You are on page 1of 7

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) Baitang 10

Modyul 6: Ang Layunin, Paraan, Sirkumstansiya, at Kahihinatnan ng Kilos

I.Layunin

Pamantayan sa Pagkatuto

1.Pamantayang Pangnilalaman

Naipamamalas ng mag-aaral ang pagunawa sa layunin, paraan at mga


sirkumstansiya ng makataong kilos.

2.Pamantayan sa Pagganap

Nakapagsusuri ang mag-aaral ng kabutihan o kasamaan ng sariling pasiya o


kilos sa isang sitwasyon batay sa layunin, paraan at sirkumstansiya nito.

3.Batayang Konsepto

Ang layunin, paraan, sirkumstansiya, at kahihinatnan ay nagtatakda ng


pagkamabuti o pagkamasama ng kilos ng tao.

Mga Layuning Pampagkatuto

1.Pangkaalaman

Naipaliliwanag ng mag-aaral ang layunin, paraan, sirkumstansiya, at


kahihinatnan ng makataong kilos.

2.Pangkakayahan

Nakapagsusuri ng kabutihan o kasamaan ng sariling pasiya o kilos sa isang


sitwasyon batay sa layunin, paraan, sirkumstansiya, at kahihinatnan nito.

3.Pagsasabuhay

Nakapagtatayang kabutihan o kasamaan ng pasiya o kilos sa isang sitwasyong


may dilemma batay sa layunin, paraan, sirkumstansiya, at kahihinatnan nito.

II.Nilalaman

A.Paksa:Ang Layunin, Paraan, Sirkumstansiya, at Kahihinatnan ng Kilos

B.Mga Kagamitan:

 PowerPoint Presentation
 manila paper
 pentel pen
 makukulay na papel
 laptop
 projector

C.Sanggunian:

Edukasyon sa Pagpapakatao

Modyul para sa Mag-aaral

pahina 107 – 122


III.Planong Pagtuturo-Pagkatuto

Activity

1.Panimulang Gawain

 Panalangin
 Pagbati
 Pagtatala ng liban

2.Paunang Pagtataya

Panuto:Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng


pinakatamang sagot.Isulat ito sa iyong kuwaderno.

3.Balik-aral – Modyul 5

4.Pagtuklas ng Dating Kaalaman

Gawain 1

Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon.Tukuyin ang layunin, paraan, at sirkumstansiya


sa bawat pinakitang kilos. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

1.
May markahang pagsusulit si Erick. Siya ay pumasok sa kaniyang silid at nagbasa ng
kaniyang mga napag-aralan.
Layunin _______________________________________________________________

Paraan _______________________________________________________________

Sirkumtansiya _________________________________________________________

2.
Magaling sa asignaturang matematika si Glenda. Siya ang panlaban ng paaralan sa
mga kompetisyon at palagi siyang nananalo. Siya ay nagtuturo sa kapuwa niya kamag-
aral na mahina sa asignaturang matematika tuwing hapon bago siya umuwi.

Layunin _______________________________________________________________

Paraan _______________________________________________________________

Sirkumstansiya _________________________________________________________

3.
Si Jomar ay malungkot dahil naiwan siyang mag-isa sa kanilang bahay. Tinawagan siya
ng kaniyang barkada at niyayang mag-inuman sila ng alak sa bahay ng isa pa nilang
barkada. Dahil nag-iisa si Jomar at nalulungkot, siya ay nakipag-inuman.

Layunin _______________________________________________________________

Paraan _______________________________________________________________

Sirkumstansiya _________________________________________________________

4.
Matagal nang nais ni Kim na magkaroon ng cellphone. Isang araw, habang mag-isa
lamang siya sa kanilang silid-aralan ay nakita niyang naiwan ng kaniyang kamag-aral
ang cellphone nito. Kinuha ito ni kim at itinago.
Layunin ______________________________________________________________

Paraan _______________________________________________________________

Sirkumstansiya _________________________________________________________

Mga Tanong:

1. Ano-ano ang layunin, paraan, at sirkumstansiya sa bawat sitwasyon?

2. May pagkakaiba ba ng kilos sa sitwasyon bilang 1 at 2 sa sitwasyon bilang 3 at 4?


Ipaliwanag.

3. Kung ikaw ang tatanungin, ano ang mas tamang kilos, sitwasyon 1 at 2 o sitwasyon 3
at 4? Patunayan.

Gawain 2

Panuto:

1. Tingnan ang Gawain 1. Isulat ang iyong mga konsepto tungkol sa kahulugan ng
layunin, paraan, at sirkumstansiya ng makataong kilos. Isulat ito sa iyong kuwaderno.

2. Matapos mong maisulat ang mga konsepto ay bumuo ng tatlong pangkat.

3. Ibahagi ang sagot sa bawat isa at mula sa mga sagot ay bumuo kayo ng inyong
malaking konsepto mula sa kahulugan ng layunin, paraan, at sirkumstansiya ng
makataong kilos.

4. Maging malikhain sa gagawing presentasyon

5. Mga Tanong:

a. Ano ang iyong natuklasan sa kahulugan ng layunin, paraan, at sirkumstansiya


ng makataong kilos?

b. Bakit mahalaga na malaman ito ng tao?

c.Paano ito nakatutulong sa tao sa kaniyang pagpili ng isasagawang kilos at


pasiya?

Analysis

Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan, at Pag-unawa

Gawain 3

Panuto:

Suriin ang bawat sitwasyon sa ibaba at tingnan kung mabuti o masama ang
ginawang pasiya o kilos ng tauhan. Lagyan ng tsek ang kolum ng mabuting kilos kung
ikaw ay naniniwala na ito ay mabuti at lagyan ng ekis ang kolum ng masamang kilos
kung naniniwala kang ito ay masama. Isulat sa susunod na kolum ang iyong paliwanag
sa iyong napili. Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno.

Mga Sitwasyon Mabuting Kilos Masamang Kilos Paliwanag

Mga Tanong:

a. Sino-sino sa tauhan ang nagpakita ng mabuting kilos?Sino-sino ang hindi?


b. Ano ang masasabi mo sa bawat tauhan?Pangatwiranan.

c. Paano mo nahusgahan kung mabuti o masama ang pasiya at kilos na ginawa

ng mga tauhan sa bawat sitwasyon?

Gawain 4

Panuto:

1. Mag-isip ng isang sitwasyon sa iyong buhay na kung saan nagpapakita ng iyong


kilos.Isulat ito sa loob ng kahon. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

2. Tukuyin mo ang layunin, paraan, at sirkumstansiya ng iyong pasiya o kilos sa


sitwasyon.

Sitwasyon na nagsagawa ng pasiya at kilos

Layunin

Paraan

Sirkumstansiya ?

Mga Tanong:

1.Ano ang masasabi mo sa iyong kilos, mabuti ba o masama?Patunayan.

2.Ano ang iyong reyalisasyon matapos mong gawin ang gawain?Naging masaya ka ba
o hindi?Ipaliwanag.

3.Paano nakatutulong sa iyo ang pagsusuri ng kilos bago ito isagawa?

Abstraction

Pagpapalalim

Sa modyul 5, ating natutunan na ang makataong kilos ay sinadya(deliberate) at niloob


ng tao, gamit ang isip, kaya pananagutan niya ang kahihinatnan nito (kabutihan o
kasamaan). Nakakaapekto ang kamangmangan, masidhing damdamin, takot,
karahasan, at gawi sa pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng kaniyang kilos dahil
maaaring mawala ang pagkukusa ng kilos.

Ngayon, ating pagnilayan naman ang tungkol sa layunin, paraan, sirkumstansiya, at


kahihinatnan ng makataong kilos.

A.Mungkahing Gawain:

1.Hatiin ang klase sa apat na pangkat.

2.Pumili ng lider at rapporteur.

3.Ibabahagi sa klase sa isang malikhaing presentasyon.

4.Gumamit ng graphic organizers.

5.Gagamit ng Rubric sa pagmamarka ng pag-uulat.


Pangkat 1 – Layunin (Role Play)

Pangkat 2 – Paraan (Lecture)

Pangkat 3 – Sirkumstansiya (Interview)

Pangkat 4 – Kahihinatnan (Lecture)

B.Pagbubuod

1.Ano-ano ang iyong mga realisasyon sa iyong mga isinasagawang kilos araw-araw?

C.Paghinuha sa Batayang Konsepto

Ang layunin, paraan, sirkumstansiya, at kahihinatnan ay nagtatakda ng pagkamabuti o


pagkamasama ng kilos ng tao.

Application

Pagsasabuhay ng mga Pagkatuto

A.Pagganap

Gawain 5

Panuto: Punan ang matrix ayon sa hinihingi sa bawat kolum.Isulat ang sagot sa iyong
kuwaderno.

Mga Sitwasyon Pagsusuri ng Pagtataya ng Paliwanag


Kabutihan o Kabutihan o
Kasamaan ng kilos Kasamaan ng kilos
batay sa layunin, batay sa layunin,
paraan, paraan,
sirkumstansiya, at sirkumstansiya, at
kahihinatnan nito. kalalabasan nito.

B.Pagninilay

Gawain 6

Ngayon ay inaanyayahan kitang magnilay. Balikan mo ang iyong mga isinagawang kilos
noong nakaraang lingo. Batay sa iyong mga natutuhan sa modyul na ito, tukuyin mo
ang iyong mga nagging realisasyon.

Ang mga bago kong natutuhan Ang napulot kong aral mula sa
saaralin. aking mga isinasagawang kilos.
Ang aking mga realisasyon.
C.Pagsasabuhay

Gawain 7

Panuto:

Mag-isip ng isang sitwasyon mula sa iyong karanasan na may suliranin


(dilemma).Tayahin ang kabutihan o kasamaan nito batay sa layunin, paraan,
sirkumstansiya at kahihinatnan nito. Ipakita at ipabasa ito sa iyong magulang.
Anyayahan sila na magbigay ng komento o payo sa iyong ginawa. Palagyan ito sa
kanila ng lagda bilang katibayan na kanilang nabasa ang iyong ginawa.

Suliranin Layunin Paraan Sirkumstansiya Kahihinatnan Komento,


Paghuhusga: payo at
Mabuti o lagda ng
Masama ang magulang
kilos? Bakit?

IV.Takdang Aralin

1.Ipaliwanag ang ibig sabihin ng “ Ang Kautusang Walang Pasubali”.

2.Ano-ano ang balangkas ng Kautusang Walang Pasubali ayon kay Immanuel Kant?

EsP Modyul para sa Mag-aaral

pahina 125

You might also like