You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
CARAGA Region
Butuan City Division
Villa Kananga Integrated School
Brgy. Villa Kananga, Butuan City

SUMMATIVE TEST in ESP VII


Panuto: Suriin ang mga sumusunod. Piliin ang wastong sagot sa bawat bilang at bilugan ito.

1. Ano ang kalayaang magnais o hindi magnais?


a. Kalayaang tumukoy c. Kalayaang gumusto
b. Panlabas na Kalayaan d. Panloob na Kalayaan
2. “Ang pinili ko ay masama kaya ako nagsisi”. Ano ang kahulugan ng pangungusap na ito?
a. Ang kasamaan ay bunga ng kalayaan ng tao.
b. Kalayaan ang pinanggalingan ng masama.
c. Ang kasamaan ay kaakibat ng mabuti.
d. Nagsisi ako dahil may kalayaan ako
3. “Nagsisisi ako dahil ginawa ko ang masama na hindi ko dapat ginawa.” Ano ang kahulugan ng pangungusap na ito?
a. Nagsisisi lamang ang tao sa mga pansariling kilos na ginawa niya
b. Pagsisisi ang resulta ng hindi paggamit ng kalayaan nang tama.
c. Ang tao ay may tungkuling iwasan ang tukso sa paligid.
d. Ang kasamaan ay dapat pinagsisisihan.
4. Ayon kay Ester Esteban, ang sumusunod na pahayag ay ang palatandaan ng mapanagutang paggamit ng kalayaan
maliban sa:
a. Nakahandang harapin ang anumang kahihinatnan ng pagpapasya.
b. Naisasaalang-alang ang kabutihang pansarili at kabutihang panlahat.
c. Hindi sumasalungat ang kilos sa Likas na Batas Moral.
d. Nakahandang magsisi sa resulta ng pipiliing kilos
5. Ang mga sumusunod na kilos ay nagpapakita ng mapanagutang paggamit ng kalayaan maliban sa:
a. Nasaksihan ni Rupert ang ginawang pagsisinungaling ng kanyang kapatid sa kanyang magulang. Ang alam ng mga
ito, pumapasok siya araw-araw sa paaralan. Sa halip, nagpupunta ito sa computer shop kasama ang mga barkada.
Dahil alam niyang labis na mapagalitan ang kaniyang kapatid, hindi niya sinabi ito sa kaniyang magulang. Ayaw niya
itong mapagalitan o masaktan.
b. Saksi si Rachelle sa pandarayang ginagawa ng kaniyang matalik na kaibigan sa report ng kinita ng kompanya. Sa
kabila ng pakiusap nito na manahimik na lamang siya, sinabi pa rin niya ito sa kanilang boss. Natanggal ang
kaniyang kaibigan sa trabaho.
c. Nasaktan ni Rebecca ng kanyang ina dahil sa kanyang pagsisinungaling dito. Inihanda niya ang kanyang sarili sa
magiging reaksiyon ng kaniyang mga kapatid. Dahil dito, siya na mismo ang gumawa ng paraan upang itama ang
kaniyang pagkakamali. Humingi siya ng kapatawaran sa kaniyang ina.
d. Nagsikap si Anthony na makatapos ng pag-aaral upang maiahon ang kanyang pamilya sa kahirapan at upang
maibahagi niya sa kapuwa ang kanyang mga kakayahan.
6. Ang pagiging handa sa pagharap sa kahihinatnan ng pagpapasiya ay ang paggamit ng kalayaan nang may kaakibat
na tungkulin. Alin sa mga sumusunod ang hindi umaayon sa pahayag?
a. Mas nasasanay tayong gumawa ng kabutihan kung handa tayong harapin ang kahihinatnan ng ating mga pasiya.
b. Bago gawin ang isang kilos, dapat isipin ang kalalabasan at epekto nito sa ating pagkatao.
c. Likas sa tao ang magkamali, kaya hindi lahat ng pasiya niya ay nagreresulta sa mabuti.
d. Ang kalayaan ng tao ay may kaakibat na tungkulin.
7. Ang Likas na Batas Moral ay may kaugnayan sa kalayaan. Ito ay parang dalampasigan sa baybay-dagat. Ang
dalampasigan ang nagbibigay ng hugis sa tubig. Mula rito, anong konsepto ang mabubuo tungkol sa Likas na Batas
Moral at kalayaan?
a. Ang kalayaan ay malawak tulad ng karagatan at ang Likas Batas Moral ay malalim na batas na dapat sundin.
b. Ang Likas na Batas Moral ay ang hangganan ng ating kalayaan.
c. Malaya ang tao dahil walang hangganan ang Likas Batas Moral.
d. Ang Likas na Batas Moral ay alituntuning kailangang sundin.

Ang kalayaan ay maihahalintulad sa isang pana o palaso. Ang pana o palaso ay walang direksiyon kung ito
ay walang aasintahin o target. Ito ay walang patutunguhan o maaaring tamaan ang kahit sino lang.

8. Anong konsepto ang mabubuo mula sa pahayag na ito?


a. Kung walang aasintahin o target na kabutihan, walang patutunguhan ang mga pinipiling kilos natin.
b. Ang aasintahin o target ng tao ay maging malaya sa pagpili ng kaniyang kilos.
c. Ang kalayaan ay parang pana o palaso dahil malawak ang hangganan nito.
d. Sayang ang pana kung wala itong target.

Nakita mo sa ibabaw ng mesa ng iyong guro ang isang papel. Ito pala ay susi sa pagwawasto ng inyong
pagsusulit para bukas. Marahil, nahulog ito mula sa bag ng iyong guro sa kaniyang pagmamadali. Walang
tao sa silid-aralan ninyo at walang nakakaalam na nakita mo ang papel.

9. Kung maharap ka sa sitwasyong nasa kahon, anong kilos ang nagpapakita ng Kalayaan.
a. Itatago ko ito at ibibigay sa aming guro. Sasabihin ko sa kaniya na naiwan niya ito dahil hindi dapat ito makita
ng mga mag-aaral na tulad ko. Mas malaya ako kapag ginawa ko ang kabutihan.
b. Imumungkahi ko sa aming guro na palitan niya ang mga tanong sa pagsusulit.
c. Itatago ko ito at ibibigay sa aming guro. Sasabihin ko ito sa aking guro na naiwan niya ito dahil hindi dapat ito
makita ng mga mag-aaral na tulad ko. Mahalagang pag-ingatan ang mga maselang gamit sa pagtuturo tulad ng susi
sa pagwawasto.
d. Sasabihin ko ito sa aking guro na naiwan niya ito dahil hindi dapat ito makita ng mga mag-aaral na tulad ko.
10. Hindi mo naisumite ang nasagutang modyul sa deadline na itinakda ng iyong guro. Tinanong ka niya sa Group
Chat tungkol dito. Aling kilos ang nagpapakita ng kalayaan at bakit?
a. Magsusumite ako kahit lampas na sa deadline. Mas nagpapakita ito ng kalayaan kaysa hindi na magsumite.
b. Ipagtatapat ko na hindi ko nasagutan ito at makikiusap na bigyan ng isa pang pagkakataon. Ang pagiging handa
sa kalalabasan ng kilos ay indikasyon ng kalayaan.
c. Sasabihin ko sa guro sa private message na nagsisisi ako sa hindi pagsumite sa deadline. Ito ay dahil may
kaugnayan ang kalayaan at hindi pagtupad sa tungkulin.
d. Sasagutan ko na lang ang mga susunod na modyul upang maging mas malaya ako sa susunod na pagkakataon.
11. Ang tao ay bukod-tangi sa lahat ng mga nilikhang may buhay sa mundo. Ang pahayag ay:
a. Tama, dahil ang tao lamang ang nilikhang may isip at kilos-loob, kaya kawangis siya ng Diyos.
b. Mali, dahil tanging ang Diyos lang ang bukod-tangi sa lahat at Siya ang lumikha sa atin.
c. Tama, dahil tao lamang ang may isip kumpara sa ibang nilikhang may buhay.
d. Mali, dahil lahat ng nilikha ay pantay-pantay sa mata ng Diyos.
12. Alin sa sumusunod ang may kapangyarihang humusga, sumuri, mag-alaala at umunawa ng kahulugan ng mga
bagay?
a. Dignidad c. Kalayaan
b. Isip d. Kilos-Loob
13. Alin sa sumusunod ang itinuturing na kapangyarihan ng tao upang pumili, magpasya at isakatuparan ang napili?
a. Dignidad c. Kalayaan
b. Isip d. Kilos-Loob

14. Bakit walang katapusan ang paghahanap ng tao sa katotohanan?


a. Hindi perpekto ang isip ng tao kaya wala siyang kakayahang malaman ang katotohanan.
b. May limitasyon ang isip ng tao kaya siya nakadarama ng kakulangan.
c. Patuloy ang hilig ng tao na matuklasan ang kaniyang kapaligiran.
d. Walang katapusan ang pag-aaral ng tao hanggat siya ay buhay.
Para sa bilang 15-17, ang mga sagot ay makukuha sa talata na nasa loob ng kahon.

Ang kilos-loob ay umaasa lamang sa nalalaman at nauunawaang impormasyon na binibigay ng isip. Pipiliin
lamang nito ang isang bagay o kilos kung ito ay naunawaan ng isip bilang mabuti para sa kaniya. Pinipili
lamang nito ang mabuti at hindi naaakit sa masama.
15. Alin sa sumusunod na pahayag ang ibig sabihin ng talatang nasa loob ng kahon?
a. Hindi gugustuhin ng kilos-loob ang isang bagay o kilos na hindi alam o nauunawaan ng isip.
b. Mahalagang maunawaan ng isip ang lahat ng bagay upang gabayan ang kilos-loob.
c. Kung mali ang impormasyong binigay ng isip, hindi pipili ng kilos ang kilos-loob.
d. Naiimpluwensiyahan ng isip ang pagpili na ginagawa ng kilos-loob.
16. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi ipinahahayag ng talatang nasa loob ng kahon?
a. Hindi gugustuhin ng kilos-loob ang isang bagay o kilos na hindi alam o nauunawaan ng isip.
b. Mahalaga ang pag-unawa ng isip sa kabutihan ng isang bagay o kilos upang piliin ito ng kilos-loob.
c. Mahalagang maunawaan ng isip ang lahat ng bagay upang gabayan ang kilos-loob.
d. Naiimpluwensiyahan ng isip ang pagpili na ginagawa ng kilos-loob.
17. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang hindi nagpapahayag ng mensahe ng talatang nakapaloob sa kahon?
a. Kahit sobrang lakas na ng ulan at hanging dala ng bagyo, hindi pa rin inalis ni Efren ang mga dahon sa lagusan ng
tubig, kaya pinasok ng baha ang kanilang bahay.
b. Sinigurado ni Joseph kung tama ang impormasyon sa website para sa kanyang sagot sa modyul bago niya
isinama ang website sa kanyang sanggunian.
c. Hindi sinunod ni Arla ang payo ng kaibigan na uminom ng pampabawas ng timbang; bagkus, nag-ehersisyo siya at
binawasan ang kanin sa kanyang diet.
d. Hindi sinagot ni Liza and text message ng taong hindi niya kilala.
Para sa bilang 18-20, ang mga sagot ay makukuha sa talata na nasa loob ng kahon.
18. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi tumutukoy sa buod ng talatang nasa loob ng kahon?

Tungkulin ng bawat isa sa atin ang sanayin, linangin at gawing ganap ang ating isip at kilos-loob. Mahalagang
gamitin natin ang mga ito nang mapanagutan. Sa gayon, magiging mabuti ang kilos-loob at magiging isang
mabuting nilalang ang tao. Hindi sa dami ng nalalaman at taas ng pinag-aralan ang tunay na sukatan ng
kabutihan, kundi kung paano ginagamit ang mga kaalamang ito sa pagpapaunlad ng sariling pagkatao,
paglilingkod sa kapuwa at sa paglilingkod o pakikibahagi sa pamayanan.

a. Kailangan nating gamitin ang isip para sa pagkalap at pagtuklas ng mga kaalaman na ayon sa katotohanan, upang
makapili ang kilos-loob ng mga kilos na may kabutihan.
b. Mas mabuti ang tao kung ginagamit niya ang kanyang isip at kilos-loob ayon sa mga tunguhin nito.
c. Mababawasan ang pagkatao natin kung hindi natin gagamitin ang isip para sa katotohanan at kilos-loob para sa
kabutihan.
d. Hindi mapanagutan ang hindi paggamit ng isip at kilos-loob.
19. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang hindi nagpapahayag ng mensahe ng talatang nasa loob ng kahon?
a. Hindi inintindi ni Thelma ang deskripsyon ng gamot na pinabili sa kanya ng kanyang nanay sa botika, kaya
pinapalitan ito sa kanya.
b. Tinulungan ni Eden ang kaniyang mga kaklase sa research project, kahit hindi siya sinali sa pangkat para rito.
c. Binati pa rin ni Sonya ang kanyang kaibigan kahit nagpahayag ito ng sama ng loob sa Messenger.
d. Hindi sinagot ni Liza ang text message ng taong hindi niya kilala.
20. Alin sa sumusunod na paraan ng paggamit ng kilos-loob ang ipinahahayag ng tanong na: “Ano ang
mararamdaman ko bukas o sa isang linggo o sa darating pang panahon kapag binalikan ko ang gagawin kong ito?”
a. Pagtanggal ng lahat ng tukso at nakagugulo mula sa iyong paligid
b. Pagkilos tungo sa isang mabuti at maingat na pasiya
c. Pagsanay sa disiplina sa sarili.
d. Pagkontrol ng mga emosyon
21. Alin sa sumusunod ang hindi naglalarawan sa Konsensya?
a. Ito ang nagsasabi sa atin nang malinaw kung ano ang dapat nating gawin o hindi gawin.
b. Ito ay ang kilos ng isip na maghusga kung ang isang pasiya o kilos ay mabuti o masama.
c. Ito ay ang batayan ng kilos-loob sa paghuhusga ng mabuti o masama.
d. Ito ay ang pangunahing kamalayan sa mabuti at masama.
22. Mayroong dalawang elemento ang konsensya: una, ang pagninilay upang maunawaan ang mabuti at masama sa
isang sitwasyon; ikalawa, ang paghatol kung ang isang pasiya o kilos ay mabuti o masama at ang pakiramdam ng
obligasyong piliin ang mabuti. Ito ay nangangahulugang ang pangunahing gamit ng konsensiya ay:
a. makinig sa pakiramdam na piliin ang mabuti.
b. pagnilayan ang kalalabasan ng pasiya o kilos.
c. tukuyin ang dapat gawin sa isang sitwasyon.
d. kilalanin ang mabuti at masama sa isang sitwasyon.
23. Ano ang batayan ng konsensiya sa paghusga ng mabuti at masama?
a. Batas panlipunan c. Mga turo sa simbahan
b. Likas na Batas Moral d. Mga aral ng magulang
24. Ang Likas na Batas Moral ay hindi naiimpluwensiyahan ng anumang bagay lalo na ng pagtingin ng tao rito: Ang
batas na ito ay nangangahulugang:
a. di nagbabago c. unibersal
b. obhektibo d. walang hanggan
25. Alin sa sumusunod ang tama tungkol sa Likas na Batas Moral?
a. Ito ay batas na binuo ng lipunan upang magkaroon ng gabay ang bawat isa sa pagiging mabuti.
b. Ito ang nagbibigay ng kakayahan sa konsensya na kilalanin ang mabuti at masama.
c. Ito ay pamantayan na dapat sundin ng lahat ng nilikha ng Diyos na may buhay.
d. Ito ang batayan ng paghusga sa kung ano ang tama at maling pasiya at kilos.
26. Ano ang magandang epekto sa konsensya kung gagamitin nitong gabay ang Likas na Batas Moral?
a. Matutukoy ng konsensiya ang mabuti o masama at magagabayan ang ating mga pasiya at kilos.
b. Magkakaroon ng pamantayan ang ating konsensiya sa pagtukoy ng ating mga pangarap
c. Magiging handa tayo sa mga mahihirap na sitwasyon na darating sa ating buhay.
d. Malalaman ng kilos-loob ang kaibahan ng tama sa mali sa mahirap na sitwasyon.
27. Nakita mo ang iyong matalik na kaibigan na kumokopya ng takdang-aralin sa isang kamag aral. Hinikayat
niyang kumopya ka rin dahil sa wala ka ring takdang-aralin. Sinasabi sa iyo ng iyong konsensiya na dapat maging
tapat ka sa mga gawain pang-akademiko sa paaralan. Ano ang iyong dapat gawin?
a. Makikinig sa iyong konsensya at hindi na gagawa ng takdang-aralin.
b. Magpapasalamat ka sa iyong matalik na kaibigan at pakokopyahin mo na lang siya sa susunod na ikaw naman ang
may ginawang takdang-aralin.
c. Susundin mo ang iyong konsensya at gagawa ka ng sariling takdang-aralin upang maging tapat ka sa paggawa ng
takdang aralin.
d. Sasabihin mo sa iyong guro na wala kang takdang-aralin at gagawin mo na lang ang susunod na takdang-aralin.
28. Ang konsensiya ay ang personal na pamantayang moral ng tao. Ang pahayag ay:
a. Tama, dahil ang konsensiya ay ang pinakamalapit na pamantayan ng moralidad sa tao.
b. Tama, dahil ang konsensiya ang kumikilala sa tama at mali.
c. Mali, dahil ang Likas na Batas Moral ang mas mataas na pamantayan ng moralidad.
d. Mali, dahil ang paghuhusga ng tama at mali ay hindi personal.
29. Ang Likas na Batas Moral ay para sa lahat ng tao. Ito ay nauunawaan at katanggap-tanggap sa lahat. Dahil ito
ay nakaukit sa kalikasan ng tao, sinasaklaw nito ang lahat ng tao. Ito ay nangingibabaw sa lahat, anuman ang lahi,
kultura, sa lahat ng lugar at sa lahat ng pagkakataon. Anong katangian ng Likas na Batas Moral ang ipinahahayag
dito?
a. Ang Likas na Batas Moral ay laging obhektibo.
b. Walang hanggan ang Likas na Batas Moral.
c. Hindi nagbabago ang Likas na Batas Moral.
d. Ang Likas na Batas Moral ay unibersal.
30. Sa pamamagitan ng Likas na Batas Moral, nakikilala ng tao ang mabuti at masama. Ngunit mayroon ding
malayang kilos-loob ang tao na may kakayahang piliin ang mabuti o masama. Ano ang mabubuod mula sa mga
pangungusap na ito?
a. Nakikilala ng tao ang mabuti o masama dahil sa Likas na Batas Moral ngunit dahil malaya siya, maaari pa rin
niyang piliin ang masama.
b. Laging mabuti ang pipiliin ng tao dahil alam niya at ng konsensya niya ang pamantayang Likas na Batas Moral.
c. Hindi kailanman pipiliin ng malayang kilos-loob ang gumawa ng masama dahil alam nito ang mabuti at masama.
d. Dahil sa Likas na Batas Moral, nalalaman ng konsensya ang tamang batayan ng mabuti at masama.
31. Bakit may pagkakaiba-iba ang tao kahit matalino, talentado at magaling siya sa maraming bagay?
a. Dahil sa pagkakapantay-pantay ng lahat
b. Dahil sa paggamit ng isip at kilos-loob
c. Dahil sa kalayaang ipinagkaloob
d. Dahil sa pagiging angat sa iba
32. Ang tao ay may taglay na dignidad. Ano ang nararapat ibigay sa tao?
a. pagmamalasakit at pag-unawa
b. pagpapahalaga at paggalang
c. pagkalinga at paggalang
d. pagkilala at pagtulong
33. “Ang tao ay naiiba sa lahat ng nilalang, “ayon kay Immanuel Kant. Ano ang ibig sabihin nito?
a. Ang tao ay mayroong hindi nawawala at mapapantayang halaga dahil sa kanyang isip at kalayaan.
b. Ang tao ay may angking talento at galing.
c. Ang tao ay may kakayahang kumilos.
d. Ang tao ay mula sa iba’t ibang lahi.
34. “Kumilos ka nang palagian at magkaalinsabay mong tratuhin ang sariling pagkatao at ang pagkatao ng iyong
kapuwa hindi lamang bilang isang kasangkapan kundi bilang isang telos”. Ano ang kaisipang nakapaloob sa pahayag?
a. Ang tao ay hindi maaring ituring na kasangkapan o bagay dahil siya ay may kakayayahang mag-isip o pagiging
rasyonal.
b. Ang tao ay nililinang ang pagkatao.
c. Ang tao ay nilikha ng Diyos.
d. Ang tao ay pantay-pantay.
35. Ang tao ay may isip na nagbibigay sa kaniya ng kakayahang umunawa ng konsepto, mangatuwiran at magmuni-
muni. Dahil din sa taglay niyang kilos-loob, may kakayahan siyang kilalanin at piliin ang mabuti. “Kung ang mga ito
lamang ang pamantayan sa paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng tao, paano naman ang mga taong isinilang na
may sakit sa isip, mga nawalan ng katinuan dahil sa mga pangyayari sa kanilang buhay, mga ulyanin na hindi na
makapag-isip?” Mahalagang tandaan na hindi naaalis o natatanggal ng mga pangyayaring ito sa kanilang buhay ang
dignidad nila bilang tao. Kaya, hindi sila nawawalan ng karapatan na pahalagahan at igalang. Ano ang ipinababatid
ng pahayag na ito?
a. Lahat ng tao anoman ang kalagayang pisikal at mental ay may dignidad na nararapat pahalagahan at igalang.
b. Ang tao ay may isip at kilos-loob.
c. Ang tao ay may kilos-loob.
d. Ang tao ay may isip.
36. Ano ang batayan ng paggalang sa dignidad ng tao?
a. Maglaan ng panahon upang iparamdam sa malapit na kapwa ang pagmamahal at pagpapahalaga.
b. Maging tapat sa lahat ng ginagawa at sa pakikitungo sa kapwa.
c. Ang kakayahang mag-isip at pagiging malaya.
d. Ang pagkakaroon ng tao ng isip lamang.

37. Ano ang nagsisilbing motibasyon upang umunlad ang pagkatao ng isang minamahal at nagmamahal?
a. Paggalang
b. Pagmamahal
c. Pagmamalasakit
d. Pagtitiwala

38. Bakit mahalaga ang paggalang sa dignidad ng kapuwa habang nabubuhay?


a. dahil ito ang inaasahan at makabubuti para sa sarili at kapwa.
b. dahil ito ang paraan upang maging matagumpay sa buhay.
c. upang maging mabuting halimbawa sa kapwa.
d. upang makilala sa lipunang ginagalawan.

39. Ano ang itinuturing na pagiging moral?


a. Ito ay paggawa ng mabuting kilos ayon sa iyong konsensiya na nahuhubog sa Likas Batas Moral.
b. Ito ay pakikitungo sa kapwa ayon sa nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo.
c. Ito ay pagsaalang-alang sa kapakanan ng kapwa bago kumilos.
d. Ito ay paggalang sa buhay ng kapwa.
40. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng moral na pamumuhay?
a. Pagbibigay ng pagkain sa mga pulubi upang makita ng ibang tao.
b. Pagpuna sa pagkakamali ng anak sa harap ng mga kaibigan.
c. Pagbibigay tulong na may hinihintay na kapalit.
d. Pagtuturo ng kagandahang asal sa anak

41. Ano ang dahilan kung bakit ang konsensiya ang praktikal na paghuhusga ng isip?
a. Ito ang kakayahan ng isip na maghusga ng kabutihan o kasamaan ng isang pasiya o kilos.
b. Ito ang pangunahing kamalayan sa mabuti at masama.
c. Ito ang naglalapat ng Likas na Batas Moral.
d. Ito ang sinusunod ng kilos-loob.

42. Pagkatapos ng kaniyang klase sa hapon, niyaya si Rabiya ng kaniyang kaklase na manood ng sine at kumain sa
isang mall. Bago magpasiya si Rabiya, naisip niya ang kanilang takdang-aralin. Kung sasama siya, gagabihin siya at
mawawalan ng oras sa paggawa nito. Kung hindi siya sasama, mas marami siyang oras sa paggawa ng takdang-
aralin. Sa anong panahon kumikilos ang konsensiya ni Rabiya?
a. Bago ang kilos.
b. Habang iniisip ang kilos.
c. Pagkatapos gawin ang kilos.
d. Habang isinasagawa ang kilos.

43. Naghanda ng kodigo si Jacqueline bago ang pagsusulit nila sa Matematika. Sa oras ng pagsusulit, nakaramdam
siya ng pagkabalisa sa paggamit nito. Naisip niya na masamang gumamit ng kodigo at mas mabuting maging tapat.
Sa anong panahon kumikilos ang konsensiya ni Jacqueline?
a. Habang isinasagawa ang kilos.
b. Pagkatapos gawin ang kilos.
c. Habang iniisip ang kilos.
d. Bago ang kilos.
Para sa Bilang 44-47, ibatay ang sagot sa sitwasyon na nasa loob ng kahon.
44.
Isang gabi, naghanda si Kardo ng isang kodigo para sa kanilang pagsusulit kinabukasan. Nais niyang
makakuha ng mataas na marka sa lahat ng asignatura. Ngunit sa mismong araw ng pagsusulit, nakadama
siya ng pagkabalisa habang sinisilip niya ang kodigo.

Ano ang hindi sinasabi ng pagkabalisa na naramdaman ni Kardo sa sitwasyon?


a. Ito ay resulta ng konsensiya na nagpapaalala kay Kardo ng kaniyang moral na obligasyon na maging tapat at
hindi umasa sa kodigo.
b. Ito ay indikasyon na sinasabi ng kaniyang konsensiya na masama ang gumamit ng kodigo.
c. Ito ay isang moral na paghatol na nagpapahayag na hindi niya dapat gawin ang kilos.
d. Ito ay paghatol ng kaniyang isip na baka mahuli siya ng kanilang guro.

45. Kung susundin ni Kardo ang sinasabi ng kaniyang pagkabalisa, alin ang hindi niya dapat gawin?
a. Tamang pangangatwiran sa bawat opsyon ayon sa Likas na Batas Moral.
b. Pagtitimbang ng kalalabasan ng pipiliin niyang kilos.
c. Pag-iwas sa labis na pag-aalala.
d. Pagpili ng mabuting opsiyon.

46. “Ngunit sa mismong araw ng pagsusulit, nakadama si Kardo ng isang pagkabalisa habang sinisilip niya ang
kodigo”. Ang pagkabalisang ito ay:
a. ang paghatol ng konsensiya sa kasamaan ng kilos at ang pakiramdam ng obligasyong piliin ang mabuti.
b. ang tinig ng Diyos na bumubulong kay Kardo na aminin niya na mali ang pagsilip sa kodigo.
c. babala na baka masanay na siya sa paggawa ng masama.
d. hudyat na kumikilos ang kaniyang konsensiya.
47. Anong konklusyon ang mabubuo sa sitwasyong kinakaharap ni Kardo?
a. Kumikilos ang ikalawang elemento ng konsensiya: ang paghatol kung ang isang pasiya o kilos ay mabuti o masama
at ang pakiramdam ng obligasyong piliin ang mabuti.
b. Kumikilos ang unang elemento ng konsensiya: ang pagninilay upang maunawaan ang mabuti at masama sa isang
sitwasyon
c. May pinagbabatayan na mas mataas na pamantayan ang konsensiya: ang Likas na Batas Moral.
d. Ang pangunahing gamit ng konsensiya ay tukuyin ang dapat gawin sa isang sitwasyon.

Para sa Bilang 48-50, ibatay ang sagot sa sitwasyon na nasa loob ng kahon.

Naiwan si Rica, nasa Baitang 7, ng kaniyang mga magulang at pinagbilinan na huwag siyang lalabas ng bahay.
Sinunod naman ni Rica ang bilin ng kaniyang magulang ngunit biglang tumawag sina Luis na planong magkita
ang magkakaibigan. Batid ni Rica na bawal lumabas lalo na wala pa sila sa tamang edad dahil ito ay mahigpit
na ipinatutupad sa panahon ng pandemya. Sa isip ni Rica mahalaga na makasama niya ang mga kaibigang
matagal na ring hindi sila nagkikita.

48. Anong dalawang mabuting kilos ang nagtutunggalian sa sitwasyon na kinakaharap ni Rica at ng mga kaibigan?
a. Ang hindi pagsunod sa bilin ng magulang at ang hindi pakikipagkita sa mga kaibigan na matagal ng hindi nakikita.
b. Ang pagsunod sa bilin ng magulang at ang hindi pakikipagkita sa mga kaibigan na matagal ng hindi nakikita.
c. Ang pagsunod sa bilin ng magulang at pakikipagkita sa mga kaibigan na matagal ng hindi nakikita.
d. Ang paglabas ng bahay at pakikipagkita sa mga kaibigan nang
sandali lamang.

49. Isinaalang-alang ba ni Rica sa kaniyang pasiya ang mas mataas na mabuti ( higher good) sa sitwasyong ito?
Bakit?
a. Hindi, dahil ang pagsunod sa utos ng magulang lalo na kung makabubuti ito sa sarili ang mas mataas na mabuti
(higher good) kaysa sa paglabas ng bahay kahit emergency
b. Oo, dahil kahit inisip niya na mahalaga na makasama niya ang mga kaibigang matagal nang hindi nakikita, hindi
pa niya naisasagawa ang kilos na ito.
c. Hindi, dahil ang pagsunod sa utos ng magulang lalo na kung makabubuti ito sa sarili ang mas mataas na mabuti
(higher good) kaysa sa hiling ng kaibigan sa situwasiyong iyon.
d. Oo, dahil pinag-iisipan pa niya kung lalabas ng bahay o hindi.

50. Sa tanong na “Kapag pinili niya ang mas mataas na mabuting kilos, uusigin kaya siya ng kaniyang konsensiya?
Aling katwiran ang ayon sa Likas na Batas Moral?
a. Hindi, dahil ang pagsunod sa utos ng magulang lalo na kung makabubuti ito sa sarili ang mas mataas na mabuti
(higher good) kaysa sa hiling ng kaibigan sa sitwasyong iyon.
b. Hindi, dahil ang pagsunod sa utos ng magulang lalo na kung makabubuti ito sa sarili ang mas mataas na mabuti
(higher good) kaysa sa paglabas ng bahay kahit emergency.
c. Oo, dahil inisip niyang mahalaga na makasama niya ang mga kaibigang matagal nang hindi nakikita kaysa ang
pagsunod sa utos ng mga magulang.
d. Oo, dahil ang pagsaalang-alang sa hiling ng mga kaibigan kaysa sa utos ng magulang ay paglabag sa Likas na
Batas Moral.

-- END OF TEST --

You might also like