You are on page 1of 17

10

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan–Modyul 5:
Mga Yugto ng Makataong Kilos
Subject – EsP 10 na Baitang
Ikalawang Markahan – Modyul 5: MGA YUGTO NG MAKATAONG
KILOS Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Adilene P. Mejos
Editor: Phelma O. Camacho, Cora C. Amaro
Tagasuri: Leah A. Pana
Tagaguhit: Vergel O. Villamil
Tagalapat: Angelica M. Mendoza
Tagagawa ng Template:Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala: Reynaldo M. Guillena
Alma C. Cifra
Aris B. Juanillo
Lydia V. Ampo

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Davao City


Office Address: DepEd Davao City Division, Elpidio Quirino Ave., Davao City
Telefax: 224-3274
E-mail Address: davaocity.division@deped.gov.ph
10

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan–Modyul 5:
Mga Yugto ng Makataong Kilos
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-
aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay
sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng


mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya
ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa
bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit
pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi
ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila
ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa
kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin Natin

Noong ikaw ay nasa Baitang 7, tinalakay ninyo ang tungkol sa paggawa ng


mabuting pagpapasiya. Naaalala mo pa ba ito? Ang mabuting pagpapasiya ay isang
proseso kung saan malinaw na nakikilala o nakikita ng isang tao ang pagkakaiba-iba
ng mga bagay-bagay. Ito ay mahalaga sapagkat dito nakasalalay ang ating pagpili.
Ang makataong kilos naman ay kilos na ginagawa at gagawin ng isang tao na
nakakaapekto hindi lamang sa kanyang sarili ngunit maging sa iba. Ito ay ang
makapagpasiya nang may presensiya ng kabutihan sa gitna ng mga isyung moral at
impluwensiya ng kapaligiran. Sa gitna ng tukso na gawin ang mali pinapahalagahan
pa rin ng tao ang paggawa ng tama at pagpapasiyang gawin ang mabuti. Ang
kabutihang loob ay may malaking ginagampanan o impluwensiya upang masabi na
makataong kilos ang ginagawa ng isang tao.

Ang modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na


kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:

1.Naipaliliwanag ang bawat yugto ng makataong kilos. (EsP10MK-lIe-7.1)

2.Natutukoy ang mga kilos at pasiyang nagawa na umaayon sa bawat yugto


ng makataong kilos.(EsP10MK-lIf-7.2)

Subukin Natin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang titik ng tamang
sagot. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

1. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, ano ang dalawang kategorya na


bumubuo sa 12 yugto ng makataong kilos?

A. Isip at Kilos Loob C. Paghuhusga at Pagpili


B. Intensiyon at Layunin D. Sanhi at Bunga

2. Habang naglalakad sa mall si Amihan ay nakakita siya ng relos. Matagal na


niyang gustong magkaroon ng ganoong klaseng relos. Tumigil siya sandali at
nag-isip kung saan siya kukuha ng pera upang mabili ito. Nasa anong yugto ng
makataong kilos si Amihan?

A.Intensiyon ng layunin C. Pagkaunawa sa layunin


B.Nais ng layunin D. Praktikal na paghuhusga sa pagpili
3. Gamit ang halimbawa sa bilang 2. Pinag-isipan ni Amihan ang iba’t ibang
paraan upang mabili niya ang relos? Hihingi ba siya ng pera sa kaniyang
magulang, mag-iipon, o magnanakaw ng pera upang mabili ito. Nasaan na
kayang yugto ng kilos si Amihan?

A.Intensiyon ng layunin C. Paghuhusga sa nais makamtan


B.Pagkaunawa sa layunin D. Masusing pagsusuri ng paraan

4. Bakit kailangang isaisip at timbangin ang mabuti at masamang naidudulot ng


pasiya?

A.Dahil ito ay magsisilbing gabay niya sa pang-araw-araw na buhay


B.Dahil ito ay makatutulong sa tao upang magkaroon siya ng mabuting kilos
C.Dahil ang bawat kilos ay may batayan, dahilan, at pananagutan
D.Dahil ito ay nagdudulot sa tao ng kasiguruhan sa kaniyang pagpili

5. Anong yugto ng makataong kilos na may pagkaunawa sa kaniyang


isinasagawang kilos?

A. Pagpili B. Utos C. Bunga D. Paggamit

Aralin Natin

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag. Gumuhit ng larawan mula


sa nakasulat na kataga. Gawin ito sa sagutang papel.
1.
Ako ba ay susunod sa utos ng magulang?

2.
Nag-iisip kung papasok sa paaralan.

3.
Makikinig ba sa itinuturo ng guro.

4.
Gagawa ka ba ng takdang aralin?

5.
Kukuha ng pera sa pitaka ni tatay
Bahagi ng buhay ng tao ang magsagawa ng pasiya. Ito ay madalas mong
ginagawa sa iyong pang-araw-araw na buhay. Kung tatanungin kita, mula sa iyong
iba’t ibang karanasan ng pagsasagawa ng pasiya, masasabi mo bang madali ang mga
ito para sa iyo? Ito ba ay nakapagdulot sa iyo ng tagumpay o kabiguan? Ito ba ay
nagpapakita ng makataong kilos? Ngayon ay inaanyayahan kitang balikan mo ang
bawat sitwasyon kung saan gumawa ka ng pagpapasiya. Isipin mong mabuti kung
ano-ano ang mga ito mula sa pinaka-simple at pinakamahirap na pasiya. Ngayon ano
ang masasabi mo rito? Nakatulong ba ito sa iyo upang ikaw ay lalong maging isang
mabuting tao? Ito ba ay nakabatay sa pinakahuling layunin ng tao na makapiling ang
Diyos sa kabilang buhay.

Sa yugto ng iyong buhay ngayon, napakahalaga na dumaan ka sa proseso


bago ka magsagawa ng pagpapasiya. Makatutulong sa iyo ang proseso ng pakikinig
(listening process). Ito ay isang malalim na pagka-unawa gamit ang tamang
konsensiya. Ito rin ang magsisilbing gabay sa mga sitwasyon na kinakaharap mo sa
ngayon at mula rito matutuhan mo na ang moral na pagpapasiya ay isang kakayahan
na may malaking kontribusyon sa anomang moral na dilemma.

Napagnilayan mo ba na ang bawat pangyayari sa iyong buhay ay bunga ng


iyong pagpapasiya? Tulad ng isang nagmamaneho ng sasakyan, siya ang may hawak
ng manibela at siya ang nagdadala kung saang direksiyon niya nais na pumunta.
Gayundin ang tao, ang bawat kilos at pasiya na kaniyang gagawin ay may epekto sa
kaniyang sarili at kapuwa kung kaya’t kailangan na ito ay isagawa nang maingat gamit
ang talino na ibinigay ng Diyos. Kung iyo lamang titingnang mabuti sa bawat araw na
nagsasagawa ka ng kilos, may mga kilos na hindi mo kailangang pag-isipan tulad ng
paghinga, pagbahing kung ikaw ay sinisipon, paglakad at iba pa. Ngunit mayroon ka
ring mga kilos na kailangan mong pag-isipan at pagnilayan tulad halimbawa ng kung
papasok ba sa paaralan, makikinig ba sa tinuturo ng guro, kakain ba ng almusal bago
pumasok, susunod ba sa utos ng magulang, gagawa ba ng takdang-aralin, at marami
pang iba. Ang mga ito ay kailangan ng maingat na pagtitimbang sa kung ano ang
dapat piliin at kung anong kilos ang dapat gawin. Mahalaga na makita mo kung ang
pipiliin mo ba ay nakabatay sa makataong kilos.

May pagkasunod-sunod (sequence) ang pagsasagawa ng makataong kilos. Para


kay Sto. Tomas de Aquino, may 12 yugto na nahahati sa dalawang kategorya ito ang isip
at kilos-loob. Kung ang isang tao ay nagsasagawa ng madaliang pagpapasiya, hindi siya
nagiging mapanagutan; bagkus nagiging pabaya siya sa anomang kalalabasan nito. Ano
nga ba ang makataong kilos? Ito ay tumutukoy sa mga kilos na gumagamit ng pagkukusa,
kalayaan at kaalaman ng isang tao. Dahil dito, ang tao ay nagiging responsable para
sa mga kilos na ito maging maganda ang kalalabasan nito.

Mapapansin mo na sa bawat oras at araw, ikaw ay nagsasagawa ng


pagpapasiya, Naging madali ba ito sa iyo? Napansin mo ba ang naging epekto nito
sa iyo at sa iyong kapwa? Mas mabuti kung ang bawat pasiya ay nakabatay sa yugto
ng makataong kilos

Tara na! Simula na nating alamin ang mga yugto ng makataong kilos.

Ang makataong kilos ay ang masusing pagninilay bago isagawa ang pagpili. Hindi ito
madali dahil kailangan itong pag-aralang mabuti at timbangin ang bawat panig ng mga
bagay-bagay upang makita kung alin ang mas makabubuti dahil dito nakasalalay ang
anomang maaaring kahinatnan ng iyong pagpapasya.

Ano nga ba ang isip? Ito ay may kakayahang makaunawa, maghusga at mangatwiran.
Ano naman ang kilos-loob? Ito ay naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama. Ang ibig
sabihin na sa ating ginagawang pagpapasiya ay maraming bagay tayong dapat na
isinasaalang ng sa ganoon wala tayong pagsisihan. Naririto ang mga yugto ng
makataong kilos ni Sto. Tomas de Aquino. Ang isip at kilos-loob na gumagabay sa
ating pagpapasiya. Kung daraan ang tao sa mga yugtong ito tiyak na magiging mabuti
ang kalalabasan ng kaniyang isasagawang kilos.

ISIP KILOS-LOOB
1. Pagkaunawa sa layunin 2. Nais ng layunin
3. Paghuhusga sa nais 4. Intensyon ng layunin
makamtan
5. Masusing pagsusuri ng 6. Paghuhusga sa paraan
paraan
7. Praktikal na paghuhusga sa 8. Pagpili
pinili
9. Utos 10. Paggamit
11. Pangkaisipang 12. Bunga
kakayahan ng layunin
Paano gagamitin ang yugtong ito? Narito ang halimbawa.

Sitwasyon:

Nakakita si Mira ng isang bagong LV bag sa SM. Ang kaniyang matalik na kaibigan
ay mayroon na nito.

Suriin natin ang paglalapat ng makataong kilos sa sitwasyon ito.

1. Pagkaunawa sa layunin– Matagal na niyang nais na magkaroon ng bagong


signature bag noon pa man.

2. Nais ng layunin- Ang unang reaksiyon ni Mira ay ang pagkakaroon ng


pagnanasa nito. Dito siya ay nag-isip kung saan kukuha ng perang pambili.

3. Paghuhusga sa nais makamtan- Ito ang nais ng kanyang kalooban, ang


magkaroon ng bagong signature bag.

4. Intensiyon ng layunin- Hanggang ngayon ay wala pa ring kalayaan si Mira na


pumili sapagkat ang kaniyang kilos-loob ay likas na tumatanggap lamang kung
ano ang mabuti na sinasabi ng kaniyang isip. Mayroon siyang sapat na pera
para sa kaniyang pag-aaral. Kailangan niyang pumili bilhin ang (signature), bag
o ipangtustos ang pera sa pag-aaral. Dito, kung itinigil niya ang ideya na bilhin
ang bag natatapos na ang moral na kilos ngunit kung nag-iisip pa siya ng ibang
paraan upang mabili ito ang moral na kilos ay nagpapatuloy

5. Masusing pagsusuri ng paraan- Ang pagsusuri ng paraan na kaniyang


gagawin ay nagpapatuloy at ang pagsang-ayon niya sa mga nasabing
pagpipilian.

6. Paghuhusga sa paraan. – Dito ay huhusgahan na niya kung alin ang


pinakamabuti. Pagbabayad sa kabuoang halaga, pagbabayad paunti-unti, o
pagnanakaw, at huhusgahan niya ang pinakamabuti sa lahat.
7. Praktikal na paghuhusga sa pinili- Ang isip ay kasalukuyang pumipili ng
pinakamabuting paraan.

8. Pagpili- Dito ay pumapasok na ang malayang pagpapasiya na kung saan ang


kaniyang isip ay nag-uutos na bilhin ang nasabing bag.

9. Utos- Matapos niyang itong bilhin ay ginamit na niya ito agad.

10. Paggamit – Ngayon ay mauunawaan niya kung angkop ba ang kaniyang


isinigawang kilos.

11. Pangkaisipang kakayahan ng layunin – Ngayon ay ikatutuwa niya ang


pagtatamo niya ng bag.

12. Bunga – Ito ang resulta ng kaniyang pinili.

Gawin Natin
Sa bawat araw o oras tayo ay nagpapasiya. Ang bawat kilos at pasiya na ating
gagawin ay may epekto sa ating sarili at kapuwa kung kaya’t kailangan na ito ay
isagawa nang maingat at nakabatay sa makataong kilos. Panuto: Basahin at
unawaing mabuti ang situwasyon sa bawat bilang.
Isulat kung anong yugto ng makataong kilos ito.

SITWASYON YUGTO
1. Matagal na nais ni Marie ng bago at
magandang cellphone pero mas pinili
niya na gumamit ng cellphone na
ginamit ng kaniyang kuya dahil alam
niyang hindi ito importante,
2. Nais ni Mario na bumili ng bagong
bike na magagamit niya sa kaniyang
pagpasok sa paaralan. Humanap
siya ng paraan para bilhin ito kaya
nag part-time job sa isang restaurant.
Ibig sabihin ninais talaga niya ang
kaniyang layunin na bumili ng bike
kaya siya nagtrabaho.
3. Alam ni Perina na may pagsusulit sila
kinabukasan ngunit pinili niya na
sumama sa kaniyang kaibigan na
mag party kaysa mag-aral ng
kaniyang leksiyon kaya sa araw ng
pagsusulit mababa ang iskorna
kaniyang nakuha.
4. Masayang binahagi ni Lira kay Lila
Sari na ang matagal na gusto niyang
kuwintas ay nabili na niya. Matagal-
tagal din na panahon na ito ay
kaniyang pinag-ipunan at sa wakas
ay nabili na niya.

Sanayin Natin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sitwasyon sa bawat bilang. Isulat ang
paliwanag sa inyong sagutang papel.

Sitwasyon A

Habang naglalakad si Danaya sa tiangge ay nakakita siya ng blusa. Matagal


niyang gustong bumili ng bagong blusa. Siya ay nag-isip kung saan siya kukuha ng
pera para mabili niya ito. Nasa anong yugto ng makataong kilos si Danaya? Bakit?
Ipaliwanag.
Sitwasyon B
Naiwan ng isang pasahero ang pitaka niya sa taxi na may malaking halaga. Ayon
sa drayber ito ang sagot sa kanyang problema sa pera pero napagtanto niya na isauli
na lamang ito. Anong yugto ng makataong kilos ang ginawa ng drayber.? Bakit?
Ipaliwanag.

Tandaan Natin

Ang bawat kilos ng isang tao ay may dahilan, batayan, at pananagutan. Sa


anumang isasagawang pasiya, kinakailangang isaisip at timbangin ang mabuti at
masamang idudulot nito. Ang mabuting pagpapasiya ay isang proseso kung saan
malinaw na nakikilala o nakikita ng isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga bagay-
bagay. Ito ay mahalaga sapagkat dito nakasalalay ang ating pagpili.

Mahalaga na makita mo kung ang pipiliin mo ba ay nakabatay sa makataong


kilos. Maaring hindi tayo palaging may kamalayan sa mga yugtong ito o sa
pagkakasunod-sunod nito, ngunit mahalagang malaman ang bawat yugto upang
maging gabay sa bawat kilos sa araw-araw na buhay. Kailangan ng masusing
pagninilay bago isagawa ang pagpili. Hindi ito madali dahil kailangan itong pag-
aralang mabuti at timbangin ang bawat panig ng mga bagay-bagay upang makita kung
alin ang mas makabubuti dahil dito nakasalalay ang anumang maaaring kahinatnan
nito.
Suriin Natin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem at piliin ang titik ng tamang
sagot. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang may mahalagang papel sa makataong kilos?


A. Emosyon B. Kilos-Loob C. Saloobin D. Tiwala

2. Anong uri ng kategorya na kung saan may paghuhusga sa pinakamabuting


gagawing desisyon.
A. Kilos-Loob Paghuhusga as paraan
B. Isip/Utos
C. Kilos-Loob/Pagpil
D. Isip/Pagkaunawa as layunin

4. Bakit kailangang mabigyan ng sapat na panahon sa


pagpapasiya ang tao?
A. Upang magsilbing gabay sa buhay
B. Upang magsilbing paalala sa mga gagawin
C. Upang magkaroon ng sapat na pamantayan sa pipiliin
D. Upang mapagnilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili

5. Ang sumusunod ay yugto ng makataong kilos maliban sa:


A. Bunga
B. Masusing pagsusuri ng paraan
C. Tiwala
D. Paggamit

6. “May kalayaan ang bawat isa sa anomang gugustuhin niyang gawin sa


kaniyang buhay” Ang mga katagang ito ay winika ni:
A. Fr. Neil Sevilla
B. St. Thomas Aquinas
C. Dr. Manuel Dy
D. Fr. Roque Ferriols

Payabungin Natin
Panuto:

1. Mag-isip ng mga sitwasyon sa iyong buhay na hindi mo makalimutan. Isulat


kung paano ka nagpasiya at nagpakita ng makataong kilos sa bawat sitwasyon.
2. Punan ang hanay sa ibaba. Gabay mo ang halimbawa.
3. Isulat sa iyong sagutang papel.
Sitwasyon sa buhay Kilos na Epekto ng Mga
na nagsagawa ng isinagawa isinagawang reyalisasyon o
pasiya pasiya napagtanto
1.Hal. Hindi sumama Nakauwi ng Ang napagtanto
Niyaya ka ng at pinili na maaga at ko na nakaiwas
kaibigan mo na umuwi na nakatulong sa ako na malulong
mag-inuman lamang gawaing bahay sabisyo at
napasaya ko pa
aking mga
magulang dahil
hindi ako naging
pasaway.
2.

3.

Pagnilayan Natin

Panuto: Isulat ang mga mahahalagang repleksiyong nakuha mo mula sa aralin sa


pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod na tanong. Isulat ito sa inyong sagutang
papel.

a. Ano ang iyong naramdaman nang balikan at suriin mo ang pagpapasiya at


pagkilos na isinagawa mo ng mga nagdaang araw?
b. Ano-ano ang iyong natuklasan sa pagtala mo ng iyong mga pasiya at kilos na
nagpakita ng mga negatibong katangian?
c. Ano-ano mga yugto ng makataong kilos na nahinuha mo dito?
d. Bilang isang kabataan, mahalaga ba na ang bawat pagpapasiya ay umaayon
sa bawat yugto ng makataong kilos? Ipaliwanag.
13
Subukin Natin Suriin Natin
1. A 1. A
2. B 2. C
3. A 3. C
4. C 4. C
5. D 5. a
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

• Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral (2015). FEP Printing


Corporation Department of Education- Instructional Materials Council
Secretariat, DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
• Mendoza G. (2013) Paglalakbay ng May Mabuting Asal Edukasyon sa
Pagpapakatao, KLEAFS Publishing Inc., Block 609 Lot 3 Phase Heritage
Homes Loma de Gato Marilao, Bulacan
• https://www/scribd.com/document/Esp10-modyul14
• https://www/slideshareapp.c
• https://www.slideshare.net(Sept. 24, 2020)
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Region XI Davao City Division

DepEd Davao City, Elpidio Quirino Ave., Davao City

Telefax: 224-3274

Email Address: davaocity.division@deped.gov.ph

You might also like