You are on page 1of 24

REVIEWER BATTLE OF THE WISE - ESP 7

1. Ito ay tumutukoy sa mga gawi ng pagiging tao, pagiging matatag at pagiging malakas ng isang indibiduwal sa
anomang kaganapan sa buhay.
A. Birtud C. Pagpapahalaga
B. Moral D. Karunungan
2. Ito ay moral na birtud na gumagamit ng kilos-loob upang ibigay sa tao ang nararapat para sa kaniya: sinoman
o anoman ang kaniyang katayuan sa lipunan at upang maging isang mabuting kabahagi nito.
A. Karunungan C. Kalayaan
B. Katanungan D. Katatagan
3. Ang ‘halaga’ ay salitang-ugat ng katagang pagpapahalaga. Tukuyin kung alin sa sumusunod na pahayag ang
HINDI totoo patungkol sa salitang halaga (value).
A. Ito ay nagmumula sa sarili
B. Ito ay obheto ng ating intensyonal na damdamin
C. Ito ay nagbabago depende sa tao, sa lugar, at sa panahon.
D. Ito ay nangangahulugang pagiging matatag o malakas at pagiging makabuluhan
4. Alin sa sumusunod ang pinakanatural at pinakamahalagang tagapagganap ng pagpapahalaga sa buhay?
A. Pamana ng kultura
B. Mga kapuwa kabataan
C. Pamilya at pag-aaruga sa anak
D. Guro at tagapagturo ng relihiyon
5. Alin sa sumusunod ang HINDI tumutukoy patungkol sa birtud?
A. Ang salitang birtud ay galing sa salitang Latin na virtus
B. Ang birtud ay laging nakaugnay sa pag-iisip at kilos ng tao.
C. Ang birtud ay natural lamang na taglay ng lahat ng nilikha ng Diyos
D. Ang birtud ay bunga ng paulit-ulit na pagsasakilos ng mga pagpapahalaga ng isang tao.
6. Ang mga sumusunod ay angkop na katangian na dapat taglayin ng ganap na halagang moral. Alin sa mga
pahayag ang HINDI WASTO tungkol dito:
A. Ito ay nagmumula sa pagnanais na gumawa ng tama
B. Ito ay pangkalahatang katotohanan na tinatangap ng tao bilang mabuti at mahalaga
C. Ito ay maaaring pansariling pananaw ng tao o kolektibong paniniwala ng isang pangkat ng tao.
D. Ito ay mga prinsipyong etikal na pinagsisikapang makamit ng tao at mailapat sa kaniyang pang-araw-araw na
buhay.
7. Kasabay ng pagiging isang mabuting indibiduwal ang pagkakaroon ng tamang gawi at aksiyon. Alin sa mga
sumusunod ang nagpapakita ng tamang gawi ang higit na magpapalalim ng pagpapahalaga na mayroon ang
isang indibiduwal.
a. Pagsunod sa nakatatanda
b. Pagdalo sa gawaing pampaaralan
c. Pagiging matatag sa anumang problemang dumaan sa buhay
d. Pagsangguni sa mga nakatatanda at kinauukulan sa bawat desisyon na gagawin
8. Sa paanong paraan mahuhubog ng isang tao ang kaniyang Birtud upang maging isang mabuting kabahagi ng
lipunan?
A. Makikisama ng naaayon sa ipinapakita ng iyong kapwa
B. Maging isang mabuting mag-aaral na huwaran ng mga kapwa mag-aaral
C. Gumawa nang naaayon sa kinakailangang kilos na inaasahan ng lipunan
D. Isabuhay ang mga pagpapahalagang natutuhan mula sa pamilya, sa paaralan, at maging sa mga karanasan sa
buhay.
9. Si Ruben ay isa nang ganap na binata at may nililigawan na kung kayat laging pinapaalalahanan siya ng
kaniyang mga magulang ng tamang gawi patungkol dito. Sa papanong paraan maipapapamalas ni Ruben ang
kanyang birtud bilang isang binata patungkol sa usapin ng panliligaw?
A. Hindi na muna siya manliligaw sapagkat higit na mahalaga ang pag-aaral.
B. Pahahalagahan niya ang dalagang kanyang nililigawan higit kaninoman at anoman.
C. Susundin niya ang pamantayan ng panliligaw at ang paalaala ng kanyang mga magulang ukol dito.
D. Bibigyan niya ng panahon ang panliligaw upang maging masaya ang nilinigawan.
10. Ang edukasyon ng isang indibidwal ay sinasabing nagsisimula sa tahanan. Kailan masasabing tunay itong
naging epektibo?
A. Kung may mabuting ugnayan ang magulang at anak
B. Kung pinahahalagahan ng mga anak ang kanilang pag-aaral sa araw-araw
C. Kung may malalim na pagmamahalan sa loob ng tahanan Kung ang kasapi ng pamilya ay may kakayahang
isabuhay ang mga natutuhan sa loob ng tahanan
11. Ang sumusunod ay katangian ng isang taong nagsasabuhay ng gawi MALIBAN sa _______________.
A. Nahihiyang gawin ang anomang pinaniniwalaan niyang tama
B. May mataas na pagpapahalaga sa pangangalaga sa sariling kapakanan at paninindigan
C. May tiwalang ibahagi sa ibang tao ang kaniyang paniniwala na maaaring maging daan upang makahimok ng
iba.
D. Bukas at tapat sa pagbabahagi ng kaniyang mga binabalak, ninanais at mga bagay na nagtutulak sa kaniya
upang gawin ang isang bagay
12. Ang sumusunod ay pamamaraan upang mahubog ang disiplinang pansarili at maisabuhay ang patuloy na
pagsasagawa ng mabuting gawi o asal MALIBAN sa _________________.
A. Paggamit ng kalayaan ng walang kaakibat na responsibilidad/pananagutan
B. Maging mapanagutan sa lahat ng kilos
C. Tanggapin ang kinahihinatnan ng pasiya at kilos
D. Magsikap na mag-isip at magpasiya nang makatuwiran
13. Masasabi lamang na naisagawa ang tunay na kahalagahan ng mabuting gawi kung:
A. Nakilala ang tama at mali at ibinabatay ang panghusga sa mga prinsipyong etikal
B. Sinusunod ng tao ang kaniyang likas na kakayahang gawin ang tama at iwasan ang masama
C. A at B
D. Wala sa nabanggit
14. Anong kakayahan ang mapalalakas kung mahuhubog mula sa pagkabata ang kakayahang maipakita at
maisabuhay ang tamang gawi? Ito ay ang pagbuo ng _____________________.
A. moral na paghuhusga base sa napakingan
B. mabuting kalooban
C. tamang pagpapasya
D. pabago-bagong paghuhusga
15. Ang kalayaan ng tao ay laging may kakambal na_______.
A. katarungan C. maingat na paghuhusga
B. responsibilidad D. lahat ng nabanggit
16. Para sa edukasyon ang paghubog ng konsensiya ng isang bata ay isang mahalagang bahaging maaaring
gampanan ng mga magulang at ng mga guro. Ang sumusunod ay ang mga tungkulin na maaari nilang gampanan
para sa mga mag-aaral MALIBAN sa ____________________.
A. maiparamdam sa mga bata ang paggalang sa kanilang pagiging tao
B. maging bukas sa pagtanggap sa kanilang kabuoan, sinoman sila
C. matulungan ang isang bata upang masuri ang lahat ng bagay na kanilang ginagawa, ninanais o hinahangad
D. maging kritikal sa pagtingin sa kanilang mga pagkakamali at tiyaking ituturo sa kanila ang paraan upang ito
ay maitama
17. Kulang ang baon ng iyong kamag-aral at nakita mong siya ay nahihiya sa mga kaklase ninyo kung kaya’t
nagiging dahilan ito ng kaniyang di pakikiisa sa inyong talakayan. Sa paanong paraan mo matutulungan ang
iyong kamag-aral?
A. Sasabihin sa guro
B. Hahayaan na lamang
C. Hihikayating makilahok sa klase
D. Hindi papansinin
18. Lingid sa kaalaman ng iyong magulang ikaw ay bumagsak sa iyong pagsusulit. Labis itong nagdudulot ng
kalituhan sa iyong isipan kung sasabihin mo ito sa kanila. Subalit sa huli ay nagdesisyon kang sabihin ito sa
kanila. Ano ang aspekto ng iyong pagkatao ang umiral?
A. Birtud
B. Moral
C. Konsensya
D. Pagpapahalaga
19. Ang ______________________________ ay tumutukoy sa pagbibigay-halaga sa mga bagay na tumutugon
sa pangunahing pangangailangan ng tao at sa mga bagay na maituturing lamang ng rangya o luho.
A. pambuhay B. ispirituwal C. pandamdam D. banal
20. Ito ay halagang may kinalaman sa mabuting kalagayan ng buhay. Pinahahalagahan ito upang masiguro niya
ang kaniyang kaayusan at mabuting kalagayan.
A. pambuhay B. ispirituwal C. pandamdam D. banal
21. Ang pinakamataas na antas ng Hirarkiya ng Pagpapahalaga ay _______
A. pambuhay B. ispirituwal C. pandamdam D. banal
22. Sinasabing ang pera ay nakapagbibigay ng saya, ngunit may mga taong maraming pera subalit inaaming
hindi ito ang makapagpapasaya sa kanila. Sa paglipas ng panahon, mahihinuha nila na ang pagkakaroon ng
buong pamilya at mga tapat na kaibigan pala ang tunay na mas makapagpapasaya sa kanila. Ang halimbawang
ito ay patunay sa anong katangian ng mataas na antas ng halaga?
A. Habang tumatagal ang halaga, mas tumataas ang antas nito
B. Mataas ang antas ng halaga kung ito ay lumilikha ng iba pang halaga
C. Higit na malalim ang kasiyahan na nadama sa pagkamit ng halaga, mas mataas ang antas nito
D. Higit na mahirap mabawasan ang kalidad ng halaga kahit pa dumarami ang nagtataglay nito, mas mataas ang
antas nito
23. Kadalasang mahalaga para sa mga nagdadalaga/nagbibinata ang pagkakaroon ng iba’t ibang mga gadget
katulad ng cellphone. Nasa anong antas ito ng pagpapahalaga?
A. pambuhay B. ispiritwal C. pandamdam D. banal
24. Sa panahon ngayon, nauuso na ang mga instant foods na mas mabilis lutuin kumpara sa mga mas
masustansiyang pagkain. Nasa anong antas ito ng pagpapahalaga?
A. pambuhay B. ispiritwal C. pandamdam D. banal
25. Kapag ang pinahahalagahan ay nasa Espirituwal na lebel, tinutukoy nito ang mga . .
A. Diyos, simbahan/sambahan/mosque, banal na aklat
B. pag-eehersisiyo, pamamahinga, pagkain ng masustansiyang pagkain
C. pagmamahal, kapayapaan, katarungan
D. gadyet, mamahaling alahas, magarang sasakyan, malaking mansiyon
26. Kung ang pagpapahalaga ay nasa pambuhay na antas, ang tinutukoy nito ay ang . .
A. Diyos, simbahan/sambahan/mosque, banal na aklat
B. pag-eehersisiyo, pamamahinga, pagkain ng masustansiyang pagkain
C. pagmamahal, kapayapaan, katarungan
D. gadyet, mamahaling alahas, magarang sasakyan, malaking mansion
27. Ang mga sumusunod ay mga antas ng hirarkiya ayon kay Max Scheler, MALIBAN sa .
A. Pambuhay na halaga C. Makabansang halaga
B. Padamdam na halaga D. Banal na halaga
28. Ano ang marapat na una mong pahalagahan?
A. Pambuhay na halaga C. Makabansang halaga
B. Padamdam na halaga D. Banal na halaga
29. Sa papaanong paraan mapapataas ang antas ng iyong pagpapahalaga?
A. Isiping mabuti ang mas mahalaga at dapat na unahing gawain.
B. Gayahin ang mga pinahahalagahan ng mga sikat/kilalang tao.
C. Pumili ng gawaing higit na kinawiwilihan katulad ng paglalaro o pakikipagkwentuhan sa mga kaibigan.
D. Ipagtanong sa mga mas nakatatanda ang nararapat mong gawin upang mapahalagahan ang mataas na antas
ng pagpapahalaga.
30. Ang sumusunod ay mainam na hakbang upang mapanatiling mataas ang antas ng pagpapahalaga ng isang
indibiduwal, MALIBAN sa:
A. Isaisip na mas mataas ang pagpapahalaga kung ito ay para sa Dakilang Lumikha.
B. Higit na pahalagahan kung ano ang makapagpapasaya sa iyo.
C. Hayaan na tadhana ang magdikta ng iyong pahahalagahan sa buhay.
D. Unahin ang kapakanan ng kapuwa.
31. Kahit na naghihirap si Myca sa buhay ay hindi pa rin niya nakaliligtaang tumulong sa mga
nangangailangan. Ano ang maaaring kahinatnan niya?
A. Sisikat siya sa kanilang bayan.
B. Magsasawa rin siya dahil sa dami ng kailangang tulungan.
C. Makatutulong ito upang mapaunlad ang kaniyang pagkatao.
D. Magtatayo siya ng organisasyong makatutulong pa sa nangangailangan.
32. Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng mataas na antas ng pagpapahalaga?
A. Tumatagal at hindi nababago ng panahon.
B. Ito ay nagiging batayan ng ibang pagpapahalaga.
C. Mahirap pa ring mabawasan ang kalidad nito.
D. Kung ito ay nakabatay sa organismong nakararamdam nito.
33. Nararapat mapataas ang antas ng iyong pagpapahalaga upang ___________________________________.
A. mapasaya ang iyong pamilya.
B. maging sikat sa klase at paaralan.
C. magkaroon ng makabuluhang buhay.
D. may maipagmayabang sa mga kamag-anakan.
34. Mahalaga ring maitakda natin ang ating mga layunin sa pagkamit ng ating mga mithiin o pangarap na
nakatuon sa nais nating maabot. Alin sa sumusunod na pahayag ang tamang layunin upang ito ay makamit
A. Ang pagkakaroon ng makabuluhang buhay.
B. Tataglayin mo ang katangian ng isang produktibong manggagawa
C. Magiging bahagi at magbibigay ambag sa pagpapaunlad sa ekonomiya ng bansa
D. Lahat ng nabanggit
35. Ano ang katotohanang ipinapahayag ng kasabihang “Ang edukasyon ay kayamanang taglay na hindi
mananakaw ng sinoman”?
A. Ang edukasyon bilang isa sa pangunahing pangangailangan ng tao ay mahalaga at kinakailangang matamo
ng bawat isa na magagamit sa pagkamit ng mithiin sa buhay.
B. Ang bawat tao na may kakayahang linangin ang kanilang talento at interes sa pamamagitan ng edukasyon
C. Maaaring umunlad ang isang tao sa pamamagitan ng edukasyon na kaniyang nakamit sa pamamagitan ng
pag-aaral
D. Makakamit lamang ng isang tao ang kaniyang mga mithiin sa buhay sa pamamagitan ng edukasyon at
kayamanan.
36. Ang labis na kahirapan at kawalan ng suporta ng pamilya ang pangunahing hadlang upang hindi makamit
ang inaasam na edukasyon at minimithing pangarap ng isang indibiduwal. Ang pahayag ay
______________________.
A. Tama, dahil ang kahirapan at kawalan ng suporta mula sa pamilya ang dahilan upang mabawasan ang interes
at tiwala sa sarili ng isang indibiduwal.
B. Tama, dahil sa kahirapan ay hindi naibibigay ng mga magulang ang mga pangunahing pangangailangan ng
kanilang mga anak
C. Mali, dahil ang kahirapan ay hindi dapat hadlang sa tagumpay ng isang indibiduwal
D. Mali, dahil lahat ng tao anoman ang kalagayan sa buhay ay nangangarap magkaroon ng edukasyon at
makaahon sa kahirapan.
37. Ano ang ibig sabihin ng personal na pahayag ng misyon sa buhay o personal mission statement?
A. Mithiin na nais marating.
B. Pamantayan sa pag-abot ng mga pangarap sa buhay.
C. Isang personal o pansariling motto o kredo na nagpapahayag kung ano ang kabuluhan ng iyong buhay.
D. Tunguhin o pakay na nais na marating o puntahan sa hinaharap.
38. Ang mga sumusunod ay pamantayan sa pagsulat ng personal na pahayag sa buhay MALIBAN sa:
A. Mangolekta ng mga kasabihan
B. Gamitin ang paraang tinatawag na “brain dump”
C. Magpahinga o maglaan ng oras sa pag-iisip.
D. Hayaan na ang magulang na lamang ang magpasiya ng magiging layunin sa buhay.
39. Mahalaga ang pagbuo ng personal na pahayag sa buhay upang _____.
A. mapanatiling matatag sa anomang unos na dumating sa iyong buhay.
B. bigyan ng tuon ang pagtupad sa mga itinakdang mithiin sa buhay.
C. maging gabay sa ating mga pagpapasiya.
D. lahat ng nabanggit.
40. Ayon kay Sean Covey, ang pahayag ng personal na misyon sa buhay ay maihahalintulad sa isang punong
malalim na ugat. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Ito ay matatag at hindi mawawala, ngunit ito ay buhay at patuloy na lumalago.
B. Ito ay pangmatagalang layunin upang makamit ang iyong misyon sa buhay.
C. Ito ay magsisilbing lakas upang mabuhay nang matagal.
D. Wala sa nabanggit.
41. Si Paul ay nagnanais na maging isang matagumpay na abogado sa hinaharap. Ano ang dapat niyang gawin
upang maisakatuparan ang kaniyang mithiin sa buhay?
A. Kumuha ng maraming kurso
B. Magsimba tuwing Linggo.
C. Sumali sa patimpalak sa debate ng barangay.
D. Mag-aral ng mabuti upang makatapos at makapasa sa bar exam.
42. Ano ang benepisyong makukuha ni Paul at ng kanyang kapwa kung magiging ganap siyang abogado?
A. Yayaman ang pamilya.
B. Maging sikat sa kanilang lugar.
C. Makatulong sa mga nangangailangan na ipagtanggol ang kanilang karapatan.
D. Makakapagtayo siya ng negosyo.
43. Ang pahayag ng personal na misyon sa buhay (PPMB) ay posibleng magbago o mapalitan. Ang pahayag ay:
A. Mali, dahil ang ating PPMB ay pangmatagalan
B. Tama, dahil patuloy na nagbabago ang tao sa konteksto ng mga sitwasyon na nangyayari sa kaniyang buhay.
C. Mali, dahil ito ang ating gabay sa pagkamit na ating mithiin
D. Tama, dahil ito ay dikta ng Diyos sa atin
44. Si Joseph ay nais bumuo ng isang pahayag ng personal na misyon sa buhay. Saan dapat ito nakatuon?
A. sa nais na kaniyang mga mithiin at tunguhin sa buhay at kung paano makakamit.
B. sa sariling pang-interes lamang at hindi sa pangangailangan ng kapwa.
C. sa pasiya ng kanyang pamilya at mga kaibigan
D. sa pagmamalaki ng kanyang kakayahan at katangian sa ibang tao
45. Ano ang kabutihang dulot ng pagtatakda at pagsasagawa ng pahayag ng personal na misyon sa buhay?
A. Nagkakaroon ng pag-asa upang makakuha ng taglay na talino.
B. Nahuhubog ang pagiging mapanagutan sa pagkamit ng mithiin para sa sarili, pamilya at kapwa. kabutihang
panlahat at pag-iral nito sa mundo.
C. Nakapag-iisip ng paraan upang maging mas kilala sa inyong lugar.
D. Nakapipili ng makakasama sa pagkamit ng misyon.
46. Sa pagbuo ng pahayag ng personal na misyon sa buhay kailangan isaalang-alang ang kraytiryang SMARTA.
Ang ibig sabihin nito ay
A. Specific, Measurable, Activities, Relevant, Time-bound, Action taken
B. Specific, Materials, Achievable, Related, Time-bound, Action-oriented
C. Specific, Measurable, Attainable, Relevant, Time-bound, Action-oriented
D. Specific, Mandate, Attainable, Resources, Time-bound, Action-oriented
47. Bakit dapat tukuyin ang sentro ng buhay ng isang tao sa pagbuo ng pahayag ng personal na misyon sa
buhay?
A. Upang sila ang gumawa ng iyong ginawang misyon.
B. Ito ang magbibigay sayo ng seguridad, gabay, karunungan, at kapangyarihan upang isakatuparan ang misyon.
C. Dahil sila ang magtutukoy ng iyong mga isasabuhay ng misyon sa buhay.
D. Upang mabigyan sila ng papuri at parangal sa inyong lugar.
48. Ayon kay Sean Covey, nagkakaroon ng kapangyarihan ang misyon natin sa buhay kung ito ay:
A. Mayroong kaugnayan sa kaloob-looban ng sarili upang mailabas ang kahulugan niya bilang isang tao.
B. Nagagamit at naibabahagi nang tama at may kahusayan bilang pagapahayag na ating pagka-bukod tangi.
C. Nagagampanan nang may balance ang mga tungkulin sa pamilya, trabaho, pamayanan, at iba pa.
D. Lahat ng nabanggit./
49. Alin sa mga sumusunod na pamantayan ng pahayag ng personal na misyon sa buhay ang kinakailangan
upang magkaroon ng mas malinaw na pagtatakda ng kung ano ang mga mithiin at nais marating sa buhay?
A. Tiyak (Specific)
B. Nasusukat (Measurable)
C. Naabot (Attainable)
D. May takdang panahon (Time-Bound)
50. Bakit dapat isaalang-alang ang kraytiyang SMART-A sa pagbuo ng pahayag ng personal na misyon sa
buhay?
A. Upang maging kapaki-pakinabang sa iyong kapwa.
B. Upang maging malinaw at tiyak sa iyong tatahakin na buhay.
C. Dahil ito ang mag-aangat sa iyo na maging mapanagutang tao.
D. Dahil ito ang susi sa mga plano mo sa iyong buhay.
51. Ito ay katangian ng kraytiryang SMART-A na tumukoy sa pagiging makabuluhan ng pahayag ng personal na
misyon sa buhay na may pagtugon sa pangangailangan ng iyong kapwa.
A. Tiyak (specific)
B. Angkop (relevant)
C. May takdang panahon (time-bound)
D. Nasusukat (measurable)
Isulat ang letrang A kung ang sitwasyon ay nagpapatunay na ang piniling uri ng pagpapahalaga ay gabay
sa makatotohanang pag-unlad ng ating pagkatao at letrang B naman kung hindi. Gawin ito sa iyong
sagutang-papel.
______1. Si Gerald ay maagang nakapag-asawa kaya hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral. Labis ang suporta
na kaniyang natatanggap mula sa mga magulang na naninirahan na sa ibang bansa. Dahil dito, madalas siyang
lumabas, uminom ng alak at magsugal kasama ang kaniyang mga kaibigan.
______2. Dahil sa labis na kahirapan ay ipinangako ni Charise na siya ay magiging isang doktor balang-araw.
Nagsikap siya, nag-aral sa araw at nagtrabaho naman sa gabi. Ano pa at makalipas ang ilang taon ay natupad
niya ang kaniyang pangarap na maging ganap na doktor.
______3. Madalas mag-Facebook at maglaro ng online games si Sam kung kaya’t napapabayaan na niya ang
pag-aaral ng leksiyon. Dahil dito, siya ay bumagsak sa limang asignatura.
______4. Lumaki sa layaw si Mike. Lahat ng kaniyang naisin ay nakukuha niya. Ano pa at nagbinata siyang
matigas ang ulo at walang alam sa anomang gawain.
______5. Sa kabila ng tagumpay na tinatamasa ni Angelo, pinili niyang ilaan ang kaniyang panahon para sa
pagtulong sa mga batang lansangan. Iniwan niya ang kaniyang negosyo sa mga taong kaniyang
pinagkakatiwalaan at ibinabahagi niya ang kaniyang yaman sa mga batang kaniyang tinutulungan. Nakahanda
siyang laging tumugon sa kagustuhan ng Diyos na maglingkod sa kapuwa na walang hinihintay na anomang
kapalit.
Isulat ang titik T, kung sumasang-ayon ka sa sinasabi ng pangungusap; at ang titik M, kung hindi ka
naman sumasang-ayon.
_____ 1.Nagsisilbing gabay ang mga inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) kung ano ang
inaasahan ng lipunan sa isang indibidwal sa bawat yugto ng buhay.
_____ 2. Sa pamamagitan ng mga inaasahang kakayahan at kilos, malilinang ang iyong kakayahang iakma ang
iyong sarili sa mga bagong sitwasyon.
_____ 3. Normal lamang sa isang nagdadalaga/nagbibinata ang pangangatwiran sa nakatatanda. Ito ay bunga
lamang ng pagnanais niyang makatayo sa sariling mga paa.
_____ 4. Ang paghahanda para sa paghahanapbuhay ang isa sa mga pangunahing inaasahang kakayahan at kilos
ng isang nagdadalaga o nagbibinata; dahil dito, hindi mahalaga ang pag-aaral kung ikaw ay may trabaho na.
_____ 5. Ang paghahanda para sa pag-aasawa at pagpapamilya ang isa sa inaasahang kakayahan at kilos ng
isang nagdadalaga o nagbibinata; kaya nga’t tungkulin mong maging katanggaptanggap sa pakikipag- ugnayan
sa katapat na kasarian.
Pillin sa loob ng kahon ang angkop na salita sa bawat pangungusap at isulat ito sa bawat patlang.
__________________1. Mga bagay na kaya mong gawin, Abilidad na magawa ang isang bagay na nais.
__________________2. Pagiging iba mula sa dati, ebolusyon.
__________________3. Panahon na kung saan nagkakaroon ng pagbabagong pisikal, mental, sosyal at
emosyonal na pagbabago ang isang kabataang lalaki.
__________________4. Nagtutulak sa isang tao na magpatuloy sa buhay.Maaaring ito ay magmula sa iba at
magsilbing lakas o inspirasyon para magpatuloy sa isang gawain o landas na maaaring tahakin ng isang tao.
__________________5. Panahon na kung saan nagkakaroon ng pagbabagong pisikal, mental, sosyal at
Emosyonal na pagbabago ang isang kabataang babae.\

Lagyan ng tsek ang patlang kung ito ay palatandaan ng paglinang ng mga angkop na inaasahang kakayahan at
kilos (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata, at wag itong lagyan kung hindi.
______1. Paghubog ng tiwala sa sarili at kakayahan sa pagpapasya ng tama.
______2. Parating may kaaway at hindi marunong makihalubilo sa iba.
______3. Walang pakialam sa kung ano ang maaaring mangyari sa kinabukasan.
______4. Pagpapaunlad ng sariling pagkatao.
______5. Huwag matakot na harapin ang mga bagong hamon ng buhay
______6. Habang ikaw ay lumalaki, mas lalong nagiging malalim ang pakikipag-ugnayan mo sa kapwa.
______7. Pag iisip ng mga negatibong bagay na hindi makatutulong sa pagkamit ng tiwala sa sarili.
______8. Kailangan mong matutunang mahalin ang iyong sarili upang matutunan mo ring magpahalga sa ibang
tao.
______9. Si Alexa ay nagsisikap sa pag-aaral upang makamit ang kanyang mga pangarap at mithiin sa buhay.
______10. Sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata hindi kinakailangan ang mga pagpapahalaga sa buhay.
Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga pangungusap. Uriin ang mga ito kung ito ay
nagsasaad ng TAMANG KONSENSIYA o MALING KONSENSIYA. Isulat ang kasagutan sa nakalaang
puwang bago ang bilang.
__________________1. Pagsauli ng sobrang sukli sa binilhan.
__________________2. Pagtatago ng sitwasyong nasaksihan upang hindi madamay sa gulo.
__________________3. Pangungupit sa tindahan dahil sa mahigpit na pangangailangan.
__________________4. Pagsasabi ng totoo.
__________________5. Pagpapasya sa isang sitwasyon na walang pagkonsulta sa mga kasamahan sa paaralan.
__________________6. Pagkuha ng gamit ng kapatid ng walangpaalam.
__________________7. Pangongopya sa pagsusulit.
__________________8. Pagbubunyag ng lihim ng kaibigang matalik.
__________________9. Pagbibigay ng maling gamot sa pasyente.
__________________10.Pagtulong sa kapwa nang may hinihintay na kapalit.
REVIEWER BATTLE OF THE WISE - ESP 7
1. Ang sumusunod ay katangian ng isang taong nagsasabuhay ng gawi MALIBAN sa _______________.
A. Nahihiyang gawin ang anomang pinaniniwalaan niyang tama
B. May mataas na pagpapahalaga sa pangangalaga sa sariling kapakanan at paninindigan
C. May tiwalang ibahagi sa ibang tao ang kaniyang paniniwala na maaaring maging daan upang makahimok ng
iba.
D. Bukas at tapat sa pagbabahagi ng kaniyang mga binabalak, ninanais at mga bagay na nagtutulak sa kaniya
upang gawin ang isang bagay
2. Ang sumusunod ay pamamaraan upang mahubog ang disiplinang pansarili at maisabuhay ang patuloy na
pagsasagawa ng mabuting gawi o asal MALIBAN sa _________________.
A. Paggamit ng kalayaan ng walang kaakibat na responsibilidad/pananagutan
B. Maging mapanagutan sa lahat ng kilos
C. Tanggapin ang kinahihinatnan ng pasiya at kilos
D. Magsikap na mag-isip at magpasiya nang makatuwiran
3. Masasabi lamang na naisagawa ang tunay na kahalagahan ng mabuting gawi kung:
A. Nakilala ang tama at mali at ibinabatay ang panghusga sa mga prinsipyong etikal
B. Sinusunod ng tao ang kaniyang likas na kakayahang gawin ang tama at iwasan ang masama
C. A at B
D. Wala sa nabanggit
4. Anong kakayahan ang mapalalakas kung mahuhubog mula sa pagkabata ang kakayahang maipakita at
maisabuhay ang tamang gawi? Ito ay ang pagbuo ng _____________________.
A. moral na paghuhusga base sa napakingan
B. mabuting kalooban
C. tamang pagpapasya
D. pabago-bagong paghuhusga
5. Ang kalayaan ng tao ay laging may kakambal na_______.
A. katarungan C. maingat na paghuhusga
B. responsibilidad D. lahat ng nabanggit
6.Para sa edukasyon ang paghubog ng konsensiya ng isang bata ay isang mahalagang bahaging maaaring
gampanan ng mga magulang at ng mga guro. Ang sumusunod ay ang mga tungkulin na maaari nilang
gampanan para sa mga mag-aaral MALIBAN sa ____________________.
A. maiparamdam sa mga bata ang paggalang sa kanilang pagiging tao
B. maging bukas sa pagtanggap sa kanilang kabuoan, sinoman sila
C. matulungan ang isang bata upang masuri ang lahat ng bagay na kanilang ginagawa, ninanais o hinahangad
D. maging kritikal sa pagtingin sa kanilang mga pagkakamali at tiyaking ituturo sa kanila ang paraan upang ito
ay maitama
7. Kulang ang baon ng iyong kamag-aral at nakita mong siya ay nahihiya sa mga kaklase ninyo kung kaya’t
nagiging dahilan ito ng kaniyang di pakikiisa sa inyong talakayan. Sa paanong paraan mo matutulungan ang
iyong kamag-aral?
A. Sasabihin sa guro
B. Hahayaan na lamang
C. Hihikayating makilahok sa klase
D. Hindi papansinin
8. Lingid sa kaalaman ng iyong magulang ikaw ay bumagsak sa iyong pagsusulit. Labis itong nagdudulot ng
kalituhan sa iyong isipan kung sasabihin mo ito sa kanila. Subalit sa huli ay nagdesisyon kang sabihin ito sa
kanila. Ano ang aspekto ng iyong pagkatao ang umiral?
A. Birtud
B. Moral
C. Konsensya
D. Pagpapahalaga
9. Ang ______________________________ ay tumutukoy sa pagbibigay-halaga sa mga bagay na tumutugon
sa pangunahing pangangailangan ng tao at sa mga bagay na maituturing lamang ng rangya o luho.
A. pambuhay B. ispirituwal C. pandamdam D. banal
10. Ito ay halagang may kinalaman sa mabuting kalagayan ng buhay. Pinahahalagahan ito upang masiguro niya
ang kaniyang kaayusan at mabuting kalagayan.
A. pambuhay B. ispirituwal C. pandamdam D. banal
11. Ang pinakamataas na antas ng Hirarkiya ng Pagpapahalaga ay _______
A. pambuhay B. ispirituwal C. pandamdam D. banal
12. Sinasabing ang pera ay nakapagbibigay ng saya, ngunit may mga taong maraming pera subalit inaaming
hindi ito ang makapagpapasaya sa kanila. Sa paglipas ng panahon, mahihinuha nila na ang pagkakaroon ng
buong pamilya at mga tapat na kaibigan pala ang tunay na mas makapagpapasaya sa kanila. Ang halimbawang
ito ay patunay sa anong katangian ng mataas na antas ng halaga?
A. Habang tumatagal ang halaga, mas tumataas ang antas nito
B. Mataas ang antas ng halaga kung ito ay lumilikha ng iba pang halaga
C. Higit na malalim ang kasiyahan na nadama sa pagkamit ng halaga, mas mataas ang antas nito
D. Higit na mahirap mabawasan ang kalidad ng halaga kahit pa dumarami ang nagtataglay nito, mas mataas ang
antas nito
13. Kadalasang mahalaga para sa mga nagdadalaga/nagbibinata ang pagkakaroon ng iba’t ibang mga gadget
katulad ng cellphone. Nasa anong antas ito ng pagpapahalaga?
A. pambuhay B. ispiritwal C. pandamdam D. banal
14. Sa panahon ngayon, nauuso na ang mga instant foods na mas mabilis lutuin kumpara sa mga mas
masustansiyang pagkain. Nasa anong antas ito ng pagpapahalaga?
A. pambuhay B. ispiritwal C. pandamdam D. banal
15. Kapag ang pinahahalagahan ay nasa Espirituwal na lebel, tinutukoy nito ang mga . .
A. Diyos, simbahan/sambahan/mosque, banal na aklat
B. pag-eehersisiyo, pamamahinga, pagkain ng masustansiyang pagkain
C. pagmamahal, kapayapaan, katarungan
D. gadyet, mamahaling alahas, magarang sasakyan, malaking mansiyon
16. Kung ang pagpapahalaga ay nasa pambuhay na antas, ang tinutukoy nito ay ang . .
A. Diyos, simbahan/sambahan/mosque, banal na aklat
B. pag-eehersisiyo, pamamahinga, pagkain ng masustansiyang pagkain
C. pagmamahal, kapayapaan, katarungan
D. gadyet, mamahaling alahas, magarang sasakyan, malaking mansion
17. Ang mga sumusunod ay mga antas ng hirarkiya ayon kay Max Scheler, MALIBAN sa .
A. Pambuhay na halaga C. Makabansang halaga
B. Padamdam na halaga D. Banal na halaga
18. Ano ang marapat na una mong pahalagahan?
A. Pambuhay na halaga C. Makabansang halaga
B. Padamdam na halaga D. Banal na halaga
19. Sa papaanong paraan mapapataas ang antas ng iyong pagpapahalaga?
A. Isiping mabuti ang mas mahalaga at dapat na unahing gawain.
B. Gayahin ang mga pinahahalagahan ng mga sikat/kilalang tao.
C. Pumili ng gawaing higit na kinawiwilihan katulad ng paglalaro o pakikipagkwentuhan sa mga kaibigan.
D. Ipagtanong sa mga mas nakatatanda ang nararapat mong gawin upang mapahalagahan ang mataas na antas
ng pagpapahalaga.
20. Ang sumusunod ay mainam na hakbang upang mapanatiling mataas ang antas ng pagpapahalaga ng isang
indibiduwal, MALIBAN sa:
A. Isaisip na mas mataas ang pagpapahalaga kung ito ay para sa Dakilang Lumikha.
B. Higit na pahalagahan kung ano ang makapagpapasaya sa iyo.
C. Hayaan na tadhana ang magdikta ng iyong pahahalagahan sa buhay.
D. Unahin ang kapakanan ng kapuwa.
21. Kahit na naghihirap si Myca sa buhay ay hindi pa rin niya nakaliligtaang tumulong sa mga
nangangailangan. Ano ang maaaring kahinatnan niya?
A. Sisikat siya sa kanilang bayan.
B. Magsasawa rin siya dahil sa dami ng kailangang tulungan.
C. Makatutulong ito upang mapaunlad ang kaniyang pagkatao.
D. Magtatayo siya ng organisasyong makatutulong pa sa Nangangailangan.
22. Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng mataas na antas ng pagpapahalaga?
A. Tumatagal at hindi nababago ng panahon.
B. Ito ay nagiging batayan ng ibang pagpapahalaga.
C. Mahirap pa ring mabawasan ang kalidad nito.
D. Kung ito ay nakabatay sa organismong nakararamdam nito.
23. Nararapat mapataas ang antas ng iyong pagpapahalaga upang ____________________________________.
A. mapasaya ang iyong pamilya.
B. maging sikat sa klase at paaralan.
C. magkaroon ng makabuluhang buhay.
D. may maipagmayabang sa mga kamag-anakan.
24. Mahalaga ring maitakda natin ang ating mga layunin sa pagkamit ng ating mga mithiin o pangarap na
nakatuon sa nais nating maabot. Alin sa sumusunod na pahayag ang tamang layunin upang ito ay makamit
A. Ang pagkakaroon ng makabuluhang buhay.
B. Tataglayin mo ang katangian ng isang produktibong manggagawa
C. Magiging bahagi at magbibigay ambag sa pagpapaunlad sa ekonomiya ng bansa
D. Lahat ng nabanggit
25. Ano ang katotohanang ipinapahayag ng kasabihang “Ang edukasyon ay kayamanang taglay na hindi
mananakaw ng sinoman”?
A. Ang edukasyon bilang isa sa pangunahing pangangailangan ng tao ay mahalaga at kinakailangang matamo
ng bawat isa na magagamit sa pagkamit ng mithiin sa buhay.
B. Ang bawat tao na may kakayahang linangin ang kanilang talento at interes sa pamamagitan ng edukasyon
C. Maaaring umunlad ang isang tao sa pamamagitan ng edukasyon na kaniyang nakamit sa pamamagitan ng
pag-aaral
D. Makakamit lamang ng isang tao ang kaniyang mga mithiin sa buhay sa pamamagitan ng edukasyon at
kayamanan.
26. Ang labis na kahirapan at kawalan ng suporta ng pamilya ang pangunahing hadlang upang hindi makamit
ang inaasam na edukasyon at minimithing pangarap ng isang indibiduwal. Ang pahayag ay
______________________.
A. Tama, dahil ang kahirapan at kawalan ng suporta mula sa pamilya ang dahilan upang mabawasan ang interes
at tiwala sa sarili ng isang indibiduwal.
B. Tama, dahil sa kahirapan ay hindi naibibigay ng mga magulang ang mga pangunahing pangangailangan ng
kanilang mga anak
C. Mali, dahil ang kahirapan ay hindi dapat hadlang sa tagumpay ng isang indibiduwal
D. Mali, dahil lahat ng tao anoman ang kalagayan sa buhay ay nangangarap magkaroon ng edukasyon at
makaahon sa kahirapan.
27. Ang sumusunod ay mga hakbang sa proseso sa pagpaplano ng career MALIBAN sa __________________.
A. Pananaliksik
B. Eksperimento
C. Paggawa at Pagsasabuhay
D. Pagtatasa sa saliri at pananaliksik
28. Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI tumutukoy sa pagsasagawa ng pansariling plano para sa
minimithing kurso at track o karera.
A. Pagtatasa sa sarili at masusing pagkilala ng mga sariling kahinaan at kalakasan.
B. Pananaliksik upang magbigay kaalaman sa mga kinakailangang datos at impormasyon.
C. Paggawa ng desisyon at malalimang pagsusuri sa mga kahinaan at kalakasan.
D. Pagsasagawa ng mga plano base sa impluwensiya ng mga kapamilya.
29. Analohiya: Isip: kapangyarihang mangatwiran – kilos-loob : ___________
A. kapangyarihang makadama, kilalanin ang nadarama at ibahagi ang nadarama
B. kapangyarihang magnilay, pumili, magpasya at isakatuparan ang pasya
C. kapangyarihang magnilay, sumagguni, magpasya at kumilos
D. kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili
30. Ang kilos-loob ay bulag. Ang pahayag ay:
A. Tama, dahil umaasa lamang ito sa ibinibigay na impormasyon ng isip.
B. Mali, dahil may kakayahan itong hanapin ang kanyang tunguhin.
C. Mali, dahil nakikilala nito ang gawang mabuti at masama.
D. Tama, dahil wala itong taglay na panlabas na kamalayan.
31. Ang sumsusunod ay katangian ng isip maliban sa:
A. Ang isip ay may kapangyarihang umunawa sa kahulugan ng buhay
B. Ang isip ay may kapangyarihang maglapat ng mga pagpapasya.
C. Ang isip ay may kapangyarihang mangatwiran.
D. Ang isip ay may kapangyarihang mag-alaala.
32. Ano ang pangunahing gamit ng isip ng tao?
A. magtimbang ng esensiya ng mga bagay C. magpasya
B. umunawa D. mag-isip
33. Sa pamamagitan ng kilos-loob nahahanap ng tao ang ________________.
a. katotohanan c. karunungan
b. kaalaman d. kabutihan
34. Ang halaman at hayop ay ganap na nilikha ng Diyos. Ang pahayag ay:
a. Tama, dahil lahat ng mga ito ay nilikhang may buhay ng Diyos
b. Mali, dahil ang halaman at hayop ay hindi ipinanganak at walang mga magulang.
c. Mali, dahil may mga bagay na taglay ang tao higit pa sa mabuhay , maging malusog at makaramdam.
d. Tama, dahil katulad ng tao ay may pangangailangan din silang alagaan upang lumaki, kumilos at dumami.
35. Ang kilos-loob ay bulag. Ang pahayag ay:
a. Tama, dahil wala itong taglay na panlabas na kamalayan
b. Mali, dahil nakikilala nito ang gawang mabuti at masama
c. Mali, dahil may kakayahan itong hanapin ang kanyang tunguhin
d. Tama, dahil umaasa lamang ito sa ibinibigay na impormasyon ng isip
36. Ang tao ay may tungkuling _________________________, ang isip at kilos-loob.
a. Sanayin, paunlarin at gawing ganap
b. Kilalanin, sanayin, at gawing ganap
c. Kilalanin, sanayin, paunlarin at gawing ganap
d. Wala sa nabanggit
37. Paano tunay na mapamamahalaan ng tao ang kanyang kilos?
a. Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kontrol sa sarili o disiplina
b. Sa pamamagitan ng tamang paggamit ng kalayaan at kilos-loob
c. Sa pamamagitan ng pagdaan sa mahabang proseso ng pag-iisip at pamimili
d. Sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga taong nakaaalam at puno ng karanasan
38. Ang kilos ang nagbibigay patunay kung ang isang tao ay ______________sa sarili.
a. may kontrol o pananagutan
b. may Kalayaan sa kanyang pagkilos
c. kailangang paunlarin ang katangian
d. may responsibilidad na dapat gampanan
39. Lumaki si John Lloyd sa isang pamilyang relihiyoso. Habang siya ay lumalaki at nagkakaisip, nakikita niya
ang maraming pagkakataon na kailangan niyang maging matatag laban sa tuksong gumawa ng masama. Dahil
dito, madalas siyang sumasangguni sa maraming mahahalagang aklat na magtuturo sa kanya ng mga batayan sa
pamimili ng tama at mabuti. Anong pamamaraan sa paglinang ng konsiyensiya ang inilalapat ni John Lloyd.
a. Sanayin ang sarili na pinakikinggan at sinusunod ang konsiyensiya
b. Ipagpaliban muna ang pasya o kilos kung may pag-aalinlangan at agam- agam.
c. Isabuhay ang mga moral na alituntunin. Nalilinang ang konsiyensiya sa pamamagitan ng pagsasabuhay ayon
sa tamang alituntunin
d. Pag-aralan ang mga moral na alituntunin upang maging sensitibo ang konsiyensiya sa pagkilala sa mabuti at
masama.
40. Ano ang maitutulong ng pag-iwas ng tao sa paggamit ng maling konsiyensiya?
a. Maiiwasan ang landas na walang katiyakan
b. Masusugpo ang paglaganap ng kasamaan
c. Makakamit ng tao ang kabanalan
d. Wala sa nabanggit
41. Hindi pare-pareho ang dikta ng konsiyensiya ng bawat tao. Ang pahayag ay:
a. Tama, dahil nakabatay ito sa edad at kakayahan ng isip ng tao
b. Mali, dahil iisa lamang ang pamantayan na nararapat na sinusunod ng lahat ng tao.
c. Mali, dahil pare-pareho tayong tao na nakaaalam ng tama at mali, mabuti o masama
d. Tama, dahil nagkakaiba-iba ang karanasan, kinalakihan, kultura at kapaligiran ng tao.
42. Sobra ang sukli na natanggap ni Melody nang bumili siya ng pagkain sa isang restawran. Alam niyang
kulang na ang kanyang pamasahe pauwi sa kanilang bahay ngunit isinauli pa rin niya ang sobrang pera. Anong
uri ng konsiyensiya ang ginamit ni Melody?
a. Tamang konsiyensiya c. Purong konsiyensiya
b. Maling konsiyensiya d. Mabuting konsiyensiya
43. Ang likas na Batas-Moral ay hindi imbensyon ng tao, ito ay natutuklasan lamang. Ito ay pangkalahatang
katotohanan na may makatwirang pundasyon. Anong katangian ng likas na Batas-Moral ang tinutukoy sa
pangungusap?
a. Obhektibo c. walang hanggan
b. Unibersal d. di nagbabago
44. Maaring maging manhid ang konsiyensiya ng tao. Ang pahayag ay:
a. Mali, dahil hindi ito ang kalikasan ng tao.
b. Mali, dahil kusang gumagana ang konsiyensiya ng tao sa pagkakataon na ito ay kailangan
c. Tama, dahil maihahalintulad ito sa damdamin ng tao na maaaring maging manhid dahil sa patuloy na
pagsasanay
d. Tama, dahil kung patuloy na babalewalain ng tao ang dikta ng konsiyensiya magiging manhid na ito sa
pagkilala ng tama.
45. Ano ang bunga ng pagsunod sa tamang konsiyensiya?
a. Mapalalaganap ang kabutihan
b. Makakamit ng tao ang tagumpay
c. Maaabot ng tao ang kanyang kaganapan
d. Mabubuhay ang tao nang walang hanggan
46. Ang likas na Batas-Moral ay nakapangyayari sa lahat ng lahi, kultura sa lahat ng lugar at sa lahat ng
pagkakataon. Ito ay nangangahulugan na ang likas na batas na moral ay:
a. Obhektibo c. walang hanggan
b. Unibersal d. di nagbabago
47. Ang mga sumusunod ay katangian ng konsiyensiya maliban sa:
a. Sa pamamagitan ng konsiyensiya, nakikilala ng tao na may mga bagay siyang ginawa o hindi ginawa.
b. Sa pamamagitan ng konsiyensiya, nakikilala ng tao ang tamang bagay na dapat gawin at masamang dapat
iwasan.
c. Sa pamamagitan ng konsiyensiya, nahuhusgahan kung ang bagay na ginawa ay nagawa nang maayos at tama
o nagawa nang di maayos o mali.
d. Sa pamamagitan ng konsiyensiya, nahuhusgahan ng tao kung may bagay na dapat siyang ginawa subalit hindi
niya ginawa o hindi niya dapat isagawa subalit ginawa.
48. Ang pagbebenta ng pirated na CD sa mga mall ay malaki ang naitutulong sa mga tao dahil mas nakatitipid
kaysa bumili ng orihinal na kopya. Halos lahat ng tao ay ito na ang hinahanap sa kasalukuyan kung kaya
lumalaki na ang negosyong ito at marami ang natutulungan. Ang sitwasyong na ito ay nagpapatunay na:
a. May mga pagkakataon na ang paghuhusga ay nararapat na ibatay sa benepisyo o tulong sa taong nagsasagawa
ng kilos.
b. Ang masamang pamamaraan sa pagkamit ng layunin ay mababalewala kung ang layunin ay mabuti at tama.
c. Ang isang bagay na mali ay maaring maging tama kung ito ay nakatutulong sa mas nakararami.
d. May mga kilos na nagmumukhang tama at normal dahil sa dami ng gumagawa nito.
49. Ang mga sumusunod na kilos ay nagpapakita nang mapanagutang paggamit ng kalayaan maliban sa:
A. Hindi lingid sa kaalaman ni Rachelle ang katiwalian na nagaganap sa loob ng kanilang kompanya. Saksi siya
sa pandaraya na ginagawa ng kanyang matalik na kaibigan sa report ng kinita ng kompanya. Sa kabila nang
pakiusap nito na manahimik na lamang siya ay sinabi pa rin niya ito sa kanyang boss na naging dahilan ng
pagkatanggal ng kanyang kaibigan sa trabaho at pakakaroon ng kaso sa hukuman.
B. Nasaksihan ni Rupert ang ginawang panloloko ng kanyang kapatid sa kanyang mga magulang. Ang alam ng
mga ito, pumapasok siya arawaraw sa paaralan ngunit sa halip nagpupunta ito sa computer shop
kasama ang mga barkada. Dahi alam niyang labis na mapagagalitan ang kanyang kapatid hindi sinabi niya ito sa
kanyang magulang dahil ayaw niyang ito ay mapagalitan o masaktan.
C. Nasaktan ni Rebecca ang kanyang ina dahil sa kanyang pagsisinungaling dito. Inihanda niya ang kanyang
sarili sa magiging reaksyon ng kanyang mga kapatid sa kanyang ginawa. Dahil dito siya na mismo ang gumawa
ng paraan upang itama ang kanyang pagkakamali kahit pa ito ay nangangahulugan na siya ay mapapahiya at
masasaktan.
D. Inilaan ni Anthony ang malaking bahagi ng kanyang buhay upang mapalawak ang kanyang kaalaman at
karunungan, alam niyang malaking bagay ang magagawa nito upang maiahon niya ang kanyang pamilya sa
kahirapan at upang maibahagi niya sa lahat ang kanyang mga kakayahan.
50. Ang mga sumusunod ang palatandaan ng mapanagutang paggamit ng kalayaan maliban sa:
A. Nakahandang harapin ang anomang kahihinatnan ng mga pagpapasya
B. Naisasaalang-alang ang kabutihang pansarili at kabutihang panlahat
C. Hindi sumasalungat ang kilos sa likas na batas moral
D. Naibabatay ang pagkilos sa kahihinatnan nito
51. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino ang kalayaan ay katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang kanyang kilos
tungo sa maaaring hantungan at ang paraan upang makamit ito. Ito ay nangangahulugang:
A. Ang hantungan ng kilos ay itinatakda ng tao batay sa kanyang pagiging mapanagutan sa paggamit ng
kanyang kalayaan
B. Malaya ang taong gamitin ang kanyang kilos-loob upang pumili ng partikular na bagay o kilos.
C. Ang kalayaan ng tao, katulad ng kilos loob ay nakabatay sa dikta ng isip.
D. Lahat ng nabanggit
52. Ang kalayaan ng tao ay nakasalalay sa kanyang _________________.
A. Konsensya
B. Kilos-loob
C. Dignidad
D. Isip
53. Nakilahok sa isang pag-aalsa laban sa pamunuan ng kompanyang kaniyang pinagtatrabahuhan. Nangyari ito
dahil sa hindi makataong pagtrato ng may-ari ng kompanya sa lahat ng mga empleyado. Dahil dito,
siya at ang ilan pang mga kasama na itinuturing na pinuno ng mga manggagawa ay hinuli at ikinulong. Sa
sitwasyong ito, nawala ang kanyang _________________.
A. Panlabas na kalayaan
B. Panloob na kalayaan
C. Dignidad bilang tao
D. Karapatang pantao
54. Bakit mahalagang hayaan ng isang magulang ang kanyang anak na sumubok, pumili at magpasya para sa
kanyang sarili?
A. Ang pagiging malaya sa pagpapasya ng isang anak ay maaaring magdulot ng sakit dahil sa pagkakamali
ngunit dito sila natututo ng mahalagang aral.
B. Maiiwasan ang pagrerebelde ng isang anak dahil sa labis na pagnanais ng magulang na magabayan ang
kanyang anak patungo sa tamang landas.
C. Ang pagkakataong ibinibigay ng magulang ang magtuturo sa mga anak na sumunod mula sa pag-unawa at
pagmamahal at hindi sa pamimilit.
D. Ito ang magbibigay sa kanila ng mga karanasang maaari nilang gamiting gabay sa mga isasagawang
pagpapasya sa hinaharap.
55. ”Ang tunay na kalayaan ay ang paggawa nang mabuti.” Ang pangungusap ay:
A. Tama, dahil ang tunay na kalayaan ay mapanagutan kaya’t inaasahang ito ay gagamitin sa paggawa nang
naaayon sa kabutihan.
B. Mali, dahil magkakaroon lamang ng kabuluhan ang kalayaan kung malayang magagawa ng tao ang mabuti at
masama
C. Mali, dahil ang tunay na kalayaan ay ang paggawa ng mabuti ayon sa paghuhusga ng tao
D. Tama, dahil ang tao ay nilikha ng Diyos na taglay ang likas na kabutihan.
56. Ano ang nagbibigay hugis o direksyon sa kalayaan?
A. Batas moral
B. Konsensya
C. Dignidad
D. Isip
57. Ang kalayaan ng tao ay hindi lubos. Ang pangungusap na ito ay nangangahulugang:
A. Hindi ganap na malaya ng tao, hindi siya maaaring mamili batay lamang sa kanyang nais
B. Ang kalayaan ng tao ay nagtatapos sa kanyang paglabag sa likas na batas moral
C. Magiging malaya lamang ang tao kung ang kanyang ginawa ay kabutihan.
D. Lahat ng nabanggit
58. Ayon kay Fr. De Torre, ang tao ay walang kakayahang gawin palagi ang anomang kanyang naisin. Ang
pangungusap ay:
A. Tama, dahil maraming bagay ang nais mangyari at gawin ang tao subalit hindi niya magawa ang mga ito
B. Mali, dahil magagawa ng tao ang maraming bagay dahil mayroon siyang isip at kilos-loob
C. Mali, dahil taliwas ito sa tunay na kahulugan ng kalayaan
D. Tama, dahil hindi ganap ang tao
59. Kung ikaw ay nakakita ng isang ilog na may babalang “Bawal Maligo Dito”, ikaw ay malaya pa ring
magnais o hindi magnais na maligo sa ilog. Hindi ito maipagkakait, makukuha o maaalis sa iyo. Anong uri ng
kalayaan ang tinutukoy nito?
A. Pangkalahatang Kalayaan
B. Panlabas na Kalayaan
C. Panloob na Kalayaan
D. Pansariling Kalayaan
60. Nag-away kayo ng iyong kaibigan. Dahil sa emosyon, nagpost ka sa iyong facebook ng masasakit na salita
laban sa kanya. Ito ba ay nagpapakita ng kalayaan?
A. Hindi po, dahil maaaring masira ang dignidad ng aking kaibigan at maaaring ikapahamak niya rin ito.
B. Opo, kasi inilabas ko lamang ang aking sama ng loob ngunit alam ko namang magbabati ulit kami.
C. Hindi po, dahil nadala lamang ako ng emosyon.
D. Opo, kasi facebook ko naman iyon.
61. Madalas nating gamitin ang katagang “Nasa demokratikong bansa tayo kaya gagawin ko lahat ng aking
naisin at sasabihin ko lahat ng gusto kong sabihin.” Ito ba ay pagpapahayag ng kalayaan?
A. Hindi po, dahil ang totoong mapanagutang paggamit ng kalayaan ay paggawa ng kabutihan at pagiging
mapanagutan.
B. Opo, dahil ang tunay na kalayaan ay kung magagawa ko ang anomang aking naisin at isa pa karapatan ko
iyon.
C. Opo, dahil kaya nga ipinaglaban ang demokrasya upang tayo ay maging malaya.
D. Hindi po, dahil marami ang magagalit sa akin.
62. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kalayaan?
A. Paglalaro ng mobile legends maghapon
B. Pagtulong sa gawaing bahay
C. Pag-inom ng alak
D. Pagsisigarilyo
63. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng kalayaan maliban sa isa:
A. Pag-aaral ng leksyon
B. Masayang pamilya
C. Bayanihan
D. Kahirapan
64. Alin sa mga sumusunod ang pinakamabisang hakbang upang mapatunayan ang iyong pagkatuto tungkol sa
aralin?
A. Ang tanging iisipin ko na lamang ay kabutihan ng aking kapwa.
B. Ikwento sa kaibigan ang iyong bagong natutunan tungkol sa kalayaan.
C. Pagpapaunlad sa mga mabubuting gawi upang mapalago ang kakayahan at talento at maibahagi ito sa iba.
D. Hahayaan ko na lang ang aking mga magulang na magdesisyon para sa akin upang hindi ako magkamali at
masisi.
65. Bakit binigyan ang tao ng kalayaan na makapamili ng kung ano ang gagawin o hindi gagawin?
A. Upang malayang mahubog ng tao ang kanyang pagkatao at matutong gawin kung ano ang mabuti ng dahil sa
pagmamahal at hindi dahil sa takot
B. Upang lubos na maging masaya ang tao
C. Wala sa nabanggit
D. A at B
66. Paano maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao?
a. Maglaan ng panahon upang iparamdam sa malapit na kapwa ang pagmamahal at pagpapahalaga.
b. Maging tapat sa lahat ng ginagawa para sa kapwa at sa pakikitungo sa mga ito.
c. Ibigay ang bahagi ng sarili sa kapwa kahit hindi pa ito kakilala.
d. Pahalagahan ang tao bilang tao hangga’t siya ay nabubuhay.
67. Sino ang hindi tunay na nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng kanyang kapwa?
a. Isang pilantropong laging nakahandang magbigay ng tulong sa kapwa na nangangailangan ng kanyang tulong
b. Isang negosyante na nagbibigay ng malaking halaga bilang puhunan ng isang empleyado na tumatanda na
c. Isang politikong labis ang katapatan sa kanyang panunungkulan sa pamahalaan
d. Isang taong may pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba
68. Dapat tumulong ang lipunan upang maiangat ang dignidad ng lahat ng tao dahil sa lipunan ito nagmumula.
Ang pangungusap ay:
a. Mali, dahil kailangang igalang ng mamamayan ang katayuan ng mga tao na mas mataas ang katungkulan sa
pamahalaaan.
b. Tama, dahil itinatadhana ng saligang batas ang paggalang sa pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao sa
lipunan.
c. Tama, dahil ang tunay na diwa ng pagiging isang bansa ay nasa pagkilala sa karapatan at dignidad ng lahat ng
tao.
d. Mali, dahil sa Diyos nagmumula ang dignidad ng tao.
69. Kailan maaaring mawala ang dignidad ng isang tao?
a. Sa oras na niyapakan ng kapwa ang kanyang pagkatao
b. Sa sandaling nalabag ang kanyang karapatang pantao
c. Kapag siya ay naging masamang tao
d. Wala sa nabanggit
70. Ano ang pinakamahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng dignidad sa tao?
a. Ang lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang hindi makasasakit o makasasama sa ibang
tao.
b. Masisiguro na magagawa ng tao ang lahat ng kanyang nais nang walang pag-aalinlangan.
c. Magiging malaya ang tao na ipakita ang kanyang totoong sarili.
b. Mapananatili ang damdamin ng pagmamalaki sa lahat ng tao.
71. Bakit dapat nating mahalin ang ating sarili na may paggalang sa dignidad ng tao?
a. Dahil tayo ay nilikhang kawangis ng Diyos kaya dapat lang na pahalagahan natin at mahalin ang ating sarili.
b. Sa pagmamahal natin sa ating sarili higit tayong makapagbibigay sa iba.
c. Upang mahalin din tayo ng ating kapwa.
d. Sa pagmamahal, tayo ay yumayabong
72. Bakit nararapat na pahalagahan natin ang dignidad ng ating kapwa?
a. Ito ay mahigpit na tagubilin sa atin ng Diyos.
b. Dahil kailangan natin ang ating kapwa.
c. Dahil sila ay tao din katulad natin.
d. lahat ng nabanggit.
73. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa dignidad ng tao?
a. Pagpapahiya sa isang manggagawa na nakagawa ng pagkakakmali.
b. Pakikiharap ng maayos sa isang Ginang na humihingi ng tulong.
c. Pagsasawalang kibo sa katiwaliang nangyayari sa pamahalaan.
d. Pakikipagsabwatan sa katiwalian.
74. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa dignidad ng tao maliban sa isa.
a. Pamamahagi ng relief goods sa bawat pamilya dahil hindi sila makalabas dahil sa ipinatupad na Enhanced
Community Quarantine (ECQ).
b. Pamimigay ng Pamahalaan ng tulong pinansyal sa mga manggawang nawalan ng hanapbuhay dahil sa
Pandemya na COVID 19.
c. Pagtutulungan ng mga pribado at pampublikong sector upang makapagbigay ng tulong sa mga pamilyang
mahihirap.
d. Pagkondena at pandidiri sa mga taong nagpositibo sa COVID 19.
75. Ano ang dapat mong gawin upang mas higit mong maipadama ang pagpapahalaga mo sa dignidad ng iyong
kapwa?
a. Kilalanin at igalang ang kapwa bilang tao at hindi isang bagay o kasangkapan gagamitin para sa sariling
kapakinabangan.
b. Mag isip ng mga proyekto na makatutlong sa mga mahihirap
c. Laging bukas palad sa pagtulong sa mga nangangailangan.
d. Maging mabait sa iyong kapwa.
76. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagsasaad ng tunay na mensahe
ng “Golden Rule”?
a. “Anuman ang ginawa mo sa akin ay ginawa mo na rin sa iyong kapwa”.
b. “Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin ng iba sa iyo”.
c. “Mahalin mo ang iyong sarili at ang iyong kapwa.”
d. “Igalang mo ang iyong ama’t-ina”
77. Saan nagkakapantay-pantay ang mga tao?
a. Sa kanilang dignidad bilang tao at ang karapatan na dumadaloy mula rito
b. Sa pagdating ng huling yugto ng kanyang buhay sa daigdig
c. Sa pagmamahal ng kani-kanilang pamilya
d. Sa paningin ng Diyos at ng lipunan
78. Ang sumusunod ay mga pananagutan ng tao batay sa kanyang dignidad maliban sa:
a. pakitunguhan ang iyong kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo.
b. Maging pantay sa pakikitungo sa lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon.
c. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos
d. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa.
79. Paano mapananatili ang mataas na antas ng dignidad ng tao?
a. Palaging iangkop ang sarili sa pangkat na kinabibilangan upang maging karapat- dapat sa kanilang pagkilala.
b. Isabuhay ang pagpapahalaga hindi sa kung anong ari-arian mayroon kundi sa karangalan bilang tao.
c. Panatilihin ang kabutihan sa sarili at sa kapwa upang laging makuha ang paggalang ng kapwa
d. Kumilos bilang kagalang-galang na indibidwal.
80. Paano mo matutulungan ang isang pulubi na maiangat ang kanyang dignidad bilang tao?
a. Humanap ng isang institusyon na maaaring kumalinga sa kanya at mabigyan siya ng disenteng buhay
b. Lapitan siya at kausapin sa araw-araw upang maitaas ang kanyang konsepto sa kanyang sarili.
c. Tulungan siyang hanapin ang kanyang pamilya upang may mag-aruga sa kanya.
d. Palagi siyang bigyan ng pagkain at pera sa araw-araw.
81. Saan unang itinuturo ang pagpapahalaga sa dignidad?
a. Sa paaralan kapag tayo ay nagsimula nang pumasok sa paaralan.
b. Sa barkadahan dahil para na ring kapamilya ang turingan.
c. Sa loob ng tahanan kasama ang ating kapamilya.
d. Sa mga seminar at iba pang pagtitipon.
82. Kaninong tungkulin ang pagtuturo ng mga karapatan at pagpapahalaga sa dignidad?
a. Sa isang taong iginagalang sa baranggay
b. Sa mga namumuno sa pamahalaan.
c. Sa mga magulang
d. Sa mga guro.
83. Ang mga sumusunod ay mga pamamaraan upang maiangat ang pagpapahalaga sa sarili maliban sa isa.?
a. Pagbibigay ng lakas ng loob sa isang taong nawawalan nan g pag-asa sa buhay.
b. Matutong kalimutan ang mga masakit na pangyayari at kapulutan ng aral.
c. Tinitingnan ng positibo ang mga bagay na nangyayari sa ating buhay.
d. Maraming nakikitang pagkakamali sa kanyang buhay at sa ibang tao
84. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa kapwa upang maiangat ang kanilang
dignidad.
a. Paghingi ng bayad sa mga Home Quarantine Pass na dapat ipamigay sa tao upang magamit nila sa paglbas
upang bumili ng mga kailangan.
b. Pag-iimbak ng mga panguahing pangangailangan at pagbebenta nito sa mataas na presyo upang kumita ng
malaki.
c. Pagtutulungan ng pribadong sektor at pamahalaan upang makapaghatid ng tulong sa mga pamilyang
mahihirap.
b. Pagbibigay ng kalahati lamang ng pondo sa bawat pamilya dahil kulang ang pondo.
85. Bilang kabataan at mag-aaral, paano ka makakatulong upang maiangat ang dignidad ng iyong kapwa?
a. Kilalanin at igalang ang kapwa bilang tao at hindi isang bagay o kasangkapan gagamitin para sa sariling
kapakinabangan.
b. Simulan sa iyong sarili na pahalagahan ang iyong kapwa anoman ang kalagayan nila sa buhay.
c. Umayon na lang sa lahat ng kagustuhan ng iba upang wala ng problema.
d. Pagsasagawa ng lahat ng bagay na gusto mong gawin.
86. Nakita ni Liza na uso ang cross stitching. Marami sa kanyang mga kaklase ay gumagawa nito kung kaya
nagpabili rin siya sa kanyang ina ng mga gamit na kakailanganin. Sinimulan nya ngunit hindi niya natapos.
Makalipas ang ilang buwan nakita naman niya nauuso naman ang paggawa ng scrapbook kung kaya nagpabili
rin siya sa kanyang magulang ng mga kakailanganing gamit. Makalipas ang ilang lingo ay nahinto na ang
kanyang paggawa nito. Ano ang makatwirang gawin ni Liza?
a. Humingi ng payo sa kanyang mga kaibigan upang tulungan siyang mataya kung ano talaga ang kanyang
nararapat na pagtuunan ng pansin.
b. Suriin ang kanyang sarili upang mataya kung anong bagay ang kanyang ginagawa na nakapagpapasaya sa
kanya.
c. Kausapin ang kanyang magulang upang tulungan siyang piliin ang wastong kahihiligan.
d. Ituon lamang ang kanyang atensyon sa kanyang sarili at huwag bigyangpansin ang nauuso.
87. Ano ang pinakamahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng bagay o gawain na kinahihiligan?
a. Nakapagdadagdag ito ng kaalaman ng isang tao
b. Nakapag-aangat ito ng katayuan sa buhay
c. Nakapagpapaunlad ng tiwala sa sarili
d. Nakapagpapasaya sa tao
88. Ang mga sumusunod ay paraan sa pagtuklas ng hilig maliban sa:
a. Suriin ang pamilya at ang kinahihiligang gawin kasama ang mga ito.
b. Pagnilayan ang iyong mga libangan at paboritong gawin.
c. Siyasatin ang mga gawaing nakapagpapasigla sa iyo.
d. Suriin ang mga gawaing iniiwasang gawin
89. Ang isa pang palatandaan sa pagtuklas ng iyong mga interes o hilig ay maaaring sa pamamagitan ng
pagsisiyasat sa mga gawaing mas pinipili mong gawin kapag nahaharap sa isang bagay na hindi mo nais na
gawin. Alin sa mga hakbang sa pagtuklas ng hilig ang tinutukoy ng pahayag?
a. Pagnilayan ang iyong mga hilig na libangan (hobby) at paboritong gawain.
b. Siyasatin ang mga gawaing nakapagpapasigla sa iyo.
c. Suriin ang mga gawaing iyong iniiwasang gawin.
d. Wala sa nabanggit
90. Sinabihan ka ng iyong nanay na maghahanda kayo para sa kaarawan ng iyong pamangkin na mag-iisang
taon. Ikaw bilang panganay ang inaasahang tutulong sa iyong nanay sa pagluluto. Ang pagluluto pa naman ang
pinakaaayawan mong gawain. Alin sa mga sumusunod ang pinakamarapat mong gawin?
a. Kakausapin ko ang aking bunsong kapatid na siya na lamang ang tumulong magluto at ako na lamang ang
maghuhugas ng pinggan dahil hindi ko talaga hilig ang magluto at alam kong kulang ako sa kakayahan upang
gawin ito.
b. Sasabihin ko sa nanay na mas mainam kung mag-oorder na lamang kami sa isang kainan para hindi na
mapagod sa pagluluto
c. Magsasakit-sakitan na lamang ako para hindi ako mapilit ni nanay na patulungin sa gagawin niyang pagluluto
d. Tatakas ako sa bahay upang hindi ako makatulong ni nanay sa pagluluto
91. Ang mga sumusunod ay ang kinahihiligang gawin ng apat na magkakapatid. Ano-ano ang larangan ng
kanilang kinahihiligan?
A. Si Jennilyn ay palaging tumutulong sa mga kaibigang nangangailangan ng tulong sa mga aralin sa paaralan
B. Si Jessie ay nauubos ang malaking oras sa karera ng motor. Ang motor na ito ay siya ang nagdisenyo at
nagsaayos.
C. Si Jenica ay palaging nasa loob lamang ng kanyang silid habang umaawit at tumutugtog ng gitara
D. Si Joshua ay isang mountain climber. Sa gawaing ito ramdam niyang kaisa niya ang kalikasan.
a. bodily/kinesthetic, naturalist, interpersonal, visual
b. naturalist, visual, existential, intrapersonal
c. persuasive, outdoor, clerical, mechanical
d. outdoor, artistic, social service, musical
92. Si Hadji ay isang sikat na mang-aawit at kompositor. Ano ang larangan at tuon ng hilig ni Hadji.
a. Larangan: musical Tuon: tao
b. Larangan: musical, artistic Tuon: tao, ideya
c. Larangan: musical, literary Tuon: tao, ideya
d. Larangan: musical, literary Tuon: tao, datos, ideya
93. Anong larangan ng hilig ang taglay mo kung ikaw ay nasisiyahan sa pagtulong sa ibang tao?
a. social service b. musical c. literary d. outdoor
94. Analohiya: Computational: Nasisiyahan na gumawa gamit ang bilang o numero
Artistic: ________________________________________________
a. Nagiging malikhain at nasisiyahan sa pagdidisenyo ng mga bagay
b. Nasisiyahan sa paggawa ng mga gawaing pang-opisina
c. Nasisiyahan na gumawa gamit ang bilang o numero
d. Nasisiyahang tumulong sa ibang tao
95. Ang pagbabasa ng maikling kwento o nobela at pagsusulat ng tula o sanaysay ay kabilang saang Larangan
ng Hilig?
a. Literary b. Musical c. Clerical d. Outdoor
96. Ito ay tumutukoy sa isang mapa na gabay sa paglalakbay tungo sa pagunlad ng sarili.
a. Personal na pahayag ng Misyon sa Buhay
b. Plano sa Pagpapaunlad ng sarili
c. Plano para sa Pangarap
d. Timeline
97. Ayon sa kanya ang tunay na trahedya ay ang trahedya ng isang taong hindi kumilos upang paunlarin ang
kanyang sarili.
a. Professor Erikson
b. Dr. Manuel Dy Jr.
c. Sean Covey
d. Michaelangelo
98. Bakit mahalagang magkaroon ng Plano sa Pagpapaunlad ng sarili?
a. Dahil mabisa itong paraan upang masimulan ang daan sa pagpapa-unlad sa sarili.
b. Upang magkaroon ng kasiyahan
c. Upang sukatin ang kakayahan
d. Wala sa nabanggit
99. Ayon kay _______ ‘”Always begin with the end in mind’.
a. Professor Ericson c. Dr. Howard Gardner
b. Sean Covey d. Bryan Green
100. Si Maria ay isang nars sa isang pampublikong hospital, kahit alam niyang mahirap at delikado ang
kanyang susuungin ay pinili pa rin niyang maging instrumento sa pagtulong sa mga maysakit dahil naniniwala
siya na ang kanyang talento at kasanayan na kaloob sa kanya ng Diyos ay nararapat na gamitin sa dakilang
gawain. Ano katangian ang ipinapakita ni Maria?
a. Naniniwala siya sa kanyang talento at kakayahan kaya masaya siyang napaglilingkuran ang kanyang kapwa.
b. Masaya siya na pinaglilingkuran ang kanyang kapwa.
c. Matulungin sa kapwa si Maria
d. Lahat ng nabanggit
101. Ayon kay __________________ di sapat ang likas na kakayahan upang maging bihasa at matagumpay sa
anumang larangan. Ang kanilang pagtatagumpay at kahusayan ay bunga ng masusi at tamang pagsasanay
a. Dr. Manuel Dy. Jr c. Michaelangelo
b. Sean Covey d. Prof. Erikson
102. Alin sa mga sumusunod ang hindi totoo tungkol sa tiwala sa sarili o selfconfidence?
a. Nasa kalikasan natin ang paghahangad na umunlad at malagpasan ang ating mga kahinaan.
b. Magkakaroon tayo ng tiwala sa sarili kung hindi tayo umaasa sa sinasabi ng iba.
c. Ang pag-unlad ng kakayahan ay nagsisimula sa sarili.
d. Ang tiwala sa sarili ay hindi natututunan.
103. Ito ay tumutukoy sa isang perspektibo na kung hindi ka man magtagumpay sa isang larangan ay maaari ka
pang sumubok sa iba.
a. The Hierarchy of Needs
b. Natural Moral Law
c. Law of Attraction
d. Law of Seeds
104. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagkakaroon ng tiwala sa sarili.
a. Sa unang sabak pa lang ni Leslie sa kantahan ay natalo siya kaya di na siya umulit pa.
b. Dahil sa pagnananis ni Basti na makatulong sa mga maysakit pinili niya maging isang ‘frontliner’ bilang
isang nars sa isang hospital sa gitna ng crisis.
c. Gumawa siya ng pekeng pangalan sa facebook para makapanira ng ibang tao at makagawa ng gma panirang
kwento.
d. Takot si Peter na mahawaan ng sakit kaya pinili niyang talikuran ang kanyang propesyon bilang isang doctor.
105. Ano ang kahulugan ng salitang Ingles na ‘Practice makes perfect’?
a. Di sapat ang likas na kakayahan para maging bihasa kailangan din ito ng masusing pagsasanay
b. Kailangang paunlarin ang angking talento at kakayahan sa pamamagitan ng pagsasanay.
c. Ang tagumpay ay kahusayan ng tao ay bunga nang masusi at matamang pagsasanay.
d. Lahat ng nabanggit.
106. Ang ________ ay ang kalakasan upang makagawa ng isang pambihirang bagay.
a. pagpapahalaga c. talento
b. kakayahan d. interes
107. Ano ang tawag sa pagkakaroon ng paniniwala sa kanyang sariling kakayahan?
a. Pagiging makatarungan c. Pananampalataya
b. Pagmamahal sa sarili d. Tiwala sa sarili
108. Alin sa mga sumusunod ang hindi totoo tungkol sa tiwala sa sarili o selfconfidence?
a. Ang tiwala sa sarili ay may iba’t-ibang antas ayon sa iba’tibang sitwasyon at gawain.
b. Ang tiwala sa sarili ay hindi pangkalahatan.
c. Ang tiwala sa sarili ay natututunan.
d. Ang tiwala sa sarili ay namamana.
109. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagkakaroon ng tiwala sa sarili.
a. Sa unang sabak pa lang ni Leslie sa kantahan ay natalo siya kaya di na siya umulit pa.
b. Dahil sa pagnananis ni Basti na makatulong sa mga maysakit pinili niya maging isang ‘frontliner’ bilang
isang nars sa isang hospital sa gitna ng krisis.
c. Gumawa siya ng pekeng pangalan sa facebook para makapanira ng ibang tao at makagawa ng mapanirang
kwento.
d. Takot si Peter na mahawaan ng sakit kaya pinili niyang talikuran ang kanyang propesyon bilang isang doctor.
110. Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay na kailangang sa sarili nagmumula ang tiwala?
a. Namana niya sa kanyang mga magulang ang galing niya sa pagkanta.
b. Dahil sa kawalan niya ng kumpiyansa sa sarili kaya siya naging talunan.
c. Naniniwala si Peter sa sarili niyang kakayahan kaya hindi siya basta-basta naniniwala sa mga panghuhusga
ng iba.
d. Mas naisasakatuparan niya ang isang gawain kung nakakarinig siya ng papuri.

You might also like