You are on page 1of 13

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
DIVISION OF CITY SCHOOLS – MANILA
Manila Education Center Arroceros Forest Park
Jose Abad Santos High School

EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO 10

Sa Moral na Pagpapasya,
Huwag Padalos-dalos!

Ikalawang Markahan Ika-anim na Linggo Modyul 6

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto


Naipapaliwanag na ang bawat yugto ng makataong kilos ay kakikitaan ng
kahalagahan ng deliberasyon ng isip at kilos-loob sa paggawa ng moral na
pasya at kilos.
Nakapagsusuri ng sariling kilos at pasya batay sa mga yugto ng makataong
kilos at nakagagawa ng pano upang maitama ang kilos o pasya.

0
PAANO GAMITIN ANG MODYUL NA ITO

Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat ng inyong
pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag-aaral gamit
ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba para makamit
ang layunin sa paggamit nito.
 Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na ito.
 Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong kwaderno.
Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong matatandaan ang
mga araling nalinang.
 Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
 Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
 Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman ang antas
ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung maykakailanganin
ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinangang aralin. Lahat
ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na gawain.
 Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

MGA BAHAGI NG MODYUL

 Inaasahan - ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan pagkatapos


makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
 Unang Pagsubok - ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong kaalaman
at konsepto na kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
 Balik-Tanaw - ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating kaalaman at
kasanayang nalinang na.
 Maikling Pagpapakilala ng Aralin - dito ibibigay ang pangkalahatang ideya ng
aralin.
 Gawain - dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may kapareha.
 Tandaan - dito binubuo ang paglalahat ng aralin.
 Pag-alam sa mga Natutuhan - dito mapatutunayan na natutuhan mo ang bagong
aralin.
 Pangwakas na Pagsusulit - dito masusukat ang iyong antas ng pagkatuto sa
bagong aralin.

1
INAASAHAN

Sa modyul na ito, inaasahang maipapamalas ang sumusunod:

1. Naipaliliwanag ang bawat hakbang sa moral na pagpapasya.


2. Natutukoy ang mga deliberasyon ng isip at kilos-loob sa moral na pagpapasya.
3. Nakapagsusuri ng mga moral na pagpapasyang gagawin gamit ang isip at kilos-loob.

UNANG PAGSUBOK

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Kung ikaw ay magsasagawa ng pasiya, ano kaya ang pinakahuling hakbang na iyong gagawin?
A. Tingnan ang kalooban C. Maghanap ng ibang kaalaman
B. Umasa at magtiwala sa Diyos D. Isaisip ang mga posibilidad
2. Alin sa mga sumusunod ang unang dapat gawin hakbang sa moral na pagpapasiya?
A. Maghanap ng ibang kaalaman
B. Isaisip ang posibilidad
C. Magkalap ng patunay
D. Tingnan ang kalooban
3. Ano ang dalawang kategorya na bumubuo sa 12 yugto ng makataong kilos ayon kay Sto.Tomas
de Aquino.
A. Sanhi at bunga
B. Paghuhusga at Pagpili
C. Intensyon at Layunin
D. Isip at Kilos Loob
4. Upang maging epektibo ang moral na pagpapasya, kailangang dumaan ito sa ____________.
A. pagsubok C. esksperto
B. proseso D. pagsuri
5. Ang mabuting pagpapasya ay batay sa ___________________________.
A. pagpili ng paraan C. desisyon ng matalinong tao
B. impormasyon o datos D. opinyon ng eksperto
6. Upang hindi mo makaligtaan ang maaaring pinakaepektibong solusyon sa
problema , dapat mong_______________________.
A. suriin ang posibilidad C. piliin ang angkop na posibilidad
B. tukuyin ang posibilidad D. wala sa nabanggit

2
7. Sa pagpapapasya, hindi sapat na gawin mo lamang batayan ang mga impormasyon. Kailangan
mo ring ____________________.
A. konsultahin ang eksperto
B. isaalang-alang ang iyong kalooban
C. pakinggan ang payo ng mga kakilala
D. wala sa mga nabanggit
8. Ang taong dumaranas sa 12 na yugto ng pagpapasya ay nagiging ________.
A. mapanagutan C. matalino
B. epektibo D. matiyaga
9. Bago piliin ang tamang paraan ng kilos, alin ang dapat munang gawin?
A. Masusing suriin ang mga paraan
B. Husgahan ang mga paraan
C. Paggawa ng praktikal na paghuhusga sa pinili
D. Pahat ng nabanggit.
10. Ang hakbang sa moral na pagpapasya ay nagtatapos sa_________________.
A. paghingi ng tulong sa Diyos C. pagsuri sa kalooban
B. paggawa ng pasya D. wala sa nabanggi

BALIK-TANAW

Panuto: Basahin ang maikling kwento. Pagkatapos, sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang
sagot sa papel.

Ang Matalinong Paghuhusga ni Haring Solomon ay mula sa Bibliya ng Hebrew at kilala


na sabay nagsilang ng sanggol at ang isa ay namatay. Ngayon bawat ina niya ang
kanyang kawal na kumuha ng espada at hatiin sa dalawa ng sanggol at ibigay ang kalahati
ng sanggol sa bawat babae. Sa ganitong paraan nalaman niya kung sino talaga ang ina ng
sanggol dahil ang isa ay pumayag na hatiin ang bata at ang tunay na ina na nagmamahal
sa anak ay ayaw mamatay ang anak at sinabing ibigay na lamang sa babae ang
sanggol.kaya ibinigay ni Haring Solomon sa totoong ina ang sanggol.Dahil dito humanga
ang mga Israelita sa talino ni Haring Solomon.
https://images.app.goo.gl/iEc8TG9wB8csFvmR7

https://en.mwikepedia.org/wiki/Judgment_of_Solomon#:~:text=The%20Judgment%20of%Solomon%20is,each%20woman%20to%20receive%20half.

Tanong: Natatandan ninyo ba ang kuwento ng “Matalinong Hari na si King Solomon?”


Paano kaya tayo magigigng maingat sa bawat moral na pagpapsya na ating gagawin sa
buhay gamit ang ating isip at kilos-loob?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

3
MAIKLING PAGPAPAKILALA SA ARALIN

Bahagi ng buhay ng tao ang magsagawa ng pasiya. Ito ay


madalas mong ginagawa sa iyong pang-araw-araw na buhay. Kung tatanungin kita, mula
sa iyong iba’t-ibang karanasan ng pagsasagawa ng pasiya, masasabi mo bang madali
ang mga ito para sa iyo? Ito ba ay nakakapagdulot sa iyo ng tagumpay o kabiguan?
Dapat nating isaisip sa bawat kilos at desisyong ating gagawin ay may epekto
sa kanyang sarili at sa kanyang kapwa, kung kaya’t kailangan ito isagawa ng maingat
gamit ang talino na kaloob ng Diyos.
https://images.app.goo.gl/3cGTKyvDcJAQTU7H9

ARALIN 1: Moral na Pagpapasiya


Mga Layunin
1. Nalalaman ang mga paraan ng paggawa ng moral na pagpapasya
2. Nauunawaan kung paano timbangin at isaisip ang mabuti at masamang dulot ng bawat
pagpapasyang gagawin.

3. Naipapaliwanag na mahalaga sa moral pagpapasya ay dapat dumaan sa masusing


proseso ng pagpili.

NILALAMAN NG ARALIN

Moral na Pagpapasiya

Sa yugto ng iyong buhay sa ngayon, napakahalaga na


dumaan ka sa proseso bago ka magsagawa ng pagpapasiya.
Makakatulong sa iyo ang proseso ng pakikinig (listen process).
Ito ay isang malalim na pagkaunawa gamit ang tamang
konsensiya. Ito rin ang magsisilbing gabay sa mga sitwasyon na
kinakaharap mo sa ngayon at mula rito matututuhan mo na nag
moral na pagpapasiya ay isang kakayahan na may malaking
kontribusyon sa anumang moral na dilemma.
https://images.app.goo.gl/27b63LFxuFvJ1MHc9

Ang mabuting pagpapasiya ay isang proseso kung saan malinaw na nakikilala o nakikita ng
isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga bagay-bagay.

(Halaw mula sa ESP 10 modyul ng DepEd)

4
MGA GAWAIN

Gawain 1: “ Moral na Pagpapasya sa Panahon ng Pandemya”

Panuto: Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Ano ang iyong gagawin sa panahon
ng pandemya? Ipaliwanag ang iyong sagot.

 Nalaman mong nasunugan ang iyong kaklase at wala silang makain, ngunit
nawalan din ng trabaho ang iyong tatay.
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
 Biglang sumama ang iyong pakiramdam, ngunit takot ka na magpatingin dahil
baka ikaw ay may Covid.
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
 Nakita mo na wala na kayong isasaing, at naalala mo may utang sa iyo ang
kapit-bahay nyo na hirap din sa panahon ng pandemya,
_______________________________________________________________
______________________________________________________________
Tanong:
Naging madali ba sa iyo ang pagbibigay ng kasagutan? Paano ka nagpasya sa
bawat sitwasyon?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

https://images.app.goo.gl/Hgd5mMH51X4T9n5U6

5
PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN

Mula sa mensahe ng aralin, anong mahalagang gintong aral ang


iyong natutunan sa pagpapasya sa panahon ng pandemya?

______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________.

https://images.appgoo.gl/hpcb2o2V2V4jJkivTA

ARALIN 2: Mga Hakbang sa Moral na Pagpapasiya

Mga Layunin:

1. Natutukoy ang mag kilos at pasiya batay sa mga hakbang sa moral na pagpapasiya.
2. Nauunawan ang mga hakbang sa moral na pagpapasya.
3. Nailalapat ang mga hakbang sa moral na pagpapasiya sa kasalukuyan panahon.

6
NILALAMAN NG ARALIN

Mga Hakbang sa Moral na Pagpapasya

May kalayaan ang bawat isa sa anumang gugustuhin niyang gawin sa kaniyang buhay.
Sabi nga ni Fr.Neil Sevilla na isang pari sa isang parokya sa Bulacan, simula ng mgkaroon ng
isip ang tao hanggang sa kanyang kamatayan, nagsasagawa siya ng araw-araw na
pagpapasiya. Ngunit ang tanong, naayon ba ang pagpapasiyang ito sa kalooban ng Diyos?
Marahil nakikita mo ngayon na sa bawat gagawin mong pasya kinakailangan mo ng gabay ng
Diyos.

Sa anumang isasagawang proseso ng pagpapasya, mahalaga na mabigyan ito


ng sapat na panahon. Malaki ang maitutulong nito sapagkat mula rito ay
mapagninilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili. Dahil kung ito ay hindi
binigyan ng tamng panahon o hindi dumaan sa proseso malaki ang posibilidad
na hindi maging mabuti ang resulta ng kaniyang pagpapasya.

https://images.app.goo.gl/7qewHwA1uWFrpk6V8

Naririrto ang mga Hakbang sa Moral na Pagpapasiya:

1.Magkalap ng patunay (Look for the facts).Tanungin ang


sarili:
a. Anong patunay ang aking kailangang malaman upang
makagawa ng mabuting pasiya?
b. Ano ba ang nangyayari sa sitwasyon?
c. Bakit ito nangyari?
d. Sino-sino ang taong kasali o kasngkot?
e. Bakit sila napasali sa sitwasyon?
f. Saan nangyari ang sitwasyon?

2. Isaisip ang mga posibilidad (Imagine possibilities). Tingnan mabuti ang mga posibilidad kung
ano ang mabuti at masamang kalalabasan nito.

3. Maghanap ng ibang kaalaman (Seek insight beyond your own). Hindi sa lahat ng oras ay alam
mo ang mabuti. Kailangan mo pa rin maghanap ng magagandang kaalaman na maaaring
makapagbigay sa iyo ng inspirasyong makagawa ng tamang pagpapasiya.

4. Tingnan ang kalooban.(Turn inward). Ano ang sinsabi sa iyo ng sitwasyon, konsensiya o
personal na nararamdaman sa sitwasyon.

5. Umasa at magtiwala sa tulong ng Diyos (Expect and trust in God’s help). Tanging ang Diyos
lamang ang nakakaalam ng pinakamabuti sa atin, kaya mahalaga na tumawag sa Kaniya sa
pamamagitan ng panalangin.

6. Magsagawa ng pasiya (Name your decision). Magsagawa ng planong pagpapasya ayon sa


moral na pamanatayan na ikasisisya mo.

(Halaw mula sa ESP 10 modyul ng DepEd)

https://images.app.goo.gl/p2UW4EFDDSupoUf9

7
GAWAIN

Gawain 1: Karanasan sa panahon ng ECQ!


Panuto: Paano gagamitin ang mga hakbang sa moral na pagpapasya sa kung ikaw ay
makakaranas ng ganitong sitwasyon. Pag-isipan mabuti ang at lapatan ng angkop na sagot bawat
hakbang na naayon sa pamantayang moral.
Ang iyong ama ay tricycle driver at ang iyong ina ay nagtitinda sa Divisoria. Sa panahon
ng ECQ o “enhanced community quarantine” pareho silang nawalan ng trabaho. Ito ang
naging dahilan upang kayo ay halos hindi na kumain ng tatlong beses sa isang araw.
Naringgan mo ang iyong ama na pinipilit na kumuha ng pangalawang ayuda dahil malapit
siya sa kapitan ng barangay. Malaking bagay iyon sa pang-araw-araw na pagkain nyo. Hindi
sang-ayon ang iyong ina. Ano ang iyong gagawin? Kanino ka papanig? Bakit?

Hakbang sa Moral na Pagpapasya Paano gagawin ang hakbang

1 .Magkalap ng patunay ________________________________


2. Isaisip ang mga posibilidad ________________________________
3. Maghanap ng ibang kaalaman ________________________________
4. Tingnan ang kalooban ________________________________
5. Umasa at magtiwala sa tulong ng Diyos ______________________________
6. Magsagawa ng pasiya _______________________________

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:


1. Ano ang kahulugan ng moral dilemma?
2. Ano ang kahulugan ng moral na pagpapasya?
3. Paano nakakatulong sa tao ang pagsasagawa ng mabuting pagpapasiya? Ipaliwanag.
4. Bakit kailangan ang paglaan ng sapat na panahon bago magsagawa ng pasiya?
5. Sa iyong palagay, makakatulong ba ito sa isang kabataang katulad mo sa pagsasagawa
ng mabuting pasiya? Ipaliwanag.

PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN

Panuto: Batay sa natapos na gawain at aralin, bilang isang kabataan ano ang iyong
natutunan na magagamit mo upang makagawa ka ng mabuting hakbang sa pagtulong sa
iyong pamilya at kapwa sa panahon ng pandemya.
 Sa magulang _______________________________________________________
 Sa kaibigan ________________________________________________________
 Sa pag-aaral _______________________________________________________
 Sa kapitbahay ______________________________________________________
 Sa barangay ________________________________________________________

8
TANDAAN

 Bilang kabataang tulad mo, napakabilis ng araw para sa iyo, kung kaya’t napakabilis
din ng pagsasagawa ng pasiya. Lagi mong tatandaan na sa lahat ng nilikha ng Diyos,
ang tao lamang ang binigyan Niya ng isip at kilos-loob. Ito ay upang gamitin sa
pagsasagawa ng mabuting pasiya at kilos.

 Sa magulong mundo iyong ginagalawan, makakatulong sa pagpapasiya ang


pananahimik, damahin ang presnsiya ng Diyos upang makapag-isip ng mabuti at
tama. Timbangin ang bagay-bagay upang lubos na malaman, maunawan at
mapagnilayan kung ano ang makakabuti sa iyo, sa kapwa at sa lipunan lalo na sa
panahon ng pandemya.

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
 May pagkukusa sa makataong kilos kung ito ay nagmumula sa kalooban na
malayang isinasagawa sa pagsubaybay ng isip o kaalaman.
Panuto: Basahing mabuti ang mga taong. Piliin ang titik ng tamang sagot.
 hakbang
1. Ang May dalawang
sa moraluri
na ng kilos angay
pagpapasya tao: Ang kilos
nagtatapos ng tao (acts of man) at
sa_________________.
makataong kilos (human acts)
A. paghingi ng tulong sa Diyos C. Pagsuri sa kalooban
B. paggawa
May tatlong uri ng kilos ayonD.sawala
ng pasya kapanagutan:
sa nabanggitKusang loob, di kusang-loob
at walang
2. Ang taong kusang-loob
dumaranas sa 12 na yugto ng pagpapasya ay nagiging ________.
A. mapanagutan C. matalino
B. epektibo D. matiyaga
3. Upang hindi mo makaligtaan ang maaaring pinakaepektibong solusyon sa
problema, dapat mong_______________________.
A. suriin ang posibilidad C. piliin ang angkop na posibildad
B. tukuyin ang posibilidad D. wala sa nabanggit
4. Upang maging epektibo ang moral na pagpapasya, kailangang dumaan sa ______
A. pagsubok C. esksperto
B. proseso D. pagsuri
5. Alin sa mga sumusunod ang unang dapat gawin hakbang sa moral na
pagpapasiya.
A. Maghanap ng ibang kaalaman
B. Isaisip ang posibilidad
C. Magkalap ng patunay
D. Tingnan ang kalooban
6. Bago piliin ang tamang paraan ng kilos, alin ang dapat munang gawin?
A. masusing suriin ang mga paraan
B. husgahan ang mga paraan

9
C. paggawa ng praktikal na paghuhusga sa pinili
D. Lahat ng nabanggit
7. Sa pagpapapasya, hindi sapat na gawin mo lamang batayan ang mga
impormasyon. Kailangan mo ring ____________________.
A. konsultahin ang eksperto
B. isaalang-alang ang iyong kalooban
C. pakinggan ang payo ng mga kakilala
D. wala sa mga nabanggit
8. Ang mabuting pagpapasya ay batay sa ___________________________.
A. pagpili ng paraan C. desisyon ng matalinong tao
B. impormasyon o datos D. opinyon ng eksperto
9. Ano ang dalawang kategorya na bumubuo sa 12 yugto ng makataong kilos ayon
kay Sto.Tomas de Aquino.
A. Sanhi at bunga
B. Paghuhusga at Pagpili
C. Intensyon at Layunin
10. Kung ikaw ay magsasagawa ng pasiya, ano kaya ang pinakahuling hakbang na
iyong gagawin?
A. Tingnan ang kalooban C. Maghanap ng ibang kaalaman
B. Umasa at magtiwala sa Diyos D. Isaisip ang mga posibilidad

PAGNINILAY

Natutuhan ko na …
__________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_

10
SANGGUNIAN

Punsalan, Twila G.;et.al . (2008)Kaganapan sa Maylalang, Batayang Aklat sa Edukasyon sa


Pagpapahalaga para sa Ikaapat na Taon sa Mataas na Paaralan (RBSI) Rex Printing Company
Inc, Manila.
Brizuela, Mary Jean B., et.al (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao-Ikasampung Baitang, Unang Edisyon
FEP Printing Corporation, Pasig City
De Vega, Nenita I., et.al,. (2018. Edukasyon sa Pagpapakatao 10, Ikalawang Edisyon Vibal Grouo, Inc.
Quezon City

Mga Larawan:
https://images.app.goo.gl/iEc8TG9wB8csFvmR7

https://en.mwikepedia.org/wiki/Judgment_of_Solomon#:~:text=The%20Judgment%20of%Solom
on%20is,each%20woman%20to%20receive%20half

https://images.app.goo.gl/3cGTKyvDcJAQTU7H9

https://images.app.goo.gl/27b63LFxuFvJ1MHc9

https://images.app.goo.gl/Hgd5mMH51X4T9n5U6

https://images.appgoo.gl/hpcb2o2V2V4jJkivTA

https://images.app.goo.gl/7qewHwA1uWFrpk6V8

https://images.app.goo.gl/p2UW4EFDDSupoUf9

Management and Development Team

Schools Division Superintendent: Maria Magdalena M. Lim, CESO V


Chief Education Supervisor: Aida H. Rondilla
CID Education Program Supervisor: Lucita A. Gener
CID LR Supervisor: Lucky S. Carpio
CID-LRMS Librarian II: Lady Hannah C Gillo
CID-LRMS PDO II: Albert James P. Macaraeg

Validators: Lucita A. Gener


Paulo T. Adorio

Writer/s: Chantile G. Mallari


Teacher II, Jose Abad Santos High School

11
SUSI NG PAGWAWASTO

12

You might also like