You are on page 1of 5

Kabanata 3: Ang Hapunan

Lahat ng mga panauhin ay nagtungo na sa hapag kainan upang magsalu-salo. Si


Padre Damaso ay bugnot na bugnot at sinisikaran ang lahat ng madaanang bagay
kaya’t pati ang tenyente ay tinamaan. Hindi naman umimik ang huli bilang
paggalang. Natapakan naman ni Tenyente ang kola ng saya ni Donya Victorina
dahil sa katititig niya sa kulot na buhok nito, bagay na nagdulot ng matinding
pagkainis sa Donya. Siyang siya naman si Padre Sibyla habang ang ibang bisita ay
hindi magkamayaw sa pagpuri sa mga pagkaing nasa hapag.
Naupo sa kabisera ng hapag si Ibarra at pinagtalunan ng dalawang pari kung sino
ang karapat dapat maupo sa kabilang dulo ng kabisera ng hapag. Pakunwari sila na
nais ibigay sa isa’t-isa ang upuang iyon. Pra kay Padre Sibyla, Si Padre Damaso
ang dapat maupo duon dahil siya ang kumpesor ng pamilya ni Kapitan Tyago.
Ayon naman sa huli, si Padre Sibyla ang dapat maupo sapagkat siya ang kura
paroko sa lugar. Pumayag na maupo ang huli at pakunwaring inialok ang upuan sa
Tenyente ngunit tumanggi ito dahil ayaw niyang mapagitna sa dalawang pari.
Inanyayahan ni Ibarra si Kapitan Tyago na dumulog sa hapag ngunit ito ay
magalang na tumanggi at sinabing huwag niya itong alalahanin. Isa-isa nang
pinagsilbihan at inihain ang tinola sa mga panauhin. Sa pangyayaring ito, lalong
nanggalaiti sa galit ang Padre Damaso sapagkat ang napunta sa kanya ay puro upo,
leeg at pakpak ng manok samantalang ang kay Ibarra ay masasarap na bahagi ng
manok. Lingid sa kaalaman ng pari, ang tinolang iyon ay pinaluto ng sadya para
kay Ibarra at hindi para sa kanya.
Nagsipag-usap ang mga panauhin habang nasa hapag. Sinagot ni Ibarra ang tanong
ni Laruja na siya ay mayroon ding pitong taong nawala sa Pilipinas. Gayunpaman,
hindi niya nakalimutan ang kanyang bansa subalit ito ang nakalimot sa kanya. Ni
hindi niya nabalitaan ang nangyari sa pagkamatay ng kanyang ama. Dito
naunawaan ng Tenyente na walang alam ang binata sa tunay na nangyari sa
kanyang ama. Nalaman din ng mga kausap ni Ibarra ang tungkol sa kanyang
paglalakbay sa maraming bansa at mga wikang alam nito. Bukod dito, natuto rin
siya sa kasaysayan ng mga bansang kanyang pinuntahan partikular na ang pag-
unlad ng sibilisasyon sa bawat bansa. Ayon kay Ibarra, pare-pareho lamang ang
mga bansang napuntahan niya pagdating sa kabuhayan, pulitika at relihiyon.
Nagkaiba-iba lamang sila sa dahil sa antas ng kalayaan at pagkaaliping tinatamasa
nila. Biglang sumabad si Padre Damaso at ininsulto nito ang binata na nag-aksaya
lamang siya ng salapi kung ito lamang ang natutunan niya. Hindi naman natinag si
Ibarra at binaggit nito ang mga panahon na ang pari ay pumupunta at sumasalo sa
kanilang hapag kainan nuong siya ay bata pa. Nangatal naman at hindi nakaimik
ang pari.
Bandang huli, nagpaalam na ang binata at nangakong babalik kinabukasan upang
makita ang anak na dalaga ni Kapitan Tyago na si Maria Clara.
Pagkaalis ng binata, nagtungayaw naman si Padre Damaso laban sa binata. Sinabi
nitong mapagmataas ang binata at dapat na ipagbawal ng pamahalaang Kastila ang
pagpayag sa mga Indio na makapag-aral sa Espanya.
Nang gabing iyon, sinulat ng binata sa kolum ng Estudios Coloniales ang
pangyayaring katulad ng naganap ng gabing iyon at ang tungkol sa patakarang
hindi dapat pag-aralin ang mga Indio sa ibang lupain.
Pag-isipan: Bakit tinututulan ni Padre Damaso ang pag-aaral ng mga Pilipino sa
ibang bansa?
* Sapagkat namumulat ang kaisipan ng mga Pilipino sa mga kaganapan sa ibang
bansa at higit nilang nauunawaan ang mga pang-aapi ng mga Kastila. Nakikita rin
nila ang kaibahan ng isang bansang may kalayaan, na ito ay nagiging maunlad at
higit na nalilinang ang yaman ng bansa at talino ng mga mamamayan para sa
kapakinabangan ng buong bayan at hindi ng pamahalaan lamang at simbahan.

Kabanata 4 (Erehe at Pilibustero)

Sa pagkaalis ni Ibarra mula sa munting salu-salo, di niya alam kung san siya
pupunta. Napadpad siya sa Binondo at napansin niyanmg wala paring
nagbago at mabagal ang pag-unlad nito. Nakita niya rin dito si Tinyente
Guevarra.

Nang makita niya ito, tinanong ni Ibarra kung alam ng tinyente ang sanhi
kung nabilanggo ang ama ni Ibarra. Inisinalaysay naman ito ng tinynete at
sinabing niligtas ng kanyang ama ang mga bata mula sa panuntok ng
artilyero. Ang artilyero kasing ito ay di marunong magbasa at magsulat.
Kinutsa siya ng mga bata at binugbog niya ang mga ito. Niligtas naman ni
Don Raphael Ibarra (ama ni Ibarra) ang mga bata at di niya namalayan na
napatay niya ang artilyero.

Nakulong si Don Raphael at nanatili dun ng matagal. Humingi siya ng tulong


sa kapwa niya Pilipino ngunit tinatanggihan siya ng mga ito dahil takot silang
madawit sa kaso. Nalinis naman niya ang kanyang pangalan ngunit ng
malapit na siyang lumabas ay namatay ito sa matinding kalungkutan.

Pagkatapos nito ay natauhan siya at dumiretso sa Fonda De Lala.


Kabanata 5: Isang Butuin sa Gabing Madilim

“Pumunta ng Maynila si Ibarra ng araw na iyon at nanuluyan sa Fonda deLala. Sa


kanyang silid ay nagmuni-muni ang binata tungkol sa sinapit ng ama. Kalaunan ay
napadako ang tingin nito sa durunguwan, at sa kabila ng ilog ay tanaw na tanaw
niya ang nagliliwanag na bahay ni Kapitan Tyago. Tila bagat naririnig pa niya ang
kasayahan sa loob ng bahay, ang kalansingan ng mga pinggan at kubyertos at
tugtog ng mga orkestra. Sa gabing iyon sa bahay ni Kapitan Tyago ay nagaganap
uli ang isang kasiyahan. Dumating ang nag-iisang anak nito na si Maria Clara,
kung kaya't sinalubong siya ng kanyang mga kaibigan, kababata, mga Kastila at
paring malalapit sa ama, mga Pilipino, Intsik, at militar. Ang lahat ay nakatuon ang
paningin sa kagandahan ni Maria Clara, na nakasuot ng isang marangyang
kasuotan at napapalamutian ng alahas na diyamante at ginto. Si Donya Victorina
naman ay matiyagang inaayos ang buhok ng dalaga. Si Padre Salvi na mahilig sa
mga magagandang dilag ay masayang masaya at kadaupang palad niya ang mga
dalaga roon. Lihim din ang kanyang paghanga sa kagandahan ni Maria Clara.
Madaling nakatulog si Ibarra ng gabing iyon, kabaligtaran naman ni Padre Salvi na
hindi dinalaw ng antok sapagkat hindi mawala sa kanyang isipan si Maria Clara.”

Kabanata 6 (Si Kapitan Tiago)

Si Kapitan Tiago ay maliit lamang ay may kutis na kayumangging kaligatan.


Siya ay mayaman at may paniniwala na ang pagiging malapit sa Diyos at sa
simbahan ay base sa magandang gawa. Dahil diyan, siya ay nagbibigay
donasyon sa simbahan. Dahil mayaman, pera ang kanyang ginagamit na
pangdasal.

Asawa niya si Pia Alba. Silang dalawa ang natulungan upang mapayaman
ang kanilang pamilya. Sa paglipas ng panahon, hindi makabuo ng supling ang
dalawa. Kaya humingi sila ng payo sa Padreng Dominikano at sinabihan
silang sumayaw sa Obando para magkaanak. Nagbunga ang kanilang hirap
ngunit namatay siya sa panganganak.

Ang naging supling ay si Maria Clara. Siya ay maganda at ang kumuha sa


mga puso ng mga taga-San Diego. Siya din ay pinagkasundo na ipakasal sa
binata na si Crisostomo Ibarra. 
Kabanata 7 (Pag-uulayaw sa Asotea)

Sa araw ding iyon, nagsimba sina Maria Clara at Tiya Isabel. Di pa nakaalis
ang pari sa altar ay agad ng hingit ni Maria ang kanyang tiya. Dahil siguro sa
pananabik na makita ulit si Ibarra. Upang di mainip si Maria Clara sa
paghihintay kay Ibarra, ipinagpatuloy niya nag pananahi. Napag-usapan din
na magbabakasyon si Maria Clara sa San Diego.

Lubos ikinatuwa ng dalaga ang kanyang narinig at mas lalo pa itong natuwa
ng may tumigil na sasakyan sa harap ng bahay nila. Ang laman ng sasakyan
ay si Ibarra. Sa sobrang gulat ay napatago  siya sa isang silid at tumingin sa
susian ng pinto. Pinalabas siya ng kanyang tiya at niyaya niya ang binata sa
asotea.

Sa Asotea, lumabas ang ilang mga alaala. Katulad na lamang ng sulat na


ibinigay ni Ibarra at ang dahon ng sambong na ibinigay noon ni Maria Clara
upang hindi na malungkot ang kanyang minamahal na si Ibarra.

\
PROYEKTO
SA
FILIPINO
Ipinasa Ni:
Mhar Angelo A. Bughao
Ipinasa Kay: Bb. Criscelle B. Calanda
Baitang: 9- Garnet

You might also like