You are on page 1of 43

Magandang Hapon!

Edukasyon sa Pagpapakatao
Week 5
Tayo ng magbalik-aral !
Makinig ka sa iyong
konsensiya.
Ano ang bahaging ginagampanan ng
konsensiya sa pagpapaunlad ng tao sa
kaniyang pagkatao bilang persona upang
tuluyang makamit ang personalidad?
Modyul 6:
PAGHUBOG NG KONSENSYA BATAY SA
LIKAS NA BATAS MORAL
2.2 Nakapagsusuri ng mga pasiyang ginagawa
sa araw-araw batay sa paghusga ng
konsiyensiya.
“Gawin mong gabay ang iyong
konsensiya”, sa tuwing nahaharap ka sa isang
mahalagang pagpapasya.
Para sa iyo, ano ang KONSENSIYA?
Ang konsensiya ay isang natatanging kilos
pangkaisipan, isang paghuhusga ng ating
sariling katwiran.
Ang konsensiya ang munting tinig sa loob ng
tao na nagbibigay payo sa tao at nag-uutos sa
kaniya sa gitna ng isng moral na pagpapasiya
kung paano kumilos sa isang kongkretong
sitwasyon.
Pag-aralan ang sumusunod na sitwasyon at
gumawa ng sariling pagpapasiya.
CASE STUDY 1
Ang iyong kaklase at matalik na kaibigan na si Adel ay nagtapat
sa iyo na lalayas siya sa bahay nila dahil sa problema sa kanilang
pamilya. Dahil sa matalik kayong magkaibigan, ipinagkatiwala
niyang ipagtapat sa iyo kung saan siya pupunta. Subali’t
mahigpit ang bilin niya na huwag itong sasabihin sa iba lalo na
sa kaniyang mga magulang. Kinabukasan, pumunta ang nanay
niya sa inyo at humihingi sa iyo ng tulong. Ano ang gagawin mo?
CASE STUDY 2
Pagkatapos ng klase, inanyayahan si Janine ng kaniyang mga kaibigan
na pumunta sa mall at manood ng sine. Matagal na rin mula ng huli
silang nakalabas bilang isang grupo. Bago matapos ang palabas,
biglang tumawag ang kaniyang ina at pilit siyang pinauuwi. Mahigpit
na ipinagbabawal ng kaniyang mga magulang ang pamamalagi sa
labas lalo na kung gabi na. Ngunit sinabihan si Janine ng kaniyang mga
kaibigan na kapag sinunod niya ang kaniyang ina, ititiwalag na siya sa
kanilang barkada at hindi na iimbitahan pa sa alinmang lakad ng
barkada kailanman. Ano ang dapat gawin ni Janine?
Naging madali ba para sa iyo ang makabuo ng
pasiya sa bawat sitwasyon? Bakit?
Bakit kailangang pakinggan ang ating
konsensiya? Nakatutulong ba ito upang makabuo
tayo ng mabuting pasiya? Pangatwiranan.
Sa ating pang-araw-araw na pakikibaka sa
buhay, ginagamit natin ang ating konsensiya
nang hindi natin namamalayan. Mahalagang
maunawaan nang mabuti kung ano talaga ito
dahil malaki ang maitutulong nito sa
pagpapaunlad ng ating pagkatao at ng ating
ugnayan sa ating kapuwa at sa Diyos.
Konsensiya
Isa sa mga kilos na nag-uutos o naghuhusga sa
mabuting gawain o masamang dapat iwasan.
Munting tinig sa loob ng tao na nagbibigay ng
payo sa tao at nag-uutos sa kaniya sa gitna ng
isang moral na pagpapasiya kung paano kumilos
sa isang konkretong sitwasyon (Clark, 1997).
Ang pinakamalapit na pamantayan ng moralidad
na gumagabay sa ating pamumuhay tungo sa
kabutihan. Nagpapahayag ng isang obligasyon na
gawin ang mabuti . Ayon kay Santo Tomas de
Aquino (Clarke, 1997), ang konsensiya ay isang
natatanging pangkaisipan, isang paghuhusga ng
ating sariling katuwiran.
HALIMBAWA

Nakokonsensya ka dahil sa ginagawa ninyong


pagsusulit sa paaralan ay nangopya ka, alam mo
sa sarili mo na sa mataas na grado mong nakuha
ay di mo naman talaga pinaghirapan ang lahat
ng iyon.
Kung sa tingin mo mayroon ka o may panganib
ng pagkakaroon ng COVID-19 ikaw ay
magpapasuri at ihihiwalay mo ang iyong sarili sa
mga tao sa inyong sambahayan, upang
maprotektahan ang inyong pamilya at mga
kaibigan. Konsensya ang pinaiiral mo kung alam
mo kung ano ang tama. Ang pagpili ng tumulong
sa kapwa, kaysa sa manakit sa kapwa.
Makikita sa mga halimbawang ito ang dalawang
elemento ng konsensiya ayon kay Felicidad Lipio:
Una, ang pagninilay upang maunawaan kung ano
ang tama o mali, mabuti o masama; at paghatol
na ang isang gawain ay tama o mali, mabuti o
masama.
Pangalawa, ang pakiramdam ng obligasyong
gawin ang mabuti.
Dalawang bahagi ng konsensya ayon kay Lipio:
a. Ang paghatol moral sa kabutihan o kasamaan
ng isang kilos,
b. Ang obligasyong moral na gawin ang mabuti at
iwasan ang masama.
Ayon kay Santo Tomas de Aquino (Clarke, 1997),
maaaring magkamali ang paghuhusga ng
konsensiya kung tama o mali ang isang kilos.
Ngunit hindi lahat ng maling gamit ng konsensya
ay maituturing na masama. Ito ay dahil sa
kamangmangan at kawalan ng kaalaman sa
isang bagay
Mga Uri ng Kamangmangan
Kamangmangang madaraig (vincible ignorance)
Kamangmangang madaraig (vincible ignorance)
Ang kamangmangan ay madaraig kung
mayroong pamamaraan na magagawa ang isang
tao upang malampasan ito. Malalampasan mo
ang kamangmangan sa pamamagitan ng pag-
aaral at pagsisikap na ikaw ay matuto.
Kamangmangan na di madaraig ( invincible
ignorance).
Ito ay tumutukoy sa kamangmangan ng tao na
hindi nya malalampasan sapagkat siya ay walang
magagawang paraan upang ito ay malampasan.
Ito ay bumabawas sa pananagutan sa kanyang
kilos at pasya.
Upang masubok ang lalim ng iyong naunawaan
sagutin mo ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano ang pangunahing tungkulin ng
konsensiya?
2. Paano ka nagabayan ng konsensiya sa mga
pasiya at kilos mo?
3. Mabisa bang gabay ang iyong konsensiya?
Ipaliwanag.
4. Ano ang natuklasan mo sa iyong sarili
kaugnay ng aralin na ito?
5. Paano ka magpapasiya gabay ang iyong
konsensiya?
Panoorin natin ito!
Takdang - aralin:
Mula sa iyong napanood na Video:
Anong realisasyon mo bilang isang anak?
Binabati kita sa kaalaman na napulot mo
ngayong araw!
Maraming Salamat!
Hanggang sa susunod na linggo ng pag-aaral.

Maam Jo

You might also like