You are on page 1of 23

Edukasyon sa

Pagpapakatao
Ikalawang Markahan–Modyul 7
Dignidad ng Tao

7
Ng Tao

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan–Modyul 7
Dignidad ng Tao

This instructional material was collaboratively developed and reviewed by


educators from public schools. We encourage teachers and other education
stakeholders to email their feedback, comments, and recommendations to the
Department of Education at action@ deped.gov.ph.

We value your feedback and recommendations.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Edukasyon sa Pagpapakatao – Baitang 7
Alternatibong Mode ng Paghahatid

Ikalawang Markahan – Modyul 7: Dignidad ng Tao


Unang Edisyon, 2020
Isinasaad saBatas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Development Team of the Module


Author/s: Edna L. Detalla
Reviewers: Emma B. Cabibil, Lydia D. Malabas, Jemeris D. Tubigon, Ailen C. Brioso, Rochelle J.
Anino
Illustrator and Layout Artist: Charlotte L. Detalla, Samuel D. Bugahod, Sunnyboy L. Ibarra

Management Team
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V
Asst. Regional Director
Edwin R. Maribojoc, EdD, CESO VI
Schools Division Superintendent
Myra P. Mebato,PhD, CESE
Assistant Schools Division Superintendent
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD
Members Neil A. Improgo, EPS-LRMS
Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS-ADM
Samuel C. Silacan, EdD, CID Chief
Rey D. Tabil, EPS - EsP
Rone Ray M. Portacion, EdD, EPS – LRMS
Edna Alona B. Duhaylungsod, EdD, Principal II/District In-charge
Mylene G. Labastilla, EdD, Principal II/District In-charge
Agnes P. Gonzales, PDO II
Vilma M. Inso, Librarian II
Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Misamis Occideal
Office Address: Osilao St., Poblacion I, Oroquieta City, Misamis Occidental
Contact Number: (088) 531-1872 / 0977 – 8062187
E-mail Address: deped_misocc@yahoo.com
Paunang Salita
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul 7 ukol sa Dignidad ng Tao.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong natutuhan mo
mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad
ng buhay.
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit
ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!
Talaan ng Nilalaman

Alamin ---------------- 1

Subukin ---------------- 2

Balikan ---------------- 6

Tuklasin ---------------- 6

Suriin ---------------- 7

Pagyamanin ---------------- 8

Isaisip ---------------- 9

Isagawa ---------------- 9

Tayahin ---------------- 10

Karagdagang Gawain ---------------- 14

Susi sa Pagwawasto ---------------- 15

Sanggunian ---------------- 16
Modyul 7 Dignidad ng Tao

Alamin

Alam mo ba ang mga pangyayari sa


iyong paligid? May pagmamalasakit ka ba sa
iyong kapwa?

Marahil ay makikita natin na magkakaiba ang uri ng tao at kalagayan na


ating nasasalamuha araw-araw. Ang bawat tao sa mundo anuman ang
kalagayang panlipunan, kulay, lahi, edukasyon at relihiyon ay may taglay na
dignidad. Kaya dapat igalang at pahalagahan natin ito dahil pareha tayong
nilikha ng Diyos.
Ang araling ating pag-aaralan ay makatutulong sa iyo na lalong
maliwanagan ang iyong isip tungkol sa dignidad ng tao.
Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang mga sumusunod na
kaalaman, kakayahan at pag-unawa:

a. Nakikilala na may dignidad ang bawat tao anoman ang kanyang kalagayang
panlipunan, kulay, lahi, edukasyon, relihiyon at iba pa. (EsP7PT-IIg-8.1)
b. Nakabubuo ng mga paraan upang mahalin ang sarili at kapwa na may
pagpapahalaga sa dignidad ng tao. (EsP7PT-IIg-8.2)

1
Subukin

Bilang panimula subukan mong sagutin ang mga tanong na ito para
malaman kung gaano kalawak ang inyong pag-unawa sa mga konseptong iyong
pag-aralan.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap at piliin ang
pinakaangkop na sagot. Isulat ang titik ng napiling sagot sa dyornal notbuk.
1. Bakit magkapantay-pantay ang tao?
a. dahil ang mga tao ay parehong nilikha ng Diyos ayon sa kanyang imahe.
b. dahil tayo ay may kakayahang maghanapbuhay
c. dahil ang tao ay may kakayahang tapakan ang kanyang kapwa.
d. dahil lahat tayo ay may mga magulang.
2. Paano natin maipapakita ang pagtanggap sa dignidad ng iba?
a. sa pagmamahal ng kani-kanilang pamilya
b. sa pamamagitan ng pag-unawa sa pagkakaiba ng tao
c. sa pagdating ng huling yugto ng kanyang buhay sa daigdig
d. sa paggalang sa kapwa katulad ng paggalang sa Diyos
3. Sino ang nagsasabing tayo ay pantay na kanyang nilikha?
a. Diyos c. barkada
b. albularyo d. manghuhula
4. Saan nagkakapantay-pantay ang mga tao?
a. kabutihan ng loob.
b. kanilang kakayahang lumikha
c. paningin ng Diyos
d. pagmamahal at pag-aalaga ng magulang
5. Ano ba ang batayan ng dignidad ng tao?
a. katayuan ng tao c. kasikatan ng indibidwal
b. kagalingan ng tao d. ang pagiging tao at likha ng Diyos

2
6. Alin sa mga ito ang nagpapakita ng pagmamahal sa sarili at kapwa na may
pagpapahalaga sa dignidad ng tao?
a. Si Carlos ay mapagmataas sa kanyang kapwa at malaki ang kanyang
tiwala sa sarili.
b. Niyapakan ang pagkatao ng matanda dahil siya ay pulubi na nagpapalimos
sa daan
c. Kumilos bilang kagalang-galang ang ama ni Celia dahil sa kanyang
kayamanan
d. Si Luisa ay ginagalang dahil sa kanyang pagiging tao at pagiging likha ng
Diyos kaya’t nirerespito siya.
7. Ano ang dignidad ng tao?
a. nagpapahayag ng kasikatan
b. tumutukoy sa kakayahan at katalinuhan
c. mabisang paraan para maging matagumpay
d. karapatan ng isang tao na pahalagahan, magkaroon ng respeto at
paggalang mula sa kanyang kapwa.
8. Magkaroon ng Dignidad ang isang tao kung
a. maparaan sa pagkilala sa sarili.
b. handang makipag sapalaran dahil sa kahirapan
c. Alam ng tao na siya ay isinilang sa mundo sa imahe ng Diyos.
d. marunong makikipagsalamuha sa mga taong kilala dahil sa kayamanan.
9. Sinong pilosopo ang nagsasabing ang tao ay nilikha na kawangis ng Diyos?
a. Santo Tomas Aquinas c. San Agustine De Sales
b. Santo Felipe Aristotle d. Santo Gregorio Azcuna
10. Kailan masasabi ng isang tao na nawawala ang kanyang pakiramdam sa
sariling dignidad?
a. kapag siya ay gumagawa ng masama
b. sa sandaling nalabag ang kanyang karapatang pantao
c. kapag ang ginawa mo ay puro panlalait sa iba
d. sa oras na niyapakan ng kapwa ang kanyang pagkatao

3
11.Naghanap si Ellen ng isang institusyon na kakalinga sa isang batang
lansangan na nakikita niyang natutulog lagi sa daan. Nais niyang mabigyan
ang batang ito ng dissenting buhay. Ano ang kilos na ipinakikita ni Ellen sa
pagtulong niya na maiangat ang dignidad ng bata bilang tao?
a. isip c. malangkubong pasya
b. mapagmahal na kilos d. pagiging maasikaso
12. Ang mga pahayag ay nagpappakita ng pagkilala at pagpapahalaga sa
dignidad ng tao maliban sa:
a. Si Nena ay gumagawa ng kabutihan sa kanyang kapwa dahil gusto
niyang maging tanyag
b. Tinutulungan ng bata ang matandang pulubi na kanyang kapitbahay
c. Masayang nakikitungo si Efren ng kanyang mga kaklase
d. Maglaan ng panahon upang iparamdam sa kapwa ang pagmamahal at
pagpapahalaga.
13. Alin sa mga sumunsunod ang tamang paggalang sa dignidad ng tao?
a. magiging malaya sa kilos kahit nakasasama sa kapwa
b. mapapanatili ang damdamin ng pagmamataas sa lahat ng tao
c. masisiguro na magagawa ng tao ang lahat ng kaniyang nais ng walang
pag-aalinlangan
d. ang lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang hindi
makasasakit o makasasama sa ibang tao
14. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pagbawas sa dignidad ng tao
maliban sa
a. kapag siya ay tinatanggap bilang tao na kailangan nirerespeto
b. kapag itinuring siyang kasangkapan ng iba
c. kapag sandaling nalabag ang kaniyang karapatang pantao
d. kapag niyapakan ng kapwa ang kaniyang pagkatao

4
15. Ano ang maaari mong gawin upang mapanatili ang pangangalaga sa iyong
dignidad at sa kapwa?
a. pahalagahan ang tao bilang tao
b. ipaglaban ang karapatan para maka ganti sa kaaway
c. tutuparin ang tungkulin para magkaroon ng papuri sa iba
d. ipapakita ang kakayahan para igalang ng karamihan lalo na sa mga
taong kilala

5
Balikan

Sa mga nakaraang talakayan, iyong natutunan na ang tunay na kalayaan


ay ang pagpili sa paggawa ng kabutihan sa kapwa. Bagama’t, may kalayaang
pumili ang tao dahil sa kanyang kilos-loob at kamalayan, siya ay may kakayahan
na sumuri at pumili sa nararapat. Siya ay may moral na tungkulin na piliin ang
naaayon sa kagustuhan ng Diyos.
Panuto: Kompletohin ang pahayag sa ibaba para makabuo ng konsepto tungkol
sa iyong natutunan sa kalayaan.
1. Ang kalayaan ay ________________________________________________.
2. Mahalaga ito dahil _______________________________________________.
3. Mapapahalagahan ko ito sa pamamagitan ng __________________________
________________________________________________________________.

Tuklasin

Ano ang alam mo tungkol sa dignidad? Bigyan mo ng sariling


pakahulugan ang salitang ito.
Panuto: Sa larawan na nasa ibaba, may anim na palaso. Gayahin ang graphic
organizer at isulat ang mga salitang bubuo sa konsepto ng dignidad. Sundin ang
halimbawa sa ibaba. Gawin ito sa dyornal notbuk.

Halimbawa:

paggalang sa sarili

6
Suriin

Ano ang dignidad ng tao? Ang dignidad ay salitang


Latin na dignitas, mula sa dignus, na ang ibig sabihin ay Lahat ng tao,
anoman ang
“karapat-dapat”. Ibig sabihin, dahil sa taglay niyang kanilang
gulang, anyo,
dignidad, karapat-dapat ang tao sa pagpapahalaga at
antas ng
paggalang ng kaniyang sarili at kapwa. Hindi ito nagmula kalinangan at
kakayahan, ay
sa lipunan o pananaw ng tao dahil likas na taglay ito ng may dignidad.
tao. Hindi ito nakabatay sa kaniyang kalagayan o estado,
yaman, karangyaan sa buhay, taas ng naabot sa pag-aaral, relihiyon o lahing
pinagmulan o posisyon sa organisasyon o pamahalaan. Lahat ng tao, anoman
ang kanilang gulang, anyo, antas ng kalinangan at kakayahan ay may dignidad.
Kung hindi nakabatay ang dignidad ng tao sa kung anong mayroon siya, saan ito
nakabatay?
Bawat tao ay may dignidad dahil sa kaniyang pagkatao. Ayon sa
pilosopiya ni Sto. Tomas, nilikha ang tao na kawangis ng Diyos at pinagkalooban
ng isip at kalayaan. Ayon naman sa pilosopong si Immanuel Kant, ang tao ay
naiiba sa lahat ng nilalang. Ibig sabihin, mas mahalaga at mas magaling siya sa
ibang nilalang.
Dahil sa dignidad ng tao, hindi siya dapat ituturing Bilang nilalang na
may kakayahang
na kasangkapan lamang. Nakasaad ito sa pahayag na mag-isip hindi
“Kumilos ka nang palagian at magkaalinsabay mong maaaring ituring
na isang
tratuhin ang sariling pagkatao at ang pagkatao ng iyong kasangkapan
lamang o gawing
kapwa hindi lamang bilang isang kasangkapan kundi bilang
bagay ang tao.
isang telos din.” Ang telos ay salitang Griyego na ang ibig
sabihin ay layunin. Ibig sabihin, nakabatay ang pagka-
layunin mismo ng tao sa kaniyang kakayahang mag-isip o pagiging rasyonal.
Hindi lamang ang pagkakaroon ng tao ng isip (o pagiging rasyonal) ang
batayan ng paggalang sa kaniyang dignidad. Ayon sa pilosopong si Max Scheler,
mahalagang isaalang-alang ang pagiging bukod-tangi. Ibig sabihin, ang
pagkatao ay ang kaniyang pagka-persona (person).

7
Pagyamanin

Ngayon ay napagtibay mo na ang iyong pagkaunawa tungkol sa dignidad.


Mayroon ka ng kahandaan upang mailapat ang iyong mga natutuhan sa iyong
pang-araw-araw na buhay. Ito ang tunay na pagsubok, ang pagharap sa totoong
buhay. Handa ka na ba?
Gawain 2: Pagpapanatili ng aking Dignidad
Panuto: Gumawa ng isang (1) nakasanayang kilos o pananalita na ipagpatuloy
mo at ipahayag ang dahilan at mga paraan kung bakit mo ito ipagpatuloy.Gamitin
mong gabay ang tsart sa ibaba. Ang unang gawain ay ginawa na para sayo.
Isulat ang sagot sa dyornal notbuk.
Mga nakasanayan kong Dahilan ng aking pasiya Mga Paraang
kilos o pananalita na gagamitin ko sa
ipagpapatuloy ko pagpapatuloy ng
mga ito
Halimbawa:
1.Kusa kong iniligpit ang 1. Masasanay akong maging 1. Araw-araw akong
aking higaan, kumot at responsable sa mga magligpit sa aking
unan na hindi na gawaing bahay at hindi higaan at iba pang
kailangang utusan ng mapagod ang aking ina sa mga gamit upang hindi
aking ina. kakasabi sa akin. na mapapagod ang
aking ina .
2. 2. 2.

8
Isaisip

Para masukat ang iyong pag-unawa tungkol sa dignidad ng tao, pag-


aralang mabuti ang gawain sa ibaba.
Panuto: Kompletohin ang pahayag sa ibaba para makabuo ng konsepto tungkol
sa dignidad ng tao. Gawin ito sa inyong dyornal notbuk.
Ang dignidad ng tao ay ______________________________________.
Mahalaga ito dahil ________________________, ________________________,
__________________________. Mapapahalagahan ko ito sa pamamagitan ng
___________________, ___________________, ____________________.

Isagawa

Sa iyong komunidad, sino kaya sa tingin mo ang nangangailangan ng iyong


paggalang at pagmamalasakit? Handa ka bang tulungan siya bilang tanda ng paggalang mo
sa kaniyang dignidad?
Gawain 3: Gawin Mo Nga!
Panuto: Unawaing mabuti ang tsart sa ibaba. Punan ang bawat kolum at gawin
sa inyong dyornal notbuk. Gayahin ang pormat.
Sitwasyon sa kapus-palad Nagawa ko Epekto sa aking ginawa
Halimbawa:
matandang pulubi Binigyan ng pagkain Nasisiyahan ako
1.
2.
3.

9
Tayahin

Tapos na ang araling ito, ngayon naman ay susuriin ang iyong natutunan
batay sa ating tinalakay.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang
sagot. Isulat ito sa inyong dyornal notbuk.
1. Bakit nilikhang hindi pare-pareho ang lahat ng tao sa mundo?
a. Matututo tayo ng pagpapakumbaba at pagpapaubaya.
b. Mabibigyan ng pagkakataon ang tao na maunawaan ang halaga ng
talento.
c. Makikilala natin ang pagkakaiba sa antas ng lipunan
d. Mauunawaan ng tao na kailangan niya ang kaniyang kapwa.
2. Saan nagkakapantay-pantay ang mga tao?
a. sa paningin ng lipunan
b. Sa pagmamahal ng pamilya
c. Sa kanilang dignidad bilang tao at ang karapatan na dumadaloy mula rito
d. Sa pagdating ng huling yugto ng kaniyang buhay sa daigdig
3. Ang sumusunod na pahayag ay nagpapakita ng dignidad ng tao maliban sa
a. Igalang ang sariling buhay at kapwa.
b. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.
c. maling pakikitungo sa kapwa tao.
d. Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo
sa iyo.
4. Paano maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao?
a. Pahalagahan ang mga barkada lamang.
b. Ibigay ang bahagi ng sarili sa taong gusto mo
c. Maging tapat sa lahat ng ginagawa para sa kapwa at sa pakikitungo sa
mga ito.
d. Maglaan ng panahon upang kilalanin ang sarili

10
5. Sino ang hindi tunay na nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng kaniyang
kapwa?
a. Isang negosyante na nagbibigay ng malaking halaga bilang puhunan ng
isang empleyado na tumatanda na
b. Isang pilantropong laging nakahandang magbigay ng tulong sa kapwa na
nangangailangan ng kaniyang tulong
c. Isang politikong labis ang katapatan sa kaniyang panunungkulan sa
pamahalaan
d. Isang taong may pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba
6. Dapat tumulong ang lipunan upang maiangat ang dignidad ng lahat ng tao
dahil sa lipunan ito nagmumula. Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil ang pagkilala sa karapatan at dignidad ng lahat ng tao ay
nakabatay sa kanyang prinsipyo lamang
b. Mali, dahil sa Diyos nagmumula ang dignidad ng tao.
c. Mali, dahil kailangang igalang ng mamamayan ang katayuan ng mga tao
na mas mataas ang katungkulan sa pamahalaaan.
d. Tama, dahil ang pinakamahalaga ay ang kasikatan ng tao
7. Bakit magkapantay-pantay ang tao?
a. dahil ang mga tao ay parehong nilikha ng Diyos ayon sa kanyang imahe.
b. dahil tayo ay may kakayahang maghanapbuhay
c. dahil ang tao ay may kakayahang tapakan ang kanyang kapwa.
d. dahil lahat tayo ay may mga magulang
8. Paano mapananatili ang mataas na antas ng dignidad ng tao?
a. Kumilos bilang kagalang-galang na indibidwal.
b. Panatilihin ang kabutihan sa sarili at sa kapwa upang laging makuha ang
paggalang ng kapwa.
c. Tama, dahlia ang pinakamahalaga ay ang kasikatan ng tao
d. Palaging iangkop ang sarili sa pangkat na kinabibilangan upang maging
karapat-dapat sa kanilang pagkilala.

11
9. Paano natin maipapakita ang pagtanggap sa dignidad ng iba?
a. sa pagmamahal ng kani-kanilang pamilya
b. sa pamamagitan ng pag-unawa sa pagkakaiba ng tao
c. sa pagdating ng huling yugto ng kanyang buhay sa daigdig
d. sa paggalang sa kapwa katulad ng paggalang sa Diyos
10.Naghanap si Ellen ng isang institusyon na kakalinga sa isang batang
lansangan na nakikita niyang natutulog lagi sa lansangan. Nais niyang
mabigyan ang batang ito ng disenteng buhay. Ano ang kilos na ipinakikita ni
Ellen sa pagtulong niya na maiangat ang dignidad ng bata bilang tao?
a. para maging tanyag
b. kilos ng pagmamahal
c. gawaing pakitang tao lang
d. makasarili
11. Ano ang salitang latin ng Dignidad?
a. Digna c. Dignis
b. Dignus d. Dignitaris
12.Sinong pilosopo ang nagsasabing ang tao ay nilikha na kawangis ng Diyos?
a. Santo Toma. s Aquinas c. San Agustine De Sales
b. Santo Felipe Aristotle d. Santo Gregorio Azcuna
13. Paano ipaliwanag ang salitang Latin na ”DIGNITAS” na ang ibig sabihin ay
karapat-dapat?
a. dahil sa taglay niyang dignidad, karapat-dapat ang tao sa pagpapahalaga
at paggalang ng kaniyang sarili at kapwa
b. dahil sa kasikatan at kapangyarihan ng kanyang pamilya. Siya ay karapat-
dapat bigyan ng karangalan
c. dahil siya ay likha na kawangis ng Diyos may karapatan siyang
magmamayabang
d. dahil sa taglay na talento, karapat-dapat ang tao ay maging mapagmataas

12
14. Si Immanuel Kant ay isang pilosopo na nagsasabi na ang tao ay
a. ang pinakadakilang likha ng Diyos
b. ang naiiba sa lahat at mas mahalaga at mas magaling siya sa ibang
nilalang
c. maraming hindi pagkakatulad sa kapwa
d. may dignidad dahil sa kanyang pagkatao
15. Ano ang taglay ng tao na naging dahilan na may kakayahan siyang kilalanin
at piliin ang mabuti
a. Kilos-loob b. katapatan
b. Kasipagan d. Kalidad

13
Karagdagang Gawain

Mas mabuting maipapakita sa gawa ang paggalang sa sariling dignidad at


sa kapwa.
Gawain 4: Tsart ng Paggalang sa Dignidad
Panuto: Sumulat ng dalawang (2) kilos para sa sarili at sa kapwa na
pagsisikapang gawin sa buong linggo. Iguhit ang nakangiting mukha 🙂 ang araw

kung saan nagtagumpay ka sa paggawa at malungkot na mukha ☹ naman kung


hindi. Gawing halimbawa ang nasa loob ng tsart. Sundin ang pormat at isulat sa
dyornal notbuk.

Miyerkules

Huwebes
Mga kilos ng paggalang sa

Biyernes

Sabado
Martes

Linggo
Lunes

dignidad ng sarili

A. Sa Sarili
Halimbawa: 🙂 🙂 ☹ ☹ 🙂 🙂 🙂
Magsuot ng disenteng
damit
1.

2.

B. Sa Kapwa
Pagsasabi sa kaklase ng
mga paalalang 🙂 🙂 ☹ 🙂 🙂 ☹ ☹
humihikayat na
magsumikap
1.
2.

Binabati kita, matagumpay mong nalampasan ang mga pagsubok sa modyul na


ito. sa matagumpay mong paglalakbay

14
Susi sa Pagwawasto

15
Sanggunian

Mga Aklat

Department of Education Grade 7 Learner’s Material

Dy, Manuel et.al Edukasyon sa Pagpapakatao 7. Kagamitan ng Mag-aaral


Unang Edisyon, 2013. Kagawaran ng Edukasyon

Online

Http.//en.m.wiktionary.org/wiki/conscience Retrieved MAY 21, 2020

16
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10

Zone 1, DepEd Building Masterson Avenue, Upper Balulang


Cagayan de Oro City, 9000
Telefax: (088) 880 7072
E-mail Address: reiogn10@deped.govph

17

You might also like