You are on page 1of 4

EsP

Quarter 1 – Week 1
Ang Mataas na Gamit at
Tunguhin ng Isip at
Kilos-Loob

LEARNING ACTIVITY
.
SHEETS (L.A.S) 10
Name: ____________________________________ Grade Level: 10 Score: __________
Subject: EsP 10 Teacher: Veronica P. Zafra Date: ___________
Type of Activity: Concept Notes Laboratory Individual Quiz
Exercise/Drill Art/Drawing Pair/Group Others
Lesson/Topic: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos- Loob Activity No: 1.1-2
Learning Target/s: 1.Natutukoy ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob.
2. Nakikilala ang kanyang kahinaan sa pagpapasya at nakagagawa ng mga
kongkretong hakbang upang malagpasan ang mga ito.
3. Napapatunayan na ang isip at kilos-loob ay ginagamit para lamang sa
paghahanap ng katotohanan at sa paglilingkod/pagmamahal.
4. Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang
mahanap ang katotohanan at maglingkod at magmahal.
Reference: Brizuela, M.J, Arnedo, P.J., Guevara, G., et.al. Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para
sa Mag-aaral (2014). FEP Printing Corporation, Setubal, Jessie S. et al., Marangal Edukasyon sa
Pagpapakatao 10, Ephesians Publishing Inc., pages 1-11.

Magandag umaga Grade 10! Kumusta? Ang tao ay natatanging nilikhang


nabubuhay sa mundo. Ano ba ang nagpapabukod-tangi sa tao sa ibang nilikhang
may buhay upang makamit niya ang layunin ng pagkakalikha sa kaniya bilang
tao? Sa kaniyang pag-iisip, pagpapasiya, at pagkilos, nagiging bukod-tangi ang
tao. Sa linggong ito ay ating tatalakayin ang mataas na gamit at tunguhin ng isip
at kilos- loob.

Ang tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos kaya’t siya ay tinawag na Kaniyang obra
maestro. Ang pagkakalikha ayon sa wangis ng Diyos ay nangangahulugan na ang tao ay may
mga katangiang tulad ng katangiang taglay Niya. Binigyan ng Diyos ang tao ng kakayahang
mag-isip, pumili at gumusto. Ang tao din ang nilalang na may likas na kaalaman tungkol sa
mabuti at sa masama. Ang kaniyang konsensiya ay indikasyon ng naturang orihinal na
katayuang ito.

Mga Kakayahang taglay ng Tao

I. Pangkaalamang Pakultad (knowing faculty)


Dahil sa panloob at panlabas na pandama at dahil sa isip kaya’t ang tao ay
nakauunawa, naghuhusga at nangangatuwiran.
Dalawang Kakayahan ng Tao

A. Panloob na Pandama- ito ay ang kamalayan, imahinasyon, memorya, at instinct.


a. Kamalayan- pagkakaroon ng malay sa pandama, nakapa- uunawa at
nakapagbubuod.
b. Imahinasyon- kakayahang lumikha ng larawan sa isip at palawakin ito.
c. Memorya- kakayahang kilalanin at alaalahanin ang nakalipas na
pangyayari o karanasan.
d. Instinct- kakayahang maramdaman ang isang karanasan at tumugon nang
hindi dumadaan sa katwiran.

B. Panlabas na Pandama- ito ay ang pandinig, pang- amoy, paningin, at panlasa.


Ang mga nabanggit ay nagiging dahilan upang ang tao ay magkaroon ng direktang
ugnayan sa reyalidad.
a. Pandinig- Ang tainga na ginagamit upang makadinig ng iba’t-ibang
klaseng tunog sa paligid.
b. Pang-amoy- Ang ilong na ginagamit upang maka-amoy katulad ng amoy
ng pabango o iba pang amoy sa ating paligid.
c. paningin- Ang mata na ginagamit upang makita ang mga bagay sa ating
paligid.
d. panlasa- Ang dila na ginagamit upang makalasa ng mga pagkain.

.
II. Pagkagustong Pakultad (appetitive faculty)
Dahil sa emosyon at dahil sa kilos-loob.
Ang tsart na nasa baba ay ang ispiritwal at materyal na kalikasan ng tao ayon kay
Esteban (1990).

Ang Kabuuang Kalikasan ng Tao


Kalikasan ng Tao Pangkaalamang Pakultad Pagkagustong
Pakultad
Materyal (Katawan) Panlabas at Panloob na Emosyon
Pandama
Ispiritwal (Kaluluwa, Isip Kilos- Loob
Rasyonal)

Nakaaalam ang tao hindi lang dahil sa kaniyang isip kundi dahil din sa kaniyang
pandama. Sa pamamagitan ng mga panlabas na pandama-, ang paningin, pandinig, pandama,
pang-amoy, at panlasa, nagkakaroon ang tao ng direktang ugnayan sa reyalidad. Ang
reyalidad ang siyang nagpapakilos sa kapangyarihan o kakayahang makaalam.

Ayon sa aklat, “Education ng Values” ni Esteban, ang isip ng tao ay may ispiritwal na
kakayahan, ang “intellect at will”. Makikita sa tsart na nasa baba ang pagkakaiba nila ayon sa
tunguhin nito.
Tunguhin Isip (intellect) Kilos- Loob (will)
Tungkulin (function) Mag-isip (to think) Isakilos (to act)
Hangarin/Layunin(Purpose) Malaman (to know) Pumili (to choose)
Kaganapan ng tao Ang katotohanan (truth) Kabutihan (goodness)
Highest Human Fulfillment Karunungan(wisdom) upang Kabutihan bilang birtud
umunawa (virtue) Pag-ibig (love)
Ang mga kakayahan na nagkakapareho sa hayop at tao ay ang pandama na siyang
pumupukaw sa kaalaman, ang pagkagusto na siyang pakiramdam at emosyon, at ang pagkilos
na siyang paggalaw. Bagama’t parehong taglay ng tao at hayop ang mga kakayahan, nagkakaiba
ang paraan kung paano ginagamit ang tatlong kakayahan.
Ang tao ay nagtataglay ng karunungan na wala ang ibang nilalang sa mundo. Ang
kaniyang karunungan ay bunga ng nahubog na isip at kilos-loob na batay sa katotohanan
sapagkat ang katotohanan ay inaalam sa tulong ng pag-iisip at akmang kilos-loob.
ANG ISIP NG TAO – ayon sa UP Diksiyonaryong Filipino 2010, ang isip ay
nangangahulugang pagkakaintindi sa isang bagay o pangyayari; sa tao o ibang malay na
nilalang, ang elemento, bahagi, buod, o proseso na nakapangangatuwiran,
nakapagbubulay,nakababatis, at iba pa.
ANG KILOS – LOOB NG TAO – tumutukoy sa kapangyarihan ng taong kumilos o hindi
kumilos ayon sa determinasiyon ng loob (kalayaan sa pagkilos o freedom of action at
pananagutang moral o moral responsibility).
1. Piniling gawi o Kilos: Hindi mapagpapasiyahan ng tao ang kaniyang gawi o kilos
hangga’t hindi niya nauunawaan ang kalikasan ng isang partikular na sitwasiyon.
2. Intensiyon: Ang intensiyon ay tumutukoy sa layuning maitama ang isang baluktot
na kilos. Ang isang mabuting intensiyon ay nagbubunga ng mabuting aksiyon.
3. Kinalabasan ng gawi o kilos: Ang paglinang sa kakayahang magnilay bago
magsagawa ng kilos ay nagbubungsod ng paggawa ng tama. Ang kilos na pinag-
isipan ay nagbubunsod ng kabutihan para sa karamihan. Sa pamamagitan ng kilos-
loob, ang tao ay lumalayo sa masama at mararawal na gawi, pag-iisi, kilos, at iba
pa. Mas pinipili niya ang mabubuting gawi, pag-iisip, kilos, at iba pa.
Isip Kilos- Loob
Kakayahan a. may kakayahang magnilay o magmuni- a. Pumili, magpasiya at
muni isakatuparan ang pinili
b. nakauunawa b. Naaakit sa mabuti at
c. may kakayahang Mag-abstraksiyon lumalayo sa masama
d. makabubuo ng kahulugan at kabuluhan
ang bagay
Gamit at Tunguhin a. humanap ng impormasiyon a. Malayang pumili ng
b. umisip at magnilay sa mga layunin at gustong isipin o gawin
kahulugan ng impormasiyon b. Umasam maghanap.
c. sumuri at alamin ang dahilan ng Mawili, humilig sa
pangyayari alamin ang mabuti at masama, anumang nauunawaan ng
tama at mali, at ang katotohanan isip
c. Maging mapanagutan sa
pagpili ng aksiyong
makabubuti sa lahat

MATAAS NA GAMIT NG ISIP AT KILOS-LOOB


Makapangyarihan ang isip ng tao. Sa pamamagitan ng iyong pagsagot sa mga tanong sa
bawat argumento ay nagamit mo ang iyong isip sa matas na paraan. Sa pamamagitan ng pagsaalang-
alang mo sa mga etikal at moral na isyu sa pagsagot sa mga tanong, nagamait mo ang iyong kilos-
loob.

MAGSANAY KA
Panuto: Basahin ang bawat pangungusap na nasa baba. Isulat and I kung ang
pangungusap ay nagpapahayag tungkol sa isip at KL naman kung kilos-loob.

_______1. Naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama.


_______2. May kapangyarihang umunawa ng kahulugan ng mga bagay.
_______3. Kawangis ng Diyos ang tao dahil sa kakayahan niyang makaalam.
_______4. Maaaring piliin ng tao na gawin ang mabuti.
_______5. Pagkalap ng kaalaman at karunungan upang makaunawa.
_______6. Nagbibigay ng kapangyarihan sa tao na gumawa at pumili.
_______7. Kawangis ng Diyos ang tao dahil sa kakayahan niyang magpasiya.
_______8. Ang tao ay may kakayahang alamin ang diwa at buod ng isang bagay.
_______9. May kapangyarihan ang taong mangatuwiran.
_______10. Ang paggawa ng kabutihan tungo sa pagpapaunlad ng pagkatao

PAGNILAYAN MO
Bumuo ng isang sanaysay hinggil sa napapanahong isyu tungkol sa diborsiyo sa Pilipinas.
Ano ang iyong pananaw o reaksiyon sa pagpapatupad o pagpapasa ligal ng “Divorce Law” sa
Pilipinas? Pumapayag ka ba o tumututol na gawing ligal ang diborsiyo sa Pilipinas?
Ipaliwanag ang iyong sagot.

Reflection
Happy is the man who finds wisdom, and the man who gains
understanding.
- Proverbs 3:13, NKJV
Bumuo ng repleksiyon kaugnayan sa pahayag sa itaas.

You might also like