You are on page 1of 3

ESP 7

IKALAWANG MARKAHAN

LEARNING COMPETENCIES:

5.1 Natutukoy ang mga katangian, gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob

Remembering:

1. Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr., ito ay isa sa mga mahahalagang sangkap na kung saan ay may
kakahayahang mag-isip, alamin ang diwa at buod ng isang bagay.
a. Isip
b. Kamay
c. Katawan
d. Puso
2. Ito ay may kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili ay tinatawag na?
a. Isip
b. Katotohanan
c. Kabutihan
d. Kilos-loob

Understanding

1. Analohiya
Isip: Katotohanan; Kilos-Loob: ________
a. Kabutihan
b. Kakayahan
c. Karunungan
d. Kasipagan
2. Analohiya
Pag-unawa: Isip; Pagkilos/Paggawa: _____________
a. Kamay
b. Katawan
c. Kilos-loob
d. Kalooban

Applying

1. Si Lina ay may natuklasang estudyanteng nambu-bully sa kanyang kaibigan, nais nya itong itama para
sa tunguhing makagawa ng kabutihan sa kanyang kapwa. Ano ang posibleng gawin ni Lina?
a. Papagalitan ni Lina ang estudyanteng nambu-bully
b. Ilalayo niya ang kanyang kaibigan at hindi na ito papapasukin
c. Hahayaan nalang ni Lina na solusyunan ito ng kanyang kaibigan
d. Sasabihin ito ni Lina sa kanyang guro para mabigyang aksyon ang pambu-bully ng isang
estudyante
2. Ilarawan ang

Analyzing

1. Sa anong sitwasyon maihahalintulad ang tunguhin ng isip na “katotohanan”?


a. Isiniwalat ni Elsa ang lahat ng kanyang nakita sa mga pulis
b. Hindi lubos matanggap ni Amor ang nangyari sa kanyang pamilya
c. Palaging nag-iimbestiga ang mga pulis sa krimeng nangyari sa Pamilyang Salvador
d. Lahat ng aking sinasabi ay totoo lamang

2. Bakit sinasabing “natatangi kang tao na nabubuhay sa mundong ito. Wala kang katulad at hindi ka
naulit sa kasaysayan”?
a. Dahil espesyal ako at may taglay na kakayahang nagpapabukod-tangi sa akin
b. Dahil mayroon akong kakayahang na wala sa iba
c. Dahil yan ang tingin nila sa sarili ko.
d. Dahil mahal ko ang sarili ko

Evaluating

1. Si Aiko ay natanggal sa trabaho sa dahilan na siya ay palaging late na dumadating sa opisina. Laking
galit ni Aiko sa kanyang boss at nag post ito sa social media patungkol dito ng hindi kaayun-ayon. Ano
sa tingin mo ang naging kilos o aksyon ni Aiko?
a. Tama lang ang ginawa ni Aiko, ipinagtanggol lang nya ang kanyang sarili
b. Hindi tama ang ginawa ni Aiko na ibuntong nya ang galit sa kanyang boss sa pamamagitan ng
social media
c. Tama. Nadala lang si Aiko sa kanyang emosyon kaya hindi niya napigilang magalit sa kanyang
boss
d. Naging padalos-dalos si Aiko sa kanyang mga aksyon na hindi nag-iisip ng sa ganun ay
maunawaan ang kanyang nagawa ring kasalanan
3. Naniniwala ka ba na ang puso ang bumabalot sa buong pagkatao ng tao? Bakit?
a. Oo, dahil nakakaramdam ito ng lahat ng bagay na nangyayari sa ating buhay
b. Oo, dahil dito hinuhubog ang personalidad ng tao
c. Hindi, dahil makikita ang pagkatao ng tao sa kabutihang nagagawa
d. Hindi, dahil wala itong kakayahang umunawa

Creating

1.

2.

5.2 Nasusuri ang isang pasyang ginawa batay sa gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob

Remembering:

7.2 Nasusuri kung nakikita sa mga gawi ng kabataan ang Kalayaan

Analyzing:

Ang mga sumusunod na kilos ay nagpapakita nang mapanagutang paggamit ng kalayaan


maliban sa:

a. Inilaan ni Anthony ang malaking bahagi ng kanyang buhay upang mapalawak ang
kanyang kaalaman at karunungan, alam niyang malaking bagay ang magagawa nito
upang maiahon niya ang kanyang pamilya sa kahirapan at upang maibahagi niya sa
lahat ang kanyang mga kakayahan.

b. Nasaktan ni Rebecca ang kanyang ina dahil sa kanyang pagsisinungaling dito.


Inihanda niya ang kanyang sarili sa magiging reaksyon ng kanyang mga kapatid sa
kanyang ginawa. Dahil dito siya na mismo ang gumawa ng paraan upang itama ang
kanyang pagkakamali kahit pa ito ay nangangahulugan na siya ay mapapahiya at
masasaktan.
c. Nasaksihan ni Rupert ang ginawang panloloko ng kanyang kapatid sa kanyang mga
magulang. Ang alam ng mga ito, pumapasok siya arawaraw sa paaralan ngunit sa halip
nagpupunta ito sa computer shop kasama ang mga barkada. Dahi alam niyang labis
na mapagagalitan ang kanyang kapatid hindi sinabi niya ito sa kanyang magulang dahil
ayaw niyang ito ay mapagalitan o masaktan.

d. Hindi lingid sa kaalaman ni Rachelle ang katiwalian na nagaganap sa loob ng kanilang


kompanya. Saksi siya sa pandaraya na ginagawa ng kanyang matalik na kaibigan sa
report ng kinita ng kompanya. Sa kabila nang pakiusap nito na manahimik na lamang
siya ay sinabi pa rin niya ito sa kanyang boss na naging dahilan ng pagkatanggal ng
kanyang kaibigan sa trabaho at pakakaroon ng kaso sa hukuman.

7.3 Nahihinuha na likas sa tao ang malayang pagpili sa mabuti o sa masama; ngunit ang kalayaan ay may
kakambal na pananagutan para sa kabutihan

You might also like