You are on page 1of 3

KUWENTO NG NOLI ME TANGERE

1. Mula sa Europa ay umuwi ang binatang si Juan Crisostomo Ibarra matapos


mag-aral ng pitong taon. Si Ibarra ay ang katipan ni Maria Clara, anak ni
Kapitan Tyago. Magiliw na tinanggap ng bayan ng San Diego ang binatamg
hinahangaan sa kanyang talino at puso sa mga kababayan, gayundin marahil
sa pagmamahal ng bayan sa kanyang yumaong ama. Nagdaos ng hapunan si
Kapitan Tyago para sa pagbabalik ni Ibarra, naroon ang mga kilalang
personalidad sa bayang iyon, ang mga pinuno ng pamahalaan at ng simbahan.
Naroon din ang Praileng Pransiskano na si Padre Damaso. Mababakas ang
malamig na pagtanggap na Padre Damaso. Kapuna-puna rin ang
panghahamak niya rito makalawang beses habang nagkukwentuhan sa hapag-
kainan na pinalipas na lamang ng maginoong binata at sa halip ay nagpasya
umuwi na lamang sa pagdadahuilang may mahalagang bagay pa siyang
gagawin.
2. Kinaumagahan ay nagpasya ang binata na dalawin ang kasintahang si
Maria Clara at doon ay muli nilang ginunita nag kanilang pagmamahalan. Si
Maria Clara ay larawan ng isang dalagang Pilipina na mapagmahala sa
magulang, mahinhin, maganda at maka-Diyos. Sa pag-uwi ng binata ay
nakausap niiya si Tenyente Guevara, at ditto napag-alaman ang dahilan ng
kamatyan ng kanyang ama na si Don Rafael, ang pinakamayamang Asendero
sa kanilang bayan. Nalaman niya kung paanong idiniin ni Padre Damaso si
Don Rafael sa kasalanang hindi niya sinasadya. Ito ay matapos na
maipagtanggol niya ang isang bata sa kamay ng isang kubrador na kastila na
nananakit sa bata. Nang magtangka ang kastila ay naitulak niya ito na siyang
ikinabagok ng kanyang ulo at sanhi ng kanyang kamatayan.
3. Nabilanggo si Don Rafael sa ibat-ibang kasong isinakdal sa kanya. Siya
ay nagkasakit sa bilangguan at namatay. Iniutos ni Padre Damaso na
ipahukay ang kanyang bangkay at ilipat sa libingan ng mga Intsik. Dahil
umuulan noon ay hindi na nagawang ilipat ng libingan ang matanda at sa
halip ay ipinasyang itapon na lamang ng tagapaglibing sa lawa ng Laguna.
Hindi na naghiganti ang binata matapos marinig ang pangyayari sa kanyang
ama sa haliup ay ninais niyang ipagpatuloy na lamang ang mabuti nitong
gawa ng magpasya siyang magpatayo ng paaralan na moderno at katumbas
nang nasa bansang Alemanya. Isang lalaki ang sinuhulan upang pagtangkaan
si Ibarra sa araw mismo ng pagbabasbas ng batong panulukan ng kanyang
paaralan. Nailigtas ni Elias si Ibarra at ang lalaking nasuhulan ang nahulugan
ng bato na siyan itong kinamatay.
4. Sa hapag-kainan kung saan naroroon ang mga panauhin ni Ibarra ay
muling hinamak ni Padre damaso ang kanyang ama na siyang naging dahilan
ng kanyang galit. Sinunggaban niya ang pari at tinutukan niya ng kutsilyo
subalit naawat siya ni Maria Clara. Naging eskomulgado angb inata o
itinawalag siya ng Arsobispo ng simabhan sa pangyayaring iyon. Dahil dito
ay hiniling ni Padre Damaso kay Kapitan Tyago na ipakasal si Maria Clara sa
isang kastilang nagngangalang Linares sa halip na kay Ibarra. Ikinasama ito
ng kalusugan ni Maria Clara. Ilang araw din siyang naratay sa karamdaman.
5. Nilakad ni Ibarra ang pagkawalang bisa ng pageskomulgado sa kanya at sa
tulong ng Kapitan Heneral ay binawi ng Arsobispo ito at muli siyang
tinanggap sa simabahan. Hindi pa ganap ang kasiyahan ni Ibarra ay nadawit
na naman siya sa isang kaguluhang ibinintang s akanya matapos looban ang
kwartel ng sibil, walang katibayang siya ang namuno rito kung kayat
binalewala ang bintang na ito sa kanya. Kinausap siya ni Elias upang
pamunuan ang pag-aalsa sa mga kastila ng taong bayan subalit tumanggi siya
at nagsabing hindi siya naniniwala sa gayong paraan. Gayunman, muli siyang
nasangkot ng gamitin ang sulat niya kay Maria Clara bago siya tumungo sa
Europa kahit wala naman talagang kaugnayan ito sa mga paghihimagsik na
nagaganap sa bayan. Nakatakas si Ibarra sa kulungan sa tulong ni Elias.
Naganap ito habang nangyayari ang hapunan sa bahay ni Kapitan Tyago.
Ang hapunang iyon ay ukol sa pag-iisiang dibdib ni Linares at Maria Clara.
6. Sinadya ng binata si Maria Clara bago ito tuluyang tumakas, sinumbat ng
binata kay Maria Clara ang pagkakanulo nito sa kanya sa pag-aabot ng sulat
sa hukuman subalit itinanggi ito ni Maria Clara at sinabing siya ay tinakot
lamang. At ang mga sulat ay naging kapalit ng 2 sulat na ginawa ng kanyang
ina bao pa siya pinanganak. Ang mga sulat na iyon ay natagpuan ni Padre
Salvi, sulat na nagpapatotoo na si Maria Clara ay anak ng kanyang ina kay
Padre Damaso. Inihayag din niya ang kanyang labis na pagmamahal sa binata
kahit siya ay papakasal kay Linares. Sakanilang pagtakas sa tulong ni Elias,
pinahiga niya si Ibarra sa bangka at tinabunan ng damo, binagtas nila Ilog
Pasig hanggang sa marating ang lawa ng Laguna. Naabutan sila roon ng mga
sibil, upang iligtas ang binata ay lumukso si Elias sa tubig at doon siya
napaulanan ng bala. Nangmamula ang lawa ay iniwan sila ng sibil sa pag-
aakalang ang kanilang napatay ay ang binatang si Ibarra.
7. Nang mabasa ni Maria Clara sa pahayagan ang di umanoy sinait ng
kanyang kasintahan ay hiniling nitos a kanyang ama na si Padre Damaso na
payagan siyang magmongha kung hindi ay magpapakamatay siya. Matapos
ay ikalawang araw ay sinapit ni Elias ang maalamat na bundok ng mga
Ibarra, nochebuena noon, sugatan at naghihingalo, humarap siya sa silangan
at waring nagdadasal na binigkas Mamamatay akong hindi nasisilayan ang
pagbubukang-liwayway sa aking bayan, Kayong makakakita, batiin ninyo
siya at huwag kalimutan ang mga taong nabulid sa dilim ng gabi.

You might also like