You are on page 1of 8

10

EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
IKATLONG MARKAHAN – WEEK 1-2
ANG PAGMAMAHAL SA DIYOS

1
Aralin
Ang Pagmamahal sa Diyos
1
Mga Kasanayang Pampagkatuto

1. Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng pagmamahal ng Diyos.


EsP10PB-IIIa-9.1

2. Natutukoy ang mga pagkakataong nakatulong ang pagmamahal sa


Diyos sa kongretong pangyayari sa buhay. EsP10PB-IIIa-9.2

3. Napangangatwiranan na: Ang pagmamahal sa Diyos ay


pagmamahal sa kapwa. EsP10PB-IIId-9.3

4. Nakagagawa ng angkop na kilos upang mapaunlad ang


pagmamahal sa Diyos. EsP10PB-IIId-9.4

Mga Talang Konsepto

Pamilyar ka ba sa dalawang pinakamahalagang utos? Ito ay ang:


“Ibigin mo ang Diyos nang buong isip, puso, at kaluluwa.” at
“Ibigin mo ang iyong kapuwa tulad ng iyong sarili.”

Ang magmahal ang pinakamahalagang utos. Masasabi lamang ng tao na siya ay


nagmamahal sa Diyos kung nagmamahal siya sa kaniyang kapuwa. Hindi ito madali,
ngunit isa itong hamon para sa lahat dahil kung anuman ang ginawa natin sa ating
kapuwa ay sa Diyos natin ginagawa.
Kilala mo ba si Mother Teresa ng Calcutta? Nakita sa kaniya ang maIalim na ugnayan
sa Diyos sa pamamagitan ng paglilingkod sa mga tao na hindi katanggap-tanggap sa
lipunan tulad ng mga pulubi sa lansangan, mga may sakit na ketong, mga
matatandang maysakit na iniwan ng kanilang pamilya, at marami pang iba. Sila ay
inalagaan at tinulungan, pinakain niya na walang hinihintay na anumang kapalit.
Ito ang tunay na pagmamahal, ang magmahal na walang hinihintay na anumang
kapalit kahit na nahihirapan o nagsasakripisyo ay nagmamahal pa rin. Kaya’t
mapapatunayan lamang ng tao na minamahal niya ang Diyos kung minamahal niya
ang kaniyang kapuwa.

2
Ang Diyos ang ating tagapagligtas,
siya ang pinakamakapangyarihan
sa lahat, siya rin ang gumawa at
lumikha sa ating mga tao at dahil sa
kanya makakaramdma tayo ng
kapayapaan sa ating mga puso.

Bakitmahalaga
ang pagmamahal Siya ang palaging andiyanpara
o ang sa atin, sa lahat ng
pananampalataya pagkakataon, patuloy na
sa Diyos? gumagabay upang tayo ay
mapabuti at mapaayos ang
kalagayan.

Siya ang nagtatakda ng lahat ng


mangyayari, dahil mas alam niya ang
makabubuti para sa ating lahat, siya
lang ang nakakaalam sa mga
pwedeng mangyari sa atin sa
hinaharap.

Habang maagap pa ay palaging magbalik loob sa Diyos. Ibigay ang buong pusong
pagmamahal sa kanya, sundin ang kanyang mga utos at sa mga bagay na ito dito tayo
makakaramdam ng kaginhawaan at kapayapaan ng pamumuhay kasama siya kahit hindi
natin nakikita bagkus ay nararamdaman nating andiyan siya, sa tabi natin.

Ang Apat na Uri ng Pagmamahal ayon kay C.S. Lewis.


1. Affection – Ito ay ang pagmamahal bilang magkakapatid, lalo na sa mga
magkakapamilya o maaaring sa mga taong nagkakilala at naging
malapit o palagay na ang loob sa isa’t isa.
2. Philia – Ito ay pagmamahal ng magkakaibigan. Mayroon silang iisang tunguhin o
nilalayon na kung saan sila ay magkakaugnay.
3. Eros – Ito ay pagmamahal batay sa pagnanais lamang ng isang tao. Kung ano
ang makapagdudulot ng kasiyahan sa kaniyang sarili.
Halimbawa: Mahal mo siya dahil maganda siya. Ito ay tumutukoy sa pisikal na
nais ng isang tao.
4. Agape – Ito ang pinakamataas na uri ng pagmamahal. Ito ay ang pagmamahal na
walang kapalit. Ganyan ang Diyos sa tao. Patuloy na nagmamahal sa kabila ng
mga pagkukulang at patuloy na pagkakasala ng tao ay patuloy pa rin Niyang
minamahal dahil ang TAO ay mahalaga sa Kaniya.

3
Tandaan: Ang bawat isa sa atin ay inaanyayahan na tularan ang Diyos. Sikapin
natin na mahalin ang ating kapuwa dahil ito ang palatandaan ng pagmamahal natin
sa Diyos na Lumikha.
Ngayon ay tatanungin kita, nagsusumikap ka ba na magmahal para sa Diyos?

Mga Gawaing Pampagkatuto

GAWAIN 1A ANG AKING LIHAM (20 puntos)


Panuto: Basahin ang liham at isulat iyong tugon at mensahe sa nagpadala ng liham
na ito. Ipahayag ang iyong mensahe sa long bondpaper.

Aking Anak,

Siguro di mo ako kilala pero alam ko lahat tungkol sa ‘yo. Alam ko kapag ika’y
naka- upo at kapag ika’y nakatayo. Alam ko lahat ng gawain mo. Maging ang
mga buhok mo sa iyong ulo ay nabibilang. Pagkat ika’y nilikha sa aking kawangis.

Sa akin ika’y buhay nakakakilos at ganap pagkat ika’y nagbuhat sa akin. Kilala
na kita bago ka pa ipinaglihi. Hinirang na kita nang balakin ko ang paglikha. Hindi
ka isang pagkakamali, sapagkat lahat ng araw mo’y nakasulat sa aking aklat.
Aking itinakda ang panahon ng ‘yong pagsilang at saan ka maninirahan. Buong
ingat at kamangha-mangha kang nilikha. Akin kang hinugis sa sinapupunan ng
‘yong ina at inuluwal ka sa araw ng iyong pagsilang.

Ako’y di wastong pinakilala ng mga hindi nakakilala sa akin. Hindi ako malayo,
hindi ako galit, sa halip ako’y ganap na kapahayagan ng pag-ibig at puspusin kita
ng aking pag-ibig dahil ika’y aking anak at ako ang iyong ama. Aking iahahandog
sa iyo ang higit pa sa maaaring ibigay ng iyong ama sa lupa dahil Ako ang ganap
na ama. Lahat ng mabuting kaloob na iyong tinanggap ay galingsa aking kamay
pagkat Ako ang nagkakaloob at nagbibigay sa lahat ng iyong pangangailangan.
Aking plano para sa iyong kinabukasan ay laging puspos ng pag-asa dahil
minamahal kita ng pag-ibig walang hanggang. Ang aking isipan patungkol sa iyo
ay sindami ng buhangin sa dalampasigan at ako’y masayang await sa iyo ng may
kagalakan. Hindi ako titigil sa paggawa ng mabuti sa ‘yo dahil ikaw ang aking
pinakamamahal na kayamanan.

Aking nais na patatagin ka ng buong puso’t kaluluwa ko at nais kong ipahayag


sa iyo ang mga dakila’t mahihiwagang bagay. Kung ako’y buong puso mong
hahanapin, Ako’y iyong masusumpungan. Hanapin mo sa akin ang iyong
kaligayahan at aking ibibigay ang mga naisin ng iyong puso pagkat Ako ang
nagbigay ng iyong mga naisin dahil ako Ako ang iyong dakilang mang-aaliw.Ako
din ang Ama na aaliw sa iyo sa lahat ng kapighatian. Isang araw papahirin kobawat
luha ng iyong mga mata at aking papawiin ang lahat ng hirap na iyong
4
dinanas sa mundong ito. Umuwi kana sa akin at Ako’y magbibigay ng
pinakamalaking handaan na makikita sa langit. Ako ang Ama sa simula pa, at
mananatiling Ama. Ang tanong ko ay… Maaari ba kitang maging anak? Ako ay
naghihintay.

Nagmamahal,

Iyong Itay, Makapangyarihang Diyos

Makapangyarihang Diyos,

Lubos na nagmamahal,

Ang iyong anak,

Panoorin ang video sa Youtube : https://www.youtube.com/watch?v=ZsBhvSMQUk4

Gawain 1B: PAGMAMAHAL NG DIYOS, PASALAMATAN KO (10 puntos)


Panuto: Basahin at unawain ang mga sitwasyon. Kilalanin ang naranasang biyayang
natanggap mula sa Panginoon at sa iyong mahal sa buhay at kung paano mo ito
ipinakita o ipinadama ang iyong pasasalamat.

1. Binilhan ka ng bagong cellphone ng iyong mga magulang kahit kapos sila sa


pera o budget dahil ito talaga ang matagal mo nang hinihingi.
Nararamdaman:
Paraan ng Pasasalamat:
.

2. Muntik ka nang masagasaan ng jeep sa daan nang bigla kang hinila ng iyong
kaibigan.
Nararamdaman:
Paraan ng Pasasalamat:
_ .

5
GAWAIN 2: MINAMAHAL KITA (25 puntos)
Panuto: Mapapatunayan lamang ng tao na minamahal niya ang Diyos kung minamahal
niya ang kaniyang kapuwa. Isulat sa loob ng kahon ang mga taong iyong minamahal at
kung papaano mo ipinipakita sa kanila ang iyong pagmamahal. Ipaliwanag ito ng
maayos. Isulat ito sa isang long bondpaper.

GAWAIN 3 SITWASYON SURIIN (30 puntos)


Panuto: Basahing mabuti ang dalawang maikling kwento o sitwasyon. Pagkatapos, itala
ang mga mahahalagang impormasyon gamit ang Data Retrieval Chart.
1. Si Eric ay nagtratrabaho para sa kanyang pamilya. Nagsisikap upang makaahon sa
hirap lalo na mayroong malubhang sakit sa baga and kanyang ina. Isang gabi inatake
sa sakit ang kanyang ina at kinakailangang dalhin sa ospital. Puno ng pangamba at
takot ang nadarama ni Eric dahil sa kawalan ng pera. Dinala sa ospital ang kaniyang
ina kahit kulang ang dalang pera. Ipanaubaya nalang niya sa Dioys kung ano man ang
mangyayari ng kaniyang ina. Hanggang may isang doktor ang kumausap sa kaniya at
sinabing libre na ang lahat at wala na silang babayaran sa operasyon ng kaniyang ina.
Lubos ang pasasalamat ni Eric sa doktor at lalong-lalo na sa Diyos.
2. Si Vilma ay namamasukan sa isang club bilang entertainer. Ito na ang kaniyang
ikinabubuhay dahil para sa kaniya ito lang ang trabaho na mas madaling pagkakitaan.
Isang araw ay natuklasan niya na mayroon na siyang dinaramdam na sakit sa matres.
Nagpakonsulta siya sa isang espesyalistang doktor at pinayuhan na dapat huminto at
magbago na siya sa kaniyang buhay. Nakalipas ang ilang buwan tuluyang nawala ang
kaniyang sakit at nagpapasalamat siya sa Panginoon sa pagkakataong ibinigay sa
kaniya. Ngayon siya ang nagbagong buhay na at nagtratrabaho sa isang kompaniya.

6
Bilang ng Pangunahing Sitwasyong Paano Paano naranasan
Sitwasyon Tauhan Kinakaharap Nalampasan o nadama ang
pagmamahal ng
Diyos?
1

Gabay na mga tanong:


1. Ano ang iyong nararamdaman habang binsa at sinagutan mo ang Data Retrieval
Chart?
2. Batay sa iyong mga kasagutan sa Data Retrieval Chart, ano ang iyong realisasyon
tungkol sa kahalagan ng pagpapasalamat sa Diyos?
3. Paano mo maisadsabuhay ang pagiging mapagpasalamat sa Diyos? Bakit?

PERFORMANCE TASK (50 puntos)


Panuto: Balikan ang iyong naging ugnayan sa Diyos at kapuwa. Paano mo ito
mapalalago at mapalalalim? Gumawa ng isang collage at sumulat ng isang essay
na nagpapakita at nagsasaad ng iyong kaalaman at reyalisasyon sa iyong natutuhan.
Gawing gabay ang rubriks sa ibaba:

Pamantayan 40 45 50
Pagkamalikhain Hindi naging malikhain Naging malikhain Lubusang nagpamalas ng
sa pagbuo ng collage. sa pagbuo ng pagiging malikahain sa
collage pagbuo ng collage.
Kaangkupan sa Hindi angkop ang Angkop ang ilang Lubusang
paksa nabuong collage. (kalahati) bahagi ng napakaangkop ng
collage. nabuong collage.
Presentasyon Hindi naging Naging malinaw ang Lubusang malinaw ang
malinaw ang intension o detalyeng intension o detalyeng
intensyon o ipinahahayag ng ipinahahayag ng collage.
detalyeng collage.
ipinahayag ng
collage.
Mensahe Hindi angkop ang Angkop ang Lubusang angkop na
mensaheng mensaheng angkop ang mensahe ng
ipinahahatid ng ipinahahatid ng collage.
collage. collage.
Kalinisan Di malinis at maayos Naging malinis at Lubusang napakalinis at
at ang pagkakabuo ng maayos ang maayos ang
kaayusan collage. pagkakabuo ng pagkakaguhit ng collage.
collage.

7
Pagninilay

A. Panuto: Ngayon ay inaanyayahan kita na pagnilayan ang iyong ugnayan sa Diyos


at sa iyong kapuwa. Kumpetuhin ang pahayag batay sa iyong natutunan sa modyul
na ito.

Mapapatunayan ko na ang pagmamahal sa Diyos ay pagmamahal sa kapwa dahil

Maisabuhay ko ito sa aking pang araw-araw na gawain

B. Ngayon, sumulat ng isang panalangin upang mapaunlad mo ang iyong


pagmamahal sa Diyos. Isulat ito sa isang long bondpaper.

Kawanihan ng Edukasyong Sekundarya, Kagawaran ng Edukasyon. 2010. Gabay sa Pagtuturo sa


Edukasyon sa Pagpapahalaga para sa 2010 Kurikulum ng Edukasyon Sekundarya (SEC). Pasig City. Awtor
On Defining Ang Pagmamal ng Diyos. Retrieved from
https://melkezedic.wordpress.com/2016/01/19/pagmamahal-sa-diyos/

On Defining Bakit mahalaga ang pagmamahal o ang pananampalataya sa diyos? Retrieved from
https://brainly.ph/question/1854307

Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10 Ikatlong Markahan MODYUL 12: ESPIRITWALIDAD


AT PANANAMPALATAYA

You might also like