Professional Documents
Culture Documents
Mga Layunin:
a. Nakikilala ang dalawang uri ng kilos ng tao.
b. Nakapagsusuri ng mga kilos na may pananagutan.
c. Naipaliliwanag ang sariling kilos na dapat panagutan
SUSING KONSEPTO
● Ang kilos ng tao (act of man) ay tumutukoy sa mga kilos na nagaganap sa tao.
● Ito ay likas sa tao at hindi na ito ginagamitan ng isip at kilos-loob. Tandaan, ito ay hindi na
ginagamitan ng isip at kilos-loob.
● Ito ay walang aspekto ng pagiging mabuti o masama.
● Ang makataong kilos (human act) ay kilos na isinasagawa ng tao nang may
kaalaman, malaya at kusa.
● Ang kilos na ito ay resulta ng kaalaman, ginagamitan ng isip at kilos-loob kaya’t
may kapanagutan ang tao sa pagsasagawa nito.
● Ang makataong kilos ay kilos na malayang pinili mula sa paghuhusga at pagsusuri ng
konsensiya.
● Ito ay sinadya at niloob ng tao gamit ang isip, kaya pananagutan ng taong
nagsagawa ng makataong kilos ang bunga ng kanyang piniling kilos o ang kahihinatnan
nito (kabutihan o kasamaan). Kung mabuti ang kilos ito ay katanggap-tanggap, at kung
masama ang kilos, ito ay kahiya-hiya at dapat pagsisihan.
3. Walang kusang loob. Dito ang tao ay walang kaalaman kaya’t walang pagsang-ayon sa
kilos. Ang kilos na ito ay hindi pananagutan ng tao dahil hindi niya alam kaya’t walang
pagkukusa.
Halimbawa: May kakaibang ekspresyon si Dan sa kanyang mukha. Madalas ang
pagkindat ng kanyang mata. Minsan sa kanyang pamasmasyal ay may lumapit na dalaga
at nagalit sa kanyang pangingindat. Nagulat siya dahil nabastos niya nang hindi
sinasadya ang dalaga. Hindi humingi ng paumanhin si Dan dahil iyon ay isang
manerismo niya.
TANDAAN:
Ang pananagutan ay nararapat na may kaalaman at kalayaan sa piniling kilos upang
masabing ang kilos ay pagkukusang kilos (voluntary act). Ang bigat ng pananagutan sa
kinahaharap na sitwasyon ng isang makataong kilos ay nakabatay sa bigat ng kagustuhan o
pagkukusa. Kung mas mataas ang digri ng pagkukusa, mas mabigat ang pananagutan. Kung
mas mababa ang digri ng pagkukusa, mas mababaw ang pananagutan.
Gawain 1
A. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang
pinakaangkop na sagot at isulat ang titik ng iyong napiling sagot sa iyong kuwaderno.
1. Ang mga hindi mo namamalayang galaw ng iyong katawan gaya ng paghikab, reaksiyon sa
pagkagulat o pagkurap ng mata ay mga halimbawa ng ______.
a. Kilos ng tao
b. Di kusang-loob
c. Kusang-loob
d. Nakasanayang kilos
2. Paano mailalarawan ang kusang-loob na kilos ayon kay Aristotle?
a. Ang kilos ay nagpapakita ng kaalaman tungkol sa gawain at pagsang ayon
b. Ang kilos ay hindi isinagawa bagaman may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan
c. Ang kilos ay walang pagsang-ayon dahil walang kaalaman ang taong nagsasagawa dito
d. Ang kilos ay resulta ng bulong ng konsensiya
3. Nakapulot si Elsa ng bag na naglalaman ng pera. Alam niyang hindi niya dapat buksan ito
dahil hindi niya pag-aari pero nagbabasakali siyang makakita ng pagkakakilanlan ng may-ari ng
bag. Sa sitwasyong ito, alin ang maituturing na makataong kilos?
a. Ang pagkapulot niya ng bag na naglalaman ng pera
b. Ang pagbukas niya sa bag para malaman ang pagkakakilanlan ng may-ari
c. Alam niyang mali na buksan ang bag na hindi niya pag-aari
d. Nagbabasakaling makilala ang may-ari ng bag
4. Buong husay na ginagawa ni Elmer ang kaniyang mga proyekto sa lahat ng kaniyang
asignatura. Alam niyang mataas na grado ang katumbas nito at tiyak na ikatutuwa ng kaniyang
mga magulang. Bakit kusang-loob na uri ng kilos ang nasa sitwasyon?
a. Maliwanag sa halimbawa na kusa at may lubos na kaalaman si Elmer sa ginagawa niya
b. Maliwanag na hindi niya namamalayang nagagawa pala niya nang maayos ang kaniyang
proyekto
c. Maliwanag na hindi niya ginusto ang kaniyang ginagawa dahil lamang sa kagustuhan niyang
matuwa ang kaniyang mga magulang
d. Ang sitwasyon ay hindi nagpapakita ng kusang-loob na uri ng kilos kundi ito ay walang
kusang-loob
5. Ikaw ay laging tumutugon sa tawag ng komunidad sa panahon ng pangangailangan,
sinisiguro mong kahit na maliit na bagay ay may maitutulong ka sa inyong lugar. Sa gawaing
tulad nito, may kapanagutan ka ba sa kahihinatnan ng iyong kilos? Bakit?
a. Wala, dahil hindi masama ang layunin o intensiyon ng pagtulong
b. Wala, dahil kusa kong ginawa ito at walang pumilit
Gawain 2
Panuto: hanapin sa hanay B ang tamang kasagutan para sa hanay A. Isulat ang titik
lamang.
A B
1. Makataong Kilos a. Ito ay walang aspekto ng pagiging mabuti o masama.
2. Kilos ng Tao b. kilos na isinasagawa ng tao nang may kaalaman, malaya at kusa.
REPLEKSIYON
2
makataong kilos (human act) ay kilos na isinasagawa ng tao nang may kaalaman,
t kusa.
kilos ng tao (act of man) ay tumutukoy sa mga kilos na nagaganap sa tao. Ito ay
spekto ng pagiging mabuti o masama.
ang kusang loob. Dito ang tao ay walang kaalaman kaya’t walang pagsang-ayon sa