You are on page 1of 5

SAINT JOSEPH COLLEGE

JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


Maasin City, Southern Leyte

ESP 10
Paano Magpakatao 10
Batayan at Sanayang Aklat sa Edukasyon sa
Pagpapakatao

Second Quarter
LLM 10

Prepared By:
ERIC LASTIMA
ESP Teacher
Dasal:
Diyos Ama, hindi po magiging madali para sa amin ang araw na ito kung wala po kayo sa
aming tabi. Gabayan ninyo kaming lahat na mag-aaral upang malinang ang aming isipan at
maunawaan ng lubos ang anumang leksiyon na itinuturo sa amin. Gabayan din naman ninyo
ang aming mga guro upang magkaroon sila ng sapat na katiyagaan upang maihatid sa mga
estudyante ang mga aral na dapat nilang ituro. Maraming salamat po. Sa ngalan ng Ama, Anak
at Espiritu Santo. Amen.

YUNIT II
Pag-unawa at Pagsasabuhay ng Makataong Kilos

ARALIN 7: Mga Yugto ng Makataong Kilos

MELC:
Naipaliwanag ang bawat yugto ng makataong kilos. Esp10MK-IIe-7.1

 Bahagi ng buhay ng tao ang makaranas ng pagsubok. Nagbibigay ng mabuting


aral at nagsilbing gabay ang mga ito sa pagkamit ng maaayos na buhay.
 Dumaraan ang bawat tao sa proseso ng pagpapasiya tungo sa yugto ng
makataong pagkilos. Mula sa kamalayan sa mga pangyayari, paglalahad ng
interes sa mga pangyayari, at pagpapasiya patungo sa pagkilos.
 Mahalaga ang deliberasyon ng isip at kilos-loob sa paggawa ng moral na pasiya
at kilos. Ang prosesong pinagdaraanan ng tao ay maaaring magpatatag ng
kalooban sa mga pagsubok.

MELC:
Natutukoy ang mga kilos at pasiyang nagawa na umaayon sa bawat yugto ng makataong kilos. Esp10MK-
IIe-7.2

1. Kamalayan o Awareness
- Ang unang yugto ay ang pagkakaroon ng kaalaman sa mga pangyayari.
2. Interes
- Sa matamang pagmamatyag, alam ng tao na may sistemang umiiral na nagdadala ng
mga nakikitang pangyayari. Ang pang-ibabaw na kamalayan ay lumalalim at
nagkakaroon ng pagnanais na matuklasan ang mga dahilan ng pangyayari.
- Dalawa ang tugon ng tao, una ang pagkakaroon ng Interes o ang pagbabalewala o
indifference (kakulangan sa pgamamalasakit sa mga tao sa paligid.
3. Pagpapasiya o Decision Making
- Ang pangatlong yugto ay ang pagpapasiya tungo sa ikalulutas ng problema o
ikabubuti ng pangyayari.
- Dito sa ikatlong yugto, tinitimbang ng tao ang nakakabuti o advantages at hindi
nakakabuti o disadvantages.
4. Pagkilos o Action
- Ang pagkilos ay magbibigay katuparan sa lahat ng nagawang pagninilay-nilay,
pagtitimbang-timbang, at pagpapasiya.
- Kung hindi-kikilos, walang mangyayari kaya,t mahalaga ang kusang-loob na pagkilos.

MELC:
Naipaliwanag na ang bawat yugto ng makataong kilos y kakikitaan ng kahalagahan ng
deliberasyon ng isip at kilos-loob sa paggawa ng moral na pasya at kilos.
EsP10MK-IIf-7.3

Samakatwid, ang wastong paggamit ng kalayaan at kusang-loob na pagkilos ay mayroong


multipler effect. Ibig sabihin, ang kabutihan na ipinunla ay nanganganak pa ng mas maraming
kabutihan. Malayo ang nararating ng mabuting pagkilos hindi lang natin namamalayan. Kapag
napakawalan na ang mabuting gawa, hindi na natin mapipigilan ang pagdaloy nito.

MELC:
Nakapagsusuri ng sariling kilos at pasya batay sa mga yugto ng makataong kilos at nakagagawa ng plano upang
maitama ang kilos o pasya. EsP10-IIf-7.4

Tignan ang susunod na pahina para sa gawain.


ESP 10 – LLM 10
Pangalan: Anthony Nevin O. Paloma
Baitang & Seksiyon: Gr. 10 – St. Damien

Ang bahaging ito ay mga gawain. Ito lamang po ang ipapasa niyo. Huwag niyong ipasa lahat ng
LLM kundi ang mga gawain lamang ng sa ganoon ay may mapag-aaralan kayo. Pwede niyo pa rin
isulat ang iyong sagot sa isang buong papel. Pwede rin naman po dito na mismo isulat ang iyong
sagot kaya lang kailangan mo itong iprint.

GAWAIN
Suriin ang mga pangyayari sa buhay. Balikan kung naranasan na ang mga ito. Buuin ang
kuwento ayon sa tamang pagpapasiya at yugto ng makataong pagkilos.

Nalulong sa droga ang isa mong kapatid. Kabuuan ng kuwento ayon sa tamang pasiya
at yugto ng makataong kilos.

Huwag ito tularan. Ipagbigay alam sa mga


magulang ang masamang bisyo ng kapatid.
Bigyan ng payo na wala itong magandang
maidudulot sa kanyang sarili.
Kapos kayo sa pera kaya napilitang Kabuuan ng kuwento ayon sa tamang pasiya
mangibang-bansa ang iyong ina. at yugto ng makataong kilos.

Maging responsableng anak at mag-aral ng


mabuti upang makapagtapos at tulungan ang
ina na huwag ng magtrabaho at makabalik na
sa ating bansa upang makipiling na muli.
Gusto mong mag-aral ngunit walang trabaho Kabuuan ng kuwento ayon sa tamang pasiya
na pantus-tos ang tatay mo. at yugto ng makataong kilos.

Magtiyagang mag-aral at mag-ipon ng pangtus-


tos sa pamamagitan ng pagiging isang working
student.
Produkto ng broken family. Kabuuan ng kuwento ayon sa tamang pasiya
at yugto ng makataong kilos.

Hindi magpapa-apekto sa nangyari sa pamilya


at lagging isasa-isip ang kapakanan ng mga
kapamilya kahit na ito ay hindi na buo, ako ay
magiging isang responsableng anak pa rin.
Binayaran ang magulang mo kung sino ang Kabuuan ng kuwento ayon sa tamang pasiya
dapat nilang iboto. at yugto ng makataong kilos.

Huwag tularan at pagsabihan na mali ang


kanilang ginawa.

Mahalagang tanong: Paano maiuugnay ang tamang pasiya at kilos upang makamit ang
isang maaayos na buhay?
Ang tamang pagpapasya o pagkilos ay siyang hakbang upang makamit ang isang maayos
na pamumuhay dahil sa pamamagitan nito wala kang magagawang maling desisyon na siyang
ikapapahamak mo. Kung matuwid ang iyong mga pagpapasiya sa buhay ay siya ding sasalamin
sa isang kaaya-ayang kinabukasan kung saan malayo sa gulo o sa mga bagay na maaari nating
pagsisihan.
Mga Paalala:

Konting paalala po. Siguraduhin na ang iyong mga papel na Wag pong walain ang modyul na ito
ipapasa ay may pangalang nakasulat at baitang. Dapat nakasulat
para may mapag-aaralan ka pa lalo
rin po kung anong gawain ito. Kung nasagutan na ito lahat, paki-
staple po. Dapat ipasa ang iyong mga gawain bawat linggo. pag-exam na! 

Maraming salamat.

Kumusta na?
Naisakatuparan mo ba nang maayos ang
mga gawain sa modyul na ito?
Kung oo, binabati kita!
Maaari ka nang magpatuloy sa susunod
na modyul. Kung hindi, balikan ang mga
gawaing di natapos. Katangian ng isang
mapanagutang mag-aaral ang sumangguni
at humingi ng tulong o paggabay mula
sa kaniyang kamag-aral o guro.

Mga Sangunian:

ESP 10: PAANO MAGPAKATAO (Rex Book Store)


Batayan at Sanayang Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao
Mga May-akda: Twila G. Punsalan; Sylvia T. Caberio ; Myra Villa D. Nicolas ; Wima S. Reyes

End of LLM 10
Prepared by: Mr. Eric Lastima
Esp Teacher
12-06-2020

You might also like