquen at gatas, Jarabe de altea at dalawang


pildoras de Cinaglosa. Sinamantala na rin ng Donya ang pagkakataon para
ipakilala si Linares kay Maria na noo’y nabighani na sa kagandahan ng dalaga.

Saglit namang naputol sa walang kurap na pagkakatitig ni Linares sa dalaga ng


sabihin ni Padre Salvi na dumating na si Padre Damaso na kagagaling rin lang sa
sakit.

Talasalitaan
 Agua de Colonia – pabango
 Cinoglosa – isang uri ng gamot
 Ekstremadura – pook na nasa kalagitnaan at kanluran ng Espanya at
binubuo ng mga lalawigang Badahos at Kaseres
 Mahumpak – nanlalalim,malalim
 Nakadaupang-palad – nakasama
 Napahinuhod – napapayag
 Napatiwalag – humiwalay, umalis
 Nasilo – nabulag
 Quinto – panglima
 Upaw – kalbo, panot

Noli Me Tangere Kabanata 43 – Mga Balak o Panukala


Tuloy-tuloy sa silid ng dalaga si Padre Damaso na halata sa mukha ang pag-aalala
kay Maria Clara. Siya’y nanangis at sinabi sa anak na hindi ito mamamatay.

Nagtaka naman ang lahat sa ipinakita ng pari at di nila akalain na sa kabila ng


magaspang nitong pag-uugali ay marunong pala itong umiyak at malambot din
ang kalooban. Kanila ring naisip na mahal na mahal ni Padre Damaso si Maria
Clara.

Ilang sandali pa’y tumayo na ito at pumunta sa silong ng balag upang doon
managhoy. Nang naibsan ang damdamin ni Padre Damaso ay sinamantala ito ni
Donya Victorina at ipinakilala si Linares.

Anang Donya, inaanak si Linares ni Carlicos na bayaw ni Padre Damaso. Iniabot


na rin ni Linares ang sulat sa pari kung saan nakasaad na naghahanap siya ng
mapapangasawa at trabaho.

Ayon kay Padre Damaso, madali lamang matatanggap si Linares dahil ito ay
naging abogado sa Universidad Central. Sa usapin naman ng mapapangasawa ay
iminungkahing kakausapin ng pari si Kapitan Tiyago. Ito nama’y ikinalungkot ni
Padre Salvi.

Samantala, si Lucas ay pumunta kay Padre Salvi para isangguni ang marapat na
katarungan para sa kanyang kapatid. Pilit na pinapatulo ni Lucas ang kanyang
luha at umarte pang tila kawa-awa upang kahabagan siya ng pari. Sinabi pa niya
na binigyan lamang siya ng limang-daang piso ni Ibarra kapalit ng buhay ng
kanyang yumaong kapatid.

Di naman natuwa ang pari sa ipinakitang kaartehan ni Lucas kaya pinagtabuyan


niya ito. Walang nagawa ang bubulong-bulong na oportunistang si Lucas na
napahiyang nilayasan ang pari.

Talasalitaan
 Balag – gapangan ng mga tanim
 Hampaslupa – mahirap, patay gutom
 Ibinulalas – humagulgol
 Kulang-palad – walang swerte
 Nabagabag – nabalisa
 Namangha – nagulat
 Namuhay nang matiwasay – payapa
 Natubigan – nawalan ng kibo
 Pagkutya – paghamak, pag-alipusta
 Sinambit – nabanggit

Noli Me Tangere Kabanata 44 – Pagsusuri ng Budhi


Mataas pa rin ang lagnat ni Maria Clara at sa tuwing ito’y magdedeliryo ay
binabanggit ng dalaga ang pangalan ng kanyang ina. Sina Tiya Isabel naman
kasama ng kanyang mga kaibigan ay patuloy siyang inaalagaan samanatalang si
Kapitan Tiyago ay walang tigil na nagpapamisa at nag-aabuloy. Ang pinakahuli ay
ang pagbibigay niya ng tungkod na ginto sa Birhen ng Antipolo.

Makaraan ang ilang araw kasabay ng pag-inom ng gamot na nireseta ni Don


Tiburcio ay humupa ang mataas na lagnat ni Maria Clara. Ito’y ikinatuwa ng
mag-asawa kaya naman hindi muna pinagdiskitahan ng Donya si Tiburcio.

Napag-usapan nina Padre Salvi, Kapitan Tiyago at mag-asawang Espadaña na


malilipat sa parokya ng Tayabas si Padre Damaso. Ani Kapitan Tiyago,
ikalulungkot umano ni Maria ang nalalapit na pagkakalipat sa pari dahil para na
rin niyang ama ito. Dagdag pa niya, bunga ng mga kaguluhan sa nangyari noong
gabi ng pista ang dahilan ng pagkakasakit ng dalaga.

Natuwa naman ang pari na ayon sa kanya ay mainam nga na hindi nagkikita sina
Ibarra at Maria Clara dahil tuluyan itong gumaling. Ito nama’y sinalungat ni
Donya Victorina at sinabing ang nakapagpagaling kay Maria ay ang panggagamot
ni Don Tiburcio. Di naman nagpatalo ang pari at sinabing higit na nakagagaling
ang pagkakaroon ng malinis na budhi kaysa mga gamot.

Dahil sa pagkapikon ay iminungkahi ni Donya Victorina na gamuting ng kanyang


kumpisal ang nakababanas na si Donya Consolacion. Dito’y wala nang naisagot
ang pari kaya naman tinagubilinan na lamang niya si Kapitan Tiyago na ihanda
na si Maria para sa pangungumpisal. Ipinabigay rin niya ang beatico upang
lubusan itong gumaling.
Oras na para uminom ng gamot si Maria. Ininom niya ang pildoras na mula sa
bumbong ng Kristal na ititigil lamang ng dalaga kapag nakaramdam na ng
pagkabingi.

Samantala, nalaman naman ni Maria kay Sinang na kaya hindi pa makasulat sa


kanya si Ibarra ay dahil abala ito na mapawalang bisa ang kanyang pagiging
ekskomulgado.

Maya-maya pa’y dumating na si Tiya Isabel upang ihanda si Maria sa


pangungumpisal at pati na rin ang kalooban nito tungkol sa paglimot kay Ibarra.

Nagsimula na ang pangungumpisal ng dalaga. Sa obserbasyon ng kanyang Tiya


ay tila halata kay Padre Salvi na hindi ito nakikinig sa sinasabi ni Maria Clara
bagkus ay matiim itong nakatitig sa dalaga na para bang inaalam ang nasa isip
nito.

Nang matapos ang kumpisalan ay lumabas si Padre Salvi na nakapangunot noo,


namumutla, pawisan, at kagat-labi.

Talasalitaan
 Ibinulalas – inilabas
 Impit – mahina at pigil na tunog
 Mahinay – malumanay
 Matiwasay – payapa
 Matutunghayan – makikita
 Namangha – nagulat
 Nauuntol – nauutal
 Pagsusuri sa Budhi – pagsusuri ng konsyensya
 Tagaktak – basa
 Terasa – balkonahe

Noli Me Tangere Kabanata 45 – Ang mga Pinag-uusig


Sa isang yungib sa kagubatan ay natagpuan din sa wakas ni Elias si Kapitan
Pablo. Anim na buwan din silang hindi nagkita at may dalawang linggo na rin ang
nakalipas nang malaman ni Elias ang sinapit ng Kapitan.
Malapit silang dalawa sa isa’t isa at tinuturing din niyang isang ama ang Kapitan.
Pareho rin silang nag-iisa na sa buhay kaya sinubukang kumbinsihin ni Elias ang
Kapitan na isama ito sa mga lupain ng katutubo upang makapamuhay ng payapa
ang matanda at makalimot sa sinapit ng kanyang pamilya.

Tinanggihan ni Kapitan Pablo ang paanyaya ni Elias dahil naninindigan siya na


ipaghiganti ang masaklap na nangyari sa kanyang mga anak sa kamay ng mga
dayuhan. Ayon sa kanya ay hindi siya matatahimik hangga’t hindi nagkakaroon
ng katarungan ang kaawa-awang sinapit ng kanyang pamilya.

May tatlong anak ang matanda, dalawang lalaki at isang babae. Ang anak niyang
dalaga ay pinagsamantalahan ng isang alagad ng simbahan kaya ang isa niyang
anak na lalaki ay nag-imbestiga sa nangyari. Nagpunta ito sa kumbento ngunit
tila nagkaroon umano ng nakawan doon kaya naman pinagbintangan ang
kanyang anak na lalaki.

Datapwat hindi man napatunayan ang nasabing nakawan ay hinuli pa rin ito at
ibinitin, at nakatikim pa ng pagpapahirap sa kamay ng mga awtoridad. Di na
tinugon ng Kapitan ang mga sigaw ng pagtawag ng kanyang anak sapagkat noon
ay mas nanaig ang kanyang kaduwagan at pagnanais sa mapayapang buhay. Ni
hindi man lang naparusahan ang kura bagkus ay inilipat lamang sa ibang lugar.

Samantala, ang isa naman niyang anak na lalaki ay pinaghinalaang maghihiganti.


Isang araw ay hindi nito nadala ang kanyang sedula kaya hinuli ito ng mga sibil.
Siya’y pinahirapan at ng di na makayanan ang mga pangyayari ay kinitil nito ang
sariling buhay.

Para sa Kapitan ay wala nang mahalaga sa kanya kundi ang ipaghiganti ang
sinapit ng kanyang mga anak. Aniya’y lulusob sila sa bayan sa tamang oras
kasama ang iba pang mga kapus-palad na pinag-uusig din ng pamahalaan.

Ito nama’y nauunawaan ni Elias kaya nasa Kapitan ang simpatya nito. Minsan na
ring hinangad ni Elias na makapaghiganti ngunit kinalimutan na lamang niya ito
dahil sa kagustuhang wala ng madamay pa dito.

Ayon sa matanda ay madali naman itong gawin para kay Elias dahil magkaiba
naman sila ng sinapit. Si Elias ay bata pa at wala namang namatay na mga anak.
Anupa’t pinangakuan ni Kapitan Pablo si Elias na walang madadamay na
inosente sa gagawin nilang paghihiganti.

Sinabi din ni Elias sa Kapitan ang naging pagkikita at pagkakaibigan nila ni


Ibarra. Ibinida niya rito ang mga katangian ni Ibarra at ang pang-aaping sinapit
ng pamilya nito sa kamay ng pari. Dagdag pa ni Elias ay makatutulong si Ibarra
sa pagpapa-abot sa Heneral ng tungkol sa mga hinaing ng bayan.

Sinang-ayunan naman ito ni Kapitan Pablo. Malalaman niya ang resulta ng


pakikipag-usap ni Elias kay Ibarra tungkol dito pagkatapos ng apat araw.
Kakatagpuin ng mga tauhan ng Kapitan si Elias upang malaman ng matanda ang
sagot ni Ibarra.

Kung sakaling sumang-ayon si Ibarra ay magkakaroon ng katarungan ang


kanilang mga hinaing ngunit kung hindi naman ay nangako si Elias na sasama sa
kanilang layunin.

Talasalitaan
 Binalingan – hinarap, nilingon
 Dumanak – dumaloy
 Magalugad – marating, mahanap
 Natunton – natagpuan
 Nayuyungyungan – nalililiman
 Pagpapatiwakal – pagpapakamatay

Noli Me Tangere Kabanata 46 – Ang Sabungan


Sa anumang bayan na nasasakupan ng mga Espanyol ay hindi mawawala ang
sabungan. Sa San Diego man ay may sabungan na katulad ng sabungan sa ibang
mga bayan.

Ito’y nahahati sa tatlong bahagi. Una ay ang papasok na pintuan kung saan
nakatao ang taga-singil sa bawat isang pumapasok sa sabungan.

Ang ikalawang bahagi naman ay ang ulutan kung saan naroon ang daanan ng
mga tao at dito rin nakahanay ang mga nagtitinda ng samu’t-saring paninda.
Malapit ito sa isa pang lugar para sa mga tahur, magtatari at mga karaniwang
parokyano ng sabungan. Nagaganap dito ang pustahan, tayaan at bayaran ng
mga tao bago magsimula at pagkatapos ng bawat sabong na magaganap.

Ang ikatlong bahagi naman ay ang ruweda na siyang pinagdarausan ng mga


sultada. Dito naka-pwesto ng mga may matataas na katungkulan at iba pang
tinitingala sa lipunan.

Ilan lamang sina Kapitan Tiyago, Kapitan Basilio at Lucas sa mga taong naparoon
sa sabungan ng araw na iyon. Dala ng tauhan ni Kapitan Tiyago ang isang malaki
at puting lasak na manok samantalang kay Kapitan Basilio ay isang bulik na
manok.

Nagkamustahan muna ang magkaibigan bago magsimula ang sabong at


pustahan. Pagdaka’y nagkasundo sa halagang tatlong daang piso ang kanilang
pusta. Naging matunog naman sa mga taong naroroon ang ginawang pustahan
kaya naki-pusta na rin ang iba pang mga sabungero.

Lumalabas na dehado pula at llamado naman ang puti. Naiinggit ang magkapatid
na Tarsilo at Bruno sapagkat wala silang salapi upang makipusta. Sila’y lumapit
kay Lucas upang manghiram ng pera upang may maipang-sugal ngunit
mayroong kondisyon si Lucas.

Ito ay kung sasama sila sa paglusob sa kwartel at kung sila ay makapag-aakay pa


ng iba upang mas malaki ang kwartang kanilang makukuha. Ayon din kay Lucas
ay hindi niya magagalaw ang perang inilaan para doon ni Ibarra kung kaya’t
ipauuutang lamang iyon kung sila ay papayag sa kasunduan.

Noong una ay hindi pumayag ang magkapatid dahil kilala nila si Ibarra at kadikit
nito ang Kapitan Heneral. Ngunit ilang sandali lang ang lumipas ay namataan
nila si Pedro na binibigyan ni Lucas ng salapi kung kaya higit silang
nanghinayang.

Dahil sa tawag ng sugal ay di na nakatiis ang magkapatid lalo pa’t umiinit na ang
labanan ng mga oras na iyon; ang bulik ni Kapitan Basilio at ang lasak ni Kapitan
Tiyago.
Dahil dito’y lumapit na sila kay Lucas kasabay ng pagsang-ayon sa kanyang
kondisyon. Sinabihan sila ni Lucas na ang mga sandata ay paparating din
kinabukasan. Ang utos ay kanilang matatanggap sa ika-walo ng gabi nang
ikalawang araw.

Matapos ng pakikipagkasundo ay naging abala na ang lahat sa labanan.

Talasalitaan
 Lasak – maagna, mabulok
 Llamado – pinapanigang mananalo at maraming pusta
 Sentensyador – humahatol
 Sultada – tawag sa bawat labanan ng manok
 Sultador – tao na tagapagpamahala sa sultada

Noli Me Tangere Kabanata 47 – Ang Dalawang Senyora


Habang mainit ang labanan sa sabungan, ang mag-asawang Donya Victorina at
Don Tiburcio ay namamasyal upang tingnan ang bahay ng mga Indio.

Naiinis ang Donya sa tuwing hindi nagbibigay galang sa kanya ang mga
nakakasalubong. Dahil dito’y inutusan niyang mamalo ng sumbrero ang Don
ngunit di ito sumunod dahil daw sa kanyang kapansanan.

Nang mapadaan sila sa bahay ng alperes ay saktong nadoon si Donya


Consolacion at nagtama ang kanilang paningin ni Donya Victorina. Parehong
matalim ang tingin ng bawat isa. Dumura pa ang may bahay ng alperes na lalong
ikinayamot ni Donya Victorina kaya sinugod niya ito at nagkaroon ng
balitaktakan.

Inalipusta ni Donya Victorina ang alperes habang si Donya Consolacion naman


ay tinungayaw ang kapansanan at pagpapanggap ng asawa ni Donya Victorina.

Di rin pinaligtas ni Donya Consolacion ang pagkakataong iyon kaya kinuha nito
ang latigo ng asawa at sinugod si Donya Victorina. Ngunit di na nagpang-abot
ang dalawang Donya dahil namagitan ang kani-kanilang mga asawa.
Nakita ng taong-bayan ang mga pangyayari dahil ang kanilang away ay sadyang
nakakabulahaw. Ang kura din ay dumating upang awatin ang dalawa. Dito’y
sinagot siya ng alperesa at tinawag na ‘mapagbanal-banalang Carliston’.

Di naman sinunod ng asawa ni Donya Victorina ang utos nito na hamunin ng


barilan ang alperes. Dahil sa pagtanggi ng Don ay nahablot na naman ng Donya
ang kanyang pustiso.

Ilang sandali lang ay nakarating sa bahay ni Kapitan Tiyago ang mag-asawang de


Espadaña. Doon ay nakita nila si Linares na kausap si Maria Clara at mga
kaibigan nito.

Napagbalingan ni Donya Victorina ang binatang si Linares at inutusan ito na


hamunin ang alperes dahil kung hindi ay sasabihin nito sa lahat ang tunay niyang
pagkatao.

Hindi malaman ni Linares ang gagawin kaya humihingi na lamang ng


paumanhin sa Donya. Siya namang pagdating ng Kapitan.

Agad siyang sinalubong ni Donya Victorina at nagdadaldal tungkol sa mga


nangyari. Inipit pa ng Donya si Linires na nagsabing kung hindi gagawin ng
binata ang kanyang pinag-uutos ay marapat lamang na walang kasalang
magaganap dahil hindi bagay si Maria Clara sa isang duwag.

Dahil sa mga narinig mula sa Donya ay nagpahatid na sa silid si Maria Clara.


Dala ang ilang libong piso na salaping bayad ni Kapitan Tiyago sa panggagamot
ni Don Tiburcio kay Maria Clara ay umalis na ang mag-asawang de Espadaña.

Samantala, si Linares ay hindi matahimik sa gipit nitong sitwasyon.

Talasalitaan
 Abaniko – pamyapay na natutupi
 Arsobispo – isang Obispo sa pinakamataas na ranggo na namumuno sa
isang probinsya
 Nang-uuyam – nagpaparinig o nang-aasar
 Naudlot – biglang natigil
 Parunggit – pagpapasaring o pagpaparinig
 Sable – isang uri ng espadang karaniwan ay balukot o hugis tari
 Salawahan – madumi

Noli Me Tangere Kabanata 48 – Ang Talinghaga


Nang araw na iyon ay dumating si Ibarra sa bahay ni Kapitan Tiyago upang
dalawin si Maria Clara. Masaya niyang ibinalita sa Kapitan na tinanggal na ang
kanyang pagiging ekscomulgado at ipinabasa ang sulat kay Tiya Isabel. Tuwang-
tuwa naman ang tiya sapagkat magiliw siya kay Ibarra.

Pumunta si Ibarra sa balkon ngunit nabigla sa nakita. Magkasama noon sina


Maria Clara at si Linares na nasa gawing paanan nito at nag-aayos ng mga
bulaklak.

Nagulat si Linares samantalang si Maria Clara naman ay namutla. Sinikap mang


tumayo ng dalaga ngunit ito ay hindi pa lubos na magaling. Sinabi rin ni Ibarra
ang dahilan ng kanyang pagdalaw.

Makikita sa mukha ni Maria Clara ang pagkalungkot at dahil dito ay nagpaalam


kaagad si Ibarra na sinabing dadalaw muli kinabukasan. May kaguluhan ang isip
at damdamin ng umalis na si Ibarra.

Habang naglalakad ay napadaan si Ibarra sa ipinapagawang paaralan. Sinabi niya


sa lahat lalo na kay Nol Juan na wala silang dapat ipangamba dahil siya ay
tanggap na muli ng simbahan.

Ang sabi ni Nol Juan ay hindi naman daw mahalaga para sa kanila ang pagiging
ekscomulgado ni Ibarra dahil lahat naman daw sila ay mga ekscomulgado rin.

Nakita ni Ibarra si Elias na nagkakarga ng bato sa kariton at nabasa nito sa


mukha ni Elias na may nais itong ipaalam sa kanya. Dahil dito’y inutusan ni
Ibarra si Nol Juan na ibigay sa kanya ang talaan ng mga obrero.

Si Elias naman ay nagmungkahi na mamangka sila ni Ibarra sa lawa para mapag-


usapan ang isang napakahalagang bagay. Sumang-ayon naman dito ang binata.

Maya-maya pa’y dumating na si Nol Juan dala ang listahan ngunit hindi nakalista
doon ang pangalan ni Elias.
Talasalitaan
 Bugso – piglang pagdami
 Ihasik – ikalat
 Maampat – mapatigil
 Simbuyo – biglang pag-iral ng galit
 Takipsilim – dapithapon

Noli Me Tangere Kabanata 49 – Ang Tinig ng mga Pinag-uusig


Wari’y hindi nasisiyahan si Ibarra nang lumulan sa bangka ni Elias kaya kaagad
na humingi ito ng paumanhin sa pagkagambala niya sa binata. Ayon kay Ibarra
ay nakasalubong niya ang alperes at gusto siya nitong makausap. Nag-aalala siya
na baka makita si Elias kaya ito’y nagdahilan na lamang. Naalala rin niya ang
pangako na dalawin si Maria Clara.

Hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Elias at sinabi na sa binata ang kanyang


pakay. Ayon sa kanya’y siya ang sugo ng mga sawimpalad. Bagama’t ipinaliwanag
ni Elias ang napagkasunduan ng puno ng mga tulisan (Kapitan Pablo) na hindi
niya binanggit ang pangalan, sinubukan pa rin niyang sabihin ang mga
kahilingan ng mga sawimpalad na humihingi ng pagbabago sa pamahalaan tulad
ng paglalapat ng katarungan, pagbibigay ng dignidad sa mga tao, at pagbawas ng
kapangyarihan sa mga guwardiya sibil na nagiging dahilan ng kanilang pag-
aabuso sa karapatang pangtao.

Handa man si Ibarra na gamitin ang pera para humingi ng tulong sa mga
kaibigan niya sa Madrid at pati sa Kapitan Heneral ay iniisip niya na sa halip
makabuti ay baka lalong makasama ang kanilang balak.

Ayon kay Ibarra, ang pagbawas ng kapangyarihan ng sibil ay makasasama dahil


baka malagay naman sa panganib ang mga tao.

Dagdag pa niya, para magamot ang sakit ay kailangang gamutin ang sakit mismo
at hindi ang sintomas lang dahil kapag malala na ang sakit, kung kailangan ang
dahas para ito ay masugpo ay kailangang ilapat ang panlunas kahit na mahapdi.

Nagdebate sina Elias at Ibarra tungkol sa buting nagawa ng simbahan at ang


sanhi ng panunulisan ng mga tao.
Bagaman kapwa mahal ng dalawa ang bayan, sa bandang huli ay hindi napapayag
ni Elias si Ibarra sa kaniyang pakiusap kaya sinabi nitong sasabihin niya sa mga
sawimpalad na umasa na lang sa Diyos.

Talasalitaan
 Di matatamong-pala – kailanma’y hindi maaabot
 Magtakipsilim – bago ang gabi, malapit na ang gabi
 Napahinuhod – napapayag o napasang-ayon
 Pandarambong – panggugulo

Noli Me Tangere Kabanata 50 – Ang mga Kaanak ni Elias


Binanggit ni Elias kay Ibarra ang kanyang pinagmulan para malaman nito na siya
ay kabilang din sa mga sawimpalad.

Ayon kay Elias, may animpung taon na ang nakalilipas nang ang kanyang nuno
ay naging isang tenedor de libros sa isang bahay-kalakal ng kastila. Kasama nito
ang kanyang asawa at isang anak na lalaki, at sila ay nanirahan sa Maynila.

Isang gabi’y nasunog ang isang tanggapang pinaglilingkuran ng kanyang nuno.


Isinakdal ito sa salang panununog. Dahil nga maralita at walang kakayahang
magbayad ng abogado ay nahatulan ito. Siya’y ipinaseo sa lansangan na
nakagapos sa kabayo at pinapalo sa bawat panulukan ng daan.

Buntis noon ang asawa ng kanyang nuno. Gayunpaman, humanap pa rin ito ng
mapag-kakakitaan kahit na sa masamang paraan para na rin sa anak at asawang
may sakit.

Nang gumaling ang nuno ni Elias ay namundok na lamang ito kasama ng


kanyang buong pamilya. Doon na nanganak ang asawa niya ngunit namatay din
ang isinilang na sanggol.

Hindi nakayanan ng kanyang nuno ang patong-patong na pagdurusang kanilang


natanggap. Dahil dito’y nagbigti ang nuno ni Elias. Hindi naman ito naipalibing
ng asawang babae.
Nang mangamoy ang bangkay at malaman ng mga awtoridad ang pagkamatay ng
kanyang asawa ay nahatulan din siyang paluin. Ngunit dahil sa dalawang buwang
buntis ang babae ay ipinagpaliban muna ang hatol na kalauna’y natuloy din
pagkatapos niyang manganak.

Nang makatakas ang babae sa kalupitan ng batas ay lumipat sila sa kalapit na


lalawigan. Nang lumaki na ang anak niyang panganay ay naging tulisan ito.

Siya’y nanunog at pumatay upang maipaghiganti ang kaapihang natamo. Dahil


dito’y nakilala siya sa tawag na balat. Ang kanyang ina naman ay nakilala sa
tawag na haliparot, delingkuwente at napalo samantalang ang bunso niyang
kapatid, palibhasa’y mabait ay tinawag na lamang na anak ng ina.

Isang umaga ay nakita ng anak na patay na ang kanyang ina. Ito’y nakabulagta sa
ilalim ng isang puno at ang ulo ay nakatingala sa isang bakol na nakasabit sa
puno. Ang katawan nito’y ibinaon samantalang ang mga paa at kamay ay ikinalat.
Dahil sa kalunos-lunos na pangyayaring ito’y tumakas ang bunso at napadpad sa
Tayabas.

Namasukan siya bilang isang obrero sa isang mayamang angkan doon. Dahil sa
maganda nitong ugali ay nakagiliwan siya ng kanyang amo. Masikap ito kaya ng
magkaroon ng puhunan ay napaunlad niya ang kanyang kabuhayan.

Di nagtagal ay nakilala siya ng ng isang dalagang taga-bayan na kanyang inibig


ng tapat. Ngunit natatakot itong mamanhikan dahil baka matuklasan ang
kanyang tunay na pagkatao.

Gayunpaman ay mahal nila ang isa’t isa kaya naman nang minsang may
mangyari sa kanila ay sinabi nitong handa siyang panindigan ang nagawa.

Ngunit hindi sumang-ayon ang tadhana sa kanila. Siya’y nakulong sa halip na


makasal sa babae. Ito’y dahil na rin higit na mayaman ang ama ng babae at wala
siyang kakayahang ipagtanggol ang sarili.

Nagkaroon ng bunga ang pagmamahalan ng dalawa. Nanganak ang babae ng


kambal, isang babae at isang lalaki – ito’y sina Elias at Concordia.
Bata pa lang ang kambal ay iminulat na sa kanila na patay na ang kanilang ama.
Naniwala naman sila dahil musmos pa lamang ay namatay na ang kanilang ina.

Palibhasa’y may kaya ang nuno si Elias kaya siya nakapag-aral sa mga Heswitas.
Nang mamatay ang kanilang nuno ay umuwi ang magkapatid upang asikasuhin
ang kanilang kabuhayan.

Si Concordia ay nakatakdang ikasal sa binatang nagmamahal sa kanya ngunit ang


kanilang kahapon ang nagwasak sa kanilang kinabukasan. Dahil sa kanyang
salapi at ugaling mapag-mataas, isang malayong kamag-anak ang nagpamukha
sa kanila ng kahapong nagdaan.

Ito ay pinatunayan ng isang matandang utusan na kanila palang ama. Namatay


na naghihinagpis ang kanilang ama dahil sa pag-aakalang siya ang naging
dahilan ng kasawian nilang magkapatid. Ngunit bago ito namatay ay naipagtapat
niyang lahat ang kahapon ng magkapatid.

Lalong nalungkot si Concordia ng mabalitaang ikinasal sa iba ang kanyang


kasintahan. Isang araw ay bigla siyang nawala. Makalipas ang anim na buwan ay
nabalitaan na lamang ni Elias na mayroong isang bangkay ng babaeng natagpuan
sa baybayin ng Calamba na may tarak sa dibdib. Ito pala’y ang kanyang kapatid.

Dahil dito, si Elias ay nagpagala-gala sa iba’t-ibang lalawigan dahil sa mga


bintang tungkol sa kanya na hindi naman niya ginagawa. Dito na natapos ang
salaysay ni Elias.

Nagpalitan pa ng iba’t ibang pananaw sina Elias at Ibarra. Ipinasabi niya kay
Elias na taos-puso siyang nakikiisa sa kanilang mga damdamin, lamang ay wala
siyang magagawa kundi ang maghintay pa dahil ang sama ay di-nagagamot ng
kapwa rin sama.

Nang makarating na sa baybayin ang dalawa ay nagpaalam na si Ibarra at


binilinan si Elias na siya ay limutin na at huwag babatiin sa anumang kalagayang
siya ay makita nito.

Si Elias naman ay bumalik na sa kuta ni Kapitan Pablo at sinabi sa Kapitan na


kung di rin lamang mamamatay ay tutupad sa kanyang pangako na aanib sa
kanila sa sandaling ipasiya ng pinuno na dumating na ang oras ng pakikibaka sa
mga Kastila.

Talasalitaan
 Nuno – lolo
 Obrero – manggagawa o mga trabahador sa iba’t ibang pagawaan
 Sawimpalad – kamalasan
 Tenedor de libros – tagasulit ng mga talaang pampananalapi o mga
rekord na pinansiyal ng isang negosyo o ng isang negosyante. Tinatawag din
itong kontador o tenedor de libro.
 Tulisan – Magnanakaw o mangwawaldzs ng salapi ng iba

Noli Me Tangere Kabanata 51 – Mga Pagbabago


Nakatanggap ng liham mula kay Donya Victorina si Linares na nakapagpabalisa
dito. Alam nito na hindi nagbibiro ang Donya. Kailangan niyang hamunin ang
alperes ngunit sino naman kaya ang papayag na maging padrino niya, ang kura
kaya o si Kapitan Tiyago?

Siya ngayo’y sising-sisi sa paghahambog at pagsisinungaling sa paghahangad


lamang na makapagsamantala. Labis kasi siyang nagpatianod sa kapritso ni
Donya Victorina.

Dumating si Padre Salvi sa bahay nina Kapitan Tiyago at ito ay nagmano. Masaya
nitong ibinalita ang tungkol sa sulat na padala ng arsobispo tungkol sa pag-alis
ng ekskomunyon kay Ibarra kasabay ng kanyang pagpuri sa binata na ito’y
kalugod-lugod ngunit may kaunting kapusukan.

Dagdag pa nito, si Padre Damaso na lamang ang sagabal sa pagpapatawad ka


Ibarra ngunit kung si Maria Clara ang kakausap dito ay hindi makatatanggi ang
pari. Narinig ni Maria Clara ang pag-uusap na ito at nagtungo siya sa silid
kasama si Victoria.

Maya-maya’y dumating si Ibarra kasama si Tiya Isabel habang nag-uusap sina


Padre Salvi at Kapitan Tiyago. Binati niya ang Kapitan samantalang yumukod
naman kay Linares.
Buong lugod naman na kumamay si Padre Salvi kay Ibarra at sinabing katatapos
pa lamang niyang papurihan ito. Nagpasalamat naman ang binata sa mga
narinig.

Ilang sandali pa’y lumapit ito kay Sinang upang itanong kung galit sa kanya si
Maria Clara. Ayon kay Sinang ay ipinasasabi raw ni Maria na limutin na lamang
siya nito ngunit nais ni Ibarra na makausap ng sarilinan ang kasintahan.

Di nagtagal ay umalis na rin si Ibarra.

Talasalitaan
 Ekskomulgado – ang kalagayan kung saan itinitiwalag o itinatakwil
mula sa relihiyon
 Nababalisa – hindi mapalagay
 Sagabal – hadlang

Noli Me Tangere Kabanata 52 – Ang Baraha ng Patay at ang mga


Anino
Sa ilalim ng pinto ng libingan ay may tatlong anino na paanas na nag-uusap.
Naitanong ng isang anino sa kausap kung nakaharap na daw nito si Elias. Ang
sagot nito ay hindi ngunit siguradong kasama siya sapagkat nailigtas na minsan
ni Ibarra ang buhay nito.

Sumagot ang unang anino na ito nga ay pumayag na sumama sapagkat ipapadala
ni Ibarra sa Maynila ang kanyang asawa upang ipagamot. Siya din ang sasalakay
sa kumbento upang makaganti sa kura.

Binigyang diin naman ng ikatlong anino na kasama ng lima, lulusob sila sa


kwartel upang ipakilala sa mga gwardya sibil na ang kanilang ama ay may mga
anak na lalaki. Isa pa, sinabi ng alila ni Ibarra na sila ay magigng dalawampung
katao na. Saglit na huminto sa pag-uusap ng mga anino nang mabanaagan nilang
may dumarating na isang anino na namamaybay sa bakod.

Pagdating sa lugar ng tatlo ay nagkakilala sila. Ipinaliwanag ng bagong dating na


anino na sinusubaybayan siya kaya’t naghiwa-hiwalay na sila at sinabihan ang
mga dinatnan na kinabukasan na ng gabi nila tatanggapin ang mga sandata.
Kasabay nito ang sigaw na “Mabuhay Don Crisostomo!”

Nawala sa likod ng pader ang tatlong samantalang ang bagong dating ay


naghintay sa sulok ng pintuan. Maya-maya pa’y dumating ang ikalawang anino at
nagmasid ito sa kanyang paligid. Umaambon noon kaya sumilong siya sa
pintuan. Doon ay nagkita sila ng unang sumilong.

Napagkasunduan nilang magsugal at kung sino man ang manalo sa kanila ay


maiiwan upang makipagsugal naman sa mga patay. Pumasok sila sa loob ng
libingan at sa ibabaw ng puntod ay umupong magkaharap ang dalawa para
magsugal. Ang isa sa kanila na mas mataas ay si Elias samantalang ang may pilat
sa mukha ay si Lucas.

Sa kanilang pagsusugal ay natalo si Elias kaya umalis itong hindi kumikibo.


Pagdaka’y nilamon siya ng kadiliman.

Talasalitaan
 Puntod – nitso, libingan
 Sinusubaybayan – pinagmamasdan

Noli Me Tangere Kabanata 53 – Ang Mabuting Araw ay Nakikilala sa


Umaga
Kinabukasan ay kumalat ang balita tungkol sa mga ilaw na nakita sa libingan ng
nakaraang gabi. Ayon sa paniniwala ng mga puno ng kapatiran ni San Francisco
ay may dalawampu ang nakitang kandila na sinindihan. Kahit na malayo ang
bahay sa libingan ay sinabi ni Hermana Sepa na panaghoy at paghikbi ang
kanyang narinig. Samantala, sa pulpito nama’y binigyang diin ng pari sa kanyang
sermon ang tungkol sa mga kaluluwa sa purgartoryo.

Ang mga usapang iyon ay hindi nakaligtas sa matalas na paningin nina Don
Filipo at Pilosopong Tasyo na ilang araw nang nanghihina.

Nabanggit ng Don na tinanggap na umano ng alkade ang kanyang pagbibitiw sa


tungkulin. Dahil dito’y di mapakali si Tandang Asyo sapagkat naniniwala siyang
ang pagbibitiw ng Don ay hindi nararapat at napapanahon.
Aniya, sa panahon ng digmaan ay dapat na manatili sa kanyang tao ang puno.
Dagdag pa niya, iba na talaga ang bayan dalawampung taon na ang nakalilipas.
Nakikita na daw ang naging bunga ng pagdayo sa Pilipinas ng mga Europeo at
ang pagdayo naman ng mga kabataan sa Europa ay dama na rin.

Dagdag pa ng Pilosopo, noong una, ang mga kabataang nakapag-aral sa Europa


ay nagkaroon ng malawak na kaalaman tungkol sa kaysayan, Matematika,
Agham, wika at iba pang uri ng kaalaman na itutring na enerhiya.

May kakayahan na rin daw ang tao na pangasiwaan ang malawak na daigdig na
kanyang ginagalawan at tinatahanan. Sa panitikan naman daw ay nagsimula na
ring lumitaw ang mga makatang nagpapahayag ng malaya at mga maka-agham
na pagsubok. Hindi na rin kayang pigilan ng kumbento ang paglaganap ng mga
modernong kabihasnan.

Marami pang palitan ng kuro-kurong naganap sa pagitan ng dalawa. Kabilang na


diyan ang tungkol sa bayan at sa kahihinatnan nito, sa relihiyon, ugali ng mga
binata at dalaga at ng mga naglilingkod sa simbahan.

Pamaya-maya pa’y tinanong na ng Don ang Pilosopo kung ito daw ba’y hindi
nangangailangan ng mga gamot dahil napansin niyang hinang-hina na ito.

Tinugon siya ng Pilosopo at sinabing ang mga mamamatay ay hindi na


nangangailangan ng gamot at sa halip ang mga maiiwan ang mangangailangan
niyon.

Ipinakiusap din niya kay Don Filipo na sabihan si Ibarra na makipagkita sa kanya
dahil malapit na daw siyang mamatay. Sa kabila ng sakit ng matanda ay ang
bayan pa rin ang kanyang inaalala. Naniniwala siyang tumatahak pa rin sa
karimlan ang Pilipinas.

Di nagtagal ay nagpaalam na rin si Don Filipo.

Talasalitaan
 Inusig – pinarusahan
 Moog – matayog na tore o pader
 Nalalambungan – natatakpan
 Paglugso – pagmolestiya, pagsira
 Sugpuin – patayin

Noli Me Tangere Kabanata 54 – Lahat ng Lihim ay Nabubunyag at


Walang Di Nagkakamit ng Parusa
Nagmamadaling pumunta ang kura sa bahay ng alperes. Tuloy-tuloy siyang
pumanhik sa bahay nito at malakas na tinawag ang alperes. Lumabas agad ito
kasama ng kanyang asawang si Donya Consolacion.

Bago pa makapag-salita ang kura ay inireklamo agad ng alperes ang mga


kambing nito na naninira sa kanyang bakod. Ngunit agad na sinabi ng pari ang
kanyang pakay.

Aniya, nanganganib diumano ang buhay ng lahat. Mayroon daw napipintong


pag-aalsa na gagawin nang gabing iyon. Napag-alaman ito ng pari sa
pamamagitan ng isang babae na nangumpisal sa kanya na nagsabing sasalakayin
ang kuwartel at kumbento.

Nagkasundo ang kura at alperes na paghandaan nila ang gagawing paglusob ng


mga insurektos. Apat na gwardya sibil na nakapaisana ang hiningi ng kura upang
italaga sa kumbento. Palihim naman ang pagkilos sa kwartel ng mga kawal upang
mahuli nang buhay ang mga lulusob. Ito ay upang kanilang mapakanta ang
sinumang mahuhuling buhay.

Sa kabilang dako, isang lalaki ang humahangos sa daan patungo sa tirahan ni


Ibarra. Mabilis itong umakyat ng bahay at hinanap sa utusan ang kanyang amo.
Agad naman nitong itinuro na nasa laboratoryo si Ibaarra. Dali-dali niya iong
pinuntahan at pagkakita kay Ibarra ay agad na sinabi ang kanyang pakay.

Ipinagtapat ni Elias ang paglusob na magaganap at base sa kanyang natuklasan,


si Ibarra diumano ang kapural at nagbayad sa mga kalahok sa paglusob.
Natitiyak ni Elias na si Ibarra ang isisigaw ng sinumang mahuhuli ng mga sibil
kaya ipinasunog niya kay Ibarra ang lahat ng mga aklat at kasulatan nito
sapagkat di na maiiwasan na siya ay masangkot sa gulo.
Dahil dito’y tinulungan ni Elias sa pagpili ng mga kasulatan si Ibarra. Nabasa ni
Elias sa isang kasulatan ang tungkol kay Don Pedro Eibarramendia at tinanong
kung ano ang relasyon nito kay Ibarra.

Nang sabihin ni Ibarra na ito’y kanyang nuno ay halos nayanig ang buong
pagkatao ni Elias. Natagpuan na niya ang lahing lumikha ng matinding kasawian
sa kanilang buhay. Binunot ni Elias ang kanyang balaraw at naisip niyang
gamitin iyon kay Ibarra.

Ilang sandali pa’y nahimasmasan si Elias at binitawan ang balaraw na hawak.


Tumingin siya ng tuwid kay Ibarra at saka mabilis na umalis ng bahay.

Nagtataka man ngunit ipinagpatuloy ni Ibarra ang pagsunog sa mga


mahahalagang papeles at dokumento.

Talasalitaan
 Nagkukumahog – nagmamalabis
 Nangangatal – nanginginig
 Napaduhapang – napadapa
 Pag-aalsa – paghihimagsik
 Pagkagitla – pagkagulat

Noli Me Tangere Kabanata 55 – Ang Pagkakagulo


Oras na noon ng hapunan ngunit ayaw kumain ni Maria Clara kaya nagdahilan
na lamang siya na walang ganang kumain. Niyaya niya ang kanyang kaibigan na
si Sinang sa piyano at doon ay nagbulungan ang dalawa. Hindi mapakali ang
magkaibigan sa paghihintay kay Ibarra na darating sa ika-walo ng gabi.

Si Padre Salvi naman ay palakad-lakad sa may bulwagan samanatalang


kasalukuyang kumakain noon si Linares. Ipinagdarasal ng magkaibigan na
umalis na sana ang “multong” si Padre Salvi.

Nang sumapit ang ika-walo ay napaupo sa isang sulok ang pari. Iyon kasi ang
nakatakdang oras ng paglusob sa kumbento at sa kwartel. Ang magkaibigang
Maria at Sinang naman ay hindi malaman ang gagawin.
Nang tumunog ang kampana, silang lahat at tumayo para magdasal. Siya namang
pagpasok ni Ibarra na luksang-luksa ang suot. Tinangka pa siyang lapitan ni
Maria ngunit biglang umalingawngaw ang sunod-sunod na putok.

Hindi makapagsalita si Ibarra na napapatda. Si Padre Salvi ay nagtago sa likod ng


haligi. Panay ang dasal ni Tiya Isabel samantalang ang magkaibigang Sinang at
Maria ay nagyakapan na lamang.

Ang mga tao sa bahay ni Kapitan Tiyago ay narinig ang putukan, sigawan at
pinagbuhan sa may kumbento. Samantala, ang mga nagsisikain na kumedor ay
biglang pumasok at panay ang sigaw ng “Tulisan… Tulisan…” Kasabay ng
pagsasara ng mga pintuan at bintana ng biglaan ay nagpatuloy lamang ang
putukan at silbatuhan.

Nang matapos ang putukan ay pinapanaog ng alperes ang kura. Si Ibarra ay


nanaog din samantalang ang magkaibigan ay pinapasok ni Tiya Isabel sa silid.
Hindi na nakapag-usap ang magkasintahan. Mabilis na naglakad si Ibarra
patungo sa kanyang bahay.

Pagdating sa bahay, inutusan agad ni Ibarra ang kanyang katulong na ihanda ang
kanyang kabayo. Sa gabinete ay isinilid niya sa kanyang maleta ang mga hiyas,
salapi, ilang mga kasukatan at larawan ni Maria. Isinukbit din niya ang dalawang
rebolber at isang balaraw.

Paalis na sana siya ngunit bigla na lamang itong nakarinig ng malakas na


pagputok sa pintuan at tinig ng isang kawal na kastila. Lalaban sana siya ngunit
mas piniling bitawan ang kanyang baril at buksan ang pinto. Isinama siya ng
Sarhento ng mga dumating na kawal.

Samantala, sa kabilang dako naman ay gulong-gulo ang isip ni Elias. Pumasok


siya sa bahay ni Ibarra ngunit parang sinusurot ang kanyang sariling budhi.
Naaalala kasi niya ang sinapit ng kanyang angkan, ang kanyang nuno, si Balat,
kapatid na babae at ang kanyang ama. Tila ba lahat sila ay tinawag siyang duwag.

Pagpasok sa bahay ay nadatnan niya ang katulong ni Ibarra na naghihintay sa


kanilang amo. Nang nalaman niya ang sinapit ni Ibarra ay nagkunwari na siyang
umalis. Ngunit ang totoo ay umakyat ito sa bintana patungo sa gabinete.
Doon ay nakita niya ang mga kasulatan, mga aklat, alahas at baril. Kinuha niya
ang baril at ang iba naman ay isinilid niya sa sako saka inihulog sa bintana.
Nakita niya ang pagdating ng mga sibil. Isinilid niya sa isang supot ang larawan
ni Maria pagkatapos ay nagtipon ng mga damit at papel. Binuhusan niya ito ng
gas at saka sinilaban.

Samantala, ang mga kawal ay nagpupumilit na pumasok. Ayaw silang payagan ng


katiwala dahil wala silang pahintulot mula sa kanyang amo. Mapilit ang mga ito
kaya tinabig ng kawal ang matanda at mabilis silang pumanik. Ngunit ng
makarating sa gabinete ay sinalubong sila ng makapal na usok ng apoy. Saka
nagkaroon ng malakas na pagsabog kaya dali-daling umatras at nanaog ng bahay
ang mga kawal kasama ang mga katulong ni Ibarra.

Talasalitaan
 Namumulwalan – puno ng pagkain ang bibig
 Pasan ang daigdig – maraming problema
 Punyal – panaksak
 Rebolber – baril

Noli Me Tangere Kabanata 56 – Ang mga Sabi at Kuro-kuro


Ang buong bayan ng San Diego ay sakmal pa rin ng takot kinabukasan. Walang
makitang taong naglalakad sa gitna ng daan. Ang buong paligid ay tahimik.

Maya-maya ay isang bata ang naglakas ng loob na nagbukas ng kanilang bintana.


Gumaya ang ibang mga kapitbahay at sila ay nagkabalitaan. Kalagim-lagim daw
ang nagdaang gabi tulad noong mandambong si Balat. Sa kanilang pag-uusap ay
lumilitaw na si Kapitan Pablo raw ang sumalakay. Anang iba, ang mga
kuwadrilyero raw ang sumalakay kaya dinakip si Ibarra.

Dagdag pa nila, ang mga lalaki ay nagpunta sa kuwartel at sa may tribunal.


Lumabas pa sa usapan na tinangka diumano ni Ibarra na itanan si Maria Clara
upang hindi matuloy ang pakikipag-isang dibdib niya kay Linares at kaya lang
sinansala ni Kapitan Tiyago ang kanilang pagtatanan sa tulong ng mga sibil.
Samantala, isang lalaking kagagaling lamang sa tribunal ang nakausap ni
Hermana Pute. Sinabi nitong nagtapat na si Bruno at pinatunayan ang balita
tungkol sa magkasintahang Ibarra at Maria.

Pati daw simbahan ay nais paghigantihan ni Ibarra. Mabuti na nga lamang daw
at nasa bahay ni Kapitan Tiyago si Padre Salvi. Ang mga sibil din daw ang
sumunog sa bahay ng binata.

Isang babae naman ang nagsabi na nakita niyang nakabitin sa ilalim ng puno ng
santol si Lucas.

Talasalitaan
 Balaraw – panghiwa, panaksak
 Humihiging – di tiyak ang naririnig
 Ibinunton – itinumpok
 Malamlam – malabo
 Sulingin – nagugulumihanang lakarin

Noli Me Tangere Kabanata 57 – Vae Victus! Sa Aba ng mga


Manlulupig
Halata sa mga gwardya sibil na sila ay balisa. Pinagbabanataan nila ang mga
batang panay ang silip sa puwang ng mga rehas upang tingnan ang mga nadakip.
Makikita din doon ang alperes, direktorsillo, si Donya Consolation at ang kapitan
na halatang malungkot.

Bago mag-ika-siyam ay dumating ang kura at tinanong sa alperes sina Ibarra at


Don Filipo. Kasunod niya ang isang parang batang umiiyak na may dugo ang
salwal. Doon ay hinarap sa kura ang dalawang natirang buhay na nabihag ng mga
sibil.

Pilit na itinatanong sa bihag na si Tarsilo Alasigan kung may kinalaman si Ibarra


sa nasabing paglusob. Iginiit nito na walang alam si Ibarra at ang dahilan ng
kanilang paglusob ay upang ipaghiganti ang kanilang amang pinatay sa palo ng
mga sibil.
Dinala si Tarsilio sa limang bangkay at nakita niya doon ang kanyang kapatid na
si Bruno na tadtad ng saksak, si Pedro na asawa ni Sisa at si Lucas na may tali pa
ng lubid sa leeg. Panay ang pagtatanong sa kanya ngunit tahimik lamang ito.
Dahil dito’y ipinag-utos ng alperes na paluin siya ng yantok hanggang sa
magdugo ang buong katawan.

Hindi nila mapaamin si Tarsilio kaya ibinalik nila ito sa bulwagan. Nadatnan niya
doon ang isang bilanggo na nagpapapalahaw sa iyak at tumatawag sa mga santo.
Tinanong muli si Tarsilio kung kilala niya ang lalaking bilanggo ngunit sumagot
itong noon lamang niya nakita ang lalaki.

Dahil dito’y pinagpapalo na naman si Tarsilio hanggang sa mabalot ng dugo ang


buo niyang katawan. Hindi na nakayanan ng kura ang mga nakita kaya lumabas
na lang ito ng bulwagan ng namumutla.

Sa labas ay nakita ng kura ang isang dalaga na parang nagbibilang ng mga


naririnig sa loob ng tribunal, humahalinghing at nanananghoy ng malakas. Siya
pala ay kapatid na dalaga nina Bruno at Tarsilo.

Nagngitngit ang alperes na binulungan ng kanyang asawa na lalo pang pahirapan


ang binata ngunit hiniling na lamang ni Tarsilo na madaliin ang kanyang
kamatayan.

Wala silang makuha na kahit anong impormasyon mula sa binata kaya ito ay
itinimba sa isang balong nakakabaligtad ng sikmura ang tubig at amoy. Dito na
nalagutan ng hininga si Tarsilio. Nang makitang patay na ang binata ay
binalingan naman ang isa pang bilanggo.

Ang bilanggong nabanggit ay si Andong luko-luko at kaya napapunta sa patyo ay


upang magbawas dahil pinapakain siya ng bulok ng biyenan nito. Inantok ng
alperes sa sagot ni Andong kaya ipinag-utos niyang ipinasok na lang muli sa
karsel ang bilanggo.

Talasalitaan
 Babariling-ibon – madaling patayin
 Ikinubli – itinago
 Itatwa – talikuran
 Madaliin – pabilisin
 Nakatutulig – nakabibingi
 Nanananghoy – umiiyak
 Nasusulasok – nakakainis
 Walang imik – ayaw magsalita, tahimik

Noli Me Tangere Kabanata 58 – Ang Sinumpa


Ang mga pamilya ng mga bilanggo ay tuliro at balisa. Pabalik-balik sila sa
kumbento, kuwartel at tribunal. Palibhasa’y wala silang malapitang malakas at
makakapitan na makakatulong para palayain ang kanilang mga kaanak na
bilanggo. May sakit noon ang kura at ayaw makipag-usap kahit kanino.
Nagdagdag ng bantay ang alperes samantalang ang Kapitan ay lalong nawalan ng
silbi.

Sobrang init na noon pero ayaw pa rin umalis ng mga babaeng nagsusumamo.
Umiiyak at palakad-lakad ang mag-ina ni Don Filipo. Panay naman ang banggit
ni Kapitana Tinay sa pangalan ng kanyang anak na si Antonio. Pasilip-silip
naman sa rehas si Kapitana Maria upang tignan ang kambal niyang anak.
Nandoon din ang biyenan ni Andong na walang gatol na ipinangalandakan na
kaya hinuli ng mga sibil ang manugang ay dahil bago ang kanyang salawal.

May isang babae namang halos mangiyak-ngiyak ang nagsabi na si Ibarra ang
may pakana at kasalanan ng lahat. Kasa-kasama rin ng mga tao ang guro
samantalang si Nol Juan ay nakadamit pangluksa dahil ipinalagay niyang wala ng
kaligtasan si Ibarra.

Mag-iikalawa ng hapon ng dumating ang isang kariton na hila ng isang baka.


Sisirain sana at kakalagan ng mga kaanak ng mga bilanggo ang mga hayop na
humihila sa kariton ngunit pinagbawalan sila ni Kapitana Maria at sinabing
kapag ginawa nila iyon ay mahihirapan sa paglakad ng kanilang mga kaanak na
bilanggo.

Ilang saglit lang ay lumabas ang mga mahigit dalawampung kawal at pinaligiran
ang kariton. Kasunod nito’y inilabas ang mga bilanggo sa pangunguna ni Don
Filipo na nakuha pang batiin ng naka-ngiti ang asawang si Doray. Nang siya’y
yakapin ng asawa ay hinadlangan ito ng dalawang sibil. Napahagulgol naman ang
ina ni Antonio na si Kapitana Tinay ng siya ay makita nito. Napaiyak din si
Andong ng makita ang biyenan na may pasari ng kanyang pagkakakulong.

Ang seminaristang si Albano ay naka-gapos na mabuti katulad ng kambal ni


Kapitana Maria. Si Ibarra na huling lumabas ay walang gapos ngunit nasa
pagitan ng dalawang kawal. Namumutla ito ngunit pasuyod na tinignan ng mga
maraming tao at naghahanap ng isang mukha ng kaibigan.

Biglang umugong ang salitaan ng mga tao ng makita si Ibarra. Kung sino pa daw
ang may sala ay siya pa itong walang tali. Dahil sa mga narinig ay ipinag-utos ni
Ibarra sa mga sibil na igapos siya ng hanggang siko kahit na wala namang
ganoong utos ang kanilang pinuno. Pagkatapos nito’y lumabas na naka-kabayo at
batbat ng sandata ang katawan ng alperes kung saan kasunod niya ang may
labinlimang mga kawal na umaalalay sa kanya.

Sa lahat ng mga bilanggo ay pangalan lamang ni Ibarra ang walang tumatawag.


Sa halip, siya ay pinagbuntunan ng sisi at tinawag pa ng mga tao na duwag. Halos
isumpa rin ng mga tao ang kanyang nuno hanggang siya ay tawagin na nilang
erehe at dapat mabitay.

Kasunod nito ay pinagbabato ng mga tao si Ibarra. Naalala niya tuloy ang kwento
ni Elias tungkol sa babaeng nakakita ng ulong nasa bakol at nakabitin sa
punongkahoy.

Kahit na nasa gipit at abang kalagayan si Ibarra ay tila walang ibig dumamay sa
kanya. Kahit na si Sinang ay pinagbawalan ding umiyak ni Kapitan Basilio. Sa
ganitong kalagayan nadama ng husto ni Ibarra ang mawalan ng inang bayan,
pag-ibig, tahanan, kaibigan at magandang kinabuhasan.

Maamang nagmamasid si Pilosopong Tasyo mula sa mataas na lugar na pagod na


pagod at naka balabal ng makapal na kumot. Sinundan niya ng tingin ang kariton
na sinakyan ng bilanggo. Pagkatapos ay ipinasya na rin niyang umuwi.

Kinabukasan, natagpuan ng isang pastol si Pilosopo Tasyo na nakahandusay sa


may pintuan ng kanyang bahay.

Talasalitaan
 Gapusin – itali
 Inusal-usal – binabanggit-banggit
 Nagisnan – nakita
 Nakakapaso – sobrang init
 Panaghoy – pananangis
 Pasilip-silip – patingin-tingin
 Pastol – tagapangalaga ng tupa
 Taluntunin – hanapin, sundan

Noli Me Tangere Kabanata 59 – Pag-ibig sa Bayan


Nalathala sa mga pahayagan sa Maynila ang ginawang paglusob ng mga inapi o
sawimpalad. Iba-iba ang estilo ng mga balitang lumaganap.

Ang mga tauhan sa kumbento ay higit na naliligalig lalo pa’t palihim na


nagdadalawan at gumagawa ng mga pagpapanayam hinggil sa nangyari ang ilang
tao sa probinsiya. Ang ilan ay nagpunta sa palasyo upang maghandog ng tulong
sa pamahalaang nasa panganib. Maging ang munting heneral o generalillo
diumano ay napagkuro ang kahalagahan ng korporasyon.

Ipinagbubunyi naman si Padre Salvi na sinasabing karapat-dapat na bigyan ng


isang mitra. Iba naman ang pinag-uusapan sa ibang kumbento. Ang mga nag-
aaral diumano sa Ateneo ay lumalabas na nagiging pilibustero.

Samantala, hindi mapakali si Kapitan Tinong na taga-Tondo dahil minsan itong


nagpakita ng kagandahang loob kay Ibarra. Panay ang sisi sa kanya ng asawang si
Kapitana Tinchang. Nasa isang tabi lamang ang kanyang dalawang anak na
dalaga at di-umiimik. Nabanggit pa ng Kapitana na kung siya lamang daw ay
naging lalaki ay haharap siya sa Kapitan-Heneral at ihahandog ang kanyang
paglilingkod laban sa mga manghihimagsik.

Muntik nang mabanas si Tinong sa kakulitan ng asawa nang dumating ang


kanilang pinsan na si Don Primitivo. May edad na ito at mahilig magsalita ng
Latin. Ipinasundo siya ni Tinchang upang hingan ng payo dahil marunong itong
mangatwiran.
Agad na nagsalita ang Kapitana pagkarating ng pinsan. Aniya, pinakain ni Tinong
si Ibarra sa kanilang bahay at niyukuran pa niya ito nang makita sa may tulay ng
Espanya sa gitna ng maraming tao at sinabing sila ay magkaibigan.

Ayon sa Don, dapat daw ay napakilala si Tinong kay Ibarra pagkat ang mga
mabubuti raw ay napaparusahan dahil sa mga masasama kaya wala na daw ibang
paraan kundi ang gumawa ng huling habilin si Tinong.

Dahil sa narinig na payo ay nawalan ng malay ang Kapitan ngunit ng


mahimasmasan naman ay binigyan siya ng dalawang payo ni Don Primitivo. Una,
dapat daw ay magbigay sila ng regalo sa heneral kahit anong alahas at idahilan na
ito ay pamasko. Ang pangalawang payo naman ay sunugin lahat ng mga
kasulatan na maaaring makapagpahamak kay Tinong kagaya ng ginawang
pagsunong ni Ibarra sa kanyang mga kasulatan. Sumang-ayon naman ang mag-
asawa sa payo ni Don Primitivo.

Samantala, sa isang pagtitipon sa Intramuros na dinaluhan ng mga dalaga, mga


asawa, at mga anak ng kawani ay napag-usapan ang tungkol sa naganap na pag-
aalsa.

Anang isang lalaking komang ay galit na galit diumano ang heneral kay Ibarra
dahil naging napakabuti nito sa binata. Ayon naman sa isang ginang, wala daw
talagang utang na loob ang mga indiyo kaya di dapat sila ituring na mga tunay na
tao.

Pati ang itatayong paaralan ni Ibarra ay napag-usapan din na ayon sa ilan ay


pakana lamang sapagkat ang tunay na layunin ng binata ay gawin lamang itong
kuta na gagamitin niya sa kanyang pansariling pangangailangan.

Bigla namang naisingit sa usapan ang regalo ni Kapitana Tinchang sa heneral na


singsing na puno ng brilyante. Napalingon ang lalaking komang at tiniyak kung
totoo nga ang balita. Nagdahilan ang pingkok at nanaog na ng bahay.

Makalipas ang ilang oras ay nakatanggap ng paanyaya ng pamahalaan sa


pamamagitan ng mga kawal ang ilang mag-anak sa Tondo. Ito ay tungkol sa
pagtulog ng ilang mayayaman at tanyag na tao sa Fuerza de Santiago. Isa si
Kapitan Tinong sa mga inimbita.
Talasalitaan
 Di-mapakali – balisa, di-mapalagay
 Kumbento – simbahan
 Nailathala – bagay na inimprenta o ipinalabas o ginawa ng isang
publikasyon; babala, paunawa o notisyang nilimbag
 Nalalabi – natitira
 Naligalig – nagambala, nagulo
 Palihim – sikreto, bagay na lingid sa kaalaman at paningin ng iba

Noli Me Tangere Kabanata 60 – Ikakasal na si Maria Clara


Si Kapitan Tiyago ay tuwang-tuwa dahil hindi siya hinuli o natanong man lamang
ng pamahalaan. Hindi siya nakuryente o nabilanggo sa ilalim ng lupa kaya dahil
dito ay nagpamisa ang Kapitan sa Mahal na Birhen sa Antipolo, Birhen del
Rosario at sa Birhen del Carmen.

Kung si Kapitan Tiyago ay hindi inimbitahan ng pamahalaan, kabaligtaran


naman ang sinapit ni Kapitan Tinong. Di nakabuti ang pag-iimbita sa kanya ng
pamahalaan. Siya’y nagkasakit, naging putlain, namamanas at di na palaimik.
Hindi na rin bumaba ng bahay si Kapitan Tinong dahil sa pangambang baka
mabati siya ng isang pilibustero. Di lingid sa kaalaman ni Kapitan Tiyago ang
ganitong sinapit ni Kapitan Tinong.

Samantala, sa bahay ni Kapitan Tiyago ay dumating sina Linares at ang mag-


asawang de Espadaña. Sila’y itinuturing na mga maka-pamahalaan. Ayon kay
Donya Victorina, kung babarilin diumano si Ibarra ay tama lang dahil ito daw
isang pilibustero.

Kahit na nanghihina at namumutla ay hinarap ni Maria Clara ang mga bisita.


Hanggang sa mapunta ang kanilang usapan sa pagpapakasal nina Maria at
Linares. Napagkasunduan din na magpapapista si Kapitan Tiyago.

Tila buo na ang pasya ni Kapitan Tiyago na ipakasal ang anak kay Linares dahil
nakikini-kinita niyang siya’y maglalabas-masok sa palasyo sa sandaling maging
manugang niya ito. Si Linares kasi ang tagapayo ng Kapitan Heneral kaya ang
akala ng Kapitan ay kaiinggitan siya ng mga tao.
Kinabukasan, napuno ang bulwagan ni Kapitan Tiyago ng mga bisitang kastila at
intsik. Nangunguna na diyan sina si Padre Salvi, Padre Sibyla, ilang pransiskano
at dominikano, ang alperes na ngayon ay tinyente at may grado ng komandante,
ang mag-asawang de Espadaña, si Linares na nagpahuli ng dating at si Tinyente
Guevarra ng mga sibil.

Ang paksa ng mga kababaihan ay si Maria Clara na kahit malungkot ay magalang


na tinanggap ang mga bisita. Anang isang babae, maganda daw si Maria ngunit
tanga naman dahil kayamanan lang daw ang habol ni Linares.

May nagsabi naman na marunong si Maria sa buhay dahil kaya raw ito ikakasal
ay sapagkat bibitayin ang unang katipan na si Ibarra. Lalo lamang nasaktan ang
kalooban ni Maria Clara sa mga narinig kaya iniwan niya ang mga babaeng nag-
uusap.

Napag-usapan naman sa grupo ng mga lalaking nag-uusap ang paglipat sa


Maynila ng kura. Samantala, sinabi naman ni Tinyente Guevarra na hindi
bibitayin si Ibarra, bagkus ay ipapatapon lamang. Nabanggit din niya ang kaso ng
binata at pagkaraan ay binati si Maria. Dagdag pa ng Tinyente, nakatitiyak daw
ng magandang kinabukasan ang dalaga. Ilang sandali pa’y nagpaalam na ang
tinyente.

Si Maria naman ay nagtungo sa asotea. Nakita niya ang isang bangkang pasadsad
sa may sadsaran ng kanilang bahay. Puno ng damo ang bangka at sakay nito ang
dalawang lalaki, sina Elias at Ibarra. Itinakas pala ni Elias si Ibarra.

Dumaan lamang si Ibarra upang ipahayag ang kanyang damdamin kay Maria at
bigyan ng laya ang kasintahan tungkol sa kanilang kasunduan. Dahil dito’y
ipinagtapat ni Maria ang dahilan kung bakit siya pakakasal kay Linares.

Aniya, napilitan lamang siyang talikuran ang kanilang pag-iibigan alang-alang sa


kanyang inang namayapa at sa dalawang amang nabubuhay pa. Pero hindi niya
mahal si Linares kundi si Ibarra lamang daw ang tangi niyang mahal.

Mahigpit na niyakap at pinupog ng halik ni Ibarra si Maria Clara. Pagdaka’y


lumundag muli ito sa pader at sumakay sa bangka.
Si Elias naman ay yumukod kay Maria at nagtanggal ng sumbrero saka
sumagwang papalayo sa lumuluhang dalaga.

Talasalitaan
 Inilahad – ipinahayag, sinabi
 Lulan – sakay
 Nahihibang – nababaliw
 Namayapa – namatay

Noli Me Tangere Kabanata 61 – Ang Barilan sa Lawa


Sinabi ni Elias kay Ibarra na itatago niya ito sa bahay ng isang kaibigan sa
Mandaluyong. Dagdag pa ni Elias, ibabalik niya ang pera ni Ibarra na itinago niya
sa may puno ng balite sa libingan ng ninuno nito upang may magamit ng binata
sa pagpunta nito sa ibang bansa. Aniya, nasa ibang lupain diumano ang
katiwasayan ni Ibarra at hindi nababagay na manirahan sa Pilipinas sapagkat ang
buhay niya ay hindi inilaan sa kahirapan.

Dahil dito’y inalok ni Ibarra si Elias na sumama na lang sa kanya tutal naman ay
pareho na sila ng kapalaran. Kung magkagayon ay magtuturingan silang parang
magkapatid. Ngunit ito ay tinanggihan ni Elias.

Napansin nilang nagkakagulo ang mga bantay ng mapadaan sila sa tapat ng


palasyo. Agad na pinadapa ni Elias si Ibarra saka tinakpan ng maraming damo.
Pinatigil sila ng polvorista ng mapadaan sila sa tapat nito.

Tinanong si Elias ng bantay kung saan ito nanggaling. Ang sagot ni Elias ay
galing siya ng Maynila at rarasyunan niya ng damo ang hukom at ang kura.

Nakumbinsi ang bantay sa paliwanag ni Elias kaya pinatuloy niya ito sa


pagsasagwan at binilinan na huwag magpapasakay dahil katatakas pa lamang ng
isang bilanggo. Kung sakali naman daw na mahuli niya ito ay bibigyan siya ng
gantimpala.

Ayon sa bantay ang bilanggong kanyang tinutukoy ay nakalebita at mahusay


magsalita ng Kastila. Nagpatuloy sa pagsasagwan si Elias at pagdaka’y lumihis ng
landas. Pumasok sila sa may ilog-Beatang inawit ni Balagtas upang akalaing siya
ay taga-Peñafrancia.

Sa pampang ay itinapon ni Elias ang mga damo. Kinuha niya ang isang
mahabang kawayan at ilang bayong saka muling sumagwan at ipinagpatuloy ang
kanilang pagku-kwentuhan ni Ibarra. Maya-maya pa’y nakalabas na sila sa ilog-
Pasig at nakarating sa may Sta. Ana.

Sa tapat ng bahay-bakasyunan ng mga heswitas ay napadaan ang kanilang


bangka kaya hindi maiwasang manariwa sa isip ni Elias ang masasayang araw na
tinamasa niya; may magulang, kapatid at magandang kinabukasan.

Nang sumapit sila sa malapad na bato at nang makita ng inaantok na bantay na


wala siyang kasama at mahihingi dito ay pinaraan niya si Elias. Umaga na ng
sapitin nila ang lawa.

Sa di-kalayuan nakita nila ang isang palwa ng mga sibil na papalapit sa kanila.
Agad na pinahiga ni Elias si Ibarra at saka tinakpan ng bayong. Tinawag siya ng
mga ito at halata na hinahadlangan sila sa baybayin.

Kaya naman agad ipinihit ni Elias ang bangka patungong Binangonan pero
nagbago rin ng direksyon ang palwa. Naisip ni Elias na magbalik na lamang sa
bunganga ng Ilog-Pasig.

Ngunit napag-isip-isip ni Elias na wala silang kalaban-laban sa mga ito. Ni wala


silang dalang mga sandata. Kaya naman mabilis na naghubad ng damit si Elias
saka sinabi na magkita na lamang sila sa noche buena sa libingan ng nuno ni
Ibarra. Pagdaka’y tumayo si Elias at tumalon sabay sikad sa bangka.

Kay Elias nakatuon ang pansin ng mga sibil sa palwa. Pinaulanan nila ng punglo
ang lugar na pinagtalunan niya. Sa tuwing lilitaw ito ay agad siyang
pinapuputukan.

Hinapo na sa pagsasagwan ang mga humahabol kay Elias na may limampung


dipa na lamang ang layo. Pagkalipas ng tatlong oras, napansin ng mga sibil na
may bahid ng dugo sa tubig ng baybayin ng pampang kaya naman pinili na nilang
umalis na lamang.
Talasalitaan
 Babariling-ibon – madaling patayin
 Ikinubli – itinago
 Itatwa – talikuran
 Nakatutulig – nakabibingi
 Nasusulasok – nakakainis

Noli Me Tangere Kabanata 62 – Ang Pagtatapat ni Padre Damaso


Kinaumagahan, kahit na maraming regalong nakabunton sa itaas ng hapag ay di
naman ito pansin ni Maria Clara. Nakapako ang kanyang mga mata sa dyaryong
nagbabalita tungkol sa pagkamatay o pagkalunod ni Ibarra. Ngunit hindi naman
iyon binasa ng dalaga.

Ilang sandali pa’y dumating na si Padre Damaso na hinilingan kaagad ni Maria


na sirain ang kasunduan ng kanyang kasal kay Linares at pangalagaan ang
kapakanan ng ama.

Dagdag pa ng dalaga, ngayong patay na si Ibarra ay wala nang simumang lalaki


ang kanyang pakakasalan dahil para sa kanya, dalawang bagay na lang ang
mahalaga; ang kamatayan o ang kumbento.

Napag-isip-isip ng pari na paninindigan ni Maria Clara ang kanyang sinabi kaya


naman humingi ito ng tawad sa kanya. Napaiyak pa ito ng malakas habang
binibigyan diin ang walang kapantay na pagtingin niya kay Maria.

Wala namang nagawa ang pari kundi piliing pahintulutan ang dalaga na
pumasok sa kumbento kaysa piliin ang kamatayan. Malungkot na umalis si Padre
Damaso. Tumingala siya sa langit sabay bulong na totoo nga umanong may Diyos
na nagpaparusa.

Hinilingniya sa Diyos na siya na lang daw ang parusahan kaysa ang anak niyang
walang malay at nangangailangan ng kanyang kalinga. Ramdam ng pari ang labis
na kalungkutan ng kanyang anak na si Maria Clara.

Talasalitaan
 Himutok – daing
 Inosente – walang malay
 Magpapatiwakal – magpapakamatay
 Malagim – nakakatakot, nakapanghihilakbot
 Misteryo – himala

Noli Me Tangere Kabanata 63 – Ang Noche Buena


May isang dampa na yari sa balu-baluktot na sanga ng kahoy ang nakatayo sa
libis ng isang bundok. Nakatira doon ang mag-anak na Tagalog na nabubuhay
dahil sa pangangaso at pangangahoy. Doon ay may isang batang lalaki at batang
babae ang naglalaro. Ang batang nakaupo sa nakabuwal na kahoy ay si Basilio na
may sugat sa paa.

Nang utusan ng matanda ang apo nitong dalaga na ipagbili ang mga nagawa
niyang walis, ikinuwento nito kay Basilio na may dalawang buwan na mula ng
matagpuan niya itong sugatan at kalingain.

Dito na nagsimulang magsalaysay si Basilio tungkol sa kanilang buhay. Nang siya


ay magpaalam umuwi, pinayagan naman siya ng matanda at pinagbaunan pa ng
pindang na usa para sa kanyang ina na si Sisa.

Sa kabilang dako, noche Buena na noon sa bayan ng San Diego at malamig na


ang simoy ng hanging amihan. Malungkot ang buong bayan di tulad noong
nakaraang taon. Ni walang nakasabit na parol sa mga bahay.

Kahit sa bahay ni Kapitan Basilio ay malungkot din. Kausap niya noon si Don
Filipo na napawalang-sala sa mga bintang na laban dito. Nakita nila si Sisa
ngunit hindi naman siya nananakit ng kapwa.

Noon ay nakatanggap ng sulat si Sinang mula kay Maria Clara ngunit ayaw niya
itong buksan dahil natatakot siya sa maaring mabasa. Lungkot na lungkot ang
mga kaibigan nina Maria at Ibarra sa sinapit ng dalawa. Kumakalat naman ang
balita na kaya nakaligtas si Kapitan Tiyago sa parusang bitay ay dahil kay
Linares.
Samantala, nakarating na si Basilio sa kanyang bahay. Agad niyang hinanap ang
ina ngunit wala siya doon. Pumunta siya sa bahay ng alperes at nakitang nandoon
si Sisa na umaawit.

May isang babae sa durungawan na inutusan ang sibil na papanhikin si Sisa


ngunit ng makita ni Sisa ang tanod ay nagtatakbo itong palayo.

Nakita ni Basilio ang mga pangyayari kaya sinundan niya ang ina. Sa daan
habang tumatakbo ay binato si Basilio ng alilang babae sa ulo. Nasapul man ay di
tumigil sa pagtakbo si Basilio hanggang sa makarating sila ng ina sa gubat.

Pumasok si Sisa sa pinto ng libingan ng matandang Kastila na nasa tabi ng


punong balite. Pilit na binubuksan ito ni Basilio. Nakita niya ang isang sanga ng
baliteng nakakapit sa kinaroroonan ng ina. Kaagad niya itong niyakap at
pinaghahagkan hanggang sa mawalan ng ulirat.

Nang magka-malay si Sisa ay nakita niya ang duguang ulo ni Basilio. Pagdaka’y
unti-unting nagbalik sa katinuan si Sisa at nakilala ang anak. Napatili ito ng
malakas at biglang napahandusay sa ibabaw ni Basilio.

Nang ang ulirat naman ni Basilio ang magbalik at nakita ang ina ay kumuha ito
ng tubig at winisikan sa mukha. Inilapit ni Basilio ang kanyang tainga sa dibdib
ng ina at siya’y binalot ng matinding takot ng mapag-alamang patay na si Sisa.

Niiyakap ng mahigpit ni Basilio si Sisa saka napaiyak ng malakas. Nang iangat


niya ang kanyang ulo ay nakita niya ang isang lalaki na nakatingin sa kanila.
Tumango siya ng tanungin ng lalaki kung anak siya ng namatay.

Ang lalaking kumakausap kay Basilio ay sugatan at tila hinang-hina kaya di niya
matulungan si Basilio na ilibing ang kanyang ina. Dahil dito ay pinagbilinan niya
ang bata na kumuha ng maraming tuyong kahoy at isalansan sa bangkay ng
kanyang ina at pagkaraan sila ay silaban hanggang sa maging abo ang kanilang
katawan.

Dagdag pa ng lalaki, may malaking kayamanan na nakabaon sa may puno ng


balite at kung wala raw ibang taong dumating ay gamitin niya ang kayamanan sa
kanyang pag-aaral.
Ang lalaking sugatan na kausap ni Basilio ay walang iba kundi si Elias. Dalawang
araw na siyang hindi kumakain at tila hindi na rin magtatagal ang buhay.

Lumakad na si Basilio upang kumuha ng panggatong samantalang si Elias naman


ay tumanaw sa dakong silangan at nagwika ng higit pa sa isang dalangin.
Mamamatay daw siyang hindi nakikita ang pagbubukang-liwayway ng bayang
kanyang minamahal. Dagdag pa niya, sa mga mapalad, huwag lamang daw
limutin nang ganap ang mga nasawi sa dilim ng gabi. Sa pagkakatingala niya sa
langit, siya’y kumibot hanggang sa unti-unting nabuwal sa lupa.

Nang magmamadaling-araw na ay nasaksihan ng buong bayan ng San Diego ang


malaking sigang nagmumula sa may lugar na kinamatayan ni Sisa at Elias.

Dahil dito’y sinisi ni Manang Rufa ang gumawa ng siga na hindi raw marunong
mangilin sa araw ng pagsilang ni Hesus.

Talasalitaan
 Dalangin – panalangin
 Dinaiti – inilapit
 Ibunton – isalansan, tipunin
 Pagkasindak – pagkatakot

Noli Me Tangere Kabanata 64 – Katapusan


Nanirahan na si Padre Damaso sa Maynila mula ng pumasok sa kumbento si
Maria Clara. Kalaunan ay inilipat din siya ng Padre Provincial sa isang malayong
probinsya.

Nagunit kinabukan, natagpuan siyang patay sa kanyang kwarto. Ayon sa


pagsusuri ng doktor ay bangungot ang sanhi ng kamatayan ni Padre Damaso.

Habang hinihintay ang pagiging obispo, si Padre Salvi naman ay pansamantalang


nanungkulan sa kumbento ng Sta. Clara na pinasukan ni Maria Clara. Siya’y
umalis na rin sa San Diego at nanirahan na sa Maynila.
Ilang lingo bago maging ganap na mongha si Maria, ang ama-amnhang si
Kapitan Tiyago ay dumanas ng sapin-saping paghihirap ng damdamin,
nangayayat nang husto, naging mapag-isip at nawalan ng tiwala kahit kanino.

Pagkagaling niya sa kumbento ay sinabihan niya si Tiya Isabel na umuwi na sa


Malabon o kaya naman ay sa San Diego dahil gusto na niyang mabuhay mag-isa.
Nilimot na ng Kapitan ang lahat ng santo at santa at inatupag na lamang ang
paglalaro ng liyempo, sabong at paghitit ng marijuana. Nang lumaon ay
napabayaan na nito ang sarili hanggang sa nalimot na din ang Kapitan na dating
tanyag at iginagalang ng mga tao.

Sa kabilang dako, si Donya Victorina naman ay nagdagdag ng mga kulot sa ulo


upang mapagbuti ang pagbabalatkayo niyang siya’y isang taga-Andalucia.
Nangungutsero na siya ngayon. Di na niya pinakikilos ang asawang si Don
Tiburcio. Nakasalamin na ito, wala na ring ngipin at di na natatawag na “doktor”
para manggamot.

Talasalitaan
 Kumbento – simbahan
 Mongha – madre, kasapi ng isang relihiyosong komunidad ng kababaihan
na namumuhay sa ilalim ng mga panatang nauukol sa karukhaan, kabanalan, at
pagsunod
 Pinipintakasi – pinagdiriwang o kaya’y kapistahan ng mga santo at santa
 Takip-silim – panahon pagkatapos lumubog ang araw at nagsisimula
nang dumilim
 Balatkayo – mapagkunwari, mapagkaila, at mapangloko ng isang tao

El Filibusterismo Kabanata 1 – Sa Ibabaw ng Kubyerta


Naglalayag sa ilog Pasig ang Bapor Tabo isang umaga ng Disyembre. Patungo ito
sa Laguna at lulan sa ibabaw ng kubyerta sina Don Custodio, Ben Zayb, Donya
Victorina, Kapitan Heneral, Padre Irene, Padre Salvi, at Simoun.

Mataas ang tingin ng mga tao kay Simoun dahil na rin alam nila, lalo na ng mga
tao sa Maynila, na naiimpluwensiyahan nito ang Kapitan Heneral.
Dahil sa kabagalan ng bapor habang sila’y naglalakbay ay napag-usapan sa
ibabaw ng kubyerta ang pagpapalalim ng ilog Pasig.

Sa kanilang usapan ay iminungkahi ni Simoun na gumawa ng tuwid na kanal na


mag-uugnay sa lawa ng Laguna at sa look ng Maynila.

Nagkasagutan sila ni Don Custodio na isang opisyal na konsehal at nagbigay ng


solusyon na kumbinsihin na lang diumano ang mga tao na mag-alaga ng itik.
Kinakain daw kasi ng mga itik ang mga suso sa ilog. Sa ganitong paraan,
huhukayin daw ng mga tao ang ilog upang may makuhang suso na kanilang
ipapakain sa mga alagang itik.

Ngunit hindi nagustuhan ni Donya Victorina ang naturang suhestyon dahil


nadidiri siya sa balot.

Talasalitaan
 Garote – bitayan na ang isang lubid na nakasilo sa leeg ng bibitayin ay
napipilipit ng isang pamihit sa likod ng bibitayin hanggang mamatay sa sakal
 Kubyerta – bahagi ng bapor
 Pagpugay – paggahasa, pang-rape
 Pagtutsada – pagmumura nang may paghamak
 Panukala – mungkahi, balakin
 Paring regular – uri ng pari, kasama sa orden o korporasyon
 Paring sekular – uri ng pari, karaniwa’y Pilipino na walang
kinasasapiang samahan o orden
 Tandisan – tuwiran, harapan
 Tikin – mahabang payat na kawayan na ginagamit sa pagpapatakbo ng
sasakyang-pantubig sa pamamagitan ng mga bisig
 Uldog – pari, prayle

El Filibusterismo Kabanata 2 – Sa Ilalim ng Kubyerta


Pumunta si Simoun sa ilalim ng kubyerta. Palibhasa’t lahat ng gamit at mga
kargamento ay doon din matatagpuan kaya naman masikip masikip sa lugar na
iyon para sa mga pasahero.
Naroon sa ilalim ng kubyerta ang dalawang estudyate na sina Basilio na nag-aaral
ng medisina at mahusay nang manggamot, at si Isagani na isang makata at
katatapos pa lamang sa Ateneo.

Kausap ng dalawa si Kapitan Basilio kung saan nadaanan ng kanilang pag-uusap


si Kapitan Tiyago. Pinauwi raw siya, ani Padre Irene na naging tagapayo ng
kapitan nitong nga huling araw.

Napunta naman ang usapan sa paaralang balak ng mga estudyante tungkol sa


pagtuturo ng mga Kastila. Ayon kay Kapitan Basilio ay hindi raw ito
magtatagumpay. Tutol naman dito ang dalawang binata. Maya-maya pa’y lumayo
na si Kapitan Basilio.

Noo’y napag-usapan nila si Paulita Gomez, ang kasintahan ni Isagani na


maganda, mayaman at may pinag-aralan na pamangkin ni Donya Victorina.
Ipinahahanap ng Donya kay Isagani ang kanyang asawa na si Don Tiburcio de
Espadaña. Ito ay nasa bahay pa ni Padre Florentino na amain ng binata,
nagtatago.

Ilang sandali pa’y dumating si Simoun at kinausap ng magkabigan. Agad na


ipinakilala ni Basilio kay Simoun si Isagani.

Ani Simoun, hindi niya nadadalaw ang lalawigan nina Basilio dahil ang kanilang
lalawigan ay mahirap at di makabibili ng alahas.

Tinutulan naman ito ni Isagani at sinabing hindi sila namimili ng alahas dahil
hindi naman nila kailangan. Napangiti si Simoun sa sinabi ng binata. Paliwanag
niya, dukha daw ang lalawigang nabanggit niya dahil ang mga pari sa simbahan
ay Pilipino.

Inanyayahan ni Simoun ang magkaibigan sa pag-inom ng serbesa ngunit ito’y


tinanggihan ng dalawa. Ayon kay Simoun, sinabi umano ni Padre Camorra na
kaya tamad ang mga Pilipino ay dahil pala-inom ng tubig at hindi ng serbesa.

Tinugon siya ni Basilio at sinabing, “sabihin ninyo kay Padre Camorra na kung
siya ay iinom ng tubig sa halip ng serbesa, marahil ay mawawala ang sanhi ng
mga usap-usapan.”
Dagdag pa ni Isagani, “lumuluhod sa alak at sa serbesa na pumapatay ng apoy; na
kapag pinainit ay sumusulak; nagiging malawak na dagatan at gumugunaw ng
santinakpan.”

Tinananong naman ni Simoun kung ano ang itutugon niya sakaling itanong ni
Padre Camorra kung kailan magiging sulak at malawak na karagatan ang tubig.

Sinagot siya ni Isagani ng “kapag pinainit ng apoy; sa sandaling ang mumunting


ilog na watak-watak ay magkakasamasama sa kailalimang hinuhukay ng tao.”

Binigkas din ni Basilio ang isang tula ni Isagani tungkol sa pagtutulong ng apoy
at tubig sa pagpapatakbo sa makina (steam engine). Ngunit ayon kay Simoun ay
pangarap daw iyon dahil ang makina ay hahanapin pa.

Nang umalis na si Simoun ay saka lamang nakilala nang lubusan ni Isagani ang
mag-aalahas na tinatawag ding Kardinal Moreno.

Pamaya-maya pa’y may dumating na utusan upang ipatawag ang pamangkin ni


Padre Florentino. Ngunit nakita ng kapitan ang pari kaya ito ay inanyayahang
pumanhik sa ibabaw ng kubyerta.

Talasalitaan
 Alintana – iniinda
 Makihalubilo – makisama
 Namula – napahiya
 Paurong – paatras
 Pinagpupugayan – ibinabalik ang pagbati
 Sagabal – hadlang
 Sumabat – sumingit
 Sumugat – nakasakit
 Tutulan – tatangihan
 Umiral – namayani

El Filibusterismo Kabanata 3 – Ang mga Alamat


Naabutan ni Padre Florentino na nagtatawanan ang mga tao sa itaas ng kubyerta.
Pinag-uusapan ng mga pari ang pagkamulat ng mga Pilipino at pag-uusig sa mga
bayarin sa simbahan.

Pagkaraan ay dumating si Simoun. Aniya, sayang raw at hindi niya nakita ang
mga dinaanan ng bapor. Wala daw kwenta sa kanya ang alinmang pook na
kanyang makikita kung wala rin namang alamat ang mga ito.

Kaya naman sinimulang isalaysay ng Kapitan ang alamat ng Malapad-na-Bato.

Anang Kapitan, ito daw ay banal sa mga katutubo noong una bilang tahanan ng
mga espiritu. Nang tirahan daw ito ng mga tulisan ay nawala ang takot sa
espiritu, sa halip ay nasalin sa mga tulisan ang takot.

Nabanggit ng Kapitan ang alamat tungkol kay Donya Geronima at inanyayahan


na si Padre Florentino ang magsalaysay ng alamat.

May magkasintahan umano sa Espanya at ang lalaki ay naging arsobispo sa


Maynila. Nagbalatkayo daw ang babae, sinundan ang kasintahan sa Maynila at
hinihiling na sundin nito ang pangako na magpakasal sila.

Ngunit may ibang naisip ang arsobispo. Sa halip na pakasal ay itinira niya ang
babae sa isang yungib na malapit sa Ilog Pasig.

Nagandahan si Ben Zayb sa alamat. Nainggit naman si Donya Victorina at ibig


ding manirahan sa kweba.

Tinanong ni Simoun si Padre Salvi ng, “Sa inyong palagay, hindi ba higit na
mainam ay ilagay sa isang beateryo tulad ni Sta. Clara?” Sinagot ng pari ang
tanong ni Simoun at sinabing hindi daw siya makakahatol sa mga ginawa ng
isang arsobispo.

Upang mabago naman ang kanilang usapin ay isinalaysay ang alamat ni San
Nicolas na nagligtas sa isang Intsik sa pagkamatay sa mga buwaya. Naging bato
diumano ang mga buwaya ng dasalan ng Intsik ang santo.

Nang datnan ng bapor ang lawa ay nagtanong si Ben Zayb sa Kapitan kung saan
banda doon napatay ang isang Guevarra, Navarra o Ibarra.
Itinuro naman ng Kapitan kung saan. Sa tubig ay naghanap pa ng bakas si Donya
Victorina ng pagkamatay kahit labingtatlong taon na ang nakalilipas mula ng
mangyari iyon.

Ayon kay Padre Salvi, nakasama daw ng ama ang bangkay ng kanyang anak.
Dagdag naman ni Ben Zayb, ‘yon daw ang pinakmurang libing. Kaya naman
nagtawanan ang iba.

Namutla naman si Simoun at walang kibo. Ipinagpalagay na lamang ng Kapitan


na nahihilo ito dahil sa paglalakbay.

Talasalitaan
 Baging – halamang gumagapang
 Bangketa – handaan
 Muog – pader
 Sinisiyab – binabangga
 Taripa – buwis

El Filibusterismo Kabanata 4 – Kabesang Tales


Si Tandang Selo na umampon noon sa gubat kay Basilio ay matanda na. Ang
anak nitong si Kabesang Tales ay isa nang Kabesa de Baranggay. May tatlo itong
anak, sina Lucia, Tano, at Juli. Namatay si Lucia at ang kanyang asawa dahil sa
malaria. Sina Tano at Juli na lamang ang buhay.

Yumaman na sila dahil sa tiyaga. Nakisama si Kabesang Tales sa namumuhunan


sa bukid at nang makaipon ng kaunti ay nagbungkal ng lupa sa gubat. Nang
maipagtanong na walang may-ari sa naturang lupa ay ginawa niya itong tubuhan.

Inisip din niyang pag-aralin na sa kolehiyo si Juli upang mapantay kay Basilio na
kasintahan nito.

Nang umunlad ang bukid ay inangkin ito ng mga prayle at pinagbayad ng buwis
si Kabesang Tales. Tinaasan ng tinaasan ng mga pari ang buwis at nang di na
kinaya ng Kabesa ay nakipag-asunto ito sa mga prayle.
Dinala ni Kabesang Tales sa korte upang maayos ang problema. Ngunit natalo
ang Kabesa dahil nasa ilalim ng impluwensya ng mga prayle ang gobyerno.

Nang tuluyan nang hindi makabayad ng buwis si Kabesang Tales ay ipinaglaban


pa rin niya ang lupa sa pamamagitan ng pagbabantay dito.

Sa kanyang pagbabantay ay nagdala siya ng baril na kinumpiska ng prayle.


Sumunod ay itak naman ang kanyang dinala ngunit ipinagbawal itong muli ng
mga pari. Sa huli ay palakol na lamang ang dinala ng Kabesa sa pagbabantay.

Kalaunan ay dinakip ng mga tulisan si Kabesang Tales dahil may perang nakita sa
kanya at nakakapagbayad ng abogado para sa kaso niya. Ipinatubos naman siya
sa halagang 500.

Upang may maipantubos sa ama ay ibinenta ni Julia ang kanyang mga alahas
liban sa bigay ng kanyang nobyo na isang laket na pagmamay-ari ni Maria Clara.

Nang di sumapat ang perang pantubos ay namasukan siyang katulong sa tahanan


ni Hermana Penchang.

Bisperas noon ng Pasko kaya kinabukasan ay maninilbihan na siya bilang isang


alila. Dahil sa pangyayaring ito ay hindi na nakapag-aral si Juli.

Masalimuot naman ang naging panaginip ng dalaga ng gabing iyon.

Talasalitaan
 Buwis – tungkulin; bayad sa gobyerno; tax
 Gulok – isang malaking kutsilyo; bolo
 Kabesa de Barangay – pinuno ng Nayon noong panahon ng Kastila
 Manilbihan – maglingkod
 Naidlip – nakatulog
 Nilinang – tinamnan
 Pag-asenso – pag-unlad
 Palayok – isang lalagyan para sa pagluluto; kaldero
 Pusod – gitna
 Sinamsam – kinuha o ipinatapon
 Tulisan – taong humaharang sa mga taong naglalakbay upang magnakaw
El Filibusterismo Kabanata 5 – Ang Noche Buena ng Isang Kutsero
Gabi na noon at kasabay ng pag-uwi ni Basilio sa bayan ng San Diego ay ang
nagaganap na prusisyong pang-noche Buena. Nalimutan ng kutserong si Sinang
ang kanyang sedula kaya’t ito’y kinakailangang bugbugin muna ng mga
guwardiya sibil.

Pagkatapos ay napag-usapan nila ang imahen ni Metusalem, ang pinaka-


matandang taong nabuhay sa mundo. Kasunod nito’y idinaan ang mga imahen ng
tatlong Haring Mago. Dahil dito’y naalala ni Sinang si Haring Melchor na
kayumanggi ang balat.

Itinanong ng kutsero kay Basilio kung nakawala na ang kanang paa ni Bernardo
Carpio na naipit sa kabundukan ng San Mateo. Pinaniniwalaan kasi na hari ng
mga Pilipino si Bernardo Carpio na makakapagpalaya diumano sa bayan.

Pagkaraan ay nadaan rin nila ang ilang mga imahen, ang huli sa mga ito ay ang
imahen ng birheng Maria na tila malungkot.

Nahuli muli si Sinang dahil hindi niya namalayang namatay na ang ilaw ng
kanyang kalesa. Sa pagkakataong ito ay dinala na sa presinto ang kutsero kaya
bumaba na lamang si Basilio at naglakad.

Sa paglalakad ni Basilio ay napansin niya na wala masyadong parol ang mga


bahay at tahimik ang karamihan maliban sa bahay ni Kapitan Basilio na puno ng
kaligayahan. Nakita niya dito ang alperes, ang kura, at si Simoun.

Nakarating din si Basilio sa bahay ni Kapitan Tiyago kung saan siya’y binati ng
mga katiwala. Ikinuwento ng mga ito kay Basilio ang tungkol sa mga pangyayari
sa bukid kung saan maraming namatay na hayop at katiwala at sa balitang
nadakip si Kabesang Tales, ang ama ng kanyang nobyang si Juli.

Talasalitaan
 Ipipiit – ikukulong
 Karumata – kalesa
 Karumata – kalesa
 Kinulata – hinampas; pinukpok ng baril
 Kutsero – taong nagpapatakbo ng kalesa
 Natubigan – natigilan
 Pitagan – paggalang
 Sambalilo – sumbrero
 Takba – tampipi

El Filibusterismo Kabanata 6 – Si Basilio


Nang sumapit ang madaling-araw ay umalis ng tahimik si Basilio sa bahay ni
Kapitan Tiyago saka nagtungo sa gubat ng mga Ibarra. Anibersaryo kasi ng
pagpanaw ng kanyang ina sa mismong gubat na iyon. Ipinagdasal niya ang
kaluluwa ng kanyang ina at inalala ang mga angyayari labing-tatlong taon na ang
nakararaan.

Naalala niya na may isang lalaki na sugatan. Inutusan siyang maghakot ng kahoy
na ipansusunog sa kanyang ina at sa lalaki. May isa ring lalaki na tumulong sa
kanya sa paglilibing sa lalaking sugatan pati na rin sa kanyang ina.

Pagkaraan ng mga pangyayaring iyon ay umalis na si Basilio sa gubat at lumuwas


sa Maynila.

Sa sobrang hiraap at gutom ay ninais na niyang magpasagasa sa mga karwaheng


dumadaan. Sakto namang dumaan ang karwahe ni Kapitan Tiyago na lulan din si
Tiya Isabel. Kapapasok pa lamang ni Maria Clara noon sa kumbento at pauwi na
sana nang madaanan nila si Basilio.

Isinama si Basilio ni Kapitan Tiyago at naging katulong siya sa bahay nito. Wala
siyang sweldo ngunit ang kapalit ng kanyang paninilbihan ay pinag-aral naman
ng Kapitan si Basilio sa Letran.

Sa unang taon ng kanyang pag-aaral ay wala siyang nabibigkas kundi ang


pangalan niya at ang salitang “adsum” o narito po. Minamaliit din siya doon dahil
sa kanyang luma at gulanit na kasuotan. Gayunpaman ay lagi siyang nagsasaulo
ng leksiyon.

Nagkaroon ng isang gurong Dominiko si Basilio. Minsan ay tinawag niya ang


binata upang lituhin ito sa pagtatanong ng leksyon. Subalit sinagot siya ni Basilio
nang tuloy-tuloy at walang kagatul-gatol. Dahil dito’y tinawag siyang loro ng
propesor sa gitna ng katuwaan ng klase.

Nang minsang bigyan muli ng guro si Basilio ng katanungan ay nasagot niya muli
ang mga ito. Sa pagkakataong ito ay wala ang inaasahang katatawanan.

Dahil dito’y napahiya ang Dominiko at sumama ang loob kay Basilio. Nagkaroon
pa sila ng alitan at hamunan sa labanang gagamitan ng sable at baston.

Natutuwa namang iniharap siya ng mga mag-aaral sa kanilang propesor. Mula


noon ay nakilala na at nakatuwaan si Basilio. Siya ay nagkaroon ng markang
sobresaliente.

Dahil masikap sa pag-aaral si Basilio ay hinikayat siya ni Kapitan Tiyago na


lumpat sa Ateneo Municipal. Namumuhi kasi si Kapitan Tiyago sa mga prayle
mula nang magmongha si Maria Clara. Doon ay pinili ni Basilio ang pag-aaral ng
medisina dahil ito rin naman ang kanyang hilig.

Sa kanyang ikatlong taon ay marunong nang manggamot ang binata kaya ng


makaipon ay nakapagbihis na siya nang maganda at nakapag-ipon din nang
kaunti.

Nasa huling taon na ng pag-aaral ng medisina si Basilio at kapag nakatapos ng


pag-aaral ay pakakasal na sila ni Juli.

Talasalitaan
 Aprobado – mainam na marka
 Bunton – tambak o tumpok
 Dalamhati – paghihirap ng kalooban
 Dupikal – sunod-sunod na tunog ng kampana
 Gatol – hindi nagdadalawang isip o sigurado
 Naaninag – makita
 Nauliningan – narinig
 Pagsisiga – pagsusunog
 Primer ano – unang taon
 Sable – espada
 Sipilis – isang uri ng sakit na nakukuha sa pakikipag talik
 Sobresaliente – pinakamataas o pinakamahusay na marka
 Tanyag – Sikat
 Tari – sandata na kinakabit sa paa ng panabong na manok sa tuwing
labanan
 Tinalunton – hinarap

El Filibusterismo Kabanata 7 – Si Simoun


Uuwi na sana si Basilio nang may nakita siyang liwanag na paparating at
makarinig ng yabag. Nagtago siya sa puno ng baliti at sa kabilang dako ng
punong kanyang pinagtaguan ay tumigil ang taong dumating. Nagsimula itong
maghukay gamit ang asarol.

Nakilala siya ni Basilio. Ang taong dumating ay ang mag-aalahas na si Simoun.


Siya rin ang taong tumulong sa paglilibing sa kanyang ina at sa lalaking sugatan
labing-tatlong taon na ang lumipas.

Lumabas sa pinagtataguan si Basilio at lumapit kay Simoun upang tumulong sa


paghuhukay. Ngunit tinutukan siya ng baril ni Simoun at itinanong kung siya
daw ba ay nakikilala nito.

Tumugon si Basilio at sinabi na nakikilala siya nito. Siya diumano ang taong
tumulong sa kanya labing-tatlong taon na ang nakalilipas. Inakaala ng lahat na
siyang patay na ngunit kinilala siya ni Basilio na ang lalaking kausap ay walang
iba kundi si Ibarra.

Ani Simoun, malaking sikreto ang nalalaman ni Basilio kaya di niya pagsisihan
na patayin ito dahil ayaw niyang maburilyaso ang kanyang planong paghihiganti.

Ngunit dahil sa halos pareho sila ng sinapit ni Basilio at uhaw din sa katarungan
ay dapat daw silang magtulungang dalawa.

Inamin ni Simoun na siya nga si Ibarra at ikinuwento na nilibot niya ang buong
daigdig upang magpayaman upang sa kanyang pagbabalik ay mapabagsak ang
pamahalaang sumira sa kanyang buhay.

Siya raw ay bumalik upang gisingin ang damdamin ng bayan sa paghihimagsik


laban sa pagmamalabis ng taong pamahalaan at simbahan.
Di rin sang-ayon si Ibarra sa plano nina Basilio na pagtatayo ng paraalan ng
Wikang Kastila at sa paghingi nilang gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas
at bigyan ng pantay na karapatan ang mga Kastila at Pilipino.

Ayon kay Simoun, magbibigay lamang daw ito ng daan sa Pilipinas sa pagiging
bayang walang sariling pagkukuro, walang kalayaan at pati kapintasan ay hiram
dahil sa pagpipilit manghiram ng wika.

Katwiran naman ni Basilio, ang kastila umano ay isang wikang magbubuklod-


buklod sa mga pulo ng Pilipinas.

Bagay na pinabulaanan ni Simoun. Kailan man ay di raw magiging wikang


pangkalahatan sa bayang ito ang wikang Kastila. Iilan lamang daw ang
nakapagsasalita ng Kastila at ang iilang ito ay mawawalan ng sariling kakayahan,
magpapailalim sa ibang utak, at paaalipin.

Tinuligsa ni Simoun ang mga pangkat na naghahangad luminang sa wikang


Kastila at di sa kaalamang magsalita o sumulat sa sarili nilang wika pati ang mga
nagpapanggap na di sila maalam magsalita at umunawa ng sariling wika.

Dagdag pa ni Simoun, mabuti raw kung ayaw silang turuan ng mga Kastila ng
kanilang wika. Mas maigi umano na paunlarin ang isang katutubong wikain nang
mawala ang pagtatangi-tangi at magkaroon ng mga layuning pambansa.

Dapat din ay huwag hayaang magpalagay ang Kastila na sila ang panginoon dito
at sila’y bahagi ng bayang ito kundi sila’y mga manlulupig at dayuhan. Sa gayon
daw ay mas matatamo nina Basilio ang tunay na paglaya.

Inamin ni Simoun na ito ang dahilan kung bakit hinayaan niyang mabuhay si
Basilio, Isagani at Makaraig na binalak niyang patayin dahil baka maging
hadlang ang mga ito sa pinaplano niyang paghihiganti.

Paliwanag naman ni Basilio, di daw siya isang pulitiko. Napalagda lamang siya sa
kahilingang tungkol sa paaralan dahil inaakala niyang iyon ang mabuti. Ngunit sa
panggagamot daw talaga ang hilig niya.
Sa kasalukukuyang kalagayan daw ng lipunan ay hindi makapanggagamot nang
mahusay si Basilio ayon kay Simoun dahil mas dapat umanong unahing gamutin
ang sakit ng bayan.

Ngunit para kay Basilio, kaya nga daw niya pinili ang siyensiya ay upang
makapaglingkod sa bayan. Kalaunan ay nauwi sa kadakilaan ng karunungan ang
pag-uusap nina Basilio at Simoun.

Napansin ni Simoun na tila hindi naantig ang kalooban ni Basilio kaya tinuya
niya ito. Ani Simoun, wala namang ginagawa si Basilio kundi tangisan ang
bangkay ng kanyang ina na parang isang babae. Tutulungan daw niya si Basilio sa
paghihiganti.

Ngunit ano naman daw ang mapapala niya sa paghihiganti kung hindi naman
daw mabubuhay ang kanyang ina at kapatid kahit gawin niya ito, sagot ni Basilio.

Ngunit tinugon siya ni Simoun na ang pagpapaumanhin ay di laging kabaitan,


ito’y kasalanan kung nagbibigaay-daan sa pang-aapi. Walang mang-aalipin kung
walang paaalipin.

Saka ipinaalala ni Simoun na sa pag-aaral ni Basilio ay maaaring danasin nito


ang dinanas ni Ibarra. Nagtaka si Basilio. Siya na raw ang inapi ay siya pa ang
kamumuhian.

Ani Simoun, likas sa tao ang mamuhi sa kanyang inaapi.

Nguni’t di naman daw sila pinakikialaman ni Basilio kaya pabayaan daw nila
siyang makagawa at mabuhay.

Tinugon naman ni Simoun si Basilio at sinabing magkaanak din ito ng mababait


na alipin at ang mga damdaming mabuti o masama ay namamana ng kanyang
magiging anak.

Dagdag pa ni Simoun, walang hangad si Basilio kundi isang munting tahanan,


kaunting kaginhawahan, isang asawa; isang dakot na bigas; mithiin rin ng
marami sa Pilipinas, at kung iyan ay ibigay sa kanila, ituturing nilang sila’y
mapalad na.
Matapos sabihing di niya pinagbabawalan si Basilio sa pagbubunyag ng kanyang
lihim ay sinabing kung may kailangan si Basilio ay magsadya lamang ito sa
kanyang tanggapan sa Escolta.

Nagpasalamat naman si Basilio at iniiwan si Simoun na nag-iisip. Di raw kaya


niya napaniwala si Basilio sa paghihiganti o may balak din itong maghiganti
ngunit naglilihim lamang at nais sarilinin o sadyang wala nang hangad na
maghiganti?

Ngunit lalong nagtumining sa loob ni Simoun ang matinding nasa na


makapaghiganti.

Talasalitaan
 Agam-agam – alinlangan
 Alatiit – tunog
 Asarol – kagamitang panghukay
 Dumanak – dumaloy
 Kasagwaan – kapangitan
 Lihis – salungat
 Magpakita – lumantad
 Mulala – tanga; hangal; walang malay; inosente
 Mulato – mestisang negro
 Nagkikibit-balikat – nagwawalang-bahala
 Natigatig – natinag; nabahala
 Paghahabol – pagtugis
 Rebolber – maikling baril

El Filibusterismo Kabanata 8 – Maligayang Pasko


Kinaumagahan ay agad na tinungo ni Juli ng kinalalagyan ng Mahal na Birhen
upang alamin kung may dalawandaan at limampung piso na sa ilalim nito.

Sa kasamaang palad ay hindi naghimala ang Mahal na Birhen kaya inaliw na


lamang niya ang sarili at inayos ang damit na dadalhin pagtungo sa tahanan ni
Hermana Penchang.
Dahil Pasko noon kaya ang mga bata ay binibihisan nang magara ang kanilang
mga anak upang magsimba at pagkatapos ay dadalhin sa kanilang mga ninong at
ninang upang mamasko.

Nagpunta sa bahay ni Tandang Selo ang kanilang mga kamag-anak upang


mamasko ngunit nang babatiin na niya ang mga ito ay laking gulat niya na
walang salitang lumabas sa kaniyang bibig.

Pinisil niya ang kanyang lalamunan, pinihit ang leeg at sinubukang tumawa
ngunit kumibut-kibot lamang ang kanyang mga labi. Ang ingkong ni Juli ay
napipi.

Talasalitaan
 Alatiit – pigil na salita
 Ingkong – lolo
 Ketong – sakit sa balat na umaagnas sa laman ng tao at nag-aalis ng
pakiramdam
 Nakapinid – nakasara
 Nananagis – umiyak
 Salabat – paboritong inumin ng karaniwang Pilipino. Ito ay dinikdik na
luya, pinakuluan sa sapat na tubig at minamatamisan ng panotso o asukal
 Sinunong – ipinatong sa ulo
 Tampipi – sisidlan ng damit na yari sa kawayan o buli

El Filibusterismo Kabanata 9 – Ang mga Pilato


Naging usap-usapan sa bayan ang mga nangyari kay Tandang Selo. Karamihan sa
mga tao ay walang pakialam samantalang ang iba ay walang habas kung
pagtsismisan ang matanda.

Anang ilan, kung di lamang daw umalis si Kabaesang Tales ay baka hindi hindi
daw nangyayari iyon kay Tandang Selo. Nag-usap-usap din ang mga ito kung sino
ba ang may kasalanan kaya nangyari ang kamalasan kay Tandang Selo.

Ibinunton naman ni Hermana Penchang ang sisi sa lolo ni Juli. Aniya, parusa
raw ito dahil sa kakulangan ng pagdadasal at hindi pagturo ni Tandang Selo kay
Juli nang maayos.
Nang mabalitaang ng Hermana na tutubusin ni Basilio ang kasintahan ay sinabi
niyang ang binata ay isang demonyong nag-aanyong estudyante na ibig
magpahamak sa kaluluwa ng dalaga.

Samantala, nakauwi na si Kabesang Tales dahil sa tulong ng salaping


napagbilhan ng mga alahas ni Juli at nautang ng dalaga kay Hermana Penchang.

Nalaman din niyang nagpaupang utusan si Juli, ang kanyang lupa ay pagmamay-
ari na ng iba, at napipi ang amang si Tandang Selo.

Pinapaalis na din siya sa kanyang bahay sa utos na rin ng hukuman at binigyan


lamang ng tatlong araw para maialis ang lahat ng kanilang gamit. Ito nama’y
ikinatuwa ng mga pari at ng bagong may-ari ng kanyang lupa.

Dahil sa mga kaganapang ito ay naupo lamang sa isang tabi ang Kabesa at
nanatiling walang kibo.

Talasalitaan
 Mabubulid – mahuhulog
 Matutudla – tatamaan
 Nabalisa – nag-alala; hindi mapakali
 Nagkibit – balikat – pinagsawalang-bahala
 Paglusob – pagsalakay
 Pagsanggalang – pagtatanggol
 Sumasalungat – tumututol

El Filibusterismo Kabanata 10 – Kayamanan at Karalitaan


Nakipanuluyan si Simoun sa bahay ni Kabesang Tales na nasa pagitan ng bayan
ng San Diego at ng Tiyani. Naghihirap na noon si Kabesang Tales samantalang
dala nang lahat ni Simoun ang pagkain at ibang kailangan at dalawang kaban ng
mga alahas.

Ipinagmalaki rin niya sa Kabesa ang dala niyang rebolber. Maya-maya pa’y
nagdatingan na ang mga mamimili ng alahas.
Doon ay dumating sina Kapitan Basilio, ang anak nitong si Sinang at asawa nito,
at si Hermana Penchang na mamimili ng isang singsing na brilyante para sa
birhen ng Antipolo. Binuksan ni Simoun ang dalawang maleta ng alahas na may
iba’t ibang uri, ayos, at kasaysayan.

Inilabas ni Simoun ang mga bago niyang hiyas at doon namili si Sinang. Sinabi
rin ni Simoun na namimili rin siya ng alahas. Tinanong niya si Kabesang Tales
kung may ipagbibigli itong alahas.

Iminungkahi ni Sinang ang kwintas na agad tinawaran ni Simoun ng limandaang


piso nang makilala niyang kay Maria Clara nga iyon na kanyang kasintahan na
nagmongha.

Ngunit ayon kay Hermana Penchang ay hindi daw dapat iyon ipagbili ni
Kabesang Tales dahil minabitu pa ni Huli ang paalila kaysa ipagbili iyon.
Isangguni raw muna ni Kabesang Tales sa anak ang bagay na iyon na sinang-
ayunan naman ni Simoun.

Nang lumabas ng bahay si Kabesang Tales ay natanawan niya ang prayle at ang
bagong may-ari ng kanyang lupa.

Kinabukasan, wala na si Kabesang Tales sa kanyang tirahan. Nawawala rin ang


rebolber ni Simoun at ang naroroon lamang ay isang sulat at kuwintas ni Maria
Clara.

Humingi ng paumanhin si Kabesang Tales sa pagkuha niya ng baril ng mag-


aalahas dahil kinailangan niyang sumapi sa mga tulisan. Pinagbilinan din niya si
Simoun na mag-ingat sa mga tulisan dahil mapahamak ang mga ito.

Si Tandang Selo ay hinuli ng mga gwardiya sibil. Natuwa naman si Simoun dahil
sa wakas ay natagpuan na niya ang taong kanyang kailangan, isang pangahas
ngunit marunong tumupad sa mga pangako.

Samatala, tatlo ang pinatay ni Kabesang Tales ng gabing iyon: ang prayle, ang
lalaking gumagawa sa lupa, at ang asawa nito na putol ang leeg at puno ng lupa
ang bibig. Sa tabi ng bangkay ng babae ay may papel na may nakasulat na “Tales”
na isinulat ng daliring isinawsaw sa dugo.
Talasalitaan
 Indulgencia – utang na loob
 Karalitaan – kahirapan; dalita; sakuna
 Kayamanan – pag-aari; mga mahalagang bagay na naipon o naitago;
bagay na mataas ang halaga; pagkaingat- ingatan
 Lantay – tunay
 Lugmok – nakalubog
 Mahalughog – halungkatin; suriin mabuti
 Nagdarahop – naghihirap
 Namamalikmata – di makapaniwala
 Narahuyong – naakit
 Niyurakan – sinira
 Panggigilalas – pagkagulat
 Umaalipusta – nanglalait

El Filibusterismo Kabanata 11 – Los Baños


Nangaso ang Kapitan Heneral sa Boso-boso ngunit wala siyang nahuli dahil
natatakot ang mga hayop sa dala niyang musiko. Ikinatuwa naman ito ng Heneral
dahil ayaw niyang malaman ng mga kasama na wala siyang alam sa pangangaso.
Kaya naman sila ay umuwi na lamang sa bahay ng Kapitan Heneral.

Sa isang bahay-aliwan sa Los Baños ay naglaro ng baraha sina Padre Irene, Padre
Sybila at ang Kapitan. Naiinis naman si Padre Camora dahil lagi siyang talo.
Hindi nagtagal ay pinalitan siya ni Simoun sa paglalaro.

Pumayag si Simoun na itaya ang kanyang mga alahas sa kondisyong ipupusta ng


mga prayle ang pangakong magpapakasama sa loob ng limang araw. Sa Kapitan
Heneral naman ay ang pagbibigay ng kapangyarihan kay Simoun na
magpakulong at magpatapon ng kahit na sinong kanyang nanaisin.

Dahil sa mga kakaibang kundisyong ito ng pagsusugal ay napalapit sina Don


Custodio, Padre Fernandez at ang Mataas na Kawani. Ang Mataas na Kawani ay
nagtanong kung ano ang mapapala ni Simoun sa kanyang mga hiling.

Tinugon ito ni Simoun na para daw luminis ang bayan at maalis na lahat ang
masasamang damo.
Iniisip ng mga nakarinig na kaya ganun na lamang ang kaisipan ni Simoun ay
dahil sa pagkakaharang sa kanya ng mga tulisan.

Ayon naman kay Simoun, walang kinuha sa kanya kundi ang dalawa niyang
rebolber at mga bala. Kinamusta pa nga daw ng mga ito ang Kapitan Heneral at
sinabing marami raw baril ang mga tulisan.

Tumugon naman ang Heneral at sinabing ipagbabawal niya ang mga sandata.

Katwiran naman ni Simoun ay marangal daw ang mga tulisan. Sila lamang raw
ang tanging marangal na kumikita ng ikabubuhay nila.

Dagdag pa ni Simoun, “Halimbawa, pawawalan ba ninyo ako nang di man lang


kukunin ang aking mga alahas? Ang kasamaan ay wala sa mga tulisan sa bundok
nasa mga tulisan sa bayan at siyudad.”

“Gaya ninyo”, ani Padre Sibylang nakatawa.

“Gaya natin”, ganti ni Simoun, “Tayo nga lamang ay mga di-hayagang tulisan.”

Kalahating oras na lamang at magtatanghalian na kaya tinigil na ng Kapitan


Heneral ang laro. Maraming suliranin pa silang pinag-usapan.

Isa na dito ang pagbabawal ng Heneral sa armas de salon. Tutol man ang Mataas
na Kawani dito ngunit wala naman siyang nagawa. Nagbigay pa ng payo si
Simoun na huwag ipagbawal ang armas de salon sa halip ay magkaroon na
lamang ng iisang sukat na kasalukuyang nabibili noon. At ito ang nasunod.

Sumunod na pinag-usapan ay ang paraalan sa Tiyani. Iminungkahi ni Don


Custodio na gawing paaralan ang sabungan kahit sa loob ng isang araw sa isang
linggo na tinutulan kaagad ng Kapitan Heneral.

Ang ilang mga sa pari ay tutol sa pagpapatayo ng Akademya dahil sa ito’y


makakaepekto sa karapatan, isang paghihimagsikan at dapat raw ay hindi nag-
aaral ang mga Indiyo.
Sumang-ayon dito si Simoun at sinabi na ito’y kahina-hinala. Kaya naman
pinutol na ng Heneral ang usapin at sinabing pag-iisipan niya ang mga bagay na
iyon.

Pamaya-maya pa’y dumating ang kura ng Los Baños na nagsabing handa na ang
pagkain.

Ang kawani naman ay bumulong sa Kapitan Heneral na si Juli ay tatlong araw na


pabalik-balik at nagmamakaawa na palayain ang kanyang nuno.

Sinang-ayunan naman ito ni Padre Camorra kaya pumayag rin ang Heneral.

Talasalitaan
 Apyan – opyo
 Armas de salon – sandatang pambulgaw o pandekorasyon
 Dumagok – suntukin
 Kagyat – kaagad-agad
 Katigan – sang-ayunan
 Masinsinan – seryosong pag-uusap
 Masusugpo – mapipigil
 Mulato – tao na may isang magulang na puti at isang magulang na negro;
biracial
 Nakayungyong – nagbibigay lilim
 Pag-aalipusta – paghamak
 Pag-aalsa – paghihimagsik
 Pangangamkam – pagkuha
 Punglo – bala
 Rebolber – uri ng baril
 Tresilyo – sugal na baraha
 Tulisan – rebelde; magnanakaw

El Filibusterismo Kabanata 12 – Placido Penitente


Patungo sa Unibersidad ng Santo Tomas si Placido Penitente. Malungkot ang
kanyang mukha dahil ibig na niyang tumigil ng pag-aaral tulad ng nasabi sa
dalawang sulat niya sa ina. Nasa ika-apat na taon na siya ng pag-aaral ngunit
pinakiusapan na kahit batsilyer sa artes ay matapos niya.
Palaisipan sa mga kababayan ni Placido sa Tanawan, Batangas kung bakit nais na
niyang tumigil sap ag-aaral. Siya pa naman ang pinakamatalino sa bantog na
paaralan ni Padre Valerio roon. Hindi naman siya sugarol, walang kasintahang
magyayayang pakasal, at laban sa mga aral ng Tandang Basyong Makunat.

Nasa liwasan ng Magallanes na si Placido nang tapikin siya sa balikat ni Juanito


Pelaez. May kayabangan si Juanito, mayaman, may pagkakuba, at paborito ng
mga guro. Anak siya ng isang mestisong Kastila.

Napag-usapan ng dalawa ang tungkol sa bakasyon ni Juanito sa Tiyani.


Nangharana raw sila ni Padre Camorra ng magagandang babae at ipinagyabang
na wala raw bahay na hindi nila napanhik.

Dagdag pa ni Juanito, tanga raw si Basilio sa pagkakaroon ng katipang tulad ni


Huli dahil susuko rin daw si Huli kay Padre Camorra.

Nagtanong ng leksyon si Pelaez kay Penitente dahil noon lamang siya papasok.
Ani Placido, tungkol daw sa salamin ang leksyon. Ngunit niyaya ni Juanito si
Placido na maglakwatsa, bagay na tinutulan naman ng huli.

Natigil lamang ang kanilang pag-uusap ng manghingi ng abuloy si Juanito para


sa monumento ng isang paring Dominikano. Nagbigay naman ito ng abuloy dahil
alam niyang makatutulong ito para sa pagpasa ng estudyante.

Sa unibersidad ay naroon si Isagani na nakikipagtalo tungkol sa aralin. Ang ibang


estudyante naman ay tinitingnan ang mga magagandang dalagang nagsisimba.

Pinagtinginan ng mga estudyante ang isang karwaheng parating kung saan lulan
ang katipan ni Juanito na si Paulita Gomez. Nginitian siya ng tiyahin ni Paulita
na si Donya Victorina.

Ang estudyanteng si Tadeo na kaya lamang pumasok sa paaralan ay upang


alamin kung may pasok at kung mayroon ay aalis na at magdadahilang maysakit
ngunit nakapapasa, sa anong himala ay napasunod kay Paulita sa simbahan.

Nagpasukan na sa paaralan ang mga mag-aaral ngunit may tumawag kay Placido.
Pinalalagda siya sa kasulatang tutol sa balak na paaralan ni Makaraig.
Walang panahon si Placido na basahin ang kasulatan kaya ayaw niya sanang
lumagda. Ngunit dahil mapilit ang kausap ay napalagda si Placido. Dahilan kaya
siya ay nahuli sa klase.

Bagama’t huli ay pumasok pa rin sa klase si Placido. Pinatunog pa niya ang


takong ng kanyang sapatos sa pagbabakasakaling ang pagkakahuli niya ay
pagkakataon na upang siya’y mapuna at makilala ng kanyang guro.

Sila’y mahigit isang daan at limampu sa klase. Hindi naman siya nagkamali at
napansin nga siya ng kanyang guro. Ngunit nabastusan ito kay Placido at
nasabing magbabayad daw ito sa kanya.

Talasalitaan
 Bulastog – mayabang
 Dia-pichido – ipit na araw na hindi na pinapasukan ng ibang mga
estudyante
 Loob ng Maynila na namoogan – Intramuros o Walled City
 Mangilak – manghingi
 Panghihinawa – pagkasawa
 Penitente – nagdurusa
 Placido – kalmante o mapayapa
 Puerta – pinto
 Tandang Basiong Macunat – isang aklat na naglalaman ng mga payo
ng kura at mga salaysay tungkol sa kasamaang dulot ng pagpapaaral ng mga anak
 Umiibis – bumababa
 Victoria – karuwahe

El Filibusterismo Kabanata 13 – Ang Klase sa Pisika


Isang mahaba at rektangular na bulwagan ang silid ng klase sa Pisika,
maluluwang ang bintana nito at narerehasan ng bakal. Sa magkabilang tabi ng
silid ay may tatlong baitang na batong natatapakan ng kahoy. Doon nakaupo ang
mga estudyanteng nakaayos ayon sa pagkakasunud-sunod ng letra ng kanilang
mga apelyido.

Walang palamuti ang dingding ng silid. May mga kasangkapan nga sa pisika
ngunit ito ay nakasusi sa isang aparador na may salamin at kung gamitin man ay
ipinakikita lamang sa klase mula sa malayo tulad ng Santisimo ng Pari.
Samantala, ang batang Dominikong pari na si Padre Millon ang guro sa klase ng
Pisika. Siya’y napabantog sa pilosopiya sa Kolehiyo ng San Juan de Letran.
Katapat ng pintuan, sa ilalim ng larawan ni Santo Tomas de Aquino ay doon
nakaupo ang propesor.

Tinawag ng propesor ang antuking estudyante na may buhok na parang iskoba.


Parang ponograpo itong tumugon ng isang isinaulong leksiyon na ukol sa
salamin, bahagi nito, kauriang bubog o kalaing. Pinatigil ng guro ang estudyante
at sunod na tinawag si Pelaez.

Sumenyas ito kay Placido na tila ba sinasabing, “Makinig ka’t diktahan mo ako.”
Sa katatapak sa paa ni Placido ay napasigaw ito sa sakit. Sa kanya tuloy nabaling
ang galit ng propesor.

Siya ang tinatanong ng propesor matapos na siya’y murahin at sabihang “espiritu


sastre”. Nasabihan din siyang “pakialamero” at dahil dito ay pinaupo na si
Juanito at siya na ang tinanong.

Nagkandautal si Placido sa pagsagot sa mga tanong ng propesor. Tinawag pa siya


nitong Placidong Tagadikta. Wala siyang nabigkas sa mga leksyon kaya naglagay
ang propesor ng guhit kay Placido. Tumutol dito si Placido at nagpaliwanag.

Inihagis ni Placido ang hawak niyang aklat, tumindig, hinarap ang propesor at
walang-galang na umalis sa klase.

Natigilan ang klase. Di nila lahat akalain na magagawa iyon ni Placido.


Nagsermon at nagmura si Padre Millon hanggang sa tumugtog ang kampanilya,
hudyat na tapos na ang klase.

Talasalitaan
 Ampliacion – mataas na kurso
 Asoge – Mercury o Merkurio
 Binuling – pinakinis
 Dominus Vobiscum – sumaiyo ang Panginoon
 Eskaparate – salaming dibisyon
 Espiritu Sastre – pauyam na termino ni Padre Millon sa Espiritu Santo
 Hinuha – palagay
 Iskoba – brush
 Kamagong – Mahogany; kahoy na kulay itim
 Lavvoiser, Secchi, Tyndall – mga banyagang siyentipiko
 Pag-aglahi – pang-iinsulto
 Pagupak – patunog na yari sa kahoy na ginagamit sa misa kung Biyernes
Santo sa halip na kampanilyang metal
 Pilosopastro – pauyam na tawag sa pilosopo
 Ponograpo – pangkaraniwang aparatong pampatugtog
 Requiescat in pace – sumalangit nawa
 Salamin – isang matigas, babasagin at nakaaaninag na materyal
 Santisimo – banal na sakramento
 Sihang – Panga
 Ultimatum – pinakahuling pahayag

El Filibusterismo Kabanata 14 – Sa Bahay ng mga Mag-aaral


Ang tinitirahang bahay ni Makaraig ay malaki. Maluwag ito at puro binata ang
mga nakatira na pawang nangangasera.

Mayaman si Makaraig at kumukuha ng kursong abogasya. Siya ang pinuno ng


kilusan para sa Akademya ng wikang Kastila. Inimbitahan ni Makaraig ang mga
pangunahing mag-aaral na sina Isagani, Sandoval, Pecson at Pelaez upang pag-
usapan ang kanilang pakay.

Si Isagani at Sandoval ay naniniwala na maaprubahan ang pagbukas ng


paaralang samantalang si Pecson ay nag-aalinlangan. Nagkaroon sila ng debate
sa maaring maging aksiyon sa kanilang paaralan. Si Sandoval ay larawan ng mga
kastilang may malasakit at pagpapahalaga sa mga Pilipino.

Isang magandang balita ang ibinahagi ni Makaraig. Si Padre Irene umano ang
nagtatanggol sa kanila laban sa mga sumalungat sa kanilang adhikain.

Dagdag pa niya, kailangan ng kanilang grupo ang pagpanig ni Don Custodio, isa
sa mga kataas-taasang lipon ng paaralan sa kanilang panig.

Dalawang tao ang maari umano nilang lapitan upang kumbinsihin si Don
Custodio na pumanig sa kanila. Ito raw ay si Ginoong Pasta na isang
manananggol at ang mananayaw na si Pepay.
Napagkasunduan nila na kay Ginoong Pasta lumapit upang maging marangal ang
kapamaraanan.

Talasalitaan
 Abuloy – kontribusyon
 Aktibidades – gawain
 Facultad – nag-aaral ng kursong pampropesyunal o pang-akademiko
 Hangarin – pangarap
 Kasigabuhan – silakbo
 Magpalikaw-likaw – magpaligoy-ligoy
 Mapakiling – pumanig; mapapayag; mapasang-ayon
 Nagpapasimuno – nagsimula
 Nagpipingkian – nag-iiskrima
 Nang-uulot – nang-uudyok
 Nobya – kasintahan

El Filibusterismo Kabanata 15 – Si Senyor Pasta


Sinadya ni Isagani ang opisina ng manananggol na si Senyor Pasta, isa sa mga
may pinakamatalas na pag-iisip sa Maynila na sinasangguni ng mga pari kung
ang mga ito’y nasa gipit na kalagayan.

Pinakiusapan niya ang Senyor na kung maari ay mamagitan upang kanilang


mapasang-ayon kung sakaling sumangguni na sila kay Don Custodio.

Ikinuwento ni Isagani kay Senyor Pasta ang tungkol sa balaking kilusan. Nakinig
ng mabuti ang Senyor na tila walang alam at kunwari’y wala siyang pakialam sa
gawain ng mga kabataan. Pinakikiramdaman naman ni Isagani ang naging bisa
ng kanyang mga salita sa abogado.

Nais sana ni Isagani na maaprubahan ng manananggol ang nais nilang akademya


ng Wikang Kastila ngunit nabigo siya dahil nagpasiya ng abogado na huwag
makialam dahil maselan ang usapan at mas mabuting hayaan daw na ang
gobyerno ang kumilos.

Talasalitaan
 Anasan – pag-uusap sa mahinang boses; bulung-bulungan
 Kilatisin – uriin
 Kondesa – tawag sa asawa ng konde
 Nagmamaang-maangan – nagkukunwang walang alam
 Pabulalas – pasambulat
 Pagsasapantaha – panghihinala
 Pahat – kaunti; munti
 Palikaw-likaw – pahipit-hipit, pasikot-sikot
 Pangangayupapa – pagpapakumbaba, pagyukod, pagluhod,
pagpapatirapa, o iba pang kilos na tanda ng pagpapasakop o pagbibigay-galang
 Pasaliwa – pabaliktad
 Rector – punong pari
 Silyon – isang upuang may patungan ng mga kamay
 Sumuong – lumusob
 Upaw – kalbo

El Filibusterismo Kabanata 16 – Ang Kasawian ng Isang Intsik


Ang negosyanteng Intsik na si Quiroga ay naghahangad magkaroon ng konsulado
ang kanyang bansa kaya siya ay naghandog ng isang hapunan. Dumalo ang mga
tanyag na panauhin kabilang na ang mga kilalang mangangalakal, mga pari, mga
militar, mga kawani ng pamahalaan pati na din ang kanilang mga suki.

Nang dumating si Simoun ay sinigil niya si Quiroga sa kanyang utang na


nagkakahalaga ng siyam na libong piso. Nalulugi daw ang Intsik kaya hindi
makakabayad sa mag-aalahas.

Inalok siya ni Simoun na babawasan ng dalawang libong piso ang utang kung
papayag umano si Quiroga na itago sa kanilang bodega ang mga armas na
dumating.

Wala daw dapat ipangamba ang Intsik dahil ang mga baril ay unti-unting ililipat
sa ibang bahay na pagkatapos ay gaagawan ng pagsisiyasat at marami ang
mabibilango. Siya ay lalakad sa mga mapipiit upang kumita. Napilitan namang
sumang-ayon si Quiroga.

Samantala, ang pangkat ni Don Custodio ay nag-uusap tungkol sa komisyong


ipapadala sa India para pag-aralan ang paggawa ng sapatos para sa mga sundalo.
Ang grupo naman ng mga prayle ay pinag-uusapan ang tungkol sa ulong
nagsasalita sa may perya sa Quiapo na pinamamahalaan ni Mr. Leeds.

Talasalitaan
 Bulalas – pahayag
 Consulado – ukol sa gawain ng konsul
 Kapighatian – kahirapan, kalungkutan
 Konsul – isang tao na ipinag-utos ng pamahalaan na naninirahan sa
ibang bansa para maging kinatawan ng kanyang bansa.
 Kopa – goblet
 Nakahuhughog – nakasasaid
 Nanduduwit – nangunguha
 Paghahamok – labanan, away
 Piging – handaan, kainan
 Pulseras – bracelet
 Sikolo – 25 sentimo
 Tsampan – kumikislap na alak (Champagne)
 Walang kapangi-pangimi – malakas ang loob

El Filibusterismo Kabanata 17 – Ang Perya sa Quiapo


Pumunta sa peryahan sa Quiapo ang labindalawang galing sa bahay ni Quiroga.
Patungo sila sa kubol ni Mr. Leeds.

Ikinatuwa ni ng makamundong pari na si Padre Camorra ang mga nasasalubong


nilang magagandang dalaga lalo pa ng makita niya si Paulita Gomez na kasama
ng kanyang tiya na si Donya Victorina at ni Isagani na nobyo ng dalaga. Naiinis
naman si Isagani sa bawat tumititig kay Paulita.

Dumating sila sa isang tindahan kung saan maraming makikita na estatwang


kahoy. Ang isang estatwang mukhang mulato ay kinilala nilang si Simoun dahil
sa parang pinaghalong puti at itim ito.

Wala roon ang mag-aalahas kaya’t napag-usapan nila ito. Ani Padre Camorra,
baka daw natatakot si Simoun na pagbayarin nila sa pagpasok sa peryahan.

Wika naman ni Ben Zayb, baka natakot si Simoun na matuklasan nila ang lihim
ng kanyang kaibigan na si Mr. Leeds.
Talasalitaan
 Galaw – kilos
 Kalantiriin – inisin
 Katog – tunog
 Kinamumuhian – kinagagalitan, kinaiinisan
 Kkutsero – ang nagkokontrol sa kabayo
 Liwasan – parke, plasa
 Mabunggo – maumpog, mabangga
 Namimirinsa – namamalantsa
 Prinsa – plantsang bilog na ang ginagamit na painit ay uling o kahoy.

El Filibusterismo Kabanata 18 – Ang mga Kadayaan


Sa peryahan ay sinalubong ni Mr. Leeds ang mga panauhin. Isa siyang
Amerikano na magaling magsalita ng Kastila dahil sa matagal na namalagi sa
Timog-Amerika.

Bago naman magsimula ang palabas ay nagsiyasat muna si Ben Zayb at hinanap
ang salamin na maaring ginagamit ni Mr. Leeds sa pandaraya. Ito naman ay may
pahintulot ng Amerikano ngunit walang natagpuang salamin si Ben Zayb.

Pagkaraan ay pumasok si Mr. Leeds sa isang pinto at paglabas ay may dala na


siyang kahong kahoy. Aniya, natagpuan daw niya iyon sa libingang nasa piramid
ni Khufu, isang Paraon ng Ehipto.

Ang kahon ay may lamang abo at kapirasong papiro na kinasusulatan ng


dalawang salita. Kapag binigkas ang unang salita ay nabubuhay ang abo at
nakakausap ang isang ulo. Kapag ang pangalawang salita naman ang binanggit ay
bumabalik ito sa dating kinalalagyan.

Maya-maya bumigkas ng isang salita ang Amerikano. Lumabas ang isang ulo at
sinabi nitong siya si Imuthis. Siya daw ay umuwi sa kanyang bayan pagkatapos
ng pag-aaral at mahabang paglalakbay.

Nang dumaan daw siya sa Babilonia ay nalaman niya ang isang lihim na hindi
ang tunay na Sumerdis ang namamahala doon kundi si Gautama, isang
magnanakaw ng kapangyarihan at namamahala sa tulong ng pandaraya. Dahil sa
takot na isumbong siya kay Cambises ay binalak niyang patayin si Imuthis sa
tulong ng mga saserdoteng taga-Ehipto.

Samantala, si Imuthis ay umibig sa isang anak ng pari at naging kaagaw niya rito
ang pari sa Abidos. Nagpanukala ang pari ng kaguluhan at siya ang sinangkalan.

Isinakdal si Imuthis, napiit, tumakas, at saka napatay. Ayon sa ulo siya ay


nabuhay muli upang ihayag ang gayong kataksilan. Titig na titig ang ulo kay
Padre Salvi habang nagsasalita ito kaya dahil sa takot ay hinimatay ang pari.

Kinabukasan ay naglabas ng utos ang Gobernador na nagbabawal sa palabas ni


Mr. Leeds ngunit huli na dahil wala na ang Amerikano at nagpunta na sa
Hongkong dala ang kanyang lihim.

Talasalitaan
 Alingasaw – Singaw
 Iginugumon – Inilulubog
 Kabuhungan – Kasamaan
 Kahindik-hindik – Nakakatakot
 Pinaunlakan – Pinagbigyan

El Filibusterismo Kabanata 19 – Ang Mitsa


Galit na galit na lumabas sa klase si Placido Penitente. Halos hindi na siya
makapagtimpi at nais na gumawa ng isang libo’t isang paghihiganti.

Nakita niyang nagdaan lulan ng isang sasakyan si Padre Sibyla at Don Custodio.
Nais niyang habulin ang kura at ihagis sa ilog.

Nang mapadaan naman sa Escolta ay may nadaanan siyang dalawang Agustino


sa pinto ng basar ni Quiroga. Ibig niya sanang pag-uundayan ng suntok ang mga
ito ngunit nagpigil si Placido.

Nadaanan din niya ang dalawang kadete na nakikipag-usap sa isang kawani saka
sinagasa mga ito.
Sa kanyang tinutuluyan ay dumating si Kabesang Andang na kanyang inang taga-
Batangas. Naghinagpis ang ina nang magpaalam si Placido na hindi na mag-
aaral.

Ilang sandali pa ay umalis na si Placido at nilibot ang Sibakong, Tundo, San


Nicolas, at Sto. Kristo.

Mainit ang ulo ni Placido. Maya-maya’y nakaramdam siya ng gutom at naisipang


umuwi. Inisip niya na wala na sa kanyang tinutuluyan ang ina at nagtungo na sa
kapitbahay upang makipangginggi. Ngunit mali siya ng akala dahil naroon pa ang
ina at naghihintay sa kanya.

Pinakiusapan daw ni Kabesang Andang sa prokurador ng Agustino na iayos ang


suliranin ni Placido sa nakagalit na Dominiko. Ngunit matigas si Placido. Tatalon
daw muna siya sa ilog Pasig o magtutulisan bago mag-aral na muli.

Muling nagsermon ang ina tungkol sa pagtitiis. Hindi na lang kumain si Placido
at saka muling umalis. Pumunta siya sa daungan ng bapor. Doon ay naisip niya
na magpunta ng Hongkong upang magpayaman at kalabin ang mga pari sa
kanyang pagbabalik.

Gabi na at dahil sa walang natagpuang kaibigan ay nagtungo siya sa perya. Doon


niya nakita si Simoun. Ikinuwento niya dito ang nangyari sa kanya at ang
planong magpunta sa Hongkong.

Isinama ni Simoun Placido sa kanyang karwahe. Nakita nila sina Isagani at


Paulita na magkasama. Nainggit naman si Placido kina Isagani at Simoun.

Pagkaraan ay muling nagpatuloy sa paglalakbay ang dalawa. Nakarating sila sa


isang bahay na pagawaan ng mga pulbura na pinangangasiwaan ng dating guro
sa San Diego.

Inatasan si Simoun na pakipagkitaan ng guro ang tenyente at ang kabo ng mga


militar, gayundin si Kabesang Tales. Anang guro ay di pa sila handa.
Ngunit ayon kay Simoun ay sapat na sina Kabesang Tales, ang mga naging
kabinero at isang rehinameyento ng mga kawal dahil kung ipagpapaliban pa raw
nila ang plano ay baka patay na si Maria Clara.

Dalawang oras din na nag-usap sa bahay ni Simoun at ang binata bago umuwi sa
kaserahan si Placido.

Kinabukasan ay nakikinig na sa pangaral ng kanyang ina si Placido. Hindi na rin


siya tumutol sa mga payo nito. Pagkaraan ay pinauwi na niya ang ina sa Batangas
dahil baka malaman pa daw ng prokurador na naroon siya at hihingian pa ito ng
regalo at pamisa.

Talasalitaan
 Arabal – hangganan ng bayan
 Basar – tindahan
 Candelabra – mahabang tubo na may kandila sa dulo
 Ciriales – mahabang tubo na may krus sa dulo
 Fenix – isang mahimalang ibon na nabubuhay ng limandaang taon
 Iginugupo – pinaghihina
 Kabuluhan – may kapupuntahan, may katutururan
 Karabinero – isang kawal na armado ng karabin
 Kastilyero – tagagawa ng mga paputok
 Kinatitirikan – kinatatayuan
 Lipakin – hamakin
 Malamlam – mapanglaw
 Mitsa – isang parte ng bomba na sinisindihan para ito’y pumutok;
nagsisilbi rin itong orasan kung iilan nalang na oras ang bibilangin bago pumutok
ang bomba
 Nagngingitngit – labis na galit
 Nakaririmrim – nakapandidiri
 Platero – tagapanday ng pilak
 Procurador – pinuno ng isang relihiyosong korporasyon
 Promotor piskal – pinunong abogado ng isang distrito

El Filibusterismo Kabanata 20 – Si Don Custodio


Nasa mga kamay ni Don Custodio ang usapin sa akademya ng wikang Kastila.
Siya ang pinagkatiwalaan lumutas sa suliraning ito..
Si Don Custodio de Salazar y Sanchez de Monteredondo o kilala sa tawag na
“Buena Tinta” ay tanyag sa bahagi ng lipunan sa Maynila. Nakapag-asawa siya ng
mayaman at sa pamamagitan nito ay nakapag-negosyo. Siya ay pinupuri kahit
kulang sa kaalaman sa mga tungkuling kanyang hinahawakan dahil si Don
Custodio ay masipag.

Nang magtungo sa Espanya ay walang pumansin sa kanya dahil sa kakulangan


niya sa pinag-aralan. Wala pang isang taon ay bumalik na rin siya sa Pilipinas at
nagyabang sa mga Pilipino sa kanyang kunwaring magandang karanasan sa
Madrid.

Ipinalagay niyang siya’y isang amo at manananggol. Naniniwala siyang may


ipinanganak upang mag-utos at ang iba’y upang sumunod. Para sa kanya, ang
mga Pilipino ay ipinanganak upang maging utusan.

Pagkaraan ng labinlimang araw ay nakabuo na ng pasya si Don Custodio at


handa na niya itong ipaalam sa lahat.

Talasalitaan
 Bantog – kilala
 Di-masusupil – di mapipigil
 Ginugol – inaksaya
 Himala – kababalaghan
 Katukayo – kapangalan
 Masawata – masupil
 Matapang – malakas ang loob
 Nakagagambala – nakagugulo
 Nakikini-kinita – nagugunita
 Nalathala – naipahayag
 Pananalig – paniniwala
 Pangahas – nangunguna
 Panukala – mungkahi
 Sinang-ayunan – kinampihan

El Filibusterismo Kabanata 21 – Mga Anyo ng Taga-Maynila


Ang Les Choches de Corneville ng bantog na mga Pranses ay may pagtatanghal sa
Teatro de Variendades ng gabing iyon. Mabilis na naubos ang mga tiket para sa
dula.

Hindi abalang pumasok sa tanghalan ang Kastila na tila pulubi na si


Camarroncocido. Nilapitan siya ni Tiyo Kiko, isang matandang lalaki na nakasuot
ng amerikanang hanggang tuhod at ipinakita ang anim na pisong galing sa mga
Pranses na kinita niya sa pagdidikit ng mga paskil.

Ngunit sinumbatan ni Camarroncocido si Tiyo Kiko at sinabing ang kikitain sa


buong palabas ay mapupunta sa mga pari.

Ang pagtatanghal ay humati sa Maynila. Masagwa daw at laban sa moralidad ang


palabas sabi ng mga tutol na sina Don Custodio, mga pari, pati na mga babaeng
may asawa at may kasintahan.

May mga taong nagtatanggol naman sa palabas kagaya ng mga pinuno ng hukbo,
mga marino, mga matataas na tao, mga kawani at mga babaeng walang
kasintahan.

Naging malaking bulung-bulungan ang palabas at kasamang nababanggit ang


Kapitan Heneral, si Simoun, si Quiroga at ang mga artista.

Pinuna ni Camarroncocido ang mga nais manood na kaya daw naroon ay para
malaman kung bakit bawal at dapat ipagbawal ang palabas.

Nang umalis na si Tiyo Kiko ay may napansin si Camarroncocido na mga taong


tila hindi sanay mag-amerikana at sa wari niya ay umiiwas na mapuna. May isang
kagawad ng hukbo ang kumausap sa mga di-kilalang tao na apat o lima sa bawat
pulutong.

Pagkaraan ay masiglang lumapit ang kagawad sa isang karwahe na lulan si


Simoun. May narinig si Camarroncocido na wikang Kastila na ang ibig sabihin ay
“Ang hudyat ay isang putok”, saka niya nasabi sa sarili na tila may binabalak ang
mga ito.
Nagpatuloy sa paglalakad ang pulubi. May dalawang tao siyang naririnig na nag-
uusap at sinabing ang mga kura ay malakas kaysa Heneral. Umaalis daw ang
Heneral samantalang ang mga pari ay naiiwan at ang hudyat na isang putok ang
kanilang ikayayaman.

Naaawa man sa bayan ngunit wala namang pakiaalam si Camarroncocido sa mga


narinig.

Samantala, sa labas ng dulaan ay makikita si Tadeo na niloloko ang isang


kababayang tanga sa pagsasabi ng mga kahanga-hangang kasinungalingan.

Sinabi ni Tadeo sa kausap na kilala niya ang mga malalaking tao na nadaan at
kaibigan niya ang mga ito kahit hindi naman totoo.

Dumating ang mga mag-tiyahin na sina Donya Victorina at Paulita Gomez. Kahit
na nagbabalatkayo ay nakilala pa rin ni Tadeo si Padre Irene na di naitago ng
tunay na katauhan dahil sa mahaba niyang ilong. Dumating din si Don Custodio.

Nang dumating sina Makaraig, Pecson, Sandoval at Isagani ay lumapit si Tadeo


sa kanila saka bumati. May sobra silang isang tiket dahil hindi sumama si Basilio.

Dahil dito’y inanyayahan nila sa Tadeo sa loob, agad siyang sumama sa apat, at
iniwan ang kababayang kanina lamang ay kausap ngunit ngayon ay nag-iisa na.

Talasalitaan
 Alingasngas – usap usapan
 Bihasa – sanay, eksperto
 Hampaslupa – mahirap
 Hudyat – palatandaan
 Kalmen – eksapularyong isinusuot bilang deboto sa isang santa o santo
 Kawani – opisyal
 Kinakatigan – pinapakinggan o kinakampihan
 Malamlam – mapungay, malabo
 Mapanibughuin – seloso
 Masagwa – kahalayan
 Nag-ibayo – tumitindi
 Nagkukumahog – nagmamadali
 Nagpatumpik-tumpik – nagpabagal-bagal
 Nanlilimahid – maruming-marumi
 Natitigatig – nayayanig
 Naulinigan – narinig ng bahagya
 Pabuya – premyo, gantimpala
 Pagala-gala – paikot-ikot
 Pagbabalatkayo – pagkukunwari
 Pagkakarinyosa – pagkamalambing
 Pakana – plano
 Pangingimbulo – pagkainggit
 Panunuligsa – pambabatikos
 Paskil – karatula
 Patid – tigil, hinto
 Pinakakalansing – pinapatutunog
 Sekreta – pulis
 Tiktik – espiya
 Walang muwang – walang alam

El Filibusterismo Kabanata 22 – Ang Palabas


Punong-puno ng tao sa dulaan ngunit lampas na sa oras ay di pa rin nagsisimula
ang palabas dahil hinihintay pa ang Kapitan Heneral. Marami nang naiinip,
nagsisipadyak at sumisigaw na buksan na ang tabing.

Ang lugar na tinatawag na palko na may pulang kurtina ay uupuan ng Kapitan


Heneral. Isang ginoo ang umupo sa butaka at ayaw tumindig. Si Don Primitivo
kasi ang may-ari ng upuan kinauupuan nito.

Dahil dito’y tinawag ni Don Primitivo ang tagapaghatid sa upuan nang makita
niya na ayaw tumindig ng ginoo. Ang pagmamatigas ni Don Primitivo ay
nagdulot ng kaguluhan at kasiyahan sa mga taong naiinip.

Samantala, habang nagaganap ang kaguluhan ay biglang tumugtog ang


marchareal dahil dumating na ang Kapitan Heneral. Sinasabing manonood ang
Kapitan Heneral ng palabas dahil sa dalawang dahilan. Ang una ay hinahamon
diumano ito ng simbahan at ang pangalawa ay dahil ito ay may pagnanasa
lamang na makita ang pagtatanghal.
Nasa loob din ng dulaan si Pepay at katapat ng mga estudyante ang kinauupuang
palko nito. Kinuntsaba siya ng mga estudyante at siyang gagamitin kay Don
Custodio upang palambutin ang puso nito. Noong hapong iyon ay sumulat si
Pepay sa kagalang-galang na tagapayo at naghihintay ng kasagutan.

Naroroon din si Don Manuel na panay ang pasaring kay Don Custodio. Si
Makaraig ay makahulugang tumitingin kay Pepay na parang ibig ipahiwatig na
mayroon siyang sasabihin.

Masaya ang mga estudyante, si Pepay pati na si Pecson. Si Isagani lang ang hindi
dahil nakita niya sa dulaan si Paulita na kasama ni Pelaez na kanyang karibal.

Maya-maya’y umawit si Gertude, isang Pransesa. Sige sa pagsalin si Tadeo sa


wikang Kastila ng mga salitang Pranses na naririnig. Gayon din ang ginawa ni
Juanito Pelaez kina Paulita Gomez at Donya Victorina. Lamang ay madalas mali
ang pagsalin ni Juanito. Dito rin nagsimula ang paghanga ng Donya sa kanya at
hinangad na pakasalan ang binatang kuba pag namatay ang mister na si Don
Tiburcio.

Umawit din si Serpolette. Mayroong pumalakpak na nakilala ni Tadeo na si Padre


Irene. Pinapag-espiya pala ito ni Padre Salvi kung sadyang masama nga ang
palabas ng mga Pranses. Namukhaan ng mananayaw si Padre Irene at kakilala
pala siya ni Serpolette doon pa sa Europa.

Pagkaraan ay may isang bababeng dumating na may kasamang asawa.


Ipinagmamalaki pa niya ang pagkahuli ng dating. Nang makitang wala pang
laman sa may palko ay inaway ng ginang ang asawa.

Sinutsutan siya ng mga tao at sa inis ay tinawag niya ang mga ito na mga “ungas”
at akala mo daw ay marurunong mag-pranses.

Si Ben Zayb naman ay panay ang panunuligsa sa pinapanood at sinabing ang mga
nagsiganap ay hindi mga artista at di marunong umawit.

Sa palabas ay kakikitaan ng kahalayan at pagnanais sa kababaihan ang mga


kalalakihang tulad nina Don Custodio, Tadeo, Macaraig at Pecson ngunit sila ay
nalungkot sapagkat hindi itinanghal ang hinihintay nilang cancan.
Napag-usapan din ang di pagsipot ni Simoun sa dulaan. Pinagtalunan naman ng
mga estudyante ang kagandahan at kapangitan ng wikang Pranses.

Galing si Makaraig kay Pepay, malugkot ang hitsura kaya naman pagbalik niya ay
nag-usisa ang mga kapwa mag-aaral. Dala niya ang balita na may pasya na daw
tungkol sa paaralan ayon kay Padre Irene.

Sinang-ayunan daw ang paaralan ngunit ito’y ipaiilalim sa Unibersidad ng Sto.


Tomas sa pamamahala ng mga Dominikano.

Talasalitaan
 Alingawngaw – tinig na bumabalik sa pandinig
 Artilyero – kanyunero
 Ayuntamiento – Pamahalaang lungsod
 Butaka – upuang may patungan ng braso; pang-ibabang mga hanay ng
upuan sa teatro o tanghalan
 Butaw – donasyon
 Cancan – isang masiglang sayaw na nagsimula pa noong ika-19 na siglo
na ang pinakatampok na galaw ang pasipang pataas sa saliw ng mabilis na tugtog
 Dagok – suntok o dating ng suliranin
 Dometiques – domestic o pantahanan
 Entrada General – teatro
 Gora – sombrero
 Guniguni – imahinasyon
 Ipalulon – ipalunok, ipakain
 Kahali-halina – kaakit-akit
 Matikas – matipuno
 Manunuligsa – namumuna
 Mapakali – mapalagay
 Mapanudyo – mapanukso
 Masasal – mabilis at malakas na ubo
 Masatsat – masalita, madaldal
 Masigabo – mainit na pagtanggap o palakpakan
 Nakapukaw – nakagising
 Nakaririmarim – nakadidiri, nasusuka
 Nakimatyag – nakiusyoso
 Nakukutya – namamaliit
 Natitigatig – natitibag
 Nayamot – nainis
 Palko – balkonahe, upuan sa itaas ng teatro
 Panlulumo – panghihina
 Pasaring – parinig
 Peluka – wig, pekeng buhok
 Pinagkuskos – pinagkiskis
 Servantes – servants o tagapaglingkod
 Tabing – kurtina
 Tampalasan – walang galang, bastos
 Tisiko – may sakit sa baga o tuberculosis
 Tumambad – lumitaw
 Udyok – tulak
 Umilandang – humagis
 Winawasiwas – iwinagayway

El Filibusterismo Kabanata 23 – Isang Bangkay


Hindi pumunta sa dulaan si Simoun. Noong ika-pito ng gabi ay makalawang
beses umalis at dumating si Simoun sa bahay na may iba’t ibang taong kasama.
Nang mag-iikawalo na ay nakita siya ni Makaraig sa may daang Ospital malapit
sa kumbento ng Sta. Clara. Nakita naman siya ni Camarroncocido sa may dulaan
nang mag-iikasiyam na may kausap na tila estudyante.

Hindi rin pumunta sa teatro si Basilio dahil siya ay papunta sa San Diego.
Pupunta siya sa bahay ni Kapitan Tiyago upang gamutin ito. Habang inaalagaan
ni Basilio ang may sakit ay bigla na lang itong sinusumpong dahil sa sobrang
paghithit ng opyo.

Nagbilin naman sina Simoun at si Padre Irene kay Basilio na pagalingin ang may
sakit at pagtiisan ito sa pag-aalaga.

Sa pagrerepaso ni Basilio ay dumating si Simoun. Noon lamang sila muling


nagkaharap mula nang huli silang magkita sa San Diego. Kinamusta ni Simoun si
Kapitan Tiyago. Ibinalita naman ni Basilio na malubha na ang lagay ng Kapitan
dahil kalat na ang lason sa katawan nito.

Muling hinimok ni Simoun si Basilio na makiisa sa himagsikan laban sa


pamahalaang Kastila. Ang hindi raw kasi kakampi sa kanila ay ituturing nilang
kaaway na dapat patayin. Si Basilio daw ang magtatakas kay Maria Clara sa
kumbento ni Sta. Clara habang nagkakagulo ang buong lungsod.

Ngunit huli na daw ang lahat, ani Basilio. Nalaman niyang nagpakamatay na raw
si Maria Clara dahil naroon daw siya sa kumbento upang makibalita kaya niya
nalaman ang nangyari.

Nang bumalik siya ay nakita niya ang liham na padala ni Padre Salvi kay Padre
Irene na siyang nagpabasa kay Kapitan Tiyago na nag-iiyak nang mabatid na
patay na ang anak.

Nagulat si Simoun sa narinig niyang balita ngunit ayaw niyang maniwala na totoo
ito at pinipilit na buhay pa si Maria Clara. Nang huminahon na ay umalis agad
siya ng silid. Naririnig ni Basilio ang mga sigaw ng hinagpis ni Simoun habang
paalis ito.

Nawala na sa isip ni Basilio ang pag-aaral at sa halip inisip ang kasalukuyang


kalagayan ni Simoun.

Talasalitaan
 Balaan – bigyan ng paunang paalala
 Baligho – laban sa katwiran
 Bugnutin – bigla o madaling magalit
 Dalisay – puro o walang dungis
 Dinaluhong – sinugod
 Humimlay – matulog o mahimbing
 Kabig – kakampi
 Kahindik-hindik – katakot-takot
 Lipos – puno
 Lubay – tigil o patid
 Nagpalahaw – umatungal sa iyak
 Nagugulumihanan – naguguluhan
 Nag-uulol – nababaliw o nawawala sa isip
 Nakabubulahaw – nakaiistorbong ingay
 Nangakatanikala – nakagapos o nakatali
 Nangatal – nanginig
 Natighaw – mabawasan o humina
 Pagpapaunlak – napasunod o nagbigay
 Pantalya – lampara
 Polyeto – lampara
 Sinisikil – iniipit o pinahihirapan
 Sulak – agos
 Talamak – marami o kumalay
 Tigib – masobrahan o matambakan
 Tigmak – basa o babad
 

El Filibusterismo Kabanata 24 – Mga Pangarap


Ang magkasintahang sina Isagani at Paulita ay mag-uusap sa Luneta.

Galit si Isagani dahil nakita niyang magkasama sina Paulita at Juanito sa dulaan.
Ngunit napag-alaman niya na si Donya Victorina raw ang may ibig kay Pelaez
kaya nagkatawanan sila ng kausap.

Nagkapalitan din sila ng mga pangarap sa hinaharap. Nais raw ni Isagani na sa


nayon manirahan. Para sa kanya, ang bayang iyon ang tangi niyang kaligayahan
bago pa nakilala at nakita si Paulita. Ngunit nabatid niyang parang naging may
kulang sa kanya ang bayang iyon at natitiyak niyang ang kulang ay ang kanyang
nobya.

Ngunit ayaw pumunta doon ni Paulita. Ayaw daw niyang magdaan sa mga
bundok na malimatik. Ang nais niyang paglalakbay ay sa pamamagitan ng tren.

Pinaghambing ni Isagani sa isip ang pansin ng mga taong pamahalaan sa


nagkaramdam na si Simoun at ang mga sugatang kawal na galing sa digma. Sa
mga sugatang kawal ay ni walang pumapansin subalit kay Simoun ay nabahala
ang marami. Iba na raw ang mayaman ayon sa binata. Ang bayang nasa isip niya
ay di lamang Pilipinas kundi pati ang Espanya.

Nang dumating sina Paulita ay nginitian niya ang nobyo. Ngumiti rin si Isagani at
tila ba napawi lahat ng kanyang pagka-inis. Masaya na sana si Isagani ngunit
biglang itinanong ni Donya Victorina kung nasa kanilang nayon ba nagtatago ang
asawa niyang si Don Tiburcio.
Ipinagkaila ng binata ang kanyang nalalaman. Ngunit may pahabol na tanong
ang Donya na ano daw kaya kung pakasal siya kay Juanito. Kinaiinisan man ang
kanyang kamag-aral ngunit pinuri pa niya si Juanito sa harap ng Donya.

Pinagbigyan ni Donya Victorina na magkausap ang pamangkin at ang nobyo nito.


Kung magkakatuluyan nga naman si Paulita at Isaganiay masasarili niya si
Juanito.

Talasalitaan
 Naulinigan – narinig
 Mapaniil – mapang-abuso
 Naghulas – pagtutubig, lusaw, tunaw, tagas
 Pagkabusabos – pagkaalipin
 Sumilay – sumulpot, sumipot, dumating

El Filibusterismo Kabanata 25 – Tawanan at Iyakan


Ang piging ay idinaos ng mga mag-aaral sa Panciteris Macanista de Buen Gusto.
Labing-apat silang lahat kabilang na si Sandoval.

Matatalim magsalita ang mga estudyante. Kahit pa nagtatawanan sila ay ramdam


pa din ang kanilang hinanakit.

Dumating na din si Isagani. Si Pelaez na lang ang wala. Sana daw ay si Basilio na
lang ang inimbitahan kaysa kay Juanito, ani Tadeo. Malalasing pa daw sana nila
si Basilio at baka sakaling mapaamin ang lihim tungkol sa nawawalang bata at sa
isang mongha.

Habang kumakain ay inihandog nila kay Don Custodio ang pansit lang-lang, ang
sopas ay tinaguriang sopas ng panukala, ang lumpiang intsik ay inalay kay Padre
Irene at ang torta’y inukol sa prayle (torta de Frailes).

Tumutol si Isagani. Di daw dapat isama sa panunumpa ang isang pari.


Sinegundahan ito ni Tadeo. Kahabag-habag daw na inihambing ang alimasag sa
mga prayle.
Ang pansit gisado naman ay inukol sa pamahalaan at sa bayan. Ani Makaraig,
ang pansit ay katutubong lutuing Pilipino. May gusto daw mag-alay ng pansit kay
Quiroga na isa raw sa apat na kapangyarihan sa Pilipinas. Samantalang may
nagsabi na sa Eminencia Negra (Simoun) raw dapat ialay ang pansit.

Hindi handa si Tadeo ng mahilingan siyang magtalumpati. Nagtalumpati din si


Pecson na inatake ang mga pari. Aniya, mula raw sa kamusmusan hanggang sa
libingan ay mga pari ang kasama natin.

May nakakita sa isang utusan ni Padre Sibyla (biserektor sa Unibersidad) na


sumakay sa karwahe ni Simoun. Nagtitiktik pala ito sa mga mag-aaral. Nasambit
tuloy ni Makaraig ang mga katagang “Ang busabos ng bise-rektor na
pinglilingkuran ng panginoon ng Heneral!”

Talasalitaan
 Naaninaw – nabanaagan
 Nagmamanman – nag-iimbestiga
 Pagtalima – pagsunod
 Piging – handaan
 Sinipat – tinignan

El Filibusterismo Kabanata 26 – Mga Paskil


Maagang nagising si Basilio. Dadalawin niya ang pasyente sa ospital ng San Juan
de Dios saka pupunta sa Pamantasan para sa kanyang lisensiyatura.

Kakatagpuin rin niya si Makaraig para mangutang ng salapi na kanyang


gugugulin. Ang mga naimpok niya kasi ay nagamit na niya sa pagtubos kay Juli.

Sa kanyang paglalakad ay nakasalubong niya ang propesor na malapit sa kanyang


loob. Tinanong siya ng propesor kung nasa piging siya kagabi. Mabuti raw at wala
ito doon.

Nang malamang kasapi si Basilio sa kapisanan ay pinayuhan nito ang binata na


umuwi na at sirain ang lahat ng kasulatang magdadawit sa kanya.
Nabanggit ni Basilio si Simoun. Wala raw kinalaman dahil nahihiga ang mag-
aalahas dahil sa sinugatan ng kung sino. Anang kausap ay may ibang mga kamay
na nakapangingilabot dito.

Tinanong ni Basilio kung may kasangkot na tulisan. Ngunit ang sagot ng


propesor ay wala raw dahil puro estudyante daw ang sangkot. Sa unibersidad daw
ay nakakita ng mga paskin o paskil na mapanghimagsik.

May nasalubong silang isa pang propesor na kakilala ni Basilio. Ang sabi’y
nangangamoy na raw si Kapitan Tiyagoat nilalapitan na siya ng mga uwak at
buwitre.

Nagpatuloy sa paglalakad si Basilio. Napag-alaman niya na marami raw mga


estudyanteng papupugutan ng ulo, ipabibilanggo, at ibabagsak sa pag-aaral.

Naalala ni Basilio ang sinabi ni Simoun na oras na sila’y itiwalag nila ay di sila
makatatapos sa kanilang karera. Dito’y pinaghinalaan ni Basilio si Simoun na
may kinalaman sa mga paskil.

Tinawag ni Simoun si Sandoval ngunit para itong walang narinig. Tuwang-tuwa


naman si Tadeo dahil wala na raw klase. Ibibilanggo raw lahat ng mga
estudyanteng kasama sa kapisanan.

Si Juanito naman ay parang baliw na paulit-ulit na sinasabing wala siyang


kinalaman. Saka umalis nang makitang may papalapit sa kanilang tanod.

Natanaw ni Basilio si Isagani na namumutla ngunit pinagpupuyusan ng


kalooban. Ani Isagani ay hindi na daw mahalaga kung sino ang sumulat sa mga
paskil dahil tungkulin ng mga pari ang alamin iyon. Kung nasaan daw ang
panganib ay doon sila dumako dahil naroon ang karangalan.

Dagdag pa niya, kung ang nasasabi raw sa paskil ay kaayon sa kanilang kalooban,
sino man ang sumulat noon ay dapat daw nilang pasalamatan. Kung hindi naman
ay sapat nang tutulan nila at tanggihan.

Di naman sang-ayon dito si Basilio kaya tumalikod ito sa kaibigan saka umalis
dahil pupunta na siya kay Makaraig para makahiram ng pera.
Di niya pinansin ang mga senyas ng mg mga kapitbahay ni Makaraig. Nang
makaharap ang dalawang tanod na beterana ay sinabi niyang naroon siya para
makipagkita sa kaibigang si Makaraig.

Nagkatinginan lamang ang dalawang tanod. Saka dumating si Makaraig, ang


kabo, at dalawang kawal. Nagtaka si Makaraig sa pagparoon ni Basilio. Inusig ng
kabo si Basilio saka isinama sa pagdakip.

Sa sasakyan ay ipinagtapat ni Basilio ang kanyang sadya kay Makaraig. Sinabi ni


Makaraig na maaasahan siya ni Basilio at kapag nakapagtapos daw siya ng
pagdodoktor ay aanyayahan pa nila ang mga kawal na dumakip sa kanila.

Talasalitaan
 Gugol – gastos
 Kabo – sundalong may rangong “Corporal” sa militar
 Kanto – salikop
 Magara – magarbo
 Nagunita – naalala
 Naimpok – naipon
 Nakaligtaan – nakalimutan
 Paskin o Paskil – poster
 Putahe – pagkain

El Filibusterismo Kabanata 27 – Ang Prayle at ang Estudyante


Ipinatawag ng isang katedratikong si Padre Fernandez si Isagani. Ito’y labis na
iginagalang ng binata.

Narinig daw umano ng pari ang pagtatalumpati ni Isagani. Itinanong din nito
kung kasama ba siya sa hapunan. Pinuri ng pari ang pagkakaroon ni Isagani ng
paninindigan.

Nagpatuloy sa pagsasalita ang pari at sinabing may mga dalawang libong


estudyante na raw ang naturuan niya o sinikap niyang turuang mabuti at
karamihan doon ay pumupula at lumalalos sa mga prayle ngunit walang
makapagsalita nang tapatan o harapan.
Ayon naman kay Isagani ay di kasalanan ng kabataan na magsalita laban sa may
kapangyarihan na agad naman nilang pararatangan ng pilibustero dahil alam ng
pari ang ibinubunga ng gayong paratang.

Sinabi ng pari na di niya inuusig si Isagani at malaya itong nakapagsasalita ng


anuman sa kanyang klase. Sa halip ay paborito pa nga daw niya si Isagani.

Pangiti namang nagpasalamat ang binata at sinabing itinatangi rin niya ang
katedratiko. Di raw gaya ni Padre Fernandez ang ibang prayleng Dominikong
katedratiko. Saka nisa-isa ang mga sakit sa pagtuturo ng mga prayle.

Napakagat-labi lamang si Padre Fernandez at sinabi nitong lampas na sa guhit ng


pag-uusap ang mga paratang ni Isagani.

Giit naman ni Isagani na ang mga prayle sa lahat ng orden ay naging mga
kontratista ng karunungan at sila umano ang nagsasabi mismo sa mga mag-aaral
na hindi raw sila nararapat matuto dahil balang araw ay magpapahayag ang mga
ito ng paglaya.

Dagdag pa ni Isagani, ang kalayaan ay katambal ng tao at gayundin ng talino at


katarungan. Ang pagtanggi ng mga prayle na matuto sila at lumaya ang dahilan
ng kawalan ng kanilang kasiyahan.

Anang pari, ang karunungan daw ay hindi ipinagkakaloob kundi sa karapat-dapat


lamang. Ipagkaloob daw iyon sa mga walang tibay ng loob at kapos sa wastong
asal ay taliwas sa layunin.

Ngunit tinutulan ito ni Isagani. Aniya, kung ano daw sila ngayon ay ang mga pari
ang may gawa. Ang bayan daw na inaalipin ay natutong magkunwari; ang
paghaharian ay lumikha ng mga alipin.

Ipagpalagay daw nila, kahit di totoo, na ang mga estudyante ay mga walang
dakilang asal at katibayan ng loob. Sino daw ang may kasalanan? Sila daw ba o
ang mga nagturo sa kanila sa loob ng may tatlong siglo? Kung pagkatapos ng
panahong iyon ay walang nayari ang manggagawa ng palayok kundi mga sira,
siya’y napakatanga na raw marahil. O baka daw marumi ang putik na ginamit?
Dagdag muli ni Isagani, “Kung gayo’y higit pang napakahangal gayong alam na
palang masama at marumi ang putik ay bakit nagpapatuloy pa sa pagsasayang ng
panahon, at di lamang hangal, kundi manlilinlang at magnanakaw pa dahil alam
nang walang ibubunga ang ginagawa niya’y patuloy pa sa pagtangap kabayaran at
di lamang hangal, mandaraya at magnanakaw kundi isa pang talipandas dahil
ayaw nilang subukin ang kakayahan ng iba sa paggawa ng magiging kapaki-
pakinabang.”

Nakilala ng pari ang kanyang kagipitan at noon lamang siya nakaranas ng


pagkatalo sa isang estudyanteng Pilipino lamang. Nabanggit ng pari na ang utos
na sinusunod nila ay galing lamang sa pamahalaan.

Ngunit pinulaan ni Isagani ang pagtatago ni Padre Fernandez sa likod ng


pamahalaan.

Muling nangatwiran ang pari at sinabing ang ibig daw niyang sabihin ay may mga
batas na mabuti ang layon nguni’t masama ang ibinubunga. Ang masamang ugali
ng mga mag-aaral ay di daw dapat isisi sa kanila o kahit sa Pamahalaan kundi sa
masamang pagkakatatag umano ng kanilang kapisanan.

Ani Isagani, “Opo, may pumipilit na sila’y mag-aral. Katungkulan ng bawat tao na
hanapin ang kanilang kaganapan ng pagkatao. Katutubo sa tao na linangin ang
kanyang talino at lalong matindi ang nais na ito rito dahil ito’y hinahadlangan.
Ang bumubuhay sa pamahalaan ay humihingi sa pamahalaan ng liwanag upang
lalong makatulong sa bansa. Pamahalaan na rin at ang mga prayle na rin ang
pumipilit na kaming mga indiyo ay maghanap ng karunungan dahil sa inyong
pag-aglahi sa amin sa kawalang pinag-aralan at kamangmangan. Kami’y inyong
hinuhubaran at pagkarapos ay pinagtatawanan ninyo ang aming kahihiyan.”

Talasalitaan
 Buhong – mapanlinlang
 Capista – tagapaghatid
 Inuupasalaan – manirang-puri
 Itinangi – pinapahalagahan, pinag uukulan ng mamumukod na
pagmamahal
 Karangalan – dignidad
 Katedratiko – paring propesor
 Lumait – umapi, kumutya
 Mangmang – walang alam
 Nakatutop – nakalagay
 Pagbabalatkayo – pagkukunwari
 Paghuhulo – pagkakaintindi
 Payabungin – paunlarin
 Pensing – eskrima
 Salat – kulang
 Siniil – ginipit
 Tinakpan – ipininid
 Tinutuligsa – pinupuna
 Tutusin – bibilangin

El Filibusterismo Kabanata 28 – Pagkatakot


Sa El Grito ay pinangalandakan ni Ben Zayb na tama siya sa madalas niyang
sabihin na nakasasama sa Pilipinas ang pagtuturo sa kabataan. Pinatutunayan
umano ito ng mga paskil.

Binalot ng takot ang lahat mula sa Heneral hanggang sa mga Intsik. Hindi na din
nakapunta sa basar ni Quiroga ang mga prayle. Inayos din ng mga Intsik ang
kanilang mga tindahan upang madali itong maisara kung sakali.

Naisip ni Quiroga na sumangguni kay Simoun upang itanong kung panahon na


upang gamitin ang mga baril, pulbura at bala na ipinatago nito sa kanya.

Ayon sa napag-usapan nila ni Simoun ay palihim na ilalagay ang mga baril sa


mga bahay-bahay at saka magpapahalughog ang pamahalaan. Maraming
madarakip lalo sa mga mayayaman at ito ay magpapatulong sa kanila na
mangangahulugan ng malaking salapi.

Ngunit hindi nakausap ni Quiroga si Simoun. Ipinasabi lamang na huwag


galawin ang anuman sa kinalalagyan.

Pumuta si Quiroga kay Don Custodio upang isangguni kung dapat niyang
sandatahan ang sariling tahanan. Subalit ayaw rin tumanggap ng bisita si Don
Custodio. Kaya naman kay Ben Zayb nagtungo si Quiroga. May dalawang
rebolber na nakapatong sa mga papeles ng manunulat kaya ng makita niya ang
mga ito ay nagpaalam kaagad ang intsik at nagdahilang may sakit.

Kinahapunan ay may kumalat na balitang may panayam ang mga estudyante at


mga tulisan sa San Mateo. Ang balak daw na paglusob ng mga ito sa lungsod ay
nabuo sa isang Pansiterya.

May bapor pandigma pa daw ang mga Aleman. May mga estudyante daw na
nagtungo sa Malakanyang upang magpahayag ng pagkamaka-Kastila ngunit
nahulihan sila ng armas kaya ang mga ito ay pinagkukulong. Naligtas daw ang
Heneral dahil noo’y nakikipanayam sa mga puno ng orden o provincial sa
Pilipinas.

May nagmungkahi na magpabaril ng isang dosenang pilibusterilyo upang matigil


ang gulo. Sabi naman ng isa’y sapat nang palakarin sa mga lansangan ang mga
kawal na kabayuhan at may hilang kanyon upang ang lahat ay magsisipanhik ng
bahay para manahimik. Anang isa, pagpapatayin ang mayayaman at linisin ang
bayan.

May naghalughog sa bahay ni Kapitan Tiyago kung saan si Basilio ay


nanunuluyan. Hinahanap nila ang mga kasulatan ng binata. Maya-maya’y
dumating si Padre Irene saka nagbalita ng mga nakakatakot sa matanda.

Natakot si Kapitan Tiyago sa mga kwento ng pari. Napadilat ang Kapitan habang
nakakapit sa kura. Nagpumilit siyang makabangon ngunit hindi niya kaya.
Bumagsak ito na bumubula ang bibig saka namatay. Nakahawak ang patay kay
Padre Irene na nakaladkad niya hanggang sa gitna ng silid.

Sa isang binyagan kinagabihan ay may nagsabog ng kwalta. Nag-agawan ang mga


bata kaya maingay sa may pinto ng simbahan. May nagdaang opisyal at nabigla
ito sa mga nakita. Inakala niyang gawa iyon ng mga pilibusterilyo kaya hinabol ng
sable ang mga batang nagsipasok sa simbahan. Nagtakbuhan ang mga tao dahil
nagsimula na raw ang himagsikan.

May dalawang tao na nahuling nagbabaon ng sandata sa silong ng isang bahay na


tabla. Hinabol ng mga tao ang dalawa upang ibigay sa pamahalaan ngunit hindi
nila iyon nahuli. Ang mga baril ay lumang eskopeta na maari pang makasugat sa
gagamit.

May beteranong napatay ng isang kawani sa pag-aakalang isa itong estudyante.


Patay rin ang isang bingi na hindi sumagot ng tanungin.

Sa isang tindahan ay napag-usapan si Tadeo. Binaril na raw ito kaya napadaing


ang babaeng kausap. Marami raw kasing utang sa ginang si Tadeo. Sinabihan
naman siya na baka raw madamay pa kay Tadeo ang may-ari ng tindahan kaya
natahimik ang babaeng kanina lang ay dumaraing.

Si Isagani naman daw ay kusang nagpadakip. Isa daw siyang luku-luko ayon sa
usapan. Malamang daw ay babarilin din iyon. Wala namang paki ang babae dahil
wala naman daw utang sa kanya ang binata. Baka daw pakasal na din sa iba si
Paulita.

Halos lahat ng mga bahay ay may nagru-rosaryo.

Sa tinutuluyan nina Palcido Penitente, hindi naniniwala ang platero sa mga


paskil. Si Padre Salvi lang daw ang may gawa noon. Ayon naman sa isa ay si
Quiroga ang may gawa dahil may ibig daw ipasok na kontrabando ang Instik na
nasa look na sandaang libong pisong mehikano. Nagkaroon daw ng kaguluhan.
Pinadulasan ang mga kawani sa adwana at nakalusot ang salapi.

Pagkaraan ay may narinig silang mga yabag. Kay Quiroga naputol ang usapan
ngunit kunwari’y binanggit ng isa si San Pascual Bailon. Ang dumating pala ay si
Placido kasama ang manggagawa ng kuwitis o pulbura ni Simoun.

Hindi raw nakausap ni Placido ang mga bilanggo. Ayon sa manggagawa ng


pulbura ay magpupugutan ng ulo sa gabing iyon. Hindi daw mangyayari iyon sabi
ng isa dahil si Simoun na siyang madalas magpayo ng ganun ay maysakit.
Nagkatinginan na lang ang dalawang bagong dating.

Pinalitan ang mga tanod sa pinto ng siyudad nang gabing iyon. Mga artilyerong
Kastila ang ipinalit.
Kinabukasan sa Luneta ay may nakitang bangkay ng isang dalagitang
kayumanggi. Halos hubad ang bangkay. Nakita man iyon ni Ben Zayb ay di na rin
niya ibinalita.

Talasalitaan
 Albacea – tagaganap ng huling bilin o testamento ng namatay
 Aleman – taong taga-Germany
 Kimi – namumula ang pisngi
 Kuwalta – salapi, pera
 Pahumal – nauukol sa ilong
 Pinagpipiit – pinagkukulong
 Sable – espada
 Timpiin – supilin
 Tudling – kulubot

El Filibusterismo Kabanata 29 – Ang Huling Pati-ukol kay Kapitan


Tiyago
Marangya ang libing ni Kapitan Tiyago. Hinirang si Padre Irene na tagapamahala
at tagapagpatupad ng testamento ng kapitan. Ang malaking kayamanan ng
namatay ay napunta sa Sta. Clara, sa Papa, sa Arsobispo, at sa mga orden. Ang
dalawanpung piso ay itinira para pangmatrikula ng mga estudyanteng mahihirap.

Inalis ni Kapitan Tiyago ang dalawampu’t limang piso na pamana kay Basilio
dahil sa kawalang-utang na loob umano nito ngunit isinauli ni Padre Irene at siya
na raw ang magpapaluwal sa sariling bulsa.

Pinagtatalunan nila kung anong damit ang susuotin ni Kapitan Tiyago.


Ipinirisinta ni Kapitan Tinong ang kanyang sirang damit-Pransiskano na nabili
niya sa isang prayle sa halagang tatlumpu’t anim na piso. Handa raw niya itong
ibigay sa kaibigan na ni minsan ay hindi niya nadalaw noong nabubuhay pa.

Ang sastre ay tumutol at sinabing dapat prak ang ipasuot dahil ito ang suot ng
kapitan nang magpakita sa mga mongha at ito ay laging naka-prak kapag
dumadalo noong araw sa mga pagtitipon. Nagprisinta pa ang sastre na hindi
sisingilin nang mahal kapag sa kanya ipinagawa ang ipababaong damit.
Tatlumpu’t dalawang piso ang halaga ng niyari niyang damit.
Ngunit sa bandng huli ay si Padre Irene pa rin ang nasunod kaya isang lumang
damit ng Kapitan ang ipinasuot nito.

Usap-usapan na nagpakita umano ang kaluluwa ni Kapitan Tiyago. Dala ng


namatay ang kanyang sasabunging manok, ang pisngi niya ay nananambok sa
nganga at nasa kanyang bibig ang opyo.

Ang mga kasama ni Kapitan Tiyago sa sabungan na naroon ay pinag-usapan kung


hahamunin kaya ni Kapitan Tiyago si San Pedro na pagsabungin ang kanilang
manok sa langit.

Ayon kay Don Primitivo, naniniwala siyang parehong mananalo sina San Pedro
at Kapitan Tiyago sa pagsasabong. Sinalungat naman ni Martin Aristorenas ang
teorya ni Don Primitivo. Para sa kanya, meron talagang mananalo at matatalo.

Tatlong pari ang nagmisa sa libing. Maraming kamanyang ang sinunog at agua
bendita ang ipinandilig sa kabaong. Hindi rin mabilang ang inawit na mga
awiting Latin tungkol sa patay. Marami rin ang sumakit ang ulo sa katutugtog ng
plegarya.

Humanga ang lahat sa libing ni Kapitan Tiyago. Si Donya Patrocinio na kalaban


naman ng kapitan noon sa pagkabanal ay inggit na inggit sa libing ni Kapitan
Tiyago at tila nagnanais na mamatay na rin kinabukasan upang magkaroon ng
libing na higit pa sa naging libing yumaong katunggali.

Talasalitaan
 Apyan – sigarilyo
 Budhi – kalooban
 Dayukdok – gutom an gutom
 Hitso – nganga
 Kuwakong – pinaglalagyan ng Tabako
 Maringal – marangya
 Prak – barong Tagalog
 Pinawalang-bisa – binalewala
 Sumakabilang-buhay – namatay

El Filibusterismo Kabanata 30 – Si Huli


Balita sa buong San Diego ang pagkamatay ni Kapitan Tiyago at pagkakadakip
kay Basilio. Dinamdam ito ng buong bayan lalo na si Huli.

Hindi mawala sa kanyang isip ang sinapit ng katipan. Nais niyang makalaya ito
kaya naisip niyang lapitan si Padre Camorra dahil alam niyang isang salita
lamang ng pari ay makakalabas ng kulungan si Basilio.

Gabi-gabing hindi pinapatulog ng pangamba ang dalaga at madalas din siyang


bangungutin. Urong-sulong siya kung hihingi ng tulong sa pari o hindi.

Makaraan ang ilang araw ay nabalitaan niyang nag-iisa na lamang sa kulungan si


Basilio dahil nakalaya na ang ibang mga nakapiit. Wala tagapagtanggol si Basilio
at wala rin naman kamag-anak lalo pa’t kamakailan lang ay namatay na si
Kapitan Tiyago. Ipatatapon daw ito sa Carolinas.

Ayaw mang pumunta ni Huli sa kumbento upang humingi ng tulong kay Padre
Camorra dahil natatakot siya sa binabalak at hinihinging kapalit nito ay napilitan
pa rin siyang humingi ng tulong dito. Pinilit din siya ni Hermana Bali sa pag-
aakalang ang pari na lamang ang pag-asa ni Basilio.

Nang hapong iyon ay nagawa ni Padre Camorra ang panghahalay kay Huli.
Kinagabihan, usap-usapan si Huli at ang pagtalon niya sa bintana ng kumbento
na kanyang ikinamatay.

Patakbo siyang nilapitan ni Hermana Bali at bumaba sa pinto ng kumbento.

Ang lolo ni Huli na si Tandang Selo ay nagsisigaw at nagwala sa harap ng


kumbento. Hindi niya kinaya ang nangyari sa apo. Bigo rin siya sa paghahanap
ng hustisiya kaya naisipan na lang ng matanda na sumama sa mga tulisan.

Talasalitaan
 Agua Bendita – Banal na tubig (Holy Water)
 Islas Carolinas – lugar kung saan ipatapon si Tano na maaaring
pagtapunan din kay Basilio
 Kandili – proteksyon
 Nahimatay – nawalan ng malay-tao
 Takipsilim – dapit-hapon
 Umiimik – kumikibo
 Umuukilkil – paulit-ulit

El Filibusterismo Kabanata 31 – Ang Mataas na Kawani


Hindi nabalita sa mga pahayagan ang pagkamatay ni Huli. Ang tanging nabalita
sa tulong ni Ben Zayb ay ang kabutihan umano ng Heneral. Nakalaya na sina
Makaraig at Isagani at tanging si Basilio na lamang ang hindi.

Ipinagtanggol ng Mataas na Kawani si Basilio. Mabuting bata raw ito at malapit


nang matapos sa panggagamot. Lalo lamang napahamak si Basilio dahil bawat
sabihin ng kawani ay panay ang tutol ng Heneral.

Dapat daw ay magkaroon ng halimbawang di dapat tularan ang mga mahilig sa


pagbabago. Pinagbintangan si Basilio ng Heneral na gumamit ng bawal na aklat
sa medisina.

Ayon sa Kawani ay dapat matakot ang Heneral sa bayan. Natawa lamang ang
Heneral dahil wala umano siyang pakialam sa bayan sapagkat ang naglagay sa
kanya sa pwesto ay ang bayang Espanya at hindi ang bansang Pilipinas.

Kapag itinanggi umano sa isang bayan ang liwanag, tahanan, katarungan at


kalayaan ay ituturing ng bayan na magnanakaw ang nagtanggi ng mga ito.

Pagkaalis ng Kawani makaraan ang dalawang oras ay nagbitiw ito sa tungkulin at


nagsabing siya’y uuwi na sa Espanya lulan ng kasunod na bapor.

Talasalitaan
 Katampalasanan – kalupitan
 Koreo – sulat
 Lakayo – komikero (clown)
 Padrino – ninong
 Umalingawngaw – magkalat ng balita

El Filibusterismo Kabanata 32 – Ang Bunga ng mga Paskil


Dahil sa mga nangyari sa mga mag-aaral ay hindi na nagpaaral ng mga anak ang
mga magulang.
Sa unibersidad naman ay maraming bumagsak at bihira ang pumasa sa mga
eksamen at sa kanilang kurso. Hindi man nakapasa ay ikinatuwa pa rin iyon ni
Tadeo at sinunog pa ang kanyang mga aklat. Hindi rin nakapasa sina Makaraig,
Pecson, at Juanito Pelaez.

Si Pelaez ay napatali sa negosyo ng ama. Nagmadali namang pumunta sa Europa


si Makaraig. Sina Isagani at Sandoval lamang ang nakapasa. Si Basilio naman’y
hindi pa nakakakuha ng pagsusulit dahil nasa bilangguan pa. Sa bilangguan na
rin niya nalaman ang pagkawala ni Tandang Selo at pagkamatay ni Juli. Sa
tulong ng kutserong si Sinong na tanging dumadalaw sa kanya ay nalaman
niyang lahat ang mga pangyayari.

Samantala, ayon kay Ben Zayb ay mabuti na ang lagay ni Simoun. Mamamahala
umano ito ng isang piging sa bahay ni Kapitan Tiyago na nakuha ni Don Timoteo
Pelaez sa murang halaga.

Mula noo’y madalas si Simoun sa tindahan ng mga Pelaez na usap-usapan ng iba


na pinakisamahan na niya. Ilang linggo lang ay nabalitang ikakasal na si Juanito
kay Paulita. Bagay umano ang dalawa dahil pareho silang walang isip at
makasarili.

Buwan na ng Abril at limot na ang mga pangamba. Hinintay-hintay ng buong


Maynila ang piging sa kasal nina Juanito at Paulita. Isang bagay lang ang
pinagkakaabalahan at iniisip ng ilan, ang makipagkaibigan kay Simoun at Don
Timoteo Pelaez para maimbita sa kasal.

Ninong daw ang Kapitan Heneral sa nalalapit na kasal at si Simoun ang mag-
aayos at maghahanda nito.

Talasalitaan
 Bilangguan – piitan, bilibid
 Bitayan – entablado
 Hukom – tagahatol
 Mabimbin – maantala
 Mapawi – maparam, kumupas
 Pagsalakay – paglusob
 Palugid – pagpapaurong sa parusa
 Talumpati – panayam

El Filibusterismo Kabanata 33 – Ang Huling Matuwid


Maaga pa ay inayos na ni Simoun ang kanyang mga hiyas at armas. Araw na ng
kanyang pag-alis at sasabay na siya sa Kapitan Heneral. Naniniwala ang marami
na hindi magpapaiwan si Simoun dahil baka marami ang mga taong galit at
maghiganti sa kanya o kaya naman ay pag-uusigin siya ng kahaliling Heneral.

Kinahapunan ay nagkulong si Simoun sa kanyang silid at nagbilin na wala siyang


ibang tatanggapin kundi si Basilio lamang. Dumating si Basilio at nagulat ni
Simoun sa laki ng ipinagbago ng binata.

Payat na payat na ito, humpak ang mga pisngi, gulo ang buhok, walang ayos ang
pananamit at wala na ang dating amo ng kanyang mga mata. Si Basilio ay tila
isang patay na muling nabuhay.

Nasambit ni Basilio kay Simoun na naging masama siyang anak dahil hindi niya
ipinaghiganti ang kasawian ng kanyang ina at kapatid. Sa kanyang pag-iwas kay
Simoun at sa mga plano nito ay wala umano siyang napala kundi ang
pagkakulong. Handa na raw siyang sumanib dito.

Nagsalita si Simoun at sinabing nasa panig daw pala niyang talaga ang katwiran.
Ang kanyang usapin ay siyang usapin ng mga sawimpalad na tulad ni Basilio.

Tumayo si Basilio at sinabing matutuloy na ang himagsikan dahil hindi na siya


nag-aalinlangan. Si Simoun naman ay nagsabi na ang nagtulak sa kanya upang
ipagtuloy ang kanyang mga balak ay ang mga mabait na hindi makapagdesisyon
ng maigi at ayaw ng gulo. Kung nagkatulungan na daw sana noon pa ang mga
nasa mataas na lipunan at ang mga nasa ibaba, ang gawain sana ay
mapagkawanggawa at hindi madugo at buktot.

Nagpunta sila sa laboratoryo at ipinakita ni Simoun ang isang granada kay


Basilio. Napag-usapan nila kung paano ito ginagamit at saan nila ito gagamitin.
Sa kapistahan daw umano nila gagamitin ang tila ilawan ngunit isang granada na
pipinsala sa mga bisita sa pista.
Ang plano ay magtatagpo sina Kabesang Tales at Simoun sa siyudad upang
agawin ang mga armas na itinago ni Simoun sa tindahan ni Quiroga.

Si Basilio naman ang namumuno sa mga arabal at pag-aagaw ng mga tulay.


Magkukuta siya roon upang sumaklolo kina Simoun. Papatayin niya ang lahat ng
laban sa paghihimagsik at lahat ng lalaking tatangging sumama at humawak ng
sandata.

Sinabihan ni Simoun si Basilio na sa ikasampu ng gabi ay magkikita sila sa tapat


ng simbahan ng San Sebastian para sa mga huling tagubilin.

Talasalitaan
 Balang – lukton
 Makahuma – makagalaw
 Nag-aatubili – nag-uunong-sulong, nag-aalinlangan
 Nagbunsod – nagtulak
 Pinaglagakan – pinagtaguan

El Filibusterismo Kabanata 34 – Ang Kasal ni Paulita


Ika-walo na ng gabi. Nasa daan pa si Basilio ng maisip na makituloy sa kaibigang
si Isagani. Ngunit hindi pala umuwi ang kaibigan sa buong araw na iyon.

Dalawang oras na lang at sasabog na ang ilawan ni Simoun. Marami tiyak ang
mamamatay. Sinalat ni Basilio ang kanyang rebolber at naalala ang babala ni
Simoun na lumayo siya sa daang Anloague.

Ang bahay ni Kapitan Tiyago ay nasa daang iyon. May binanggit na kasayahan si
Simoun kung saan sa bahay na iyon idaraos ang piging sa kasal nina Paulita at
Juanito.

Nakita niya ang pagdating ng sasakyan ng bagong kasal. Naisip niya ang
kaibigang si Isagani. Naawa siya rito at naisip na yakaging sumama sa
himagsikan. Ngunit naisip din niya na malamang ay di papayag si Isagani dahil
hindi pa naman nito naranasan ang mga naranasan ni Basilio.
Muli niyang naalala ang kanyang pagkabilanggo, ang kabiguan sa pag-aaral, at
ang nangyari kay Huli. Saka muling hinaplos ang puluhan ng rebolber at
ninasang dumating na sana ang sandaling hinihintay.

Dumating ang sasakyan ni Simoun kasama ang kutserong si Sinong. Sumunod


sila sa sasakyan ng bagong kasal.

Nagtungo din si Basilio sa Anloage sa bahay ni Kapitan Tiyago. Doon kasi


gaganapin ang hapunan at nandoon din ang Kapitan Heneral na ninong sa kasal.
Dala naman ni Simoun ang ilawan na kanyang handog.

Sa bahay ni Kapitan Tiyago ay makikita sa mga dingding ang mga magagarang


palamuting papel, aranya, at mga bulaklak. Ang kurtina sa bahay ay may pulang
pelus na nabuburdahan ng ginto at may unang titik ng pangalan ng mag-asawa.

Napakagara ng bahay na iyon. Parang hapag ng mga diyoses ang pagdarausan ng


hapunan. Para sa mga dakilang panauhin ang mesa at ang mga diyus-diyusan ay
sa asotea nakalagay. Pipito ang doon ay nakaupo. Naroon ang pinakamasarap at
mahal na alak. Ubos-kaya si Don Timoteo, ang ama ng lalaking ikinasal.

Talasalitaan
 Bumabaha – umaapaw
 Gumigiit – pumipilit
 Lasug-lasog – wasak, punit-punit, durog
 Mawaglit – mawala
 Nasinagan – nasikatan
 Pagdarausan – paggaganapan
 Puluhan – tangkay, tatagnan, bitbitan
 Pumpon – kumpol, bungkos

El Filibusterismo Kabanata 35 – Ang Piging


Ikapito ng gabi nang simulang dumating ang mga bisita sa bahay ni Kapitan
Tiyago kung saan naroon ang piging para sa ikinasal. Unang dumating ang
maliliit na tao hanggang sa may malaking katayuan sa tungkulin at sa kabuhayan.
Lahat ng mga bisita ay pinagpupugayan ni Don Timoteo.
Dumating na rin ang bagong kasal kasama si Donya Victorina. Si Padre Salvi ay
naroon na ngunit wala pa ang Heneral. Pupunta sana sa palikuran si Don
Timoteo ngunit di siya makaalis dahil wala pa ang Heneral.

Mayroong pumintas sa mga kromo sa pader. Nagalit ang Don at sinabing iyon
daw ang pinakamahal na mabibili sa Maynila. Kinabukasa’y sisingilin daw niya
ang utang ng pumintas.

Dumating na rin ang Heneral. Nawala ang mga dinaramdam ni Don Timoteo. Si
Basilio naman ay nasa harap ng bahay at pinapanood ang mga nagdaratingan.
Naawa siya sa mga inakala niyang mga walang malay na mamamatay roon kaya
naisip niyang bigyan sila ng babala. Ngunit ng makita niya sina Padre Salvi at
Padre Irene ay nagbago ang kanyang isip.

Nakita rin ni Basilio si Simoun na dala ang ilawan. Kakila-kilabot ang anyo ni
Simoun na naliligid ng apoy at parang nag-aalinlangan din ito sa pagpanhik.
Ngunit nang magtuloy ay sandali niyang kinausap ang Heneral at iba pang mga
bisita. Saka siya nawala sa paningin ni Basilio.

Nalimot na naman ni Basilio ang kapighatiang dinanas ng kanyang ina, kapatid,


at ni Huli. Namayani ang kanyang kabutihang loob at ninais na iligtas ang mga
nasa bahay ngunit siya’y hinadlangan ng mga tanod dahil sa marusing niyang
anyo.

Namutla si Simoun nang makita si Basilio na iniwan ng tanod-pinto upang


magpugay sa kanya. Ang mukha niya’y tila nagsasabi na tumuloy sa sasakyan at
nag-utos na, “Sa Eskolta. Matulin!”

Mabilis na lumayo si Basilio ngunit may nakita siyang lalaki na nakatanaw sa


bahay. Si Isagani pala iyon kaya niyaya niya itong lumayo. Ipinaliwanag niya ang
tungkol sa ilawan saka hinila si Isagani.

Ngunit na mabilis na nagpasya ang binata ng makitang nagpupuntahan na sa


kainan ang mga bisita. Naisip niya na kasamang sasabog sa bahay si Paulita.

Sa loob ng bahay ay may nakita ang mga nagpipiging na isang kaputol na papel
na ganito ang nakasulat.
MANE THACEL PHARES

JUAN CRISOSTOMO IBARRA

Ani Don Custodio ay isang biro lamang iyon dahil matagal nang patay si
Crisostomo Ibarra. Ngunit ng Makita ni Padre Salvi ang papel at ang nakasulat
doon ay namutla ito. Lagda daw iyon ni Ibarra kaya napahilig siya sa sandigan ng
silya saka nanlambot sa takot.

Magpapatawag sana ng mga kawal ang Kapitan Heneral ngunit ng walang makita
kundi mga utusan na hindi niya naman kilala ay sinabi na lamang nito na
magpatuloy sa pagkain at wag intindihin ang ganoong klaseng pagbibiro. Ngunit
ang Heneral ay nagkunwari lamang na hindi takot kahit pa ang lahat sa loob ng
bahay ay takot na takot sa nasaksihan.

Maya-maya’y nagsalita si Don Custodio. Sa wari daw niya’y ang kahulugan ng


sulat ay papatayin silang lahat noong gabing iyon.

Hindi sila lahat nakakibo. May nagsabi na baka lasunin sila kaya binitawan ang
mga hawak na kubyertos. Siya namang paglabo ng ilawan.

Anang Kapitan Heneral kay Padre Irene ay itaas nito ang mitsa ng ilawan. Bigla
namang may mabilis na pumasok, tinabig ang utusang humadlang dito, saka
kinuha ang ilawan, itinakbo sa asotea, at itinapon sa ilog. May nagsabing
magnanakaw daw iyon at may nanghingi pa ng rebolber.

Ang anino naman na kumuha sa ilawan ay tumalon rin sa ilog.

Talasalitaan
 Lumagpak – bumagsak, nahulog
 Nagbabantulot – nag-aalinlangan
 Nagbuwal -nabagsak
 Panibugho – inggit, selos
 Pumanhik – umakyat

El Filibusterismo Kabanata 36 – Mga Kapighatian ni Ben Zayb


Matapos malaman ang pangyayari ay patakbong nagtungo si Ben-Zayb sa
kanyang bahay. Mula sa bahay ni Kapitan Tiyago ay umuwi si Ben Zayb sa kanila.
Hindi siya natulog ng gabing iyon. Nagtiis siyang iwan ang hapunanan at
sayawan.

Sa kanyang pagsusulat ay tila gumagawa si Ben-Zayb ng panibagong istorya.


Ayon sa kanyang pagkakasalaysay, ang Heneral ay naging bayani, ang pagsuot ni
Padre Irene sa ilalalim ng mesa ay naging udyok ng katapangan dahil ginawa niya
ito sa patatangkang paghuli sa nagkasala. Kay Don Custodio naman ay inalala
ang katalinuhan at paglalakbay, samantalang ang pagkahimatay ni Padre Salvi ay
gawa umano ng malaking dalamhati ng mabait na Pransiskano.

Ngunit matapos niyang isulat ng lahat ng iyon ay ibinalik sa kanya ng patnugon


ng pahayagan ang kanyang sinulat. Ipinagbawal pala ng Kapitan Heneral ang
pagbanggit sa nangyari nang gabing iyon.

May balita naman mula sa Pasig na nilusob daw ng maraming tulisan ang bahay-
pahingahan ng mga prayle at nakatangay ng may dalawang libong piso. Malubha
umano ang prayle at dalawang utusan nito.

Muli na namang umandar ang imahinasyon ni Ben Zayb. Gagawin daw niyang
bayani ang isang kura na sa pagtatangol ay nagkasira-sira ang isang silyang
ginamit laban sa mga tulisan.

Agad siyang nagtungo sa Pasig at doon ay natagpuan niyang sugatan si Padre


Camorra. May isang maliit na sugat sa kamay at may pasa sa ulo ang pari. Tatlo
diumano ang mga magnanakaw na may dalang gulok at limampung piso ang
nanakaw.

Ayon kay Ben Zayb ay hindi tama ang salaysay ni Padre Camorra. Kailangan daw
gawing marami ang mga tulisan.

Samantala, may nadakip sa mga tulisan. Pinaamin ito at sinabing sila raw ay
inanyayahang sumama sa pangkat nina Matanglawin upang sumalakay sa
kumbento at mga bahay ng mayayaman. Isang Kastila na mataas, kayumanggi,
puti ang buhok at ang pasabi ay kumikilos sa utos ng Kapitan Heneral na
kaibigan niyang matalik ang diumano’y mangunguna sa kanila. Katulong pa raw
nila ang mga artilyero kaya wala raw dapat ikatakot.

Ang hudyat pa nga daw ay isang malakas na putok ngunit dahil walang putok na
narinig ay inakala nilang nilinlang sila ng kanilang tagapanguna. Ang ilan daw sa
kanilang mga kasama ay nagsibalikan na sa bundok. Binalak nilang maghiganti
sa umano’y Kastilang makalawa beses na umanong lumoko sa kanila. Kaya
naman ang tatlong tulisan ay nagpasyang manloob.

Ayaw paniwalaan ang tulisan sa kanyang paglalarawan na si Simoun ang


kanilang pinuno. Si Simoun naman ay hindi matagpuan sa kanyang bahay.
Marami silang nakitang bala at pulbura doon.

Samantala, si Don Custodio ay naghanda ng habla laban sa mag-aalahas. Mabilis


na kumalat ang balita tungkol kay Simoun. Maraming tao ang di makapaniwala
sa kanilang nabalita.

Talasalitaan
 Entreswelo – mesanin, isang silid na mas mababa sa pangalawang
palapag
 Kalakip – kasama
 Nilooban – ninakawan
 Pagkatigal – pagkabigla
 Tinuligsa – binatikos

El Filibusterismo Kabanata 37 – Ang Hiwagaan


Sa kabila ng pagpipigil sa balita sa mga kaganapan noong gabi sa piging ay
nalaman pa rin ito ng madla. Naging usap-usapan ito ng lahat ngunit palihim nga
lamang.

Ang payat na platerong si Chikoy ay nagdala kasi ng hikaw kay Paulita.


Tinatanggal na noon ang mga palamuti at sa mga hapag sa bahay ni Kapitan
Tiyago at nakita niya mismo ang maraming supot na pulbura sa ilalim ng mesa,
sa silong, sa bubungan, at sa likod ng mga upuan.
Ayon daw kay Ginoong Pasta ay iisa ang maaring gumawa ng gayon. Maaring
isang kaaway ni Don Timoteo o kaagaw ni Juanito kay Paulita.

Binalaan agad ng may-ari ng bahay na si Kapitan Loleng kung saan nanunuluyan


si Isagani na magtago ito.

Ngunit ngumiti lamang ang binata.

Ipinagpatuloy ni Chikoy ang pagbabalita. Aniya, dumating daw ang mga sibil
ngunit wala namang mapagbintangan. Si Don Timoteo lamang daw at si Simoun
ang nangasiwa sa pag-aayos ng bahay na pinagdausan ng piging. Pinaalis daw
ang lahat ng mga di kailangan sa imbestigasyon.

Natakot ang mga babaeng nakikinig sa ibinalita ni Chikoy. Hinulaan nila kung
sino ang may kagagawan ng lahat. May nagsabing ang mga prayle daw. Ang iba
ay si Quiroga daw, o kaya ay ang mga mag-aaral. Baka daw si Makaraig. At
tumingin si Kapitan Toringgoy kay Isagani.

Ang sabi ni Chikoy, ayon daw sa ilang kawani ay si Simoun ang may kagagawan
noon. Kaya naman nagtaka ang lahat.

Biglang naalala ni Momoy, isa sa mga dumalo sa piging, ang pag-alis ni Simoun
bago magsimula ang hapunan.

Ang sabi naman ni Chikoy ay nawawala daw si Simoun at kasalukukang


pinaghahahanap ng mga sibil. Lalong nabuo sa isip ng mga kababaihan ang
pagiging demonyo ni Simoun na nagkatawan umanong tao.

Dagdag pa ni Chikoy, iniisip umano ng mga may kapangyarihan na ang ilawan


ang siyang magpapasiklab sa pulbura na nasa buong kabahayan. Biglang natakot
si Momoy ngunit nang makita ang kasintahan na si Siensa na nakatingin sa kanya
ay nagtapang-tapangan ito.

Makaraan ng ilang sandali ay nagpaalam na si Isagani at umalis. Hindi na ito


kaylan man bumalik pa sa kanyang amain.

Talasalitaan
 Buktot – nakakatakot
 Platero – gumagawa ng alahas

El Filibusterismo Kabanata 38 – Kasawiang-palad


Kinuha ng Pamahalaan ang lahat ng pinaghinalaang tulisan para maitago ang
kanilang kahinaan. Matapos ang pagsalakay ni Kabesang Tales ay anim o pitong
mga magsasaka ang dinakip ng mga sibil saka pinalakad sa init ng araw.

Sampu o labindalawang mga gwardia sibil naman na mga Pilipino ang nang-
aabuso sa mga bilanggo at pilit na pinapaamin na sila ang mga tulisan. Abot-siko
at kabit-kabit ang gapos ng mga ito na inilakad nang tanghaling tapat sa kainitan
ng Mayo na walang sombrero at panyapak.

Kapag may natumba at mabagal ang paglakad ng mga bilanggo ay binugbog sila
at pilit na pinapatayo. Nilalait pa ng ilang sibil ang mga bihag.

Ayon kay Mautang, isa sa mga Pilipinong sibil, may karapatan silang abusuhin
ang mga bilanggo dahil magkapareho lang ang kanilang nasyonalidad.

May ilang mga tulisan na lumusob sa kanilang paglalakbay at sinimulan ang


pagpalitan ng putok.

Namatay si Mautang at ilang mga gwardiya sibil.

May isang tao na nakatayo sa itaas ng bundok na iwinawasiwas ang baril.


Inutusan ng kabo si Carolino na barilin iyon.

Mukhang kilala ni Carolino kung sino ang taong nasa bundok ngunit hindi niya
masyadong maaninagan dahil sa init ng araw.

Nang tingnan niya ang mga nakahandusay, nakita niya sa mga iyon ang kanyang
lolo Selo. Nakatingin ito kay Carolino habang nakaturo ang daliri sa likod ng
talampas.

Namutla si Carolino. Hindi niya inaasahang siya ang makakapatay sa kanyang


ingkong.
Talasalitaan
 Iika-ika – pipilay-pilay
 Kabyawan – asukarera
 Kapasete – helmet
 Pagtudla – pag-asinta
 Walang kaabug-abog – biglaan

El Filibusterismo Kabanata 39 – Katapusang Kabanata


Ang Padre Florentino ay malungkot na tumugtog ng kanyang armonyum. Umalis
si Don Tiburcio de Espadaña sa pag-aakalang siya ang Kastilang tinutukoy sa
telegrama na darakpin daw sa gabing iyon. Akala niya’y natunton na siya ni
Donya Victorina na kanyang asawa.

Isang telegrama ang pinabasa ng tenyente ng guwardiya sibil sa bayan kay Padre
Florentino. Anang telegram, “Espanyol escondido casa Padre Florentino cojera
remitara vivo muerte”.

Si Simoun talaga ang tinutukoy sa telegrama. Sugatang dumating sa bayan nina


Padre Florentino si Simoun may dalawang araw na ang nakararaan. Di na siya
inusisa ng pari. Walang alam ang pari tungkol sa mga kaganapan noong gabi ng
piging sa Maynila.

Ang akala ng pari ay kaya sugatan si Simoun sapagkat may naghiganti dito sa
kadahilanang wala na ang Kapitan Heneral. Ngunit paliwanag ni Simoun ay
nagkasugat lamang siya dahil sa kawalan ng pag-iingat.

Nang matanggap ng pari ang tlegrama ay naghinala ito na si Simoun ay tumakas


sa mga kawal na tumutugis sa kanya sa Maynila.

Si Simoun naman ay ayaw magpagamot sa ospital ngunit pumayag na mag-


paalaga kay Dr. De Espadaña. Malubha ang sugat na natamo ni Simoun.

Itinigil ni Padre Florentino ang pagtugtog at inisip ang kahulugan ng pakutyang


ngiti ni Simoun nang mabatid nito ang tungkol sa telegrama at sa ikawalo ng gabi
ang dating mga darakip. Sa isip ng pari ay taong palalo daw si Simoun na dati’y
makapangyarihan ngunit ngayon ay kahabag-habag.
Inisip din niya kung bakit sa kanya na isang paring Pilipino ninais ni Simoun na
mamalagi at magtago gayong dati’y napakababa ng tingin sa kanya nito.

Di kasi pinansin noon ni Simoun ang pakisuyo ng pari na tulungang makalaya si


Isagani sa kulungan dalawang buwan na ang nakararaan. Ikinalungkot din ni
Isagani ang pagkakadali ng kasal ni Paulita at Juanito sa tulong ni Simoun.
Ngunit sa kabila ng lahat ng ito maging ang pagtulong ni Padre Florentino kay
Simoun ay tila ba walang pagnanasang mailigtas ni Simoun ang sarili.

Pumasok ang pari sa silid ni Simoun at tila wala na ang mapangutyang anyo sa
mukha nito. Uminom pala ng lason si Simoun at wari’y tinitiis ang sakit na dulot
nito.

Tinangka pa ng pari na ihanap ng lunas si Simoun ngunit tumanggi na ito.


Nagdasal ang pari at pagkatapos ay buong kabanalang kanyang inilapit ang isang
silyon sa maysakit, at tumalagang makinig.

Dito na ipinagtapat ni Simoun ang tunay niyang katauhan. Halos nasindak ang
pari. Malungkot na ngumiti ang maysakit. Tinakpan ng pari ng panyo ang mukha
at tumungo upang makinig. Isinalaysay ni Simoun ang kanyang buhay.

Labintatlong taon siyang tumigil sa Europa upang mag-aral saka bumalik sa


Pilipinas na puno ng pangarap at pag-asa. Napatawad na niya noon ang mga
nagkasala sa kanyang ama at piniling mabuhay ng tahimik at mapayapa. Ngunit
isang kaguluhan ang dumating sa kanyang buhay at sa isang iglap ay nawala sa
kanya ang kanyang pangalan, yaman, pag-ibig, kinabukasan, at kalayaan.
Naligtas lamang siya sa kamatayan sa tulong ng isang kaibigan.

Tinangka daw niyang maghiganti. Nagpunta siya sa ibang bansa dala ang bahagi
ng kayamanan ng kanyang magulang at siya’y nangangalakal.

Sumali daw siya sa himagsikan sa Kuba. Nakilala niya roon ang Kapitan Heneral
na noon ay Kumandante pa lamang. Pinautang siya at naging matalik na kaibigan
dahil sa kawalang hiyaan ng kapitan na siya lang ang nakaaalam.

Sa tulong umano ng salapi ay nakuha niyang maging kaibigan ang Kapitan


Heneral at naging sunud-sunuran pa sa kanya.
Marami pang pagtatapat na sinabi si Simoun na inabot na ng gabi nang matapos.
Saglit na nanahimik at inihingi ng tawad ng pari ang mga pagkukulang ni
Simoun. Hiniling din ng pari na igalang ng mag-aalahas ang kalooban ng Diyos.

Makaraan ay nagtanong si Simoun kung bakit hindi siya tinulungan ng Diyos sa


kanyang layunin. Ang sabi ng pari ay dahil masama ang kanyang pamamaraan
saka nagpaliwanag.

Tinanggap ni Simoun ang mga sinabi ng pari. Inaming siya’y nagkamali at


naitanong na dahil ba sa pagkakamaling iyon ay ipagkakait na ng Diyos ang
kalayaan ng isang bayan at ililigtas ang napakaraming higit pang salarin kaysa sa
kanya?

Tumugon ang pari at sinabing ang matatapat at mababait ay nararapat na magtiis


nang ang mga adhika nila ay makilala at lumaganap. Ang nararapat na gawin ay
magtiis at gumawa.

Napailing lamang si Simoun. Madali lamang daw sabihin ang magtiis at gumawa
sa mga taong hindi pa nakararanas ng ganoon. Natanong pa ni Simoun na anong
klaseng Diyos daw ang humingi ng ganoon kalaking pagpapasakit.

Sinabi naman ng pari na ito raw ang isang Diyos na makatarungan at


nagpaparusa sa kakulangan ng tao ng pananalig at sa mga gawang masama.
Dagdag pa niya,

“Pinabayaan natin ang kasamaan kaya’t katulong tayo sa paglikha nito. Ang
kalayaan ay di natin dapat tuklasin sa tulong ng patalim. Tuklasin natin ito sa
tulong ng nagpapataas ng uri ng katwiran at karangalan ng tao. Gumawa tayo ng
mabuti, tapat at marangal hanggang mamatay tayo dahil sa kalayaan.”

Pinisil ni Simoun ang kamay ng pari. Naghari ang katahimikan. Dalawang pisil
pa. Nagbuntong hininga si Simoun at higit na mahabang katahimikan ang
namayani.

Napabulong na lamang ang pari ng,


“Nasaan ang kabataang naglalaan ng magagandang sandali, ng kanilang mga
pangarap at kasiglahan alang-alang sa ikabubuti ng kanilang bayan? Saan naroon
ang handang magpakamatay upang hugasan ng dugo ang napakaraming
pagkakasala? Upang karapatdapat ang pagpapakasakit ito’y kailangang malinis at
busilak. Nasaan ang kabataang may lakas na tumanan na sa aming mga ugat, ng
kalinisan ng diwa na narumihan na sa amin, ng apoy ng sigla na patay na sa
aming puso? O kabataan, kayo’y aming hinihintay!”

Naluha ang pari at binitawan ang kamay ni Simoun. May kumatok na utusang
nagtanong kung magsisindi na ng ilawan. Hinipo niya si Simoun at dahil sa
liwanag ng lampara ay nabatid na ito ay patay na. Lumuhod at nanalangin si
Padre Florentino.

Pagkaraan ay tinawag ng pari ang mga utusan, pinaluhod ang mga ito at
pinagdasal. Umalis ang pari sa silid at kinuha ang takbang bakal ni Simoun.
Dinala niya ito sa talampas na laging inuupuan ni Isagani upang sisirin ng tingin
ang kalaliman ng dagat.

Maya-maya’y inihagis ni Padre Florentino ang mga takba ng brilyante at alahas ni


Simoun sa dagat.

Talasalitaan
 Dalumat – dila
 Gubat – giyera
 Kahalangdon – dignidad
 Lubong – lamay
 Mabudhion – traydor
 Magtutudlo – propesor
 Pahamatngon – banta
 Pinuy’anan – tahanan
 Pusil – baril
 Suba – ilog
 Ulipon – alipin

Mga Kahulugan ng Pangalan ng mga Tauhan sa Noli Me Tangere:Si Rizal ay isang manunulat
na hindi nagsayang ng salita para sa kaniyang nobela,dahilan dito ay maging ang mga pangalan
ng kaniyang mga tauhan ay mayroongmahalagang kahulugan na kakatawan sa ideyang kanilang
tataglayin sa kabuuan ngnobela. Ilan sa mga ito ang mga sumusunod:1. Ibarra - tandaan na ang
tunay na pangalan nito ay JUAN CRISOSTOMO IBARRA yMAGSALIN. tandaan na si Ibarra
ay dugong Espanyol, subalit sa apelyido sa ina aynagpapakita na siya ay may dugo ng isang
purong Pilipino. Subalit ang hindi pinapansinna pangalan (laging tinatawag na Ibarra ng mga
mag-aaral at maging si Rizal ay angkaniyang tunay na pangalan na JUAN
CRISOSTOMO.Kinuha ni Rizal ang pangalang Juan Crisostomo sa isang butihing santo ng
simbahan natumutol sa pagmamalabis ng kaniyang mga kapwa pari at sa katiwalian
atpagmamalabis ng mga pinuno ng pamahalaan sa lugar na kaniyang kinaroroonan.DAHILAN
SA GANITONG PANININDIGAN NI SAN JUAN CRISOSTOMO, siya ay ipinatapon
samalayong lugar.2. ELIAS - .maaring hinango ni Rizal ang pangalan na ito ng kaniyang
paboritongtauhan mula sa propeta ng Israel na si Elias na nakiharap at humamon sa mga pari
niBaal na noon ay nagpasok ng ibang mga diyos at diyos-diyosan (graven image) saIsrael.
c:Maaring makita ang katotohanan ng panlalait ni Rizal sa mga rebulto sa Kabanata 6 -Kapitan
Tiyago at ilan pang mga kabanata ng ginawang pang-aasar ni Pilosopo Tasyosa mga santo na
nagdadaan sa panahon ng prusisyon sa bayan ng San Diego.
Sa kasalukuyang panahon, iba-iba ang naging simbolismo ni
Padre Damaso
ayon sa iba't ibang pananaw ngmga historyador. Karaniwang isinasalarawan si Padre Damaso
bilang ang kontrabida ng nobela dahil sa kanyangmadalas pagsalungat sa bidang si Ibarra,
kasama na rito ang mga negatibong katangiang iniuugnay sa kanya.
Taliwas naman ito sa historyador na si Ambeth Ocampo. Ayon sa kanyang artikulong “
Damaso: Fact and Fiction 
” na
lumabas sa pahayagang
Philippine Daily Inquirer 
, ang tunay na kontrabida ay siPadre Salvi na siyang may lihim napagnanasa kay Maria Clara at
nagbalak ng planong kamuntikan nang ikamatay ni Ibarra. Idinagdag din niya na angnais lamang
ni Padre Damaso ay protektahan ang kanyang anak na si Maria Clara. Hindi rin daw ginahasa
ni PadreDamaso si Doña Pia sa halip ay naghanap lamang ang huli ng kalinga. 
[2]
 Ayon naman kay John Nery, si Damaso ang tunay na kontrabida at ito ay malinaw sa teksto
ng Noli Me Tangere. Ayon sa kanya, si Damaso ay simbolo ng mga mapanira at walang-awang
mga prayle noong panahon ng Kastila.
[3]
 Sa isang misa sa Manila Cathedral,sa Intramuros noong ika-1 ng Oktubre, 2010, nagprotesta
si Carlos Celdran, kilala bilang isang
tour guide 
sa Intramuros at isang tagapagsulong ng
Reproductive Health Bill 
o mas kilala sa tawagna RH Bill, sa kalagitnaan ng sermon ng Arsobispo Edward Joseph Adams.
Nasa misa rin si Arsobispo GaudencioCardinal Rosales, Alkalde Alfredo Lim, at iba pang mga
opisyal ng gobyerno. Gamit ang plakard na may nakasulat

You might also like