You are on page 1of 3

Pangalan:

Baitang at seksyon:
Petsa:

Ikalawang Markahan, Modyul 2: Mag-isip at Kumilos tungo sa Katotohanan


at Kabutihan.

Basahin nang mabuti ang seleksyon. Ito ang magsisilbing iyong batayan sa pagsagot
sa mga gawain sa Modyul 2.

Ayon kay Dr. Dy, mayroong tatlong mahahalagang sangkap ang tao: ang isip,
ang puso at ang kamay o katawan.

1. Isip - kakayahang mag-isip, alamin ang diwa at buod ng isang bagay. Ito
ay may kapangyarihang manghusga, mangatwiran, magsuri, mag-alaala at umunawa
ng kahulugan ng mga bagay.

Kaya’t ang isip ay tinatawag na katalinuhan (intellect), katwiran (reason),


intelektuwal na kamalayan (intellectual consciousness), konsensiya (conscience) at
intelektuwal na memorya (intellectual memory) batay sa gamit nito sa bawat
pagkakataon.

2. Puso - Dito nanggagaling ang pasiya at emosyon. Sa puso hinuhubog ang


personalidad ng tao.

3. Kamay o Katawan - sumasagisag sa pandama, panghawak, paggalaw,


paggawa at pagsasalita (sa bibig o pagsusulat). Ginagamit upang ipahayag ang
nilalaman ng isip at puso sa kongkretong paraan.

Ang tao ay kawangis ng Diyos dahil:

1. May Kilos-loob o ang kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili.

Ang kilos-loob ayon kay Santo Tomas de Aquino ay isang makatuwirang


pagkagusto sapagkat ito ay pakultad (faculty) na naaakit sa mabuti at lumalayo sa
masama.

2. May Isip o Kakayahang Mag-isip

Ang isip ay patuloy na naghahanap ng katotohanan. Sa pamamagitan ng


kaalamang natuklasan, maaari siyang gumawa para sa ikabubuti ng kanyang kapwa.
Samakatuwid ang isip at kilos-loob, tulad ng katawan, ay kailangang sanayin at
linangin upang magampanan ng mga ito ang kani-kaniyang layunin.

Ang bawat tao ay may tungkuling sanayin, paunlarin at gawing ganap ang isip
at kilos-loob. Habang marami siyang natutuklasang kaalaman at karunungan sa
pamamagitan ng pag-aaral o pagsasaliksik, inaasahan ding naipamamalas sa kanyang
pagkatao ang mapanagutang paggamit ng mga ito.
Natatangi ang tao dahil sa kakayahan ng isip at kilos-loob na kumilos ayon sa
kanyang kalikasan ang magpakatao. Kailangang gamitin ang isip sa pagkalap ng
kaalaman at karunungan upang makaunawa ang kilos-loob sa paggawa ng kabutihan
tungo sa pagpapaunlad ng pagkatao.

Gawain 1: Tama o Mali

Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang sinasaad ng pangungusap ay tama at isulat
ang salitang MALI kung ang pangungusap ay hindi wasto. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.
_____1. Ang kilos-loob ay may kakayahang magnilay o magmuni-muni.
_____2. Mayroong katiyakan na ang mabuti ang laging pipiliin ng tao.
_____3. Sa pamamagitan ng tamang paggamit ng kalayaan at kilos-loob,
mapamamahalaan ng tao ang kanyang kilos.
_____4. Ang tao ay kumikilos batay sa sinasabi o idinidikta ng kanyang isip.
_____5. Ang isip ng tao ay walang taglay na kaalaman o ideya mula sa kapanganakan
ng tao.
_____6. Ang bawat tao ay may kakayahang buuin ang kanyang sariling pagkatao.
_____7. Ang isip ay may kapangyarihang maglapat ng mga pagpapasiya.
_____8. Malaya tayong sabihin ang lahat nang nais natin mabuti man ito o nakasasakit
ng ating kapuwa.
_____9. Hindi maiiwasan na gumawa ng masama ang mga tao.
_____10. Ang mga tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos dahil ang tao ay may
katangiang taglay Niya.
Gawain 2: SANAYSAY
Panuto: Mula sa iyong natutunan sa modyul na ito sumulat ng maikling sanaysay na
binubuo ng hindi hihigit sa sampung pangungusap tungkol sa kahalagahan ng tamang
paggamit ng KILOS-LOOB sa ating pamumuhay. Isulat ang iyong sagot sa long pad.
Gabay sa Pagmamarka:
20 puntos- Napakahusay ng paglalahad ng argumento upang suportahan ang sagot o
reaksyon sa sitwasyon. Maayos ang pagkakasulat. Naipasa ang gawain sa takdang
oras.

17 puntos- Maayos ang paglalahad ng argumento upang suportahan ang sagot o


reaksyon sa sitwasyon. Maari pang mapaghusay ang pagkakasulat. Naipasa ang gawain
sa takdang oras.

15 puntos- Maari pang paghusayan ang paglalahad ng argumento upang suportahan


ang sagot o reaksyon sa sitwasyon. Maari pang paghusayan ang pagkakasulat. Hindi
naipasa ang gawain sa takdang oras.

Mga Karagdagang Panuto sa Pagsagot ng Modyul:

1.Mananatiling Lunes o bago mag- Lunes ang pagsend ko ng Module na inyong


sasagutan sa buong linggo.

2. Kung mayroon kayong cellphone na may camera at kung maayos ang inyong
internet connection, pwede niyong isend ang inyong sagot sa module through
PM. Siguraduhin lang na bago kayo magsend ay nagpakilala kayo, pakisend
ang buong pangalan, seksyon at module number.

3. Kung wala kayong internet connection sikapin pa rin na mapicturan ang


inyong sagot dahil kung sakali man na maligaw ang modules ninyo ay
mahahanap pa rin dahil may kopya kayo.

4. Bagaman pwedeng isend through PM, ipapasa niyo pa rin ang inyong sagot
sa barangay. Antayin niyo lang ang araw kung kalian ipapasa. Pakitago niyo
muna.

5. Patuloy na paalalahanan ang inyong mga kaklase kung nagsend na ako ng


module sa araw na iyon upang ang lahat ay mabigyan ng pagkakataon na
makapagsagot ng modyul.

You might also like