You are on page 1of 7

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A CALABARZON
Pambansansang Paaralang Sekundarya ng Paliparang Fernando
Paliparang Fernando, Lungsod ng Lipa

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO BAITANG-10

I. Layunin
A. Mga Pamantayang Pagkatuto(Learning Standard)
1. Pamantayang Pangnilalaman(Content Standard)
Naipapamalas ng mag-aaral ng angkop na kilos upang maisagawa ang
maingat na paghuhusga(PRUDENCE).
2. Pamantayan sa Pagganap ( Performance Standard )
Nakagagawa ang mag-aaral ng angkop na kilos upang maisagawa ang
maingat na paghuhusga( PRUDENCE ).
3. Batayang Konsepto
Ang maingat na paghuhusga ay mahalagang kasanayan sa tamang
pagpapasiya upang mapatingkad ang kabutihan ng pagkatao.
Nilalaman ng Aralin: Ang Maingat na Paghuhusga
Kagamitan
Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa mga mag-aaral 10,pahina 161-182
Mga Video, Powerpoint Presentation, Sining-biswal na may kinalaman sa maingat na
paghuhusga
B. Mga Layunin/ kasanayang Pampagkatuto (Learning Competencies)
1. Pangkaalaman
Natutukoy ang mga kilos na nagpapakita ng maingat na paghuhusga.
2. Pangkakayahan o Pangkasanayan
Nasusuri ang mga kilos na nagpapakita ng maingat na paghuhusga.
3. Pag-unawa
Napatutunayan na ang maingat na paghuhusga ay mahalagang kasanayan
sa tamang pagpapasiya upang mapaunlad ang paninindigan sa
pagpapakatao.
4. Pagsasabuhay
Nakagagawa ng angkop na kilos na nagpapakita ng maingat na paghuhusga.
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Talaan ng liban
II. Paunang Pagtataya
Sa pagsasagawa ng pagsagot ng Pagsasagot ng mga mag-aaral.
paunang pagtataya ang guro sa saliw ng
isang masiglang musika ay magpapaikot
ng isang bagay at kapag tumigil ang
musika ang matapatan ng bagay na ito
ay siyang sasagot sa isa sa mga
katanungan.
III. Plano ng Pagtuturo-
Pagkatuto
A. Pagtuklas ng Dating Kaalaman
Gawain 1:
Ang guro ay gagamit ng isang maikling
video na iuugnay sa paksang tatalakayin.
Kagamitan: Powerpoint Presentation Pagpapanuod ng video sa mga
Video ng Coin flip mag-aaral.
Pagsusuri:
1. Batay sa video na inyong
napanuod ano ang nais nitong
ipabatid sa atin? Nahahati po ito sa dalawang
parte, tao at krus.
2. Paano ninyo ito maiuugnay sa
pagpapasiya ng tao? Ipaliwanag. Minsan po ay nakadepende lang
tayo sa dalawang bagay o
pagpipilian.
Gawain 2:
Panuto:
1. Hahatiin ang mga mag-aaral sa Pagsasagawa ng bawat pangkat.
limang pangkat. Ang bawat
pangkat ay bibigyan ng mga
kakailanganing kagamitan.
2. Magbibigay ang guro ng iba’t-
ibang gawain sa bawat pangkat
na naglalaman ng iba’t-ibang
sitwasyon tungkol sa maingat na
pagshuhusga.
3. Susuriin kung paano maipapakita
ang maingat na paghuhusga sa
kanilang kilos o pasiya.
4. Ang bawat pangkat ay gagamit ng
iba’t-ibang pamamaraan upang
matuklasan ang dating kaalaman
tungkol sa temang tatalakayin.
Bibigyan sila ng 10 minuto upang
paghandaan ito.
5. Iuulat ito sa pamamagitan ng
malikhaing presentasyon:
Unang pangkat-puppet show
Ikalawang pangkat-pagkanta
Ikatlong pangkat-tula(2 saknong)
Ikaapat na pangkat-pagguhit
Ikalimang pangkat- pagbabalita
6. Pagkatapos ng bawat pangkat
kanilang sasagutin ang bahaging
pagsusuri gamit ang mga gabay
na tanong.
7. Gagamitin ang Rubriks sa
pagmamarka.

K 10 8 6 puntos 4puntos
r puntos puntos
a Katamta Nangan
y Matagu Maayos mang gailanga
t mpay na maayos n pang
i na naisaga na pag-
r naisaga wa ang naisagaw ibayuhin
wa ang nakatak a ang ang
y
nakatak dang nakatakd gawain
a ang
dang gawain
gawain gawain
Pagsusuri:
1. Ano ang inyong naramdaman
matapos ang gawain? Naramdaman po naming na
mahirap gumawa ng pasiya.
2. Ano ang iyong naging
reyalisasyon matapos mong
mapankinggan ang ulat ng iyong
mga kamag-aral? Mahirap magdesisyon lalo kapag
hindi ka sigurado.

3. May nabago ba iyong sariling


pang-unawa tungkol sa
kahulugan at kahalagahan ng
maingat na paghuhusga? Opo, dahil madalas tayo bilang
tao ay nagmamadali sa ating
pasiyang gagawin.
4. Gaano kahalaga ang maingat na
paghuhusga sa buhay ng isang
tao? Mahalaga ito dahil ito ang
humuhusga sa ating kilos na
isasagawa.
B. Paglinang ng Kaalaman,
Kakayahan at Pang-unawa
1. Panunuorin nag isang video na Pagpapanuod ng presentasyon.
may kaugnayan sa maingat na
paghuhusga.
2. Pagkatapos mapanuod ang video
ay sasagutan ang pagsusuri.
Pagsusuri:
1. Ano ang mahalagang mensahe na
tinutukoy sa palabas? Huwag po tayo basta-basta
gumagawa ng pasiya.
2. Sa inyong palagay, ano ang
nararapat na maging pasiya ng
mga taong nabanggit sa
sitwasyon? Minsan kailangan nating isipin ang
kapakanan ng iba bago ang ating
sariling kagustuhan.
3. Ano ang mangyayari kung hindi
maingat sa paghuhusga ang tao?
Ipaliwanag. Madalas po magkakamali tayo at
maaari pang mapahamak.
4. Paano nakatutulong ang maingat
na paghuhusga sa pagbuo ng
tama at mabuting pasiya? Ito ang nagiging batayan sa
isasagawang kilos.
C. Abstraksyon
1. Sa bahaging ito pagpapalalim ay Pagpapakita ng presentasyon.
nagkakaroon ng malayang
talakayan ng mga mag-aaral
tungkol sa maingat na
paghuhusga.
2. Sa pagtatalakay ay gagamit ang
guro ng isang presentasyon.
3. Tutuklasin ang mahalagang
konsepto na nahinuha mula sa
presentasyon.
Pagsusuri:
1. Ano ang katangian ng maingat na
paghuhusga? Nagdudulot ito ng pasiyang
nakabubuti.
2. Bakit itinuturing na “ina ng mga
birtud” ang prudentia? Sapagkat nilalagay nito sa
nilalaman ng sitwasyon sa
pamimili ng tao.
3. Paano nakatutulong nag prudentia
at maingat na paghuhusga sa
pagbuo ng pasiya? Tinutulungan tayo na maimulat sa
mga kondisyon ng pagkakataon
bago pumili.
4. Ano ang pagkakaiba ng takot sa
gawain ng iba at karuwagan dahil
sa kawalan ng tiwala sa iba? Ang takot po ay natural na sa tao
at nag karuwagan po ay kawalan
ng tiwala sa sarili.
5. Bakit mahalaga ang “mata ng
pag-ibig” sa paggawa ng maingat
na paghuhusga? Nakikita po nito ang kalagayan ng
bawat sitwasyon at ang
nakabubuting pagpapasiya.
D. Pagganap
Panuto: Gunitain at isulat sa kwaderno
ang mga mahahalagang pangyayari ng
iyong buhay na kung saan nasubukan
ang iyong kakayahang hanapin ang
pinakamabuting pagpapasiya mula sa
gitna ng magkabilang dulo ng mga
pagpipilian. Gabay mo ang talahanayan
sa ibaba.
1. Tukuyin ang dalawang kritikal at
magkasalungat na pagpipilian na
hinihingi ng sitwasyon.
2. Pagisipang mabuti at husgahan
kung alin sa magkabilang dulo ng
pagpipilian ang tama at mabuti.
a. Kung gagawin mo ang isa, ano
ang epekto? Masaya ka ba?
b. Kung gagawin mo din ang
kabila, ano ang mangyayari?
Mapapanatag ka rin ba?
Pangatwiranan.
c. May nabuo ka bang
pangatlong pagpipilian mula sa
gitna ng dalawang
magkabilang pagpipilian?
Ipaliwanag.
d. Ano ang isasagawang kilos na
sa tingin mo ay bunga ng
maingat na paghuhusga? Ano
ang epekto nito?
Mga Dalawang Alin sa
pangyayari kritikal at mga
sa buhay magkasalu magkabila
na ngat na ng dulo
sumubok pagpipilian ang tama
sa at mabuti?
kakayahan
g hanapin
ang
pinakamab
uting
pagpapasi
ya mula sa
gitna ng
________
pagpipilian
Opsiyon 1
Opsiyon 2
Opsiyon 3

E. Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang bawat
pahayag o sitwasyon. Piliin ang
pinakatamang titik ng tamang kasagutan.
Sagutan sa isang malinis na papel. Tamang Sagot:

1. Sino sa mga sumusunod ang D.


nagpapakita ng karuwagan?
a. Si Belle na takot sa lumilipad na
ipis
b. Si Abby na ayaw maglakad sa
madilim na kalye
c. Si Drew na takot mahulog kung
sasabit sa jeep
d. Si Marie na nahihiyang mag-ulat
sa harap ng klase.
2. Alin sa mga sumusunod ang B.
nagpapakita ng tamang
pagpapasiya?
a. Pagnanakaw
b. Pagtatapos ng pag-aaral
c. Pag-aasawa ng maaga
d. Pagpatay dulot ng galit
3. Anu-ano ang nakakaapekto sa D.
tamang pagpapasiya?
a. Kapuwa c. Kapaligiran
b. Panahon d. Lahat ng
nabanggit C.
4. Paano inilarawan ni Bernard
Haring, ang naingat na
paghuhusga?
a. Wings of Love c. Pledge of Love
b. Eyes of Love d. Puppy Love
5. Alin sa mga sumusunod ang D.
tinaguriang “ina” ng mga birtud?
a. Prudentia c. Kahinahunan
b. Katarungan d. Katapangan

F. Takdang Aralin

Panuto: Alamin ang mahalagang


pangyayari o sitwasyon na pinagdaanan
ng iyong pamilya o isang miyembro ng
iyong pamilya, kaibigan, kapit-bahay o
kamag-aral. Tulungan siyang bumuo ng
pagpapasiya na nagsisimula sa maingat
na paghuhusga. Sundan ang mga
mahalagang bahagi nito. Gamitin bilang
gabay mo ang talahanayan sa ibaba.

Mga Dalawang Alin sa


pangyayari kritikal at mga
sa buhay magkasalu magkabila
na ngat na ng dulo
sumubok pagpipilian ang tama
sa at mabuti?
kakayahan
g hanapin
ang
pinakamab
uting
pagpapasi
ya mula sa
gitna ng
________
pagpipilian
Opsiyon 1
Opsiyon 2
Opsiyon 3
Inihanda ni:

ALDRIN M. BALITA
Gurong Nagsasanay
Iniwasto ni:

GNG. MONALIZA L. OCAMPO


Gurong Tagapagsanay
ESP- Baitang 10

Binigyang pansin ni:

GNG. MARITES P. FABIA


Ulongguro
MAKABAYAN III

Pinagtibay ni:

GNG. EVANGELINE B. ESCABEL


Punongguro III

You might also like