You are on page 1of 3

NOLI ME TANGERE

Kabanata 1 – Ang Pagtitipon


Sa gabing iyon ay nakatakdang ganapin ang marangyang handaan sa bahay ni
Don Santiago Delos Santos o mas kilala bilang si Kapitan Tiyago upang
magsilbing salubong sa isang binatang kagagaling lamang sa Europa. Hindi
naman iba sa Kapitan ang binata dahil ito ay anak ng kanyang matalik na
kaibigan.

Ang bahay ni Kapitan Tiyago na mayatagpuan sa kalye Anluwage ay napuno


ng mga bisita. Isang malaking karangalan ang maging panauhin ng Kapitan. Si
Kapitan Tiyago ay kilala sa pagiging matulungin sa mga mahihirap at
nabibilang sa mataas na lipunan.

Kabanata 2 – Si Crisostomo Ibarra


Sa pagdating ni Kapitan Tiyago kasabay ng isang binata na halatang
nagluluksa ayon sa kasuotan nito, agad niyang binati ang mga panauhin at
humalik naman sa kamay ng mga pari.

Nabigla ang mga pari lalo na si Padre Damaso ng makilala nito na ang binata.
Ipinakilala ng Kapitan ang binata bilang anak ng kanyang nasirang kaibigan na
si Don Rafael Ibarra. Pitong taon diumanong nag-aral ang kagalang-galang na
binata sa Europa na kadarating lamang.

Kusa namang nagpakilala si Ibarra bilang Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin


kasabay ng pakikipag-kamay nito, isang kaugaliang natutunan niya sa
bansang Alemanya.

Kabanata 3 – Ang Hapunan


Sa hapag-kainan, ang mga panauhin ay may kanya-kanyang kilos at nadarama
na kung panonorin ay parang isang komedya.

Si Padre Sibyla na nasisiyahan ay kabaligtaran naman ni Padre Damaso na


walang pakundangan kung makapagdabog at natamaan pa ang isang kadete.

Ito naman ay hindi pinansin ng Tinyente, sa halip ay masusi nitong


pinagmasdan ang kulot na buhok ni Donya Victorina. Hindi niya namalayan na
natapakan na niya ang kola ng saya ng Donya na ikinainis naman nito.

Samantala, ang ibang mga bisita naman ay may kanya-kanyang usapan at


papuri sa masarap na handa ng Kapitan.

Dahil sa ang hapunan ay para sa pagsalubong sa binatang si Ibarra, karapat-


dapat naman na siya ay maupo sa kabisera. Ang dalawang pari naman ay
nagtalo kung sino ang dapat maupo sa kabilang dulo ng kabisera.

Ani Padre Damaso, si Padre Sibyla ang dapat maupo sa dulo ng kabisera dahil
siya ang kura sa lugar na iyon. Bagay naman na sinalungat ni Padre Sybila
dahil ayon sa kanya, si Padre Damaso ang padre kumpesor ng pamilya ni
Kapitan Tiyago.

Sa kalaunan, inalok ni Padre Sybila ang upuan sa Tinyente na agad naman


nitong tinanggihan. Tumanggi rin si Kapitan Tiyago ng siya namang
inanyayahan ni Ibarra.

You might also like