You are on page 1of 15

Noli Me Tangere

Kabanata 18
Mga kaluluwang nag hihirap
MGA TALASALITAAN
1. Isuplong - Isumbong; ipag-bigay alam.
2. Mag-palahaw - Mag-sisigaw
3. Manangis - Umiyak
4. Nagpapalaluan - Nag-papayabangan
5. Sunong - dindala na nakapatong sa ulo
Tagpuan
Sa kumbento
Sa kumbento kung saan pumunta ang mga
matandang kalalakihan at kababaihan upang
tanungin si Padre Salvi kung sino ang magmimisa
sa kapistahan
MGA TAUHAN
Padre Salvi
Kura paroko ng San diego
Sisa
Ina nina Cispin at Basilio, asawa ni pedro
Napuna ng mga manang na matamlay at tila may-sakit si Pari Salvi ng magmisa
kinabukasan. Naruon sa kumbento ang mga manang at manong upang isangguni sa kura
kung sino ang pipiliin niyang magsermon sa kapistahan ng bayan. Si Pari Damaso ba? Pari
Martin o ang coordinator? Sa kanilang paghihintay, naging paksa sa kanilang usapan ang
tungkol sa pagkakaroon ng ‘indulhensiya plenarya,’ na siyang tanging kailangan ng mga
kaluluwang nagdurusa sa purgatoryo upang mahango roon. Ang isang karaniwang
indulhensiya sa kanilang pagkaalam ay katumbas na ng mahigit na 1,000 taong pagdurusa
sa purgatoryo. Ang mga manang na nag-uusap ay pinangungunahan ng isang batang-
batang balo, Manang Rufa at Manang Juana. Dahil sa kanilang kaabalahan sa pag-uusap,
hindi nila napansin ang pagdating ni Sisa.
Siya ay mayroong sunong na bakol na puno ng sariwang gulay na pinitas niya sa
kanyang halamanan. Mayroon din siyang halamang dagat na katulad ng pako, na paboritong
gawing salad ng kura. Suot niya ang kanyang pinakamagandang damit. Tulog pa si Basilio
ng umalis siya sa kanilang dampa.

Dumiretso si Sisa sa kusina ng kumbento. Inaasahan niya na marinig ang tinig ni


Crispin. Ngunit hindi niya ito marinig. Binati niya ang nga sakristan at kawasi sa kumbento.
Hindi siya napansin ng mga ito. Kung kaya’t siya na mismo ang nag-ayos sa mga dala niyang
gulay sa isang hapag.

Nakiusap si Sisa sa tagapagluto kung maari niyang makausap ang pari. Pero, sinabi sa
kanyang hindi sapagkat may sakit ito. Tinanong niya ang tagapagluto, Kung nasaan si
Crispin.
Ang sagot sa kanyang tanong ay parang bombang sumabog sa kanyang pandinig: Si
Crispin ay nagtanan din pagkatapos na makapagnakaw ng dalawang onsa at pagkawala ng
pagkawala ng makapatid. Naipagbigay alam na ng alila sa utos ng kura ang pangyayari sa
kwartel. Ang mga guwardiya sibil ay maaring nasa dampa na nina Sisa upang hulihin ang
magkapatid, pagdiin pa ng alila.

Nangatal si Sisa. Naumid ang labi. Mabilis na tinakpan ang kanyang dalawang tainga
nang paratangan siya ng alila na isang inang walang turong mabuti sa mga anak dahil
nagmana ito sa ama.

Tuliro siyang nagtatakbong nilisan ang kumbento. Gulong-gulo ang isip.


Implikasyon
• Wag manghuhusga ng tao kahit hindi naman kilala

• Laging harapin ang mga hamon sa buhay


Pagsusulit
1. Ano ang ibig-sabihin ng sunong?

2. Ano ang ibig-sabihin ng manangis?

3. Sino ang ina nina Crispin at Basilio

4. Mag-bigay ng isang implikasyon

5. Ano ang pamagat ng kabanata 18


6. Sa kanilang pag kaka-alam inang taong ang pagdurusa sa purgatory

7. Sinu-sino ang nag susga ni sisa

8-9 . Mag-Bigay ng talasalitaan (maliban sa sunong at manangis)

10. Sino ang may sakit sa kabanatang ito

You might also like