You are on page 1of 29

9

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Konsepto, Dahilan, Epekto at
Pagtugon sa Implasyon
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 3: Konsepto, Dahilan, Epekto at Pagtugon sa Implasyon
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang ano mang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang ano mang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa ano
mang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Eleanor M. Camisa
Editor: Rosanna Palispis-Querijero
Emelita T. Angara
Tagasuri: Rosanna Palispis-Querijero
Rebecca K. Sotto PhD
Kristian Marquez
Erfe Donna A. Aspiras
Angelica M. Burayag PhD
Tagaguhit: Manilyn M. Vicente
Tagalapat: Milky Joy B. Anasan
Rose Ann F. Dionisio
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD
Librada M. Rubio EdD
Ma. Editha R. Caparas EdD
Nestor P. Nuesca EdD
Robert E. Osongco EdD
Lily Beth M. Mallari
Rosanna Palispis-Querijero

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region III


Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa
ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang
bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang
mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagpadaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa
kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman
ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagpadaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upag masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangagailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin
at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,
umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

0
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito


ay upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling
Panlipunan Baitang 9.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:

• Natatalakay ang konsepto, dahilan, epekto at mga pagtugon upang


malutas ang mga suliraning kaakibat ng implasyon.

Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. Nakapagtatalakay ng konsepto, dahilan at epekto ng implasyon.


2. Nakapagpapaliwanag ng mga dahilan ng implasyon at epekto nito sa araw-
araw na pamumuhay.
3. Nakapag-iisa-isa ng mga nakikinabang at di-nakikinabang tuwing may
implasyon.
4. Nakapaglalahad ng sariling pagtugon sa implasyon.
5. Nakapagpapahalaga ng mga desisyon upang malutas ang suliraning dulot ng
implasyon.
6. Nakapagsasagawa ng kompyutasyon gamit ang mga paraan sa pagsukat ng
implasyon.

Subukin

Panuto: Basahin nang may pag-unawa ang mga pahayag sa bawat bilang. Piliin
ang titik ng wastong sagot. Itala ang wastong sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ito ay tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng presyo nang halos lahat ng mga


produkto at serbisyo sa pamilihan?
A. Resesyon
B. Implasyon
C. Depresyon
D. Deplasyon

1
2. Ang Consumer Price Index ay isang economic indicator na gamit panukat. Ano
ang sinusukat ng CPI?
A. Kawalan ng trabaho
B. Dami ng populasyon
C. Pagbabago sa halaga ng pera
D. Kita

3. Kung ikaw ay may nakitang negosyante na alam mong maraming tindang


asukal at nang malaman niya na tataas ang presyo ay itinago niya ang mga ito
upang muling itinda kapag mataas na ang presyo. Ano ang dapat mong gawin?
A. Isusumbong sa kinauukulan dahil isa sila sa dahilan kung bakit
tumataas lalo ang presyo ng mga produkto
B. Hindi na makikialam at baka mapahamak pa
C. Magkikibit balikat na lang
D. Iaasa na lamang sa pamahalaan ang pagtuklas

4. Ito ay nagaganap kapag ang pagnanais na makabili ng produkto at serbisyo na


mas marami kaysa sa kayang isuplay o iprodyus ng pamilihan.
A. Demand pull inflation
B. Cost-push inflation
C. Hyperinflation
D. Great depression

5. Piliin sa mga sumusunod ang HINDI dahilan ng implasyon?


A. Kakulangan sa enerhiya
B. Paglaki ng demand kaysa sa produksiyon
C. Pagtaas ng produksiyon
D. Pagtaas ng estado ng pamumuhay

6. Piliin sa mga sumusunod ang walang kaugnayan sa cost-push inflation?


A. Mataas na halaga ng elektrisidad
B. Pagtaas ng sahod
C. Regulasyon ng pamahalaan
D. Mas mataas na demand ng mamimili

7. Kung si Anthony ay nakabili ng 45 inches na TV noong taong 2009 sa halagang


Php 25,000.00 at ngayong 2020 ay kailangan niyang muling bumili ngunit ang
halagang kanyang mabibili sa kaparehong presyo ay hindi na kasing laki ng
dati niyang nabili noong taong 2009. Ano ang tamang paliwanag sa pangyayari?
A. Hindi na available sa merkado ang kaparehong brand ng TV.
B. Ang Php 25, 000.00 noon ay hindi na kapareho ng halaga sa
kasalukuyan.
C. Sarado na ang tindahang dati niyang pinagbilhan.
D. Wala siyang trabaho upang makabili ng TV.

2
8. Kung sa kasalukuyan ay may implasyon ang CPI noong nakaraang taon ay 100
at ang CPI sa kasalukuyan ay 125, ano ang kahulugan nito?
A. Ang price index ng batayang taon ay 125.
B. Ang market basket ay 125.
C. Ang halaga ng market basket sa kasalukuyan ay 25% na mas mataas
kaysa sa batayang taon.
D. Ang halaga ng market basket sa kasalukuyan ay 125% na mas mataas
kaysa sa batayang taon.

9. Piliin sa mga sumusunod ang naaapektuhan sa tuwing may implasyon.


A. Mga nagpapautang
B. Nangungutang
C. Taong di-tiyak na kita
D. Speculators

10. Piliin sa pangungusap ang TAMA.


A. Mababa ang halaga ng piso kung tumataas ang implasyon.
B. Mataas ang halaga ng piso kung tumataas ang implasyon.
C. Hindi naapektuhan ang halaga ng piso kahit may implasyon.
D. Tumataas o bumababa ang halaga ng piso kung ang implasyon ay
demand-pull o cost-push.

11. Sa paanong paraan malulutas ang demand-pull inflation?


A. Palakasin ang lakas paggawa upang mapataas ang produksiyon.
B. Pagbubukas ng maraming trabaho upang mapasigla ng ekonomiya.
C. Pagpapautang ng may mababang interes upang makaengganyo ng mga
mangangalakal na magnegosyo.
D. Pagkontrol sa supply ng salapi upang mabawasan ang labis na paggasta
sa ekonomiya.

12. Si Christoff ay umutang kay Justin ng Php 100.00 na ipinambili ng isang


kilong isda sa kasalukuyan. Kung 5% ang antas ng implasyon sa susunod na
buwan, ano ang halaga ng isang kilong isda?
A. Php 110.00
B. Php 95.00
C. Php 105.00
D. Php 100.00

13. Kung ang implasyon ay demand-pull inflation sa paanong paraan ito


malulutas?
A. Ang suplay ng salapi sa merkado ay dapat limitahan upang makontrol ang
labis na paggasta.
B. Pagpapataas sa paggawa upang mapataas ang output ng produksiyon.
C. Maghikayat ng pautang sa mababang interes upang mapasigla ang
paggasta.
D. Pagdaragdag ng maraming trabaho upang mapasigla ang ekonomiya.

3
14. Bilang isang mag-aaral at mamimili paano ako makatutulong sa paglutas ng
implasyon? Ako ay bibili lamang . . . .
A. sa mga pamilihang rehistrado upang matiyak ang presyo.
B. Ng sapat sa pangangailangan.
C. sa suking tindahan upang makahingi ng discount.
D. ng produktong bagsak ang presyo.

15. Sa paanong paraan nalulugi ang mga nagpapautang sa panahon ng


implasyon?
A. Hindi na sila binabayaran
B. Sobra ang perang natatanggap
C. Ang bayad na tinanggap ay bumababa sa tunay na halaga nito.
D. Tumataas ang halaga ng salapi kaya dapat mataas din ang ibabayad sa
kanya.

Mga Tala para sa Guro


Siguraduhing naituro na sa mga mag-aaral ang pamamaraan at
kahalagahan ng pagsukat ng Pambansang kita upang maiwasan ang
kalituhan sa pagsasagawa ng mga gawain.
Ipagpatuloy ang paggabay/pagsubaybay sa mag-aaral habang
isinasagawa ang pagsagot sa mga pinatnubayang gawain para sa paksang-
aralin na nasa modyul na ito.

4
Aralin
Konsepto, Dahilan, Epekto
1 at Pagtugon sa Implasyon
Mahalaga sa bawat tao ang magkaroon ng pagkaunawa sa konsepto, dahilan,
epekto at tamang pagtugon sa tuwing may implasyon upang ang bawat kilos at
desisyon ay hindi makadagdag sa mga suliraning maaaring kaharapin sa panahon
ng implasyon.

Balikan

Bago ka tumungo sa paksang tatalakayin. Balikan muna ang nakaraang


aralin sa pamamagitan ng isang gawain. Sa pagsukat ng Pambansang Kita ay
napag-aralan ang mga paraan ng pagsukat sa Gross National Income (GNI).

Panuto: Ayusin ang mga ginulong salita upang mabuo ang mga paraaan sa
pagsukat ng Gross National Income (GNI). Sagutan ang pamprosesong tanong
matapos ayusin ang mga ginulong salita. Isulat sa iyong sagutang papel ang mga
kasagutan.

2. N I S U D L A I R T
RIONIG
APRPOACH

1. X P E N E D U T I E R 3. E M N O C I
PPAROHAC ARPPOCHA

Paraan ng
Pagsukat sa
Pambasang
Kita

Pamprosesong Tanong:
1. Anu-ano ang mga paraan sa pagsukat ng Gross National Income (GNI)?
2. Ilarawan ang bawat isang salita na iyong nabuo sa pamamagitan ng
pagbibigay ng mga halimbawa. Sa iyong palagay bakit ang mga ito ay kasama
sa pagsusukat ng pambansang kita?
3. Sa iyong opinyon, bakit mahalagang masukat ang pambansang kita?

5
Tuklasin

Gawain 1
Sa yugtong ito ay susukatin ang iyong kaalaman sa panibagong aralin.
Tanungin sina tatay at nanay maging sina lolo at lola sa mga presyo ng mga
sumusunod na produkto. Sa halagang isang daang piso (Php 100.00) ano ang
kayang mabili nito?
Presyo ng Produkto

Panahon nina Panahon nina Tatay at


Lolo at Lola Nanay Panahon
Produkto
(noong sila ay kasing (noong sila ay kasing ko
edad ko) edad ko)

1 kilo bigas

1 kilo asukal
1 45grms. na kape
1 kilo galunggong
Kabuuang halaga
ng mabibili

Mga Tanong
1. Ano ang napapansin mo sa mga presyo ng produkto ayon sa mga panahong
ibinigay?

2. Ikumpara ang mga presyo ng bilihin ayon sa mga panahon nina lolo at lola,
tatay at nanay at sa iyong panahon. May pagbabago ba sa presyo simula
noon?

3. Sa halagang isang daang piso nabili ba ang lahat ng nasa listahan? Sa anong
panahon nabili ang lahat ng produktong nasa listahan?

4. Sa panahon mo ngayon ano ang nabili ng isang daang piso mo? Sa iyong
palagay ano ang dahilan nito?

5. Sa iyong palagay ano ang tama tumaas ang presyo ngayon ng bilihin kumpara
sa panahon nina lolo at lola o bumababa ang halaga ng piso sa panahon mo
ngayon?

6
Suriin

Sa puntong ito ay matatalakay ang konsepto, dahilan, epekto at pagtugon sa


implasyon na siyang magiging daan upang mapalalim pa ang iyong kaalaman sa
implasyon.

Kahulugan ng Implasyon
Ayon sa The Economics Glossary, ang implasyon ay tumutukoy sa pagtaas ng
pangkalahatang presyo ng mga piling produkto na nakapaloob sa basket of goods.
Ayon naman sa aklat na Economics nina Parkin at Bade (2010), ang
Implasyon ay pataas na paggalaw ng presyo sa pangkalahatang presyo ng mga
bilihin sa isang ekonomiya.

Deplasyon at Hyperinflation
Deplasyon ang tawag kung may pagbaba sa halaga ng presyo ng mga bilihin
at hyperinflation naman kung saan ay patuloy na tumataas bawat oras, araw at
linggo ang presyo ng mga bilihin.

Mga Konsepto sa Implasyon


Boom- mayroong magandang takbo ng ekonomiya, mababang antas ng kawalan
trabaho at may maayos na antas ng pamumuhay.
Depression- kabaligtaran ng Boom. Ito ang pinakamababang antas ng ekonomiya
kung saan mataas ang antas ng kawalang trabaho sa loob ng isang taon.
Slump- kasabay ng pagbagal ng ekonomiya ay may pagbaba sa mga presyo ng mga
bilihin.
Recession- pangkalahatang pagbaba ng ekonomiya sa loob ng ilang buwan.
Stagflation- may paghinto ng ekonomiya kasabay ng implasyon.
Reflation- ekonomiyang may bahagyang implasyon.
Disimplasyon- proseso ng pagbaba ng mga
presyo ng mga bilihin.
Inflationary gap- ang pangkalahatang demand
ay higit na mas malaki kaysa sa suplay.
Phillip’s Curve- Ayon kay A.W Phillips,
mayroong trade-off, ito ang pagitan ng
kawalan ng trabaho at implasyon.

Ang pagtaas ng mga pangkalahatang


presyo ng mga bilihin ay ang tinatawag na
implasyon. Ano- ano ang mga dahilan kung
bakit nagkakaroon ng implasyon sa ating
ekonomiya? Ang mga sumusunod ay
makapagbibigay sa iyo ng kaalaman kung bakit
nagkakaroon ng implasyon.

7
Mga Dahilan ng Implasyon
1. Demand-Pull Inflation - ang patuloy na pagtaas ng demand na hindi
matugunan ng suplay. Kapag ang demand ay tumataas at hindi matugunan
ng suplay ang pangkalahatang presyo ay tumataas na nagiging dahilan ng
implasyon.

2. Cost-Push Inflation - Ang pagtaas sa alin man sa salik ng produksiyon ay


makadaragdag sa gastusin ng produksiyon. Ang pagtaas na ito sa gastusin ay
idaragdag sa presyo ng mga natatapos na produkto.

3. Import-induced Inflation- kapag ang produksiyon ay nakadepende sa mga


imported na produkto at nagkaroon sa pagtaas sa mga presyo nito,tumataas
ang bilihin na magiging sanhi ng implasyon.

4. Profit-Push Inflation- Dahil sa mga negosyanteng ang ibig ay malaking kita,


itinatago ang mga produkto na nagiging sanhi ng kakulangan at nagiging
sanhi ng pagtaas ng presyo ng bilihin.

5. Currency Inflation- ang pagdami ng suplay ng salapi ay nagdudulot ng


paggastos ng malaking halaga upang makabili sa kakaunting produkto.

6. Petrodollars Inflation-Ang labis na pagtaas ng petrolyo ay nagiging sanhi sa


pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga bilihin.

Epekto ng Implasyon
Hindi sa lahat ng pagkakataon negatibo ang implasyon dahil kung may
naaapektuhan ay mayroon din namang nabebenepisyuhan sa tuwing may
implasyon.

Mga Nakikinabang sa
Halimbawa
Implasyon

Mga umuutang Ang pag-utang na may 10% interes ay nanatiling


10% kahit may pagtaas na 15% ng implasyon, Ang
ibinayad na perang Php 1,000 ay Php 935 lamang
halaga kaya siya ay nakinabang.
Mga negosyante Ang negosyanteng maraming stocks na produkto
gaya ng asukal at nagkaroon ng pagtaas sa presyo
ng asukal ay tataas ang kita ng hindi inaasahan.

Mga speculators Bumili ng mga bahay o lupa sa mababang halaga


sa mga hinihinala nilang kikita ng malaki kapag
tumaas ang presyo sa hinaharap.

Mga taong may di-tiyak May mga taong kumikita sa komisyon kaya tuwing
ang kita may implasyon at tumaas ang presyo tumataas din
ang kanilang kita.

8
Mga Naaapektuhan sa
Halimbawa
Implasyon
Mga taong may tiyak na Sila ang naaapektuhan dahil sa hindi nagbabago
kita ang kanilang sahod at tumaas ang presyo ng
bilihin kakaunti na lamang ang kanilang nabibili
tuwing may implasyon.
Mga taong nag-iimpok Sila ay nalulugi kapag ang interes sa bangko ay
maliit kaysa sa antas ng implasyon.
Mga taong nagpapautang Sila ay nalulugi sa 10% interes na pautang at
binayaran sila ng Php 1,000, Php 935 lamang ang
tunay na halaga kung 15% ang antas ng
implasyon.

Maraming salik ang nakakaapekto sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin na


nagiging sanhi ng implasyon.

Basahin at unawain ang balita sa ibaba at sagutan ang mga hinihingi sa


kahon. Ang mga sumusunod ay makatutulong sa iyo upang mas maunawaan ang
ating aralin.

Presyo ng Iba pang Pangunahing Bilihin, Tumaas Na Rin


By dzmm.com.ph | 09:37 PM 06/18/2014

Kasunod ng pagtaas ng pamasahe sa jeepney, sunod-sunod na rin ang


pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Bukod sa una nang napabalitang
pagtaas ng presyo ng bawang, luya, bigas at asukal, tumaas na rin ang presyo ng
manok at baboy habang nagbabadya naman ang pagtaas ng ilang brand ng gatas
at produktong de lata.
Dahil dito, nagpulong ngayong Miyerkules ang National Price Coordinating
Council (NPCC) para talakayin ang sunod-sunod na pagtaas na ito ng presyo ng
mga pangunahing bilihin. Sa kaso ng bawang, sinabi ni NPCC Chairman at Trade
and Industry Secretary Gregory Domingo sa panayam ng DZMM na nagkaroon lang
ng temporary shortage.
Aniya, 30% lang ng suplay ng bawang ang nagmumula sa lokal na supplier
habang ang nalalabing 70% ay nagmumula na sa importasyon. Naipit lang aniya
ang ibang suplay sa mga port at inaasahang babalik na sa normal ang presyo sa
loob ng dalawang linggo hanggang isang buwan.
Matatandaang naglunsad na rin ng caravan ang gobyerno na nagbebenta ng
mga murang bawang. Sa pagtaas naman ng commercial na bigas, tutugunan ito ng
National Food Authority (NFA) sa pamamagitan ng pagdodoble ng inilalabas nilang
bulto ng bigas.
Sa kaso naman ng pagtaas ng presyo ng manok, ipinaliwanag ng broiler
groups na bumagal ang paglaki ng mga manok dahil sa labis na init na panahon
na naranasan nitong mga nakalipas na buwan.
Tiniyak naman ng mga ito na babalik din sa normal ang presyo sa mga
susunod na linggo. Pinayagan naman ng DTI ang pagtaas ng presyo ng gatas dahil

9
sa pagtaas ng world price nito.
May hiling na rin para naman itaas ang presyo ng de lata at bagama’t hindi
pa ito inaaprubahan, sinabi ni Domingo na karaniwan naman nilang pinapayagan
ang pagtaas basta’t malapit sa antas ng inflation. “Kailangan talaga every year may
ine-expect ka na pag-akyat kahit konti,” sabi pa ng kalihim. With a report from
Alvin Elchico, ABS-CBN News

Panuto: Gamit ang balita sa itaas isulat sa dahilan ang halimbawa na iyong nakita
sa balita. Magbigay ng magiging bunga ng implasyon at ang epekto ng implasyon.

Dahilan Bunga ng Epekto ng


Implasyon Implasyon
Demand-Pull Inflation
Cost-Push Inflation
Import-induced Inflation
Profit-Push Inflation
Currency Inflation
Petrodollars Inflation

Bago natin masasabing may implasyon na nagaganap sa ating bansa ay


kailangan muna nating alamin at malaman kung paano sukatin ang mga
pagbabago sa mga presyo ng mga produkto at serbisyo sa pamilihan.

Pagsukat sa Pagbabago ng Presyo

Purchasing Power of Peso- Ito ang ginagamit upang masukat ang tunay na
halaga ng piso sa kasalukuyang taon kumpara sa basehang taon.

Pormula:
PPP = 1
X 100
CPI kasalukuyang taon

Price Index- Ito ang average na presyo ng mga pangunahing produkto at


serbisyo na ikukumpara sa isang batayang taon.

Consumer Price Index (CPI)- Sinusukat nito ang pagbabago sa halaga ng


salapi gamit ang pagbabago sa pangkalahatang presyo ng mga bilihin mula sa
batayang taon hanggang sa kasalukuyang taon.
Pormula:
CPI= (Kabuuang presyo ng kasalukuyang taon)
X 100
(Kabuuang presyo ng basehang taon)

Inflation Rate- Ang antas ng implasyon kung saan ang porsiyento ng


pagbabago sa CPI ng kasalukuyang taon kumpara sa CPI ng nakaraang taon.

10
Pormula:
Inflation Rate = CPI kasalukuyang taon – CPI ng nakaraang taon
X 100
CPI ng nakaraang taon
Halimbawa:
Aytem 2019 2020
Bigas 1,050 1,250
Asukal 250 350
Kape 150 200
Mantika 200 250
Isda 120 180
Manok 160 220
Kabuuang presyo 1,930 2,450

Gamit ang pormula sa ibaba ay makokompyut ang Consumer Price Index na


sumusukat sa pagbabago ng mga produktong madalas na kinokonsumo ng
pamilyang Pilipino.

CPI = Kabuuang presyo ng Kasalukuyang Taon


X 100
Kabuuang presyo ng Basehang Taon
= 2,450
X 100
1,930
= 126.94

Inflation Rate = CPI ng Kasalukuyang Taon – CPI ng Nagdaang Taon


X 100
CPI ng Nagdaang Taon
= 126.94 - 100
100 X 100
= 26.94

Ang antas ng implasyon ay 26.94%, ibig sabihin nagkaroon ng 26.94% na


pagtaas sa presyo ng mga bilihin sa pagitan ng 2019 at 2020. Nangangahulugang
mas mataas ang bilihin ngayon 2020 kumpara noong nakaraang taon ( 2019 )
dahil sa implasyon.

PPP = 1
X 100
CPI kasalukuyang taon
= 1
X 100
126.94
= .7877
Ang kakayahan ng piso ngayon taong 2020 ay .7877 ibig sabihin ang
kakayahan ng piso ay makakabili lamang ng halagang .79 sentimos batay sa
presyo noong taong 2019 dahil sa implasyon. Mapapansin na habang lumalaki ang
CPI ay lumiliit ang halaga ng piso.

11
Pagyamanin

A. Panuto: Piliin sa kahon ang mga konsepto ng implasyon na ipinapakita sa


larawan. Isulat sa iyong sagutang papel ang iyong kasagutan.

Boom Disimplasyon Depression


Recession Implasyon

1. ________________________ 2. _______________________

BEANS
BEFORE: 20.00/KL
NOW: 25.00/KL BIGAS-
BEFORE: 28.00
/KL.
NOW: 38.00/KL

JANUARY – MAY (ECONOMIC PERFORMANCE


REPORT)

3. ________________________ 4. ______________________

5._______________________

12
B. Panuto: Punan ang mga patlang ng mga titik upang mabuo ang salita at diwa
ng bawat pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. _ _ U _ _ Hindi sa lahat ng oras ay maganda o maayos ang takbo ng


ekonomiya, may mga pagkakataong bumabagal kasabay ng pagbaba ng
presyo ng mga bilihin.

2. _ _ _ _ _ _ I _ _ Upang maengganyo ang mga mamumuhunan sinasadyang


magkaroon ng bahagyang implasyon.

3. _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ R _ _ Mayroong trade-off sa pagitan ng kawalan ng


trabaho at implasyon.

4. _ _ _ _ E _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ Ito ang labis na pagdami ng suplay ng


salapi na nagdudulot ng paggastos nang malaking halaga upang makabili
ng kakaunting produkto.

5. _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ A _ Ang pangkalahatang demand ay higit na mas


malaki kaysa sa suplay.

6. _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ E _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ Kapag ang produksiyon ay


nakadepende sa mga imported na produkto at nagkaroon ng pagtaas sa mga
presyo nito, tumataas ang bilihin na magiging sanhi ng implasyon.

7. _ T _ _ _ _ _ _ _ _ _ Kapag may paghinto ng ekonomiya kasabay ng


implasyon.

8. _ _ _ _ _ _ _ _ _ X Ito ang average na presyo ng mga pangunahing


produkto at serbisyo na ikinukumpara sa isang batayang taon.

9. _ _ _ _ _ _ _ _ _ R _ _ _ Ang antas ng implasyon kung saan ang


porsiyento ng pagbabago sa Consumer’s Price Index ng kasalukuyang taon
kumpara sa CPI ng nakaraang taon.

10. _ _ _ _ _ _ C _ _ _ _ _ _ _ Sila ay nakikinabang tuwing may implasyon sa


pagbili ng mga produkto sa mababang halaga.

13
Ang gawaing ito ang magsasanay sa iyo upang iyong matukoy ang dahilan at
epekto ng implasyon.

C. Panuto: Ang hanay A ay mga dahilan ng implasyon at hanay B ay ang mga


epekto nito. Isulat sa iyong sagutang papel ang titik ng tamang magkatambal
na dahilan at epekto nito.

A B
1. Pagtaas ng kita A. pagkalugi ng mga lokal na
2. Pagdami ng dayuhang produkto.
produkto. B. Pagkukulang sa pondo ng
3. Pagtaas ng utang ng pamahalaan.
pamahalaan. C. Pagbaba ng mga suplay ng
4. Pagtaas ng palitan ng produksiyon.
dolyar D. Pagtaas ng demand at
5. Mataas na gastos sa sirkulasyon ng salapi.
produksyon E. Pagbaba ng halaga ng piso.
F. Pagkakaroon ng kakulangan sa
6. Pagbili ng higit sa suplay
suplay
7. Pagsasagawa ng hoarding
G. Pagsasamantala ng mga
8. Pagpapataas sa sahod
negosyante.
9. Pagtaas ng pamumuhunan
H. Pagdaragdag sa presyo ng mga
sa real estate
tapos na produkto.
10. Pagpataw ng mataas na I. Pagkawala ng interes sa
interes sa pagpapautang. pagnenegosyo.
J. Pagkawala ng interes sa
pamumuhunan sa agrikultura.

p
a
D. Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na sitwasyon. Isulat ang
g
TAMA kung wasto ang pahayag, at MALI kung hindi wasto ang pahayag. Isulat
n
ang sagot sa iyong sagutang papel.
e
1. Ang implasyon ay structural kung ang dahilan ng pagtaas ng bilihin ay angn
pagtaas ng mga dayuhang salapi kumpara sa piso. e
g
2. Ang implasyon ay ang presyo ng pangkalahatang produkto at serbisyo ayo
mababa. s
y
3. Ang implasyon ay demand-pull kung ang mga konsyumer ay bumili ngo
maramihang produkto o hoarding. .

4. Hyperinflation ay ang patuloy na pagsigla ng ekonomiya ng isang bansa kung


kaya nagiging maayos ang antas ng pamumuhay ng mga mamamayan nito.

14
5. Ang implasyon ay Cost-push kung ang ekonomiya ay laging umaasa sa mga
produktong dayuhan.

6. May implasyon kapag ang salapi ay marami sa merkado na siyang nagiging


sanhi ng sobrang sigla ng ekonomiya.

7. Boom ang ating ekonomiya kung patuloy ang pagtaas ng presyo ng


pangkalahatang bilihin sa mga pamilihan.

8. Ang Deplasyon ay ang kabaligtaran ng implasyon kung saan ang presyo ng


mga produkto at serbisyo ay patuloy sa pagbaba.

9. May implasyon kung ang halaga ng salapi ay patuloy sa pagbaba.

10. Ang implasyon ay ang patuloy na pagtaas ng halaga ng pangkalahatang


presyo ng mga bilihin.

E. Panuto: Punan ang kahon gamit ang pormula sa ibaba. Isulat ang iyong sagot
sa sagutang papel.

Aytems 2020 2019

Pagkain 1,300 1,050

Damit 1,250 900

Pamasahe 900 700

Kuryente 1,500 1,250

Kabuuang Presyo 4,950 3,900

CPI (1) ?

Inflation Rate (2) ?

Purchasing Power (3)?

15
CPI= (Kabuuang presyo ng Kasalukuyang taon)
(Kabuuang presyo ng batayang taon) X 100
CPI= 4,950
3,900 X 100
=
?

Inflation Rate = CPI kasalukuyan-CPI nakaraang taon


X 100
CPI nakaraang taon
= 126.92-100
100 X 100
= ?

PPP = 1
X 100
CPI Kasalukuyan
= 1
126.92 X 100
=
?

F. Panuto: Ikaw naman ang magkompyut. Punan ang mga kahon ayon sa
hinihingi nito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Inflation Purchasing
Taon Total Weighted Price CPI
Rate Power

2020 5,500 (1)

2019 4,500 (2)

2018 3,500 (3)

2017 2,000 (4)

2016 1,500 (5)

16
G. Panuto: Punan ng mga patlang ng mga salitang makikita mula sa kahon na
tutugma sa mga paglalarawan sa pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

Nag-iimpok Nangungutang
Speculators Mga taong may tiyak na kita
Mga nagpapautang Mga taong di-tiyak ang kita

Epekto ng implasyon sa mga Mamamayan

Ang mga _____________( 1 ) ay may 20% interes sa kanilang nahiram na pera


ngunit kahit may implasyon mananatiling 20% ang interes na kaniyang babayaran
kaya siya nakikinabang sa tuwing may implasyon. Sila namang mga __________( 2 )
ay nakikinabang sa tuwing alam nilang may pagbadya ng pagtaas ng presyo ay
may lakas loob silang mamuhunan sa mga naiisip nilang produkto na maaaring
magtaas ang presyo. Ang mga empleyado silang _____________ ( 3 ) ay tumatanggap
ng sahod bawat buwan. Ang dating dami na kanilang nabibili tuwing may
implasyon ay bumababa dahil sa pagbaba ng halaga ng salapi. Ang mga
_________________ ( 4 ) naman ay nalulugi kapag ang interes sa bangko ay 15% at
ang deposito niya Php 15,000 ang pera niya sa loob ng isang taon ay Php 17,250
ngunit sa panahong may implasyon at ang antas nito ay 20% ang tunay na halaga
lamang ng kaniyang pera ay Php 15,750. Ang ___________ ( 5 ) naman ay nalulugi
kapag sa panahon ng implasyon ay may nagbayad ng Php 1,000 sa 10% na interes
at may implasyon na 15% ang tunay na halaga ng pera na kaniyang tinanggap ay
Php 935 na lamang.

Hindi sa lahat ng oras ay negatibo sa lahat ng tao ang Implasyon. Sa tuwing


may implasyon mayroong naapektuhan at mayroon din naman nakikinabang.

H. Panuto: Isulat sa iyong sagutang papel ang NP kung ang mga sumusunod ay
naaapektuhan at NB kung nakikinabang sa tuwing may implasyon.

_____1. Mga nangungutang


_____2. Mga nag-iimpok
_____3. Mga taong di tiyak ang kita
_____4. Mga nagpapautang
_____5. Mga speculators
_____6. Mga negosyante
_____7. Mga taong may tiyak na kita
_____8. Mga mamimili
_____9. Mga Monopolista
_____10. Mga nagpepensyon

17
Isaisip

A. Panuto: Itala sa iyong sagutang papel ang iyong mga natutunan sa paksang
tinalakay. Punan ang mga salita o parirala na hinihingi sa bawat bilang
upang matukoy ang tamang kasagutan.

Ayon sa The Economics Glossary, ang ______________ ( 1 ) ay tumutukoy sa


pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga piling produkto na nakapaloob sa
basket of goods. Sa tuwing mayroong magandang takbo ang ekonomiya ay
tinatawag itong __________ ( 2 ) kung saan ang antas ng kawalan ng trabaho at may
maayos na antas ang pamumuhay ng tao. _________ ( 3 ) ito ang kabaligtaran ng
Boom, kung saan ang pinakamababang antas ng ekonomiya at mataas na antas ng
kawalan ng trabaho ang nararanasan. __________ ( 4 ) ay ang kasabay sa mabagal
na ekonomiya ay may pagbaba sa mga presyo ng mga bilihin. Ayon kay __________
( 5 ) mayroong trade-off sa pagitan ng kawalan ng tabaho at implasyon.
Ang implasyon ay may iba’t ibang dahilan tulad ng, ____________ ( 6 ) ito ang
patuloy na pagtaas ng demand na hindi halos matugunan ng suplay. _____________
( 7 ) Sa pagtaas ng alin man sa salik ng produksiyon ay makadaragdag sa gastusin
ng produksiyon. Ang pagtaas na ito sa gastusin ay idaragdag sa presyo ng mga
tapos na produkto. Dahil sa mga negosyanteng ang ibig ay malaking kita, itinatago
ang mga produkto na nagiging sanhi ng kakulangan na nagiging sanhi ng pagtaas
ng presyo ng mga bilihin ay ang ________ ( 8 ). Ang ___________ ( 9 ) ay ang pagdami
ng suplay ng salapi, gaya ng pagpapadala ng OFW mula sa ibang bansa. Dumarami
ang mga paggasta sa pagbili ng mga produkto. _________ ( 10 ) ang labis na
pagtaas sa presyo ng petrolyo sa pandaigdigang merkado ay nagiging sanhi ng
pagtaas sa pangkalahatang presyo ng mga produkto. Ang ______________ (11 ),
______________ ( 12 ), _________ ay ilan lamang sa mga nakikinabang tuwing mag
implasyon at ang mga ___________ (13 ), _______________ (14 ), _______________ ( 15)
ay ang mga naaapektuhan tuwing may implasyon.

B. Panuto: Dugtungan ang sumusunod na mga pangungusap.

1. Ang mga umuutang, negosyante, mga speculators at mga taong may di-tiyak
na kita ang mga nakikinabang tuwing may implasyon dahil . . . . . .
2. Ang mga taong may tiyak na kita, mga nag-iimpok at mga taong
napapautang ay naaapektuhan tuwing may implasyon dahil . . . . .
3. Ang implasyon ay suliraning pang-ekonomiya na dapat masolusyunan sa
pamamagitan ng . . . . . .
4. Bilang mag-aaral, makatutulong akong maiwasan ang problemang dulot ng
implasyon kung . . . . . .

18
Isagawa

Panuto: Naranasan mo na ba ang malawakang pagtaas ng presyo sa halos lahat ng


bilihin? Halimbawa, nagkaroon ng pagtaas ang presyo sa halos lahat ng
produkto. Piliin sa loob ng kahon ang mga bibilhin mo kung may
implasyon. Pumili ng sampung bagay na iyong bibilhin at isulat sa
nakalaang kahon. Iantas ayon sa una mong bibilhin hanggang ikasampu.
Pagkatapos ay sagutan ang mga pamprosesong tanong.

burger fried chicken soft drinks tubig juice


damit sapatos papel cellphone bigas
isda gulay prutas ballpen
kape

1. ___________________________________
2. ___________________________________
3. ___________________________________
4. ___________________________________
5. ___________________________________
6. ___________________________________
7. ___________________________________
8. ___________________________________
9. ___________________________________
10. __________________________________

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang una mong bibilhin at bakit?

2. Ano ang nakaimpluwensiya sa iyo kung bakit ang mga produktong ito ang iyong
napili?

3. Ano ang isinaalang-alang mo sa pagpili ng mga produkto?

4. Bakit tuwing may implasyon ang mga produktong ito ang dapat mong unahing
bilhin? Ano ang kahalagahan ng tamang pagdedesisyon sa suliranin ng
implasyon?

5. Maglahad ng mga desisyong dapat mong gawin upang maiwasan ang


implasyon.

19
Tayahin

Pagtataya 1
Panuto: Piliin ang wastong titik na tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa
iyong sagutang papel.
1. Kung ang implasyon ay demand-pull inflation sa paanong paraan ito malulutas?
A. Ang supply ng salapi sa merkado ay dapat limitahan upang makontrol ang
labis na paggasta.
B. Pagpapataas sa paggawa upang mapataas ang output ng produksiyon.
C. Maghikayat ng pautang sa mababang interes upang mapasigla ang
paggasta.
D. Pagdaragdag ng maraming trabaho upang mapasigla ang ekonomiya.

2. Kung si Anthony ay nakabili ng 45 inches na TV noong taong 2009 sa halagang


Php 25,000.00 at ngayong 2020 ay kailangan niyang muling bumili ngunit ang
halagang kanyang mabibili sa kaparehong presyo ay hindi na kasing laki ng dati
niyang nabili noong taong 2009. Ano ang tamang paliwanag sa pangyayari?
A. Hindi na available sa merkado ang kaparehong brand ng TV.
B. Ang Php 25, 000.00 nuon ay hindi na kapareho ng halaga sa kasalukuyan.
C. Sarado na ang tindahang dati niyang pinagbilhan.
D. Wala siyang trabaho upang makabili ng TV.

3. Sa paanong paraan nalulugi ang mga nagpapautang sa panahon ng implasyon?


A. Hindi na sila binabayaran.
B. Sobra ang perang natatanggap.
C. Bayad na isang libo na tinanggap ay bumababa sa tunay na halaga nito.
D. Tumataas ang halaga ng salapi kaya dapat mataas din ang ibabayad sa
kanya.

4. Bilang isang mag-aaral at mamimili paano ka makakatulong sa paglutas ng


implasyon? Ako ay bibili lamang . . . . . .
A. sa mga pamilihang rehistrado upang matiyak ang presyo.
B. ng sapat sa pangangailangan.
C. sa mga kakilala upang makatawad.
D. ng mga produktong bagsak ang presyo.

5. Kung ikaw ay may nakitang negosyante na nagsasagawa ng hoarding ano ang


iyong gagawin?
A. Isusumbong sa kinauukulan dahil isa sila sa dahilan kung bakit lalong
tumataasang presyo ng mga produkto.
B. Hindi na makikialam at baka mapahamak pa.
C. Magkikibit-balikat na lang.
D. Iaasa na lamang sa pamahalaan ang pagtuklas.

20
6. Si Christoff ay umutang kay Justin ng Php 100.00 na ipinambili ng isang kilong
isda sa kalukuyan. Kung 5% ang antas ng implasyon sa susunod na buwan, ano
ang halaga ng isang kilong isda?
A. Php 110.00
B. Php 95.00
C. Php 105.00
D. Php 100.00
7. Kung sa kasalukuyan ay may implasyon ang CPI noong nakaraang taon ay 100
at ang CPI sa kasalukuyan ay 125, ano ang kahulugan nito?
A. Ang price index ng batayang taon ay 125
B. Ang market basket ay 125
C. Ang halaga ng market basket sa kasalukuyan ay 25% na mas mataas kaysa
sa batayang taon
D. Ang halaga ng market basket sa kasalukuyan ay 125% na mas mataas kaysa
sa batayang taon.
8. Ito ay tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng presyo nang halos lahat ng mga
produkto at serbisyo sa pamilihan?
A. Resesyon
B. Implasyon
C. Depresyon
D. Deplasyon
9. Piliin sa mga sumusunod ang naaapektuhan sa tuwing may implasyon.
A. Mga nagpapautang
B. Nangungutang
C. Taong di-tiyak ang kita
D. Speculators
10. Sa paanong paraan malulutas ang demand-pull inflation?
A. Palakasin ang lakas paggawa upang mapataas ang produksiyon.
B. Pagbubukas ng maraming trabaho upang mapasigla ang ekonomiya.
C. Pagpapautang ng may mababang interes upang makaengganyo ng mga
mangangalakal na magnegosyo.
D. Pagkontrol sa supply ng salapi upang mabawasan ang labis na paggasta sa
ekonomiya

Pagtataya 2

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang sitwasyong kakaharapin ng mga mamimili sa


tuwing may implasyon at ang solusyon na maaaring tugon sa ganitong uri
ng implasyon.

1. Demand-pull Inflation: ________________________________________________________


Solusyon: _______________________________________________________________________

2. Cost-push Inflation: ___________________________________________________________


Solusyon: _______________________________________________________________________

21
3. Structural Inflation: ___________________________________________________________
Solusyon: _______________________________________________________________________

Pagtataya 3

Panuto: Piliin mula sa kahon ang salitang inilalarawan mula sa mga pangungusap.
Isulat ang tamang sagot sa iyong sagutang papel.

Demand-pull inflation Cost-push inflation

Structural inflation Import Induced inflation

Currency inflation Petro-dollars inflation

Profit-push inflation

1. Si Mang Kanor ay may-ari ng grocery, nang malaman na may nagbabadyang


pagtaas sa presyo ng asukal sa susunod na linggo ay hindi na muna na niya
ibinebenta nang maramihan ang tinda niyang asukal.

2. Dahil sa bagyo nagkaroon ng kakulangan sa de latang sardinas.

3. Nagkulang ang face mask sa bansa dala ng pandemic kaya nagdesisyon ang
DOH na umangkat mula sa bansang India.

4. Nang makita ni Elaine ang stripe na damit ng barkada ni Marla ay


nagandahan agad ito at naengganyo siyang bumili nito.

5. Nagdesisyon si Mr. Alvarez na magtaas sa presyo ng tinapay ng biglang


magtaas sa presyo ang harina.

6. Nalugi ang produksiyon ng sibuyas ng magdagsaan ang imported na sibuyas


sa pamilihan.

7. Walang pondo ang pamahalaan dahil sa ibinayad sa utang sa nakaraang


taon.

8. Upang mapataas ang presyo ng bawang maraming negosyante ang


nagtatago nito sa merkado at ilalabas kapag mataas na ang presyo.

9. Dahil sa pandemic biglang bumababa ang pagpasok ng dolyar na


ipinapadala ng mga OFW bunga nito bumaba ang halaga ng piso.

10. Maraming isdang nahuhuli sa bayan ng Baler ngunit dahil sa iniluluwas ito
ay halos wala ng mabilhan ng iba’t ibang uri ng isda sa palengke nito.

22
Karagdagang Gawain

Gawain 1
Panuto: Halimbawang may pagtaas ng presyo sa halos lahat ng produkto sa iyong
ekonomiya o komunidad paano mo ito tutugunan? Dugtungan ang
pangungusap na nasa loob ng kahon. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

Dapat akong
May implasyon May mga bagay tumugon nang
ngayon kaya......... akong dapat tama upang
gawin ito ay ang malutas ang
............ implasyon gaya
ng ..............

Gawain 2

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa iyong papel.

1. Bakit nagkakaroon ng implasyon?

2. Paano mo masasabing bumababa ang halaga ng salapi?

3. Anu-ano ang mga epekto ng implasyon sa ating pamumuhay?

4. May positibo bang dulot ang implasyon sa tao at sa ating ekonomiya?

5. Bilang tugon sa epektong dulot ng implasyon, ano ang kaya mong gawin upang
malutas ang implasyon?

23
24
Subukin Pagyamanin Isaisip
1. B 6. D 11. D D. 1. Implasyon
2. C 7. B 12. C 1. MALI 6. TAMA 2. Boom
3. A 8. C 13. A 2. MALI 7. MALI 3. Deprasyon
4. A 9. A 14. D 3. TAMA 8. TAMA 4. Slump
5. D 10. A 15. C 5. Phillip’s Curve
4. MALI 9. MALI
6. Demand-pull inflation
5. MALI 10. TAMA 7. Cost-push inflation
Tuklasin 8. Profit-push inflation
*May mga gawaing walang E. CPI= 126.92 9. currency inflation
susi ng pagwawasto dahil may 1. IR=1.2692 10. petrodollars inflation
mga nakalaang pamantayan 2. PPP=.7878 11-13. mga umuutang, mga
dito. negosyante, mga speculators, mga
taon di-tiyak ang kita
Pagyamanin F. 14-15. Mga taong may ti tiyak na
A. 1. CPI= 366. kita, mga taong nag-iimpok, mga
1. Boom IR=22.22 taong nagpapautang
2. Depression PPP=0.2727
3. Disimplasyon 2. CPI=3 Gawain 1 at 2
4. Recession IR=28.57 *May mga gawaing walang susi ng
5. Implasyon pagwawasto dahil may mga
PPP= 0.33
B. nakalaang pamantayan dito
3. CPI= 233.33
1. Slump
IR=75 Tayahin
2. Reflation
PPP= 0.4285 Pagtataya1
3. Phillip’s Curve
4. CPI= 133.33 1. A
4. Currency Inflation
IR=25 2. B
5. Inflationary Gap
PPP=0.7500 3. C
6. Import Induced Inflation
5. CPI =1 4. D
7. Stagflation
IR=0 5. A
8. Price Index
PPP= 1 6. C
9. Inflation Rate
G. 7. C
10. Mga Speculators
1. Nangungutang
C. 8. B
2. Speculators
1. A 3. Mga taong may tiyak 9. A
2. B na kita 10. D
3. E 4. Nag-iimpok Pagtataya 2
4. C 5. Mga nagpapautang * Ang tagapangasiwa na ang
5. F H. gagawa ng susi sa pag- wawasto.
6. G 1. NB 6. NB
7. H 2. NP 7. NP Pagtataya 3
8. J 3. NB 8. NP 1. Profit-push inflation
9. I 4. NP 9. NB 2. Demand-pull inflation
5. NB 10.NP 3.Demand-pull inflation
10. D
4. Demand-pull inflation
5. Cost-push inflation
Isaisip
6. Structural inflation
*May mga gawaing 7. Structural inflation
walang susi ng 8. Petro-dollars inflation
pagwawasto dahil may 9. Currency inflation
mga nakalaang 10. Profit-push inflation
pamantayan dito
Karagdagang Gawain
* Ang tagapangasiwa na ang
gagawa ng susi sa pag-wawasto.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Balitao, Bernard R., Martiano D. Buising, Edward D. J. Garcia, Apollo D. De
Guzman, Juanito L. Lumibao Jr., Alex P. Mateo, at Irene J. Mondejar.
2015. Ekonomiks Araling Panlipunan Modyul ng Mag-aaral. Pasig City: Vibal
Group, Inc.

Dalire, Edison. 2013. “Implasyon.” Slideshare. Binuksan noong Hunyo 10, 2020.
https://www.slideshare.net/edison18/implasyonpowerpointedison

Dionesioable. 2013. “Modyul 9 Implasyon.” Slideshare. Binuksan noong Hunyo 10,


2020. https://www.slideshare.net/dionesioable/modyul-9-implasyon

25
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DEPED-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like