You are on page 1of 10

Noli Me

Tangere/Kabanata 34 :
Ang Pananghalian
Ito ay naganap sa bahay ni Kapitan Tiyago
Ibarra
alkalde
alperes
kapitan tiago
maria clara
kapitan heneral
padre salvi
padre damaso
Ang mga kilalang tao sa San Diego ay magkaharap na
nanananghalian sa isang malaking hapag.
Nakaluklok sa magkabilang dulo ng mesa sina Ibarra at ang alkalde.
Nasa bandang kanan ni Ibarra si Maria at nasa kaliwa naman ang
eskribano.
Sa magkabilang panig naman nakaluklok sina Kapitan Tiyago,
kapitan ng bayan, mga prayle, kawani at kaibigang dalaga ni Maria.
Ganadong kumain ang lahat ng makatanggap ng telegrama sina
Kapitan Tiyago, siya’y kaagad na umalis.
Darating ang Kapitan Heneral at magiging panauhin ni Kapitan
Tiyago sa kanyang bahay.
Hindi nasasabi sa kable, kung ilang araw na
mananatili ang Kapitan Heneral sapagkat ito
umano ay mahilig sa bagay-bagay na kataka-
taka. Kung saan napasuot ang usapan ng mga
kumakain. Ang hindi pag-imik ni Pari Salvi, ang
hindi pagdating ni Padre Damaso, kawalan ng
kaalaman ng mga magbubukid ng kobyertos
at kung anong kurso ang ipapakuha nila sa
kanilang mga anak.
Patapos na ang tanghalian nang dumating si Padre Damaso.
Lahat bumati sa kanya, maliban kay Ibarra. Umiinit na ang
usapan noon sapagkat nagsisimula ng ilagay ang mga
tsampan sa kopa. Nahalata ng alkalde na panay ang pasaring
ni Pari Damaso kay Ibarra. Sinikap na ibahin nito ang usapan,
pero patuloy ang pari sa pagsasaring. Walang kibo na lamang
si Ibarra. Pero, nang ungkatin ni Pari Damaso ang tungklol sa
pagkamatay ng ama ni Ibarrang may kasamang pag-aglahi.
Sumulak ang dugo ni Ibarra. Biglang dinaluhong niya si Pari
Damaso at sasaksakin nito sa dibdib. Pero, pinigilan siya ni
Maria. Gulo ang isip ni Ibarra na umalis at iniwan ang mga
kasalo sa pananghalian.
Ang karakter ni Crisostomo Ibarra ay nagpakita
ng tunay na pagmamahal sa pamilya, partikular
sa kaniyang ama. Kahit na ito ay pumanaw na,
hindi pa rin niya hinayaang masira ang alaala
nito ni Padre Damaso.Read more on Brainly.ph -
https://brainly.ph/question/1368981#readmore
Ipinakita sa kabanatang ito na ang pagtitimpi ng
isang tao ay may hangganan. Hindi lahat ay may
kakayahang palipasin ang mga paninira o
panlilibak mula sa ibang tao lalo na kung
patungkol ito sa pamilya. Ipinakita ito nang
tutukan ni Ibarra si Padre Damaso ng kutsilyo
matapos alipustahin ng huli ang kanyang
ama.Read more on Brainly.ph -
https://brainly.ph/question/1368981#readmore

You might also like