You are on page 1of 13

Kabanata 50 Ang Kaanak ni Elias

I. Buod
Isinalaysay ni Elias kay Ibarra ang kanyang buhay. Ayon sa kanya ang kanyang nunong
lalaki ay naninirahan sa Maynila at naglilingkod bilang tenedor de libros o isang accountant sa
bahay-kalakal ng isang Kastila. Nasunog ito at siyay napagbintangan. Siyay nahatulang paluin
sa lansangan ng Maynila. Ang kanyang asawang buntis ay nanlimos sa kalye. Nang gumaling
ang kanyang nuno, pumunta silang mag-anak sa bundok. Doon isinilang ng asawa ang sanggol
ngunit itoy namatay. Dahil sa sama ng loob, nagbikti ang lalaki. Hindi pa man naipapalibing ng
babae ang kanyang asaway pinarusahan siyang paluin pagkatapos niyang manganak. Tumakas
ang babae kasama ang mga anak, Ang kaniyang panganay na si Balat ay naging tulisan at di
nagtagal ay nahuli ito. Hinanap ng bunsong anak ang kanyang ina at natagpuan itong patay pati
na rin ang kanyang kapatid. Nagpasya itong magpakalayu-layo. Namasukan siya bilang obrero sa
isang mayamang angkan. Nakilala niyang ang isang dalaga at nabuntis niya ito. Nalaman ng
mag-anak ng dalaga ito at hindi nagtagal ay nalaman rin nila ang lihim ng kanyang pagkatao.
Siyay pinakulong. Nanganak ang dalaga ng kambalSi Elias at kapatid nitong babae.
Ipinamulat sa kanila ng magulang ng kanilang ina na patay na ang kanilang ama. Nang mamatay
ang kanilang nuno, umuwi sila sa lalawigan para asikasuhin ang naiwang kabuhayan. Isang
kamag-anak nila ang nagbunyag ng kanilang lihim na pinatunayan ng matadang utusan. Ang
utusan palang ito ay ang kanilang ama. Ang kasintahan ng kapatid ni Elias ay ipinakasal ng
magulang sa iba. Naglayas ang kapatid niya at lumipas ang ilang buwan, natagpuan itong patay.
Umalis si Elias sa kanilang lalawigan at nagpagala-gala na lamang. Sa pagpapapalitan ng kurokuro, sa huli ay nakiisa si Ibarra sa mga nangyari kay Elias pero naniniwala siya ang sama ay
hindi napupuksa ng sama rin.

II.
Tunggalian
1. Panloob Hindi nakayanan ng nuno ni Elias ang hagupit ng kapalaran kayat kinitil niya ang
kanyang sariling buhay.
2. Panlipunan
a. Nunong lalaki ni Elias laban sa amo niyang Kastila. Dahil siyay isang maralita
lamang, hindi niya naipaglaban ang kanyang sarili kahit siyay wala namang
kasalanan.
b. Nunong babae ni Elias laban sa kinauukulan. Dahil isang babaeng mahirap
lamang hindi niya naipagtanggol ang kanyang sarili kayat siyay napilitang
tumakas.
c. Si Balat laban sa lipunan. Siya ay naging tulisan upang makaganti sa lipunang
umalipusta sa kanyang mga magulang. Ngunit sa huliy wala pa rin itong laban.
d. Ang bunsong anak laban sa mga magulang ng kanyang kasintahan Dahil sa
kanyang nakaraan siyay inayawan ng mga ito at ipinabilanggo.
e. Si Elias laban sa kanyang mga kamag-anak. Dahil sa inggit at pagiging mapagmataas ng kanyang mga kamag-anak, nakaaway niya ang mga ito.
f. Elias laban kay Ibarra. Ang dalawang itoy may kanya-kanyang pananaw sa
buhay. Naniniwala si Elias na kailangan ng tunggalian upang makamtan ang
kalayaan ngunit para kay Ibarra, Ang sama ay di magagamot ng kapwa sama.

Tauhan
1. Elias - Sumapi siya sa mga tulisan (o sawimpalad). Kinatawan siya ng mga mithiin ng mga
sawimpalad na may hangaring makamit ang katarungan at pagbabago. Nais niya ang ganap na
katiwasayan at paggalang sa dignidad ng tao. Isinalaysay niya kay Ibarra ang lahat ng suliranin
ng bansa at kung ano ang maaring gawin upang sugpuin iyon. Naniniwala siyang si Ibarra
lamang ang makakatulong sa kanya upang makamit ang mga iyon.
2. Crisostomo Ibarra Siyay isang binatang nakapag-aral sa Europa. Tutol siya sa pananaw ni
Elias. Tutol siya sa marahas na pagkamit ng kalayaan.
3. Nuno na lalaki ni Elias Nagtrabaho bilang isang tenedor de libros sa bahay-kalakal ng isang
Kastila. Napagbintangan at pinarusahan. Siyay nagpakamatay dahil sa pait ng buhay.
4. Nuno na babae ni Elias Siyay nagdadalang tao ng huliin ang kanyang asawa. Siyay
nanglimos upang may maipakain sa kanyang mga anak.
5. Balat Ginusto niyang maging tulisan upang maipaghiganti ang kanyang mga magulang.
6. Bunsong anak siyay tinawag na anak lamang sa kwento dahil siyay mabait. Siyay
hinusgahan dahil sa kanyang nakaraan. Inilayo sa kanyang ang kanyang minamahal pati na rin
ang karapatang maging ama sa kanyang mga anak.
Simbolismo
1. Elias - Si Elias ay maihahambing kay Andres Bonifacio. Tulad ni Bonifacio, siya ay
kumakatawan sa isang ordinaryong mamamayan na nakaranas ng ng pang-aabuso sa kamay ng
mga Kastila sa kanyang panahon. Pinatapang siya ng kanyang naranasang kawalan ng hustisya.

Sa pamamagitan ng katauhan ni Elias, malaya niyang naisalaysay ang lihim na himutok ng mga
Pilipino sa kamay ng mga mananakop.
2. Nunong lalaki ni Elias sinisimbulo niya ang isang maralitang Pilipino na hindi
maipagtanggol ang kanyang sarili laban sa mga mapang-husgang mayayaman.
3. Balat sinisimbulo niya ang mga Pilipinong naglakas loob na lumaban ngunit nabigo.
Pag-uugnay sa Lipunan
Makikita rito ang kawalan ng hustisya sa lipunan at diskriminasyon ng mga mayayaman
sa mga mahihirap.
III. Reaksyon
Tunay ngang ang nakaraan ni Elias ang sumisimbulo sa buhay ng isang mahirap ng
Pilipino noon. Hindi maipagtanggol ang sarili dahil kawalan ng perang maibabayad sa isang
abogado. Hanggayoy ganito pa rin ang nangyayari. Ang wala salay napaparusahan,
samantalang nagpa-pakasaya naman ang mga may pananagutan. Mukhang kailan may hindi na
ito maglalaho pa. Kawalan ng hustisya at mga mapang-uri mga mata sa lipunan ang siyang sisara
sa isang tao.

Kabanata 51 Mga Pagbabago


I. Buod
Balisa at hindi makaimik si Linares pagkatapos niyang makatanggap ng liham mula kay
Donya Victorina tungkol sa utos nitong hamunin ang Alperes. Binaggit dito na kung hindi
masusunod ang gusto ng Donya ay isisiwalat nito ang mga lihim niya. Dumating si Padre Salvi
at masayang ibinalita na hindi na excommunicado si Ibarra. Pinuri niya ito kasabay ng pagsabi
niya na kailangan na lang ng binatang humingi ng tawad kay Padre Damaso upang wala ng
problema habang pahapyaw na tumitingin kay Maria Clara. Sya namang dating ni Ibarra,
Kinausap nya si Sinang at hiniling kung puwedeng makausap si Maria clara ng nag-iisa.
Nangako si Sinang na gagwan niya ng paraan.
II.
Tunggalian
1. Panlipunan
a. Linares laban kay Donya Victorina. Tuluyan siyang ginipit ng Donya at wala na
siyang magagawa kundi sundin ang mga utos nito.
Tauhan
1. Linares purong espanyol at pamangkin ni Don Tiburcio de Espadaa, inaanak ng bayaw
ni Padre Damaso, at ang karibal ni Crisostomo Ibarra kay Maria Clara. Siyay pinagbabantaan ni
Donya Victorina na kung hindi niya susundin ang mga utos nitoy babawin niya ang mga
inembentong magagandang salita patungkol sakanya kay Kapitan Tiyago.

2. Donya Victorina siyay nagpapanggap na isang dahuyan sa pamamagitan ng paglalagay ng


makapal na kolorete. Galit siya sa Alperes at asawa nito kaya gusto niyang hamunin ni Linares
ang mga ito sa isang laban.
3. Padre Salvi siya ang humalili kay Padre Damaso bilang kura sa bayan ng San Diego. Siya ay
inilarawan bilang may mahinang pangangatawan, sakitin, at tila palaging may iniisip. Makikita
sa kabanatang ito nakakapagtakang pagpuri niya kay Ibarra.
4. Sinang isang siya sa mgamatalik na kaibigan ni Maria Clara. Siya ang nagsilbing tulay nina
Maria Clara at Ibarra.
5. Maria Clara Kasintahan ni Ibarra. Siyay kasalukuyang nagtatampo kay Ibarra.
Simbolismo
1. Doa Victorina - sumisimbolo sa isang Pilipinong itinakwil ang kanyang sariling
pagkakakilanlan ng dahil sa puring matatanggap kung ang isang indibidwal ay isang europeo.
2. Linares sinisimbolo niya ang isang edukadong Espanyol na ang gusto lamang ay lumagay sa
tahimik.
Pag-uugnay sa Lipunan
Sa ating lipunan, hindi na bago sa atin ang mga taong magkakasabwat sa paggawa ng
hindi mabuti. Kung iisipin natin, isa sa mga dahilan nito ay ang paggigipit. Kabilang sa mga
gumagawa nito ay ang mga ilang pulitiko. Upang makamit ang gusto nilang gawin, kailangan
nila ng taong magagamit. Kung kayat sadya silang hinahanapan ng butas ang taong iyon upang
kanilang mapasunod ito.

III. Reaksyon
Hawak sa leeg. Iyan ang kalagayan ni Linares sa kabanatang ito. Sunod-sunuran na tila
ba isang manikang na nakasabit sa isang pisi. Naaawa ako kay Linares ngunit satingin koy
nararapat lamang ito sa kanya. Aking ikinagulat din ang inasta ni Padre Salvi. Hindi ko malaman
kung totoo nga ba ang pagmamagandang loob niya kay Ibarra o baka naman may plina-plano
siyang hindi maganda. May nabasa nga artikulo na sinasabing hindi raw si Padre Damaso ang
tunay ng kontrabida, kundi si Padre Salvi.

Kabanata 52 Ang Baraha ng mga Patay


I. Buod
Madilim ang gabi at malamig ang ihip ng hangin pumapaspas sa mga dahong tuyo at
alikabok ng makipot ng daang patungo sa libingan. Tatlong anino ang nag-uusap sa ilalim ng
pinto ng libingan nang gabing yaon. Napag-usapan nila kung bakit sila pumayag na lusubin ang
kumbento. Ang isa ay napangakuan daw ni Ibarra na ipagagamot ang asawa sa Maynila.
Binigyang diin naman ng ikatlong anino na kasama ng lima lulusob sila sa kwartel upang
ipakilala sa mga sibil na kanilang ama ay may mga anak na lalaki. Isa pa, sinabi ng alila ni Ibarra
na sial ay magigng 20 na katao na. Saglit na huminto sa pagaasanan ang mga anino nang
mabanaagan nilang may dumarating na isang anino na namamaybay sa bakod. May dumating na
isang tao na nagpaliwanag na hindi kaagad siya nakarating dahil siya ay sinusubaybayan ng sibil.
Inutusan niya ang mga dinatnan niya na maghiwa-hiwalay muna sila at bukas nila tatanggapin
ang mga sandata. Ipinagbunyi nila si Crisostomo Ibarra. Naiwan ang bagong dating na naghintay
pa sa ikalawang anino. Sa sinilungan nila nagkita ang dalawa.Sa ibabaw ng puntod ay nagsugal
sila pampalipas ng oras. Ang mas mataas na lalaki ay si Elias at ang may pilat sa mukha ay si
Lucas. Natalo si Elias at umalis na. Dalawang sibil na nag-uusap tungkol sa paghuli kay Elias
ang nakasalubong si Lucas. Sinabi ni Lucas na siya ay papunta sa simbahan para magpamisa.
Pinakawalan nila si Lucas nang makita ang pilat nito. Ang sunod naman nilang sinita ay si Elias
na sinabing hinahabol niya ang taong may pilat dahil ito ang bumugbog sa kaniyang kapatid.
Hinabol ng mga sibil si Lucas.

II.

Tunggalian
1. Panlipunan
a. Tatlong anino laban sa kumbento silay nagbabaklak na lumusob sa kwartel
ng mga guardia sibil bitbit ang mga kani-kanilang dahilan. Ang isay upang maghiganti,
ang isa naman ay dahil ipapagamot ang kanyang asawa.
b. Guardia sibil laban kay Elias.
Tauhan
1. Pedro isa siya sa mga anino. Nabanggit niya na ipapagamot ni Ibarra ang kanyang asawa at
yoon ay si Sisa.
2. Magkapatid na Bruno at Tarsilo sila ang mga kapatid na ang ama ay namatay dahil sa palo.
Silay sumama sa paglusob upang maghiganti.
3. Lucas siya ang bagong dating na anino. Siya ang may pakana sa pag sambit ng pangalan ni
Ibarra ngunit ang tunay niyang layunin ay isabit ang pangalan nito at upang mapasama ito.
4. Elias nagkunwaring lamang siya nang sabihin niyang ang pakay niya ay ang makipagbaraha
sa mga patay, sapagkat ang tunay naman niyang sadya ay ang magmanman sa magaganap sa
sementeryo.

Simbolismo

Sinisimbulo ng plinaplanong paglusob sa kwartel sa kabantang ito ang paglusob ng mga


katipunan noon sa totoong buhay. Ginamit nila ang pangalan noon ni Rizal kayat
napagbintangan itong kasapi sa mga rebelde.
Pag-uugnay sa Lipunan
Hanggang ngayoy may mga rebelde pa rin sa ating lipunan. Hindi nila gusto ang
pamamalakad ng administrasyon kayat gusto nila itong magbago ngunit sa marahas na paraan.
Isa sa mga halimbawa nito ay ang MILF at NPA.
III. Reaksyon
Pinagaralan kong mabuti ang kabanatang ito upang matukoy ko ang mga tatlong aninong
nag-uusap. Napakagaling talagang manunulat si Rizal. Akoy natawa sa parteng lininlang ni
Elias ang mga guardia sibil. Pinapakita lang dito ni Rizal ang katangahan nila. Lahat ng palatandaan
na pagkakakilalanan kay Elias ay makikita halos sa lahat ng mga katutubong Pilipino, sa taas na maaring
magkaroon ng tiyak na despripsiyon ay hindi pa nagkakaisa (matangkad at sa iba ay mataas). Ano ang akala ng
mga guwardiya sibil kay Elias, walang kakayahan na magpalit ng damit? Hindi rin karaniwan ang talino
ni Elias nakagawa siya ng isang eksenang tiyak na magpapataranta sa mga guwardiya sibil. Ituro ba naman na
ang Elias na kanilang hinahanap ay walang iba kundi si Lucas, iyan tuloy kumaripas ng takbo ang mga guardia
sibil upang habulin ito.

Kabanata 53 Ang Mabuting Araw ay Nakikilala sa Umaga

I. Buod
Maraming haka-haka tungkol sa ilaw na nakita sa libingan nang nagdaang gabi. Ayon sa
mg Kapatiran ng San Francsico, may dalawampung kandila ang nakasindi. Si Hermana Sipa
naman ay nagsabi na nakarinig siya ng panaghoy samantalang ang kura ay nagpaalaala sa mga
kaluluwa sa purgatoryo. Samantala nang umagang iyon, nag-uusap sina Don Filipo at ang
nanghihinang Pilosopo Tasyo. Pinag-uusapan nila ang pagtanggap ng alkalde sa pagbibitiw ni
Don Filipo. Nasabi ni Don na tinaggap ng alkade ang kanyang pagbibtiw sa tungkulin. Hindi
naman mapakali si Pilosopo Tasyo sapagkat naniniwala siyang ang pagbibitiw ay hindi nararapat
at napapanahon. Hindi sang-ayon si Pilosopo Tasyo na nagsabi ng kaniyang obserbasyon tungkol
sa mga nangyayari sa bayan. Ang mga paglalakbay ng mga kabataan sa Europa ay nagdadagdag
ng maraming kaalaman at tapang ng loob upang salungatin ang simbahan. Sa pagpapalitan nila
ng kuro-kuro, napansin ni Don Filipo na mahina na si Pilosopong Tasyo. Pinayuhan niya itong
uminom ng gamot pero tumanggi ang matanda. Sakanya, ang mga mamamatay na ay hindi na
kailangan ng gamot. Pinakiusapan niya si Don Filipo na sabihin kay Ibarra na makipagkita sa
kaniya dahil malapit na siyang mamatay. Nagpaalam na si Don Filipo kay Pilosopong Tasyo.

II.
Tunggalian
1. Panlipunan

a. Don Filipo laban kay Pilosopo Tasyo Sila ay nagpapalitan ng kani-kanilang


katwiran tungkol sa ibat-ibang bagay.
Tauhan
1. Hermana Sipa - miyembro ng kopradiya ng Santisimo Rosario ng simbahan. Siya ay
inilarawan bilang napaka-aktibo sa lahat ng mga gawain at kaganapan sa simbahan.
2. Pilosopo Tasyo - Siya ay kilala sa kanyang mga matalinghaga at matalas na opinyon na
tumutugon sa tunay na nararanasan ng Pilipinas sa kamay ng mga Kastila.
3. Don Filipo - isang tenyente mayor ngunit nagbitiw ito sa pwesto. Kaibigan niya si Pilosopong
Tasyo.
Simbolismo
Sinisimbulo ng naunang kaganapan na ang kabilisan ng pagkalat ng balita sa Pilipinas, lalo na sa
mga bagay na kababalaghan (lalo na ang milagrong pansimbahan), ngunit mapapansin na sa mga balitang ito ay
nababahiran na ngmalabis na mga imbentong detalye at sa ganito ay hindi na makatotohanan at mahirap ng
mapatunayan.
Pag-uugnay sa Lipunan
Sa panahon ngayon, makikita ang ibat-ibang pagsulong ng ibat-ibang ng larangan at
kabuhayan. Sa pagtatasang ito sa pananalita ni Pilosopo Tasyo, ang mga adbanseng kaalaman ng bayan
ay nagbibigay daan upang magkaroon ng isang kolektibong pagkilos ang sambayaan para tapusin ang kolonyalismo
ng Espanya.

III. Reaksyon
Tama nga naman si Pilosopo Tasyo. Hindi napapanahon ang pagbitiw sa pwesto ni Don
Filipo. Pagkatapos ng gulo na ginawa ng mga guwardiya sibil laban sa mga mamamayan ng San Diego ay
kinakailangan na huwag magbitiw si Don Filipo dahilan sa may kalaban ang taong bayan at sa panahon
na may kalaban kailangan ng bayan ng lider. Kailangan ng bayan ng pagkakaisa sa lahat ng mga hakbangin upang
magtagumpay . Tandaan na walang sinuman ang magtatagal sa kanilang pananamantala kung ang bayan ay
nagkakaisa.

You might also like