You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
CARAGA Region
Butuan City Division
Villa Kananga Integrated School
Brgy. Villa Kananga, Butuan City

SUMMATIVE TEST in ESP VIII


Name:__________________________________________ Section:_____________
Teacher: Ms. Daphnie Eve B. Maceren Score: ______________

Panuto: Suriin ang mga sumusunod. Piliin ang wastong sagot sa bawat bilang at bilugan ito.
1.Alin sa sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa paghubog ng
isang maayos na pamilya?
A. pagkakaroon ng mga anak
B. pagtatanggol ng karapatan
C. pagsunod sa mga patakaran
D. pinagsama ng kasal ang magulang

2. Ang pamilyang Dela Cruz ay hindi nakalilimot manalangin nang sama-sama tuwing
Linggo. Ano ang dapat tularan sa pamilya Dela Cruz?
A. pagiging disiplinado
B. pagiging matatag sa sarili
C. walang anumang alitan ang bawat isa
D. may pagkakaisa sa pagsamba sa Panginoon

3. “Kapag sama-sama at nagtulungan ang bawat kasapi ng pamilya ito ay magiging buo at
matatag.” Anong aral ang mapupulot sa kasabihan?
A. Ang pamilya ang pundasyon sa lipunan.
B. Ang pamilya ang salamin sa lipunan.
C. Kung ano ang puno, siya rin ang bunga.
D. Kung matatag ang pamilya, may pakinabang sa lipunan.

4. “Ang pagmamahalan ay nagpapatibay sa isang pamilya.” Anong positibong impluwensya


ang ipinahiwatig sa pahayag?
A. Ipadama ang pagmamahal sa bawat kasapi ng pamilya.
B. Dito ipinapakita ang pagsasama ng buhay at pagmamahal.
C. Nakapagbibigay-buhay dahil nakatakda ito sa pagkakaroon ng anak.
D. Nagkaroon ng kaligayahan ang bawat kasapi ng pamilya kung may pagmamahalan.

5. Laging ipinagdiriwang ng pamilya Santos ang tagumpay ng kanilang anak. Anong


kaugalian ang maaring tularan sa pamilya Santos?
A. paghamon sa anak na magtagumpay
B. pagpapakita ng interes sa kanilang larangan
C. pagmamalaki sa tagumpay ng kasapi ng pamilya
D. pasasalamat at suporta sa tagumpay na nakamit

6. Hindi maipagkakaila ang saya sa ngiti ni Aleng Nina nang binigyan ito ng House & Lot ng
Engineer na anak. Bilang Kabataan, anong impluwensiya ang masasalamin sa anak ni
Aleng Nina?
A. pag-aalaga sa kaniyang Ina
B. pagmamahal sa kaniyang Ina
C. pag-aasikaso sa kaniyang Ina
D. pagbibigay-buhay sa kaniyang Ina

7. Sa kabila ng kahirapan, hindi nawawalan ng pag-asa ang ama ni Linda sa pagtaguyod sa


kanila. Alin sa sumusunod ang positibong impluwensiyang ipinakita ng ama?
A. pagiging matatag
B. pagiging madasalin
C. pagiging masayahin
D. pagiging disiplinado
8. Binaha ang aming lugar noong bagyong Ondoy at sa awa ng Panginoon ay may mabuting
loob na nag-alok na patuluyin kami sa kanilang tahanan. Anong aral ang mapupulot sa
sitwasyon?
A. pagiging madasalin
B. pagkakaroon ng pag-asa
C. pagiging maramot sa iba
D. pagiging matulungin sa kapuwa

9. Kilala ang pamilyang Pilipino sa pagkalinga sa kanilang mga anak. Alin sa sumusunod
ang nagpapatunay nito?
A. hinahatid sa eskwelahan
B. laging binibigyan ng pera ang anak
C. pinapadalhan ng mga pagkain sa loob ng klase
D. sinusuportahan sa gustong makamit ng anak

10. Nagsisigaw si Loloy nang madatnan ang kaniyang ina na nakahandusay sa sala sa
sobrang sakit ng tiyan. Dali-dali namang pumasok ang nakatatandang kapatid at dinala ang
ina sa hospital. Alin sa sumusunod ang positibong pag-uugali ang ipinakita sa sitwasyon?
A. ang pag-alalay sa ina papunta sa ospital
B. labis ang kasiyahang ipinapakita ng kapatid
C. ang kapatid may nakaramdan ng pagkabalisa sa nangyayari
D. nakatutulong ang mga kapamilya sa oras ng pangangailangan

11. Araw-araw naglalako ng paninda si Aling Ester nang sa gayon ay matustusan niya ang
pag-aaral ng kaniyang mga anak. Lagi rin niya itong pinapayuhan na magsipag sa kabila ng
kahirapan sa buhay. Anong positibong impluwensiya ang ipinakita ni Aling Ester?
A. Hindi hadlang ang kahirapan sa buhay.
B. Pinasama ang anak sa paglalako ng paninda.
C. Tumigil ang anak sa pag-aaral upang makatulong.
D. Maging matatag at masipag sa kabila ng problema sa buhay.

12.Laging tinuturuan ng mag-asawang Lindo at Linda ang kanilang mga anak na magmano
sa sinumang panauhin na dumating sa kanilang tahanan. Anong aral ang mapupulot sa
kaugaliang pinairal ng mag-asawa?
A. pagiging maalalahanin sa ibang tao
B. huwag makinig sa payo ng mga magulang
C. maging magalang sa nakatatanda at panauhin
D. umiwas sa pakikipag-usap sa mga hindi kakilala

13. Ang pamilya ang sentro ng kagandahang pag-uugali. Alin sa sumusunod na pahayag
ang nagpapatunay dito?
A. Kung ano ang puno, siya rin ang bunga.
B. Sa pamilya tayo kumukuha ng lakas upang maging isang ganap na tao.
C. Kung ang iyong pamilya ay makasarili, marahil ay gayun din ang iyong pag-uugali.
D. Kung nabibigyan ng sapat na atensyon at gabay ang mga anak ay tiyak magiging isang
mabuting indibidwal.

14. Nakiisa si Ernie sa pagbabahagi ng salita ng Diyos kasama ang pamilya. Pinayuhan din
niya ang tatlong anak na palaging manalangin at magpasalamat. Paano naging
maimpluwensyang ama si Ernie sa mga anak?
A. pagiging masipag na ama at mapagbigay sa kaniyang pamilya
B. pagsuporta sa mga pangangailangan ng kaniyang anak sa paaralan
C. pagpapakita ng mabuting pagpapasya at desisyon sa buhay bilang ama
D. sa pagpapayo sa mga anak na hindi makalimot sa Panginoon at Magpasalamat

15. Hindi naging madali ang pagharap ni Mang Berto sa pumaslang sa kaniyang asawa
ngunit nagkaroon ng puwang ang pagpatawad dahil sa kaniyang mataimtim na
pananampalataya. Anong aral ang mapupulot mula sa sitwasyon?
A. hindi madaling ibigay ang pang-unawa sa ibang tao
B. may puwang ang pagpapatawad sa bawat puso ng tao
C. malayang magdesisyon ang tao para sa kaniyang ikabubuti
D. hindi kailangang ipagpilit ang paghingi ng tawad at pagpapatawad
16. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay na ang pagtutulungan ay nakatutulong sa
pagpapaunlad ng sarili?
A. Makadagdag ng alalahanin
B. Naging masalimuot ang buhay.
C. Mahirap makamit ang tagumpay.
D. Nagkakaroon ng layunin at kabuluhan ang buhay.

17. Aling sitwasyon ang nagpapatunay na nagpapaunlad ng sarili ang pagmamahalan?


A. nagbigay ng kalungkutan
B. pagpapasya para sa kaniya
C. paggiit sa iyong kagustuhan
D. pangugumusta sa kaniyang mga ginagawa

18. Paano masasabing makabuluhan ang pakikipagkapuwa ng pamilya?


A. sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga rally
B. sa pamamagitan ng pagkitil ng karapatan
C. sa pamamagitan ng kaniya-kaniyang pagsisikap
D. sa pamamagitan ng pagmamahalan at pagtutulungan

19. Paano maging makabuluhan ang pakikipagkapuwa sa pamilya?


A. magkaroon nang regular na pagtitipon
B. magparanas ng pagmamahal at pagtutulungan
C. mamasyal nang madalas kasama ang mga kaibigan
D. magbahagi ng mga naramdaman sa mga mahal sa buhay

20. Pag may pagmamahalan, magiging inspirado na makamit ang tagumpay, alin sa mga
sitwasyon ang nagpapakita ng patunay?
A. Laging ipinagagawa ni Vicky ang kaniyang proyekto sa kasintahang si Neil.
B. Madalas tulala si Rica sa klase sa kaiisip kung saan sila mamamasyal ng kaniyang
kasintahan.
C. Nakipaghiwalay si Arnold sa kaniyang kasintahan dahil nais niyang bigyang- tuon ang
kaniyang pag-aaral.
D. Nagsumikap si Yvonne na makapagtapos ng pag-aaral upang mapasaya at masuklian
ang lahat na sakripisyo at pag-aaruga ng kaniyang mga magulang.

21.Paano naipakikita ang pakikiramay?


A. pamamasayal sa lugar na kinagigiliwan niya
B. pagpapasaya sa taong nakaranas ng kalungkutan
C. pag-alok ng mga bagay na makapagpasaya sa kaniya
D. pagdama ng pighati, kalungkutan, kasawian o suliranin ng kapuwa

22. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapatunay ng pagtutulungan?


A. pagkaloob ng kalahati ng kanilang naaning palay
B. pagbayanihan ng magkakanayon sa pag- aani ng palay
C. pagbibigay ng malaking sahod sa mga nagsitanim ng palay
D. pagpapakain ng masasarap na pagkain sa panahon ng anihan

23. Bakit natural na institusyon ang pamilya?


A. dahil nabuo ito sa pagmamahalan
B. dahil nabuo ito sa pamamagitan ng kasal
C. dahil matiwasay na nagsama ang mag-asawa
D. dahil pinili ang makasama sa pagbuo ng pamilya

24. Paano mapauunlad ang sarili?


A. pag-aaral nang mabuti
B. pagmamahalan at pagtutulungan
C. pagtutulungan sa anumang gawain
D. pagmamahal sa mga mahahalagang bagay

25. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapatunay ng pagmamahalan at


pagtutulungan?
A. Bagaman mayaman ang mga magulang ni Ester, lumaki siyang hindi masaya dahil bihira
lang niyang makasama ang kaniyang mga magulang.
B. Kahit mahirap ang pamilyang Sagan ay nakatapos pa rin sa pag-aaral ang anim na
magkakapatid dahil nagsasalit-salitan sila sa pag-aaral.
C. Maganda ang trabaho ng ate ni Peter at malaki rin ang sweldo nito bagaman natigil pa rin
sa pag-aaral si Peter dahil may malubhang karamdaman ang kaniyang ama at hindi rin
naman sila naalala ng kaniyang ate.
D. Naulila sa mga magulang sina Nena at Nene. Tumigil muna si Nene sa pagaaral upang
maghanap ng trabaho at mapag-aral si Nena. Nakatapos at nakapaghanap ng trabaho si
Nena ngunit bigla itong naglaho at nakalimutan na si Nene.

26. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay ng pagmamahal sa sarili?


A. Pagsisikap na baguhin ang sarili upang matugunan ang mataas na ekspektasyon ng
lipunan.
B. Pagsisikap na makamit ang pangarap kahit na kapalit nito ay ang sariling kalusugan.
C. Pagsisikap na makinig sa hinaing ng ibang tao kahit na hindi ito naintindihan.
D. Pagsisikap na mapabuti, maging maayos ang sarili at may pagmamahal sa iba.

27. Alin sa sumusnod na sitwasyon ang nagpapatunay ng may paggalang sa isa’t isa lalo na
sa mga magulang?
A. Ipinagpatuloy ni Ivan ang pangarap na maging isang idolo sa kabila ng mga payo ng
kaniyang mga magulang.
B. Laging tama si Mika sa tuwing nagkakaroon ng talakayan sa kabila ng mga hinaing at
kasalungat na opinyon ng kaniyang mga kapangkat.
C. Nagsusumikap si Anton na makinig at umintindi sa lahat ng hinaing at aral ng mga
nakatatanda upang maisapuso’t maisabuhay niya ito.
D. Sa tuwing may nais na makamit si Alicia, hindi siya nagdadalawang-isip na makiusap sa
mga magulang hanggang sa ibigay nila ito sa kaniya.

28. Pag may pagtutulungan, nagkakaroon ng layunin at kabuluhan ang buhay, alin sa mga
sitwasyon ang nagpapatunay nito?
A. Nasasarili ni Marco ang lahat ng yaman niya sa loob ng kaniyang Malaki ngunit
mapanglaw na mansiyon.
B. Paggagantsilyo na lamang ang libangan ni Aling Rosa dahil nag-iisa na lang siya sa
buhay.
C. Mag-isang pinanood ni Lester mula sa Veranda ang kaniyang kapitbahay
na masayang nagtatanim ng magagandang bulaklak kasama ang kanilang mga anak
D. Mas mapadali ang pagsugpo sa epidemya at pagbabalik normal ng buhay dahil sa
kooperasyon ng mamamayan na nananatili sa loob ng kanilang tahanan at sa tulong na
iniabot ng pamahalaan.

29. Sino sa sumusunod na magulang ang nagpapakita ng pagtulong sa anak na


mapaunlad ang sarili?
A. Hinahayaan ni Ginoong Brandon ang kaniyang anak na magdamagang maglaro ng
gadget sa halip na mag-aral.
B. Ginagawa ni Nanay Kori ang lahat na takdang-aralin ng anak na si Kristofer upang
mapanatiling mataas ang mga marka nito.
C. Binibili ng mag-asawang Rosario ang kahit na anong magustuhan ng kanilang anak na
sina Rosie at Romeo kahit na hindi naman nila ito kailangan.
D. Pinagtutulungan ng mag-inang Lucy at Hana ang mga gawaing-bahay upang mapabilis
ito at magawa ni Hana ang kaniyang takdang-aralin habang ginagabayan ng inang si Lucy.

30. Matiwasay na pumanaw si Lola Elizabeth dahil napagtapos niya ang kaniyang apo at
naramdaman niya ang pagmamahal at pag-aaruga ng kaniyang apo sa kaniya sa mga
nalalabi niyang mga araw. Alin sa sumusunod ang angkop sa sitwasyon?
A. handang umakay sa matuwid na landas
B. nagkaroon ng layunin at kabuluhan ang buhay
C. handang tumulong na malinang ang mga kakayahan
D. nag-udyok na maging dedikado at magiliw sa trabaho

31.Sino ang gumagabay at humuhubog sa pamilya?


A. anak
B. lipunan
C. magulang
D. pamayanan
32. Ano ang orihinal at pangunahing karapatan ng mga bata?
A. karapatang kumain
B. karapatang mabuhay
C. karapatan sa edukasyon
D. karapatang magkaroon ng magulang

33. Ano ang katuwang ng mga magulang sa pagpapatupad ng edukasyon para sa


mga bata?
A. paaralan
B. mga kapitbahay
C. mga kamag-anak
D. kawani ng gobyerno

34. Sino ang naggabay sa mga anak sa bawat pagpapasya?


A. kaibigan
B. kapatid
C. magulang
D. pamilya

35. Ano ang umusbong sa Pilipinas matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig?
A. kapuluan
B. kayamanan
C. pagmamahal
D. relihiyon

36. Alin sa sumusunod ang kakikitaan ng paggabay sa pagpapasya?


A. sama-samang pagdarasal
B. pagturo sa anak ng tama at mali
C. pagbabasa ng mga kuwento gabi-gabi
D. pagturo sa paggamit ng banal na aklat

37. Ano ang bunga ng maling pagpili?


A. karahasan
B. karanasan
C. pagmamahal
D. pagsisisi

38. Ano ang hinuhubog sa mga kabataan sa pagpili ng damit na maisusuot at


pagkuha ng kurso ayon sa kanilang nais?
A. pag-aayuno
B. pagkilos
C. pagpapasya
D. pagsasakripisyo

39. Sino ang nagiging guro ng mga kabataan sa bahay kung saan ay tinuturuan at
tinutulungan sila sa mga takdang-aralin?
A. tiyuhin/tiyahin
B. malapit na kaibigan
C. malapit na kamag-anak
D. nakatatandang kapatid

40. Ano ang tawag sa paraan ng pananampalataya ng mga kristiyano?


A. kapistahan
B. kasal
C. paghahanda
D. pagsisimba

41. Paano itinuro sa mga magulang ang mga pagpapahalaga na dapat malinang sa
pagkatao ng isang bata?
A. sapilitang pamamaraan
B. payak na pamamaraan
C. magastos na pamamaraan
D. masalimoot na pamamaraan
42. Bakit sinasabing ang pagbibigay ng edukasyon, paghubog sa pagpapasya at
pananampalataya ay pinakamagandang regalo ng magulang sa anak? Dahil ito ay:
A. trabaho ng magulang sa anak
B. tungkulin ng magulang sa anak
C. dapat maibigay ng magulang sa anak
D. batayan na makabuluhan ang pag-aaruga at pagpapalaki sa anak

43.Bakit kailangan bigyan ng kalayaan ng magulang ang anak sa kanilang kagustuhan?


A. dahil ito ay tama
B. dahil ito ay nararapat
C. upang masunod kung ano ang gusto
D. upang mapaunlad ang kakayahan sa pagpapasya

44.Bakit pinapaaral ng mga magulang ang anak sa paaralan?


A. upang maging matalino
B. upang yayaman pagdating ng panahon
C. upang maging maganda ang kinabukasan
D. upang malinang ang aspekto na huhubog sa pagkatao

45.Bakit sinasabing hindi madali ang paggabay ng mga magulang sa kanilang mga anak?
A. dahil nasusunod ang desisyon ng magulang
B. dahil nagagalit ang anak kapag sinuway ang gusto
C. dahil may mga anak na nasusunod ang gusto kaysa magulang
D. dahil habang lumalaki ang anak ay nagkaroon ng sariling pananaw

46. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng banta sa pag-aaral?


A. Oras ang naging kalaban ni Chacha sa pagtapos ng mga gawaing bahay.
B. Kahirapan ang naging dahilan kung bakit hindi agad nakapagtapos si Marco ng kolehiyo.
C. Nagsusumikap ang magkapatid na Nina at Nene upang may maipambili ng pagkain araw-
araw.
D. Ang pagkakaiba ng paniniwala ang nagtulak kay Janine na iwanan angpamilya at tumayo
sa sariling mga paa.

47. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng banta sa pananampalataya?


A. Social Media ang naging dahilan kung bakit hindi nakapagtapos si Marco
sa kolehiyo.
B. Ang kahirapan ang nagtulak sa magkapatid na Maria at Martha na
maghanapbuhay.
C. Naging mabigat ang kalooban ni Arturo sa kapatid dahil sa
pagsisinungaling nito.
D. Ang pagkakaiba ng paniniwala ang nagtulak kay Jose na magduda sa
kaniyang pananampalataya.

48. Paano malalagpasan ang banta sa pagbibigay nang maayos na edukasyon?


A. sa pag-unawa sa mga ginawang pasya
B. sa pagkakaisa at pagtutulungan ng pamilya
C. sa pagpaplano sa sariling buhay at kinabukasan
D. sa pagsasabuhay sa mga gawi, tulad ng paggalang

49. Ano ang maaaring maidudulot sa pamilyang may pagkakaiba ng paniniwala?


A. pagkalito at pagkagulo
B. pagkapoot at pagkamuhi
C. kalungkutan at kasiyahan
D. pagmamahalan at pagtutulungan

50.Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng banta sa pagpapasya?


A. maingat na paghuhusga
B. pag-unawa sa kalagayan
C. walang maayos na unawaan
D. padalus-dalos sa paghuhusga

-- END OF TEST --

You might also like