You are on page 1of 24

9

EsP
Unang Markahan - Modyul 3
Katangian ng Mabuting
Ekonomiya
EsP9PL-Ie-3.1
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang
Supplementary Learning Resource

Unang Markahan- Katangian ng Mabuting Ekonomiya


Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon paman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul
na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang
mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng
mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Education - Region III


Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Ronilo Al K. Firmo PhD, CESO V
Librada M. Rubio PhD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat : Khristine R. Donato
Tagaguhit : Abigail DT. Avino
Tagalapat : Richard C. Paragas
Tagaguhit ng Pabalat : Mark G. Asuncion
Editor : Julieta U. Rivera PhD
Tagasuri : Normita M. Ocampo

Tagapamahala
Ma. Editha R. Caparas EdD
Rosalinda S. Ibarra PhD
Erleo T. Villaros PhD
Estrella D. Neri
Normita M. Ocampo

Department of Education Region III – Learning Resource Management


Section (DepEd Region III-LRMS)
Office Address: Diosdado Macapagal Government
Center Maimpis, City of San Fernando (P)
9
EsP
Unang Markahan
Katangian ng Mabuting
Ekonomiya
EsP9PL-Ie-3.1

Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na


inihanda ng mga edukador mula sa mga pampublikong
paaralan at sinuri ng Regional Quality Assurance Team ng
DepEd Region III.

Hinihikayat namin ang mga guro at iba pang nasa larangan


ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi
sa Kagawaran ng Edukasyon sa sanfernando.city3@deped.
gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.


Panimulang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao Ikasiyam na Baitang


ng Supplementary Learning Resource para sa Unang Markahan- Katangian ng Mabuting
Ekonomiya.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito’y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano
gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao Ikasiyam na Baitang ng Proyektong
CAP-LRE Supplementary Learning Resource ukol sa Unang Markahan – Katangian ng
Mabuting Ekonomiya.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan
ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng
mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


Alamin
matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang
Subukin
lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

i
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan
Balikan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang
leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakiki-lala sa iyo
Tuklasin sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pag-talakay sa
Suriin aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang
bagong konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawain para sa malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
Pagyamanin kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang
Isaisip patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung
anong natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang
Isagawa maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o ma-sukat ang antas
Tayahin
ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong pani-bagong gawain
Karagdagang upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa
Gawain natutuhang aralin.
Susi sa Pag- Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga
Wawasto gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang

Sanggunian Ito ang naglalaman ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang


ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob
sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat
ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Laging itanim sa iyong isipang
hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!
ii
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa upang higit na malinang ang antas ng


iyong kaalaman sa pagkilala ng mga katangian ng mabuting ekonomiya.

Dagdag pa rito, pagkatapos ng aralin sa modyul na ito ikaw ay inaasahang:

1. Nakikilala ang mga katangian ng mabuting ekonomiya.


2. Naibibigay ang kahulugan ng lipunang pang-ekonomiya.
3. Nakagagawa ng poster na nagpapakita ng isang lipunang may magandang
ekonomiya.

Subukin

Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang mga sumusunod na tanong. Piliin
ang titik ng wastong sagot. Itala ang wastong sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ang paniniwala na ang tao ay pantay-pantay ay nakaugat sa katotohanan na.


A. Nilikha ang lahat ng Diyos.
B. Lahat ay dapat mayroong pag-aari
C. Lahat ay may kanya-kanyang angking kaalaman
2. Ano ang kahulugan ng prinsipyo ng proportio ayon kay Sto. Tomas de Aquino?
A. Pantay na pagkakaloob ng yaman sa lahat ng tao
B. Angkop na pagkakaloob ng yaman ayon sa pangangailangan ng tao
C. Pantay na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan at pangangailangan ng tao

3. Sa ating lipunan, alin sa sumusunod ang patunay na naitatali na ng tao ang kaniyang sarili
sa bagay?
A. Para kay Jerome mas nararamdaman niya ang tunay na kaligayahan kapag siya
ay tumutulong sa kaniyang kapwa.
B. Dahil sa kalamidad na dumating sa Aurora mas pinili ni Chloe na ibigay ang
kaniyang mga damit kahit pa ito ay may sentimental value sa kanya.
C. Mas nararapat lamang na makatanggap ang isang tao ng tulong mula sa
pamahalaan, kahit na kaya naman niya itong bilhin o kaya hindi naman niya
kailangan.

4. Ang sumusunod ay naglalarawan sa lipunang pang-ekonomiya maliban sa:


A. Maihahalintulad ang ekonomiya sa pamamahala sa bahay.
B. Pagkilos para sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan.
C Pangangasiwa ng yaman ng bayan na para sa mga mahirap lamang.

1
5. Sa lipunang pang-ekonomiya, ano ang pagkakaiba ng pantay sa patas?
A. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao sa lipunan,
ang patas ay pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa kaniyang
pangangailangan.
B. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao sa lipunan,
ang patas ay pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa kaniyang kakayahan.
C. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa
lipunan, patas ay ang paggalang sa kanilang Karapatan.

6. Paano masisiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa Lipunang Pang-


ekonomiya?
A. Nagbibigay ng tulong pinansiyal ang pamahalaan.
B. Tinutulungan ng estado ang mga manggawa na makahanap ng hanapbuhay sa
ibang bansa.
C. Sa pangunguna ng estado, napapangasiwaan at naibabahagi ng patas ang yaman
ng bansa.

7.Bakit mas epektibo ang patas kaysa pantay na pagbabahagi ng yaman ng


ng bayan?
A. Dahil hindi pantay pantay ang kakayahan ng mga tao.
B. Karapatan ng lahat ng mamamayan na makatanggap ng para sa kanila.
C. Sa pamamagitan nito, mas maisasaalang-alang ang kakayahan at
pangangailangan ng bawat isa.

8. Paano maipapakita ang tamang ugnayan ng tao sa kaniyang pag-aari.


A. Sa pagmamayabang sa mga kakilala sa dami ng naimpok na pera.
B. Sa pag-iwas na maitali ang kaniyang halaga bilang tao sa kaniyang pag-aari.
C. Sa pagpapakita na may kakayahan siyang bumili ng mga mamahaling gamit.

9. Bakit magkaugnay ang pag-unlad ng sarili sa pag-unlad ng bayan?


A. Nakikilala at sumisikat ang mga taong umuunlad.
B. Mas madaling uunlad ang bansa kung maraming pera ang mga tao.
C. Ang pag-unlad ng tao at pagkakaroon ng kahusayan sa paghahanapbuhay ay may
mabuting dulot sa pag-unlad ng bansa.
10. Ang tunay na mayaman ay ang taong nakikilala ang sarili sa bunga ng kaniyang
paggawa. Hindi sa pantay-pantay na pagbabahagi ng kayamanan ang tunay na
kayamanan. Nasa pagkilos ng tao sa anumang ibinigay sa kaniya ang kaniyang
ikayayaman. Ano ang kahulugan ng pahayag na ito?
A. Ang tunay na mayaman ay hindi takot gumastos para sa sarili niya.
B. Naipakikilala ng tao ang kaniyang sarili sa husay niya sa paggawa.
C. Maipagmamalaki ng tao ang kaniyang sarili kapag mayaman siya.

11-15: Bilang isang kabataan, paano mo ilalarawan ang isang bansang may mabuting
ekonomiya?

11. __________________________________________________________________
12. __________________________________________________________________
13. __________________________________________________________________
14. __________________________________________________________________
15. __________________________________________________________________

2
Katangian ng Mabuting Eknomiya

Kung minsan, dumarating sa mga magkakapatid ang tanong na "Sino ang paborito ni
Nanay?" o "Sino ang paborito ni Tatay?" May halong inggit, kung minsan, ang pagpapabor ni
Nanay kay Ate o ang pagiging maluwag ni Tatay kay Kuya. Naghihinanakit naman si Ate dahil
sa tingin niya mas malapit ang kanilang mga magulang kay bunso. Naranansan mo na ba ito?
Kung oo, ano ang naramdaman mo? Ano ang naisip mo? Ano ang ginawa mo?

Sadyang magkakaiba ang mga tao. May magaling sa Math. May mahuhusay sa
pagguhit. Mayroong magaganda at makikisig ang katawan kahit hindi nag-eehersisyo.
Mayroon namang tabain at kailangang mag-ingat sa pagkain. Dahil sa pagkakaibang ito, hindi
maiiwasan ang paghahambing sa isa’t-isa. Nagkakaroon ng inggitan. Nagkakaroon din ng
pakiramdam ng pagiging mas angat sa iba. Natural ang ganitong pakiramdam. Subalit bago
lumalim ang pakiramdam at tumungo sa sama ng loob, marahil magandang balikan ang
karanasan at tingnang mabuti kung nagkulang ba ng pagmamahal ang ating mga magulang
o sadyang naghahangad lang tayo ng higit pa. Ang karanasan sa pag-ibig ng magulang ay
isang ekonomiya na hindi malayo sa ekonomiya ng lipunan.

Balikan

Ang pag-unlad ng isang lipunan ay hindi gawa ng pinuno. Gawa ito ng pagaambag ng
talino at lakas ng mga kasapi sa kabuuang pagsisikap ng lipunan. Kapuwa “boss” ang pangulo
at mamamayan. Tulad ng isang barkada walang sinuman ang nangunguna. Ang Lipunang
Politikal ay nagsasalarawan sa sistemang bumibigay pansin sa organisasyon, kaayusan, at
pamahalaan. Ito ay isang lipunan na kung saan ang iniisip ay ang kabutihang panlahat. Ang
ideya ay mabigyang prayoridad at pagpapahalaga ang mga ugnayan sa loob nito, at hindi ang
mga personalidad ang mahalaga.

“Boss naman ng pinuno ang taumbayan-


walang gagawin ang pinuno kundi ingatan,
payabungin, at paunlarin ang mga karapatan
at kalayaan ng mga tao sa bayan.”

Sabi nga ng dating pangulo na si Benigno Simeon Cojuangco Aquino III


o mas kilala sa tawag na PNOY
“Kayo (taumbayan) ang boss ko.”

3
“Boss” ng bayan ang pinuno, magtitiwala ang bayan sa pangunguna ng pinuno dahil
may nakikitang higit at dakila ang pinuno para sa kasaysayan at kabutihang panlahat. Gabay
sa ugnayang ito ang sa Prinsipyo ng Subsidiarity, tutulungan ng pamahalaan ang mga
mamamayan na magawa nila ang makakapagpaunlad sa kanila. Sisiguraduhin nito na walang
hahadlang sa kalayaan ng mga mamamayan mula sa mga pinuno sa pamamagitan ng pag-
aambag sa estado sa kanilang buwis, lakas at talino. Hindi panghihimasukan ng mga lider ng
pamahalaan kung paano mapauunlad ng mga mamamayan ang kanilang sarili.

Sa Prinsipyo ng Pagkakaisa, tungkulin ng mga mamamayan ang magtulungan at ng


pamahalaan ng magtayo ng mga akmang estruktura upang makapagtulungan ang mga
mamamayan. Tungkulin ng pinuno at ng taumbayan ang magtulungan tungo sa pag-unlad ng
lipunan.

Tala para sa mga Guro


Siguraduhing naituro na sa mga mag-aaral ang Lipunang Politikal,
kahalagahan ng Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa upang
maiwasan ang kalituhan sa pagsasagawa ng mga susunod na gawain.
Ipagpagtuloy ang paggabay/pagsubaybay sa mag-aaral habang
isinasagawa ang pagsagot sa mga pinatnubayang gawain para sa paksang-
aralin na nasa modyul na ito.

Tuklasin
Sa mga pilosopo isang debate ang tanong ukol sa pagkakapantay-pantay. Sa isang
panig, may nagsasabing pantay-pantay ang lahat dahil likha tayo ng Diyos, dahil tayo ay tao.
Sa kabilang panig, may nagsasabi rin namang hindi pantay-pantay ang mga tao. May mga
taong mayaman at patuloy na yumayaman at may mga taong mahirap at nananatiling
mahirap.

Para kay Max Scheler, bahagi ng pagiging tao ang pagkakaroon ng


magkakaibang lakas at kahinaan. Nasa hulma ng ating katawan ang
kakayahan nating maging isang sino.

Ang taong matangkad ay sadyang may pangunguna sa basketbol kaysa maliit. Ang
babae ay may mas taglay na karisma upang manghalina kaysa sa lalaki. May timbre ng boses
na hinahanap para sa radio. Idagdag pa rito ang iba pang aspekto ng kasinohan ng tao: ang
kaniyang kinagisnan, ng pagpapalaki sa kaniya, ang mga koneksiyon ng pamilya, ang
kaniyang lahi, relihiyon at iba pa Ang lahat ng ito ay naglalatag ng maaabot ng tao.

4
Ngunit sinasabi rin ni Scheler na dahil rin sa hindi pagkakapantay-pantay na ito,
kailangang sikapin ang pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng pagbabahagi ng yaman
ng bayan.

Halimbawa, hindi dahil maliit ang manlalaro ng basketbol hindi na siya kailanman
magiging mahusay at masaya sa kaniyang paglalaro Hindi maaabot ang naabot ng
matangkad ngunit mayroon siyang magagawa sa bukod-tangi niyang paraan na magpapaiba
sa kaniya sa matangkad. Kailangan lamang ng tiwala at pagkakataon.

Isa pang halimbawa, Maaring si Elmer ang pinakamagaling sa Math sa kanilang klase,
ngunit hindi ibig sabihin na si Elmer lamang ang tuturuan ng guro sa Math. Pagsisikapan pa
rin ng guro ituro ang mga aralin sa Math sa kapuwa mabilis matuto at sa mga mag-aaral na
kailangan ng ibayaong paggabay. Subalit upang higit pang mapaunlad ang husay ni Elmer
maaring bigyan siya ng dagdag na mga math problems na kaniyang pag-aaralan. Tugma ito
sa tinatawag ni Sto. Tomas de Aquino na prinsipyo ng proportion.

Prinsipyo ng Proportion- ang angkop na pagkakaloob ng naaayon sa


pangangailangan ng tao. Sa madaling salita, hindi man pantay-pantay ang
mga tao, may angkop para sa kanila. Kailangang maging patas ayon sa
kakayahan, ayon sa pangangailangan.

KAHULUGAN NG LIPUNANG PANG-EKONOMIYA

Ang Lipunang Pang-ekonomiya sa mas malikhaing pagtingin, ay ang pagkilos na


masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan. Pinapangunahan ito ng estado na
nangunguna sa pangangasiwa at patas na pagbabahagi ng yaman ng bayan. Ang ekonomiya
ay tulad lamang din ng pamamahala sa bahay. Hindi Pantay Pero Patas, ito ang Prinsipyo
ng Lipunang Pang-ekonomiya

Ang PANTAY ay tumutukoy sa parehong dami o bilang ng pares o grupo ng partikular


na mga bagay. Halimbawa, ang bawat pamilyang nasalanta ng bagyo ay binigyan ng
tigtatatlong kilo ng bigas. Pantay ang dami ng bigas na nakuha ng bawat pamilya, pare-pareho
silang may tigtatatlong kilo.

Ang PATAS ay tumutukoy sa kaukulang dami o bilang na nararapat tamasahin o


makuha. Halimabawa, sa halip na bigyan ng tigtatatlong kilong bigas ang bawat pamilyang
apektado ng bagyo, ang mga maliliit na pamilya ay nakatanggap ng mas kaunti habang ang
malalaking pamilya ay nakatanggap ng mas marami. Sabihin na nating sa bawat isang
miyembro ng pamilya ay katumbas ng isang kilong bigas na matatanggap. Kung gayon,
masasabi natin na ang pamamahagi ng dami ng bigas ay patas.

Ang ekonomiya ay galing sa mga Griyegong salita na oikos (bahay) at nomos


(pamamahala). Ito ay tulad din ng pamamahala sa bahay. May sapat na budget ang
namamahay. Kailangan itong pagkasyahin sa lahat ng gastusin upang makapamuhay nang
5
mahusay ang mga tao sa bahay, maging buhay-tao (humane) ang kanilang buhay sa bahay
at upang maging tahanan ang bahay. Ang lipunang pang-ekonomiya ay nagsisikap na
pangasiwaan ang mga yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan
ng tao. at kakayahan. Sinisikap gawin ng estado na maging patas para sa mga nagkakaiba-
ibang mga tao ang mga pagkakataon upang malikha ng bawat isa ang kanilang sarili ayon sa
kani-kanilang mga tunguhin at kakayahan. Bilang pabalik na ikot ang bawat mahusay na
paghahanapbuhay ng mga tao ay kilos na nagpapangyari sa kolektibong pag-unlad ng bansa.
Kung maunlad ang bansa, higit na mamumuhunan ang mga kapitalista na siyang lilikha ng
higit pang mga pagkakataon para sa mga tao, pagkakataon hindi lamang makagawa, kundi
pagkakataon ding tumaas ang antas ng kanilang pamumuhay.

Hindi lamang sariling tahanan ang binubuo ng mga tao sa loob ng Lipunang
Ekonomiya. Ginagawa rin nilang isang malaking tahanan ang bansa. Isang tunay na tahanan
o lugar kung saan maaring tumahan, huminto, manahimik, at pumanatag.

Suriin

Tinalakay natin ang mga katangian ng mabuting ekonomiya. Nalaman mo ang


kahalagahan ng pagkakapantay-pantay sa kabila ng pagkakaiba ng mga tao, sa
pamamagitan ng pagbabahagi ng yaman ng bayan. At kailangang maging patas ayon sa
kakayahan at pangangailangan.

Kung mayroon man tayong isandaang tinapay na dapat ipamigay sa


isandaang tao, ano ang pinakamabisang paraan ng pagbabahagi nito?
Bibigyan ba lahat ng tig-iisang tinapay o bibigyan ang mga tao nang
ayon sa kanilang hinihingi?

Batay sa ibinigay na sitwasyon sa itaas. Ano ang kinalabasan ng iyong pagsusuri batay
sa iyong natutuhan?

Sa ganitong sitwasyon, ano ba ang pinakamabisang paraan ng pamamahagi ng


tinapay? Kung ating babalikan ang prinsipyo ng proportion ni Sto. Tomas de Aquino ang
pinakamabisa at pinakamasinop na paraan ng pagbabahagi ay ayon sa huling batayan.
Bibigyan ang mga tao ng ayon sa kanilang hinihiling. Kailangang alamin ang sitwasyon, baka
may ibang busog o kaya naman ay mahinang kumain. Baka may ibang sakit o may mas
gutom. Sa ganitong pagkakataon maisasabuhay din natin ang Prinsipyo ng Lipunang
Pang-ekonomiya: Hindi Pantay Pero Patas.

Kung may hindi ka naunawaan, itala mo rin ito sa iyong kwaderno at linawin sa iyong
guro o sa nakatatanda na may kaalaman sa paksa.

6
Pagyamanin

Malayang Pagsasanay 1

Panuto: Sagutan sa iyong kuwaderno ang mga sumusunod na katanungan.

1. Magkano ang iyong baon sa loob ng isang araw?


2. Ano-ano ang iyong pinagkakagastusan sa iyong baon?
3. Sapat ba o hindi ang iyong natatanggap na baon? Ipaliwanag.
4. Panuto: Ano ang naidudulot ng kakulangan sa baon?
5. Kung hindi sapat ang natatanggap na baon, paano mo sinusolusyonan ang
kakulangang nito?

Malayang Pagtataya 1

Sagutin ang mga tanong ng bawat bilang. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Sa pangkalahatan, sapat ba ang kakayahan ng iyong mga magulang sa pagbubudget ng
perang kanilang hawak?
OO _____ HINDI ______ Pangatwiranan.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

2. Sa iyong sariling karanasan, mahirap ba ang magbudget ng perang hawak?


OO _____ HINDI ___ Pangatwiranan.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

3. Mahalaga bang matutuhan lahat ang tamang pamamahala sa perang kinikita?


OO _____ HINDI ___ Pangatwiran.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

4. Dapat bang mapangasiwaan nang wasto ang perang kinikita? OO _____ HINDI Ano ang
maaaring maidulot kung hindi maayos ang pangangasiwa sa perang kinikita?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

7
Malayang Pagsasanay 2

Ano ang nasa larawan? ___________. Saan ito


ginagamit? Ano ang kaugnayan o kahalagahan ng
larawan sa iyong buhay? Mahalaga ba ito sa pang-araw-
araw mong pamumuhay? Pangatuwiranan. Isulat ang
sagot sa anyong talata. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Malayang Pagtataya 2

Ayon kay Max Scheler- Bahagi ng pagiging tao ng tao ang pagkakaroon ng
magkakaibang lakas at kahinaan. Nasa hulma ng katawan ang kakayahan ng isang tao.

Ipaliwanag ang larawan batay sa dalawang kaisipan na ito:


• Ang mga pag-aari: Dapat Angkop sa layunin ng tao
• Hindi pantay pero patas: Prinsipyo ng lipunang pang-ekonomiya.

https://images.app.goo.gl/Ddq6MzY41DHAZ3wX7

8
Malayang Pagsasanay 3

Panuto: Gumawa ng poster ng isang lipunan na nagpapakita ng may magandang ekonomiya.


Gawin ito sa isang buong bond paper. Gamitin ang pamantayan sa ibaba sa
paggawa.

Pamantayan sa Paggawa ng Poster

Pamantayan Napakahusay Mahusay Nangangailangan


ng pagpapabuti
May kakulangan sa
Naipapakita at Hindi naipaliwanag
maayos na
naipapaliwanag nang nang maayos ang
Nilalaman pagpapaliwanag sa
maayos ang ugnayan ng ugnayan ng lahat ng
(20%) ugnayan ng lahat ng
lahat ng konsepto sa konsepto sa paggawa
konsepto sa paggawa
paggawa ng poster. ng poster.
ng poster.
Hindi maliwanag at
May kakulangan sa
Kaangkupan ng hindi angkop ang
Maliwanag at angkop sa mensahe sa
Konsepto mensahe sa
paggawa ng poster. paglalarawan ng
(20%) paglalarawan ng
konsepto.
konsepto.
May kakulangan sa
Pagkamapanlika Walang orihinalidad sa
Orihinal ang konsepto sa orihinal na konsepto o
(Originality) konsepto at paksa sa
paggawa ng Poster. paksa sa paggawa ng
(10%) paggawa ng poster.
poster.
May bahaging may
Kabuuang kakulangan sa aspeto Hindi maayos at malinis
Malinis at maayos ang
Presentasyon ng kalinisan at ang kabuuang
kabuuang presentasyon.
(25%) kaayusan ng kabuuang presentasyon.
presentasyon.
Hindi gaanong gumamit Hindi gumamit ng
Gumamit ng tamang
ng tamang tamang kombinasyon
kombinasyon ng kulay
Pagkamalikhain kombinasyon ng kulay ng kulay upang
upang maipahayag ang
(Creativity) upang maipahayag ang maipahayag ang
nilalaman ng konsepto
nilalaman ng konsepto nilalaman ng konsepto
ng mensahe.
ng mensahe. ng mensahe.

Malayang Pagtataya 3

Panuto: Mag-isip ng isang proyekto na nagpapakita ng pagiging patas sa kapwa. Gawin ito
sa iyong sagutang papel.

PROYEKTO: Lipunang Pang-ekonomiya

Pangalan ng naisip na Proyekto: _________________________________

Deskripsyon:
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

9
Isaisip

Panuto: Pumili ng mga salitang may kaugnayan sa lipunang pang- ekonomiya na nasa
loob ng kahon. Ilagay sa Bubble Web at ibigay ang nabuong konseptong may
kaugnayan sa lipunang pang-ekonomiya gamit ang mga gabay na katanungan.

pangangasiwa bahay pamamahala budget tahanan

pamilya kayamanan prinsipyo angkop estado

1. Ano ang kaugnayan ng mga salitang nasa bubble web sa lipunang pang
ekonomiya?

2. Mula sa mga salitang isinulat, Ibigay ang kahulugan ng lipunang pang-ekonomiya.

aa
Lipunang
Pang-Ekonomiya

a d

10
Isagawa

Panuto: Bumuo ng islogan tungkol sa magandang katangian ng ekonomiya. Ito’y hindi


dapat lumampas sa sampung salita. Sundin ang pamantayan sa ibaba.

10 7 4 1

Ang mensahe Di gaanong Walang


Medyo magulo
Nilalaman ay mabisang naipakita ang mensaheng
ang mensahe
naipakita mensahe naipakita

Maganda
Napakaganda Di maganda
Maganda at ngunit di
at napakalinaw at Malabo
malinaw ang gaanong
Pagkamalikhain ng ang
pagkakasulat malinaw ang
pagkakasulat pagkakasulat
ng mga titik pagkakasulat
ng mga titik ng mga titik
ng mga titik

Di gaanong
May malaking Kaunti lang Walang
may
kaugnayan sa ang kaugnayan kaugnayan
Kaugnayan sa kaugnayan sa
paksa ang ng islogan sa sa paksa
Paksa paksa ang
islogan. paksa ang islogan
islogan

Malinis na Di gaanong
Malinis ang Marumi ang
Kalinisan malinis ang malinis ang
pagkakabuo pagkakabuo
pagkakabuo pagkakabuo

11
Tayahin

Pagtataya 1

Panuto: Isulat ang X kung ang pahayag ay Tama at Y kung ang pahayag ay mali. Kung Y
ang iyong sagot salangguhitan ang maling konsepto na nagpamali sa
pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Bahagi ng pagiging tao ang magkaroon ng magkakaparehong lakas at kahinaan.

2. Ang bawat mahusay na paghahanapbuhay ng mga tao ay kilos na nagpapangyari


sa kolektibong pag-unlad ng bansa.

3. Ayon kay Max Scheler ang angkop na pagkakaloob ay ayon sa pangangailangan


ng tao.

4. Naipakikilala ng tao ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga


materyal na bagay na humuhubog sa kaniyang pagkatao.

5. Ang ekonomiya ay tulad lamang din ng pamamahala sa bahay.

6. Ayon sa prinsipyo ng proportion ni Sto. Tomas de Aquino, ang angkop na


pagkakaloob nang naaayon sa pangangailangan ng tao.

7. Ang Lipunang Pang-ekonomiya ay pinangungunahan ng isang diktador sa


pangangasiwa at patas na pagbabahagi ng yaman ng bayan.

8. Nasa pagkilos ng tao sa anumang ibinigay sa kaniya ang kaniyang ikayayaman.

9. Kung maunlad ang bansa, higit na mamumuhunan ang mga may capital na
siyang lilikha ng higit pang mga pagkakataon para sa mga tao ng pagkakataon
hindi lamang makagawa, kundi pagkakataon ding tumaas ang antas ng kanilang
pamumuhay.

10. Sinisikap gawin ng estado na maging patas para sa mga nagkakaiba-ibang mga
tao upang malikha ng bawat isa ang kanilang sarili ayon sa kani-kanilang mga
tunguhin at kakayahan.

12
Pagtataya 2

Panuto: Pagtambalin ang mga nasa hanay A sa hanay B upang malaman ang tinutukoy
na mga pahayag sa hanay A. Gawin ito sa pamamagitan ng linya na mag-uugnay
sa dalawa. Hanapin at kulayan ang inyong sagot sa crossword puzzle na nasa
ibaba. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

HANAY A HANAY B

1. Ayon ka Sto. Tomas De Aquino ito ay


ang pagkakaloob ng ayon sa Patas
pangangailangan ng tao.
2. Ayon sa kanya bahagi ng pagiging
tao ng tao ang pagkakaroon ng
magkakaibang lakas at kahinaan. Prinsipyo ng Proportio
Nasa hulma ng ating katawan ang
kakayahan nating maging isang sino.
3. Tumutukoy sa parehong dami o
bilang ng pares o grupo ng partikular Pantay
na mga bagay.
4. Tumutukoy sa kaukulang dami o
bilang na nararapat tamasahin o Lipunang Pang-ekonomiya
makuha.
5. Sa malaking pagtingin, ito ay ang
mga pagkilos na ang bawat bahay ay Max Scheler
maging tahanan.

CROSSWORD PUZZLE

M E R L N J K L M N
A X V I R E T H D N
X A S P A T A S A R
S T R U J R F H N O
C U I N E E F Y I K
H G M A N N L T L O
E H A N Y N I T O I
L K R G P A N G M T
E S I D H H D E A R
R A L G Y F A K A O
A F A H F Y H O N P
B G G N A K H N N O
B H J T D E Z O I R
Y D N G U T J M C P
Y A I M E E S I A G
P R I N S I P Y O N
D E E R E S T A K H

13
Karagdagang Gawain

Sumulat ng isang sanaysay hinggil sa maaring maitulong ng


isang kabataang tulad mo sa pagkakaroon ng mabuting
ekonomiya. Ang iyong sanaysay ay dapat buoin nang hindi baba
sa isandaang salita (100) ngunit hindi dapat lumagpas sa
isandaan at limampu (150).

Panoorin ang GMA News TV segment na “Saksi” sa link na


www.youtube.com/watch?v=cPmg8b1q3RM. Pagkatapos
mapanood, isulat sa sagutang papel ang iyong opinyon hinggil dito.

Kung sakaling walang acess sa internet, maaring magtanong sa mga


nakatatanda kung ano ang kalagayan ng ekonomiya ng bansang Pilipinas sa
pamamahala ni Pangulong Rodrigo R. Duterte.

Maaari kang magtala sa iyong kwaderno ng iyong mga natutuhan sa pinanood


at binasa. Ibuod ang iyong natutuhan, isulat mo ito sa iyong kwaderno.

Nawa’y marami kang natutuhan sa paksang ating tinalakay. Ngayon ay maaari


mo nang iwasto ang iyong mga sagot sa iba’t ibang gawain na iyong sinagutan.
Inaasahan ko pa rin ang iyong pagiging tapat sa pagwawasto.

Hangad ko ang iyong tagumpay. Tanggapin mo ang aking mainit na pagbati


sapagkat napagtagumpayan mo ang mga gawain sa modyul na ito. Hanggang sa muli
nating pagtalakay ng panibagong paksa. Mabuhay ka!

14
15
Subukin Pagyamanin Tayahin
1. C Pagtataya 1
2. C Ang tagapangasiwa na ang 1. Y, magkakapareho
3. C gagawa ng susi sa 2. X
4. C pagwawasto sa sumusunod na 3. Y, Max Scheler
5. A mga gawain: Malayang 4. Y, Pagkakaroon ng
6. C Pagsasanay 1, Malayang material na bagay
7. C Pagtataya 1, Malayang 5. X
8. B Pagsasanay 2, Malayang 6. X
9. C Pagtataya 2, Malayang 7. Y, Diktador
10. B Pagtataya 3, at Isaisip. 8. X
9. X
10. X
11-15 Ang Pagtataya 2
Sa Malayang Pagsasanay 3 at
tagapangasiwa na ang 1. Prinsipyong Proportio
gagawa ng susi sa Isagawa, ang pagmamarka ng 2. Max Scheler
pagwawasto. tagapangasiwa ay nakabatay 3. Pantay
sa pamantayan sa paggawa ng 4. Patas
islogan at poster. 5. Lipunang Pang-
ekonomiya
Karagdagang Gawain
Ang tagapangasiwa na
ang gagawa ng susi sa
pagwawasto.
Susi sa Pagwawasto
16
Sanggunian

Edukasyon sa Pagpapakatao 9. 2015. Modyul sa Pag-aaral. Manila: Vibal Publishing House.

Diaz, A. n.d. Pang –Interbensiyon na materyal sa Edukasyon sa pagpapakatao 9 p.d.

Maguire, Angus 2016 Illustarting Equality VS Equity interactioninstitute.org


https:// image app. googl.

http://www.inquisition.ca/en/polit/artic/solidarite.htm
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Region III


Learning Resource Management Section (LRMS)
Diosdado Macapagal Government Center
Maimpis, City of San Fernando (P)

You might also like