You are on page 1of 8

Isang Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Edukasyon sa Pagpapakatao

Baitang 7
8:30 – 9:30 (MT)
Nobyembre 12,2018

I. Layunin
Sa pagtatapos ng 80 minutong pag-aaral, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa pagkamit ng itinakdang mithiin.;
B. napatutunayan na ang mga hakbang sa pagkamit ng itinakdang mithiin ay nagbibigay ng
direksyon at nagsisilbing gabay sa pagkamit nito; at
C. nakabubuo ng balangkas ng mga hakbang sa pagkamit ng isang pangmatagalang mithiin

II. Paksang Aralin


Kaalaman : Hakbang sa pagkamit ng itinakdang mithiin.

Kakayahan : Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo


sa pagkamit ng itinakdang mithiin
Pagpapahalaga : Nabibigyang importansya ang paggawa ng
hakbang sa pagkamit sa itinakdang mithiin.

Sanggunian : Carmen M.Cobato, Consantina S Arrogante, Dodie G.


Belleza at Veronica E. Ramirez:Edukasyon sa
Pagpapakatao 7. pg 192-200
Kagamitan : Power point presentation, projector, masking tape, video,
kartolina (dilaw),bondpaper, white board marker, pisara
at colored paper
Integrasyon : Filipino, Aralin Panlipunan

III. Mga Gawain sa Pagkatuto

Mga Gawaing Guro Mga Gawaing Mag-aaral

A. Panimulang Gawain
1. Dril
Basahin natin ang mga
nakasulat sa mga puso.
Opo, ma’am
Handa na ba ang lahat?
Mithiin
MITHIIN

Hakbang
HAKBANG

Makamtan
MAKAMTAN
Mga Gawaing Guro Mga Gawaing Mag-aaral

2. Balik-aral

Sa pisara ay nakikita natin na


mayroon kartolina dilaw at may mga
jumbled letters sa kabilang bahagi
ng pisara. Aayusin ninyo ang
jumbled letters at ididikit sa
kartolinang dilaw. Ang mga jumbled
letters ay ang mga pamantayan sa
pagtatakda ng mithiin.

Pamantayan sa Pagtatakda
ng Mithiin.
AYUSIN ANG MGA TITIK UPANG
MABUO ANG MGA SALITA:

1. AYTIK
2. TNASKUUSA
3. TOBNAA
4. NGOKAP
5. NYAGMABBII GN TSPAA AN
NOHNPAA
6. YAM OPKNGA AN OSLKI

(Inaayos ng mga titik upang mabuo ng mga salita)


TIYAK
NASUSUKAT
NAABOT
MABIBIGYAN NG SAPAT NA
PANAHON
MAY ANGKOP NA KILOS

Magaling!! Tama ang inyong mga


kasagutan. Ang mga ito ang
pamantayan sa pagtatakda ng
mithiin. Alam na natin kung ano ang
mga pamantayan. Ngayon, ano
naman ang pagkakatulad at
pagkakaiba ng pangmadalian at
pangmatagalang mithiin?
Sa pagtatakda ng pangmadalian at
pangmatagalang mithiin, kailangan
mo ring suriing mabuti ang mga
maaaring mangyari sa bawat yugto
patungo sa iyong mithiin.
Mga Gawaing Guro Mga Gawaing Mag-aaral
Ang pangmatagalang mithiin ay
karaniwang makahulugan at
mahalagang mithiin. Iyon nga
lamang, ang pagkamit ng
pangmatagalang mithiin ay
malayong hinaharap habang ang
pangmadalian na mithiin ay pag
suporta sa pangmatagalang mithiin.
Magaling!! Ngayon naman ay dadako
na tayo sa ating sususnod na paksa.
3. Pagganyak
Anong kahalagahan ng
pagkakaroon ng mithiin?
Mahalaga ito sapgkat kung walang
mithiin hindi makakamit ng isang
tao ang katagumpayan ng buhay.
Kung gayon, paano ba
maakamit ng tao ang kanyang
mithiin, ano ang dapat niyang
gawin?
Gumawa ng hakbangin upang
makamit ang mga ito.
Tama! Magaling! Nararapat na
gumawa tayo ng hakbangin sa
pagkamit nito. Bakit kaya mahalaga
na gumawa ng tayo ng mga
hakbangin?
Upang mas mabigyan atin to ng
pansin at magabayan tayo sa
pagkamit n gating mithiin.
4. Pagtataya ng Panuntunan
Maging aktibo sa talakayan at iwasan
ang pakikipag usap sa kaklase
patungkol sa mga bagay na hindi
kailangan sa talakayan.
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Panuorin natin ang aking
panayam kay Mr. Gerry Chua, may-
ari ng Eng Bee Tin, kung papaano
niya nakamit ang kanyang mithiin.
Inaasahan ko na ang lahat ay
manunuod at iintindihin mabuti ang
video.
Opo maam. Makakaasa po kayo!

2. Pagtatalakay
Sa ating pinanuod, ano ang
masasabi ninyong magandang
katangian ni Mr. Chua upang
makamit ang kanyang mithiin?
Para sa akin ang kanyang
magandang katangian ay ang
pagiging mapagpasensya at masipag.
Mga Gawaing Guro Mga Gawaing Mag-aaral

Magaling! Makikita natin na


talagang nagpursigi siya sa pagkamit
ng kanyang mithin. Paano niya ba
nakamit ang kanyang mithiin? Ano
ang kanyang naging mga hakbangin?
Sa aking pagmamasid makikitang si
Mr. Chua ay naghanap muna ng
bagay na tatangkilikin ng mga
mamimili upang simulan niya
sakanilang hanapbuhay. Matapos
niyang malaman na ang ube ang
gagawin niyang bagong putahe sa
hopia ay agad niya itng ginawa.
Sumunod, ng makita niyang hindi ito
ganoon kalambot gumawa siya ng
paraan upang lumabot ito at sa huli
naging tagumpay ang kanyang
ginawa.
Tama! Anong kahalagahan ng
pagkakaroon ng hakbangin sa
pagkamit ng itinakdang mithiin?
Mahalaga ito dahil malaki ang
posibilidad na makamtan ang
itinakdang mithiin dahil ito ang
tutulong at gagabay sa atin upang
hindi tayo maligaw ng landas.
Magaling! Tama ang inyong
nahinuha. Ngayon ay may
ipamimigay akong photocopy na
nagtatala ng benisipsyo sa
pagtatakda ng mithiin.
Ito ang ilan sa mga sa maaaring maging benepisyo sa pagtatakda ng mithiin
at sa paggawa ng plano para rito. Basahin nating lahat.
A. Kung matamo mo na ang iyong mithiin, tunay kang nagtagumpay.
Magiging maligaya ka at ang iyong mga mahal sa buhay. Madarama
mong naging sulit lahat ng iyong paghihirap.Maaari mo ring ilagay
ang iyong sarili sa mga taong naging tagumpay kung matamo mo ang
iyong mithiin sa buhay. Maraming taong nasusulat sa iba’t ibang
babasahin at napanonood sa telebisyon ang nagtagumpay. Maaari
mo ring isama ang iyong sarili sa mga ito.
B. Sa panahon ng pagsubok sa pagtatamo ng iyong mithiin, magiging
hamon ang mga benepisyong ito para sa iyo. Higit kang magiging
matatag na tao at maisasabuhay mo ang mga moral na
pagpapahalaga tulad ng katatagan (fortitude), pagtitimpi
(temperance), katarungan (justice) at maingat na paghusga
(prudence). Nagiging matatag ka sa mga suliraning susubok sa iyo sa
pagkamit mo ng iyong mithiin. Isasabuhay mo ang pagtitimpi upang
hindi matukso sa mga bagay na hindi makatutulong sa pagkamit ng
iyong mithiin. Iiwasan mo ang mga bagay na magiging aksaya at
hadlang sa iyong pagtatagumpay. Magiging makatarungan ka para sa
iyong sarili at sa iba dahil alam mo ang makabubuti sa iyong sarili at
sa iyong kapwa. Hindi mo hahayaang masayang ang pagod at hirap
mo sa buhay. Higit sa lahat, magiging maingat ka sa paghusga. Alam
mong dapat kang maging isang mahusay na tao kaya dapat ang
bawat pasyang gagawin mo ay makatutulong upang ikaw ay
magtagumpay.
Mga Gawaing Guro Mga Gawaing Mag-aaral

C. Kung nakasulat ang mithiin sa buhay, makagagawa ka ng mahusay na


plano para maisakatuparan ang iyong mithiin sa buhay. Ang planong
ito ay mayroong mga layunin, hakbang sa pagkamit, takdang
panahon at mga bagay na iyong kailangan sa pagsasakatuparan nito.
Tuwi-tuwina, maaari mong tingnan ang iyong plano upang alamin
ang iyong mga natupad kumpara sa iyong itinakda. Halimbawa,
batay sa iyong plano, pagdating mo ng ikalawang taon sa paaralang
sekundarya, ikaw ay kabilang sa honor roll. Subalit lumipat kayo ng
tahanan at sa bago mong pinasukang paaralan, hindi ka na kasama
sa honor roll. Maaari mong ayusin (adjust) ang iyong plano batay sa
bagong pangyayari dahil hindi mo ito ninais. Kaya nga, higit na
mabuting nakasulat ang iyong plano upang makita mong maaari mo
pala itong ayusin.
D. Kung sa tuwing umaga ay nababasa mo ang iyong plano,
nagkakaroon ka ng tiwala sa iyong sarili dahil alam mong mayroong
direksyon ang iyong mga ginagawa sa araw-araw.

Ang mga ito ay ilan lamang s


mga benipisyo na ating matatamo
ung tayo ay magtatakda ng mithiin.
Bakit ba natin ito binasa, ano sa
palagay ninyo?
Binasa natin ito at inunawa dahil ito
ang magsisilbing pundasyon sa
paggawa ng ating hakbangin sa
pagkamit ng mithiin.
Magaling! Nakatutulong ito
lalo na sa paggawa ng hakbangin sa
pagkamit n gating itinakdang
mithiin.
3. Paglalahat
Batay sa ating tinalakay anu-
ano ang kagandahan ng
pagkakaroon ng hakbangin sa
pagkamit ng mithiin?
Nagkakaroon po kami ng gabay sa
pagkamit ng mga ito at ang paggawa
po ng hakbangin ay nakakatutulong
upang magkaroon kami ng malinaw
at tuwid na direksyon pang hindi
kami mailto o mabagabag sa ano ang
dapat naming gawin.
Magaling! Ano naman ang
mga naikintal ninyo sa inyo isipan
patungkol sa paggawa ng hakbangin
sa pagkamit ng itinakdang mithiin?
Naipapakita po ng pag-aaral na ito
na ang pagkamit sa ating itinakdang
mithiin ay mahalaga at dapat
pahalagahan. Sa pamamagitan ng
paggawa ng hakbangin ay
magkakaroon tayo ng tuwid na
direksyon sa pagkamit ng mga ito.
C. Pangwakas na Gawain
1. Mga Pagsasanay
Mga Gawaing Guro Mga Gawaing Mag-aaral

a. Panlahatan
Ang 4 pangkat na mayroong 5
miyembro ay bumuo ng slogan
patungkol sa kahalagahan ng
hakbang sa pagkamit ng mithiin.
Isulat sa colored paper. At gumawa
rin kayo ng inyong “clap” dahil
matapos ang inyong gawain sabay
sabay ninyong gagawin ang clap
hudyat na tapos ang inyong grupo.
Tsaka ninyo pa lamang madidikit
ang slogan sa pisara matapos ang
clap.

Sa paghahati ng grupo;
Ang unang grupo ay ang unang
hilera. At ang sumunod ay ang
pangalawa hilera hanggang sa dulo.
Naiintindihan ba ang gagawin
o may mga katanungan ba?

(Nagsama-sama na sa mga ka-


grupo)

Naiintindihan po namin.

b. Pang-indibidwal
Ang bawat isa ay bibigyan ko
ng bondpaper. Isulat inyo ang inyo
panunumpa sa pagkamit ng inyong
itinakdang mithiin upang
makatulong sa inyong pag unlad.
Naiintindihan ba ang gagawin?
Opo, ma’am!
(Ipinapamigay na ang mga bondpaper)
Ito ang aking panunumpa sa
pagkamit ng aking itinakdang
mithiin.
Panunumpa sa Pagkamit ng Itinakdang Mithiin

Ako si Patricia Ann R. Empleo, taimtim na nanunumpa na maging


mabuting halimbawa sa ang aking mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga
sumusunod na hakbangin:
- Papasok ng mas maaga sa itinakdang oras.
- Pagbibigay respeto sa sarili at sa kapwa.
- Ituturo ng mga dapat malaman ng mag-aaral.
- Iiwasang lumiban sa klase.
- Hindi pahihintulutan ang pagtanggap ng suhol.
- Ipakita ang pagkapantay-pantay ng bawat isa.
Mula sa mga nabanggit na hakbangin aking makakamtan ng aking
itinakdang mithiin.

Patricia Ann R. Empleo


Mga Gawaing Guro Mga Gawaing Mag-aaral
Pangalan/Lagda
(Nagsisimula na ang lahat sa paggawa ng gawaing pang-indibidwal.)
c. Pang-abilidad
Basahin natin ang sitwasyon
na nakadikit sa pisara;

“Si Lee, 16 na taong gulang. Mahirap lamang sila at 1 beses lang kumain sa
isang araw. Gayunman, si Lea ay top 1 sa klase at sumasali sa mga
patimpalak. Nais niyang maging guro ngunit wala siyang pera pang-aral sa
kolehiyo, ano ang dapat niyang gawin upang makamit ang kanyang mithiin?
Isadula ninyo ito kasama ang inyong
mga kagrupo, ipakita ninyo ang
nararapat niyang gawin at ang mga
hakbang sa pagkamit ng kanyang
mithiin.
Bibigyan ko kayo ng 15 minuto
upang mag usap.. Ang dula ay dapat
5 minuto lamang bawat isang grupo.
Opo, ma’am.
(Ang mga estudyante ay nagsasadula na ng kanilang mga kasagutan)
Maganda an mga ipinakita
ninyong hakbangin sa pagkamit ni
Lee sa kanyang mithiin.
Inaasahan ko na ang bawat
isa sa inyo ay nagkaroon ng bagong
kaalaman na magagamit niyo upang
maging matagumpay sa hinaharap.
2. Paglalapat
Sa pisara nakikita natin na
mayroong dalawang kolum ang
unang kolum ay patungkol sa taong
walang hakbangin sa pagkamit
mithiin at ang ikalawang kolum ay sa
taong may habangin sa pagkamit ng
itinakdang mithiin. Magbigay kayo
ng posibleng maging resulta kung
ang tao ay may hakbangin sa
pagkamit ng mithiin at kung ang tao
ay walang hakbangin sa pagkamit ng
mithiin.

Walang Mayroong
hakbangin sa hakbangin sa
pagkamit ng pagkamit ng
mithiin mithiin

(Ang mga mag-aaral ay nagsusulat na sa pisara ng kanilang mga kasagutan)


Magaling! Ang mga sagot
Mga Gawaing Guro Mga Gawaing Mag-aaral

ninyo ay talagang maaaring


mangyari sa taong may hakbangin at
sa taong walang hakbangin sa
pagkamit ng mithiin. Mahalaga
talagang mayroon tayong hakbangin
sa pagkamit ng ating itinakdang
mithiin upang magkaroon tayo ng
gabay at direksyon na makatulong
satin sa pagkamit ng ng ating
mithiin.
IV. Pagtataya
Tukuyin ang mga maaaring maging balakid o hadlang sa pagtupad ng iyong mga mithiin. May mga
hadlang tulad ng kakulangan sa pera at distansya ng paaralan at tahanan. Kailangang tukuyin ang mga
balakid upang magkaroon ng lakas ng loob na harapin ang mga ito. At magtala ng hakbangin na iyong
gagawin upang hindi maging hadlang ang mga balakid na ito sa pagkamit ng iyong itinakdang mithiin.

V. Takdang Aralin
Iguhit ang magiging resulta kung magagawa lahat ng hakbangin na iyong itinala sa pagkamit ng
iyong mithiin. Ilagay ito sa oslo paper.

Prepared by:

Bernardo D. Macaranas III


SST - II

Noted:

Lamberto L. Ferrer, Jr.


Principal II

You might also like