You are on page 1of 29

9

Araling
Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 2:
Sistemang Pang-Ekonomiya
Araling Panlipunan – Ikasiyam na baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 2: Sistemang Pang-ekonomiya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Ronilo AJ K. Firmo, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Raquel C. Castro


Tagasuri ng Nilalaman: Rowel S. Padernal/Angelica M. Burayag, PhD
Ramil D. Dacanay/Grace G. Abad
Tagasuri ng Wika: Loreto P. Lorido/Rochella C. David
Tagasuri sa ADM Format: John C. Paje, EdD/Emily F. Sarmiento, PhD
Tagasuri ng Paglapat at Pagguhit: Bryan Balintec/Donnalin Oliveros
Tagaguhit: Krislene Ida N. Mercado
Tagalapat: Ma. Remalyne G. Cruz, EdD
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Librado M. Rubio, PhD
Angelica M. Burayag, PhD
Ma. Editha R. Caparas, EdD
Nestor P. Nuesca, EdD
Marie Ann C. Ligsay, PhD
Amando P. Yutuc, PhD
Emily F. Sarmiento, PhD

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region03@deped.gov.ph
9

Araling
Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 2:
Sistemang Pang-Ekonomiya
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Sistemang Pang-Ekonomiya!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipuan 9 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul ukol sa Sistemang Ekonomiya!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.


Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

ii
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa


iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay


sa aralin. Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang


patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng mga gawaing makatutulong sa


iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawaing naglalayong matasa o masukat ang


antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.

iii
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong
Gawain gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga
Pagwawasto gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1.Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

2.Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.

3.Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4.Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa


pagwawasto ng mga kasagutan.

5.Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6.Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Sa modyul na ito inaasahang maisasagawa mo ang sumusunod na kabuuang


kasanayan:

1.Nasusuri ang iba’t ibang sistemang pang ekonomiya.

Kaugnay nito inaasahan din na iyong maisasakatuparan ang mga


sumusunod:

1.1. Naibibigay ang kahulugan ng sistemang pang ekonomiya; at


1.2. natatalakay ang mga sistemang pang ekonomiya ng ibat ibang uri o
anyo ng ekonomiya.

Subukin

Panuto: Piliin ang pinaka-angkop na sagot sa bawat tanong. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa iyong sagutang papel.

____ 1. Ito ay tumutukoy sa mekanismo ng paglalaan o pagbabahagi ng


Takdang dami ng pinagkukunang yaman ayon sa pangangailangan at
kagustuhan.
a. Alokasyon c. Organisasyon
b. Preparasyon d. Imbensyon

____ 2. Sa sistemang ito ay may kalayaan ang prodyuser at konsyumer na


kumilos ayon sa kanilang pakinabang, presyo ang nagtatakda kung
gaano karami ang gagawin produkto at gaano karami ang bibilhin ng
isang konsyumer
a. Tradisyunal na Ekonomiya c. Pampamilihang Ekonomiya
b. Pinag-utos na Ekonomiya d. Pinaghalong Ekonomiya

_____ 3. Sa sistemang ito, nasa ilalim ng komprehensibong control ng


pamahalaan ang produksyon ng pangunahing kalakal at paglilingkod.
a. Pinag-utos na Ekonomiya
b. Tradisyunal na ekonomiya
c. Pinaghalong Ekonomiya
d. Pampamilihang Ekonomiya

1
____ 4. Sa sistemang ito ang kagustuhan at pangangailangan ng tao ay
nakabatay sa kultura, tradisyon at paniniwala.
a. Tradisyunal na ekonomiya
b. Pinag-utos na Ekonomiya
c. Pampamilihang Ekonomiya
d. Pinaghalong Ekonomiya

____ 5. Ang sistemang ito ay kinapapalooban ng pinag-utos at pampamilihang


ekonomiya na kung saan malayang nakakalahok sa mga gawaing
pangkabuhayan ang mga negosyante na pinahihintulutan ng
pamahalaan.
a. Pinag-utos na Ekonomiya
b. Pinaghalong Ekonomiya
c. Pampamilihang Ekonomiya
d. Tradisyunal na Ekonomiya

____ 6. Sa sistemang pampamilihang ekonomiya malayang nakakalahok ang


dalawang pangkat ayon sa pansaring interes, Sino ang dalawang
kalahok na may malayang pagpili?
a. prodyuser at konsyumer
b. pamahalaan at pamilihan
c. teknolohiya at sambahayan
d. produkto at serbisyo

_____7. Sa sistemang pang-ekonomiya hindi magagawa lahat ng pamahalaan


ang mga produktong kailangan ng mga tao ayon sa dami at uri ng gusto.
Anong katanungan ang sumasagot dito?
a. Para kanino ang gagawing produkto?
b. Gaano karami ang gagawing produkto?
c. Paano gagawin ang produkto?
d. Ano-anong produkto ang gagawin?

____ 8. Sa anong sistemang pang -ekonomiya na kung saan kontrolado ng


pamahalaan ang ipoprodyus na produkto.
a. Pinaghalong-Ekonomiya
b. Tradisyunal na Ekonomiya
c. Pampamilihang –ekonomiya
d. Ipinag-utos na ekonomiya

____ 9. Sa sistemang pinaghalong ekonomiya, sino ang karaniwang


nagpapasya?
a. Pamahalaan
b. Tao
c. Pamilihan
d. Pamahalaan at tao

2
____ 10. Anong sistemang pang ekonomiya na kung saan hindi
mahirapsagutin kung ano ang lilikhaing produkto?
a. Tradisyunal na Ekonomiya
b. Pamilihang Ekonomiya
c. Pinag-utos na ekonomiya
d. Pinaghalong –Ekonomiya

____ 11. Sa anong paraan ng pagpapasya naka base ang pangangailangan


ng sistemang tradisyunal?
a. presyo at produkto
b. tao at lipunan
c. paniniwala at kultura
d. serbisyo at produkto

____ 12. Sa anong sistemang pang ekonomiya na kung saan kusa at


boluntaryo ang mga gawaing pang-ekonomiko.
a. Tradisyunal na Ekonomiy
b. Pinag-utos na Ekonomiya
c. Pampamilihang Ekonomiya
d. Pinaghalong Ekonomiya

____ 13. Kailangan malaman ang laki ng pangangailangan ng ekonomiya para


makapagdesisyon sa gagawing produkto. Anong katanungan sa pang
ekonomiya ang sumasagot dito?
a. Anong produkto ang gagawin?
b. Paano gagawin ang produkto?
c. Para kanino ang gagawing produkto?
d. Gaano karami ang gagawing produkto?

____ 14. Ang makikinabang sa produkto at serbisyo ang nagsisilbing gabay para
makalikha at maipagpatuloy ang produksiyon. Anong katanungan
pang-ekonomiko ang sumasagot dito?
a. Gaano karami ang gagawing produkto
b. Para kanino ang gagawing produkto?
c. Anong produkto ang gagawin?
d. Paano gagawin ang produkto?

____ 15. Sa sistemang ito maaaring gumamit ng teknolohiya upang


maisakatuparan ang paglikha ng produkto at serbisyo. Anong
katanungang pang-ekonomiya ang sumasagot dito?
a. Paano gagawin ang produkto?
b. Para kanino ang gagawing produkto?
c. Gaano karami ang gagawing produkto?
d. Anong produkto ang gagawin?

Paalala: Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

3
Balikan

Matatandaan na sa kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks natalakay natin


na ang pinakamahalagang konsepto ay ang tamang paggamit ng limitadong
pinagkukunang yaman dahil ang tao ay may walang hanggang pangangailangan.
Mahalagang isaalang-alang ang tamang pamamahagi at tamang paggamit ng mga
ito upang maiwasan ang pag-aksaya.

HULARAWAN NATIN!

Panuto: Suriing mabuti ang mga larawan upang matukoy ang hinahanap na salita.
Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

O A Y N

4
Pamprosesong tanong:

1. Naging madali ba ang pagsagot sa larawan?


______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Maaari mo bang bigyang kahulugan ang nabuong salita?


______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

3. Ano-anong mga palatandaan ang nakita mo sa mga larawan para agad


mong makuha ang tamang salita?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

Binabati kita at Mahusay mong naisagawa ang mga gawain bago ang araling
ito.

Mga Tala para sa Guro


Mahalagang malaman natin na hindi lamang ang kasalukuyang
pangangailangan ng tao ang binibigyan natin ng solusyon. Ang
pag-alam kung Ano? Paano? Para kanino? at Gaano karami ang
gagawing produkto at serbisyo? kaabit ng pagiging responsible sa
paggamit ng mga resorses na meron tayo sa kasalukuyan ang
sasagot sa suliranin sa kakapusan.

5
Aralin

1 Sistemang Pang-Ekonomiya

Tuklasin

Ang lahat ng mga bansa sa daigdig sa kasalukuyan ay nakararanas ng


suliraning pangkabuhayan lalo na sa kakapusan. Dahil dito, mahalagang maging
malinaw sa bawat isa ang takdang dami sa paggamit ng mga pinagkukunang yaman.
Kinakailangan maging malinaw sa bawat isa ang layunin ng paggamit sa mga
limitadong pinagkukunang yaman ng ating bansa. Kaugnay nito, mahalagang
isaalang–alang ang matalinong pagpapasya kung Gaano karami ang gagawing
produkto? Para kanino ito gagawin? Paano ito gagawin? at Anong produkto ang
gagawin?
Ang mga katanungan ito ang sasagutan sa tamang pamamahagi ng
limitadong pinagkukunang yaman para matugunan ang walang hanggang
pangangailangan ng tao.

Suriin

Sistemang Pang-Ekonomiya

Ang Sistemang Pang Ekonomiya ay tumutukoy sa institusyonal na


kaayusan at paraan upang maisaayos ang mga paraan ng produksiyon, pagmamay-
ari at paglinang ng mga pinagkukunang yaman at pamamahala ng mga gawaing
pang ekonomiko sa lipunan. Sinasabing ito rin ay may kinalaman sa
pagsasaayos ng yunit upang makatugon sa suliraning pangkabuhayan sa lipunan.
Layunin nito na mapigilan ang labis-labis na paglikha ng mga produkto at serbisyo
upang maiwasan ang kakulangan sa mga ito.

Samantala, upang maipamahagi ng tama at epektibo ang mga


pinagkukunang –yaman, produkto at serbisyo, ang mekanismo ng alokasyon ang
siyang ginagamit. Ang Alokasyon ay isang paraan o mekanismo upang maayos na
maipamahagi at magamit ng tama ang lahat ng pinagkukunang yaman ng bansa.
Sa mga sistemang pang ekonomiya laging sinasagot ang apat na pangunahing
katanungang pang ekonomiko. Una, Ano- anong mga produkto at serbisyo ang

6
gagawin? Sa katanungang ito mahalagang isaalang alang kung anong produkto at
serbisyo ang kailangan ng bawat tao sa lipunan. Pangalawa, Paano gagawin ang
nasabing produkto at serbisyo? Sa katanugan ito nakasalalay ang teknolohiya
ganoon din ang tradisyonal na paglikha ng produkto. Pangatlo, Para kanino ang
gagawing produkto at serbisyo? Ito naman ay sumasagot kung sino ang
makikinabang at sino ang may kakayahang bumili ng nasabing produkto at serbisyo.
Panghuli, Gaano karami ang mga produkto at serbisyong gagawin? Dito naman
nakasalalay ang laki ng ipoprodyus o lilikhaing produkto base sa pangangailangan
lamang ng ekonomiya.

Iba’t-ibang Sistemang Pang-Ekonomiya at ang Sistema ng Alokasyon

Dahil sa pagbabago ng panahon iba-iba ang mga umiiral na sistemang pang


ekonomiya. Ang mga sumusunod na mga sistemang pang ekonomiya ang umiiral sa
daigdig hanggang sa kasalukuyan:

Tradisyunal na Ekonomiya

Sa sistemang ito, ang pagsagot sa mga katanungan pang ekonomiko ay


nakabatay lamang sa kanilang paniniwala, kultura at tradisyon. Ang tanong na, Ano
ang lilikhaing produkto? ay hindi mahirap sagutin dahil ang kanilang
pangangailangan ay naka batay lamang sa mga pangunahing panangangailangan
gaya ng damit, pagkain at tirahan. Maging ang katanungang paano gagawin ang
produkto? Hindi ito mahirap masagot dahil kung ano lamang ang kanilang
nakagisnan at naipasa ng kanilang mga ninuno sa pamamaran ng paglikha ang
kanilang ginagamit. Isang halimbawa nito ay ang pagtatanim ng palay at pagkaing
halaman na siyang nakagisnan na ng kanilang mga ninuno at naging bahagi na ng
kanilang buhay.

Pampamilihang Ekonomiya

Sa sistemang ito may kalayaan ang bawat tao na pumasok sa mekanismo ng


pamilihan at hindi nanghihimasok ang pamahalaan sa aktibidad ng ekonomiya.
Tanging konsyumer at prodyuser ang kumikilos alinsunod sa kanilang pansariling
interes na makuha ng malaking pakinabang. Sa sistema ding ito, ang mga nasa
lakas-paggawa ay maaaring makapili kung anong trabaho ang kanilang papasukin,
samantalang ang pagkakaroon ng kompetisyon ay makikita din dito dahil
pinapayagan ang may kakayahan na magprodyus at mangapital o bumili ng
produkto. Masasabing laging presyo ang kanilang ugnayan at basehan ng
pangasiwaan. Presyo din ang nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng isang
mamimili at kung gaano rin karami ang lilikhaing produkto ng isang prodyuser. Ibig
sabihin lamang nito na ang dami na kayang ibenta ng mga prodyuser ay katumbas
din ng kayang bilhin ng konsyumer Samakatuwid, ang presyo din ang nagsisilbing
pambalanse sa interaksyon sa pagitan ng prodyuser at konsyumer.

Samantala ang tungkulin ng pamahalaan na bigyang proteksyon ang


kapakanan ng mga pag-aaring pampribado. Kabilang dito ang mga batas na
mangalaga sa kapakanan at karapatan ng mga pribadong indibidwal.

7
Ipinag-utos na Ekonomiya

Sa sistemang ito tanging estado o pamahalahan ang nagdidikta ng patakaran


sa kalakalan, alinsunod sa planong nauukol sa pagsusulong ng ekonomiya. Sa
katunayan, ang pagpapasya sa proseso ng mga gawaing pang ekonomiya ay
sentralisado o nasa kamay lamang ng pamahalaan. Tinutukoy din ng pamahalaan
ang gagamiting pinagkukunang yaman sa paglikha ng mga kapital. Paano nalalaman
ang kita sa lipunan sa sistemang ito? Pamahalaan din ang may kontrol sa
distribusyon ng kita sa lipunan sa pamamagitan ng pagtatakda ng pasahod para sa
iba’t ibang uri ng hanapbuhay. Samantalang ang kinikita sa mga lupang sakahan
ay maaaring matukoy sa pagtatakda ng halaga mga bawat produktong nagmumula
dito.

Sa kasalukayan, ang bansang North Korea ang may ganitong uri ng sistema.

Pinaghalong Ekonomiya

Ang sistemang ito ay kinapapalooban ng elementong pamilihan at pinag-utos


na ekonomiya. May regulasyon sa kapital at ang kapitalista ang nagtatakda ng
presyo at sahod. Ang mga trabaho ,talino, paggawa at kakayahan ay katumbas ng
kita. Kadalasan may mga batas din na sumasakop sa produksiyon at pagkonsumo,
may taripa ring sinasabi sa kalakalan. Sa sistemang ito hinahayaan dito ang
malayang pagkilos ng pamilihan subalit maaaring manghimasok ang pamahalaan
sa mga usaping nauukol sa pangangalaga sa kalikasan, katarungang panlipunan at
mga pag mamay-ari ng estado. Sa sistemang Pinaghalong Ekonomiya,
pinahihintulutan ang mga pribadong negosyante na makagawa ng mga pagpapasya,
gayunpaman hindi ito nangangahulugang ganap ang kanyang kapangyarihan.
Karamihan pa rin ng kanilang desisyon ay ginagabayan ng pamahalan lalo na para
sa kapakanan ng mas nakararami.

Katangian at Paraan ng Pagpapasya sa Sistemang Pang-Ekonomiya

Sistemang Pang
Katangian Nagpapasya Paraan ng Pagpapasya
Ekonomiya

Payak ang Paniniwala, Kultura


Tradisyunal na pamumuhay at
Lipunan /tribu
Ekonomiya mabagal ang
pag-unlad
Kusa o Presyo ng Produkto
boluntaryo ang Pamilihan Pansariling Interes-
Pampamiilihang
mga gawaing Konsyumer
Ekonomiya
pang - Prodyuser
ekonomiko
Kontrolado ng Pamahalaan ang
pamahalaan nagpapasya kung Ano,
Pinag-uots na
ang mga Pamahalaan Paano, Gaano at Para
Ekonomiya
gawaing pang- kanino ang Produktong
ekonomiko gagawin

8
Ang Mga tao ang pumipili
pamahalaan at kung ano ang
pribadong tao ipoprodyus na
Pinaghalong- ay maaring Pamahalaan at produkto
Ekonomiya mag may-ari Tao Kadalasang kinokontrol
ng mga ng pamahalaan ang
pinagkukunan mga mahahalagang
g yaman. resorses ng bansa

Laging nating tandaan na ang pangunahing layunin ng sistemang pang


ekonomiya ay magkaroon ng maayos na pamamahagi upang mabigyang solusyon
ang tama at pantay na distribusyon sa mga pinagkukunang –yaman.

Pagyamanin

Ating Tukuyin!

Panuto: Isa-isahin ang mga katangian ng sistemang pang-ekonomiya sa


pamamagitan ng pagpapakita ng negatibo at positibong epekto sa pang araw-araw
na pamumuhay ng tao at sa ekonomiya. Gawing gabay ang diagram sa ibaba. Gawin
ito sa iyong sagutang papel.

Alokasyon
(Ano-ano, Gaano, Paano, Para kanino)

Sistemang Pang –Ekonomiya


(Paraan ng Pamamahagi)

Tradisyunal na Pampamilihang
Pinag-halong
Ekonomiya Pinag-utos na
Ekonomiya Ekonomiya
(Kultura at Konsyumer at Ekonomiya
(tao at
prodyuser (Pamahalaan)
paniniwa) Pamahalaan)

9
SISTEMANG
POSITIBO KATANGIAN NEGATIBO KATANGIAN
PANG-EKONOMIYA
Tradisyunal na
Ekonomiya
Pampamilihang
Ekonomiya
Pinag-utos na
Ekonomiya
Pinaghalong
Ekonomiya

Tanong at Sagot

Panuto: Basahing mabuti ang nilalaman ng kahon. Pagkatapos sagutin sa iyong


sagutang papel kung anong katanungang pang-ekonomiko ang hinihingi batay sa
halimbawa na nasa kanang bahagi.

Apat na pangunahing Katanungang Ekonomiko

 Ano-ano ang mga produkto at serbisyong gagawin?


 Paano gagawin ang produkto at serbisyo?
 Para kanino ang gagawing produkto at serbisyo?
 Gaano karami ang gagawing Produkto at serbisyo?

MGA KATANUNGANG PANG-


MGA PRODUKTO AT SERBISYO
EKONOMIKO
Damit, Gulay, Mais, Palay, kotse,
computer
Paggamit ng mga makinarya at iba
pang mga imprastraktura, renta sa
lupa
Mga tao o mamamayan sa loob at labas
ng bansa
10 toneladang palay, isang trak na mga
gulay

10
Panuto: Sagutin ang mga tanong na nasa kahoy ayon sa hinihingi. Gawin
ito sa iyong sagutang papel.

Tradisyunal na Pampamilihang Pinag-utos na Pinaghalong


Tanong
Ekonomiya Ekonomiya Ekonomiya Ekonomiya
Anong
kalagayan ng
tao sa
lipunan?
Ano ang
partisipasyon
ng
pamahalaan?
Sino ang
namumuhun
an?
Sino ang
nagmamay-
ari ng
negosyo?
Sino ang
nag-papasya?

TAPATANG SISTEMA BA KAMO?

Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na ideya base sa natutuhan sa sistemang


pang ekonomiya. Sagutin ito sa iyong sagutang papel.

1. Sa iyong palagay tama ba ang ideya ng panghihimasok ng pamahalaan sa


mga gawaing pang-ekonomiya?

11
2. Sumasang-ayon kaba sa malayang pamilihan na kung saan ang
prodyuser at konsyumer ang kumikilos alinsunod sa sarili nilang
interes?

3. Sa iyong palagay, Anong sistemang pang ekonomiya ang dapat


ipatupad sa ating bansa?

12
FILL IN THE BOX NA YAN!

Panuto: Punan ng mga tamang impormasyon ang Graphic Organizer. Ayon sa


natalakay na arlin. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

•Katangian •Katangian

Tradsisyunal Pampamiliha
na ng
ekonomiya Ekonomiya

Pinag-utos
Pinaghalong
na
Ekonomiya
Ekonomiya

•Katangian •Katangian

SUMANG-AYON O DI SUMASANG -AYON.

Panuto: Isulat ang titik S kung ikaw ay sumasang-ayon sa pahayag at DS kung ikaw
ay di sumasang-ayon sa pahayag. Gawin ito sa inyong sagutang papel.

____ 1. Pangunahing layunin ng sistemang pang-ekonomiya ay


magkaroon ng maayos na pamamahagi ng mga produkto at
serbisyo.

____ 2. Mahalaga na ang pamahalaan ang nagpapasya kung gaano,


paano, kanino at paano gagawin ang produkto ng isang bansa
upang maiwasan ang kakapusan.

13
____ 3. Mahalaga ang tungkulin ng pamahalaan na bigyang proteksyon
ang kapakanan ng mga pag-aari ng pampribado, kabilang dito
ang batas sa pangangalaga sa karapatan at kapakanan ng
pribadong indibidwal.

____ 4. Mahalaga na ang pamahalaan ang may kontrol at nagdidikta sa


mga gawaing pang-ekonomiko ng isang bansa.

____ 5. Nakasalalay sa sistemang pang-ekonomiya ang pag-unlad ng


isang bansa.

____ 6. Mas nakakabuti ang tradisyunal na ekonomiya sa bansang


papaunlad pa lamang.

____ 7. Mahalagang malaman natin ang iba’t ibang sistemang pang


ekonomiya ng bansa upang maunawaan natin ang kalagayang
pang-ekonomiya.

____ 8. Madaling makasabay sa agos ng pagbabago kung ang bansa ay


nasa pinaghalong sistemang pang-ekonomiya.

____ 9. Dapat isa alang -alang ang kultura, paniniwala at tradisyon ng


isang bansa sa usaping pang ekonomiya.

____ 10. Mabilis ang pag-unlad ng ekonomiya kahit walang mataas na


antas ng teknolohiya.

14
Isaisip

DAPAT PUSO AT ISIP!

Panuto: Gumawa ng isang repleksiyon tungkol sa mga mahahalagang impormasyon


na iyong natutuhan sa araling ito. Maaring gumawa ng sariling pamagat.

_______________________________
(Pamagat)

_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

______________________
Pangalan at Lagda

15
Isagawa

PLEDGE OF COMMITMENT
Panuto: Bilang isang mag-aaral, miyembro ng pamilya at bahagi ng lipunan.
Gumawa ng isang pledge of commitment upang makatulong sa paglutas sa mga
suliraning pang-ekonomiya.

Pledge of Commitment
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

Pinagtitibay at nilagdaan ngayon ika- ________________ ng


________, 20______.

__________________________________________
Pangalan at Lagda

16
Tayahin

A. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat sa kahon ang salitang
hinihingi ng bawat pangungusap.

1. Sa sistemang ito boluntaryo o kusa ang gawaing pang ekonomiko,


tanging konsyumer at prodyuser ang kumikilos alinsunod sa
kanilang pansariling interes na makuha ng malaking pakinabang.

2. Mekanismo ito na layuning maisaayos na maipamahagi at


magamit ng tama ang lahat ng pinagkukunang yaman ng bansa.

3. Pinahihintulutan sa sistemang ito na makagawa ng mga


pribadong pagpapasya, gayunpaman hindi ito nangangahulugang
ganap ang kanyang kapangyarihan. Karamihan pa rin ng
kanilang desisyon ay ginagabayan ng pamahalan.

4. Sa sistemang ito, masasabi na ang lipunan ay nakagagawa ng


alokasyon sa mga pinagkukunang-yaman batay sa kultura at
tradisyon at kaugalian ng mga tao.

5. Pamahalaan ang may kontrol at nagdidikta sa mga gawaing pang-


ekonomiko.

6. Sistemang pang-ekonomiya kung saan ang pamahalaan ang


nagpapasya kung ano, paano, gaano at para kanino ang
produktong gagawin?

7. Sa pampamilihang ekonomiya, ang nagtatakda o humihikayat sa


prodyuser at konsyumer na gumawa at bumili ng produkto at
serbisyo ay ang______________________.

8. Ang pangunahing dahilan bakit kailangan ang alokasyon at


sistemang pang ekonomiya sa bansa.

9. Sa sistemang ito payak ang pamumuhay kung kaya’t masasabing


mabagal ang pag-unlad dahil kadalasan makalumang sistema
ang ginagamit.

10. Tumutukoy sa isang institusyonal na kaayusan at paraaan upang


maisaayos ang mga paraan ng produksiyon, pagmamay-ari at
paglinang ng mga pinagkukunang yaman at pamamahala ng mga
gawaing pang-ekonomiko sa lipunan.

17
B. Panuto: Kilalanin ang mga sumusunod na kahulugan. Ilagay ang
tamang sagot sa mga nakalaang kahon.

1. Ito ay tumutukoy sa mekanismo ng pamamahagi ng produkto at serbisyo.

2.Sa sistemang ito malayang kumikilos ang prodyuser at konsyumer alinsunod


sa sariling interes na makukuha ng malaking pakinabang. Presyo ang kinikilang
nagbabalanse sa konsyumer at prodyuser.

3.Ang sistemang ito ay nakabatay sa kultura at paniniwala. Ang katanungan


ano ang gagawing produkto ay madaling masagot dahil pangunahing
pangangailagan lamang ang kanilang tinutugunan.

4. Sa sistemang ito kontrolado ng pamahalan ang lahat ng may kinalaman sa


pagsulong ng gawaing pang ekonomiya.

5. Hinahayaan lamang ang pamilihan sa pagkilos, ngunit karamihan ng


pagkilos ay ginagabayan ng pamahalaan.

18
Karagdagang Gawain

Oplan Pagsasaliksik!

Panuto: Magsaliksik ng mga bansa na may iba’t ibang sistemang pangkabuhayan


tulad ng iyong napag-aralan. Tukuyin ang mga bansang maunlad na nasa ilalim ng
mga sistemang ito. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

BANSA SISTEMANG PANG EKONOMIYA

1.

2.

3.

4.

5.

19
20
Pagyamanin na Aralin
1,2,3,4,5,6
Maaring magkakaiba ang
sagot.
Subukin Tayahin: Gawain 2 Tayahin Gawain 1
1. A 1. Aloaksyon 1. Pampamilihang
2. C 2. Pampamilihang Ekonomiya
3. A Ekonomiya 2. Alokasyon
4. A 3. Tradisyunal na 3. Pampamilihang
5. B ekonomiya Ekonomiya
6. A 4. Pinagutos na 4. Tradisyunal na
7. D Ekonomiya Ekonomiya
8. D 5. Pinaghalong 5. Pinag-utos na
9. D Ekonomiya Ekonomiya
10. A 6. Pinag-utos na
11. C Ekonomiya
12. C 7. Presyo
13. D 8. Kakapusan
14. B 9. Tradisyunal na
15. A Ekonomiya
10. Sistemang pang -
Ekonomiya
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Balitao, B., Martiniano, B., Edward, G. (2015)-Ekonomiks Araling Panlipunan


Modyul para sa Mag-aaral. Kagawaran ng Edukasyon Pilipinas

Balitao., B. Buising., M. Garcia.De Guzman. A. Lumibao. J. Mateo. Mondejar., I.


(2015) Ekonomiks Araling Panlipunan- Modyul para sa Mag-aaral: Pasig City
Philippines: Vibal Group, Inc.
Department of Education, Culture and Sports (DECS). (n.d).Project Ease Module,
Pasig City:DECS

Ferrer, J., Leonardo., A. Ariola., T. (2009): Ekonomiks para sa Mataas na Paaralan:


Quezon City, Philippines: St. Bernadeth Publishing House Corporation

Imperial, C. Ma. Carmelita B. Samson, Evangeline Dallo, Eleonor D. Antonio, Celi


D. Soriano n.d (2015) Pana-panahon, Ikaapat na taon : Ekonomiks.Sampaloc,
Rex Book Store

Nueva., S., Lauron M., (2002) BEC- Ekonomiks para sa Filipino Kagawaran ng
Edukasyon Pilipinas

Opulencia., L. Peralta., A., Pigon., E. (2004). Gabay sa Pag-aaral ng Ekonomiks.


Peralta Publications., Bagong Ilog Pasig City, Philippines

Pagoso, C., Nayve., RJR., Cruz. M, (2003) Phillipine ECONOMICS Paranque City,
Philippines: Nelson Publishing House

Santiago, A., Fenequinto, L., Valenzuela S., (1998) Ekonomiks Para sa Mataas na
Paaralan: Dalandanan, Valenzuela City: JO-ES Publishing and Printing
Haouse

Torres., Roderick. (2008) Workbuk sa Araling Panlipunan IV. Quezon City Philiipines
St. Bernadeth Publishing House.

https://sites.google.com/site/kahuluganngekonomiks/services

https://www.academia.edu/39681793/Aralin_1_Kahulugan_at_Kahalagahan_ng_E
KONOMIKS

https://quizizz.com/admin/quiz/5d1a800b02aa03001b9f5401/kahulugan-at-
kahalagahan-ng-ekonomiks

https://owl.purdue.edu

21
https://www.intelligenteconomist.com/malthusian-theory/#1-population-and-
food-supply

https://journals.lww.com/pidj/fulltext/2005/11001/history_and_recent_advances
_in_coronavirus.12.aspx

22
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education Region III-Learning Resources


Management Section (DepEd Region III-LRMS)

Office Address: Diosdado Macapagal Government Center


Maimpis, city of San Fernando (P)

You might also like