Professional Documents
Culture Documents
Department of Education
CARAGA Region
Butuan City Division
Villa Kananga Integrated School
Brgy. Villa Kananga, Butuan City
IKAAPAT NA MARKAHAN
LAGUMANG PAGSUSULIT SA Filipino 7
Test I - Panuto: Basahin at suriin ang mga sumusunod na tanong. Piliin lamang
ang pinaka-angkop na sagot sa bawat tanong. Isulat ang letra ng inyong sagot
sa sagutang papel.
Test III - Panuto: Tukuyin ang mga isyung may kaugnayan sa mga pahayag sa akda.
35. “Iya’y munting bagay lamang, huwag magulumihanan kaydali yang malusutan.” (Donya Maria kay Don Juan)
a. Ang mga babae ay may taglay ding natatanging kakayahan tulad ng mga lalaki
b. Likas sa mga babae ang maging mapagmataas o mayabang
c. Higit na mapamaraan ang mga babae kaysa sa mga lalaki
36. “Luha’t lungkot ay tiniis nang dahilan sa pag-ibig, pangiti ri’t walang hapis na sa sinta’y nagsulit.” (Donya Maria)
a. Siya ay tulad ng mga babae ngayon na gagawin lahat para sa pag-ibig kahit ito ay pagsuway sa magulang
b. Siya ay tulad ng ibang kabataan matigas ang ulo
c. Siya ay isang babaeng hindi marunong magpahalaga
37. “Nilapitan ang matanda buong suyong napaawa, siya nama’y kinalinga’t dininig sa ninanasa.” (Don Juan)
a. Ang pagtulong sa matanda ay dapat panatilihin ng kabataan
b. Ang pagtulong sa kapwa ay may hinihiling na kapalit
c. Walang taong maaaring mabuhay nang mag-isa
38. “Hindi mo ba nababatid, Don Juan kong iniibig, itong lilo mong kapatid sa ayaw ay namimilit.”(Donya Leonora)
a. May mga taong taksil sa pag-ibig
b. May mga taong labis na makulit makamit lamang ang ang ninanais
c. May mga taong mandaraya na gumagawa sa maling paraan
39. “Sila nga’y naging talunan nadaig sa karunungan ng haring aking magulang bato ang kinahangganan.”(Donya Maria)
a. Mabuti at Matiwasay ang politika sa Pilipinas
b. ginagamit ng mga politiko ang kapangyarihan nila upang magparusa
c. Maaaring sumunod sa maling gawi ng politico
Test IV - Panuto: Piliin kung anong maaaring mangyari sa tauhan sa mga
sumusunod na pangungusap.
40. “Doon ay kanyang dinatnan ang isang ermitanyong mahal, ang balbas ay hanggang baywang kasindak-sindak pagmasdan.”
Anong nangyari sa matanda nang makita si Don Juan?
a. Malugod nitong tinanggap si Don Juan sa kanyang bahay
b. Nagtago ang matanda sa binata
c. Nagulat ang matanda sa hitsura ni Don Juan
41. “Pagkat di nakatiis na timpiin ang pag-ibig, ninakaw na yaong damit ng prinsesang sakdal-dikit.” Ano ang naramdaman ni
Donya Maria nang makitang na kay Don Juan ang kanyang damit?
a. Natuwa at humanga sa binata
b. Nagalit siya sa binata
c. Natakot siya dahil may nanilip sa kanila
42. “Di kawasa ang nasabi, ‘Kahanga-hangang prinsipe dunong nito’y pagkabuti tila ako’y maaapi.” Anong naramdaman ni Haring
Salermo nang makita niyang nagtagumpay si Don Juan sa kanyang pagsubok?
a. Paghanga sa prinsipe at agad-agad ipinakasal si Donya Maria dito
b. Natakot at naisip na may itim na kapangyarihan ang prinsipe
c. Nag-isip at nagbigay ng iba pang pagsubok sa prinsipe