You are on page 1of 25

9

Araling
Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 5
Tungkulin ng Pamahalaan sa
Ekonomiya
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 5: Tungkuling ng Pamahalaan sa Ekonomiya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyulna ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Michelle R. Maglaqui


_____________________
agasuri ng Nilalaman: Rowel S. Padernal/Angelica M. Burayag, PhD
Ramil D. Dacanay/Grace G. Abad
Tagasuri ng Wika: Loreto P. Lorido/Rochella C. David
Tagasuri sa ADM Format: John C. Paje, EdD/Emily F. Sarmiento, PhD
Tagasuri ng Paglapat at Pagguhit: Bryan Balintec/Donnalin Oliveros
Tagaguhit: Krislene Ida N. Mercado
Tagalapat: Ma. Remalyne G. Cruz, EdD
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Librado M. Rubio, PhD
Angelica M. Burayag, PhD
Ma. Editha R. Caparas, EdD
Nestor P. Nuesca, EdD
Marie Ann C. Ligsay, PhD
Amando P. Yutuc, PhD
Emily F. Sarmiento, PhD

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region03@deped.gov.ph
9

Araling
Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 5
Tungkulin ng Pamahalaan sa
Ekonomiya
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling:Tungkulin ng Pamahalaan sa
Ekonomiya!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit
sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul ukol sa Tungkulin ng Pamahalaan sa Ekonomiya.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.


Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

ii
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa


iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay


sa aralin. Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang


patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng mga gawaing makatutulong sa


iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawaing naglalayong matasa o masukat ang


antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.

iii
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong
Gawain gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga
Pagwawasto gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Sa nagdaang-aralin ay natutunan mo ang kahulugan ng pamilihan at mga


estruktura nito. Ngayon naman ating pag-aaralan ang mahalagang papel na
ginagampanan ng pamahalaan sa pagbabalanse at pagtiyak sa katatagan ng
pambansang ekonomiya.

Mula sa araling ito, ikaw ay inaasahang makalinang ng mga sumusunod na


kasanayan:

1. Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan sa ekonomiya


2. Nakapangangatwiran sa pakikialam ng pamahalaan sa ilang gawaing
pangkabuhayan
3. Napahahalagahan ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan sa
regulasyon ng mga gawaing pangkabuhayan

Subukin

Panuto: Piliin ang angkop na sagot sa bawat tanong. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa iyong sagutang papel.

1. Anong organisasyon ang may kakayahang gumawa ng batas at magkontrol ng


presyo?
a. Pamilihan b. Pamahalaan c. Mamimili d. Negosyante

2. Ang mga sumusunod ay mga tungkulin ng pamahalaan upang mapanatiling


matatag ang presyo sa pamilihan, alin dito ang HINDI kasali?
a. Pagtataguyod sa karapatan ng mga konsyumer at prodyuser
b. Pagtatakda ng price floor at price ceiling kung kinakailangan
c. Pagkakaloob ng subsidiya sa sa mga negosyante o mangangalakal
d. Panghuhuli sa mga lumalabag sa batas
3. Anong tawag sa pinakamataas na presyong pwedeng ipataw sa isang produkto
o serbisyo?
a. Price ceiling
b. Price floor
c. Price freeze
d. Suggested retail price

1
4. Ang pamahalaan ay nagpatupad ng price freeze sa lahat ng pangunahing
produkto kasama na ang mga kagamitang medikal bunsod ng Covid -19
pandemic. Paano nakakatulong ang ganitong pamamagitan ng pamahalaan?
a. Upang dumami ang mga negosyanteng tumigil na sa pagnenegosyo
b. Upang maiwasan ang pagsasamantala ng mga negosyante sa demand
nito
c. Upang mabili ng gobyerno ng mas mura ang mga produkto
d. Upang magamit ng gobyerno ang kanyang kapangyarihan sa
pagkontrol sa pamilihan

5. Bakit nagtatakda ng price control/price support ang gobyerno?


a. Upang ipakita ang kakayahan ng pamahalaan sa pagkontrol sa
pamilihan
b. Upang tulungan ang mga mamimili na makapagbadget
c. Upang maabot ang layuning maging self-sufficient ang bansa
d. Upang maiayos ang pamilihan ayon sa kapakinabangan ng mga
konsyumer at prodyuser

6. Alin sa mga pahayag sa ibaba ang nagpapakita ng aktibong pakikilahok ng


pamahalaan sa pamilihan?
a. Pagbibigay ng subsidiya sa mga magsasaka
b. Pagpapatupad ng price freeze sa panahon ng pandemya
c. Paglalaan ng pondo sa mga proyektong farm-to-market-road
d. Lahat ng nabanggit

7. Alin sa mga ito ang HINDI kasali sa mga serbisyong panlipunang


ipinagkakaloob ng pamahalaan?
a. Pabuwag sa monopolyo sa kalakalan
b. Pagpapatayo ng mga irigasyon, kalsada, tulay at iba pang istruktura
c. Pagdaragdag sa puwersa ng kapulisan upang masugpo ang
kriminalidad sa bansa
d. Paglalaan ng malaking pondo para tugunan ang kinakaharap na
pandemya

8. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI totoo?


a. Ang pagkontrol ng pamahalaan sa pamilihan ay ginagawa upang
patatagin ang ekonomiya ng bansa
b. Ang pagkontrol ng pamahalaan sa pamilihan ay kasama sa kanyang
mandato bilang tagapagtaguyod ng kapakanan ng kanyang
mamamayan
c. Ang pagkontrol ng pamahalaan sa pamilihan ay nagdudulot ng dis-
ekwilibriyo sa pamilihan at pagkakaroon ng implasyon
d. Ang pagkontrol ng pamahalaan sa pamilihan ay para sa parehong
kapakanan ng mga konsyumer at prodyuser

2
9. Kung ang presyo ng palay ay labis na mababa na maaaring magdulot ng
lubhang pagkalugi sa hanay ng mga magsasaka. Alin sa mga pagprepresyong
ito ng pamahalaan ang makakatulong para sa kanila?
a. Price ceiling
b. Price floor
c. Price freeze
d. Clearing price

10.Ano ang magiging epekto sa pamilihan kung ang pamahalaan ay magtatakda


ng price ceiling?
a. Magkakaroon ng ekwilibriyo sa pamilihan
b. Magdudulot ito ng dis-ekwilibriyo at lilikha ng kakulangan
c. Magdududlot ito ng dis-ekwilibriyo at lilikha ng kalabisan
d. Walang epekto ito sa pamilihan

11. Sa papaanong paraan naipagkakaloob ng pamahalaan ang serbisyong


panlipunan?
a. Sa pagpapanatili ng kapayapaan sa loob at labas ng bansa
b. Sa pagtataguyod ng mataas na antas ng kamuwangan para sa lahat
c. Sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga ospital upang matiyak ang
kalusugan ng mga mamamayan
d. Lahat ng nabanggit

12. Alin ang HINDI TOTO sa mga pahayag?


a. Tungkulin ng pamahalaan na magkaloob ng serbisyong panlipunan
b. Ang interbensyon ng pamahalaan sa pamilihan ay pagtitiyak sa
balanseng pamilihan
c. Ang pagkontrol ng pamahalaan sa presyo ay para lamang sa
kapakanan ng mga mamimili
d. Tungkulin ng pamahalaan na tiyaking hindi lamang sa iilan tatakbo
ang ekonomiya ng bansa

Para sa tanong sa 13 - 15. Uriin ang mga pahayag ayon sa tungkuling ginagampanan
ng pamahalaan sa pamilihan. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

a. Pagtataguyod ng kompetisyon
b. Pagtiyak sa katatagan ng ekonomiya
c. Pagakaloob ng serbisyong panlipunan

13. Pagsusulong sa dekalidad at mataas na antas ng kamuwangan para sa mga


mamamayan.

14. Pagtataguyod sa mga produktong lokal ng bansa.

15. Pagbuwag sa monopolyo sa pamilhan.

3
Binabati kita! Kung nasagot mo ng tama ang lahat ng mga katanungan,
maaari ka ng magtungo sa susunod na modyul. Kung hindi mo naman nakuha ang
lahat ng tamang sagot sa mga tanong, huwag mag-aalala sapagkat ituturo sa modyul
na ito ang mga bagay na kailangan mo pang matutunan tungkol sa mga salik ng
pagkonsumo.

Balikan

Ngayon naman ay ating susubukin ang iyong mga napag-aralan sa nagdaang


aralin. Narito ang ilang mga gawain na susubok sa iyong mga natutunan sa
kahulugan at mga estruktura ng pamilihan. Halina’t ating balikan ang iyong
natutunan!

WIKARAMBULAN

Panuto: Basahin ang mga salita at gamitin ito bilang clue sa mga konseptong iyo
nang napag-aralan. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. Ang unang salita ay
magsisilbi mong gabay.

ECHO GNOME MIX = EKONOMIKS

1. COME FEW TEETH SEAN = _______________________


2. MOON APPLE YOU = _______________________
3. FRESH SHOE = _______________________
4. FAME MILE LEE HAN = _______________________
5. OH LEAGUE GO POOL YOU = _______________________

ALIN BA DITO?

Panuto: Mula sa mga nabuo mong konsepto sa nagdaang aralin, tukuyin kung alin
dito ang sagot sa bawat pahayag. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

_______________ 1. Tumutukoy sa halaga ng kalakal o paglilingkod. Ito din ang


nagsisilbing motibasyon ng mga mamimilil at mangangalakal
sa kanilang pamimili at pagbebenta.

_______________ 2. Isang estruktura ng pamilihan na may maliliit o iilang nagbebenta


ng magkakatulad o magkakaugnay na produkto o serbisyo.

_______________ 3. Istruktura ng pamilihan na may iisa lamang na gumagawa ng


kalakal at ang produktong iyon ay walang kapalit.

_______________ 4. Lugar kung saan nagaganap ang interaksyon ng mga konsyumer


at prodyuser.

_______________ 5. Ito ay balangkas ng pamilihan na may uring ganap at di-ganap.

4
Aralin
Tungkulin ng Pamahalaan
8 sa Ekonomiya

Tuklasin

Suriin ang nasa larawan at sagutin ang mga sumusunod na tanong sa ibaba sa
iyong sagutang papel/portfolio:

1. Ano ang ipinahihiwatig ng nasa larawan?


2. Sa iyong palagay paano tinutugunan ng pamahalaan ang mga problemang
kinakaharap nito sa kasalukuyan?
3. Gaano kahalaga ang papel ng pamahalaan sa pagpapanatili ng katatagan ng
ekonomiya?
4. Maliban sa mga nasa larawan, ano-ano pa ang mga suliraning kinakaharap
ng ating gobyerno sa kasalukuyan?

5
Suriin

Kung ikaw ang pangulo ng Pilipinas sa panahong ito ng pandemya, ano ang
iyong higit na isasaalang-alang, ang pagpapatuloy ng quarantine upang
mapangalagaan ang buhay ng iyong mamamayan o ang pagbubukas ng ekonomiya
upang wakasan ang gutom na nararanasan ng mga tao? Batid kong ikaw man ay
nahihirapan sa pagsagot sa katanungan iyan, gayundin ang ating pamahalaan. Ang
ating pamahalaan ngayon ay nahaharap sa isang nakapahirap sa sitwasyon, naiipit
ito sa pagtugon sa ating pangangailangan sa kaligtasan at pangangailangang
pangkabuhayan.

Sa naunang bahagi ng modyul na ito, ipinakita kung ano-ano ang


kasalakuyang kinakaharap na problema ng ating pamahalaan. Sa modyul na ito,
ating palalawigin ang iyong kaalaman hinggil sa mga tungkulin ng ating pamahalaan
at pakikiaalam nito sa mga gawaing pangkabuhayan.

Ayon sa teoryang laissez faire, mas makabubuti sa ekonomiya ang hindi


pakikialam ng pamahalaan sa mga gawaing pang-ekonomiya. Mula dito, hindi dapat
pakialaman ng pamahalaan ang operasyon at pamamalakad sa mga industriya.
Ngunit dahil lubos na napakaraming produkto at paglilingkod ang hindi kayang
gastusan ng mamamayan, dito nagkakaroon ng pangangailangang mamagitan ng
pamahalaan. Ang mga kalsada, pampublikong ospital at paaralan, proteksyon laban
sa sunog at kriminalidad ay ilan lamang sa ipinagkakaloob ng pamahalaan sa
kanyang mamamayan na hindi kinakailangang bayaran.

Tungkulin ng Pamahalaan sa Ekonomiya

Ang pamahalaan ay kabahagi sa paggalaw ng ekonomiya. Sa pagtataguyod ng


katatagan ng ekonomiya, mahalaga na maging aktibo ang pamahalaan sa mga
gawaing pangkabuhayan. Narito ang mga pangunahing tungkulin ng pamahalaan
upang matiyak ang balanse sa ekonomiya:

1. Pagkakaloob ng Serbisyong Panlipunan.


Ang mataas na kriminalidad ng isang bansa ay hindi nakakahikayat sa
pamumuhunan. Ang pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan ay susi sa
pagiging matatag ng ekonomiya. Ang mataas na antas ng kamuwangan at
malusog na lakas-paggawa ay magreresulta ng mataas na produktibidad.
Ang paggastos sa imprastraktura upang mapabilis ang daloy ng tao,
serbisyo at produkto ay ilan lamang sa mga serbisyong panlipunan na
ipinagkakaloob ng pamahalaan upang makatulong na maiangat ang antas
ng ekonomiya ng bansa.

2. Pagtataguyod ng Kompetisyon.
Tungkulin ng pamahalaan na pangalagaan ang karapatan at kapakanan
ng mga mamimili kung kaya ang monopolyo sa anumang kalakal ay

6
mahigpit na binabantayan. Tinitiyak ng gobyerno na hindi sa iilang tao
lamang tatakbo ang ekonomiya.

3. Pagtiyak sa Katatagan ng Ekonomiya.


Ang Pilipinas ay sumailalim sa state of national emergency bunsod ng
Covid-19 pandemic. Dahil dito, itinakda ng pamahalaan ang presyo sa mga
pangunahing bilihin, ito ay upang mabawasan ang masamang epekto ng
kawalan ng hanapbuhay.

Ang Pamahalaan at Pamilihan

Katulad ng ibang mga sektor ng ating ekonomiya, mahalaga ang papel na


ginagampanan ng pamahalaan sa kanyang mamamayan. Ayon sa ating Saligang
Batas, tungkulin ng pamahalaan na paglingkuran at pangalagaan ang sambayahan.
Tungkulin niyang tiyakin na maging matatag at balanse ang ekonomiya ayon sa
kapakinabangan ng lahat. Halimbawa nito ay ang pagbuwag sa monopolyo sa
kalakalan, upang masiguro ang kompetisyon sa pamilihan at hindi lamang iilan ang
makikinabang sa ekonomiya.
Maliban sa pagtatakda ng buwis at pagbibigay ng mga pampublikong kalakal
at paglilingkod, ang pagtatakda ng presyo sa mga produkto at serbisyo ay isa rin sa
mga ginagawang pagbabantay ng pamahalaan sa pamilihan. Ang pagkontrol ng
pamahalaan sa presyo upang maiwasan ang sobrang implasyon ay tinatawag na
price stabilization. Ang pagkontrol na ito ay nahahati sa dalawang uri, ang price
ceiling at price floor.

Price ceiling – kilala bilang maximum price policy o pinakamataas na presyong


itinakda sa produkto o serbisyo na maaaring ipagbili. Ang pagmamarka sa produkto
ng suggested retail price ay ipinatutupad sa mga pangunahing pangangailangan ng
tao gaya ng bigas. Ito ay upang matiyak na abot-kaya pa rin ng mga mamamayan
ang presyo ng produkto lalo na sa panahong ito ng pandemya.

Price Floor – ito naman ay ang pinakamababang presyo na itinakda ng batas


para sa produkto o serbisyo o mas kilala bilang minimum price policy o price support.
Ginagawa ito bilang suporta ng gobyerno sa mga prodyuser na siyang
pinagmumulan ng kalakal o serbisyo.

Ang Metro Manila ay sentro ng kalakalan at komersyo ng bansa, ngunit dahil


sa lockdown bunsod ng pandemya, marami sa mga produktong agrikultural mula sa
iba’t-ibang mga probinsya ay hindi nakapasok sa dito. Dahil dito, nagkaroon ng
kalabisan sa suplay ng mga produktong agricultural sa mga probinsyang ito. Ang
kalabisang ito ay maaaring magdulot ng pagkalugi ng mga prodyuser, kaya naman,
ang pamahalaan ay magtatakda ng price floor upang maiwasan ang labis na
pagkalugi ng mga prodyuser.

7
Pagyamanin

SAGUTIN MO!

Panuto: Buuin ang dayagram at sagutin ang mga tanong sa ibaba.

PAMAHALAAN

MATATAG NA
EKONOMIYA

Mga Tanong:

1. Anu-ano ang mga bahaging ginagampanan ng pamahalaan sa ekonomiya?


2. Paano nakikinabang ang mga mamamayan sa mga gampaning ito ng
pamahalaan?
3. Mahalaga ba ang papel ng pamahalaan sa pagpapanatili ng katatagang
pang-ekonomiko ng bansa? Ipaliwanag ang iyong sagot.
4. Kung ikaw ang pangulo ng bansa, alin sa mga tungkuling ito ang bibigyan
mo ng higit na pagpapahalaga upang matiyak na magiging matatag ang
ekonomiya? Ipaliwanag ang iyong sagot.

8
BASA-ARTIKULO

Panuto: Basahin ang artikulo at sagutin ang mga tanong pagkatapos ng artikulo at
isulat sa iyong sagutang papel.

Mga'Price freeze' sa gamot, facial masks atbp. iniutos ng DOH kasunod ng Taal
eruption
James Relativo (Philstar.com) - January 15, 2020 - 10:53am

MANILA, Philippines — Nag-utos ng price freeze ang


Kagawaran ng Kalusugan, Martes, sa presyo ng gamot at
medical supplies kasabay ng patuloy na pag-aalboroto ng
Bulkang Taal sa Batangas.

Inilabas ito matapos ang mga ulat ng pagsasamantala ng


ilang retailers sa presyo ng ibinebentang mga N95 at dust
masks dahil sa banta ng peligrosong ashfall na ibinuga ng
bulkan.

Ang utos ay idinaan ni Health Secretary Francisco Duque III


sa pamamagitan ng department memorandum 2020-0005,
noong ika-14 ng Enero, 2020.

"Ang Department of Health (DOH) ay binigyan ng mandato


na bantayan at iregula ang presyo ng gamot at siguruhing
naproproteksyunan sila mula sa panghuhuthot, pag-iimbak
mga kartel at iba pa na makakapagkompromiso sa kanilang
access sa batayang pangangailangang pangkalusugan," sabi
niya sa Ingles.

"Dahil sa patuloy na mabilis na pagsabog ng Taal Volcano,


nag-uutos ang DOH ng price freeze sa mga Emergency
Medicines (Annex 1) sa lahat ng lugar na apektado ng
volcanic eruption."

Sa listahan, sinabing dapat nasa P45 hanggang P105 lang


ang mga N95 mask — malayo sa P200 bentahan na
isinusuplong ng iba.
Sabi pa ng DOH, dapat ay nasa P1.10 lang hanggang P8 ang
mga disposable face mask.

Mga Tanong:

1. Tungkol saan ang artikulong iyong binasa?


2. Anong ahensya ng gobyerno ang nagbigay ng mandato upang bantayan
ang presyo ng mga produktong medikal sa pamilihan?

9
3. Makatwiran ba ang pagkakaroon ng price freeze sa mga kagamitang
medikal? Ipaliwanag ang iyong sagot.
4. Bilang isang mamimili, paano nakakatulong sa iyo ang balita?

LETRA AT KAHON!

Panuto: Ibigay ang tamang sagot sa pamamagitan ng pagpunan ng letra sa bawat


kahon.

1. Isang organisasyong may kakayahang magtakda ng presyo sa pamilihan.

2. Lugar kung saan nagkakaroon ng interaksyon ang mga mamimili at


nagtitinda.

3. Kilala din bilang maximum price policy

P C

4. Kilala naman bilang minimum price policy.

P F

5. Pinapanatili ng pamahalaan ang katatagan nito.

10
PAMAHALAAN + PAMILIHAN

Panuto: Sagutin ang tanong sa pamamagitan ng discussion web chart.

Mahalaga ba ang papel


ng pamahalaan sa
pamilihan?

OO, HINDI,
sapagkat_______ sapagkat_______
________________ ________________
________________ ________________
________________ ________________
________________ ________________
________________ ________________
________________ ________________
________________ ________________
________________ ________________
________________ ________________

KONGKLUSYON
__________________________________________
__________________________________________
_______________________________________

VENN DIAGRAM

Panuto: Ipakita ang pagkakatulad at pagkakaiba ng price ceiling at price


floor.

price price
ceiling floor

11
Mga Tanong:

1. Ano ang pagkakatulad ng price ceiling at price floor?


2. Ano ang kanilang ipinagkaiba?
3. Nakakatulong ba ang mga ito sa mga konsyumer at prodyuser? Sa papaanong
paraan? Ipaliwanag ang iyong sagot.

TIMBANGIN MO

Panuto: Ipaliwanag kung paano itinataguyod ng pamahalaan ang dalawang


pangunahing aktor sa ekonomiya.Isulat ang sagot sa portfolio o sagutang papel.

PAMAHALAAN
KONSYUMER PRODYUSER

Isaisip

BALIK-TANAW
Panuto: Itala ang lahat ng bagay at impormasyong iyong natutunan sa aralin sa
pamamagitan ng pagsagot sa katanungan na nasa ibaba.

Gaano kahalaga ang papel ng pamahalaan sa pagpapanatili ng katatagan ng


ekonomiya? _____________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

12
Isagawa

Makalipas ang 29 na taon, ang Pilipinas ay muling nakaranas ngayon ng


resesyon dulot ng pakikipaglaban nito sa COVID – 19. Magbigay ng mga
mungkahing solusyon upang matugunan ng pamahalaan ang krisis na kinakaharap
nito sa mga sumusunod na sektor ng lipunan.

MGA MUNGKAHING SOLUSYON

KALUSUGAN

EDUKASYON

KABUHAYAN

Tayahin

URONG SULONG
Panuto: Isulat sa patlang bago ang bawat bilang ang SULONG kung may
katotohanan ang sinasabi sa pahayag at URONG kung wala itong katotohanan.

1. Tungkulin ng pamahalaan na itaguyod at pangalagaan ang kapakanan ng


kanyang nasasakupan.

2. Ang pagkontrol ng pamahalaan sa pamilihan ay para lamang sa


kapakinabangan ng mga konsyumer.

3. Ang pagkontrol ng pamahalaan sa pamilihan ay may layuning balansehin


ang ekonomiya.

13
4. Mas mainam para sa ekonomiya ang magkaroon ng mas mababang presyo
kaysa mataas na presyo.

5. Ang pagtatakda ng SRP sa mga produkto atserbisyo ay nagsisilbing gabay ng


mga konsyumer sa kanilang pamimili.

6. Lubos na nakikinabang ang mga konsyumer kapag may


price freeze.

7. Kumikita ng malaki ang mga prodyuser kapag ipinapatupad


ng pamahalaan ang price freeze.

8. Nagkakaroon ng kakulangan sa suplay kapag itinatakda


ng pamahalaan ang presyo.

9. May pakinabang na nakukuha ang pamahalaan kapag gumagastos ito para


sa mga imprastraktura tulad ng mga daan at tulay.

10. Ang pangingialam ng pamahalaan sa pamilihan ay ginagawa upang


maiwasan ang pagkabigo nito o tinatawag na market failure.

Gawain 2: Uriin ang mga sumusunod na pahayag ayon sa tungkuling ginagampanan


ng pamahalaan. Isulat ang SP para sa Serbisyong Panlipunan, PK para sa
Pagtataguyod ng Kompetisyon at PE para sa Pagpapatatag ng Ekonomiya.

1. Ang pinakamalaking porsyento ng badyet ng gobyerno ay nakalaan para sa


edukasyon.
2. Pagbuwag ng pamahalaan sa monopolyo sa kalakalan.
3. Pagbibigay ng ayuda sa mga maliliit na negosyo upang makapagpatuloy.
4. Ang pagkakaroon ng maayos na farm-to-market-road ay nakakatulong pareho
sa konsyumer at prodyuser.
5. Pagtataguyod sa mga produktong lokal.
6. Pagbibigay ng kabuhayan sa mga mamamayan.
7. Pakikilahok ng bansa sa mga usaping may kinalaman sa pandaigdigang
pamilihan.
8. Pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan ng bansa upang makahikayat sa
mga namumuhunan.
9. Pangingialam sa presyo para sa kapakinabangan ng mga konsyumer at mga
prodyuser.
10. Pagpapatupad ng price freeze sa panahon ng kalamidad.

14
Karagdagang Gawain

Panuto: Gumawa ng collage gamit ang pabalat ng mga produkto sa pamilihan.


Ipakita kung paano pinananatili ng pamahalaan ang katatagan ng ekonomiya at
pamilihan. Gamitin ang rubrik upang maging gabay sa paggawa ng collage.

15
Rubrik sa Paggawa ng Collage

Kraytirya Napakahusay Mahusay Nalilinang Nagsisimula


5 puntos 3 puntos 2 puntos 1 punto
Kagamitan sa Ang lahat ng Karamihan sa Kakaunti Hindi
paglikha mga mga ginamit lamang ang nagpapakita
kagamitan sa ay mga ng pagiging
paglikha ay nagpapakita kagamitang malikhain ng
nagpapakita ng pagiging ginamit sa mag-aaral
ng pagiging malikhain ng paglikha
malikhain ng mag-aaral
mag-aaral
Kaangkupan Malikhain at Mahusay ang Hindi Walang
sa paksa buong ginawang pag- malinaw ang kaugnayan
kahusayang uugnay sa kaugnayan ng ang likha sa
naiuugnay ang paksa likha sa paksang
ginawa sa mga paksang tinalakay
natutunan sa tinalakay
paksa
Kaisipan Nagpapakita Nagpapakita May ilang Walang
ng kahusayan ng kahusayan ideya ang orihinalidad
at orihinal na ngunit hindi orihinal sa paglikha
kaisipan marami sa
kaisipan ang
hindi orihinal
Kabuuang
Iskor (15
puntos)

16
17
Isaisip: Pagyamanin: Subukin:
Answer may vary SAGUTIN MO! 1. B
2. D
Isagawa Answer may vary 3. A
Maaaring magkaiba-iba ang BASA-ARTIKULO 4. B
mga sagot. 5. D
Answer may vary 6. D
Tayahin: 7. A
LETRA AT KAHON
8. C
URONG SULONG 9. B
1. Pamahalaan
1. Sulong 2. Pamilihan 10. A
2. Urong 3. Price ceiling 11. B
3. Sulong 4. Price floor 12. C
4. Urong 5. Ekonomiya 13. C
5. Sulong 14. B
6. Sulong 15. A
PAMAHALAAN +
7. Urong
PAMILIHAN Balikan:
8. Urong
9. Sulong Answer may vary
10. Sulong WIKARAMBULAN
VENN DIAGRAM
1. KOMPETISYON
Gawain 2:
Answer may vary 2. MONOPOLYO
1. SP 3. PRESYO
2. PK TIMBANGIN MO 4. PAMILIHAN
3. PE 5. OLIGOPOLYO
4. SP Answer may vary
5. PE ALIN BA DITO?
6. PE
1. PRESYO
7. PE
2. OLIGOPOLYO
8. SP
3. MONOPOLYO
9. PE
4. PAMILIHAN
10. PE
5. KOMPETISYON
Karagdagang Gawain
Answer may vary
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Mga Aklat:
Kagawaran ng Edukasyon. Ekonomiks Araling Panlipunan Modyul para sa
Mag-aaral. Pasig City: Vibal Group Inc., 2015, pp. 196 - 211

Cruz, N., Rillo, J., Viloria, E., Vivar, T. at De Dios, E. Ekonomiks: Batayang
Aklat sa Ikaapat na Taon. Quezon City: SD Publications Inc., 2000,
pp. 278 - 295

Imperial, C., Antonio, E., Dallo, E., Samson, M. and Soriano, C. Turning
Points Economics. Quezon City: Rex Bookstore, 2017. pp. 198 - 207

Website:

https://www.philstar.com/pilipino-
starngayon/bansa/2020/01/15/1985022/prize-freeze-sa-gamot-
facial-masks-atbp-iniutos-ng-doh-kasunod-ng-taal-eruption

https://www.google.com/imgres?imgurl=https%3A%2F%2Fmedia.philstar.c
om%2Fphotos%2F2020%2F01%2F30%2Foped_2020-01-30_21-53-
01.jpg&imgrefurl=https%3A%2F%2Fwww.philstar.com%2Fopinion%2
F2020%2F01%2F31%2F1989199%2Feditorial-novel-coronavirus-
here&tbnid=tHCrtN2o8Lgz1M&vet=12ahUKEwjHuvCEy-
3qAhVnxIsBHVxKDZkQMygyegQIARAa..i&docid=XMIdC4OSgJBDyM&
w=800&h=533&q=president%20duterter%20and%20coronavirus%20e
ditorial%20cartoon&ved=2ahUKEwjHuvCEy-
3qAhVnxIsBHVxKDZkQMygyegQIARAa

18
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education Region III-Learning Resources


Management Section (DepEd Region III-LRMS)

Office Address: Diosdado Macapagal Government Center


Maimpis, city of San Fernando (P)

You might also like