You are on page 1of 4

Multiple Intelligence

Pagtuklas ng mga Talento at Kakayahan


Isang napakahalagang teorya ang binuo ni Dr. Howard Gardner noong 1983, ang teorya ng Multiple
Intelligence.
Ayon sa teoryang ito, ang mas angkop na tanong ay “Ano ang iyong talino” at hindi, “Gaano ka
katalino?” ayon kay Gardner, bagama’t lahat ay may angking likas na kakayahan, iba’t iba ang mga talino
o talent.
Ang mga ito ay:
  1. Visual Spatial
2. Verbal/ Linguistic
3. Mathematical/Logical
4. Bodily/Kinesthetic
5. Musical or Rhythmic
6. Intrapersonal
  7. Interpersonal
8. Naturalist
  9. Existentialist
1. Visual or Spatial 
Ang mga taong may talinong visual/spatial ay mabilis matuto sa pamamagitan ng paningin at
mag-ayos ng mga ideya.
Nakagagawa ng mga ideya at kailangan din niyang makita ang paglalarawan upang maunawaan
ito.
May kakayahang siyan na makita sa kaniyang isip ang mga bagay upang makalikha ng isang
produkto o makatuklas ng suliranin. May kaugnayan din ang talinong ito sa kakayahan sa matematika
Halimbawa ng mga taong may ganitong talino ay:
•  Artists
• Designers
• Cartoonists
• Story-boarders
• Architects
• Photographers
• Sculptors
• Town-planners
• Engineers
• Cosmetics and beauty consultants

2. Verbal/Linguistic
Ito ay ang talino sa pagbigkas o pagsulat ng salita. Kadalasan ang mga taong may taglay na
talinong ito ay mahusay sa pagbabasa, pagsusulat, pagkukuwento, at pagmememorya ng mga salita at
mahahalagang petsa.
Mas madali siyang matuto kung nagbabasa, nagsusulat, nakikinig, o nakikipagdebate.
Mahusay siya sa pagpapaliwanang, pagtuturo, pagtatalumpati, o pagganyak sa pamamagitan ng
pananalita. Madali para sa kanya ang matuto ng ibang wika.
Halimbawa ng mga taong may ganitong talino ay:
•  Writers
• lawyers
• journalists
• speakers
• trainers
• copy-writers
• english teachers
• poets
• editors
• linguists, etc.

3. Matematikal/ Lohikal
Taglay ng taong may talino nito ay mabilis ang pagkakatuto sa pamamagitan ng pangangatwiran
at paglutas ng suliranin (problem solving). Ito ay talinong may kaugnay ng lohika, paghahalaw at
numero. 
Gayunpaman, mas malapit ang  kaugnayan nito sa kakayahan sa siyentipikong pag-iisip at
pagsisiyasat, pagkilala ng abstract patterns, at kakayahang magsagawa ng mga nakalilitong pagtutuos.
Halimbawa ng mga taong may ganitong talino ay:
• Scientists
• Engineers
• Computer experts
• Accountants
• Statisticians
• Researchers analysts
• Traders
• Bankers
• Bookmakers, etc.

4. Bodily/ Kinesthetic
•  Ang taong may ganitong talino ay natututo sa pamamagitan ng mga kongkretong
karanasan o interaksiyon sa kapaligiran.

Mas natututo siya sa pamamagitan ng paggamit ng kaniyang katawan, tulad halimbawa


ng pagsasayaw o paglalaro.

Mataas ang tinatawag na muscle memory ng mga taong may ganitong talino.

Halimbawa ng mga taong may ganitong talino ay:

• Dancers

• actors

• athletes

• divers

• Soldiers, etc.
5. Musical/Rhythmic
• Ang taong nagtataglay ng talinong ito ay natututo sa pamamagitan ng pag-uulit, ritmo o
musika. Hindi lamang ito pagkatuto sa pamamagitan ng pandinig kundi pag-uulit ng isang
karansan

Halimbawa ng mga taong may ganitong talino ay:


• musicians,
• Singers
• composers
• DJ's
• music producers
• piano tuners, etc.
.

6. Intrapersonal
- Sa talinong ito natututo, ang tao sa pamamagitan ng damdamin, halaga, at pananaw.

-Ito ay talinong kaugnay ng kakayahang magnilay at masalamin ang kalooban.

-Karaniwang ang taong may ganitong talino ay malihim at mapag-isa o introvert.

 Ang lahat ng tao na nasa proseso ng pagbabago ng


pang-unawa sa sarili, sa paniniwala, at mga gawain na may kinalaman sa sarili, sa iba, at sa
komunidad na kanyang ginagalawan

7. Interpersonal
 Ito ang talino sa interaksiyon o pakikipag-uganayan sa ibang tao.
Ito ang kakayahan na makipagtulungan at makiisa sa isang pangkat.
Ang taong nabibilang dito ay kadalasang bukas sa kaniyang pakikipagkapwa o extrovert.
Siya ay sensitibo at mabilis na nakatutugon sa pagbabago ng damdamin, motibasyon, at
disposisyon sa kapwa.

Halimbawa ng mga taong may ganitong talino ay:


• Therapists
• mediators
• leaders counsellors
• Eductors
• psychologists, etc.
8. Naturalist
Ito ang talino sa pag-uuri, pagpapangkat at pagbabahagdan.
Madali niyang makilala ang mumunti mang kaibahan sa kahulugan (definition).
Hindi lamang ito angkop sa pag-aaral ng kalikasan kundi sa lahat ng larangan.

Halimbawa ng mga taong may ganitong talino ay:


• Botanist
• Farmer
• Environmentalists , etc.

9. Existentialist
Ito ay talino sapagkilala sa pagkakaugnay ng lahat sa daigdig.
“Bakit ako nilikha?”
“Saan ako nanggaling?”
“Ano ang papel na ginagampanan ko sa mundo?”.
Ang talinong ito ay naghahanap ng paglalapat at makatotohanang pag-unawa ng mga
bagong kaalaman sa mundong ating gingalawan

Halimbawa ng mga taong may ganitong talino ay:


• Mga pilosopo
• Theorist
• mga pari o pastor
• Imam, etc.

You do note with me,


Wala na, finish na!

You might also like