You are on page 1of 22

Magandang araw sa iyo kaibigan !

Usapang pamilya na naman ito


Inaasaahan na sa pagkakatang ito ay
handa ka nang lumabas sa iyong sarili at
ituon naman ang iyong panahon sa mga
tao sa iyong paligid – ang iyong kapwa.
Sa pagkakataong ito, pag-usapan naman
natin ang pinakamalapit mong kapwa ang
iyong PAMILYA
Kagiliw-giliw pag-usapan ang tungkol
sa pamilya. Alam nating may malaking
puwang sa iyong isip at puso ang iyong
pamilya.
Handa ka na ba? Halika na! Sabay
tayong maglakbay patungo sa kaibuturan
ng ating pamilya.

Halika at suriin nating ang layunin ng modyul na ito

 Pamantayang Pangnilalaman
 Naipapamalas ng mga mag-aaral ang pag-
unawa sa pamilya bilang natural na
institusyon ng lipunan
 Pamantayang Pagganap
 Naisasagawa ang angkop na kilos ng
pagmamahalan at pagtutulungan sa pamilya
 LC1. Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa
ating pamilya na kapupulutan ng aral o may
positibong impluwensya sa sarili
 LC2. Nasusuri ang pag-iral ng pagmamahalan,
pagtutulungan at pananampalataya sa isang
pamilyang nakasama, namasid o napanood
 LC3. Napapatunayan kung bakit ang pamilya ay
natural na institusyon ng pagmamahalan,
pagtutulungan na nakatutulong sa pagpapaunlad
ng sarili tungo sa makabuluhang pakikipagkapwa
 LC4. Naisasagawa ang mga angkop na kilos
tungo sa pagpapaulad ng pagmamahalan,
pagtutulungan sa sariling pamilya

Nawa, sa tulong ng mga


layuning ito ay mas
maging malinaw sa iyo
ang pag-aaral ng araling
ito.
Ang modyul na ito ay naglalayong
makatulong sa paghasa sa iyong
kaalaman at higit na makatulong
sa pagpapayabong sa iyong
kasanayan at pananaw sa paksa ng
tatalakayin sa tulong ng mga tiyak
na layunin:

 Nasusuri ang kahalagahan ng komunikasyon


sa pamilya
 Nailalahad ang mga karanasan na nakasama
o naka-usap mo ang iyong pamilya
 Naitatala ang mga pananagutan ng
magulang sa anak at ng anak sa magulang
Ang paksa tungkol sa pamilya marahil
ang pinakanakapupukaw ng interes na pag-
usapan sa mas maraming pagkakataon, Masaya
man ito o minsan ay malungkot. Nakalulugod
pag-usapan ang masasayang alaala sa
pagkakataon na nagsasama-sama ang pamilya,
halimbawa sa pamamasyal sa ibang lugar o ang
simpleng masayang usapan at biruan sa hapag-
kainan habang kumakain ng hapunan.
Kaya mahalagang maging mas malalim
ang pagkilala at pag-unawa, lalo na ng isang
kabataang katulad mo tungkol sa pamilya. Kasi
katulad ng kahit na sino sa buong mundo, ikaw rin
ay nagmula sa isang pamilya.
Ngayon naman ay subukin natin ang iyong
kakayahan. . .
Panuto: Lakbay-diwa sa aking Pamilya
1. Sa saliw ng musika, maglakbay-diwa sa mga
karanasan na kasama mo ang iyong pamilya.
2. Isa-isahin ang mga pagkakataon na kayo ay
nagkausap at nagkasama
3. Ilagay ito sa mga hugis letrang papel ang mga
pangyayaring ito
4. Humanap ng kapareha at ibahagi ito sa kanya.
5. Ilahad ito buong klase.
Mahusay! Naibahagi mo ang mga karanasang ito
sa iyong kaklase at sa buong grupo. Ngayon ay
subukin muli ang sarili.. . .
Panuto: Tahanan ko…pamilya ko …mahal ko!
1. Sa mga hugis-bahay sa ibaba, itala ang mga
pananagutan ng magulang sa mga anak at ng
anak sa magulang.
2. Ibahagi ito sa klase.

Tahanan ko . . .
Pamilya ko… mahal
ko

Ngayon ay pagyamanin ang ating kaalaman….


Bukod sa pagkakaroon ng anak, may
pananagutan ang mga magulang na gabayan ang
anak upang lumaki at umuunlad ito sa mga
pagpapahalaga at maisabuhay ang misyon ng Diyos
para sa kaniya. Tungkulin ng mga magulang na
magbigay ng edukasyon ang bukod-tangi at
pinakamahalagang gampanin ng mga magulang.
Ito ay hindi mapapalitan (irreplaceable) at hindi
mababago (inalienable) kaya’t hindi pwedeng
ipaubaya o iasa ang tungkulling ito sa iba (tulad ng
panganay o nakatatandang anak na nakasanay na
sa ilang pamilyang Pilipino). Kasama sa edukasyong
ito ang pagsasanay ng mga anak sa pagsasabuhay
ng mga pagpapahalaga tulad ng:

Katarungan ( sa pamamagitan ng
paggalang sa dignidad ng kapwa)
Simpleng Pamumuhay (maisasapuso
ng mga anak na mas mahalaga ang
tao sa kung ano siya at hindi sa kung
ano ang mayroon sya)

Paggabay sa mabuting pagpapasya,


edukasyon, sa pananampalataya at
pagpapaunlad nito

Ang mga pagpapahalagang maitatanim sa


puso ng mga anak ang siyang magtuturo sa kaniya
na maging maingat at maayos sa kaniyang
pagpapasiya.

Napakahalaga ng
komunikasyon sa
pamilya upang ang
mga
pagpapahalagang ito
ay maisalin nang tama at wasto at nang may
pagtanggap ng bukal sa loob ng mga anak.
Kailangan lamang pairalin ang pagmamahal na
natural na nagbibigkis sa mga kasapi nito. Kung mas
pinahahalagahan natin ang pamilya at ang
kapamilya kaysa ating sarili, mas magiging medaling
dumulog sa isang diyalogo nang may kababaang-
loob at kahandaang umunawa.
Ang pagmamahal ang pinakamabisang
paraan ng komunikasyon, sapagkat ang tunay na
pagmamahal ay ang pagkakaisa ng isip at ng puso
ng dalawang tao.

Sa aking mga magulang ay natutunan ko ang

Ngayon ay nabigyan ka na ng mga kaalaman ngayon


________________________________________________________
ay________________________________________________________
subukin naman natin ang iyong natutunan;
________________________________________________________
A. Panuto: Ilahad sa pamamagitan ng
________________________________________________________
___________
pagbuo sa pinasimulang salita ang mabubuong
konsepto.
B. Panuto: Sumulat ng isang liham sa
magulang upang ipahayag ang iyong
pasasalamat sa kanilang paghubog sa iyong
pagkatao sa kasalukuyan.
Magaling! Nailahad mo ba ang iyong nararamdaman
para sa kanila.
Ngayon naman sagutin ang pagsusulit sa ibaba.
Galingan mo ha!
Panuto: Sagutin kung ang pahayag ay TAMA o
MALI.
1. Ang simpleng pamumuhay ay ang pagsasapuso ng
anak na mas mahalaga ang tao sa kung ano ang
mayroon siya at hindi sa kung ano sya.
2. Sa pamilya sumisibol ang bawat mamamayan na
magiging mahalagang bahagi ng lipunan.
3. Tungkulin ng mga magulang na magbigay ng
edukasyon ang bukod-tangi at
pinakamahalagang gampanin ng mga magulang.
4. Ang lipunan ay umiiral para sa kapakanan ng
mga pamilya
5. Ang katarungan ang nagbubunsod upang
kilalanin at igalang ang dignidad ng tao.
Pagsusulit:
1.Mali
2.Tama
3.Tama
4.Tama
5.Tama

Nasagutan mo bang lahat ang mga katanungan?


Kung nasagot mo….
5 - napakahusay
4 - mahusay
3 - mainam
2 - karagdagang pagsisikap
1- magbalik-aral
Ngayon para sa karagdagang kaalaman, alo ay
maaari ninyong sanggunian…..

Katarungan – ang kakakyahang maging patas sa


lahat ng bagay
Simpleng pamumuhay – pamumuhay ng payak
Komunikasyon - pagpapahayag ng damadamin,
saloobin at mga ideya
Internet
Modyul sa EsP 8
Pahina 1- 28

Gabay sa Pagtuturo sa Esp Baitang 8

Unang Markahan Tema: Ang Pamilya Bilang Ugat ng Pakikipagkapwa

Kaugnay na Banghay Aralin ng Intervention Material

I. Nilalaman
A. Paksa : Ang Pamilya Bilang Natural na Institusyon ng Lipunan
B. Sanggunian
 Gabay sa Pagtuturo-K-12
 Modyul sa EsP 8 pp. 1 - 28
C. Kagamitan
 Larawan ng pamilya
 Laptop
 Video clip
 Larawan ng isang sulat
II. Mga Pamantayang Pampagkatuto
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa pamilya
bilang natural na institusyon ng pagmamahalan at pagtutulungan.
B. Pamantayang Pangganap
Naisasagawa ang mga angkop na kilos sa pagsasabuhay ng pagmamahalan at
pagtutulungan sa pamilya

Batayang Konsepto
Ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan at pagtutulungan na
nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa makabuluhang pakikipagkapwa.

III. Mga Layunin


A. Mga Kakayahang Pampagkatuto:
1. Pangkaalaman
Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na kapupulutan
ng aral o may positibong impluwensya sa sarili
2. Pangkasanayan
Nasusuri ang pag-iral ng pagmamahalan at pagtutulungan sa sariling pamilya
o isang pamilyang nakasama, namasid o napanood
3. Pang-unawa
Napatutunayan kung bakit ang pamilya ay natural na institusyon ng
pagmamahalan at pagtutulungan na nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili
4. Pagsasabuhay
Naisasagawa ang mga angkop na kilos sa pagpapaunlad ng pagmamahalan at
pagtutulungan sa sariling pamilya

B. Mga Layunin sa Pagtuturo at Pagkatuto


1. Nasusuri ang kahalagahan ng komunikasyon sa pamilya
2. Nailalahad ang mga karanasan na nakasama o naka-usap mo ang iyong pamilya
3. Naitatala ang mga pananagutan ng magulang sa anak at ng anak sa magulang
IV. Mga Gawaing Pampagkatuto at Pagtuturo
A. Pagtuklas ng Dating Kaalaman
1. Gawain 1
 Sa saliw ng musika (instrumental music) ay
ipikit ang mga mata.
 Maglakbay-diwa sa mga karanasan na
nagkasama o nagkausap ang iyong pamilya.
 Ilagay ito sa mga hugis-letrang papel ang mga
pangyayari

 Pagkatapos ay pumili ng kapareha (Dyad)


At magbahagian kayo sa isa’t isa ng mga pangyayari o karanasan kasama
ang pamilya

Mga Gabay na Tanong:


1. Ano ang naging damdamin mo sa ginawang paglalakbay-diwa?
2. Naging madali ba sa iyo ang magbalik-tanaw sa mga karanasang
kasama ang pamilya?
3. Sa pagbabahagi nito sa iba, naging madali ba ito para sa iyo? Bakit?

2. Gawain 2
 Suriin ang isang TV commercial ng Lucky Me
 Pagnilayan ang mensaheng ibig ipahiwatig ng
patalastas
 Malayang talakayan
Mga Gabay na Tanong:
1. Ano ang nahinuhang mensahe ng patalastas?
2. Ikaw ba ay nakakaranas ng ganito?
3. Paano mo ito hinaharap o binigyang pansin?

B. Panlinang ng Kaalaman, Kakayahan at Pag-unawa


1. Gawain
Tahanan ko . . . pamilya ko. . . mahal ko!

Tahanan ko…pamilya
ko …mahal ko!

Panuto:
1. Sa bahay sa itaas, itala ang mga pananagutan ng magulang sa anak at ang anak
sa magulang.
2. Ibahagi ito sa klase.

Gabay na Tanong:
1. Anu-ano ang mga pananagutan ng magulang ang iyong nailagay?
2. Nagawa mo din bang mailahad ang mga pananagutan mo sa iyong mga
magulang?
3. Nagagampanan ban g bawat isa ang mga pananagutan at tungkuling ito sa bawat
isa?
V. Paglalapat

Liham ko…Para sa Inyo..Magulang Ko!

Panuto: Sumulat ng isang liham sa magulang upang ipahayag ang iyong


pasasalamat sa kanilang paghubog sa iyong pagkatao sa kasalukuyan.
VI. Pagtataya
Panuto:
Ilahad sa pamamagitan ng pagbuo sa pinasimulang salita ang mabubuong
konsepto.

Sa aking mga magulang ay natutunan ko ang

_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________

VII. Panapos na Gawain


Pagnilayan ang berso mula sa Banal na Kasulatan:
VIII. Takdang Aralin

Magsagawa ng isang pagsusuri ng kalakasan, kahinaan, oportunidad at banta


(SWOT Analysis)

Kalakasan Kahinaan Oportunidad Banta

Pamilyang
Pilipino

Sariling
Pamilya

Sanggunian:

Sariling Katha

You might also like