Professional Documents
Culture Documents
MODYUL sa ESP 10
Paano Magpakatao 10
Batayan at Sanayang Aklat sa Edukasyon sa
Pagpapakatao
Third Quarter
LLM 11
Prepared By:
ERIC LASTIMA
ESP Teacher
Dasal:
Diyos Ama, hindi po magiging madali para sa amin ang araw na ito kung wala po kayo sa
aming tabi. Gabayan ninyo kaming lahat na mag-aaral upang malinang ang aming isipan at
maunawaan ng lubos ang anumang leksiyon na itinuturo sa amin. Gabayan din naman ninyo ang
aming mga guro upang magkaroon sila ng sapat na katiyagaan upang maihatid sa mga estudyante
ang mga aral na dapat nilang ituro. Maraming salamat po. Sa ngalan ng Ama, Anak at Espiritu
Santo. Amen.
YUNIT II
Pag-unawa at Pagsasabuhay ng Makataong Kilos
MELCS:
Naipaliliwanag ng mag-aaral ang layunin, paraan at mga sirkumstansya ng makataong kilos.
Esp10MK-IIg – 8.1
Ang suliranin ay hadlang o sagabal sa pagkamit ng ninanais na layunin sanhi ng mga sirkumstansya na
pinagmulan mismo ng taong may suliranin o ng ibang tao. Kung titingnan sa positibong pananaw, ang problema ay isang
pagkakataong makilala o matuklsan ang sarili.
Dahil ang tao ay nilikha ng Diyos, ang makataong pagkilos ay nararapat alinsunod sa mga gabay at batayan ng
itinakda ng Tagapaglikha, ang Diyos.
Tunghayan natin kung papaano hinaharap ng tao ang ibat-ibang sirkunstansya ng buhay na makatutulong o
makakasama sa paghubog ng pagpapasiya ng tama o mali.
1. KAMANGMANGAN
SA panahon ngayon, ang kamangmangan ng mga bata ay nagagamit sa paggawa ng krimen dahil sila ay hindi
makukulong. Marahil sila ay sinamantala ng sindikato. Ang juvenile justice and welfare act of 2006 o
Republic Act 9344 ay nagbibigay-proteksyon sa mga bata. Isinaad ng batas na ito na ang bata na may edad
18 taong gulang pababa ay ligtas sa pananagutang krimenal ngunit siya ay isasailalim lamang sa programang
namamagita para sa bata tulad ng counseling and rehabilitation program.
Juvenile delinquency o paglabag sa batas ng mga bata na nasa murang edad pa lamang o wala pa sa age of
discernment ay talamak san a sa lipunan.
2. Bisyo
Ang problema sa pamilya ay sanhi ng hindi pagkakaunawaan, hindi magandang pag-uugali o pagkakaroon
ng mga magulang at miyembro ng pamilya. Ang paulit-ulit na paggawa ng masama ay nagiging bisyo. Ang
masamang Gawain ay nagiging bisyo kung nakakagawian at nagiging bahagi na ng buhay ng tao.
Halimbawa, ang paninigarilyo, pag-inom, pagsusugal, pambabae o paggamit ng ipinagbabawal na gamut o
droga ay ilan lamang sa mga bisyong kinalolokohan ng tao.
2.1 Paninigarilyo
Nagdudulot ng malulubhang sakit
2.2 Pag-inom ng Alak
Madalas nauuwi sa sa away ang paglalasing
2.3 Pagsusugal
2.4 Pakikiapid
2.5 Paggamit ng Ipinagbabawal na Gamot
- Napakalaki ng epekto ng droga sa kaisipan ng tao. Ang hindi tama o pang-aabuso sa paggamit ng gamut
ay ipinagbabawal.
Nakapagsusuri ng kabutihan o kasamaan ng sariling pasya o kilos sa isang sitwasyon batay sa layunin,
paraan at sirkunstansiya nito. EsP10MK – IIg -8.2
3. Karahasan
Usong- uso ang fraternity o praternidad sa kalalakihan,ito raw ay mahalaga sa buhay estudyante dahil
nagbibigay ng pakiramdam na ikaw ay may kinabibilangan o sense of belongingness.
Masidhing Damdamin
Ito ay minsang nagtutulak sa tao sa maling direksyon. Nakakalimutan ang pagpapasiya nang tama o mali
dahil natatalo ng masidhing damdamin.
Ang tamang layunin ng tao ay Makita at makapiling ang lumikha sa kanya. Ang buhay ng tao ay isang
paglalakbay mula sa lupa hanggang sa buhay na walang hanggan.
Nakapagtataya ng kabutihan o kasamaan ng pasiya o kilos sa isang sitwasyong may dilemma batay sa
layunin, paraan at sikunstansiya nito. Esp10MK-IIh-8.4
- Mga elementong bumabalot sa kalikasan ng isang aksiyon at kaukulang pananagutan sa kilos o gawa:
- 1. Sino – tumutukoy sa taong gumawa ng akssiyon at kung minsan ay ang tumatanggap ng aksiyon.
- 2. Ano – tumutukoy sa ginagawang aksiyon at uri ng ginawa at bigat ng pananagutan ditto.
- 3. Saan – tumutukoy sa lugar na pinangyarihan ng aksiyon at mga elementong naglalarawan ditto.
- 4. May kasama at sino ang kasama – tumutukoy sa mga taong kasama o nakilahok sa pagsasagawa ng
aksiyon.
- 5. Bakit – tumutukoy sa kadahilanan, motibo at intensiyon ng tao sa paggawa ng aksiyon.
- 6. Paano – tumutukoy sa paglalarawan ng tiyakang pamamaraan at mga gamit ng pagsasagawa ng
aksiyon o Gawain.
- 7. Kailan – tumutukoy sa oras at panahon ng pagsasagawa ng aksiyon.
Mga Paalala:
Konting paalala po. Siguraduhin na ang iyong mga papel na Wag pong walain ang modyul na ito
ipapasa ay may pangalang nakasulat at baitang. Dapat nakasulat
para may mapag-aaralan ka pa lalo
rin po kung anong gawain ito. Kung nasagutan na ito lahat, paki-
staple po. Dapat ipasa ang iyong mga gawain bawat linggo. pag-exam na!
Maraming salamat.
Kumusta na?
Naisakatuparan mo ba nang maayos ang
mga gawain sa modyul na ito?
Kung oo, binabati kita!
Maaari ka nang magpatuloy sa susunod
na modyul. Kung hindi, balikan ang mga
gawaing di natapos. Katangian ng isang
mapanagutang mag-aaral ang sumangguni
at humingi ng tulong o paggabay mula
sa kaniyang kamag-aral o guro.
Mga Sangunian: