You are on page 1of 10

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
Pangalan ng PSTeacher: Emily M. Cabasag Taon at Seksyon: Grade 10 Prudence - ESP
Araw at Oras: December 12, 2022 @ 1:15 - 2:15 pm

I. Mga Layunin
Pagkatapos ng Aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 naipaliliwanag ang layunin, paraan at mga sirkunstansya ng makataong kilos;
 nakagpagsusuri ng kabutihan o kasamaan ng sariling pasya o kilos sa isang sitwasyon
batay sa layunin, paraan at sirkumstansya nito; at
 nakapagtataya ng kabutihan o kasamaan ng pasiya o kilos sa isang sitwasyong may
dilemma batay sa layunin, paraan at sirkunstansya nito.

II. Paksa:
Aralin 8: Paraan, at Sirkumstansiya: Batayan ng Makataong Pasiya at Kilos

III. Mga Kagamitang Pampagtuturo


LED TV, laptop, PPT presentation
Batayang Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 (pp. 136 – 162)

IV. Pamamaraan
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. PAGHAHANDA (5 minutes)
1. Panalangin
 Magsitayo ang lahat para sa ating  Mahal naming Panginoon salamat sa
panalangin. bagong araw na inyong ipinagkaloob sa
amin. Gabayan nyo po kami sa aming
pag-aaral. Amen.
2. Pagbati
 Magandang umaga sa lahat!  Magandang umaga po Ma’am.
 Magsi-upo ang lahat.  Salamat po Ma’am.

3. Pagtatala ng lumiban sa klase


 Sino ang lumiban sa klase?  Wala po Ma’am!

 Mabuti! Bigyan ng isang bagsak ang  Klap!


inyong sarili.

4. Pamantayan
Inaanyayahan ko ang partisipasyon ng  Opo Ma’am!
lahat sa ating aralin ngayon, maari po ba?

B. Panlinang na Gawain: (5 minutes)

1
1. Balik-aral
Noong nakaraang aralin nalaman ninyo na
may mga salik na nakaaapekto sa pagpapasya at
pagkilos ng tao na maaaring positibo o negatibo
ang kahihinatnan, kaya’t kinakailangan na
maging mapagmatyag at alerto sa bawat
pagpapasya sapagkat lahat ng kilos na gagawin
na tao, siya ay may pananagutan mabuti man o
masama.

2. Paganyak:
Sino sa inyo ang nakaaalam ng kwento ni Si Robinhood ay isang taong itinuturing na
Robinhood? henyo sa kanilang lugar, sapagkat siya ay
tumutulong sa mga mahihirap niyang
kababayan, ngunit ang tulong na kanyang
ibinibigay ay galing sa pagnanakaw

Tama ba ang kanyang ginagawa? Hindi po! Sapagkat mali ang kanyang
ginagawang paraan ng pagtulog
Maaring tama ang kanyang layunin na
tumulong, ngunit mali ang pamamaraan at
sirkunstansiya kanyang sinasamantala.

Paano mo malalamang tama at mali ang


pagkilos batay sa layunin, paraan, at
sirkunstansiya? at paano maaaring hubugin ang
pagpapasiya tungo sa makataong pagkilos?
Ito ang mga tanong na susubukan nating sagutin
sa ating pag-aara.l

C. Paglalahad ng Paksa:
Ngayong aralin pag-aaralan natin ang
“Layunin, Paraan, at Sirkumstansya: Batayan
ng Makataong Pasiya at Kilos”
makikita sa inyong Batayang aklat sa
Edukasyon sa Pagpapakatao pahina 136

Naniniwala ka ba na may mga suliraning


dumarating sa ating buhay na ang layunin ay Opo! Ang mga pagsubok ay siyang
ang pagtibayin tayo upang maging ganap ang nagbibigay lakas sa atin upang harapin ang
ating pagkatao? hamon ng buhay

Naniniwala rin ba kayo na mayroon mga

2
suliranin na nararanasan ng tao dahil sa Opo! Tulad ng pagbibisyo upang maibsan ang
kanyang mga maling pasya? problema batay sa udyok nga mga barkada.

D. Pagtatalakay
Activity: (3 minutes)
Suriin ang iyong sarili kung ikaw ay kumikilos
nang tama ayon sa sumusunod na mga Mga Pangyayaring
Epekto sa
Sitwasyon Dahilan Sarili at sa
sitwasyon. Alalahanin kung kanino ka natuto ng Nakaimpluwensiya
Kapwa
gawain. Sagutin ang tsart sa pahina 141 Pagsusugal
Paglalasing
Paninigarilyo
Pag-inom ng
alak
Karahasan sa
Kapwa
Pagpapahayag
ng masidhing
damdamin
kamangmangan
Analysis: (3 minutes)
Naging madali pa ang pagsagot mo sa mga
sitwasyon? Hindi po ma’am.
Naging matapat ka ba sa pagsusuri ng iyong
sarili? Ano ang kinalabasan nito? Opo ma’am, napagnilayan ko na may mga
Paano nag-ugat ang mga sitwasyong iyong maling disisyon akong nagawa
sinuri? Ano-ano ang naging epekto nito sa Sa mga kaibigan ko po, minsan naiiganyo ako
sarili at sa iyong kapwa? kayat nasasaktan ang aking mga magulang sa
Ano ang mga naging batayan mo sa iyong ginagawa ko
pagkilos batay sa layunin, paraan, at Ang pagsunod ko sa bugso ng damdamin,
sirkunstasiya? hindi ko pinag-iisapan ang mga magiging
Paano mahuhubog ang pagpapasiya ng kahihinatnan ng aking ginagawa
kabataang tulad mo tungo sa makataong Kadalasan nahuhubog ito batay sa kung ano
pagkilos? ang nararamdaman at ang kung ano ang
maaring sulosyon sa kasalukuyang
sirkunstansyaj panandalian mn o hindi.
Abstraction: (15 minutes)
Paghubog sa pagpapasiya tungo sa
makataong pagkilos
Dahil ang tao ay nilikha ng Diyos, ang
makataong pagkilos ay nararapat alinsunod sa
mga gabay at batayan na itinakda ng
tagapaglikha, ang Diyos
Nahuhubog ang tao mula sa pagsilang
̵ kung ano ang nakikita at naririnig niya sa
loob ng tahanan
̵ mga kilos at pananalita ng mga magulang
at kapatid
̵ habang lumalaki ang sanggol, itinuturo na

3
sa kanya ang tama at mali ng kaniyang
pamilya.
̵ karanasan ng tao: hinuhulma ang
kaniyang pagkatao dahil ninanais ng Diyos
na ang tao ay mahubog sa ilalim ng mga
sirkunstansiya.
̵ Ang tao ay may limistasyon, ang lakas at
pang-unawa ay may hangganan kaya ang
pagkilos ay nakabase lamang sa kanyang
kakayahan.
̵ Kailangan na ang pagpapasya ay mahubog
upang kumilos tungo sa direksyon na
itinalaga ng Diyos.
̵ Inilagay ng Diyos ang tao sa masalimuot
na kapaligiran, kasabay ang kaalaman,
kalayaan, at kusang-loob na pagkilos upang
malampasan ang mga balakid na bumabalot
sa misteryo ng buhay.

Mga sirkunstansiya ng buhay na makatutulong


o makasasama sa paghubog ng pagpapasiya ng
tama o mali.

Kamangmangan
- ang kamangmangan ng bata ay nagagamit sa
paggawa ng krimen dahil sila ay hindi
makukulong.

Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 o


Republic Act 9344 - ang mga bata na may
labingwalong taong gulang pababa ay ligtas sa
pananagutang kriminal, isasailalim lamang sa
rehabilitasyon program maliban na lamang
kung isinagawa ang krimen ng may pag-unawa
o discernment.
Age of discernment: 18 or 12 ?

Restorative justice - ang bata ay maaring pang


magbago at matutuhan ang pagpapahalagang
moral sa pamamagitan ng counseling at
rehabilitasyon sa ilalim ng Social Welfare
System
Punitive Justice - at pagpapataw ng
kaparusahan sa nagawang pagkakasala tulad ng
pagkabilanggo

4
Juvenile Deliquency - paglabag sa batas ng
mga bata na nasa murang edad pa lamang o
wala pa sa age of discernment.

Ang mga bata na nakakagawa ng krimen ay


nakaugat sa problema sa pamilya. Ang mga
bata ay nangangailangan ng paggabay ng
magulang. Paano kung ang mga magulang ay
ang mismong nangangailangang gabayan?

Mga Bisyo
Ang problema sa pamilya ay sanhi ng hindi
pagkakaunawaan, hindi magandang pag-uugali
o pagkakaroon ng bisyo ng mga magulang at
miyembro ng pamilya.
Ang paulit-ulit na paggawa ng masama ay
nagiging bisyo.

1. Paninigarilyo
- nagdudulot ng malubhang sakit dulot ng
nicotine na dumidikit sa baga
Kung paniniwalaan lamang ng tao ang
paliwanag ng siyensiya sa masamang epekto
ng paninigarilyo, mahuhubog ang
pagpapasiya sa pag-iwas dito.

2. Pag-inum ng alak
- ang paglalasing ay madalas nauuwi sa
away. Dapat maging mapanuri ang tao at
matuklasan niya ang panganib sa pag-inom
na nagdudulot ng kakaibang pag-iisip at
bumuo ng paninindigan sa pag-iwas sa
naturang bisyo.

3. Pagsusugal
- ang katutuhanan ay walang nananalo sa
sugal. Maaring manalo paminsan-minsan
ngunit mas malaki pa ang talo at sa
kagustuhang makabawi sa pagkatalo lalong
nababaon sa pagkatalo hindi lamang sa pera
kundi pati na rin sa mga ari-arian. Sa
ganitong pag-iisip nalilihis ang pagpapasiya

4. Pakikiapid

5
- kahinaan ni mister o ni misis na maging
matapat sa kaniyang asawa, nagagawang
maghanap ng iba.
- napakalaking sugat ang idinudulot nito sa
tahanan.
- bukod sa pagkawasak sa samahan ng
pamilya, ang pagkakaroon ng maraming
sexual partners ay nagiging sanhi ng sakit na
tinatawag na STD o Sexual Transmitted
Diseases

5. Paggamit ng ipinagbabawal na gamot


- Inimbento ng siyensiya ang gamot upang
maging lunas at makapagpagaling ng sakit.
Ngunit walang pinapagaling na sakit ang
droga bagkus dinadala pa nito ang tao sa di
tamang pag-iisip.
- simula sa patikim-tikim hanggang sa ang
epekto nito ay hinahanap na ng katawan at
habang tumatagal tumitindi ang pagnanais o
nagiging drug dependent o adik, at habang
tumatagal lumalaki ang pangangailangan ng
katawan na kung hindi mapunan ay
humahantog sa paggawa ng krimen.
- droga ay kanser ng lipunan, sakit na
nagwawasak sa lipunan.
Maliwanag ang paglihis ng landas ng isang
taong nalululong sa ipinagbabawal na gamot.

6. Karahasan
- pagsali sa fraternity sa mga kalalakihan sa
pagnanais na magkaroon ng kinabibilangan o
bilongingness.

Ano ang ginagawa ko sa aking buhay?


Tama ba ang paggamit ng karahasan upang
subukin ang katapatan?

Masidhing damdamin
- nagtutulak sa tao sa maling direksyon.
Nakalilimutan ang pagpapasiya nang tama o
mali dahil natatalo ng masidhing damdamin.
(halimbawa: magkasintahan)

Pagkilala ng layunin ng makataong pagkilos

6
Ang tanging layunin ng tao ay makita at
makapiling ang lumikha sa kaniya.
Upang makarating sa patutunguhan,
nangangailangan ng wastong pamamaraan sa
kaniyang paglalakbay. Kailangan malaman ang
tamang daan at tamang paraan ng pagkilos
upang marating ang tamang patutunguhan.

Wojtyla, ang dating Santo Papa (Aguas, 2014)


may pagkakaiba ang makataong pagkilos
(human acts) sa pagkilos ng tao (acts of man).

Pagkilos ng tao (acts of man) - hindi


nanggaling sa paggabay ng pag-iisip at
paggamit ng kalayaan ng tao.
Halimbawa: pagdaloy ng dugo, pagtunaw ng
pagkain, o paglalagay ng saplot sa katawan
kung nilalamig na tinatawag na (instinctive
motions)

Makataong pagkilos (human acts) - ay mga


gawang ginamitan ng pakultad ng pag-iisip
(reason) at kalayaan (freedom) . Pinag-iisipan,
boluntaryong ginagawa at naaayon sa paraang
mabuti.
Ang resulta ng pagkilos ng tao ay nag-iiwan ng
epekto, maaring mabuti o masama.
Kung masama ang pinili ng tao, hindi ito
nagbibigay ng kaligayahan at kaganapan.
Kung mabuti ang pagkilos ito ay nagbibigay-
kaganapan (fulfillment) sa isang tao.

Kaganapan (human perfection) ay matatamo


lamang sa pamamagitan ng mabuting gawain.
Ang tunay na layunin ng makataong pagkilos
ay tungo sa paghahanap ng kabutihan at
pagpapahalaga sa tamang pagkilos at
pagpapasiya at paghahanap ng tamang paraan
sa pagsasabuhay ng kabutihan.
Paraan upang makamit ang makataong
pagkilos
1. Paggamit ng mapanuring pag-iisip
Pinagkalooban ng Diyos ang tao ng pag-iisip,
isang katangian kung bakit siya ay naging
pinakamataas na nilalang.

7
Kung mapanuri ang pag-iisip, maaaring
makita ang magiging resulta ng anumang
pagpapasiya.
Makakatulong din ito upang makaiwas sa
kapahamakan dahil sa naging matalino ang
pagpili sa mga bagay at paglutas sa anuman
problema.

a. Isinasaalang-alang ang iba’t ibang


alternatibo.
Isipin kung paano ito makaapekto sa sarili at
sa kapwa.

b. Mapanuri sa mga bagay na nakikita at


nararanasan.
Piliin lamang ang tama, mabuti at hindi
malaswang mga impormasyon mula sa iba’t
ibang makabagong teknolohiya

c. Kumikilos at nagdedeisyon ayon sa


katotohanan at katarungan
Panindigan ang tamang desisyon at
makataong kilos, huwag magpatalo sa mali.

2. Ang paggamit ng tamang konsiyensiya


Ito pinakamalapit na pamantayan ng
moralidad. Ito ay direktang nakaharap at
nakaaalam kung ang aksiyon ay mabuti o
masama. Ang kaniyang tungkulin ay pag-
aralan o suriin at husguhan ang lahat ng
moral na aksiyon.

3. Paggamit ng kalayaan
Ang tao ay maaaring pumili kung gagawa ng
mabuti o masama. Anuman ang kaniyang
gagawin, siya lamang ang may kalayaang
gumawa at siya rin ang mananagot dito.

Narito ang ilang batayan sa pagkilos ng


gawang mabuti o masama
1. Layunin ng Aksiyon
Kumakatawan sa dahilan o sanhi, pinagmulan
ng kilos

2. Layon ng may-aksiyon

8
Kumakatawan sa mismong motibo at
personal na intensiyon ng taong gumagawa
ng aksiyon.

3. Mga Sirkunstansiya o Pangyayari -mga


elementong bumabalot sa kalikasan ng isang
aksiyon at kaukulang pananagutan sa kilos o
gawa. Ipinaliliwanag nito ang mga katangian at
lahat ng bagay na may kinalaman sa aksiyon
batay sa sumusunod:
a. Sino - tumutukoy sa taong gumawa ng
aksiyon minsan ay ang tumatanggap ng
aksiyon
b. Ano - tumutukoy sa ginawang aksiyon at
uri ng ginawa at bigat ng pananagutan ng tao.
c. Saan - tumutukoy sa lugar na
pinangyarihan ng aksiyon at mga elementong
naglalarawan dito.
d. May kasama at sino ang kasama -
tumutukoy sa mga taong kasama o nakilahok
sa pagsasagawa ng aksiyon
e. Bakit - tumukoy sa kadahilanan, motibo, at
intensiyon ng tao sa paggawa ng aksiyon.
f. Paano - tumutukoy sa paglalarawan ng
tiyakang pamamaraan at mga gamit ng
pagsasagawa ng aksiyon o gawain
g. Kailan - tumutukoy sa oras at panahon ng
pagsasagawa ng aksiyon

Mahalaga sa bawat aksiyon na isasagawa ang


kaakibat na pananagutan ukol dito.
Kinakailangan patuloy na linangin ang tamang
paggamit ng kalayaan at matalinong
pagpapasiya sa paghubog ng kaisipan.

Application: (5 minuto)
Pagnilayan at saguting ang gawain sa pahina
160.
Isulat ang mga sitwasyong nagawa mo na sa
iyong buhay bilang isang kabataan na nagbunga
ng di-makataong pagkilos. Isulat sa tapat nito
ang resolusyon sa iyong pagbabagong gagawin.

9
Dati ako ay … Mula ngayon ako ay..

V. PAGTATAYA (5 minuto)
Ano ang pinakamahalagang konseptong mahihinuha mo sa araling ito? Gawing gabay ang sagot
sa tanong at isulat sa kalahating papel

Paano malalaman ang tama at maling pagkilos batay sa layunin, paraan at sirkunstansiya at
paano maaaring hubugin ang pagpapasiya tungo sa makataong pagkilos.

VI. TAKDANG ARALIN

Basahin at pagnilayan ang “Balintuna ng ating Panahon”, alin sa mga balintuna ang may
kaugnayan sa paghubog ng ating pagpapasiya tungo sa makataong pagkilos?
Unawain ang pagnilayan.

Inihanda ni: Iniwasto ni:

EMILY M. CABASAG RUBEN JAY DEGABI


Pre-service Teacher FS 2 – Resource Teacher

10

You might also like