You are on page 1of 22

MODULE 2

Ang misyon ng pamilya sa:


pagbibigay ng edukasyon,
paggabay sa pagpapasiya at
paghubog ng pananampalataya.
Mag-aral kang Bata ka pa para
mabuti. ‘Yan lang makipag ligawan ha.
ang maipapamana Dapat maging
namin sa iyo. maingat sa
pakikitungo lalo na
Iligpit mo ang mga sa mga lalaking hindi
gamit mo, anak. Dapat mo naman gaanong
nagkukusa ka nang gawin kilala.
yan kasi malaki ka na.
TANDAAN:
• Isa kang regalo para sa iyong pamilya.
• Ang iyong pamilya ang ginamit na instrumento
ng Diyos para sa pagkamit mo ng iyong
kaganapan bilang tao.
• Bahagi ng buhay ng mag asawa ang
magkaroon ng anak –ito ay bunga ng kanilang
pagtugon sa pagtawag ng Diyos na magmahal.
•Ang tungkulin ng magulang ay hindi
natatapos sa pagbibigay sa kanila ng
kanilang basic needs.
•Paghahanda para sa mga anak sa buhay
at paggabay sa kanila upang makamit
nila ang tunay na tunguhin ng tao –ang
kaniyang kaligayahan at kaganapan
bilang tao.
PAGBIBIGAY NG EDUKASYON
•Karapatan para sa edukasyon- orihinal at
pangunahing karapatan
•Katuwang ng mga magulang ang
institusyon sa lipunan sa pagkamit nito.
•Magulang bilang na una at pangunahing
guro ng mga anak sa tahanan.
•Mahalagang handa ang mga anak sa na
harapin ang anumang hamon ng lipunan
(pornograpiya, droga, politika, peer pressure
atbp.).
•Kailangang maturuan ang mga anak ng
wastong paggamit ng kalayaan sa mga
materyal na bagay at pamumuhay ng
simple.
•Mas mahalaga ang tao sa kung ano siya at
hindi sa kung ano ang meron sya.
Magbubunnga ito ng iba pang
pagpapahalaga:
 pagtanggap- hindi susukatin ang tao
batay sa kung ano ang maaari nyang ibigay
pagmamahal- hindi pagtingin sa kaniyang
kakayahan o katangian, tanda ng malalim
na pagmamahal
katarungan- kilalanin at igalang ang
dignidad ng tao

•Mahalagang hubugin ang anak sa tunay na


diwa ng katarungan.
•Wala pa ring makahihigit sa pagtuturo sa
pamamagitan ng pagpapakita ng
magandang halimbawa.
Kung ang isang bata ay namumuhay sa pamumuna o sa
pamimintas, natututo siyang mapanghusga.
Kung ang isang bata ay namumuhay sa katiwasayan,
natututo siyang maniwala sa kaniyang sarili.
Kung ang isang bata ay namumuhay sa poot, natututo
siyang lumaban.
Kung ang isang bata ay namumuhay sa pagtanggap,
natututo siyang magmahal.
Kung ang isang bata ay namumuhay sa takot, palagi siyang
nababalot ng pag- aalala.
Kung ang isang bata ay namumuhay sa pagkilala, natututo
siyang bumuo ng layunin sa buhay.
Kung ang isang bata ay namumuhay sa awa, palaging may
awa sa kaniyang sarili.
Kung ang isang bata ay namumuhay sa papuri, natutunan
niyang magustahan ang kaniyang sarili.
Kung ang isang bata ay namumuhay sa selos, natututo siyang
palaging makaramdam ng pagkakasala.
Kung ang isang bata ay namumuhay sa pakikipagkaibigan,
natutuhan niya na masarap mabuhay sa
napakagandang mundo.
PAGGABAY SA PAGGAWA NG
MABUTING PAGPAPASIYA
•Ang pagpapasiyang isasagawa ng isang bata
hanggang sa kaniyang pagtanda, ang
magdidikta kung anong uri ng tao sila
magiging sa hinaharap at kung anong landas
ang kanilang pipiliing tahakin
•Sa murang edad pa lamang ay dapat
binibigyan na ng laya ang bata na
magpasiya.
•Mahalagang magabayan ang isang bata sa
paggawa ng tamang pagpapasiya upang
hindi masanay na gumawa ng mga maling
pagpapasiya at hindi matuto sa mga ito.
•Ang pagsisisi ay bunga ng maling pagpili.

Piliin mo ang magmahal…kaysa ang masuklam.


Piliin mo ang tumawa…kaysa ang lumuha.
Pillin mo ang lumikha...kaysa ang sumira.
Piliin mo ang magtiyaga… kaysa ang
manghinawa.
Piliin mo ang magpagaling…kaysa manakit.
Piliin mong magbigay…kaysa ang magnakaw.
Piliin mong umunlad…kaysa ang mabulok.
Piliin mo ang manalangin…kaysa ang manisi.
Piliin mo ang mabuhay…kaysa ang mamatay at
Pillin mo ang tamang pagpapasiya...upang ikaw
ay lumaya at tunay na lumigaya.
PAGHUBOG NG PANANAMPALATAYA
Ayon kay Stephen Covey sa kanyang aklat na 7
Habits of Highly Effective Families:
Ang pakikibahagi ng isang pamilya sa gawaing
panrelihiyon ay mahalaga upang magkaroon
ng pangkaisipan at pandamdaming kalusugan
at katatagan; at ito rin ay nagpapatibay ng
pagsasamahan ng isang pamilya.
Ang paglalalaan ng 10-15 minute sa
pagbabasa na mag-uugnay sa inyo at sa
Diyos ay magiging matibaya ang uganayan
ng pamilya.
PAMAMARAAN PARA MAKATULONG SA IYO
AT SA IYONG PAMILYA
1. Tanggapin na ang Diyos ang maging
sentro ng buhay-pampamilya.
2. Ituon ang pansin sa pag-unawa.
3. Hayaang maranasan ang tunay at
malalim na mensahe.
4. Gamitin ang mga pagkakataon na handa
nag bawat kasapi ng pamilya na making at
matuto.
5. Tulungan ang bawat kasapi uoang
maitanim sa kanilang isipan ang mga
itinuturo tungkol sa pananampalataya.
6. Iwasan ang pag-aalok ng suhol.
7. Ipadanas ang pananampalataya ng may
kagalakan.
“Huwag nating hayaan na
masira ang pamilyang
binuo ng pagmamahal.
Kailangang kumilos ang
lahat para ito ay ingatan
at ipaglaban.”

B b . R o s e l y n V. V i l l a g u a r d a
EsP 8
Langkaan II National High School

You might also like