You are on page 1of 2

ILIGAN CITY NATIONAL HIGH SCHOOL

Edukasyon sa Pagpapakatao

Baitang 10

Pangalan:_Mary Shaobaine P. Altalaguire Iskor: ________


Year and Section: 10- Baltazar Araw: 1-2

Unang Markahan
Modyul 1: ANG MATAAS NA GAMIT AT TUNGUHIN NG ISIP AT KILOS-LOOB
1.1. Natutukoy ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob.
1.2. Napatutunayan na ang isip at kilos-loob ay ginagamit para lamang sa paghahanap ng katotohanan at sa paglilingkod/pagmamahal.
1.3. Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang mahanap ang katotohanan at maglingkod at magmahal.

I. Mga Tiyak na Layunin sa Araw :


1. Paghambing ng kakayahang ng tao at hayop.
2. Pagtukoy sa gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob sa angkop na sitwasyon
3. Pagpapaliwanag ng pagpapalalim ng Modyul 1.
4. Pagsasagawa ng mga hakbang upang makahanap ng pagkakataon na maipakita ang pagmamahal sa kapuwa.
II. Mga Sanggunian: Modyul ng Mag-aaral: Edukasyon sa Pagpapakatao: Modyul para sa Mag-aaral pp.21-41.
III. GAWAIN
Mahalaga: Kopyahin at sagutin ang mga gawain sa buong papel.
Paunang Pagtataya
Panuto: Para sa bahaging ito, basahin at sagutin agad mula pahina 22-24 ng Modyul.
1. B 2. B 3.A 4.D 5. A 6.C 7.
A.PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN
Gawain 1
Panuto:
1. Basahin at unawain ang panuto sa Gawain 1 sa bahaging Pagtuklas ng Dating Kaalaman sa mga mag aaral pahina 24 -25.
2. Sagutin ang mga tanong sa ibaba na bahagi sa pahina 25, bilang 1-4.
B. PAGPAPALALIM
Panuto:
1. Para sa bahaging Pagpapalalim, basahin mula pahina 30-36 ng Modyul.
2. Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay
3. Kung walang kang aklat o Learner’s Material, ipagbigay-alam mo agad ito sa iyong guro sa EsP 10 o sumangguni sa link
https://drive.google.com/file/d/0B41NpxO8pu79cjNNMWp5dWJYRUU/view
Gawain 2a: Tayahin ang iyong pag-unawa mula sa babasahin sa itaas.
Panuto: Sagutin ang mga tanong upang mataya mo ang iyong pag-unawa sa mga mahalagang konsepto sa babasahin.
1. Batay sa inyong nabasa, ano ang kakayahan ng isip? ng kilos-loob? Ang isip ng isang tao ang may kontrol sa ating
buong katawan. Ang ating utak ang may kakayahang magisip, magpasiya at magdesisyon para sa ating
buhay. Ito rin ang may kakayahan upang mapalawak ang ating imahinasyon. Ang kilos loob ay tumutukoy
sa kakayahan sa paggawa ng isang bagay o gawain na naayon at nais ng ating kaisipan. Ito ang
nagpapasya o nagdedesisyon na gawin anuman ang ating naisin.  
2. Paano nakakaugnay ang isip at kilos-loob sa katangian ng pagkatao ng tao?
Masasabi natin na nakaugnay ang isip
at kilos-loob dahil ang ating kaisipan ang nagbibigay ng katwiran sa ating mga kilos. Ito ay ang
pangunahing dahilan kung paano maipluwensyahan ang kilos-loob ng isang tao.
3. Ipaliwanag ang kahulugan ng pahayag na ito. “Ayon kay Scheler ang pagmamahal ay ang pinakapangunahing kilos ng tao .” Ang
pahayag na ito ay nangangahulugan na ang bawat kilos o aktibidades na ginagawa ng tao ay
bunga ng pagmamahal na mayroon siya para sa Diyos o para sa kanyang kapwa tao.
Nangangahulugan na ang bawat kilos o aktibidades na ginagawa ng tao ay bunga ng pagmamahal.Ito ay
pangunahing kilos dahil nakabatay dito ang lahat ng kilos ng tao at ang tunguhin nila ng mabuting kilos ay
pagmamahal.
Gawain 2b: Paghinuha ng Batayang Konsepto
Panuto:
1. Buuin ang Batayang Konsepto gamit ang graphic organizer sa ibaba.

Napatutunayan na ang 1. isip at kilos-loob ay 2. ginagamit para lamang sa paghahanap ng 3. katotohanan at sa 4.paglilingkod/ 5. pagmamahal.

D. PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO


Gawain 3: Pagsasabuhay
1. Basahin ang panuto ng Gawain 5 sa pagninilay. Sagutin ang tatlong tanong na nasa pahina 39.

Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng output sa gawain 3:

PERFORMANCE TASK RUBRICS


15 Puntos *Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang mahanap ang katotohanan at sa
paglilingkod/ pagmamahal.
*nakapagbigay ng makabuluhnag realisasyon sa nagawang kabutihan
10 Puntos *Ang mga kilos na naipakita ay hindi masyadong angkop sa kakayahang mahanap ang katotohanan at sa
paglilingkod/ pagmamahal
*Hindi masyadong naipaliwang nang mabuti ang realisasyon sa ginawang kabutihan
5 Puntos *Ang mga kilos na naipakita ay hindi masyadong angkop sa kakayahang mahanap ang katotohanan at sa
paglilingkod/ pagmamahal
*Hindi masyadong naipaliwang nang mabuti ang realisasyon sa ginawang kabutihan
*Hindi naipasa sa takdang oras.
Habang naglalakad ako kalsada may Nakita akong matandang babae na nagdadalawang isip
kung siya ay tatawid o hindi kaya ang ginawa ko tinulungan ko siya tumawid para walang sakuna
ang mangyayari. Nagpasalamat sa akin ang matanda at tinanong niya kung ano ang pamalit sa
akin kasi tinulungan niya ako pero ang sinabi ko sa kanya na huwag na kasi ito naman ay isang
napaka liit na bagay, Kaya kung ano man ang iutos o tumulong ka sa kapwa hindi dapat ka
magpapalit dahil kung magpapalit ka hindi yan makakabuti sa kapwa.

You might also like