Professional Documents
Culture Documents
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 2
Isip at Kilos-Loob: Ang Nagpapabukod-
Tangi sa Tao
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa
mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Management Team
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Misamis Occidental
Office Address: Osilao St., Poblacion I, Oroquieta City, Misamis Occidental
Contact Number: (088) 531-1872 / 0977 – 8062187
E-mail Address: deped_misocc@yahoo.com
Paunang Salita
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul 2 ukol sa Isip at Kilos-Loob: Ang Nagpapabukod-Tangi sa Tao.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Alamin ---------------- 1
Subukin ---------------- 2
Balikan ---------------- 5
Tuklasin ---------------- 6
Suriin ---------------- 6
Pagyamanin ---------------- 9
Isaisip ---------------- 11
Isagawa ---------------- 11
Tayahin ---------------- 13
Sanggunian ---------------- 17
Isip at Kilos-loob:
Modyul 2
Ang Nagpapabukod-Tangi sa Tao
Alamin
Pagmasdan ang mga kapatid mo. Ilan sa kanila ang kamukha mo? Ito ay
hindi maiiwasan, sapagkat iisa lamang ang inyong pinanggalingan, ang inyong mga
magulang. Subalit hindi ito nangangahulugan na ikaw ay hindi espesyal o natatangi.
Sa madaling salita, katulad ng iyong mga kapatid ay mayroon kang taglay na
kakayahan na siyang nagpapabukod-tangi sa iyo bilang tao. Malaki ang papel na
ginagampanan dito ng iyong isip at kilos-loob.
Sa Modyul 1 ay natutunan mo na ang kapangyarihan ng tao na mangatwiran
ay tinatawag na isip, samantalang ang kanyang kapangyarihang pumili, magpasya
at isakatuparan ang pinili ay tinatawag na kilos-loob.
Sa modyul na ito naman ay inaasahang maipapamalas mo ang mga
sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
1
Subukin
2
7. Mahaba ang pila sa kantina at nakita ka ni Carlo na malapit na sa unahan.
Tinanong ka niya kung pwede ba siyang pumuwesto sa iyong likuran kahit may
iba pang nakapila upang mapadali ang pagkuha niya ng pagkain. Ano ang iyong
sasabihin?
a. “Naku Carlo, nakapila din kasi sila, hindi naman patas kung sisingit ka”.
b. “Ako nalang ang bibili ng pagkain natin, may utang na loob kana sakin ha?”
c. “Sige, pero ilibre mo ako ha?”
d. “Sige Carlo, sumingit ka. Ako’ng bahala sa’yo.”
8. Kung nagkamali ang tao sa paggamit ng kanyang isip, natatangi pa rin ba siya?
a. Hindi, dahil ginawa siyang “kawangis ng Diyos” at inaasahan na hindi siya
magkakamali.
b. Oo, sapagkat may kakayahan pa rin siyang mag-isip ng paraan upang
baguhin at paunlarin ang kanyang isip.
c. Oo, sapagkat wala namang utak ang halaman.
d. Hindi, dahil ang tao ay inaasahang mas matalino pa sa hayop.
9. Alin sa mga sumusunod ang hindi sukatan sa tunay na talino?
a. paggamit ng tao sa kanyang talino upang mapaunlad ang kanyang
pagkatao
b. pakikipagkumpetensiya sa dami ng nalalaman at taas ng pinag-aralan
c. paglingkod sa kapwa
d. pakikibahagi o paglilingkod sa pamayanan
10. Ang halaman at hayop ay ganap na nilikha ng Diyos. Ang pahayag ay
a. Mali, dahil ang halaman at hayop ay hindi ipinanganak at walang mga
magulang.
b. Tama, dahil katulad ng tao ay nangangailangan din silang alagaan upang
lumaki, kumilos, at dumami.
c. Mali, dahil may mga bagay na taglay ng tao na wala sa mga hayop at
halaman
d. Depende sa sitwasyon
11. Sa pamamagitan ng kilos-loob, nahahanap ng tao ang
a. kabutihan c. katotohanan
b. kaalaman d. karunugan
3
12. May iniinom kang juice, nang maubos ito, wala kang makitang basurahan kaya’t
sabi ng kaibigan mo itapon nalang ang lalagyan sa iyong dinadaanan. Ano
gagawin mo?
a. Sundin ang sinabi ng iyong kaibigan.
b. Itago muna sa bag at itapon kapag makakita na ng basurahan.
c. Punitin at dahan-dahang ihulog sa daan.
d. Magkunwaring hindi mo namalayang naihulog ang basura sa daan.
13. Mahaba ang pila sa kantina at nakita mong malapit na sa unahang pila ang iyong
bestfriend. Niyaya ka niyang pumuwesto na sa kanyang likuran upang mapadali
ang pagkuha mo ng pagkain. Ano ang iyong gagawin?
a. Sundin ang iyong bestfriend.
b. Sabihin sa bestfriend na siya nalang ang bumili ng pagkain.
c. Magtampo sa bestfriend sapagkat hindi ka niya hinintay bago pumila.
d. Pumila sa hulihan sapagkat ito ang nararapat.
14. Bagama’t ang tao ang nakahihigit sa lahat ng nilikha, alin sa mga sumusunod
ang kakayahan ng tao?
a. mag imbento at gumawa ng gamot
b. lumutas ng mga sariling problema
c. kakayahang masaktan at mapagod
d. lahat ng nabanggit
15. Nagmamadali kayong magkaibigan at malayo pa ang pedestrian lane kaya kahit
may nakasulat na “Bawal Tumawid” hinikayat ka ng iyong kaibigang tumawid pa
rin sa daan. Ano ang iyong gagawin?
a. Lumingon-lingon sa paligid at tumawid kung wala namang nagbabantay na
pulis
b. Samahan ang iyong kaibigan dahil naniniwala ka na ang tunay na
magkaibigan ay hindi nag-iiwanan
c. Puntahan ang pedestrian lane kahit malayo, at doon na tumawid
d. Manghikayat ng iba pang estudyante na tumawid kasama ninyo para
marami kayo.
4
Balikan
Alalahanin Mo!
Ang mga larawan sa ibaba ay ang mahahalagang sangkap ng tao: isip, puso,
at katawan. Sa nakaraang modyul ay napag-aralan mo ang gamit ng mga ito.
Subukan natin kung iyo pa bang naaalala.
____3. Ito ay may kakayahang mag-isip, alamin ang diwa at buod ng isang
bagay.
____4. Sa pamamagitan nito, naipapakita ng tao ang nagaganap sa kanyang
kalooban.
____5. Ito ay bahagi ng ating katawan na bumabalot sa damdamin ng isang tao.
Tuklasin
5
Gawain 1: Ikaw Bilang Tao
Panuto: Masdan ang mga sumusunod na larawan. Kilalanin ang mga kakayahan o
katangiang taglay ng bawat nilikha at isulat ito sa inilaang hanay.
Suriin
6
Mula sa gawain 1, naitala mo ang mga kakayahan ng bawat isang nilikha. Alin
sa mga ito ang may pinakamaraming kakayahan na naitala mo? Paano nakahihigit
ang tao sa halaman at hayop? Malalaman mo ang mga sagot sa susunod na
gawain.
Gawain 2: Pag-isipan!
Ngayon ay suriin naman natin kung paano naging bukod-tangi ang tao sa iba
pang nilikhang may buhay tulad ng halaman at hayop. Kilalanin natin ng lubos ang
kakayahan ng tao.
Panuto: Paghambingin ang posibleng reaksiyon ng dalawang nilikha sa napanood
na balita mula sa telebisyon. Pag-aralang mabuti ang mga larawan sa ibaba.
3. Ano ang taglay ng tao upang maunawaan at sundin niya ang paalalang ito?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Kung sakali bang suwayin ng tao ang paalalang ito, natatangi pa rin ba siya? Halika
at sagutin natin ang iyong mga katanungan.
7
Ayon sa paglalarawan ni Santo Tomas de Aquino, ang tao ay tinaguriang hari
ng kanyang mga kilos sa pamamagitan ng kanyang isip at kalooban. Kapag ang
kilos niya ay nag-ugat sa kanyang isip at kalooban, tinatawag itong malayang kilos at
natatangi sa kanya bilang tao. Kung kaya ang tao ay inaasahang makaiintindi sa
mga pagbabagong nagaganap sa mundo. Kaya ng tao na mag imbento, gumawa ng
gamot, o lumutas ng mga problema, na hindi kayang gawin ng hayop at halaman.
Kaya ang tao ang nakahihigit sa tatlong nilikhang may buhay.
Sa kabilang dako, ang bawat tao rin ay may kanya-kanyang pag iintindi sa
mga bagay bagay. Kung kaya’t tayo ay may tungkuling sanayin, paunlarin at gawing
ganap ang isip at kilos-loob. Mahalagang pangalagaan ang mga ito upang hindi
masira ang tunay na layunin kung bakit ipinagkaloob ang mga ito sa tao. Inaasahang
magkasabay na pinauunlad ng tao ang kanyang isip at kilos-loob. Habang marami
siyang natutuklasang kaalaman at karunungan sa pamamagitan ng pag-aaral o
pagsasaliksik, inaasahan ding naipamamalas sa kanyang pagkatao ang
mapanagutang paggamit ng mga ito. Sa gayon, higit siyang magiging mabuting
nilalang na may mabuting kilos-loob. Ang katalinuhan ay hindi nasusukat sa dami ng
nalalaman at taas ng pinag-aralan, kundi kung paano ginagamit ang kaalaman
upang ilaan ang sarili sa pagpapaunlad ng kanyang pagkatao, paglingkod sa kapwa
at pakikibahagi o paglilingkod sa pamayanan.
Natatangi ang tao dahil sa kakayahan ng isip at kilos-loob na kumilos ayon sa
kanyang kalikasan - ang magpakatao. Kailangang gamitin ang isip sa pagkalap ng
kaalaman at karunungan upang makaunawa ang kilos-loob sa paggawa ng
kabutihan tungo sa pagpapaunlad ng pagkatao. Subalit hindi ibig sabihin na hindi na
bukod-tangi ang tao kung meron siyang pagkakamali. Bagama’t may pagkakataong
hindi nagagawa ng tao ang tama kahit pa alam nya ito, may kakayahan pa rin siyang
mag-isip ng paraan upang baguhin at paunlarin ito.
Pagyamanin
8
May mga sitwasyon sa ibaba na karaniwang kinakaharap ng isang kabataang
katulad mo, sakaling mangyari ang parehong sitwasyon sa iyo paano mo ito
haharapin?
9
Isulat sa loob ng speech balloon na ito ang dapat na iisipin.
10
pagsusuot ng facemask sa pagkat walang pambili. Mayroon kang extra sa
loob ng bag mo, at meron pang natitira sa bahay ninyo. Ano ang iyong iisipin
at gagawin?
Isaisip
Sadyang natatangi ang tao dahil sa kanyang isip at kilos-loob na taglay. Hindi
tayo magiging tao kapag hindi natin ginamit sa tama ang kakayahang ito katulad sa
mga larawan sa naunang bahagi ng modyul na ito. Malaking gampanin ang kumilos
tayo nang tama bilang isang taong may pananagutan sa paggamit ng isip at
malayang kilos-loob.
Huwag Kalimutan!
11
paggawa ng kabutihan ay hindi madaling proseso. Kaya ating pagsikapan na
sanayin, paunlarin at gawing ganap ang isip at kilos-loob.
Isagawa
Lagyan ng tsek (/) ang kolum na Palagi kung ang naturang tungkulin ay
palagi mong ginagawa o nangyayari; sa kolum na Madalas kung ang naturang
tungkulin ay madalas mong ginagawa o nangyayari; sa kolum na Minsan kung ang
naturang tungkulin ay minsan mo lang ginagawa o nangyayari; at sa kolumn na
hindi naman kung ang naturang tungkulin ay hindi mo ginagawa o nangyayari.
12
Tayahin
A. Panuto: Isulat ang tsek (/) kung sa tingin mo ang pahayag ay tama, at (x) kung
sa tingin mo ay mali. Isulat ito sa dyornal notbuk.
1. Kaya ng halaman ang kumuha ng sapat na sustansiya upang makaya niyang
suportahan ang sarili.
2. Tayo ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos, ibig sabihin, tayo ay perpekto katulad
niya.
3. Ang tunay na sukatan ng talino ay ang dami ng nalalaman at antas ng pinag-
aralan.
4. Nahahanap ng tao ang katotohanan sa pamamagitan ng kilos-loob.
5. Nagkamali ng desisyon si Joy kaya siya ay hindi na maituturing na bukod-tangi
sa iba pang nilikha.
13
may iba pang nakapila upang mapadali ang pagkuha niya ng pagkain. Ano
ang iyong sasabihin?
a. “Naku John, nakapila din kasi sila, hindi naman patas kung pa sisingitin kita”
b. “Ako nalang ang bibili ng pagkain natin, may utang na loob kana sakin ha?”
c. “Sige, pero ilibre mo ako ha?”
d. Balewalain nalang si John.
8. May kinakain kang biskwit, nang maubos ito, wala kang makitang basurahan
kaya’t sabi ng kaibigan mo itapon nalang ito sa iyong dinadaanan. Ano ang
iyong gagawin?
a. Magkunwaring hindi mo namalayan na nalaglag mo ang basura sa daan
b. Sundin ang sinabi ng iyong kaibigan.
c. Itago muna sa bag at itapon kapag makakita na ng basurahan
d. Punitin sa maliit na bahagi at dahan-dahang ilaglag sa daan
9. Ayon kay Santo Tomas de Aquino, ang tao ay tinaguriang hari ng kanyang mga
kilos sa pamamagitan ng:
a. gabay ng Diyos
b. paglutas ng mga problema
c. kanyang isip at kilos-loob
d. Pagamit ng kanyang isip upang intindihin ang nagbabagong mundo
10. Nagiging malaya ang isang kilos kapag ito ay nag-ugat sa
a. kanyang isip at kaluluwa
b. kanyang isip at kalooban
c. kanyang isip lamang ngunit hindi sa kalooban
d. kanyang kalooban lamang ngunit hindi sa isip
11. Natatangi ang tao dahil sa kakayahan ng isip at kilos-loob na kumilos ayon sa
kanyang kalikasang
a. makabansa c. makatao
b. makakalikasan d. makasarili
12. Ang isip at kilos-loob ng tao ay may tungkuling:
a. sanayin, di paunlarin at gawing ganap
b. sanayin at di gawing ganap
c. sanayin, paunlarin at gawing ganap
d. gawing ganap
13. Ang halaman at hayop ay ganap na nilikha ng Diyos. Ang pahayag ay:
14
a. Mali, dahil ang halaman at hayop ay hindi ipinanganak at walang mga
magulang.
b. Tama, dahil katulad ng tao ay nangangailangan din silang alagaan upang
lumaki, kumilos, at dumami.
c. Mali, dahil may mga bagay na taglay ng tao na wala sa hayop at halaman
d. Depende sa sitwasyon
14. Dahil sa pag-uwi mo ng gabi at hindi pagpapaalam sa iyong mga magulang,
sinita ka nila at hiningan ng paliwanag. Takot kang sabihin ang totoo dahil
baka lalo kang pagalitan. Ano ang iyong gagawin?
a. Magkunwari kang masakit ang iyong ulo at gusto mo nang matulog.
b. Huwag nalang pansinin ang magulang, mawawala rin ang galit nila
c. Sabihin ang totoo sa magulang at humingi ng paumanhin
d. Umiyak sa harap ng magulang at magpaawa upang hindi mapagalitan
15. Nagmamadali kayong magkaibigan at malayo pa ang pedestrian lane kaya
kahit may nakasulat na “Bawal Tumawid”, hinikayat ka ng iyong kaibigang
tumawid parin sa daan. Ano ang iyong gagawin?
a. Puntahan ang pedestrian lane kahit malayo, at doon na tumawid
b. Samahan ang iyong kaibigan dahil naniniwala ka na ang tunay na
magkaibigan ay hindi nagiiwanan
c. Manghikayat ng iba pang studyante na tumawid kasama ninyo para marami
kayo.
d. Lumingon-lingon sa paligid at tumawid kung wala namang nagbabantay na
pulis.
Karagdagang Gawain
Panuto: Basahin ang nakasulat sa scroll at isulat ang sagot sa iyong dyornal
notbuk.
15
Susi sa Pagwawasto
16
Sanggunian
Mga Aklat
Calano, Mark Joseph, 2019 Kilos -Tao at Likas na Batas Moral, slide, Pamantasang
Ateneo de Manila, May 7-8, 2019.
Dy, Manuel et.al Edukasyon sa Pagpapakatao 7. Kagamitan ng Mag-aaral Unang Edisyon,
2013. Kagawaran ng Edukasyon
Online
https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-7-learning-material-inedukasyon-
sa-pagpapakatao-q1q2?from_action=save. Retrieved on May 25, 2020
17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
18