Professional Documents
Culture Documents
sa paggawa
EsP 9 | 9 - KAMAGONG
“Ang gagaling naman nila!
Sana makaimbento rin ang
henerasyon naten katulad
ng artipisyal na coral
reef na ginagamit sa mga
palaisdaan sa Timog-
Silangang Asya, na
inimbento ni Angel Alcala,
o kaya ng videoke na
naimbento ni Robert del Angel Alcala Robert del Rosario
Rosario, parehong Pinoy!”
Ano-ano kaya ang taglay
nilang mga katangian upang
makabuo ng ganitong mga
imbensyon? Ano-ano ang
indikasyon ng kagalingan sa
paggawa?
Sa modyul 7, naunawaan naten ang tunay
na kahulugan at kabuluhan ng paggawa.
Nalaman mo na ito ay daan upang makamit
mo ang iyong kaganapan bilang tao. Sa
modyul na ito, inaasahang maunawaan mo
na hindi sapat ang paggawa lamang.
Mahalagang laging isaalang-alang ang
kalidad ng serbisyong ibinigay oproduktong
ginawa upang maging gawi ng bawat
kabataan ang kagalingan sa paggawa.
Kagalingan sa paagawa
Wow, ang ganda naman niyan! Ang galing ng
pagkakagawa! Sino ang gumawa? Imported ba o gawa sa
atin?
Marahil ito ang mga salitang namumutawi sa iyo
kapag nakakakita ka o nakakapanood ng mga produkto o
kagamitang pumupukaw ng iyong atensyon. Naitanong mo
na ba sa sarili mo kung kaya mo ring gawin ang
ganitong produkto o kagamitan? Kung minsan ba, naiisip
mo na “pagdating ng takdang panahon, ako naman ang
makagagawa niyan kung saan ako’y magtagumpay at
makikilala?
Ang pagsasagawa ng isang gawain o
paglikha ng produkto ay nangangailangan ng
sapat na kasanayan at angking kahusayan.
Hindi sapat ang lakas ng katawan at layunin
sa paggawa. May mga partikular na kakayahan
at kasanayan na kailangan sa paggawa. Ang
propesyon o kursong natapos ay isang salik na
dapat isaalang-alang, ngunit hindi lang ito
ang kailangan upang makagawa ng isang
produkto o gawaing mag-aangat sa iyo bilang
tao.
Ano-anong kasanayan ang
kailangan sa paggawa ng may
kalidad? Bakit mahalaga ang
kalidad o kagalingan sa
paggawa?
Ayon sa Laborem Exercens, ang paggawa
ay mabuti sa tao dahil sa pamamagitan
nito naisakatuparan niya ang kaniyang
tungkulin sa sarili, kapuwa at sa
Diyos. Ang kagustuhang maisabuhay ang
layuning ito ang nagtutulak sa kaniya
upang magkaroon ng kagalingan sa
paggawa.
Ang kagalingan sa paggawa ay naisasabuhay kung
tataglayin mo ang sumusunod na katangian: