You are on page 1of 16

9

Araling
Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Demand
Aralin
Konsepto Salik na
1 Nakakaapekto sa Demand

Suriin

A. Konsepto ng Demand

Naitanong mo ba sa iyong sarili kung paano mo matutugunan ang mga


pangangailangan mo? Saan mo makakakuha ang mga ito?

Sa puntong ito, mahalagang pag-usapan ang apat na pangunahing


katanungang pang-ekonomiko:
1. Ano-ano ang produktong ipoprodyus,
2. Gaano karami ang ipoprodyus o lilikhain? 3. Paano ito
ipoprodyus? at
4. Para kanino ito ipoprodyus?

Ang mga katanungang pang ekonomikong ito ang pinagmulan kung bakit
may konsepto ng demand. Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto at
serbisyo na nais bilhin sa isang takdang presyo at lugar. May demand ang isang
produkto at paglilingkod kapag nakapagbibigay ito ng kasiyahan o nakatutugon
sa isang pangangailangan. Ang mga binibili natin tulad ng pagkain, damit, mga
personal na gamit gaya ng cellphone at iba pang gadget ay mga halimbawa ng
demand. Napakahalagang batayan sa pagbili ng isang pangangailangan ang
presyo. Bumibili tayo depende sa kakayahan natin o sa badyet na mayroon tayo.
Kaya napakahalaga na matutunan natin ang wastong pagbabadyet upang
matugunan natin ang pangaraw-araw na demand para sa mga pangangailangan
natin.
B. BATAS NG DEMAND
Isinasaad ng Batas ng Demand na magkasalungat o inverse na ugnayan
ang presyo sa quantity demanded ng isang produkto. Kapag tumaas ang presyo,
bumababa ang dami ng gusto at kayang bilhin; at kapag bumaba ang presyo,
tataas naman ang dami ng gusto at kayang bilhin (ceteris paribus). Ang ibig
sabihin ng ceteris paribus ay ipinagpapalagay na ang presyo lamang ang salik
na nakaaapekto sa pagbabago ng quantity demanded, habang ang ibang salik ay
hindi nagbabago o nakaaapekto rito. Ayon sa Batas ng Demand, kapag kayo ng
iyong pamilya ay magdedesisyon na bumili ng isang produkto o serbisyo, ang
presyo ang inyong pangunahing pinagbabatayan. Sa bawat pagbili mo sa
tindahan, itinatanong mo muna ang presyo bago ka magdesisyon kung ilan ang
iyong bibilhin.

Tatlong Pamamaraan ng Pagpapakita ng Konsepto ng Demand:

1. Demand Schedule – isang talaan na nagpapakita ng dami na kaya at


gustong bilhin ng mga mamimili sa iba’t ibang presyo.

Demand Schedule ng Face Shield


Presyo bawat Piraso Quantty Demanded
Php100 10
90 20
80 30
70 40
60 50
50 60
40 70
30 80
20 90
10 100
0 110

Ang schedule na makikita sa talahanayan ay tumutukoy sa quantity demanded


para sa face shield sa iba’t ibang presyo. Halimbawa, sa halagang Php50,
animnapu (60) ang dami ng gusto at kayang bilhin ng mamimili. Mapapansin na
habang tumataas ang presyo ng face shield, bumababa naman ang dami ng
gusto at kayang bilhin. Malinaw na ipinapakita ang magkasalungat na ugnayan
ng presyo at quantity demanded.

2. Demand Curve – isang kurba sa graph na nagpapakita ng salungat na


ugnayan sa pagitan ng presyo at sa dami ng gusto at kayang bilhin ng
mamimili.
100
A B
90
C
80
PRESYO
D
70
E
60
F
50

0 50
10 20 30 40 50 60

Ang graph ay batay sa


demand schedule na
nasa talahanayan. Kung
ilalapat sa graph ang
iba’t ibang kobinasyon
ng mga presyo at
quantity demanded ay
mabubuo ang demand
curve para sa face
shield. Halimbawa, sa punto A na ang presyo ay isang daang piso
(Php100), sampu (10) ang
dami ng face shield na gusto o handang bilhin ng mamimili; sa punto B ang
presyo ay siyamnapung piso (Php90), dalawampu ang dami ng face shield na
gusto at handang bilhin ng mamimili. Kung tutuntunin ang mga puntong ito
hanggang punto F ay makabubuo ng isang kurbang pababa o downward sloping
curve. Ito ang tinatawag na demand curve. Ang paggalaw sa kurba mula punto
a papuntang punto, makikita na sa pagbaba ng presyo mula isang daang piso
(Php100) pababa ng limampung piso (Php50), ang demand sa face shield ay
tataas ng ng sampung (10) piraso. Kapag ang presyo naman ay tumaas ng
sampung piso (Php10) makikita sa graph na bumababa ang quantity demanded
sa sampung (10) piraso.

Ipinapakita sa graph sa susunod na pahina, ang paggalaw sa demand


curve. Mangyayari ang paggalaw ng demand curve kung ang salik na
nakaaapekto ay ang sariling presyo ng produkto. Kung ang presyo ng face shield
ay bumaba mula Php100 sa Php90, makikita sa graph na lilipat ang punto mula
puntong A patungong punto B. Kung tataas naman ang presyo mula Php50
patungong Php60, lilipat ang punto mula C patungong D.

Paggalaw ng Demand (Movement along the Demand Curve)


A
100
B
90
C
80
D
70
E
60
F
50

0
10 20 30 40 50 60

3. Demand Function – ang matematikong pagpapakita sa ugnayan ng


presyo at quantity demanded. Maaari itong ipakita sa equation sa
ibaba.

Qd = f (P)

Ang Qd o quantity demanded ang tumatayong dependent variable, at ang presyo


naman ang independent variable. Ibig sabihin, nakabatay ang Qd sa pagbabago
ng presyo. Ang presyo ang nakapagpapabago sa dami ng handa at kayang bilhin
ng mga mamimil. Isa pang paraan ng pagpapakita ng demand function ay sa
equation na:

Qd = a – bP

Kung saan:

Qd = quantity demanded

P = presyo

a = intercept (ang bilang ng Qd kung ang presyo ay 0)

b = slope = Qd

Nagpapakita ang slope ng pagbabago sa quantity demanded sa bawat pisong


pagbabago sa presyo.

Upang mapatunayan na ang datos sa demand schedule sa itaas at ang


demand function ay iisa, suriin at pag-aralan ang kompyutasyon sa ibaba.

Demand function mula sa Demand Schedule para sa Face Shield:


Qd = 110 – 1P

Kapag ang P = 100 Qd =? Kapag ang P = 50 Qd=?

Qd = 110 – 1P Qd = 110 – 10P

Qd = 110 – 1(100) Qd = 110 – 1(50)

Qd = 110 – 100 Qd = 110 - 50

Qd = 10 piraso Qd = 60 piraso

Gamit ang demand function, maaaring makuha ang dami ng quantity


demanded kung may given na presyo. I-substitute ang presyo ng piso sa variable
na P at i-multiply sa slope na -1. Ang makukuhang sagot ay ibabawas sa 110.
Mula rito ay makukuha ang sagot na 10 na quantity demanded. Sa ikalawang
halimbawa naman ay Php50 ang presyo kaya ang naging quantity demanded ay
60 piraso.

C. MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA PAGBABAGO NG DEMAND

Maliban sa presyo, may iba pang mga salik na nagiging dahilan upang
magbago ang demand tulad ng panlasa, kita, presyo ng kahalili o kaugnay na
produkto, bilang ng mamimili, at mga inaasahan ng mga mamimili sa
hinaharap.

Panlasa. Ang pagbabago sa


panlasa (taste) ng mga
mamimili ay may epekto sa
demand ng produkto.
Halimbawa, ang paglabas ng
milk tea ay lubhang nagpababa
sa demand para sa mga lokal
na palamig tulad ng sago at
gulaman maging ng soft drinks.
Ang pagtaas ng kamulatan ng mamamayan sa kalusugan ay
nagpataas ng demand para sa mga
produktong may kaugnayan sa pangangalagang pangkalusugan tulad ng mga
pagkaing may mababang calorie, bitamina, at pagkaing walang artipisyal na
sangkap.

Kita. Ang pagtaas ng kita ay nagdudulot ng pagtaas ng demand para sa


karamihan ng mga produkto dahil lumaki ang kakayahan ng tao na makabili.
Ang pagbaba naman ng kita ay nangangahulugan din ng pagbaba ng demand.
Halimbawa, sa pagtaas ng kita nagkakaroon ng kakayahan ang mga tao na
bumili ng mamahaling produkto tulad ng kotse, bakasyon sa ibang bansa, o
bagong mga appliances sa bahay. Ang ganitong uri ng mga produkto ang
tinatawag na normal goods.
Tinatawag naman na inferior goods ang murang produkto na binibili ng
mga pamilyang may maliit na kita. Halimbawa, kapag tumaas ang kita ng isang
pamilya, bababa naman ang demand para sa mga produkto tulad ng ukay-ukay
at mga produktong gamit na (tulad ng second-hand mobile phones, bisikleta at
iba pa). Sa pagbaba naman ng kita, tataas din ang demand para sa inferior
goods.

Presyo ng Kahalili (alternatibo) o Kaugnay na Produkto.

May epekto sa demand ang presyo ng mga kahalili (substitute) o kaugnay


(complement) na produkto. Ang kahaliling produkto ay iyong maaring gamitin
kapalit ng isang produkto. Halimbawa nito ay ang karne ng manok ay kahalili
ng karne ng baboy. Kapag tumaas ang presyo ng baboy, tataas ang demand
para sa karne ng manok dahil sa tuwiran itong kahalili para sa karne ng baboy.
Ibig sabihin, ang kurba ng demand para sa karne ng manok ay lilipat pakanan
samantalang bababa ang dami ng demand para sa karne ng baboy. Ang
produktong magkaugnay naman ay ginagamit na kapareha ng iba pang
produkto tulad ng kape at asukal. Kapag tumaas ang presyo ng kape, bababa
ang demand para sa asukal. Kapag bumababa naman ang presyo ng kape,
tataas naman ang demand para sa asukal.

Bilang ng Mamimili

Ang malaking populasyon ay nangangahulugan ng maraming pangangailangan


para sa mga kalakal at serbisyo. Mas marami ang mamimili kung mas malaki
ang populasyon. Ang paglaki ng populasyon ay magdudulot ng paglaki ng
demand na magdudulot naman ng pagtaas ng produksyon para sa kanilang mga
pangangailangan.

Inaasahan ng mga Mamimili

Kung inaasahan ng mga mamimili na tataas ang presyo ng produkto sa


hinaharap, daragdagan nila ang bibilhing produkto sa kasalukuyan. Halimbawa,
inaasahan na ang dinaranas nating pandemya ay magtatagal pa ng isa o
dalawang taon ayon sa mga eksperto. Dahil dito, ngayon pa lang ay naghahanda
na tayo ng mga bagay na kakailanganin tulad ng pag-iimbak ng mga pagkain at
gamot na siyang nagpapataas ng demand nito sa pamilihan at magreresulta ng
pagtaas ng presyo.

Ano ang maaari mong gawin bilang isang matalinong mamimili?

1. Iwasan ang pagsunod sa uso o moda ng damit at gamit dahil ang pagtaas
sa demand at nangangahulugan ng pagtaas din ng presyo ng mga
produktong ito.

2. Magtipid at huwag gumasta nang higit sa kinikita. Ang labis na paggasta


ay hindi mainam sa panahong mababa ang antas ng produksyon at
magdudulot ng pagtaas ng presyo. Hindi rin mabuti kung mababa ang
antas ng paggasta dahil magdudulot ito ng pagtamlay ng ekonomiya.
Dapat ay nasa tamang antas lamang ang paggasta. Ang dapat ay
“eksaktong paggasta lamang”.
3. Ang pagdami ng mga alternatibo o kahaliling produkto ay magbibigay ng
pagkakataon sa mga mamimili upang raming pagpipilian na may
maabang presyo. Sa kabilang banda, ang labis at kulang na pagkonsumo
ay hindi mainam sa ekonomiya.

4. Sa pangkalahatan, ang tamang paggasta at pagkonsumo ay


makatutulong upang maging matatag ang kalagayan ng presyo sa
pamilihan.

Ang graph ay nagpapakita ng paglipat ng kurba ng demand. Ang pagtaas


ng demand ay makapagdudulot ng paglipat ng paglipat ng kurba ng demand sa
kanan. Mangyayari ang paglipat ng demand sa kanan kung ang pagbabago ng
salik na hindi presyo ay nakapagdudulot ng pagtaas ng demand. Ang pagbaba
ng demand ay makapagdudulot ng paglipat ng kurba ng demand sa kaliwa.
Mangyayari ang paglipat ng demand sa kaliwa kung ang mga pagbabago ng salik
na hindi presyo ay nakapagdulot ng pagbaba ng demand.
Pagyamanin
Demand Reading
Panuto: Kopyahin ang talahanayan sa isang malinis na bond paper. Lagyan ng
tsek () ang kolum ng sang-ayon, kung naniniwala ka na tama ang pahayag
ukol sa konsepto ng demand at lagyan ng ekis (X) ang kolum ng Hindi sang-
ayon kung hindi ka naniniwala.

Pahayag Sang-ayon Di-


sangayon

1. Ang ugnayan ng presyo at quantity demanded


ay maaaring ipakita gamit ang demand
schedule, demand curve, at demand function.

2. Ang demand ay tumutukoy sa dami ng


produktong handang ipamigay ng mga
prodyuser sa pinakamahihirap na
mamamayan.

3. Ayon sa Batas ng Demand, ang presyo at


quantity demanded ay may tuwirang
relasyon.

4. Ang ceteris paribus assumption ay ginagamit


upang ipagpalagay na ang presyo lamang
ang salik na nakaaapekto sa pagbabago ng
quanity demanded habang ang ibang salik
ay hindi nagbabago o nakaaapekto.

5. Ang income effect ay nagpapahayag na kapag


tumataas ang preso ng produkto sa
pamilihan, ang mamimili ay hahanap ng
mas murang pamalit ditto.
Mag-compute Tayo!

Panuto: Isulat sa malinis na papel ang iyong kompyutasyon at kumpletong


talahanayan ng demand schedule.

A. Demand Function: Qd = 300 – 20P


P Qd
1
200
6
100
15

B. Demand Function: Qd = 750 – 10P

P Qd
600
30
300
60
0

SALIK-HAING POSTER

Panuto: Gumawa ng isang poster sa iyong portfolio na nagpapakita kung paano


nakakaapekto ang iba pang salik sa demand maliban sa presyo. Tiyaking
magmula ito sa sariling karanasan Gawing gabay ang rubrik sa ibaba sa
paggawa ng poster.
RUBRIC:

Kaangkupan sa Tema : 5 puntos

Pagkamalikhain : 5 puntos

Pagpapaliwanag : 5 puntos

15 puntos

Demand Mo’to!
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang magiging epekto sa demand sa mga
sumusunod na mga salik:
Salik na nakakaapekto
Epekto sa Dami ng Demand
sa Demand
Presyo ng computer at Ano ang epekto nito sa demand para sa
katulad na produkto ay computer at ibang gadyet?
tumaas dahil sa _________________________________
pagpatupad ng distance _________________________________
learning ng DepEd _________________________________

Pagbabago sa pagbili ng Paano ito makakaapekto sa demand para sa


mga gamit pangeskuwela mga produktong pang-eskuwela?
bunga ng pandemya _________________________________
_________________________________
_________________________________
Salik na nakakaapekto
sa Demand Epekto sa Dami ng Demand

Hindi pinapayagan ang Ano ang mangyayari sa demand para sa mga


face to face na pag-aaral pampublikong sasakyan?
ng gobyerno kaya bawal _________________________________
lumabas at magbiyahe _________________________________
ang mga mag-aaral _________________________________

Dumadami ang mga Ano ang mangyayari sa demand para sa


nagnanais na magonline internet connections?
learning dahil sa takot _________________________________
na mahawa sa sakit na _________________________________
covid-19 _________________________________

Nagtaasan ang presyo ng Ano ang mangyayari sa demand para sa mga


mga surgical at n95 na tela at iba pang uri ng face mask?
face mask _________________________________
_________________________________
_________________________________

Tayahin

Panuto: Piliin ang pinakatamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.


1. Ang batayan sa pagpapasya kung gaano karaming produkto o
paglilingkod ang bibilhin ay tinatawag na ____________________.
a. batas ng negosyo
b. batas ng demand
c. batas ng konsyumerismo
d. batas ng pangangailangan

2. Ang dami ng kalakal na handang bilhin ng mga mamimili sa isang


takdang panahon at tiyak na lugar ay ____________________.
a. timbang c. demand
b. suplay d. badyet

3. Isang mekanismo kung saan nagtatagpo ang nagbebenta at namimili


upang magkaroon ng bentahan ay ang ____________________.
a. Pamilihan c. lansangan
b. Sanglaan d. pasyalan

4. Dito pinoproseso ang mga produkto upang maipagbili ng mga negosyante.


a. bahay-kalakal
b. tindahan
c. bodega
d. daungan

5. Ang ugnayan ng mga bahay-kalakal at mamimili sa pamamagitan ng


interaksyon ng suplay at demand ay ____________________.
a. pagtatakda ng makatarungang buwis
b. pagtatakda ng bilang ng mamimili
c. pagtatakda ng dami ng paninda
d. pagtatakda ng presyo ng bilihin

6. Sa Ekonomiks, sila ang may tungkuling pag-aaralan kung paano


matutugunan ang walang katapusang pangangailangan ng tao.
a. pamahalaan
b. mamimili
c. prodyuser
d. konsyumer

7. Tingnan ang grap sa ibaba. Piliin ang kahulugan ng Batas ng Demand.

Presyo

2
1

2 4 Dami

a. kapag mataas ang presyo ng bilihin, kaunti ang mabibili ng


konsyumer.
b. mas marami ang mabibili ng mga konsyumer kapag mataas ang
presyo.
c. habang tumataas ang presyo, bumababa naman ang demand ng
mga konsyumer.
d. habang tumataas ang presyo, tumataas din ang demand ng mga
konsyumer.

8. Kapag may paggalaw ng kurba ng pataas, pababa, pakanan, o


downward sloping, ito ay nangangahulugan ng ___.
a. walang kaugnayan ang demand sa presyo.
b. hindi nagbabago ang presyo ayon sa demand.
c. sumasabay ang presyo sa pagbaba ng demand.
d. may negatibong ugnayan ang presyo sa dami ng demand.

9. Kailangang may kagustuhan at kakayahan ang prodyuser na ipagbili


ang produkto upang tawaging demand ang produkto. Halimbawa,
kung 30,000 face masks ang kailangan ng mga frontliners sa ospital;
subalit ayon sa datos, may sampung kompanya ng face masks.Sa
bilang na ito, anim lamang ang may interes na magbenta ng
kabuuang 20,000 face masks sa halagang P75.00. Tukuyin ang
demand para sa sardinas.
a. 10 b. 75 c. 20,0000 d. 30,000

10. Ang tawag sa numerikal na datos sa iskedyul ng demand at


ipinakikita sa pamamagitan ng grapikong paglalarawan ay tinatawag
na _________________.
a. kurba ng Presyo
b. kurba ng Demand
c. kurba ng Negosyo
d. iskedyul ng Demand

11. Ang mga sumusunod maliban sa isa ay di-presyong salik na


nakaapekto sa demand. Tukuyin ito.
a. espekulasyon
b. populasyon
c. sweldo ng mamimili
d. panlasa ayon sa edad at kasarian
12. Ang mga sumusunod na kaugnay o kapalit na produkto ang
posibleng magpataas ng presyo kapag tumaas ang halaga ng harina.
a. tinapay at cake
b. asukal at trigo
c. kape
d. alak

13. Batay sa kita ng mamimili, ang mga sumusunod maliban sa isa ay


nakakaapekto sa demand.
a. nagiging masigla ang kompetisyon sa pamilihan dahil sa pagtaas
ng bilang ng mga konsyumer kapag may 13th month pay
b. ang pagtaas ng unemployment rate ay nakapagpapataas din ng
demand ng mga pagkain
c. makakakuha ng mas malaking tubo ang mga negosyante kapag
marami ang bagong sweldo
d. nalilimitahan ang mga dayuhang negosyante sa pagsigla ng lokal
na kompetisyon

14. Sa panahon ngayon ng pandemya, ito ang paraan upang makatulong


ang mga mamamayan upang hindi na maghintay ng tulong sa
gobyerno.
a. Manatili sa sariling tahanan
b. Maghintay ng ayuda galing sa gobyer
c. Magtanim ng mga gulay at iba pang masustansyang pagkain
d. Maghintay ng tamang panahon upang makabalik sa trabaho

15. Simula nang magsagawa ng Community Quarantine sa probinsya ng


Pampanga dahil sa pandemikong COVID-19, ang mga sumusunod na
produkto maliban sa isa ang naging mababa ang demand kumpara sa
panahon na wala pang pandemiko.
a. Alkohol
b. Bitamina
c. Face mask
d. Milk Tea

You might also like